Kabataan: Pag-Asa ng
Bayan Laban sa Kahirapan
ni: Khalid S Tawari, Bayambang
National High School – Senior High School
(Original Title: “Di
Nagkamali si Rizal,”
1st Place
Winner, Spoken Word Poetry Contest, August 20, 2019, Balon Bayambang Events
Center)
Tik-tak, tik-tak, tik-tak
Anong oras na ba?
Hindi ba’t ito na ang tamang oras upang imulat ang iyong mga
mata?
Hindi mo ba nakikita?
Bayan mo sa kahirapa’y nagdurusa.
Kabataan, tayo pa nga ba ang pag-asa ng bayan?
Kabataan pa nga ba ang susi sa tagumpay,
upang wakasan ang kahirapan?
Kung kayo’y aking tatanungin,
“Kabataan pa nga ba ang pag-asa ng bayan?”
Marahil karamihan sa inyo’y nagdududa na.
Marahil karamihan sa inyo’y nawalan na nang pag-asa.
Ngunit makinig kayo sa akin
Bali-baliktaran mo man ang mundo
Kapwa ko kabataan ang magiging sandigan ng bayang ito.
Sabi ng iba, kabataa’y naliligaw na.
Natututo ng mga bisyo kasama ang barkada,
Pati sa pag-uwi’y inuumaga na.
Madalas, si nanay at si tatay ay nasasagot na.
Ngunit ako’y maninindigan, na kapwa ko kabataan ay pag-asa
ng bayan.
Kung ako’y iyong tatanungin kung saan ako humuhugot ng
paniniwala.
Aking sarili’y ibibigay na halimbawa
Lumaki sa isang payak na pamumuhay
Sa murang edad sa magulang ay naulila’t nawalay
Pinatitigil sa pagpasok sa paaralan
Ngunit ‘di pumayag dahil sa ako’y pag-asa ng bayan.
Nagbenta ng kung anu-ano.
Sa construction ay nagtrabaho.
Pati pagseservice crew ay pinasok ko.
Sa murang edad, hagupit ng kahirapa’y naramdaman.
Ngunit ‘di ako susuko dahil alam kong ako’y pag-asa ng bayan.
Hindi ako mayaman at matalino.
Wala akong maipagmamalaki kahit singko.
Pero pinapangako ko.
Mahirap, na parang matarik na bundok ang aakyatin.
Malalim, na para bang banging di matanaw ang lalim.
Madilim, na parang walang liwanag na tatanawin.
Ngunit alam kong ito’y iyong kakayanin, dahil ika’y isang Bayambangueño.
Tulad ko, na natumba nang natumba ng natumba.
At ilang beses pang itinumba nang itinumba nang itinumba ng
kahirapan.
‘Di papagapi, ‘di papaapi, ‘di papatalo.
Kahirapan, ako’y may Diyo’s na sa aki’y magpapanalo.
Ako si Khalid Salik Tarawi, na sumisimbolo sa bawat kabataan
Nahirapan, tumumba, bumangon, nahirapan, tumumba, bumangon
At patuloy pang nahirapan, tumumba, at bumabangon.
Babangon nang babangon at muling babangon.
Dahil tayo ay kabataan.
Tayo ay lalaban sa kahirapan.
Dahil tayo ang pag-asa ng bayan!
No comments:
Post a Comment