Wednesday, December 1, 2021

LGU Bayambang Accomplishments - November 2021

 

GOOD GOVERNANCE

 

Mga BNS, Game na para sa RCBMS

 

Nagsagawa ang Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) sa ilalim ni Dr. Rafael Saygo ng isang pulong sa Balon Bayambang Events Center noong November 4 para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ukol sa pagiging in-charge nila sa Barangay Portal ng Bayambang Restructured Community-Based Monitoring System o RCBMS. Ito ay sa pakikipagtulungan sa MPDC, ICT Office, LCR, at Nutrition Office. Layunin ng RCBMS na maging basehan ng tama at totoong datos upang mabigyan ng agarang solusyon ang mga partikular na problema kada barangay at iwasang masayang lang ang pondong inilalaan ng pamahalaan para rito. Masayang tinaggap naman ng mga BNS ang kanilang adisyunal na tungkulin.

 

Barangay LGUs, Patuloy ang Compliance sa Safety Seal Requirements

                  

Patuloy ang DILG, PNP, at BFP sa pag-iinspect ng iba't-ibang barangay LGU sa Bayambang upang tignan kung ang mga ito ay sumusunod sa mga patakaran upang magkaroon ng Safety Seal. Noong November 9, nag-inspeksyon sa Brgy. Bical Norte, Sancagulis, Telbang at Amancosiling Norte ang team nina MLGOO Royolita Rosario, PNP-Bayambang Chief Andres Calaowa Jr., at BFP-Bayambang OIC Chief SFO4 Randy Fabro. Matagumpay na nagawaran ng Safety Seal ang apat na barangay.

 

Dapat Tularan: SEE Staff, Nagsauli ng Napulot na Cellphone

 

Isinauli noong Nobyembre 9 ng Office of the Special Economic Enterprise staff na si Manuel Roldan ang isang cell phone na kanyang nagpulot habang nagroronda. Kaagad niyang kinontak ang may-ari na lubos ang pasasalamat sa nagbalik. Ayon kay S.E.E. head Gernalyn Santos, ang tulad ni Roldan ay magsilbi sanang ehemplo upang tularan ng lahat.

 

Personality Development Seminar, Isinagawa ng HRMO para sa mga Empleyado

 

Patuloy ang  administrasyong Quiambao-Sabangan sa paghubog ng kaalaman at personalidad ng bawat empleyado ng Munisipyo. Sa katunayan, nagdaos ng isang Personality Development Seminar ang Human Resource Management Office (HRMO) noong November 18 sa Balon Bayambang Events Center. Nilalayon ng seminar na tulungan ang mga empleyado na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay at pag-unlad ng personalidad upang makapagbigay ng total quality service sa mamamayan. Nagsilbing resource speaker si Pangasinan State University-Bayambang Campus, College of Arts and Technology Dean, Dr. Gudella M. Samson, at nagbigay naman ng inspirasyunal na mensahe si Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr.

 

                                     

ICT Officer, Nagbigay ng Orientation ukol sa SPMS

 

Nagsimula nang iimplementa ng LGU ang Strategic Performance Management System para sa mga empleyado ayon sa rekomendasyon ng Civil Service Commission sa Memorandum Circular No. 6, s. 2012. Dahil dito, nagconduct ng isang orientation si ICT Office head Ricky Bulalakaw noong Nobyembre 29 sa Niรฑas Cafe para sa lahat ng department at unit heads ng LGU upang malinawan kung paano pahusayin ang year-end report ng mga accomplishment at performance review na rekomendado ng CSC para sa lahat ng departamento ng LGU. Ang SPMS ay isang mainam na instrumento upang marebyu nang husto kung ang serbisyong hatid ng mga empleyado ng gobyerno para sa mamamayan ay naaayon sa itinakda ng CSC.

 

Ilang Annex Bldg. Offices, May Safety Seal Na Rin!

 

Tuluy-tuloy ang inspection team ng pamahalaan sa pag-issue ng Safety Seal sa mga establisimyento, pampubliko man o pribado, bilang pruweba ng pagsunod sa mga minimum health standards ng Department of Health. Para sa mga government facilities, naatasang maging inspektor sina Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario, PNP Bayambang Chief Andres Calaowa Jr., at Bureau of Fire Protection OIC Fire Marshall, SFO4 Randy Fabro. Noong November 19, nagawaran ng Safety Seal ang Municipal Budget Office, at noong November 24 naman ay ang General Services Office at Treasury Office ang matagumpay na pumasa sa lahat ng requirements upang makamit ang naturang seal.

 

 

 

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

 

LZBA, Nagpulong Ukol sa Iba't-Ibang Establisimyento

 

Noong November 3, ang mga miyembro ng Local Zoning Board of Appeals (LZBA) ay nagtipon sa Municipal Conference Room upang talakayin ang mga polisiya sa mga sumusunod na establisimyento: 1) proposed portable gas station, 2) proposed one-story commercial building (Citi Hardware), at 3) water refilling station. Naroon sa pagpupulong sina Councilor Amory Junio kasama ang mga department head. Sina Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr.; Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr.; at MPDO OIC Ma-lene Torio ang namuno sa pulong.

