Sunday, October 29, 2023

LGU Accomplishments - October 2023

 


EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)

 

 

HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

 

Mga Gabay sa Pagbubuntis, Ibinahagi sa Buntis Congress

 

Ang RHU ay nag-organisa ng isa na namang Buntis Congress noong October 3 to 4 sa Balon Bayambang Events Center. Naging resource speaker ang mga Obstetrician-Gynecologist na sina Dr. Annette Michelle Bautista at Dr. Lorelene Mangarin; Municipal Dentist, Dr. Dave Francis D. Junio; at Municipal Nutritionist Venus Bueno, na tumalakay sa iba't-ibang isyu sa pagbubuntis, kabilang ang oral care, teenage pregnancy, immunization, at breastfeeding. Nagkaroon din ng isang 'preggy' raffle at pamamahagi ng mga pregnancy kit.

 

Blood Drive sa Carungay, Nakaipon ng 23 Blood Bags

 

Sa latest blood donation drive na inorganisa ng Rural Health Unit III sa Brgy. Carungay, ang LGU ay nakakolekta ng 23 blood bags mula sa 34 na donors mula sa iba’t ibang barangay. Kabilang sa mga naging donors ang BFP at PNP personnel, at isang staff ng RHU III na dalawampung beses nang nagdodonate ng dugo. Ito ay ginanap noong October 4 sa Brgy. Carungay Covered Court sa pagtutulungan ng Rural Health Unit III kasama ang Region 1 Medical Center at Carungay Barangay Council.

 

 

KSB Year 6, sa Bongato naman Tumungo

 

Noong October 6, sa Bongato East Elementary School naman tumulak ang buong team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 (KSB Y6) upang ihatid ang mga libreng serbisyo mula sa Munisipyo sa mga residente ng Brgy. Bongato East at Bongato West. Halos walong daan (800) ang tumanggap ng Total Quality Service, ayon sa record ni Dr. Roland Agbuya. Dito ay binigyang diin ng mga bumisitang konsehal na ang KSB ay isang patunay na tapat ang Team Quiambao-Sabangan sa mga ipinangako nito sa pamamagitan ng paghatid ng totoong serbisyong publiko.

 

 

KSB Year 6, Muling Umarangkada sa Pantol

 

Noong October 13, dumiretso ang buong pangkat ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 (KSB Y6) sa Obillo Elementary School, Brgy. Pantol. Hindi nila inalintana ang haba ng biyahe sa paglapit ng mga libreng serbisyo mula sa Municipio para sa mga residente ng naturang barangay. Ayon sa overall organizer nas si Dr. Roland Agbuya, mayroong 574 total registered clients sa aktibidad. Tunay ngang walang pinipiling lugar ang paghahatid ng Total Quality Service ng Quiambao-Sabangan administration.

 

 

Mga Libreng Serbisyo ng Munisipyo, Muling Inihatid sa Buayaen

 

Noong October 20, ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 (KSB Y6) ay muling naghatid ng mga libreng serbisyo ng Munisipyo sa may Buayaen Central School (BCS) para naman sa mga residente ng Brgy. Telbang, Dusoc, at Buayaen. Sa ulat ng overall organizer na si Dr. Roland Agbuya, halos isang libong katao ang naging benepisyaryo sa aktibidad. Ang KSB ay isa lamang sa mga patunay na ang mga pangako ng Team Quiambao-Sabangan ay mula sa puso kaya't naisasakatuparan.

 

Update from RHU I

 

As of October 23, ang RHU I ay nagsagawa ng anim na maternal deliveries sa buwan ng Oktubre, salamat sa mga mapag-alagang nurse at midwife ng pasilidad. Nananatiling libre pa rin ang pagpapaanak o maternal delivery, newborn screening, at newborn care sa RHU kapag dito isinagawa ang pagpapacheckup ng mga buntis.

