Tuesday, April 9, 2024

Trivia: BPSO

TRIVIA: BPSO

Alam niyo ba na sa buong lalawigan ng Pangasinan, ang bayan lang ng Bayambang ang gumagamit ng hoverboard sa pagpapatupad ng batas trapiko?

Ang dalawang hoverboard na ginagamit ng mga traffic enforcer ay donasyon ng dating mayor na si Dr. Cezar Quiambao noong taong 2021, kaya ang buong puwersa ng Bayambang Public Safety office o BPSO ay nagpapasalamat sa kanya at kay Mayor NiƱa Jose-Quiambao.

Gayundin, ang BPSO ay katuwang ng PNP bilang force multiplier, upang siguraduhin ang kaayusan at seguridad ng mga empleyado, bisita, at kagamitan sa lahat ng major facilities ng LGU, kasama na rin dito ang mga major events ng LGU at NGOs.

Sakop na rin ng BPSO ang pangangasiwa sa mga ambulansya at PTV ng LGU. Mula taong 2023 hanggang ngayon, mayroon po tayong 65 na pasyente na dinala sa iba’t-ibang lugar tulad ng La Union, Baguio City, Benguet, Tarlac, Pampanga, Laguna, Bataan, Abra, Manila, at iba pang karatig-lugar upang mabigyan ng kaukulang lunas medikal. Mayroon namang 2, 127 na pasyente ang dinala sa hospital at ibang health facilities dito sa Pangasinan. Sa kabuuan, mayroon tayong 2, 223 na pasyente na natulungan mula taong 2023 hanggang sa kasalukuyan.

Pingangasiwaan din ng BPSO personnel 24/7 ang Command Center, kung saan matatagpuan ang #4357 na katulad ng 911 sa Amerika. Dito rin nakalagay ang mga CCTV monitoring system na nakakapagpabilis sa paglutas ng kaso na hawak ng ating kapulisan tulad ng pagnanakaw, pananakit, o pambubully, missing items or person, at vehicular accident. May kabuuang 603 na request for CCTV footage ang ating natugunan at may 244 emergency calls na nabigyan ng mabilisang aksyon ng ating #4357. Ito ang mga trabaho at gawain ng ating mga tauhan sa Bayambang Public Safety Office (BPSO).

 

 

No comments:

Post a Comment