SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
Vice Mayor IC, Bagong Chairman ng KSB
Nahirang bilang bagong Chairperson ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, DPA, sa ikapitong taon ng KSB. Sa isinagawang refresher meeting para sa KSB team, iprinesenta ang mga update sa mga alok na serbisyo ng iba't ibang departamento para makapaghatid ng Total Quality Service para sa mga Bayambangueño na malalayo sa sentro ng bayan. Ang KSB Year 7 ay magsisimula na sa darating na Pebrero.
Mass Donation Drive ng RHU, Nakaipon ng Dugo para sa Grand Medical Mission
Ang mass blood donation drive na isinagawa ng RHU noong January 12 sa Events Center ay nakaipon ng 96 blood bags na siya namang ginamit para sa Grand Medical Mission ng LGU at Pangasinan provincial government sa tulong ng Philippine Medical Society of Northern California noong January 15 hanggang January 19.
LGU at Provincial Officials, Nagpulong para sa Isang Malaking Medical Mission
Ang LGU ay nakipagpulong sa Pangasinan provincial officials upang talakayin ang isang malaking medical mission na gaganapin sa bayan ng Bayambang simula January 15 hanggang January 19. Ang pulong ay ginanap sa Mayor's Conference Room noong January 3, at kabilang sa mga dumalo ang mga opisyal ng OPHMS, PPH, at BDH. Inayos sa pulong ang mga kinakailangang gawin para sa iba't ibang medical services sa nakatakdang ibigay ng Philippine Medical Society of Northern California, sa inisyatibo ng lola ni Mayor Niña na si Dr. Carmencita Jose.
Grand Medical Mission, Naging Matagumpay
A. Naging matagumpay ang ginanap na Grand Medical Mission sa pangunguna ng Philippine Medical Society of Northern California mula January 15 hanggang 19. May mahigit dalawang daang medical personnel, kabilang ang ilang espesyalista mula pa sa iba't ibang parte ng Estados Unidos, ang dumating para magbigay ng iba't ibang uri ng serbisyo.
Kasama rin ang iba pang volunteers mula sa Bayambang at provincial government, Oral Surgery Philippines - Pangasinan, Philippine Dental Association - Pangasinan Chapter, at iba pang private practitioners.
B. [POSTER] Mayroong ___ na pasyente ang nakatipid ng tinatayang __ piso na gastusin sa ospital at mga gamot, sa nasabing aktibidad.
C. Ang mga volunteers ay mainit na winelcome sa Monday flag ceremony sa Events Center at saka inimbitahan sa isang meet-and-greet party with cultural presentation kinagabihan sa Monarch Hotel, Calasiao.
D. Kabilang sa aktibidad ang pagsasagawa ng tatlong araaw na Continuing Medical Education at Continuing Health Education para sa iba't ibang grupo ng healthcare practitioners.
Dalawang Special Medical Cases, Naoperahan ng Libre
Kabilang sa mga naoperahan ng libre sa Grand Medical Mission 2024 ay ang isang batang babae na may kakaibang kundisyon na tinawatag na syndactyly, kung saan ang magkakadikit na daliri nito sa paa ay matagumpay na napaghiwalay sa isinagawang major surgery. Ang isang babae naman ay mayroong matagal nang iniindang napakalaking mass sa tiyan, at ito ay matagumpay na natanggal matapos ang operasyon.
Bayambang, Nag-host ng Kick-off ng National Dental Health Month
Ang Bayambang ay napiling maging host ng kick-off ceremony ng Philippine Dental Association – Pangasinan Chapter sa kanilang pagdiriwang ng 20th National Dental Health Month (NDHM) noong January 30. Ito ay inumpisahan sa isang Zumba session sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. Ang mga bisitang dentista ay winelcome ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at lahat ng pinuno ng mga RHU.
- Nutrition (MNAO)
Weighing Scales, Ipinamahagi sa 40 Public Schools
May 40 na calibrated weighing scales ang ipinamahagi ng Nutrition Office sa iba't ibang pampublikong paaralan noong January 4. Ang mga bagong equipment ay para sa wastong pagmomonitor ng timbang ng mga mag-aaral.
Weight Loss Challenge for LGU Employees, Muling Isasagawa
Isang pulong ang ipinatawag ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, para sa mga miyembro ng Technical Working Group para sa LGU Employees Weight Loss Challenge noong January 22 sa SB Session Hall. Dito ay plinano ang pagbabalik ng nasabing kumpetisyon na naglalayong isulong sa lahat ng kawani ang proper nutrition at healthy lifestyle.