 

 

                                                            

- Nutrition (MNAO)

 

Bayambang MNAO, Sumalang sa Validation bilang National Contender

 

Noong October 5 at 6, Sumalang sa unang pagkakataon si Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno sa isang national level of evaluation ng National Nutrition Council upang maging contender sa pagiging Best MNAO nationwide. Ang validation activity ay mabusising isinagawa online ng NNC, at masusing pinaghandaan ng lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno na may nutrition-sensitive plans, projects, at activities, sa buong suporta ng Municipal Nutrition Council.

 

 

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

 

 

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

 

– Slaughterhouse

 

 

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

5 Centenarians, Kinilala; Mayor NiƱa, Naghandog ng Libreng Flu Vaccine

 

Ang lokal na pagdiriwang ng Senior Citizen's Week ay binuksan noong October 9 sa Balon Bayambang Events Center, sa pagtutulungan ng MSWDO, Federation of Senior Citizen's Associations of Bayambang, at Office of Senior Citizen's Affairs. Naghandog si Mayor NiƱa ng libreng influenza vaccine sa mga senior citizen sa tulong ng RHU I. Kinilala naman ang limang bagong BayambangueƱon na centenarian, at sila ay nakatanggap ng cake mula sa MSWDO at nakatakdang handugan ng cash gift mula sa LGU.

 

 

750 Seniors, May P3-Milyon na Ayuda mula kay Sen. Imee

 

May 750 na senior citizen ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, sa tulong ng MSWDO gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Imee Marcos. Ang ayuda ay nagkakahalaga ng tatlong milyong piso, at ipinamahagi sa mga piling senior citizen na di nakatatanggap ng social pension at hindi miyembro ng 4Ps. Ginanap ang payout activity sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

50 Young Couples, Nakinig ng Lecture ukol sa Responsible Parenthood at Family Planning

 

Noong October 17, may 50 young couples ang umattend sa "Young Couple's Trail" sa Events Center upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa responsible parenthood at iba't ibang pamamaraan ng family planning. Ang aktibidad ay inisyatibo ng MSWDO sa tulong ng mga Barangay Service Point Officer. Nagsilbing resource speaker ang dalawang Provincial Population Program Officer ng Pangasinan na sina Marilyn Castro at Jewel Rey Padilla.

 

DSWD-RO1:  MSWDO-Bayambang, "Functional" sa 2023 Assessment

 

Ang MSWDO ay nagkamit ng "Functional" na rating sa pinakahuling assessment ng DSWD-Regional Office I ukol sa Service Delivery Capacity nito bilang isang local social welfare development office gamit ang assessment criteria ng ahensya. Ang evaluation ay isinagawa mula October 19 hanggang 20 sa Conference Room ng RHU I. Layunin ng aktibidad na pag-ibayuhin ng LGU ang pagbibigay ng mga serbisyo nito sa mga vulnerable at disadvantaged na sektor istratehikong pamamaraan

 

DSWD, May Partial Delivery para sa Supplementary Feeding Program

 

Ang DSWD ay nagsagawa ng partial delivery ng mga food items para sa Supplementary Feeding Program (SFP) nito para sa mga Day Care Learners noong October 16, sa Pavilion II ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang naturang batch ng food items ay tinanggap ng 77 Child Development Workers mula sa 74 Child Development Centers ng Bayambang

 

 

- Civil Registry Services (LCR)

 

 Mga Bagong Miyembro ng PMOC Team, Sumalang sa Training

 

Sumalang ang mga bagong miyembro ng Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) team ng LGU sa Module I ng PMOC Training noong Oktubre 24 sa Mayor's Conference Room. Ito ay inorganisa ng MSWDO kung saan naging resource speaker ang PopCom Region I. At ito ay nilahukan ng mga bagong miyembro mula sa RHU, MSWDO, Nutrition, at LCR. Layunin ng training na madagdagan ang miyembro ng PMOC team para maging maayos ang pag-conduct ng PMOC sa mga couples na nais magpakasal.

 

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

 ESWMO, Inimbitahang Mag-info Drive sa Amancosiling ES

 

Noong September 28, inimbitahan ng Amancosiling Elementary School sa Brgy. Amancosiling Sur ang ESWMO upang magbigay ng information campaign ukol sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Naging tagapagsalita sina ESWMO head, MENRO Joseph Anthony Quinto, at kanyang staff na sina Michael Angelo Abalos, Mary Ann Palaming, at Arielito Agas, kasama si DENR R1 ENMO, Engr. Rayden Errol Gan.

