EDUCATION FOR ALL
- Educational Services (LSB, Library, DepEd)
1,000 na Estudyante, Tumanggap ng Financial Assistance
Noong November 21, ang mga scholar ng LGU ay nagtipon sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park para sa Educational Financial Assistance payout na inorganisa ng Local School Board (LSB) katuwang ang Treasury Office. May 1,000 na PSU college students ang tumanggap sa handog na tulong ng Lokal na Pamahalaan para sa kanilang pag-aaral.
Pamilya Ferrer, May Book Donations Muli
Ang LGU-Bayambang ay muling nagapasalamat kina G. Joey Ferrer at Gng. Sofia Ferrer ng Roxas St., Bayambang, Pangasinan at Pittsburg, California, USA, sa kanilang latest na mga donasyong libro. Kabilang sa mga napili nilang benepisyaryo ang Municipal Library, Bayambang National High School, St. Vincent Catholic School, Nalsian Elementary School, at mga pribadong indibidwal. Ang pamilya Ferrer ay ilang dekada nang malimit na magdonate ng mga aklat at iba pang mga kapakipakinabang na bagay sa bayan ng Bayambang.
Dusoc CDC Learners, Nag-storytelling Activity
Ang mga munting learner ng Barangay Dusoc Child Development Center (CDC) ay nakinig sa mga makabuluhang kuwentong hatid ng Municipal Public Library, sa isang storytelling activity na ginanap noong Nobyembre 24, bilang parte ng pagdiriwang ng 64th Library and Information Service Month. Naging storyteller sina Gng. Iluminada Mabanglo na Presidente ng FSCAB at ang grand winner ng Little Mr. Bayambang na si Sven Alchemist dela Cruz.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
RHU III, Nag-Blood Drive sa Caturay
Muling nagconduct ang RHU III noong November 8 ng isang mobile blood donation drive kasama ang Region 1 Medical Center sa Brgy. Caturay, kung saan nagkaroon ng 26 registrants at 12 successful blood donors. Nagpakain naman ang Brgy. Caturay Council sa mga donor at staff. Ito na ang panghuling barangay na inikutan ng RHU sa taong ito, at sa kabuuan, sila ay nakakolekta ng 155 blood units.
1 Rabies Mortality, Naitala ng DOH sa Bayambang sa 2023
Isang kaso ng rabies death ang naitala ng DOH sa bayan ng Bayambang kamakailan, matapos ang tatlong taon na walang rabies cases. Ang pasyente ay isang anim na taong gulang na batang lalaki na nakagat ng aso tatlong buwan na ang nakakaraan bago ito nagkaroon ng sintomas. Sa kasamaang palad, huli na nang ito ay isugod na ospital, kung saan siya ay binawian ng buhay.
Ipinapaala ng Municipal Health Office sa lahat na MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL NG BATAS ang mga pagala-galang alagang aso at hindi pagtali sa mga ito. Kailangan din na kaagad magpabakuna sa RHU I o BDH ang sinumang makagat ng aso o pusa upang maiwasan ang rabies na isang sakit na WALANG GAMOT at kapag hindi naagapan ng bakuna ay NAKAMAMATAY.
LGU Quick Response Team, Nag-training sa "Nutrition in Emergencies"
Nag-organisa ng isang Training-Workshop ang Nutrition Office ukol sa Nutrition in Emergencies (NIE) noong November 16 at 17 sa Mayor's Conference Room. Dito ay natuto ang mga miyembro ng Quick Response Team ng LGU ng mga bagong kaalaman sa tamang pagrisponde pagdating sa aspeto ng nutrisyon sa panahon ng mga kalamidad. Naging resource speaker ang mga Nutrition Officer ng Dagupan
KSB Year 6, sa Sancagulis Nagtapos
Nagtapos ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 sa Cason Elementary School (CES) sa Brgy. Sancagulis noong November 24, kung saan inihatid ng buong KSB Year 6 team sa mga residente ng Brgy. Bical Norte, Bical Sur, at Sancagulis ang mga libreng serbisyo ng Munisipyo na may tatak Total Quality Service. Ayon kay overall organizer, Dr. Roland Agbuya, mayroong 839 na benepisyaryo sa aktibidad
- Nutrition (MNAO)
Refresher Course para sa CDWs
Isang "Refresher Training on Proper Nutritional Assessment of Children" ang ibinigay ng MNAO at RHU para sa mga Child Development Workers noong Nobyembre 4 sa Events Center. Ito ay para masiguro na sumusunod sila sa protocol ng pagkuha ng weight at height ng mga daycare learners. Naging facilitator sina MNAO Venus Bueno, RHU III Nurse Lady Philina Duque, at DNPC Imelda de Guzman.
