Monday, April 15, 2024

LGU ACCOMPLISHMENTS - February 2024

 

SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT

 

EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)

 

Book Allocation mula NLP, Dumating

 

Ang Municipal Library ay muling nakatanggap ng book allocation mula sa National Library of the Philippines. May 67 na aklat at iba pang reference material ang kanilang natanggap, kabilang ang fiction, Filipiniana, at science books.

 

Bayambang, Muling Nanguna sa SDO-1 Meet

 

Gaya noong nakaraang taon, ang bayan ng Bayambang ay nanguna sa katatapos na Schools Division I Pangasinan Athletic Association Meet 2024, na isinagawa sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen. Ang koponan mula sa iba't ibang paaralan ng DepEd Bayambang I and II ay nakasungkit ng 125 medals, kabilang ang 51 gold, 46 silver, at 28 bronze medals. Ang LGU ay nagbigay ng suportang P450,000 cash sa mga student athletes mula sa Special Education Fund.

 

Mayor Niña, May Munting Reward sa mga Winning Athletes

 

Muling kinilala ng LGU ang mga nagsipagwaging atleta sa ginanap na Schools Division I Pangasinan Athletic Association Meet 2024. Gaya noong nakaraang taon, nagtamo ng pinakamataas na ranggo ang DepEd Bayambang I at II sa nasabing palaro. Bukod sa pag-apruba ng P450,000 na financial assistance mula sa LGU, si Mayor Niña ay nangako ring magbibigay ng jersey sa mga nagwaging atleta at libreng meryenda sa Niña's Cafe.

 

 

 

HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

Libreng Bunot, Inihandog sa Brgy. Reynado

 

Isang dental mission ang inihandog noong February 3 sa Brgy. Reynado Covered Court ni Dra. Bing Rosales-Merrera at mga kasamahang dentista at duktor mula sa City Health Department ng Lungsod ng Caloocan. Ang libreng bunot ay handog pasasalamat ni Dra. Merrera na tubong Brgy. Reynado sa kanyang ika-60th birthday.

 

 

Mga RHU, Nag-iikot sa mga CDC para sa 20th National Dental Health Month

 

Inumpisahan ng mga RHU noong February 5 ang pag-ikot sa mga Child Development Center upang magbigay ng second fluoride application at oral health information drive bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong buwan ng Pebrero. Layunin nito na maibahagi sa mga bata ang kahalagahan ng pagpapanatili ng oral health at hygiene.

 

 

 Mga CDC Pupils, Sabay na Nagsepilyo sa National Toothbrushing Day

 

Kasabay nito, nakilahok din ang dental team sa National Toothbrushing Day, kung saan sabayang nagsepilyo sa unang pagkakataon ang lahat ng 2,980 daycare pupils mula sa 74 Child Development Centers sa eksaktong 12:30 PM.

 

120-Day Supplementary Feeding Program sa CDCs, Sinimulan Na

 

Noong February 7, nag-umpisa na ang 120-Day Supplementary Feeding Program ng DSWD sa lahat ng 74 Child Development Centers ng Bayambang sa iba't ibang barangay, ayon sa ulat ng MSWDO Child Development Focal Person. Kabilang dito ang mga piling food items na siguradong puno ng sustansya para sa nutrisyon ng child development learners.

 

OFW Federation, Nagsagawa ng Feeding Activity

 

Isang feeding activity rin ang isinagawa ng Federation of Overseas Workers of Bayambang noong February 7 sa Brgy. Ligue kung saan may 20 pupils ang naging benepisyaryo. Isa sa mga proyekto ng pederasyon ang feeding program kung saan lahat ng mga Day Care Center sa Bayambang ay kanilang lilibutin, sa pakikipagtulungan ng PESO-Bayambang.

 

 

Mapag-arugang Serbisyo, Muling Ipinadama sa KSB Year 7

 

Ang tunay, tapat, at mapusong serbisyo publiko ng Team Quiambao-Sabangan ay muli na namang ipinadama sa ginanap na Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 7 sa Warding Elementary School noong Pebrero 16. Muling inilapit ang Munisipyo, sa pangunguna ni KSB Chairperson, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, sa mga residente ng Brgy. Warding, Ambayat 1st, at Managos, kung saan 1,248 na residente ang naging benepisyaryo ng higit animnapung (60) uri ng serbisyo kabilang ang free legal advice.