 

DENR, Nag-inspect ng Daan at Tulay sa San Gabriel 2nd

 

Noong October 4, ang DENR ay nag-conduct ng Annual Monitoring and Evaluation sa mga daan at tulay sa San Gabriel 2nd kaugnay ng Gratuitous Special Use Permit ng DENR para sa Road Right of Way para sa may 2.95 hectares na area sa barangay. Matapos ang courtesy call at pulong sa Mayor's Conference Room, pinangunahan ang field inspection ni CENRO Staff Lead Felix Sigue at mga kasamahan nito, at sila ay sinamahan ng ESWMO, MENRO, MPDC, MDRRMO, at BPRAT.

 

Mga Coop, Nag-Clean-up Drive sa Dusoc-Carungay Rd.

 

Noong October 13 pa rin, ang iba't-ibang kooperatiba sa Bayambang ay nagsagawa ng isang Clean-Up Drive sa daanan mula Brgy. Dusoc hanggang Brgy. Carungay, sa pag-oorganisa ng Municipal Cooperative Development Office. Ito ay parte pa rin ng pagdiriwang ng Cooperative Month at bahagi ng adbokasiya ng mga kooperatiba na isulong ang isang malinis na komunidad.

 

 

 

 

- Youth Development (LYDO, SK)

 

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP)

 

Bayambang PNP Chief at Police Station, Muling Kinilala

 

Congratulations to šš‹š“š‚šŽš‹ š‘šŽšŒšŒš„š‹ š šš€š†š’šˆš‚ for being awarded the Best Junior Police Commissioned Officer for Operation, and šššš²ššš¦š›ššš§š  ššØš„š¢šœšž š’š­ššš­š¢šØš§ for being the Best Municipal Police Station, during the Pangasinan Police Provincial Office's šŸšŸšŸššƒ ššŽš‹šˆš‚š„ š’š„š‘š•šˆš‚š„ š€šššˆš•š„š‘š’š€š‘š˜ held at Camp Gov. Antonio U. Sison, Lingayen, Pangasinan.

 

To our Chief of Police and the men and women of Bayambang MPS, good job po, mga ma'am and sir!

 

 

BPSO Staff, Muling Nagpakita ng Katapatan

 

Muli na namang nagpamalas ng katapatan ang mga miyembro ng BPSO matapos magsauli ang isang staff ng isang wallet na naglalaman ng pera. Noong October 9, napulot ni BPSO Lay Rescuer Joe Felomino Datuin ang isang pitaka na may lamang P9,700 cash sa harap ng Munisipyo, matapos itong mahulog mula sa isang tumtakbong traysikel. Ito ay kaagad niyang ipinagbigay-alam sa tanggapan at kaagad ding naibalik sa may-ari na napag-alamang si Jeremy Junio. Ang wallet ay personal na inabot sa kanya ni BPSO Chief, Col. Leonardo Solomon.

 

 

Mga Kandidato sa BSKE 2023, Nanumpa para sa Mapayapang Eleksyon

 

Isang matagumpay na Unity Walk, ecumenical mass, electoral candidate briefing, at peace covenant signing ang isinagawa ng COMELEC noong October 10, sa pakikipagtulungan ng LGU, DILG, PNP, at BFP. Humigit-kumulang na 1,500 candidates sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang nakilahok sa aktibidad na ginanap mula sa St. Vincent Ferrer Parish Church hanggang sa Balon Bayambang Events Center.

 

Road Clearing Operations, Mahigpit na Ipatutupad

 

Noong October 10, nagpulong ang Road Clearing Task Force sa Mayor's Conference Room para planuhin ang pagtanggal sa mga lahat ng nakaharang sa kalsada at sidewalk na nagiging sanhi ng peligro sa publiko at sagabal sa mga pedestrian at maging sa mga motorista. Napagkasunduan ng mga miyembro ng Task Force na uumpisahan nang kumpiskahin o baklasin ngayong linggo ang mga naturang nakahambalang sa sidewalk upang maimplementa ang batas, alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2022-85.