Quick Response Team, Sumabak sa Psychosocial Intervention Training
Sumabak ang Quick Response Team ng LGU sa isang "Psychosocial Intervention & Support Training." Dito ay tinalakay ang mga prinsipyo at paraan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng mga taong may mental health o psychosocial concerns sa panahon ng kalamidad. Ang training ay ginanap sa Mayor's Conference Room mula November 7 hanggang 9, kung saan naging resource speaker sina Maricel Caleja at Mark Anthony Ballan ng DSWD.
Larong Pinoy at Health Eating Lecture para sa mga Daycare
Bilang parte pa rin ng selebrasyon ng National Children's Month 2023, nag-organisa ang Municipal Nutrition Action Office ng "Larong Pinoy" at nagsagawa ng isang "Lecture on Healthy Eating for the Overweight CDC Learners." Dito ay ipinamalas ng mga tsikiting ang liksi sa Calamansi Relay, at galing sa paggiling sa Hula Hoop Competition. Namigay din ang MNAO ng mga healthy food sa mga bata, at saka badminton at hula hoop set para maenganyo silang magkaroon ng regular na physical activity.
MNC TWG, Nagmomonitor para sa Search for Outstanding School in Nutrition
Nagsimula nang mag-ikot ang Technical Working Group ng Municipal Nutrition Committee para i-monitor ang mga public elementary school ng Bayambang sa kanilang Nutrition Program Implementation. Iniinspeksyon ng RHU, MNAO, Nutrition, MAO, at DepEd nurses kung nasusunod ba ng mga paaralan ang Healthy Options in School Canteen (ayon sa DepEd Order No. 13, series of 2017), Water Sanitation and Hygiene o WASH Program, at Gulayan sa Paaralan Implementation.
Palarong Pinoy ng Nutrition Office, Dinala sa mga Piling CDC
Nag-ikot ang Nutrition Office sa piling mga Child Developmental Center para magconduct ng Palarong Pinoy upang tumatak sa isip ng mga obese at overweight na kabataan ang importansya ng physical activities at healthy lifestyle. Ang mga CDC learner ay sumali sa mga larong Calamansi Relay, Hula Hoop, at Stop Dance, at nakinig sa lecture ukol sa "Pinggang Pinoy" o healthy food plate for Filipinos.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
Team Sinaglahi, Kampeon sa LGU Sportsfest 2023
Naging overall champion ang Team Sinaglahi sa katatapos na LGU Sportsfest 2023 na inorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council. Ito ay matapos masungkit ng Sinaglahi team ang championship sa Men's Basketball, Laro ng Lahi, at Hiphop Dance Competition. Nakuha naman ng Tea Mandirigma ang championship sa Women's Volleyball. 1st Runner-up naman ang Team Masigasig, 2nd Runner-up ang Mandirigma, 3rd Runner-up ang Luntian, at 4th
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
- Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Mga Chikiting ng LGU Employees, Naki-Trick or Treat
Nabalot ang Events Center ng katata-cute-tan sa ginanap na LGU Trick or Treat para sa mga chikiting ng LGU employees noong October 27. Ito ay inorganisa ng Administrator's Office sa tulong ng Nutrition Office. Masayang naki-trick or treat ang mga bata sa iba't-ibang opisina ng Munisipyo, at nagparamihan ng nakolektang kendi. Naging highlight ng okasyon ang kanilang pagrampa sa kani-kanilang napiling Halloween costume. Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng cash prize.
Distribusyon ng ECCD Checklist
Noong November 4, ipinamahagi ng MSWDO ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Checklist sa lahat ng 74 accredited Child Development Centers ng Bayambang. Ang ECCD Checklist ay isang assessment tool para makita development ng mga daycare learners sa pitong aspeto.
CDLs, Grade 5 &6, Bumida sa Children's Month 2023
Nagpakitang-gilas sa iba't-ibang angking talento ang mga bibung-bibong Child Development Learner (CDL) at Grade 5 at Grade 6 pupil sa tatlong patimpalak, ang Talumpati, Folk Dance, at Monologue, na ginanap noong November 14 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay inorganisa ng MSWDO kaugnay ng selebrasyon ng National Children's Month na may temang, "Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All."