 

Animal Bite Treatment Center, Narenew ang Accreditation

 

Ang RHU 1 Animal Bite Treatment Center ay muling binigyan ng accreditation ng DOH Center for Health Development I. Ang Certificate of Quality Service ay inissue ng DOH noong February 12, at may bisa hanggang February 11 sa taong 2026.

 

234 na Orally Fit Child, Kinilala

 

Ipinamalas ng may 234 learners mula sa mga Child Development Center ng Bayambang ang kanilang nagniningning na mga ngipin at naggagandahang mga ngiti bilang orally fit children, sa ginanap na Orally Fit Child Awarding (OFC) Ceremony noong February 26 sa Events Center. Ang awarding ay isinagawa sa pagtutulungan ng dental care team ng mga RHU at ng MSWDO at Child Development Centers.

 

 

 RHU I, Nagsagawa ng 2023 Program Implementation Review

 

Noong February 26, ang RHU I ay nagsagawa ng kanilang 2023 Program Implementation Review, kung saan nirepaso ang mga naging accomplishment ng lahat ng midwife at nurse bilang mga health program coordinator. Ayon sa ulat, ang mga istratehiya ng mga midwife at nurse na nasa dulo ng ranking noong nakaraang taon ay umangat sa 4th, 3rd at 2nd rank, at consistent namang nanatiling nasa unang ranggo ang mga nag-rank 1 sa nakalipas na limang taon.

 

Operasyon para sa Eye Cataract Patients, Inumpisahan Na

 

Sa isinagawang Grand Medical Mission noong January 15-19, mayroong naitalang 83 na kaso ng pasyenteng may katarata sa mata. Ayon sa ulat ng RHU, anim sa mga ito ay naoperahan na noong February 26 sa San Carlos Eye Center, San Carlos City. Sila ay nakaschedule para sa follow-up check-up. Nakatakda namang operahan ang iba pang pasyente sa ngayong araw at sa March 11.

 

 

 

- Nutrition (MNAO)

Weigh-in para sa LGU Weight Loss Challenge, Nag-umpisa Na!

Nag-umpisa na ang weigh-in para sa ‘Trim and Triumph’ Weight Loss Challenge para sa lahat ng LGU employees, sa pag-oorganisa ng Weight Loss & Physical Fitness Technical Working Group. Layunin ng challenge na ma-udyok ang lahat ng kawani na piliin ang healthy lifestyle nang makapagbigay ng mahusay na serbisyo publiko. Ginanap ang weigh-in sa Events Center Gym noong February 1.

 

 

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

 

Inter-District Basketball and Volleyball Tournament 2024, Ikinasa

 

Ang Bayambang SK Federation, sa pangunguna ni SK Federation President Marianne Cheska Dulay, ay nagsagawa ng isang Preparatory Meeting para sa LGU-Bayambang Inter-District Basketball and Volleyball Tournament 2024, kasama ang mga opisyal ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council noong February 3 sa Events Center. Naroon siyempre ang lahat ng SK Chairpersons ng Bayambang.

 

 

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

 

– Slaughterhouse

 

 

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

Unang Bugso ng Food Packs para sa ECCD Learners, Ipinamahagi

 

Sinimulan nang ipamahagi ng MSWDO ang unang delivery ng mga food pack mula sa DSWD para sa 2,980 Early Chidhood Care Development o ECCD learners noong February 6 sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. Sa kabuuan, ang mga food pack ay nagkakahalaga ng P7.2-million. Bawat food pack ay nakalaan para sa 120 days of feeding.

 

 

DSWD-SLP Silkscreen Printing Shop, Binuksan sa SG2

 

Isang ribbon cutting ceremony ang isinagawa para sa pagbubukas ng isang silkscreen printing shop ng SG Printing Services SLPA sa San Gabriel 2nd sa pangunguna ng DSWD at BPRAT noong February 2. Ang small-scale enterprise na ito ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.