 

Assessor’s Team, Naglibot sa Cadre Site Dike Area

 

Kamakailan ay nagtungo ang Assessor’s Office sa dike area ng Brgy. Cadre Site upang magsagawa ng ocular inspection para sa verification of actual use ng mga real property sa lugar at kung mayroon mang naging improvement works sa mga ito. Kasabay nito ay nagconduct din ang team ng assessment at reassessment ng mga naturang properties sa parteng ito barangay.

 

Assessor's Office, Nag-Inspect ng mga Communication Tower ng Smart

 

Kamakailan din ay nag-inspeksyon ang Municipal Assessor's Office sa mga communication tower na itinayo ng Smart Communications sa iba't ibang barangay ng Bayambang. Ang inspection team ay nagsagawa ng appraisal of property at kasabay ng tax declaration ng nasabing mga ari-arian.

 

 

KSB Year IV Team, Dinayo ang Brgy. Beleng

 

Ang unang bugso ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) sa buwan ng Nobyembre ay ginanap sa Beleng Covered Court sa Brgy. Beleng noong November 5. Malayo man sa bayan ay masayang bumaba sa kasuluk-sulukan ng Bayambang ang KSB team upang iparating sa mga kababayan saa Beleng, Balaybuaya, at Macayocayo ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan. Tulad ng inaasahan, naging isang one-stop shop ang Covered Court sa iba't ibang serbisyong hatid ng Munisipyo, hindi lang medical services kundi lahat ng serbisyo sa iba pang departamento ng LGU. Gaya ng nasabi ni Vice-Mayor Raul Sabangan, ang KSB Year 4 ay “isang patunay na ang pangako ng administrasyong Quiambao-Sabangan ay hindi napapako at bagkus ay nagkakatotoo at ang mga ito ay panghabambuhay at pangmatagalan.”

 

KSB Team, Tumuloy sa Brgy. Bical Sur

 

Nagkaroong muli ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 sa paglalayon ng Team Quiambao-Sabangan na maipahatid ang mga serbisyo ng Munisipyo sa mga malalayong barangay. Sa pagkakataong ito, nagpunta ang LGU Bayambang sa Barangay Bical Sur Covered Court upang bigyang serbisyo ang mga taga-Brgy. Bical Sur, Bical Norte at Sancagulis. 

 

KSB Year 4, Dumako sa Bacnono

 

Bilang pagtatapos ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 ngayong taon, ay pinasaya naman ng team ang mga taga-Barangay Bacnono, Tambac, at Ataynan nang kanilang inilapit ang serbisyo ng buong munisipyo sa mga residente dito. Ito ay ginanap sa Bacnono Elementary School noong November 19. Ang mga barangay na ito man ang naging huling destinasyon ng grupo, siniguro pa rin ng LGU na hindi nagkulang o nabawasan ang kalidad ng mga serbisyong tinanggap dahil sa maayos, epektibo, at total quality service na pamumuno ng Team Quiambao-Sabangan.

 

“Go Digital,” Payo ni Mayor Quiambao sa mga LGU sa DTI Webinar

 

“Go digital. We have no choice.” Ito ang payo ni Mayor Cezar Quiambao sa lahat ng LGU sa bansa, kung nais mapabilis ang pag-unlad ng bayan, partikular na ang matulungan sa pagnenegosyo ang mga MSME o maliliit na negosyante. Ito ay kanyang ipinahayag bilang isa sa mga panauhing tagapagsalita sa isang webinar na inorganisa ng DTI Go Negosyo at MSMED Council noong November 25 sa panel discussion na pinamagatang “Good Governance: Tying Business and Policies to Thrive.”  Kapwa naging tagapagsalita sina DTI Undersecretary Blesila Lantayona, NEDA Assistant Secretary Carlos Bernardo Abad Santos, at Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Mamerto Tangonan. Sa kanyang diskusyon ay ibinida ni Mayor Quiambao ang mga ICT projects ng LGU Bayambang, kabilang ang integrated LGU computerization system, ang database ng Restructured Community-Based Monitoring System na ibinaba sa mga barangay, ang Bayambang Community Service Card na isang smart card, Data Management System para sa paperless internal transactions ng LGU, at ang e-Agro Ecosystems digital platform upang mapabilis na paunlarin ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.

 

CSO Desk, Nagpulong           

 

Ang mga miyembro ng Civil Society Organization o CSO Desk ng Bayambang ay nagpulong noong November 4 sa Municipal Conference Room, kung saan tinalakay ang mga sumusunod: ang Executive Order 23 s. 2021 na nagmamandato sa CSO Desk na magsumite ng accomplishment report ng mga CSO activities; ang pederasyon ng mga CSO, NGO, at people's organization o PO sa munisipalidad; ang pormulasyon ng isang CSO Governance Roadmap, at mga rekomendasyon para sa mga aktibidad na napapabilang sa "four areas of engagement" base sa DILG Memorandum Circular 2020-135. Naging presiding officer sa naturang pulong si Municipal Administrator at CSO Desk Focal Person, Atty. Raymundo Bautista Jr. Kabilang sa mga dumalo ay sina SB Secretary Joel Camacho, MPDO head Ma-lene Torio, Paralegal Officer Germaine Lee Orcino, Vilma Dalope ng Bayambang Municipal Association of Non-Government Organizations or MANGOs, at iba pa.