MNAO at mga RHU, Naglilibot na para sa Operation Timbang
Ang Nutrition Office at mga RHU ay abala na sa pagiimplementa ng Operation Timbang Plus para sa taong 2024. Kasali sa aktibidad na ito ang mga Barangay Nutrition Committee, BNS, at BHW. Ang team ay nag-umpisa nang lumibot sa lahat ng barangay para magsukat ng tamang timbang at tangkad upang walang bata ang maiiwan para sa tamang assessment ng kanilang nutritional status.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Congressman Arenas, Nangumusta sa mga Kapitan
Noong January 5, dumating si Congresswoman Rachel Arenas sa Bayambang upang makipagpulong sa mga kapitan para sa mga posibleng proyekto na maaaring iimplementa sa bawat barangay. Ang pulong ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center.
BNHS Batch '90, May mga Outreach Activity Muli
· Isa na namang feeding activity ang isinagawa ng Bayambang National High School Batch 1990 noong January 6, sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office. Sila ay may natulungang isang daang undernourished na kabataan sa Brgy. Darawey, Wawa, San Vicente, at Tampog.
· Ang isa pang grupo ng BNHS Batch 1990 ay nagsagawa naman ng isang Educational Community Service para sa limampung pamilya noong December 28 sa Sitio Hacienda, Brgy. Macayocayo. Ang grupo ay unang nagbigay ng seminar ukol sa financial literacy, na sinundan ng feeding at gift-giving activity.
Agri Supply, Rice, at Sari-sari Store, Binuksan sa San Gabriel 2nd at Ambayat 1st
· Noong January 8, isang ribbon cutting ceremony ang isinagawa ng DSWD at BPRAT sa pagbubukas ng isang rice at sari-sari store ng Happy Rice Consumers SLP Association sa San Gabriel 2nd.
· Kasunod na binuksan naman noong January 10 ang isa ring bagong agri supply, rice at sari-sari store ng One Ambayat Consumers SLP Association sa Brgy. Ambayat 1st.
Lions Club, Nag-Feeding Activity sa Telbang ES
Noong January 15, ang Bayambang Bayanihan Lions Club International ay nagconduct ng isang feeding activity sa Telbang Elementary School sa tulong ng mga PTA officer at Telbang ES teachers. Mayroong 350 na elementary students ang benepisyaryo sa aktibidad.
LCAT-VAWC, Nagpulong ukol sa Women's Month
Ang mga miyembro ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) ay nagpulong hinggil sa iba't ibang mungkahing aktibidad para sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na nakatakda sa buwan ng Marso. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni SB Committee Chairman on Women, Children, and Family na si Councilor Benjie de Vera kasama ng MSWDO noong January 19 sa Mayor's Conference Room.
Dayalogo ukol sa Juvenile Justice, Isinagawa
Isang dayalogo, training, at planning workshop ukol sa juvenile justice ang isinagawa ng MSWDO kamakailan sa tulong ng Regional Juvenile Justice and Welfare Council. Karamihan sa mga barangay ay dumalo at nakilahok sa tatlong-araw na pagsasanay at workshop upang balangkasin ang kani-kanilang Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Program.
Mga CVO, Tumanggap ng Financial Assistance
Ang pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III, ay nagpamahagi ng financial assistance para sa mga Barangay Civilian Volunteer Organization (CVO) ng 3rd District. Ito ay ginanap sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park noong January 26. May 1,500 CVOs mula sa anim na bayan ng distrito ang nakatanggap ng P1,000 bawat isa bilang pagkilala sa kanilang pagpapanatili ng seguridad sa kanilang lugar.
Jonathan de Vera, Bagong CSO Federation President
Nagwagi bilang bagong pangulo ng Federation of Civil Society Organizations of Bayambang si G. Jonathan de Vera sa ginanap na halalan kamakailan. Siya at ang iba pang nanalong opisyal ay pormal na nanumpa kay Mayor Niña Jose-Quiambao noong January 28 sa Events Center. Ang mga CSO ay palaging katuwang ng LGU sa implementasyon ng mga development project ng pamahalaan.
