EDITORIAL
May
Trabaho sa Turismo
Akmang-akma
ang tema ng Tourism Week Celebration sa taong ito, at ito ay “Tourism &
Jobs: A Better Future for All.” Dahil dito, mapapaisip tayo kung paano nga ba
nagdudulot ng kabuhayan ang turismo.
Nakita po natin kung ilang libong katao
buwan-buwan ang dumadalaw sa ating St. Vincent Ferrer Prayer Park kahit di pa
ito natatapos. Matatandaang ang Prayer Park ay isang regalo ng pasasalamat, ngunit
dahil sa dami ng bumibisita rito, isang malaking hamon sa atin na isipin kung
paano ito makapagdudulot ng economic opportunities para sa malilit nating mga
kababayan.
Isang dahilan kaya nag-culture-mapping
project ang Tourism Office kamakailan, sa tulong ng Bayambang National High
School at Center for Pangasinan Studies, ay upang makita nang malinaw kung
anu-ano ang ating mga natatanging yaman na maaaring ipagmalaki at lalo pang
payabungin upang mapakinabangan sa kasakuluyang panahon. Alam nating lahat na
maraming wala sa atin – walang bundok, walang beach – ngunit anu-ano naman ang
mayroon sa atin? Isa ang farming tourism sa lumalabas na posibilidad, kaya maaari
nating gawing inspirasyon ang ideyang ito. Anu-ano pa kaya ang maaari nating
gawin upang makahikayat ng mga turista at, dahil doon, ay makalikha ng mga
bagong oportunidad? Mayroon din tayong potensiyal sa fieasta/festival, food, religious,
arts and crafts, at historical heritage, at iba pang cultural tourism models.
Dahil sa
mga katanungang ito kaya natin pinupursige ang mga proyektong tulad ng St.
Vincent Ferrer Prayer Park, Langiran Agri-Aqua Eco Park, at iba pa kahit sa
umpisa ay mukhang imposible. Dahil sa kabutihang loob ng ating ama ng bayan at
ng kanyang pamilya, tayo ay may lakas ng loob na mangahas mangarap o managinip
kahit sa umpisa ay tanging pananampalataya lamang sa Diyos ang puhunan. Ito ay
sapagkat malinaw na ang turismo ay isa sa mga sagot sa ating Rebolusyon Laban
sa Kahirapan.
No comments:
Post a Comment