Salamat, Radiant Balon Bayambang Eagles Club!
Nagpapasalamat ang LGU, sa pamamagitan ng Mayor's Action Center at Nutrition Office, sa Radiant Balon Bayambang Eagles Club, sa pangunguna ng kanilang mga club president na sina former Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., Germaine Lee Orcino, at Ryan Amir Tahanlangit, sa kanilang financial assistance para sa isang batang may medical condition.
May Ice Cream Treat sa Lahat ng Barangay
Noong November 17, ipinagdiwang ang kaarawan ni former Mayor Cezar T. Quiambao at anibersaryo ng kanyang kasal kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng isang misa at simpleng selebrasyon sa Balon Bayambang Events Center. Ang Bayambang First Couple ay namigay din ng ice cream gawa ng Bani Delicious Ice Cream sa lahat ng barangay noong November 15, 16, at 17.
Pamamahagi ng Pamaskong Handog 2023, Sinimulan na
Nag-umpisa na noong November 20 ang pamamahagi ng Christmas packages para sa 31,539 households para sa Pamaskong Handog 2023 na hatid ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ng kanyang kabiyak na si Dr. Cezar Quiambao. Nauna nang bigyan ng Christmas package ang Barangay Ambayat 1st, Ambayat 2nd, Wawa, Pugo, at San Vicente.
LGBTQI Assoc., Nakipagtulungan sa Kampanya Laban sa HIV
Nagkaroon ng isang seminar ukol sa HIV-AIDS Awareness noong Nov. 29, sa Balon Bayambang Events Center, sa inisyatibo ng MSWDO-Local Population Office sa pakikipag-ugnayan sa LGBTQI Association of Bayambang at RHU. Tinalakay dito ang ukol sa pagsugpo at pag-iwas sa sakit na HIV-AIDS at ang kahalagahan ng regular na screening. Nagsagawa naman ang RHU I ng libreng HIV testing para sa ilang attendees.
Mga Tsikiting, Nakipagdayalogo kay Mayor Niña sa SOCA 2023
Ang National Children’s Month celebration ay nagtapos sa taunang State of the Children's Address ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Dito ay kanyang ipinahayag ang mga nagawa ng administrasyon para sa pagsulong ng mga karapatang pambata sa larangan ng kalusugan, edukasyon, partispasyon, at proteksyon. Nakipagdayalogo pa si Mayor Niña ng mga kabataan ukol sa iba’t-ibang paksa.
- Civil Registry Services (LCR)
Mga Birth Certificate, Inaward sa mga Nag-avail ng Libreng Delayed Registration
Ang Local Civil Registry Office, sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay nag-award ng mga birth certificate sa mga residente ng Brgy. Sanlibo, Caturay, Inanlorenza, at Idong. Ang awarding ceremony ay ginanap sa Brgy. Sanlibo Covered Court noong November 22. May 58 beneficiaries ang nakatanggap ng birth certificate in security paper na inisyu ng PSA ng libre para hindi na sila gumastos at pumila pa sa PSA Calasiao.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
Bayambang ESWMO, Isa sa 6 Lamang na Compliant ESWMO sa Buong Pangasinan
Ang Bayambang ESWMO ay isa sa anim lamang na compliant sa ESWMO sa buong probinsya ng Pangasinan, matapos ang monitoring ng DENR-EMB 1 sa mga 10-Year Solid Waste Management Plan ng mga LGU sa Pangasinan. Ito ay matapos maisakatuparan ng EWSMO-Bayambang ang lahat ng sampung component ng naturang SWM Plan. Ang finding na ito ay iprinisenta ng DENR-EMB 1, noong 4th Quarter Meeting ng Provincial Solid Waste Management Board sa kapitolyo.
Quinto, Bagong PAENRO President
Inihalal bilang bagong Presidente ng Pangasinan Environment and Natural Resources Organization si Bayambang MENRO Joseph Anthony Quinto para sa taong 2024 hanggang 2025. Ito ay ginanap sa pulong ng Provincial Solid Waste Management Board noong Nobyembre 23 sa Kapitolyo, kung saan iniulat din na compliant ang ESWMO-Bayambang sa sampung indicators base sa RA 9003, at isa ang Bayambang sa anim lamang na mga compliant LGUs.
