2016 photos ba 'ka mo? O ayan. Puro hindi tungkol sa akin pero nasa likod ako ng camera most of the time, except for those rare moments na nahagip ng sinaunang camera ni JV. Basta kung nasan ang ganap ng mayor for the day, andun ako. (Volume 3 of 3)
***
Back to 2016
(Ano Ba 'Tong Pinasok Ko? A reflection on my 2016 work-related photos)
Sari-saring alaala at emosyon ang naglaban-laban, naghalu-halo, at nagtagisan sa aking isipan nang buksan kong muli ang folder na "2016" sa aking lumang external drive. Deleted na ang mga files na ito sa lumang desktop at laptop ko, kaya't buti at naisave ko ang karamihan ng mga larawan at artikulo. Ngunit tanda ko na may ilang mga 'pics' din ang nawawala at di ko na mahanap pa sa di malamang dahilan. (Navirus? Nadelete ko nang 'di nalalaman?)
Tandang-tanda ko pa ang pagdating ko rito sa munisipyo ng Bayambang sa probinsya ng Pangasinan noong Agosto ng 2016 matapos ang 25 na taong pamamalagi sa Maynila. Pagod na 'ko nun sa mahabang panahon ng pakikipaglaban sa siyudad, kaya't parang grasyang dumating sa buhay ko ang oportunidad na makapaglingkod dito sa sarili kong bayan. (Actually, ikalawang bayang pinagmulan, dahil ipinanganak ako sa Pandacan.)
Down na down ako nun kasi nanalo sa eleksyon si Digong Duterte, pero gets ko naman kung bakit: na-disillusion ang mga tao sa mga "Dilawan" lalo na sa mga naging insensitive actions at statements ni "PNoy" noon, at siyempre malaking factor yung mga paninira online ng Marcos forces sa mga Aquino.
Anyway, ni wala sa hinagap ko itong pagbabalik ko, kasi feeling ko noon wala naman akong mahihita rito sa bayan ng Bayambang; walang kahit anumang oportunidad. Napakarami kong kakaibang experience sa Metro Manila that scraped the highs and lows of life na naging malaking tulong sa naging papel ko sa buhay bilang isang writer, at malaki ang pasasalamat ko run. Pero napakalaki rin ng pasasalamat ko nung umuwi ako rito, dahil 'di ko na rin kaya yung buhay sa siyudad -- yung natatrap araw-araw ng hanggang dalawang oras sa traffic sa EDSA at kahit saang lupalop -- papasok pa lang yun, mataas na gastusin, sari-saring polusyon, overcrowding, ingay, init at alinsangan, krimen, at sobrang kumpetisyon sa trabaho...
Tumatanda na rin kasi ako nun. Kumbaga, hindi na rin ako mabenta sa merkado. Kaya subconsciously siguro, hinahanap-hanap ko na ang simpleng buhay probinsya. Kaya siguro nag-LSS ako sa kantang "Take Me Home, Country Roads" ni John Denver noon, isang kantang di ko naman kapanahunan.
Pagdating ko rito, I didn't know what to expect, pero nature ko to give my all in everything I choose to put my heart into, kaya yun ang inatupag ko: ibigay ang buong sarili. Pero bukod dito, napakalaking factor yung malaman kong magsisilbi ako sa isang tao na kumbinsido akong may tunay na puso sa paglilingkod-bayan.
Sari-saring tao ang aking nakilala mula sa iba't ibang antas ng lipunan, kaya't iba't ibang ugali rin ang aking kailangang pakibagayan sa araw-araw. May magalang, may sweet, may super friendly, may medyo maangas at mayabang, may di namamansin na akala mo kung sino (feeling superior siguro?), may aloof (sobrang tahimik at mahirap timplahin), may super-daldal, may medyo bastos.... Napansin kong medyo marami-rami sa mga ito ang ilag sa akin sa 'di ko mawaring dahilan -- bagay na nakapagtataka sa akin dahil hindi ako sanay sa ganoong trato. Kahit saan kasi ako magpunta dati, feeling ko maraming tao ang natural na friendly sa akin kasi ako ay si Mr. Nice Guy at mukhang mahiyain kaya't hindi intimidating.