 

 

PNP-Bayambang, May Bagong Mobility Asset

 

Noong October 23, tinanggap ng PNP-Bayambang ang isang brand new Toyota Hi-Lux 4X2 single cab patrol jeep bilang pinakabagong mobility asset nito. Naroon si PLtCol Rommel Bagsic kasama si Councilor Martin Terrado II sa ceremonial turnover na ginanap sa Pangasinan Police Provincial Office sa Lingayen, Pangasinan.

 

UPDATE mula sa Anti-Dangling Wire Task Force

 

Patuloy ang Anti-Dangling Wire Task Force ng LGU sa pagdismantle ng mga spaghetti wires o sala-salabit na kawad ng kuryente, telepono, at Internet sa Poblacion area na hindi kanais-nais sa paningin at kung minsan ay nagiging sanhi pa ng aksidente.

 

Good job po sa Anti-Dangling Wire Task Force sa pangunguna ng Engineering Office.

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

 Local Farmers, Naki-Lakbay Palay sa PhilRice

 

Noong September 28, nagtungo ang grupo ng mga trainees sa Hybrid Varietal Derby at kabilang sa Bayambang District 4 Cluster sa PhilRice Central Experiment Station, Science City of MuƱoz, Nueva Ecija. Sila ay dumalo sa taunang selebrasyon ng LakbayPalay. Naging saksi ang mga delegado sa mga pahayag at testimonya ng mga magsasakang na naging matagumpay sa pagpapalay matapos gumamit ng mga makabagong kaalaman at pamamahala sa sakahan.

 

Onion Growers, Binigyan ng Fertilizer at Onion Seeds

 

Pinangunahan nina Vice Mayor IC Sabangan at Coun. Philip Dumalanta ang pamamahagi ng fertilizer at onion seeds mula sa DA Region I noong October 10 sa Amanperez Barangay Covered Court para sa mga lokal na onion growers. Ang mga pataba ay para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyong 'Paeng' noong 2022. Ang mga onion seeds naman ay para sa lahat ng onion grower mula sa 8 farming districts. 88 ang naging beneficiaries ng libreng fertilizer at 592 naman ang nakatanggap ng onion seeds.

 

NIA: "Phase I ng Bayambang Pump Irrigation Project, under Procurement Na"

 

Noong October 11, bumisita ang National Irrigation Administration (NIA) Regional Office I sa Mayor's Office upang mag-update ukol sa Bayambang Pump Irrigation Project. Ayon sa NIA, ang Phase I ng proyekto ay under procurement na. Ito ay ang konstruksyon ng main canal with service road mula Brgy. Amancosiling Norte hanggang Brgy. Buayaen na may approved budget na P40 million. Ang kabuuang main canal ay 7 kilometers mula sa Brgy. Amancosiling Norte hanggang Brgy. Bical.

 

Update mula sa Bayambang Dairy Farm

 

Sa kasalukuyan ay may 32 na bagong silang na baka at mayroong sampung dumating na inahing buntis, bukod pa sa 21 na bakang buntis sa may Bayambang Dairy Farm. Ang dairy farm ay nakatayo sa Brgy. Mangayao.

 

 

Mga Magsasaka at Agri Students, Nagsanay sa "Digital Farming"

 

Isa namang "Training of Trainers on Digital Farmers Program" ang inorganisa ng buong araw ng October 13 ng Municipal Agriculture Office sa Events Center. Ito ay dinaluhan ng mga lokal na magsasaka kasama ang Bayambang Polytechnic College Agri Enterprise students. Dito ay ibinahagi nina Ms. Raiza Cacal ng MAO at Mr. Albert Maiquez ng BPC ang kanilang kaalaman hinggil sa digital technology na naaangkop sa sektor ng agrikultura.