- Civil Registry Services (LCR)
LCR, Patuloy sa Paghandog ng Free Delayed Registration of Birth
Ang Local Civil Registrar ay nagsagawa ng isa na namang Free Delayed Registration of Birth activity sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority bilang parte ng "Birth Registration Assistance Project” ng ahensya. Noong January 9 to 11, sila ay nagtungo sa Brgy. Pugo, San Vicente, at Tampog, at noong January 16-17, sila naman ay nagbigay serbisyo sa Zone III at Zone VI. Ang LCR ay may 48 na kabuuang benepisyaryo sa nasabing aktibidad.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
Bayambang, Nakiisa sa National Kalinisan Day
Ang lahat ng barangay ng Bayambang, kabilang ang pribadong sektor at LGU-Bayambang officials, ay nakiisa sa "Kalinisan sa Bagong Pilipinas" National Simultaneous Clean-up Drive. Ito ay bilang pagtalima sa DILG Memorandum Circular No. 2024-001.
ESWMO, Humakot ng Award sa Solid Waste Summit 2024
Ang ESWMO ng Bayambang ay tumanggap ng tatlong parangal sa ginanap na Solid Waste Summit 2024 noong January 24 sa DENR-EMB Regional Office I sa San Fernando, La Union. Ang mga ito ay ang:
- Plaque of Recognition for Outstanding Practices in Composting and other RA 9003 Programs
- Solid Waste Enforcement Excellence Award, at
- Green Governance Excellence Award
Tatlong barangay naman ang nakatanggap din ng Green Governance Excellence Award (Barangay Level). Ang mga ito ay ang Brgy. Sancagulis, Brgy. Inirangan, at Brgy. Tococ East.
Mga SK, Nakiisa sa Kalinisan Day
Ang mga miyembro ng mga lokal na Sangguniang Kabataan sa iba't ibang barangay ay nakiisa sa Kalinisan Day noong January 28, ayon sa direktiba ng DILG. Sama-sama nilang ipinamalas na malaki ang maiaambag ng mga kabataan sa kalinisan at kaayusan ng kani-kanilang barangay.
- Youth Development (LYDO, SK)
- Peace and Order (BPSO, PNP)
AGRICULTURAL MODERNIZATION (MAO)
NIA, Muling Bumisita
Noong January 4 pa rin, muling bumisita ang National Irrigation Authority sa Bayambang upang pulungin ang mga kapitan ng 22 farming barangays na mabibiyaan ng 40-million-peso worth na Bayambang Pump Irrigation Project na siyang nakatakdang magbigay ng patubig sa 1,600 ektaryang sakahan.
P1M Farm Machinery, Inihandog ni Sec. Estrella
Isang set ng farming machinery at equipment na nagkakahalaga ng isang milyong piso ang dumating noong January 10, salamat sa tulong ni Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III. Ang mga naturang equipment ay ipamimigay sa Sanlibo Farmers Association, na may 106 farmer at fisherfolk members at may sinasakang 197.6 ektaryang lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
MAO at OPAG, Nagsanib-Puwersa para sa Corporate Farming Program
Ang Municipal Agriculture Office at Office of the Provincial Agriculturist ay nagsama para sa Corporate Farming Pilot Program ng provincial government sa ilalim ng DA Corn Banner Program. Ito ay sinimulan sa Brgy. Bani kung saan may 22 farmer-cooperators at kabuuang corn production na 20 ektarya. Inintroduce din ang paggamit ng mga biological pest control agent, at mayroong pang farmers class para sa mga magsasaka.
LGU, Inimbitahan ng NIA sa Pre-Construction Conference
Ang ilang LGU department ay imbitahan na dumalo sa isang Pre-Construction Conference noong Enero 15, sa Brgy. Amancosiling Norte Covered Court, matapos magpaanyaya ang National Irrigation Administration - Regional Office 1. Layunin ng kumperensyang ito na tapusin ang Program of Works at ang detalye ng disenyo ng proyektong Bayambang Pump Irrigation
DA Cash Cards, Ipinamahagi sa Local Rice Farmers
Noong January 22, iginawad ng Department of Agriculture ang isang financial grant para sa mga local rice farmer sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng ahensya. Ang grant ay nagkakahalaga ng P33,925,000. Ipinamahagi ang nasabing assistance sa pamamagitan ng isang cash card kada rice farmer na nakarehistro sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
Sampung Water Pumps, Ipinamahagi ng NIA
Sampung water pumps na nagkakahalaga ng P270,000 (or P27,000 bawat isa) ang ipinamahagi ng National Irrigation Authority (NIA) noong January 25 sa mga farmers association ng sampung barangay. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng NIA sa Agriculture Office at BRPAT at sa tulong ni Congresswoman Rachel Arenas. Ang naturang mga makinarya ay gagamitin bilang preparasyon ng mga apektadong magsasaka sa parating na El Ñino.