 

MANGOs, "Pinakamalaking CSO Federation sa Pangasinan" Ayon Kay Mayor CTQ

               

Noong November 8 sa Events Center, dumalo sa General Assembly ang mga presidente ng iba’t ibang grupo na miyembro ng Municipal Association of Non-Governmental Organizations o MANGOs mula sa lahat ng 77 na barangays ng Bayambang. Sa pambukas na programa, nagbigay pasasalamat si MANGOs President Vilma Dalope sa walang sawang suporta ng pamunuan ng Team Quiambao-Sabangan sa kanilang organisasyon sa kanilang layunin na boluntaryong makatulong sa mga mamamayan ng Bayambang. Bilang panauhing pandangal, nabanggit naman ni Mayor Quiambao na ipinagmamalaki niya ang mga NGOs sa Bayambang sapagkat ang MANGOs ang may pinakamalaking bilang ng accredited na grupo sa buong Pangasinan.

 

 

Coun. Benjie de Vera, bagong Presidente ng Rotary Club of Bayambang

 

Opisyal na itinalaga bilang bagong Presidente ng Rotary Club of Bayambang si Councilor Benjie Solis De Vera sa 20th Induction and Turnover Ceremonies na ginanap sa Gina’s Event Garden noong November 10, 2021. Ang Rotary Club of Bayambang ang isa sa mga organisasyon na katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Bayambangueรฑo.

 

                                                              

CSO Desk, Nakipagdayalogo sa TODA

 

Sa inisyatibo ni Municipal Administrator at Civil Society Organizations (CSO) Desk Focal Person, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., at pag-oorganisa ng Municipal Association of NGOs (MANGO), nakipagdayalogo ang LGU sa mga presidente ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) noong November 13 sa Events Center. Kasama sina Vice-Mayor Raul Sabangan, Municipal Councilors, POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, LTO, MPDO, at PNP, tinalakay dito ang EO. No. 23 na ukol sa CSOs at ang papel at adhikain ng CSO Desk ng LGU para maisulong ang partisipasyon ng lahat ng sektor sa mga gawain ng pamahalaang bayan. Natalakay din ang samut-saring isyu na nais ipabatid ng mga presidente ng TODA sa lokal na pamahalaan tulad ng rerouting sa daan, renewal of license, at iba pa.

 

 

HEALTH

 

Breastfeeding Station, Binuksan sa Old Municipal Hall

                            

Bilang pagsunod sa Magna Carta for Women, Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, at First 1,000 Days Program ng National Nutrition Council ng DOH, nagbukas ng breastfeeding station ang RHU 1 at Nutrition Office, kasama ang HRMO, sa ground floor ng Old Municipal Hall noong November 5, para sa mga empleyado ng LGU na lactating mothers. Ito ay maaaring gamitin upang maging breast milk extraction station kung saan maaaring iimbak ng mga lactating mothers ang kanilang breast milk para sa kanilang sanggol.

 

 

Veterinary Team, Muling Nag-ikot para sa Anti-Rabies Drive

 

Patuloy ang grupo ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, sa pagsasagawa ng massive anti-rabies vaccination sa iba’t ibang barangay upang maprotektahan ang bawat mamamayang Bayambangueรฑo sa mga kaso ng rabies death. Ang rabies ay isang sakit na hindi nagagamot. Nitong November 10 at 12 ay nagtungo naman sila sa mga barangay ng Mangayao, Bical Norte, Bical Sur, at Sancagulis.

 

National Vaccination Day sa Bayambang, Naging Matagumpay

                     

Naging matagumpay ang implementasyon ng Task Force Bakuna ng Bayambang sa National Vaccination Day. Ito ay ginanap mula November 29 hanggang December 1 sa limang venues: ang harap ng Munisipyo, Pugo Vaccination Center, Pantol Evacuation Center, Sanlibo Covered Court, at Macayocayo Covered Court. Ang aktibidad ay binisita nina Department of Health (DOH) Assistant Secretary Maylene Beltran at DOH Assistant Regional Director Marwin Bello. Mayroong 10,048 ang sumatotal na nabakunahan, kabilang ang mga kabataan edad 12 to 17 years old.

 

Babala: "Huwag Gawing Laruan ang Alagang Aso"

 

Ayon naman sa ating Animal Bite Treatment Center (ABTC), narito ang kinahinatnan ng ilang residente dahil sa pakikipaglaro sa alagang aso. Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, mayroong 20 new cases at 22 ongoing treatments noong November 23, at ang ABTC ay nakagamit ng 21 vials ng iniksyon na nagkakahalaga lahat ng P25,200 sa loob lamang ng isang araw. Nagkaroon din 16 info campaigns ukol sa rabies at pati na rin sa COVID vaccines. Muli, mariing pinapaalalahanan ang lahat na ang kagat ng aso, pusa, o daga ay maaaring mauwi sa rabies kung hindi naagapan. Ang rabies ay walang gamot, at ito ay nakamamatay.