 

Mayor Niña, May Ice Cream Treat sa Valentine's Day

 

Noong Araw ng mga Puso, may surpresa si Mayor Niña Jose Quiambao na libreng sorbetes na mula sa Bani Delicious Ice Cream para sa mga empleyado at kliyente ng Munisipyo. Ang munting treat ay naghatid ng saya sa lahat ng pumila sa gitna ng mainit na panahon.

 

 

CSO Federation, Nagfinalize ng Articles of Incorporation

 

Ang mga miyembro ng Federation of Civic Society Organizations of Bayambang ay pinulong noong February 21 sa SB Session Hall upang plantsahin ang Articles of Incorporation at Bylaws ng pederasyon. Sa pamamagitan ng dokumentong ito, mafoformalize ang legal status at governance structure ng pederasyon.

 

 

GAD Pre-Planning, Isinagawa

 

Ang Bayambang Municipal Gender and Development (GAD) Council ay nagconduct ng isang pre-planning activity para sa pormulasyon ng Municipal Gender and Development Plan and Budget para sa taong 2025, ayon sa Magna Carta of Women. Ito ay ginanap mula February 21 hanggang 23 sa Balon Bayambang Events Center, kung saan tinalakay ang mga paksang Gender Audit at Gender-Responsive Planning and Auditing.

 

2 MSWD Officers, Certified Provincial ECCD Evaluators

 

Dalawang staff ng MSWDO ang napiling ECCD Evaluators para sa probinsya ng Pangasinan noong February 23, matapos silang gawaran ng Certificate of Proficiency ng Provincial Social Welfare and Development Office. Sila ay sina Marvin Bautista at Marie Paragas. Gamit ang bagong Assessment Tool ng Early Childhood Care and Development, sila ay magiging evaluator sa mga isasagawang accreditation ng mga Child Development Center sa buong Pangasinan.

 

 

 

- Civil Registry Services (LCR)

51 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation and Counseling

Noong February 1, ginanap ang isang Pre-Marriage Orientation and Counseling para sa mga mag-iisang dibdib sa darating na Kasalang Bayan. Nasa 51 couples ang dumalo sa aktibidad na inorganisa ng MSWDO at LCR. Kabilang sa mga paksang tinalakay ang: pagpapatibay ng samahan bilang mag-asawa, pagiging responsableng magulang, at pagpaplano ng pamilya.

 

Free Delayed Registration of Birth, Nagpatuloy

 

Nagpatuloy ang Local Civil Registry Office sa kanilang libreng mobile registration activity para sa delayed na pagpaparehistro ng kapanganakan, sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Statistics Authority.  Nitong mga nakaraang linggo, sila ay nagtungo sa Brgy. Duera, Cadre Site, Asin, Zone II, Zone VII, at Manambong Sur.

 

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

Bali-balin Bayambang, Muling Inilunsad

 

Muling inilunsad ni Mayor Niña ang Bali-Balin Bayambang noong February 26, upang mas paigtingin ang kampanya para sa kaayusan at kalinisan ng buong komunidad. Sa nasabing re-launching ng proyekto, nagkaroon ng isang makabagbag-damdaming production number, at ang pagpapakilala sa mga bagong “Basura Patrollers” na magsisilbing "human CCTV" upang isuplong ang mga mahuhuling violators. Gamit ang mga bagong pushcarts, sila ay mangongolekta ng basura sa lahat ng sulok ng bayan.