 

MAO Technologist, Certified Seed Inspector Na

 

Noong October 9-13, nagtraining ang Agriculture Technologist na si Jordan Junio para sa Certification for Seed Inspectors sa Agricultural Training Institute, Brgy. Tebag East, bayan ng Sta. Barbara. Sa kanyang nakuhang sertipikasyon, tiyak na mayroong maaasahang certified seed inspector ang mga rice seed producers sa bayan ng Bayambang.

 

Info Caravan on Agri Credits, Inihatid ng DA

 

Isang "Information Caravan on Agri Credit Programs" ang inihatid ng Department of Agriculture para sa mga onion at mango farmer noong October 17, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, sa pakikipag-ugnayan sa LGU-Bayambang. Dito ay binigyan ng up-to-date na impormasyon ang may 300 na lokal na onion at mango grower kung paano mag-apply sa iba't-ibang agri credit program ng ahensya, pati na ang Landbank at DBP, at insurance sa ilalim ng PCIC. Kabilang sa mga dumating si Bureau of Plant Industry Director, Dr. Gerald Glenn Panganiban.

 

Pneumatic Corn Planter, Idinemo sa Brgy. Malimpec

 

Noong October 16, nag-organisa ang MAO ng isang field demonstration para sa pneumatic corn planter sa Brgy. Malimpec. Ayon sa MAO, ang paggamit ng naturang makinarya ay maraming benepisyo, kabilang na ang pagpapataas ng produksyon at pagapadali ng gawaing bukid. Ang naturang corn planter ay ang makinang nauna nang natanggap ng Bayambang District 7 Cluster Organization mula sa Department of Agriculture Region 1.

 

Update mula sa Bayambang Dairy Farm

 

As of October 23, ang Bayambang Dairy Farm sa Brgy. Mangayao ay mayroong nang total na 57 na kambing mula sa 50 na ulo, at 36 sa mga ito ang nakatakdang manganak. May 34 na baka naman ang bagong dating, at 13 sa mga ito ay nakatakda ring manganak, kaya't sa kabuuan ay may 82 na baka na ang Dairy Farm. Samantala, mayroon namang 150 liters ang naproduce na gatas ng baka, at ito ay kasalukuyang ipinapainom sa kanilang mga supling.

 

Farm Inputs, Ipinamahagi para sa Pilot Corporate Farming Project sa Bani

 

Noong Oktubre 24, 2023, ibinahagi ng Office of the Provincial Agriculturist, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office, ang mga buto ng mais, abono, at pestisidyo sa mga magsasakang sumali sa Corporate Farming Program ng provincial government. Ito ay pilot project n Gov. Monmon Guico, in partnership with MAO, na may target na 20-hectare na sakahang tatamnan ng mais sa

 

Local Farmers, Dumalo sa Corporate Farming Demo

 

Ang MAO at mga cooperating farmers mula sa Bayambang ay umattend sa field demo ng aktuwal na resulta ng Corporate Farming program ng provincial government, noong Oktubre 25 sa Brgy. Lelemaan, bayan ng Manaoag. Kabilang sa mga aktibidad ang farm field tour at farm mechanization techno-demo gamit ang combine harvester thresher.

 

 

 

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (MESO, BPRAT)

 

202 Typhoon Survivors, Sumalang sa TUPAD Validation Activity

 

Nagsagawa ang DOLE, sa tulong ng PESO, ng isa na namang profiling activity para sa 202 typhoon-affected beneficiaries ng DOLE TUPAD Program noong October 9. Ito ay ginanap sa harap ng PESO at sa Manambong Sur Evacuation Center. Makatatanggap ng P4,000 ang bawat isa matapos makapaglinis sa kani-kanilang barangay sa loob ng sampung araw.

 

 

 

- Economic Development (SEE)

 

 

- Cooperative Development (MCDO) 

 

MCDO Outreach, Idinaos sa Dusoc Elementary School

 

Ang Municipal Cooperative Development Office ay nagsagawa ng tree planting activity at feeding program sa Dusoc Elementary School sa pakikipagtulungan ni Principal Lily Luz Corpus kasama ang mga estudyante ng naturang paaralan at ibat-ibang kooperatiba sa Bayambang. Ang naturang outreach program ay parte ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2023.