973 Bags ng Palay, Hinakot para sa mga Nasalanta ng Bagyong 'Egay'
Ang Agriculture Office ay naghakot ng 973 bags ng tig-20 kilos na inbred rice seeds mula sa DA Regional Field Unit No. 1, San Fernando, La Union. Ang bagong ayuda ay mayroong bigat na 19,460 kilos sa kabuuan, at tinatayang sapat para sa 486.5 na ektarya ng sakahan. Ang mga palay ay nakatakdang ipamahagi sa mga rice farmer na naapektuhan ng Bagyong 'Egay' noong nakaraang taon.
Palay Procurement Program, Tinalakay ng NFA
Sa 1st quarter meeting ng mga magsasakang Bayambangueño noong January 31, tinalakay ng National Food Authority ang Palay Procurement Program ng ahensya, kung saan magsisilbing "ready market" ng mga local farmers ang NFA sa pamamagitan ng direct buying arrangement. Pinag-usapan din ang plano sa gaganaping Farmers' Day 2024, at iba pang agricultural projects.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
Orientation Activity, Isinagawa para sa MCST Students
Ang PESO-Bayambang ay nagbigay ng isang orientation activity ukol sa work immersion para sa mga estudyante ng Marianne College of Science and Technology noong January 10. Ang mga estudyante ay sasabak sa work immersion sa LGU sa loob ng sampung araw.
OFW na Inabuso Umano, Tinulungan ng PESO-Bayambang
Noong January 12, isang Bayambangueñang OFW sa bansang Brunei ang kinontakt at tinulungan ng PESO-Bayambang, matapos itong maglabas ng video sa Facebook na humihingi ng tulong dahil umano sa pang-aabuso ng kanyang amo. Agad na nakipag-ugnayan PESO sa OWWA para sa repatriation ng naturang OFW. Sa kasalukuyan, ligtas na ang OFW at pinoproseso na ng OWWA ang plane ticket nito.
15 Bayambangueños, Binigyan ng Sewing Machine ng DOLE
Dumating noong January 23 ang DOLE Region I sa Bayambang para sa awarding ng 15 sewing machines sa tulong ng PESO-Bayambang. Ang naturang mga sewing machine ay ipinamigay sa mga napili ng DOLE na benepisyaryo na taga-Brgy. Hermoza, Tanolong, at Sanlibo. Sila ay ang mga nagsipagtapos noong nakaraang taon sa Basic Sewing Skills Training ng provincial government.
Federation of Bayambang Overseas Workers, Pinulong
Isinigawa ang unang monthly meeting ng taon ng Federation of Bayambang Overseas Workers Inc. sa Sangguniang Bayan Session Hall noong Enero 24. Dito ay tinalakay ng mga opisyal ang mga programa, proyekto, at aktibidad ng asosasyon, kabilang ang Livelihood Training Program at Generation of Migration Data. Naroon si Councilor Benjie De Vera upang makinig at magpahayag ng suporta sa mga nasabing programa.
PESO-Bayambang, May Special Recruitment Activity
Ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng isang Local Recruitment Activity noong January 31 sa Events Center, kung saan naging recruiter ang Credit Access Philippines Financing Company. May 129 applicants ang nagregister online, kung saan 34 sa mga ito ang nag-report para sa face-to-face interview. 11 na aplikante ang naging qualified, at dalawa sa kanila ang hired on the spot.
- Economic Development (SEE)
SEE, Nagsagawa ng Calibration Activity
Isang calibration activity ang isinagawa ng Special Economic Enterprise para sa mga timbangan sa Public Market, simula noong January 15 hanggang 18 sa Meat, Vegetable, Fruit, Fish, Rice, at iba pang section ng Pamilihang Bayan. Noong January 17 naman, nagpunta ang LGU-Villasis upang ipa-calibrate ang 21 na timbangan na ginagamit sa kanilang Nutrition Program.