 

 

 

 

 

- Youth Development (LYDO, SK)

 

 

 

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP)

 

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

Public Scoping ukol sa Irrigation Project, Isinagawa ng NIA

 

Nagsagawa ng public scoping para sa Bayambang Pump Irrigation Project ang pamunuan ng National Irrigation Administration at DENR noong February 6 sa Events Center. Dito ay tinalakay ang mga environmental at social impact ng proyektong irigasyon, mga proposed

 

Mga Ayudang Pataba ng DA, Hinakot para sa mga Nasalanta ng Bagyong 'Karding'

 

Hinakot noong February 28 ng Agriculture Office ang mga pataba sa Pangasinan Research and Experiment Center, Sta. Barbara, na inilaan para sa mga nasalanta ng Bagyong 'Karding' noong nakaraang taon. Kabilang dito ang 75 bags ng muriate of potash, 190 bottles ng carageenan, 90 packs ng Bio-Cozyme, at 90 packs ng AMO. Ang mga ito ay inilagak sa Municipal Warehouse sa Brgy. Telbang.

 

 

 

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)

 

4 na Bigasan Showcase, Inaward ng DOLE

 

Sa tulong ng PESO-Bayambang, apat na indigent beneficiaries ang nabigyan ng rice retailing package mula sa DOLE noong February 2. Kasama sa package ang apat na timbangan. Ayon sa PESO, ang pagpili sa mga benepisyaryo ay base sa isinagawang validation ng DOLE.

 

Mini-Job Fair, May 13 na Hired on the Spot

 

Isang Mini-Job Fair ang isinagawa noong February 16 ng Public Employment Services Office sa Events Center. May 122 na total registrants, at 121 sa mga ito ang qualified, at 13 naman ang hired on the spot.

 

 

- Economic Development (SEE)

 

Water Refilling Station, Muling Inappraise at Inassess

 

Ang Assessor's Office ay nagconduct ng reappraisal at reassessment ng mga water refilling station. Sa nakaraang linggo, sila naman ay nagtungo sa Brgy. Tampog, San Vicente, Warding, Managos, at Wawa. Pinapaalalahanan ng departamento ang lahat ng operators at owners na magreport kaagad sa Assessor's Office sa oras na tumigil ang kanilang operasyon upang agad ding matigil ang kanilang nakatalang bayarin.

 

 

Santos, Nanumpa bilang PAMDO BOD Chair ng District 3

 

Naluklok si Bayambang Supervising Labor and Employment Officer (SLEO) Gernalyn Santos bilang Board of Director Chairperson ng 3rd District ng Pangasinan, sa ginanap na oath-taking ceremony para sa mga opisyales ng Pangasinan Association of Migrant Desk Officers (PAMDO) na idinaos ng nasabing asosasyon noong February 27, sa Sta. Barbara, Pangasinan. Si Santos ay nirepresenta ni PESO staff Dennis Flores.

 

 

 

- Cooperative Development (MCDO) 

 

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

 

NHCP, Magpapatayo ng Bagong Aguinaldo Marker

 

Ilang kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines ang dumating sa Bayambang noong February 19 upang pag-usapan ang planong pagpapatayo ng isang updated marker ng ahensya ukol sa makasaysayang pagtungo ng dating pangulong si Heneral Emilio Aguinaldo sa bayan ng Bayambang. Ang planong marker installation ay parte ng proyekto ng ahensya na gunitain ang landas na tinahak ng mga rebolusyonaryo sa 44 na bayan habang kanilang ipinaglalaban ang kasarinlan ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong 1899.

 

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

Puspusang Training, Isinagawa para sa PRDP

 

Ang Municipal Project Management and Implementing Unit ng LGU para sa Philippine Rural Development Project ng World Bank, DA, at LGU ay nagtraining ukol sa Contract Management, Construction Supervision, Financial Management, at Geo-Mapping noong February 5-9 sa Orchard Hotel, Baguio City. Ang mga resource speakers ay galing sa iba’t ibang tanggapan ng DA-PRDP.

LGU, Kinilala bilang Equitable Compensation Advocate ng DA-PRDP

 

Ang LGU-Bayambang ay nakatanggap ng isang Equitable Compensation Advocate Award mula sa DA-Philippine Rural Development Project (PRDP), sa isang seremonyang ginanap kahapon noong February 27 sa Subic Bay, Olongapo City. Ayon sa DA-PRDP, ito ay dahil matagumpay na tiniyak ng LGU-Bayambang na ang mga indibidwal na apektado ng PRDP project ay aktibong nakilahok at naiintindihan ang patakaran sa kompensasyon para sa nasabing proyekto.