 

MANGOs, Muling Isinulong ang Fitness Program

 

Noong Nov. 13, ang Bayambang Extreme Riders Club, Fraternal Alliance of Bayambang, kasama ang PNP-Bayambang ay nakilahok sa grupo ng ZumBayambang sa isang mass Zumba dancing na inorganisa ng Municipal Association of NGOs sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang aktibidad ay parte ng health and wellness program ng MANGOs, sa pakikipag-ugnayan sa Civil Society Organizations Desk ng LGU.

 

 

EDUCATION

 

UMak, Nag-donate ng Uniform at School Kits sa Tanolong ES; Pagtayo ng Community College sa Bayambang, Napag-usapan

                              

Kasama si Mayor Cezar Quiambao at Coun. Benjie de Vera, tinanggap ng mga representante ng Tanolong Elementary School ang mga donasyong school uniforms, PE uniforms, at school kits mula sa University of Makati sa Turnover Ceremony sa Niรฑas Cafรฉ ngayong ika-9 ng Oktubre, 2021. Sa kanya mensahe, inanunsyo ni Mayor Quiambao ang kanyang plano na magtatag ng isang Community College sa bayan, dahil makatutulong ito sa pag-unlad ng bayan. Nangako naman si UMak OIC-President, Dr. Elyxzur C. Ramos, na tutulungan niya si Mayor Quiambao at ang buong Lokal na Pamahalaan sa pakay ito.

 

LSB, Nagpulong Ukol sa SEF Expenditure

 

Sa isang pulong sa Ninas Cafe kamakailan, tinalakay ng Local School Board ang mga programang pang-edukasyon, at isa rito ay ang ukol sa paggasta sa Special Education Fund. Ayon sa Budget Office, ang SEF ng LGU Bayambang ngayong 2021 ay nagkakahalaga ng P5M, at bukod pa rito ay may supplemental budget na P1.5M kung saan kasama rito ang IDINONATE na buong suweldo ni Mayor Quiambao sa loob ng isang taon. (Ang pagdodonate na ito ng kanyang buong suweldo ay nagsimula pa noong 2016.) Ang SEF at supplemental budget ay napunta sa mga bagay na hiniling ng mga pinuno ng DepEd Bayambang I at II gaya ng office supplies, tablets, handheld radios, LED TV, handwashing facilities, Alternative Learning System materials, suweldo ng SPED teachers at security guards, desktops, laptops, air-con, pocket wi-fi at router, vitamins para sa teachers, printing materials, at printer with copier.

 

 

LIVELIHOOD & EMPLOYMENT

 

DOLE, Namahagi ng Nego-Kart sa 25 na Bayambangueรฑo

 

Noong ika-2 ng Nobyembre sa Balon Bayambang Events Center, nagpamigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 25 Negosyong Kariton o Nego-Kart sa mga Bayambangueรฑong nawalan ng kabuhayan nang sumiklab ang pandemya sa bayan. Ito ay bilang parte ng sariling Sustainable Livelihood Program (SLP) ng lokal na pamahalaan para sa mga hindi miyembro ng 4Ps, sa pakikipagtutulungan ng Municipal Employment Service Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team. Dito ay ibinalita rin ni DOLE Central Pangasinan Field Office head Agnes Aguinaldo na may P2M additional grant na nakalaan para sa Bayambang, bukod pa sa Nego-Karts.

 

 

10 Ready-to-Lay Chicken Cages, Ipinamahagi ng KKBSFI sa ANCOP Ville

 

Noong November 4, nagkaroon ng ocular inspection sa ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis, upang mamonitor ang progreso ng implementasyon doon ng Project ITLOG ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI). Kasama ng KKSBFI ang Agriculture Office, Social Welfare and Development Office, BPRAT, at mga pribadong agri consultants ni Mayor Cezar Quiambao. Sa okasyong ito ay nagpamahagi ang KKSBFI ng 10 na ready-to-lay chicken cages. Nagsagawa rin dito ng orientation tungkol sa pamamahala ng pag-aalaga ng manok, sa tulong ng UNAHCO at DCS Trading.

 

Mushroom Production Project, Ikinasa sa Brgy. Inirangan

 

Noong November 4, sinimulan ang tatlong araw na training sa Mushroom Production para sa mga miyembro ng KALIPI sa Brgy. Inirangan, sa pag-oorganisa ni KALIPI Chairwoman Jocelyn Espejo at sa pangunguna ng Kasama Kita sa Barangay Foundation sa tulong ng Agriculture Office, Social Welfare and Development Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, at mga pribadong agri consultants ni Mayor Quiambao. May 25 na kababaihan ang natuto ng mga bagong kaalaman sa pag-aalaga ng oyster mushroom at volvariella mushroom. Matapos ang training, nakatakdang pahiramin ng KKSBFI si Gng. Espejo ng pondo para maging start-up capital at para sa konstruksiyon ng mushroom production facility at mga gagamiting tools at equipment.

 

Level-Up Value-Added Production Training para sa Cassava Farmers

 

Noong November 10, nag-organisa ang Municipal Agriculture Office, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at Bayambang Poverty Reduction Action Team ng Cassava Production and Utilization Training sa Brgy. Ambayat 2nd Covered Court, sa pakikipagtulungan sa Charoen Pokphand Foods Philippines Corp. at Department of Agriculture-Regional Field Office 1. Ito ay dinaluhan ng 31 farmer-members ng Cassava Production and Value Adding Project mula sa Ambayat 1st at Cassava Flour Production Project mula sa Ambayat 2nd. Layunin ng training na madagdagan pa ang kaalaman ng mga magsasaka sa pagggawa ng value-added cassava products.