- Youth Development (LYDO, SK)
Ating Pambato sa Global IT Challenge 2023, Bronze Awardee
Nag-uwi ng bronze award ("Good") ang mga suportado ng LGU-Bayambang sa Global IT Challenge for Youth with Disabilities 2023 na ginanap sa Abu Dhabi, UAE mula October 23 hanggang October 27, para sa kanilang presentation na "eCreative_Smart Car." Kabilang sa winning team sina Mark John Reynosa at kanyang coach na si Mr. Raffy Carungay ng Bayambang National High School. May 461 participants mula sa 18 na bansa ang naturang kumpetisyon.
Newly Elected SK Chairpersons, Umattend sa Unang Batch ng Training
Ang mga bagong halal na 77 Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ay umattend sa unang batch ng SK Mandatory Training noong November 8, sa Balon Bayambang Events Center, bilang pagtalima sa isang requirement para sa mga bagong halal na SK officials bago magsimula sa kanilang tungkulin, alinsunod sa Republic Act 10742. Ang training ay inorganisa ng LGU-Bayambang sa pamamagitan ng LYDO at DILG.
- Peace and Order (BPSO, PNP)
Buong LGU, Todo Suporta sa BSKE at Undas 2023
Ang LGU ay nagbigay ng buong suporta sa Commission on Elections (COMELEC) sa nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023, mula sa:
- preparatory meetings, (MDRRMO Council Mtgs)
- hanggang sa masusing pagbabantay ng Highway Public Assistance Desk, (PNP, BFP, etc.)
- Public/Motorist Assistance Center, (MDRRMO, Tourism)
- medical aid stations, (RHUs)
- solid waste collection, (ESWMO)
- distribusyon ng mga election supply at paraphernalia at pagtanggap ng mga ballot box at election return, security detail, police visibility, (Treasury, PNP, AFP)
- at pagbaklas ng mga election campaign materials. (ESWMO)
Walang tigil ang mga departmento at ahensya sa pagbibigay serbisyo publiko, kahit sa mga araw na walang pasok.
Maraming salamat po sa lahat ng nagtrabahong mga miyembro ng MDRRM Council at mga ahensya ng gobyerno upang siguradong maging ligtas, malinis, at mapayapa ang halalan sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at mabilis na pagtugon sa anumang pangangailangan.
BSKE at Undas 2023, Zero Casualty
Dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng departamento ng LGU at iba't ibang ahensya ng gobyerno, walang naitalang anumang casualty sa pagsasagawa sa Bayambang ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 at Undas 2023. Nagpapasalamat ang LGU sa lahat ng mga nagtrabahong teacher, LGU employee, pulis, kawal, bumbero, at civilian volunteers upang maging matagumpay, maayos, at ligtas ang halalan at pagdiriwang ng Undas.
Isa na Namang Traffic Enforcer, Nagbalik ng Napulot na Salapi
Isa na namang traffic enforcer ng Bayambang Public Safety Office ang kusang nagbalik ng napulot na pera.
Noong October 28, nakapulot ng P3,000 in cash si BPSO Traffic Enforcer Joan Perfecto Ceralde habang siya ay naka-duty, at ito ay agad na naibalik kay Ms. Cherry Zarate sa araw ding iyon.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
Local Rice Farmers, Nagtapos sa FFS at Rice Derby WS 2023
Noong Nobyembre 11, nagtapos ang mga local rice farmers na nag-enroll sa Farmers' Field School at Rice Derby for Wet Season 2023 sa isang seremonyang inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa Brgy. Dusoc Covered Court. Naging panauhin sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Dusoc Punong Barangay Ricky Penullar. Nagwagi ang seed variety na TH-82 na produkto ng SeedWorks bilang pinakaangkop sa lokal na klima, at ito ay umani ng 5.1 tons/hectare.
NIA at Consultants, Nag-validate sa Bayambang Pump Irrigation Project
Noong Nobyembre 23, isinagawa ang pag-validate ng Bayambang Pump Irrigation Project ng National Irrigation Authority (NIA) at kanilang mga consultant. Layon nito ang pagsusuri sa Detailed Engineering ng Pump Site at Social and Environmental Impact Assessment (SEIA) ng proyekto.
DA-PhilRice, Muling Nagpa-workshop
Ang DA-PhilRice ay muling dumating sa Bayambang upang magbigay ng isa na namang workshop, ang RiceBIS 2.0 Bayambang Site Working Group (SWG) Workshop and Program Launching noong Nobyembre 28 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang naturang workshop ay may layuning pagtibayin ang samahan ng mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tungo sa pag-suporta sa RiceBIS Bayambang
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
Latest Job Fair, May 16 HOTS, 14 Near-Hires, at 111 Qualified Applicants
Sa latest job fair na inorganisa ng PESO-Bayambang, may naitalang 16 applicants na hired on the spot, 14 near-hires, at 111 na qualified, out of 121 total registrants. Ang job fair ay ginanap sa Events Center noong October 27.