 

MCDO, Nagdaos ng "Mandatory Training on Fundamentals of Cooperative"

 

Ang Municipal Cooperative Development Office (MCDO) ay nagdaos ng isang "Mandatory Training on Fundamentals of Cooperative" para sa mga cooperative officers ng iba't-ibang kooperatiba ng Bayambang noong October 20, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Cooperative Month.

 

 

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

 

Museums and Galleries Month 2023, Ipinagdiwang

 

Sa buong buwan ng Oktubre, nagsagawa ng isang serye ng guided tours ang Bayambang Municipal Museum para sa iba't ibang departamento ng LGU at mga lokal na paaralan, bilang parte ng pagdiriwang ng national Museums and Galleries Month 2023. Ang iba't ibang grupo ng bisita ay isa-isang inilibot sa Bayambang Museum of Innovation sa Public Plaza sa magkakaibang araw ng mga Museum tour guide na sina Ray Hope Bancolita at Angel Veloria. Kanilang natunghayan ang mayamang kasaysayan at kultura ng bayan ng Bayambang.

 

 

Bayambang, Pasok sa Itinerary ng DOT-Region I Philippine Experience Program

 

Noong October 22, ang DOT Region I ay nag-ocular inspection sa Bayambang bilang parte ng kanilang validation activity para sa Philippine Experience Program, isang programa ng DOT na naglalayong ipasyal ang mga turista sa pamamagitan ng paglibot sa buong bansa. Para sa Region I leg ng programa, ang proposed itinerary para sa apat na araw ng biyahe ay mag-uumpisa sa Laoag City at magtatapos sa Bayambang.

 

 

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

JKQ Hospital Update

 

Samantala, narito naman ang update ukol sa konstruksyon ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center sa Brgy. Ligue na nasa 77.25% completion na.

 

                                                                                     

 

 

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

 

MDRRMO, Sumali sa Bamboo Bootcamp

 

Noong September 29 hanggang October 1, nakilahok ang MDRRMO sa isang Bamboo Bootcamp na ginanap sa Lian, Batangas. Ang mga bagong kaalaman na kanilang natutunan ukol sa bamboo propagation at forestry ay makakatulong sa ating Agno River Rehabilitation Project, na naglalayong masawata ang unti-unting pagguho ng lupa sa tabing-ilog at makapagbigay ng hanapbuhay sa mga BayambangueƱo.

 

 

Benebe, Kinilala ng OCD R1

Si Bayambang LDRRM Officer Genevieve Benebe ay ginawaran ng Certificate of Commendation ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 sa pamamagitan ng Office of Civil Defense Regional Office 1 dahil sa kanyang ipinakitang galing at dedikasyon sa serbisyo. Ang pagkilala ay iginawag noong September 19, sa Bauang, La Union.

 

Good job, Ms. Benebe and congratulations MDRRMO-Bayambang! - From your LGU family

 

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

 

 

- Planning and Development (MPDO)

 

 

- Legal Services (MLO)

 

 

 

- ICT Services (ICTO)

 

Mga BNS, Muling Pinulong ukol sa RCBMS

 

Noong October 18, pinulong ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ang mga 77 Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa Balon Bayambang Events Center ukol sa pag-update ng mga datos sa Restructured Community-Based Monitoring System o RCBMS. Ang RCBMS aniya ay gagawan ng enhancement upang ang mga datos ay maiko-connect sa isang digital map sa pamamagitan ng Geographic Information System (GIS). Sa pamamagitan nito, mas magiging madali at maayos ang pagpaplano ng LGU ng mga proyekto na angkop sa mga makikinabang na residente kada barangay.

 

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

LGU Employees, Nagtraining sa Writing at Public Speaking

 

Sa pag-oorganisa ng HRMO, ang mga kawani ng LGU ay sumabak sa isa na namang training, ang "Effective Written Communication and Public Speaking," noong October 20 sa Events Center. Naging resource speakers sina Dr. Mary Ann Jimenea-Bullagay, PSU-Bayambang Chairman ng Languages Department, at Venus May Hortaleza-Sarmiento, ang Public Relations, Publication and Information Director ng PSU-Lingayen at dating hepe ng Philippine Information Agency-Pangasinan.