 

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

 

BFP, May Babala sa Lahat

 

Sunud-sunod kamakailan ang insidente ng sunog sa ating bayan, kaya't muling nananawagan ang Bureau of Fire Protection sa lahat na mag-doble ingat lalo na't panahon ngayon ng El Niño o tagtuyot. Inaabisuhan ang lahat na idouble-check ang kanilang mga saksakan sa bahay at lutuan. Ipinapaalala rin ang lahat ng residente na labag sa batas ang pagsunog na basura, kabilang ang mga inipong kumpol ng natuyong dahon o dayami. At maaaring magmulta o hulihin ang sinumang lalabag.

 

Ilang Piling Kawani, Nagtapos sa ICS V Training

 

Ilang piling kawani, kabilang ang 3 department heads at 22 staff mula sa iba’t ibang departamento ang sumabak sa pina-level up na training sa Incident Command System, o ICS V, sa tulong ng National DRRM Council kasama ang OCD Region I mula February 12 hanggang 16 sa Monarch Hotel, Calasiao. Dito ay sinanay ang mga trainees na nagtapos ng ICS 1, 2, 3 at 4 na maging mas magaling bilang isang Incident Manager at ICS course facilitator sa pagconduct ng ICS Seminar-Training sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon Uno.

 

Public Service Continuity Plan ng LGU, Binalangkas

 

Ang mga pinuno ng iba't ibang departmento at unit ng LGU ay dumaan sa limang araw na seminar-training upang balangkasin ang Public Service Continuity Plan ng Munisipyo. Ginanap ang seminar-training sa San Mateo, Rizal, sa tulong ng OCD Region I mula February 26 hanggang March 1. Layunin ng PSC Plan na masigurong tuluy-tuloy ang lahat ng serbisyo ng LGU lalo na ang mga importanteng mga departamemto sa oras ng anumang uri ng sakuna.

 

 

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

 

Mga Punong Barangay, Sumalang sa BNEO Orientation

 

Ang 77 na Punong Barangay ng Bayambang ay umattend sa Barangay Newly Elected Officials' Orientation ng DILG noong February 6 sa Events Center. Naging tagapagsalita ang iba’t ibang opisyal ng munisipyo, kung saan naging paksa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council; Barangay Peace and Order Council; Kalinisan Day; at iba pang responsibilidad na kanilang gagampanan sa kani-kanilang nasasakupan.

 

Empleyado ng Motorpool, Nagsurrender ng Napulot na Wallet

 

Isang empleyado ng LGU ang nagsurrender sa Administrator's Office ng napulot niyang wallet na naglalaman ng cash at mga ID sa Brgy. Bani noong February 9. Siya ay si Amadito Vinluan ng Municipal Motorpool. Kaagad ding na-claim ng may-ari ang wallet nito sa naturang tanggapan matapos siyang macontact sa kanyang Facebook account.

 

Isa Pang Honest Employee ng LGU, Pinasalamatan

 

Isa pang honest employee ng LGU-Bayambang ang umani ng pasasalamat matapos nitong ibalik ang mga napulot na cell phone at wallet na may cash sa mga nagmamay-ari nito, sa tatlong pagkakataon. Siya ay si Sergio delos Santos ng Sangguniang Bayan, na dati ring nanilbihan bilang Sangguniang Kabataan member ng Brgy. Langiran.

 

 

LGU Employees, Muling Nakatanggap ng Bagong Uniform

 

Muli na namang nagbigay ng bagong uniporme si Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, sa lahat ng empleyado ng lokal na pamahalaan parang sa taong 2024. Lubos ang pasasalamat siyempre ng mga empleyado sapagkat ito ay malaking katipiran sa kanilang taunang clothing budget. Ayon sa pinakahuling tala, ang LGU ay may kabuuang 903 na empleyado.