Bagong Batch ng TUPAD Beneficiaries, Dumaan sa Profiling Activity
Sa latest DOLE-TUPAD Orientation at Profiling Activity na ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion I at Balon Bayambang Events Center, inihayag ng PESO Bayambang na ang mga susunod na benepisyaryo ng naturang emergency employment program ay "197 solo parents, 540 senior citizens, 600+ BHW families, at 1,000 4Ps graduates."
SLP Micro-Enterprise Enhancement & Basic Business Management Training
Sa pag-oorganisa ng DSWD kasama ang MSWDO, nagkaroon ng Micro-Enterprise Enhancement cum Basic Business Management Training ang mga miyembro ng Technical Working Group ng Sustainable Livelihood Program sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Prayer Park noong November 14. Sa pamamagitan ng mga bagong kaalaman sa pamamahala ng negosyo, nagkaroon ang mga participants ng mga ideya kung paano patakbuhin at palakasin ang kanilang pinasok na maliit na negosyo.
105 PSU Graduates, Benepisyaryo ng DSWD Cash-for-Work Program
May 105 na graduate ng PSU-Bayambang Campus ang napiling benepisyaryo ng DSWD Cash-for-Work Program. Sila ay madedeploy sa LGU sa loob ng siyamnapung araw at ipatutupad sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ng DSWD na pinondohan ni Senator Imee Marcos.
- Economic Development (SEE)
- Cooperative Development (MCDO)
M.C.D.O., Kinilala sa Provincial at Regional Co-op Summit
Noong November 9, binigyang pagkilala si Municipal Cooperative Development Officer Albert Lapurga at ang Municipal Cooperative Development Office ng Bayambang sa kanilang pagpupunyaging maisulong ang pag-unlad ng mga kooperatiba sa Bayambang, sa ginanap na mga Cooperative Summit sa Kapitolyo at sa Rehiyon Uno bilang parte ng pagdiriwang ng National Cooperative Month.
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Mga Sikat na Rider-Vloggers, Narito para sa Kick-off ng Philippine Adventure Ride
Noong Oktubre 24, sama-samang bumisita sa Bayambang ang mga pinakasikat na motorcycle vloggers ng bansa para sa pagbubukas ng Pangasinan leg ng Philippine Motorcycle Tourism, isang aktibidad ng Philippine Tourism Board upang ipromote ang angking kagandahan ng ating bansa, safe driving, at pangangalaga sa kalikasan. Ang mga vloggers na sina Jet Lee, Lady Rider, Zara Moto, at iba pa, kasama ng kanilang mga followers, ay bumisita sa mga tourist sites sa Bayambang at nagtipon-tipon sa St. Vincent Ferrer Prayer Park para sa kick-off ceremony, bago tumulak sa ibang destinasyon sa probinsya.
Usapang SingKapital 2023, Naging Mainit-init sa Live Talk Show
Naging punung-puno ng impormasyon sa lokal na kasaysayan at mainit na talakayan ang Facebook Live talk show na tinaguriang "SingKapeTalk" bilang simpleng paggunita ng SingKapital 2023 noong ika-12 ng Nobyembre 12 sa Municipal Museum. Ito ay inorganisa ng MTICAO sa pangunguna ni Dr. Rafael Saygo, sa tulong ng Museum, BPRAT, at ICTO. Tinalakay nina Dr. Clarita Jimenez, Prof. Januario Cuchapin, Dr. Leticia Ursua, at PIO Resty Odon kung ano nga ba ang SingKapital, bakit kinakailangan itong gunitain taun-taon, at anu-ano ang mga kuwentong kaakibat o nakakabit dito.
Japan-Inspired Paskuhan sa Bayambang, Pumatok sa Lokal sa Turista
Ang pagbubukas ng Paskuhan sa Bayambang sa taong ito ay naging kakaiba, dahil ito ay inspired ng mga anime characters mula sa mga sikat na pelikulang gawa ng Studio Ghibli ng Japan. Kaya naman naging isang Ghibli-inspired theme park ang Municipal Plaza noong November 17, at ito ay dinagsa ng maraming bisita.