Kahit nakailang linggo na ako sa trabaho, medyo disoriented pa 'ko nun. Sa halip na CENPELCO, ang nasasabi ko lagi ay MERALCO. Tapos biglang magke-crave at maghahanap ako ng iba't ibang bagay na wala rito o mahirap hanapin. (Tulad na lang ng Vietnamese food like pho, New York pizza ng North Park, oatmeal-raisin cookie at coffee latte sa McCafe, o kaya'y bagel ng Country Style.) Akala ko talaga minsan nasa Maynila pa ako. Subalit bigla akong matatauhan na nasa Pangasinan na talaga ako dahil ang mga naririnig kong pananalita sa Tagalog ay biglang iba ang punto at may kakaibang mga adisyunal na salita. Example: "Bakit ey?" "Ta ni, pupunta ako dun." "Halika na siren."
Sa dami ng kailangang gawin sa araw-araw, wala akong panahon sa sarili ko. Wala rin akong panahon makipagkaibigan ng malaliman. Buti na lang at marami akong alam na anti-stressors o iba't ibang paraan upang magrelax at magreset nang hindi na gumagastos o umaalis ng bahay o upuan. Ang importante sa akin ay magawa ang dapat gawin, makuha ang tamang impormasyon sa informant ng agad-agaran, dahil kumbaga, ang balita ay hindi naghihintay ng oras. Hindi ka rin hihintayin ng mayor kung kelan ka ok. Lahat ng task at request niya ng tulong, kailangang magawa agad.
Besides, tulad ng nasabi ko na, nasa stage na ako ng life na tapos na sa pakikipagcompete sa iba, pagpapa-impress, 'pakikipaglandian' (for lack of a better word), pakikipagplastikan, etc. Galing kasi ako sa mga apat na taon ng psychospiritual counseling noon sa Maynila kung saan pinakamalaking bagay sa akin ang self-awareness at authenticity. ...At bago pa 'yan, top priority ko ang spiritual growth, dahil ilang taon din akong aktibo sa transparochial Catholic charismatic movement, kung saan ang dami kong naging kaibigan at kakilala hindi lang sa simbahang kinabibilangan ko kundi sa iba't ibang Protestant at iba pang Christian churches, both online at offline. (Para ngang mas marami pa akong nakilala through FB Messenger kahit never ko pa na-meet in person).
Batid kong hindi ako madaling maispelling ng iba, o ng karamihan. Iyan ay dahil diyan sa background kong iyan na pinili ko -- consciously at by choice talaga. May pagka-monk ang napili kong journey sa gitna ng tinatawag na secular world. Yan kasi ang sa tingin ko na pinaka-akmang "state of life" ko given the unique circumstances in my life.
Anyway, iyan ang tunay na ako pagdating ko sa Bayambang na hindi alam ng mga taong nakakasalamuha ko. Alam kong medyo kakaiba at di maiintindihan ng marami. Isang taong di na bumabata, kaya't di na mahilig magpapicture, pumorma ng husto para magmukhang guwapo, at let's just say may mga iniinda na ring sakit. Iba na kasi ang naging prayoridad ko sa buhay: knowing God, evangelization, spirituality, service, community, as well as wholeness, psychospiritual growth, healing from various traumas of childhood, grief work, self-actualization, search for deeper meaning and purpose in life.
Pagrepaso ko sa mga photos sa archive ko sa trabaho sa ilalim ng taong 2016, kapansin-pansin sa akin na marami sa mga nakilala ko at nakatrabaho ay wala na sa munisipyo, at nakalulungkot na ang ilan sa kanila ay wala na rin sa mundong ito. Ang isa pa nga sa kanila ay suking duktor ko pa, na isa sa mga nabiktima ng covid-19 noong pandemya. Ang isa naman ay pumanaw matapos madisgrasya sa motorsiklo, at ang isa ay namatay dahil sa karahasan -- binaril ng kung sinumang demonyo sa 'di malamang kadahilanan.