 

MCDO, Nagbigay ng Tips sa Bagong Grupong Nais Maging Kooperatiba

 

Walang sawa ang Municipal Cooperative Development Office sa paghihikayat sa mga kababayan na bumuo ng kooperatiba bilang isa sa mga paraan upang mapabuti ang kabuhayan ng mga miyembro.  Noong November 11, nagbigay ng briefing ang MCDO sa isang bagong grupo - ang Emmanuel Consumers Cooperative ng Brgy. San Vicente – at sila ay binigyan ng tips kung paano mag-organisa at maging isang ganap na kooperatiba.

 

Bongato East Yema Producers, Pinulong

 

Nakipagpulong ang mga miyembro ng Aangat Tayo Sustainable Livelihood Program Association of Bongato East sa technical working group ng LGU noong November 12 sa Bongato East Barangay Hall, upang pag-usapan kung paano matutulungan ang SLPA na ma-improve ang labelling at packaging ng produkto nilang yema. Nabanggit ng naturang SLPA na nais nilang mairehistro bilang kooperatiba, magkaroon ng production area, ma-enhance ang kanilang production skills, at magkaroon ng value-adding product. Nangako naman ang LGU na gagabayan ang SLPA para sa training at iba pang aspeto ng pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

 

Ikatlong TUPAD Pay-out, Isinagawa sa Alinggan

 

Noong November 17, muling nagkaroon ng payout para sa Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Displaced Workers (TUPAD), ang emergency employment program ng Department of Labor and Employment (DOLE), at ito ay ginanap sa Brgy. Alinggan. Ang programang ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ng LGU Bayambang sa opisina ng DOLE at kay Sen. Risa Hontiveros. Ang payout ay inorganisa ng Municipal Employment Services Office sa tulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team. Dumalo sa programa sina Vice-Mayor Raul Sabangan ang kinatawan ni Sen. Hontiveros, DOLE Central Pangasinan Field Office 1, at Municipal Councilors.

 

Yema-Making Production ng Aangat Tayo SLPA, Muling Babangon

 

Noong Nov. 20, muling nagkaroon ng yema-making production ang Aangat Tayo Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) ng Brgy. Bongato East sa kanilang Barangay Hall. Ito ay upang mas mapag-aralan ang mga hakbang na maaari nilang isagawa para mabigyang solusyon ang mga problemang kinahaharap ng kanilang organisasyon.  Inaasahan na sa lalong madaling panahon ay muling aarangkada sa merkado and kanilang mga produkto.

 

MCTQ, Panauhing Pandangal sa Anibersaryo ng Radiant Dragon Consumers Cooperative

 

Noong November 20, naging panauhing pandangal si Mayor Cezar Quiambao sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Radiant Dragon Consumers Cooperative sa Balon Bayambang Events Center. Naroon sa programa ang mga opisyales ng Radiant Dragon kabilang si Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr.  Naroon din bilang panauhin si Cooperative Development Authority Regional Director, Dr. Josefina Bitonio.

 

SLPAs, May Booth sa Paskuhan sa Bayambang

 

Ang lahat ng aktibong SLP Association ng Bayambang ay binigyan ng booth sa Paskuhan sa Bayambang upang ibenta ang kanilang kanya-kanyang produkto, kabilang ang yema candy, pigmented rice, rags, ice cream, cassava cake, at longganisa. Inaanyayahan ang publiko na tangkilikin ang mga produktong ito na sariling atin.

 

 

OTHER SOCIAL SERVICES

 

 

Social Pension ng Indigent Seniors para sa 2Q 2021, Ipinamahagi

               

Tinanggap ng mga rehistradong indigent senior citizens ang kanilang social pension para sa second quarter ng taong 2021. Sa pangunguna ng DSWD, kasama ang MSWDO, ay ginanap ang payout sa Balon Bayambang Events Center noong November 9 hanggang November 12. Ang listahan ng mga benepisyaryo ay na-validate ng DSWD National Household Targeting for Poverty Reduction. Nasa 3,408 pensioner’s ang nakatanggap sa payout na ito.

 

 

29th National Children’s Month, Ipinagdiwang

 

Noong November 19, muling ipinamalas ang angking talento at galing ng mga kabataang Bayambangueรฑo sa pagdiriwang ng 29th National Children’s Month. Ang selebrasyong ito ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office at ginanap sa Royal Mall sa temang "New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan!” Sa okasyong ito, ay idineliver ang taunang State of the Children’s Address si Mayor Cezar Quiambao kung saan inilahad niya ang lahat ng proyekto at aktibidad ng LGU para sa benepisyo ng mga kabataan ng Bayambang.