Isa sa mga tampok sa pagbubukas ng mala-Ghibli na theme park ay isang cosplay competition, kung saan higit sa singkwenta katao ang sumali.
Ghibli-Inspired Paskuhan, Tampok sa GMA TV
Bumisita noong November 23 ang GMA TV upang itampok ang mga feature ng Ghibli-inspired Paskuhan sa Bayambang 2023. Ang kanilang coverage ay napanood ng live sa Mornings at GMA Regional TV at maging sa national TV at sa 24 Oras.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Engineering Office Updates on ONGOING Construction Projects
Narito naman ang update ng Engineering Office sa mga ongoing construction projects nito na pinondohan sa ilalim ng 20% Development Fund for 2023.
- E-Learning/Reading Center sa Brgy. Sapang
- Multi-purpose Covered Court sa Brgy. Langiran
- Early Child Development Center sa Brgy. Macayocayo
- Multi-purpose Covered Court sa Brgy. Manambong Sur
Engr. Mangande, Kinumpirma bilang Municipal Engineer
Matapos ang deliberasyon, kinumpirma ng SB Committee on Public Works and Utilities ang appointment ni Engr. Bernadette D. Mangande bilang Municipal Engineer, sa isang plenary session noong November 20. Wala ni isang miyembro ng SB ang tumutol dito, matapos makita
ONGOING Engineering Office Construction Projects
Narito ang pinakahuling Engineering Office construction projects na kasalukuyang iniimplementa gamit ang 2023 20% Development Fund:
A. Barangay Covered Court sa Bacnono,
B. Manambong Sur, at
C. Pantol
D. Public Market Drainage System sa Zone I
E. Early Child Care Development Center sa Amanperez
PRDP Team ng LGU at DA, Nagsagawa ng Joint Technical Review
Ang Municipal Project Management and Implementation Unit (MPMIU) para sa Scale-Up Phase ng DA-Philippine Rural Development Project ay nagsagawa ng isang Joint Technical Review kasama ang mga key personnel ng PRDP. Ito ay kaugnay ng Road Opening at Concreting ng Pantol-to-San Gabriel II Farm-to-Market Road with Bridges project, at Construction of Bayambang Onion Cold Storage Facility project. Ang Joint Review ay ginanap noong November 21-24, sa Monarch Hotel, Calasiao, Pangasinan.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
Mga Bayambangueño, Nasasanay Maging Listo sa Paglahok sa NSED
Sa huling quarter ng taon, muling nakiisa ang bayan ng Bayambang sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Ito ay ginanap noong November 9, kung saan kabilang ang mga kawani ng munisipyo, lahat ng public at private elementary at high school, lahat ng opisyales ng 77 na barangay, at lahat ng daycare centers. Ang earthquake drill ay inorganisa ng MDRRMO, kasama ang PNP at BFP.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Bagong Halal na Barangay Officials, Pormal na Nanumpa
A. Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng 77 barangay ng Bayambang, kabilang ang 38 na mga bagong kapitan, sa ginanap na Oath-Taking Ceremony noong November 15 sa Events Center. Ang seremonya ay pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice Mayor Ian Camille Sabangan, at ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.
B. Kasabay nito ay ang pagpaparangal sa 17 Punong Barangay na nakatapos ng tatlong termino sa serbisyo, bilang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang serbisyo.
C. Kinahapunan naman ay nanumpa rin ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan officials sa parehong venue.
D. Samantala ang SK Chairperson ng Brgy. M.H. Del Pilar na si Cheska Dulay ang iprinoklamang duly elected SK Federation President ng Munisipalidad ng Bayambang. Si Dulay ay uupong bagong miyembro ng Sangguniang Bayan bilang Ex-Officio member.
- Planning and Development (MPDO)
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
LGU Employees, Umattend ng Cybersecurity Awareness Seminar
Dahil sa paglipana kamakailan ng iba't-ibang uri ng cybersecurity attacks sa mga government agencies, nagbigay ng isang seminar si ICT Officer Ricky Bulalakaw ukol sa Cybersecurity Awareness noong Oktubre 25 sa Balon Bayambang Events Center at online para sa lahat ng kawani ng LGU. Ang mga bagong kaalamang natutunan ay malaking tulong upang makaiwas ang LGU sa anumang uri ng cybersecurity attack at maging maingat ang lahat sa pag-handle ng mga impormasyong ibinigay sa publiko.