Sa loob pala ng sampung taon, ang dami-daming maaaring mangyari, kaya't laking pasalamat ko sa Diyos na andito pa ako at marami pa rin naman sa mga nakagisnan kong makasama sa trabaho. Marami na rin ang dumagdag na pumalit, ngunit 'di ko maiwasang malungkot sa mga wala na, lalo pa't mayroon silang kanya-kanyang naiambag.
Kapansin-pansin din na wala sa ni isa mang photo ang taong nag-chat sa akin sa FB na mayroong opening sa munisipyo: ang noo'y Tourism Officer na si Chris Gozum. Parang walang naging pagkakataon, o kaya'y isa yun sa mga nawawala dahil nadelete unintentionally.
Makikita rin sa mga photos ang laki ng pinagbago ng munisipyo mula sa taong iyon. Dahil sa tapat at mabuting pamamahala, ang laki rin at ambilis ang pinagbago ng bayan ng Bayambang kahit na sa mga di inaasahang bagay.
Designated as the town's Public Information Officer (meaning unofficial, without the Sangguniang Bayan's institutionalization via legislation or ordinance), I also wrote most of the mayor's speeches. It tickled me no end that it was my own words the townfolk listened to without knowing each time the mayor read his speech from a prepared script. It felt weird each time I had to listen to myself on the biggest occasions as the mayor delivered a speech, and no one else knew it except for those few individuals who had knowledge of the inner workings of the local government.
Dahil mahilig nga akong pagsulat, I attempted to make a diary as a PIO, pero di ko kinayang isustain dahil siyempre nakafocus ako lagi sa mga araw-araw na gawain ng Munisipyo. Nakakapagod, pero somehow, I felt at home, like literally.
Anyway, hindi nagtagal ay napagtanto kong dito ako inilagay ng Diyos sa dahilang Siya lang ang nakakaalam. From my own point of view, it's an entirely different battleground, but it is not much different from a religious missionary work after all. In public service, I have found, it is the same life of service, hard work, selflessness, hiddenness, a constant battle with the egotistical self in the name of serving others, serving God's people, it is the same dependence on God for provision of needs and most especially wisdom.
In this new battlefield, not everything is, of course, "coming up roses" -- that's par for the course. For example, I found myself in the middle of a fierce political war in a town where everybody knows everybody, something which was very difficult on my mental health, on top of my huge workload, thus causing me sleepless nights. It's because the 'war' involved things that are supposed to be anathema to me: hatred, vindictiveness, hidden agenda, intrigue, lies/slander/false charges... Every day, there was also a clash of ideas, of personalities, of perceptions and interpretations, and most especially assumptions and presumptions. 'Pag sobrang hirap ng sitwasyon, napapatanong na lang ako bigla ng, "Ano ba 'tong pinasok ko? Akala ko ba puro petiks lang ang trabaho sa gobyerno?" Pero kalauna'y nareresolba din at nagagawan ng paraan.
It was also a humbling experience to serve in this capacity while being incapacitated or inadequate in some way. I was challenged in so many ways I never expected, starting with the day's topic or subject of news coverage. (At this point, I know it's corny, but the song "A Whole New World" kept playing in my mind.) Lahat kasi bago sa akin. At lahat ay kailangan kong alamin. Nakakagulat na ang lawak pala ng scope ng trabaho ko. Basta kasi may pasabog na balita, kailangan ko itong alamin at sundan, kahit ano pa yan: sesementuhing daan, feeding ng mga malnourished, tulong sa pulis at bumbero, pagsasaayos ng palengke, paggawa ng bus terminal, bagsakan, trike terminal.... Nevertheless, in that way, it seldom got boring for me, a person who gets bored so easily. May mga balita na tuwang-tuwa ako icover, at mayroon ding 'di ko masyadong type, pero lahat ay kailangang gawin ng tama at may puso.
That's what 2016 was all about to me, and this story continues to this day, 10 years hence, a life of living by faith, following one's own unique calling, a life of reliance on something bigger and something outside myself.