 

 

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

Bayambang, Sumailalim sa SGLG National Validation

 

Noong September 29, sumailalim ang bayan ng Bayambang sa isa na namang National Validation para sa Seal of Good Local Governance ng DILG. Naging abala ang lahat ng departmento at national agencies sa pag-iikot sa mga bisita at pagsagot sa mga katanungan at pagrerepaso ng mga kaukulang dokumento. Naging lead validator si LGOO VI Marda Alina Dumaoang-Acoba ng DILG-NCR, kasama sina DILG Program Manager Calvin Noluis Lubrin. Sa unang pagkakataon, bumisita rin si DILG R1 Regional Director Jonathan Paul Leusen Jr. upang personal na batiin ang mga LGU official.

 

Citizen's Charter ng Bayambang, Inupdate

 

Noong October 3 hanggang 6, finanalize ng LGU department heads ang bagong Citizen's Charter ng bayan ng Bayambang sa isang seminar-workshop na ginanap sa Lungsod ng Baguio. Naging tagapagsalita dito sina Engr. Antonio Gardose II ng Anti-Red Tape Authority o ARTA Northern Luzon ukol sa Compliance to RA 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery of 2018, at Joseph Louis CariƱo ng ARTA Northern Luzon, ukol naman sa Implementing Rules and Regulations ng ARTA.

 

LGU Heads, Nagseminar ukol sa Leadership

 

Muli na namang nadagdagan ang kaalaman ng mga LGU department at unit heads nang sila ay umattend ng bagong seminar na inorganisa para sa kanila ng HRMO. Ang seminar na ginanap sa Mayor's Conference Room noong October 11 ay may titulong, "Leadership Journey." Naging resource speaker ang mismong Regional Director ng Civil Service Commission na si Dir. Hedy Jose Lardizabal. Tinalakay ni Dir. Lardizabal ang iba't-ibang teorya at pag-aaral ukol sa pagiging lider, na nagpamulat sa mga mata ng mga LGU heads ukol sa mabigat na papel na kanilang ginagampanan.

 

 

 

Ongoing: Internal Quality Audit ng LGU Departments

 

Sa utos ni Mayor NiƱa Jose-Quiambao, kasalukuyang isinasagawa ang Internal Quality Audit ng lahat ng departamento ng LGU upang masiguro na sumusunod pa rin ang lahat sa mga pamantayan kahit tapos na ang auditing para sa ISO 9001:2015 o Quality Management System.

 

Pagmamay-ari sa Bayambang Central School, Ibinalik ng Korte sa LGU; Clearing Operations, Ongoing

 

Sa unang pagkakataon, matapos itong isara sa publiko, muling inokupa ng LGU-Bayambang ang lumang campus ng Bayambang Central School noong October 11, 2023, matapos magdesisyon si Presiding Judge Magnolia V. Cayetano ang Regional Trial Court na ibalik ang ownership nito sa LGU. Bagamat hindi pa tapos ang kaso, sa utos ni Mayor NiƱa Jose-Quiambao ay nagtulung-tulong ang mga departamento at ahensya upang baklasin ang mga nakaharang na yero at tigpasin ang kasukalan ng lugar upang ito ay malinisan. Nagbubunyi ang buong bayan ng Bayambang sa pinakahuling desisyong ito ng korte. 

 

Pag-aapply ng Business Permit, Atbp., Mas Pinabilis sa iBPLS

Noong October 16, inilunsad ng LGU ang Integrated Business Permits and Licensing Services o IBPLS sa Events Center, sa pangunguna ng ICT Office. Ang IBPLS ay isang sistema na mas lalong magpapabilis sa pag-aapply para sa mga business permit at iba pang dokumento gamit ang information technology. Ang seremonya ay dinaluhan ni OIC Regional Director ng DICT na si Engr. Reynaldo Sy. Binati si Director Sy ang bayan ng Bayambang sa pagkakaroon nito ng naturang sistema ayon na rin sa direktiba ng Presidente Marcos sa lahat ng LGU at government agencies.