- Human Resource Management (HRMO)
Bagong Batch ng mga Kawani, Nag-seminar sa Personality Development
Muling dumalo ang mga kawani ng LGU sa isa na namang “Personality Development" seminar na inorganisa ng HRMO noong Nobyembre 16 at 17 sa Events Center. Ang Odyssey Hub, isang wellnesss firm mula sa Baguio City, ang naging resource person. Ang propesyunal at personal na paglago ng mga kawani ay inaasahang mauuwi sa paghahatid ng total quality service sa lahat ng Bayambangueño.
- Transparency/Public Information (PIO)
Former Mayor CTQ, Isa sa mga Panauhing Pandangal sa PLEX MOA Signing sa Kapitolyo
Si Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ay isa sa mga naging panauhing pandangal sa makasaysayang Paglagda sa Joint Venture at Toll Concession Agreements sa pagitan ng Lalawigan ng Pangasinan at San Miguel Corporation, para sa pagpapatupad ng Pangasinan Link Expressway (PLEX) Project. Ginanap ang MOA Signing sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III at SMC President at CEO Ramon Ang noong Oktubre 19 sa Kapitolyo. Ang PLEX ang siyang unang magkokonekta sa silangang bahagi ng probinsya sa kanlurang bahagi nito upang mapayabong
- Taxation and Financial Services
Tax Declaration ng Assessor's, Tuluy-Tuloy
Tuluy-tuloy ang Assessor's Office sa pag-iissue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istraktura, mapa-residential man o commercial building. Noong November 22, ang Municipal Assessor's team ay umikot sa Brgy. Tococ, Hermoza, at Tatarac. Ipinapaalam ng Assessor's team sa mga ating kababayan na ang pagbabayad ng amilar at iba pang buwis ay isang obligasyon ng lahat ng residente.
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
Motorpool Update: 453 Lehitimong Traysikel, May Bago nang Kulay at Sticker
Sa ulat ng Motorpool, mahigit sa 453 traysikel na may prangkisa ang napinturahan at nabigyan na ng sticker. Ito ay bahagi ng hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapadali ang pagkilala sa mga lehitimong traysikel. Layunin nito na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero at drayber sa pamamagitan ng pagsunod sa mga regulasyon ng traysikel sa bayan.
Motorpool at Engineering, Nagsasanay ng SMAW Students
Ang mga mag-aaral ng Shielded Metal Arc Welding o SMAW sa Tanolong National High School ay kasalukuyang sumasailalim sa praktikal na pagsasanay sa Municipal Motorpool at Engineering Office. Layunin ng pagsasanay na mapabuti ang kanilang kasanayan sa kursong ito at magamit ang kanilang natutunan sa hinaharap.
AWARDS AND RECOGNITIONS
E-Agro Entry ng Bayambang, Kampeon sa Region I Agri Symposium
Isang entry ng LGU-Bayambang ang napiling kampeon sa ginanap na agri symposium sa Ilocos Sur mula October 19 hanggang 20: ang 8th Regional Agriculture and Fisheries Extension Network (RAFEN) 1 Symposium. Ang winning thesis paper at oral presentation ay pinamagatang, "E-Agro: A Platform that Provides Assistance to All Farming Needs at One's Fingertips." Ito ay matagumpay na dinipensahan ni Catherine Quilantang kasama ang iba pang staff ng MAO, at BPRAT, E-Agro, at MAFC. Ang naturang thesis ang napili ng mga hurado out of 7 LGUs at ito ay nagwagi ng P20,000 cash prize.
LGU-Bayambang, Isa sa 20 Outstanding MADACs ng Pangasinan
Congratulations sa LGU-Bayambang dahil isa ito sa 20 lamang na may Most Outstanding City or Municipal Anti-Drug Abuse Councils sa buong Pangasinan. Ang Bayambang MADAC ay nagtamo ng 100 o High na Functionality Score sa Year 2022 Performance Audit, kaya good job sa lahat ng bumubuo ng MADAC sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kabilang ang PNP, MLGOO, SB, RHU, MSWDO, at CSOs kabilang ang Kasama Kita sa Barangay Foundation at religious sector.
LGU-Bayambang Passes the Child-Friendly Local Governance Audit for 2022!
Congratulations sa LGU-Bayambang sa pagkakapasa nito sa Child-Friendly Local Governance Audit sa taong 2022, ang isa sa pinakamahirap na ipasang audit ng DILG. Ito ay naging posible dahil sa child-friendly na polisiya ng Team Quiambao-Sabangan at pagpupunyagi ng Local Council for the Protection of Children, sa pangunguna ng MSWDO.