 

MANGOs, Salamat Muli sa Tiwala

                                       

Walang humpay ang mga CSOs, sa inisyatibo ng Bayambang Municipal Association of NGOs, sa pag-iisip ng paraan upang makatulong kasama ang LGU para sa mga kapwa Bayambangueรฑo dahil alam nilang limitado ang kakayahan ng lokal na pamahalaan kung dito lamang iaasa ang lahat ng pangangailangan. Higit sa lahat, ito ay dahil sa kanilang tiwala sa mabuting pamamahala ng Team Quiambao-Sabangan at buong suporta sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan ni Mayor Cezar Quiambao. Noong Nov. 20, ang grupo ay nagsagawa ng feeding activity at free medical checkup, at namigay ng gamot at vitamins sa Muslim community ng Brgy. Telbang, sa tulong ng Balon Bayambang Water Refilling Stations Association President Virgil de Vera, RHU 2, Nutrition Office, PNP Bayambang, at Telbang Barangay Council.

 

Salamat, Bayambang Bayanihan Lions Club!

 

Ang pagtulong sa kapwa, gaano man kaliit sa paningin, ay maaaring malaking bagay na upang magdulot ng pagbabago sa kanyang buhay. Ito ay pinatunayan ng grupong Bayambang Bayanihan Lions Club, na miyembro ng Bayambang Municipal Association of NGOs at pinamumunuan ng kasalukuyang Presidente na si Engr. Eulito Junio. Ang grupo ay nagbigay kamakailan ng tulong pinansyal sa isang breast cancer patient, tumor patient, at kidney patient na pawang mga taga-Bayambang. Maaming salamat po, Bayambang Bayanihan Lions Club!

 

Children's Assembly 2021, Idinaos

 

Idinaos ang Children's Assembly para sa taong 2021 sa Events Center noong November 25. Sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Local Government Operations Office, layunin nito na tipunin ang mga kabataan sa Bayambang upang pag-usapan ang mga iba't ibang isyu at maaaring programa para sa mga bata. Kasabay nito ay ginanap ang eleksyon ng Bayambang Children's Association kung saan inihalal bilang Presidente ng asosasyon si Malachi S. Junio ng Brgy. Cadre Site.

                          

Anti-Bullying Campaign at Drug Awareness Program, Isinagawa

 

Muling isinagawa ang Anti-Bullying Campaign at Drug Awareness Program noong November 25 sa Events Center sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office. Layunin ng aktibidad na magbigay sa mga kabataan ng impormasyon tungkol sa mga maaaring idulot ng paggamit ng droga, pati na rin ang mga maaaring maging epekto ng bullying o pang-aapi. Dito ay nakilahok ang 115 na mga kabataan mula sa iba't ibang barangay. Kasama sa mga naglecture ukol sa bullying at drug awareness sina Bayambang Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez at Atty. Sherwin D. Flores ng Public Attorney's Office, San Carlos.

 

 

POPDEV Summit, Idinaos

 

Idinaos ang Population and Development Summit 2021 para sa mga Barangay Service Point Officers (BSPOs) noong November 24 sa Events Center sa pangunguna ng Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development Office. Dito ay tinipon ang mga City/Municipal Population Officers at BSPOs upang pagtibayin ang kanilang pagsasama at ang kanilang pangako para sa maayos at epektibong implementasyon ng population management program sa gitna ng pandemya.

 

 

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

 

 

POSO, Nag-Asiste sa BDH Vaccination para sa Kabataan

 

Patuloy ang POSO sa pakikipagtulungan sa iba’t-ibang aktibidades sa bayan na nangangailangan ng pagpapatupad ng mga alituntunin bunsod ng pandemya. Noong Nov. 13 ay nakiisa ang mga tauhan ng POSO sa pamumuno ni Ret. Col. Leonardo F. Solomon sa pag-asiste sa mga edad 12 to 17 taong gulang na nagpapabakuna sa Bayambang District Hospital. Nakaalalay ang mga tauhan ng POSO sa higit na 800 na kabataang pumila, at siniguro din nila na naging maayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar dahil sa pagdagsa sa nasabing aktibidad. Patuloy din ang POSO sa pagpapaigting ng pagpapatupad sa health protocols sa iba pang mga aktibidad, gaya ng DSWD pension pay-out at community pantry ni Mayora Niรฑa Jose-Quiambao sa mga barangay.

                                                                                                                                          

 

TOURISM,CULTURE & ARTS

 

Kahalagahan ng Sining at Kultura, Inalala sa Selebrasyon ng SingKapital 2021

 

Ang pag-alala sa nakaraan at pagpapa-unlad ng kultura ang layunin sa naging selebrasyon ng SingKapital 2021 noong ika-15 ng Nobyembre sa Balon Bayambang Events Center. Nanguna sa pag-organisa ng taunang selebrasyon si Municipal Supervising Tourism Operations Officer, Dr. Rafael L. Saygo, upang alalahanin ang papel ng Bayambang sa kasaysayan bilang pang-lima at pang-huling kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas. Ang Bayambang ay kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, at isa ang Socio-Cultural Development sa mga sektor dito bilang pagkilala sa papel ng kultura at ng kasaysayan sa pagbuo ng maayos na kinabukasan sa bayan. Naroon rin upang magbigay ng suporta sa programa sina Vice-Mayor Raul Sabangan, mga myembro ng Sangguniang Bayan, mga LGU department heads, at mga myembro ng iba’t ibang sektor tulad ng edukasyon.