 

 

 

- Planning and Development (MPDO)

 

CBMS Coordinating Board, Nag-convene sa Unang Pagkakataon

 

Ang mga miyembro ng Coordinating Board para sa Community-Based Monitoring System o CBMS ng LGU-Bayambang ay nagtipon sa unang pagkakataon, sa pag-oorganisa ng MPDC, sa Mayor's Conference Room noong Pebrero 2. Naroon ang mga opisyal ng Pangasinan Provincial Statistics Office (PSO) upang talakayin ang scope at coverage ng CBMS 2024, objectives at legal bases nito, mga kaakibat na data privacy at confidentiality issues, at ang papel at responsibilidad ng mga miyembro ng Board. Kasama sa pulong ang mga concerned departments at mga opisyal at representante mula sa DILG, PNP, at DepEd.

 

 

 

 

- Legal Services (MLO)

 

Pre-Demolition Conference para sa Magsaysay Lot Case, Isinagawa

 

Isang Pre-Demolition Conference ang isinagawa ng LGU noong February 16 sa SB Session Hall, kaugnay ng pagpapatupad ng demolisyon sa utos ng Municipal Trial Court hinggil sa Civil Case No. 1000. Ipinaliwanag dito ang proseso ng napipintong pag-okupa ng Munisipyo sa mga partikular na lote sa Brgy. Magsaysay at kung papaano matutulungan ang mga apektadong occupants. Sa mga naturang lote, gagawa ang Municipio ng bagong Social Annex Hall para sa mas pinalawak na paghahatid ng iba't ibang serbisyo ng MSWDO.

 

 

 

- ICT Services (ICTO)

 

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

 

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

 

Bayambang, Good Financial Housekeeping Passer Muli

 

Muling napabilang ang bayan ng Bayambang sa mga pasado sa Good Financial Housekeeping audit ng DILG para sa taong 2023. Kabilang sa criteria ng pagiging GFH passer ang favorable opinion mula sa Commission on Audit at compliance ng LGU sa Full Disclosure Policy ng pamahalaan.

 

Mayor Niña, Pang-Apat sa Top Performing Mayors ng Pangasinan, Ayon sa Survey

 

Ayon sa report ng isang independent survey ng Hypothesis Philippines, si Mayor Niña Jose-Quiambao ay ika-apat sa mga Top Performing Mayors ng Pangasinan noong Disyembre 2023. Ito ay base sa sagot ng 10,000 respondents na piniling tanungin at random upang alamin ang job performance ng mga mayor ng Pangasinan.

 

 

Bayambang MNAO, Pormal nang Pinarangalan ng NNC

 

Pormal nang pinarangalan si Bayambang Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno bilang isa sa top 10 MNAOs nationwide para sa taong 2023, sa ginanap na awarding ceremony ng National Nutrition Council noong February 12 sa Manila Hotel. Nagpapasalamat si Ms. Bueno sa inspirasyon at suporta nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice Mayor IC Sabangan, at ng buong Team Quiambao-Sabangan.

 

 

RHU II, Top Performing Newborn Screening Facility

 

Ang Rural Health Unit II ng Bayambang ay pinarangalan ng Newborn Screening Center ng Northern Luzon noong February 5, 2024, bilang isa sa mga top performing newborn screening facilities ng Rehiyon Uno sa Primary Care - Government Category. Ito ay base sa naitalang Unsatisfactory Rate na 0.00 sa 2nd quarter ng taong 2023.

 

 

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

Public Hearing, Isinagawa para sa 6 na Panukalang Ordinansa

 

Isang public hearing muli ang idinaos ng Sangguniang Bayan (SB) ukol sa tatlong panukalang ordinansa noong February 28 at 29. Ang mga ito ay ukol sa Piggery Operation, Pag-kontrol sa African Swine Fever, Agricultural Land Reclassification, Basic Oral Hygiene, at Healthy Smile Festival.

 

Isa pang mainit na pinag-usapan ay ang panukalang Annual Physical Check-up ng LGU Officials at Employees, upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng mga kawani ng gobyerno sa gitna ng kanilang mabibigat na tungkulin.

Pinangunahan ang pampublikong pagdinig ng apat na concerned SB Committee councilors.

 

No comments:

Post a Comment