LGU-MNC, Muling Humakot ng Awards sa Regional Level
Muling humakot ang LGU-Bayambang ng mga award sa katatapos na Gawad Parangal ng Nutrisyon-Rehiyon Uno 2023 noong Nobyembre 23, sa Bauang, La Union. Kabilang dito ang main award na Green Banner Seal of Compliance for Nutrition, kung saan ang LGU ay may 96.78% na score, at ito ay tinanggap ng Bayambang Municipal Nutrition Council Chairperson na si Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ni Vice-Mayor IC Sabangan. Itinanghal na kampeyon naman si Bayambang MNAO Venus Bueno bilang 2022 Local Nutrition Action Officer of the Year-Region 1. Mayroon ding special awards ang LGU na LGU First 1000 Days (F1K) Adopter, LGU with Established Nutrition Office, at Consistent Reduction on Prevalence Rates.
RHU I Nurse, 3rd Placer sa Poster & Slogan Contest
Nanalo si RHU I nurse Mark Darius Gragasin ng 3rd Place sa ginanap na Poster & Slogan-Making Contest for Newborn Screening Facilities in Region 1 and 2 na isinagawa ng Newborn Screening Center - Northern Luzon noong November 21.
RHU, Top 3 sa Region I sa Most Number of Children Vaccinated
Ang mga Rural Health Unit ng Bayambang ay kinilala bilang isa sa Top 3 Cities and Municipalities sa buong Region 1 na may Most Number of Children Vaccinated for FIC or Fully Immunized Child. Tinanggap ni G. Jessie Herrera ang parangal mula kina DOH Regional Director, Dr. Paula Sydiongco at District Nurse Supervisor Mark Ivan Caisip.
Bayambang, Top 3 sa Innovation sa Region I, at Top 10 sa Resiliency Nationwide
Ang LGU-Bayambang ay muling nagwagi sa ginanap na regional awarding para sa Cities and Municipalities Competitiveness Index ng Department of Trade and Industry nitong November 23, sa La Union Convention Center, Brgy. Sevilla, City of San Fernando, La Union. Ang karangalan ay tinanggap ni OIC-Municipal Planning and Development Officer, Ma-lene Torio, kasama si Budget Deputy Officer Princess Sabangan, para sa pagiging Top 3 ng LGU-Bayambang sa Innovation sa Region I at Top 10 naman sa Resiliency nationwide sa mga 1st to 2nd class municipality.
LGU-Bayambang, 100% Scorer Muli sa ADAC Awards
Noong November 24, muling iginawad ng DILG sa bayan ng Bayambang ang isa na namang Regional Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award matapos makatanggap ng 100% assessment score ang bayan sa 2023 ADAC Audit at Peace and Order Council (POC) Audit ng ahensya. Ang karangalan ay tinanggap ni Municipal Councilor Martin Terrado II sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama si Municipal Local Government Operations Officer Johanna Montoya, sa San Fernando, La Union.
Bayambang MDRRMC, May Pangatlong Gawad KALASAG
Muling nasungkit ng LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng MDRRM Council, ang Gawad Kalasag mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa ikatlong pagkakataon. Isa ang Bayambang sa 723 lamang na "Fully Compliant LGUs.” At ngayong taon, tatlo lamang ang ginawaran ng naturang parangal sa buong probinsya ng Pangasinan.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Public Hearing, Isinagawa para sa Night Market
Isang pampublikong pagdinig ang isinagawa ng Sangguniang Bayan noong Nobyembre 7, para sa "Ordinansa na Nagdedeklara ng Pansamantalang Pagsasara ng Bahagi ng Quezon Blvd., sa Harap ng Commercial Strip hanggang sa Kanto ng Roxas St., mula Alas Kuwatro ng Hapon hanggang Alas Dose ng Hating-Gabi ng Nobyembre 17, 2023 hanggang Enero 14, 2024 para sa Isang Night Market/Bazaar."
Bagong SK Federation President, Pormal nang Umupo
Ang bagong Pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation na si Hon. Marianne Cheska B. Dulay ay pormal nang umupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Bayan noong Nobyembre 20, sa ginanap na regular session sa SB Session Hall. Siya ang magiging pinuno ng Komite para sa Pag-unlad ng Kabataan at Sports, na dati ay pinamumunuan ni former SK Fed Pres. Gabriel Tristan P. Fernandez.
No comments:
Post a Comment