 

Bayan, Muling Nagliwanag sa Paskuhan sa Bayambang 2021

 

Noong November 15 ay muling nagliwanag ang bayan sa pailaw na handog ng pamilya Quiambao at ng KKSBFI, at sa pag-organisa ng Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office na pinamumunuan ni Supervising Tourism Operations Officer, Dr. Rafael Saygo. Kabilang sa mga aktibidad sa Paskuhan sa Bayambang 2021 ang Mercato o night market, libreng tawag sa mga kamag-anak, S-pass assistance, live band tuwing Biyernes, raffle draw para sa mga bakunadong Bayambangueรฑo tuwing Biyernes, at "Beauty & the Beast" Live Performance sa Events Center tuwing Biyernes at Linggo. Ang Paskuhan sa Bayambang 2021 ay may temang “Panangaro tan Ilalo: Liwanag ng Paskong Bayambangueรฑo.” Bukas ang Municipal Plaza sa mga bisita hanggang 10PM gabi-gabi.

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION

 

Libreng Binhi, Ipinamahagi sa 625 na Magsasaka

 

Sa gabay ni Mayor Cezar T. Quiambao ay ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office at ni Rice Coordinator, Mr. Jordan Junio, ang libreng binhi ng palay na hybrid/inbred para sa dry season sa 625 na magsasakang Bayambangueรฑo na nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA). Ang libreng binhi ay nagmula sa Rice Seeds Assistance ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at Department of Agriculture Regional Field Office.

 

Mga Alagang Hayop sa Ambayat 1st, Binakunahan

 

Bilang parte ng massive anti-rabies vaccination program ng Municipal Agriculture Office, nagtungo ang grupo ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, sa Brgy. Ambayat 1st kung saan binakunahan ng team ang 58 na mga alagang aso ng mga residente doon. Layunin ng programa na maprotektahan ang mga Bayambangueรฑo mula sa rabies at siguruhin ang kaligtasan ng bawat isa sa nakamamatay na sakit.

 

1st Batch ng RiceBIS Farmers, Pinulong para sa Unang Assessment

 

Matapos makagraduate sa Farmers Field School ang first batch ng mga kasapi ng RiceBIS sa Bayambang, tinipon sila para sa kanilang 1st General Assembly sa Brgy. Warding Covered Court sa pag-oorganisa ng PhilRice, sa pakikipag-ugnayan sa MAO, BPRAT at kay Agriculture Consultant Maricel San Pedro. Dito ay inassess ang mga RiceBIS graduates kung nasunod nila ang mga naituro at kung ano ang naging benepisyo sa kanilang pagsasaka, katulad ng yield increase at pagbawas sa paggamit ng kimikal. Ipinakita rin sa kanila ang naging resulta ng binuo na grupo na RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative na negosyo ang pangunahing trabaho, ang paggawa ng buro, boneless bangus, at iba pang produkto.

                                    

Season-Long FFS on Corn Integrated Crop Management, Inilunsad sa Ligue

 

Inilunsad ng Municipal Agriculture Office ang isang pagsasanay na pinamagatang "Season-Long Farmers' Field School on Corn Integrated Crop Management" sa Brgy. Ligue noong Nov. 11. Layunin ng naturang training na madagdagan ang kaalaman ng mga corn farmers sa mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng mais lalung-lalo na ang Nutrient Management at Integrated Pest Management. Ang aktuwal na training ay gaganapin kada isang linggo mula November 18, 2021 hanggang March 2022.

 

 

JICA Advisor ng DA, Bumisita

 

Noong November 19, bumisita sa Bayambang ang Japan International Cooperation Agency (JICA) Advisor ng Department of Agriculture, kasama ang mga opisyal ng PhilRice RiceBIS Community Program, upang tingnan ang produksiyon, pag-aani, at pagbenta sa merkado ng mga magsasakang kaanib sa programang RiceBIS. Ang bisita ay si G. Yasunori Araki, at ito ay naghahanap ng potensyal na project site para sa isang two-stage drying system.

 

DA-RFO1, Namigay ng Libreng Inputs para sa Wawa Onion Demo Farm

 

Noong November 22, nagpamigay ang Department of Agriculture Regional Field Office 1 ng kumpletong set ng farm inputs para sa isang onion demonstration farm sa Brgy. Wawa. Ayon sa Municipal Agriculture Office, ang mga farm inputs -- kabilang ang teknolohiya, seeds, fertilizer, at pesticides -- ay ipamamahagi sa farmer-cooperator na si Sandy de Vera. Ang demo farm ni De Vera ay may 3,000 sqms na lawak at nakatakdang taniman ng apat na variety ng sibuyas for demonstration purposes.

                                                                 

Farmers Field School, Dinala sa Pantol

 

Noong Nov. 26, dinala ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice ang kanilang Farmers Field School sa Brgy. Pantol. Tinatayang may 100 na participant farmers sa FFS na ito. Ang Farmers Field School ay parte ng Rice Business Innovation System project ng PhilRice.

 

Progress Report | Biological and Soil Laboratory, Brgy. Manambong Parte

 

Kahapon ay ininspeksyon ni MDRRMO head Genevieve Benebe ang construction site at delivery ng mga materyales para sa Biological and Soil Laboratory na ipapatayo sa tabi ng Manambong Parte Evacuation Center. Ang laboratoryo ay malaking tulong sa mga magsasaka upang madiagnose ng tama ang anumang problema sa kanilang lupang sakahan at maremedyuhan din ng kaukulang solusyon.

