Monday, August 26, 2019

Editorial July 2019 - SB: Ang Boses ng Mamamayan

Editorial July 2019

SB: Ang Boses ng Mamamayan

Ang ating Sangguniang Bayan (SB) ay tinaguring isang "august body." Ito ang kalimitang sinasabi kapag tinutukoy ang legislative branch ng gobyernong lokal, at ito ay nararapat lamang sapagkat, sa isang demokrasya tulad ng ating bansa, sa SB naka-atang ang isang mabigat na tungkulin bilang kaagapay ng liderato ng isang Punong Bayan: ang magpasa ng mga batas na makabubuti sa mas nakararami at sa buong bayan.

Wika nga ni Mayor Cezar Quiambao sa kanyang habilin sa mga Konsehal, "Let's be serious about our work in this august body, so the people know we mean business."

Kaya naman dapat din lang na respetuhin ang mga nailuklok na Konsehal ng bayan na pinamumunuan ng Vice-Mayor na si Hon. Raul R. Sabangan.

Ayon kay Vice-Mayor Sabangan, kailangan ang pag-iingat sa parte ng SB sa kanilang pagpasa ng mga resolusyon at ordinansa. "Isipin natin na ang lahat ng ating pinapasa na mga ordinansa at resolusyon ay angkop para sa mga pamumuhay ng ating mga kababayan, at ito ay tiyak na makakatulong sa bayan ng Bayambang," pagpapayo niya sa kanyang mga kasamahan.

"Sa pag-apruba ng batas ay dapat iwasan ang bahid ng personal na interes na maaaring maka-apekto o makasagasa sa ating mga maliliit na kababayan."

Ang mga nahalal na Konsehal ay may kanya-kanyang training at karanasan kung paano maging isang leader, at tiyak na magagamit nila ang mga ito bilang mga boses ng ating mga kababayan. "Ang ating bayan ay umaasa sa ating suporta. Huwag po nating sayangin ang boses na ibinigay ng ating mga kababayan," pagpapatuloy niya.

"Paano po ba maging isang mabuting leader ng ating bayan? Una, kailangan ay maging loyal tayo sa ating bayan. Kailangan ay maging loyal tayo sa ating institusyon. Lahat tayo ay naging boy scout at girl scout, at lahat tayo ay minsan nang nakapag-pledge of loyalty, kaya magandang ipaalala natin ang panata na ito sa ating sarili at maging gabay para di tayo magkamali," dagdag niya.

"Bilang iisang pamilya ng Local Government Unit, sa halip na tayo ay naghihilaan pababa at naapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo dahil sa pagkakaroon ng maraming sagabal, dapat tayo-tayo ang naghahatakan pataas. Isipin natin na kung masira ang isa sa atin ay maaaring ikasira rin ito ng ating gobyernong lokal, at lahat tayo ay maaaring madamay dahil tayo ay parte ng institusyong ito."

"So to all members of this august body, all department heads, barangay officials, sa ating partners sa leadership ng ating mahal na Mayor, ine-encourage ko po na tayo ay maghawak-hawak ng kamay nang maituloy natin ang ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Ituloy ating ang naumpisahan at pabilisin ang pagsererbisyo sa bayan," pagwawakas niya.

(Hango sa talumpati ni Hon. Vice-Mayor Raul R. Sabangan, SB Inaugural Session, July 9, 2019)

No comments:

Post a Comment