- Cooperative Development (MCDO)
Isang Co-op, Nakatanggap ng Financial Grant
Ang Rancheros de Balon Bayambang Agriculture Cooperative ay ginawaran ng financial assistance ng Cooperative Development Authority noong January 9, ayon sa ulat ng Bayambang Municipal Cooperative Development Office.
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
LGU Officials, Nagplano para sa Town Fiesta
Isang pulong ang ginanap noong January 5 sa Mayor's Conference Room upang planuhin ang line-up ng mga aktibidad para sa Pistay Baley 2024. Naroon ang lahat ng opisyal kasama ang MTICAO at mga miyembro ng Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts. Kabilang sa mga tinalakay ang mga tradisyunal na aktibidad sa fiesta week at ang magiging tema sa taong ito.
LGU, Aktibong Nakiisa sa Veterans Day
Noong January 9, nagtungo ang MTICAO bilang kinatawan ng LGU-Bayambang sa muling paggunita ng buong probinsya ng Pangasinan sa makasaysayang paglapag ni Gen. Douglas MacArthur sa Lingayen Gulf at pagbibigay-pugay na rin sa mga World War II veteran, sa ginanap na 79th Lingayen Gulf Landings Anniversary at 17th Pangasinan Veterans Day Celebration sa Veterans Memorial Park, Capitol Complex.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Brgy. San Gabriel 2nd at Pantol, Kinonsulta sa FMR Project
Noong January 10, nagsagawa ang LGU ng isang Public Consultation Meeting sa San Gabriel 2nd Covered Court at Pantol Evacuation Center ukol sa proyektong Opening and Concreting of San Gabriel 2nd to Pantol Farm-to-Market Road. Dito ay ipinaliwanag at ipinabatid ng LGU sa mga lokal na residente ang mga maaaring benepisyong hatid ng gagawing daan sa kanilang lugar, at sinagot ang anumang katanungan ukol sa proyekto.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
Mabilis na Aksyon, Hatid ng LGU-Bayambang sa Nasunugan; Pamilya, Nagpapasalamat sa Tulong na Natanggap
Isang pamilya ang nawalan ng tirahan sa isang sunog na sumiklab noong Miyerkules, January 10, ng madaling araw sa Brgy. Manambong Parte. Agad namang naapula ang apoy at walang naitalang casualty sa agarang pagresponde ng BFP at MDRRMO. Agad ding natulungan ang mga survivors ng MSWDO matapos sila ay mahatiran ng mga ayuda.
MDRRMO, Nagbigay ng Orientation Activity para sa mga Kapitan
Pinulong ng MDRRMO ang mga Punong Barangay noong January 8 sa Events Center, upang talakayin ang mga legal na basehan ng DRRM, at mga kakakibat na tungkulin nito at obligasyon, alokasyon at paggamit ng LDRRM Fund, SOP (standard operating procedure) sa DRRM, at update tungkol sa kani-kanilang 5-Year Barangay DRRM Plan. Kasama ng MDRRMO ang iba pang mga opisyal.
Mga Opisyal, Nag-training sa RDANA
Isang panibagong training ang inorganisa ng MDRRMO para sa mga piling tanggapan ng gobyerno, at ito ay ukol sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA, noong January 22 hanggang 26 sa Baguio City. Dito ay binigyang linaw ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga itatalaga sa anumang lugar sa Bayambang na may kalamidad at gumawa ng agarang assessment ng sitwasyon sa disaster area. Ito ay upang maging epektibo ang anumang gagawing disaster response at management.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Former VM Sabangan, Provincial Board Member Na
Ang buong LGU ay naghahatid ng isang mainit na pagbati kay Zone VI Punong Barangay at Liga ng mga Barangay President Raul R. Sabangan sa kanyang pagkapanalo bilang Liga ng mga Barangay President - Pangasinan Chapter, na dahilan para siya ay maluklok bilang isang ex-officio Board Member ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Mga ATM sa Bayan, Inappraise ng Assessor
Noong January 9, ang Assessor's Office ay nagconduct ng appraisal at assessment ng mga automated teller machine o ATM sa Zone I at Zone II. Ang aktibidad ay kabilang sa trabahong appraisal and assessment of machinery ng Assessor's Office.
Empleyado ng SEE, Nagsauli ng Napulot na Smartphone
Isang smartphone na napulot sa harap ng simbahan ni Marco Barboza ng Office of the Special Economic Enterprise ang naibalik sa may-ari noong January 4 sa tanggapan ng SEE.