 

ECONOMIC DEVELOPMENT

 

 

 

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

 

Road Clearing Operations, Tuloy ang Implementasyon

 

Sa ngalan ni Mayor Cezar Quiambao, pinulong ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., ang mga miyembro ng Municipal Road Clearing Operations Task Force sa pamumuno ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, noong Nov. 18 sa Mayor's Conference Room. Dito ay tinalakay ang pagpapatuloy ng implementasyon ng Road Clearing Operations na direktiba ng national government simua noong nakaraang taon dahil sa bagong umiiral na Alert Level Community Quarantine System. Ipinabatid ni Atty. Bautista na ayon sa DILG Memorandum Circular 125 series of 2021, na inisyu noong Nobyembre 4, 2021, ang Road Clearing Operations ng pamahalaan NATIONWIDE ay magbabalik sa FULL IMPLEMENTATION, kaya't inaabisuhan ang lahat ng lumalabag sa road clearing policy na sumunod sa direktiba ng Pangulo upang hindi mauwi sa demolisyon ang mga nakahambalang na istraktura.

 

 

Narito naman ang mga latest projects ng Engineering Office.

 

Completed: Construction of Farm to Market Road in Brgy. Bacnono under 2021 20% Development Fund

 

Completed: Upgrading of E. Luna-Junction Quezon Blvd. Roadline in Brgy. Poblacion Sur/Cadre Site under 2021 20% Development Fund

 

Progress Update | Construction of Julius K. Quiambao Medical & Wellness Center

 



ENVIRONMENTAL PROTECTION

 

 

 

DISASTER RESILIENCY

 

Mga Bayambangueรฑo, nakiisa sa 4Q ONSED

 

Noong November 11, ginanap ang 4th Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o ONSED, at gaya ng dati ay nanguna sa pakiisa sa aktibidad ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Ang opisina ang nagmonitor sa bawat eskwelahan at barangay sa Bayambang na nakibahagi sa aktibidad na nagsusulong na gawing regular ang earthquake drill para sa kahandaan ng lahat pagdating ng mga ‘di inaasahang sakuna.

 

๐— ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—ข, N๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ฐ ๐Ÿฎ-W๐—ฎ๐˜† ๐——๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ผ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

 

Noong November 25, nagsagawa ng training sa Basic 2-Way Digital Radio Operation ang Korbmatech Enterprises sa pangunguna ni Engr. Eric S. Evalla at sa tulong ni G. Edward Y. Gallarde ng One Document Corp. para sa MDRRMO head at staff. Layunin ng training na ito na maturuan kung paano ang tamang paggamit ng 2-way digital radio upang makatulong sa mabilisan o agarang pagresponde sa anumang sakuna. Isa rin ito sa mahalagang bagay na kailangan ng isang responder upang mas mapabilis ang komunikasyon at pagrescue.

 

 

 

 

AWARDS & RECOGNITION

 

Ms. Bueno, 1st Runner-Up MNAO ng Rehiyon Uno

 

Nagwaging first runner-up si Bayambang Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno, sa ginanap na “Gawad Parangal sa Nutrisyon,” na taunang idinaraos ng National Nutrition Council Regional Office I, nitong Nov. 26 sa San Fernando, La Union. Naging finalist naman si Bacnono Barangay Nutrition Scholar Gng. Marcelina Macaraeg sa gawad parangal na ito. Binigyan din ng dalawang special award ang LGU-Bayambang bilang “Nutrition Champion During the Covid-19 Pandemic” at “Special Award as First 1000 Days Adopter.” Congratulations, Ma'am Bueno at sa buong Nutrition Section! Congratulations, Team Quiambao-Sabangan, sa todong suporta sa nutrisyon at kalusugan ng ating mga kabataan!

                                             

Kawani ng LGU, Wagi sa Short Film Contest ng DILG

 

Isa na namang kabataang Bayambangueรฑo ang nag-uwi ng karangalan sa bayan, sa ginanap na Constitutional Reform (CORE) National Youth Summit ng DILG-Center for Local and Constitutional Reform.  Siya ay si Michael Louie Iglesias, isang video editor ng LGU Bayambang, na siyang itinanghal na kampeon sa ginanap na Virtual Awarding Ceremony via Zoom video nitong November 25. Ang kanyang short film ay dumaan muna sa regional level at napiling pambato sa national level kung saan nasungkit niya ang kampeonato. Sa kasalukuyan ay isa ring siyang Sangguniang Kabataan Secretary ng Brgy. Nalsian Norte. Mula sa LGU Bayambang, isang maiinit na pagbati, G. Iglesias!

           

 

Mayor Quiambao, Honored Anew as Local Chief Executive of the Year

 

Mayor Cezar T. Quiambao is among this year's recipients of the Honorary Local Chief Executive of the Year (2021) Award -- formerly the Most Outstanding Mayor Award -- by the international award-giving body Superbrands. Congratulations once again, Mayor Cezar Quiambao! We are very proud of you!

 

 

No comments:

Post a Comment