Mga Water Refilling Station, Inappraise ng Assessor's Office
Ang Assessor's Office ay nagconduct kamakailan ng Appraisal at Assessment ng walong water refilling stations. Ang mga ito ay matatagpuan sa Brgy. Buayaen, Amancosiling Sur, Pugo, Sancagulis, Idong, Manambong Sur, at San Gabriel 2nd.
- Planning and Development (MPDO)
CDRA ng LGU, Ina-update
Ang Municipal Planning and Development Office ay nagsagawa ng tatlong araw na validation, finalization, at pagrepaso sa draft plan ukol sa Climate Disaster Risk Assessment (CDRA) upang ma-update ang Comprehensive Development Plan - Climate and Disaster Risk Assessment (CDP-CDRA) ng LGU para sa mga taong 2024-2029. Ito ay isinagawa sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ligtas at Maayos na Serbisyo ng Trike Drivers, Tinalakay sa TODA Summit
Lumahok sa isang summit ang mga presidente ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Bayambang noong January 30 sa Events Center, upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na serbisyo. Kabilang sa mga tinalakay sa summit ang Tricycle Franchising, Violations, Rerouting, at Tricycle Insurance.
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
Internal Quality Audit, Nagpatuloy
Bilang parte ng pagiging ISO-certified ng LGU-Bayambang, nagpatuloy ang masusing internal auditing process sa iba't-ibang departamento upang makita kung nasusunod ng mga empleyado ang mga pamantayan sa paggawa, at makita ang mga posibleng areas of improvement sa iba't ibang proseso.
- Human Resource Management (HRMO)
- Transparency/Public Information (PIO)
LGU Finance Team, Nakipagpulong sa Landbank
Noong January 4, si Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, kasama ang Finance Team ng LGU Bayambang ay nakipagpulong sa Landbank sa St. Vincent Village. Ito ay para sa ilang malalaking proyektong para sa taong 2024.
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
Municipal Library, 2023 Monthly Report Completer
Ang Bayambang Municipal Library ay kabilang sa mga 2023 Monthly Report Completers nationwide. Ito ay ayon sa report na
ESWMO Wins Award at Solid Waste Summit 2024
ESWMO
Bayambang received three awards at the Solid Waste Summit 2024 held on January
24, 2024, at the DENR-EMB Regional Office I in San Fernando, La Union.
– Plaque of
Recognition for Outstanding Practices in Composting and other RA 9003 Programs
– Solid
Waste Enforcement Excellence Award
– Green
Governance Excellence Award
Three barangays also received recognition, the Green Governance Excellence Award (Barangay Level). These are Brgy. Sancagulis, Brgy. Inirangan, and Brgy. Tococ East.nirelease ng National Library of the Philippines kamakailan.
Congratulations, Bayambang Municipal Library, for a job well done.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Annual Budget at AIP, Aprubado na ng SP!
Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang P573,163,840.35 na Annual Budget ng bayan ng Bayambang para sa taong 2024. Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagsagot sa mga katanungan sa ginanap na budget hearing sa Provincial Capitol noong January 8. Kasabay rin na inaprubahan sa hearing ang Annual Investment Program (AIP) na nagkakahalaga ng ₱5,005,288,121.35. Ang mga pondong ito ay nakalaan para sa iba't-ibang serbisyong ibinibigay ng LGU-Bayambang.
Pagdinig sa 3 Panukalang Batas, Isinagawa
Isang public hearing ang idinaos ng Sangguniang Bayan (SB) ukol sa tatlong ordinansa noong Enero 24.
Una ay tungkol sa pagbenta ng pharmaceutical products sa lahat ng retail outlets. Ikalawa naman ay ukol sa pagpapalawig ng Bali-Bali'n Bayambang Program at ang pag-adopt ng 'Tapat Ko, Linis Ko' Program." Ang pangatlo ay ukol sa paggamit at pagbenta ng mga paputok at pyrotechnics.
Serye ng Barangay Budget Hearings, Inumpisahan Na
Nagsimula nang magsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) ng isang serye ng mga pampublikong pagdinig ukol sa budget ng mga barangay. Noong January 16 at 25, nagkaroon ng budget hearing para sa Brgy. Wawa, Maigpa, Zone I, San Vicente, at Manambong Sur, sa pangunguna ni Municipal Councilor Philip Dumalanta na siyang SB Committee Chairman on Finance, Budget, and Appropriation.
No comments:
Post a Comment