 

Update mula sa Assessor's Office

A. Noong September 12, ang Assessor's Office ay nagconduct ng inspection at monitoring ng mga makinarya sa Brgy. Magsaysay, M.H. Del Pilar, Cadre Site, Zone 2, Zone 4, Zone 6, Amancosiling Sur, Pugo, Reynado, at Hermoza.

 

B. Noong September 28 naman, nagconduct ng appraisal ang Provincial Assessor's Office ng gusali at mga makinarya ng Citi Hardware sa Brgy. Buayaen kasama ang mga kawani ng Municipal Assessor's Office.

 

 

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

 

 

 

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

 

Bayambang, Top 10 sa Resiliency Category ng CMCI!

 

Ang bayan ng Bayambang ay nag-Top 10 sa hanay ng mga 1st and 2nd class municipalities sa kategorya ng Resiliency sa pagtatapos ng patimpalak ng Department of Trade and Industry na tinaguriang Cities & Municipalities Competitive Index para sa taong 2022.

 

Congratulations, Bayambang!

 

RHU I, Top Performing Newborn Screening Facility

 

Ang Rural Health Unit 1 ng Bayambang ay kinilala ng Newborn Screening Center ng Northern Luzon bilang one of the top performing Newborn Screening Facilities ng rehiyon sa Primary Care - Government Category, with Unsatisfactory Rate of 0.00 for the 2nd quarter of 2023, out of 57 newborns screened.

 

 

Bayambang MPOC, Isa sa mga Functional Peace and Order Council ng Rehiyon I

 

Ang Bayambang ay isa sa mga bayan sa Rehiyon Uno na inihayag na mayroong Functional Peace and Order Council, ayon sa Department of the Interior and Local Government.

 

Kami ay nagpupugay sa lahat ng miyembro ng Bayambang Municipal Peace and Order Council sa ilalim ni Mayor NiƱa Jose-Quiambao.

 

 Vice Mayor IC, Kinilala sa Saludo Excellence Awards 

 

Ang LGU-Bayambang ay bumabati kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa parangal na kanyang nakamit mula sa Saludo Excellence Awards bilang National Outstanding Humanitarian and Leadership Service Awardee, sa seremonyang ginanap noong Oktubre 8, sa Manila Hotel. Ang pagkilalang ito aniya ay magsisilbing inspirasyon sa kanya na mas lalong pag-ibayuhin pa ang pagseserbisyo sa kanyang minamahal na kababayan.

 

 

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

 

LGU Supplemental Budget, Aprubado ng Kapitolyo!

 

Noong October 2 sa Kapitolyo, nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan upang idepensa sa Sangguniang Panlalawigan ang binalangkas na Supplemental Budget para sa taong 2023. Matapos ang pagdinig, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang naturang budget na nagkakahalaga ng P3,674,438.28.

 

Kasabay nito ay ang pag-apruba sa walong iba pang mahahalagang ordinansa, kabilang ang institusyonalisasyon ng PESO-Bayambang, pagtatag ng LCAT-VAWC, at pagtatag ng VAWC Desk sa bawat barangay.

 

 

Public Hearing ukol sa Local Building Code, Isinagawa

 

Noong October 4, isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa panukalang "ORDINANCE CREATING THE LOCAL BUILDING CODE OF THE MUNICIPALITY OF BAYAMBANG WHICH SHALL AMPLIFY THE PROVISIONS AND STRENGTHEN THE ENFORCEMENT OF PRESIDENTIAL DECREE NO. 1096 OTHERWISE KNOWN AS THE NATIONAL BUILDING CODE OF THE PHILIPPINES."

 

 

₱527-M Budget, SEE Budget, at AIP ng LGU sa 2024, Pasado sa SB

 

Pormal na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang panukalang Executive Budget ng bayan ng Bayambang para sa taong 2024, sa ginanap na Special Session noong Oktubre 18. Ito ay nagkakahalaga ng PhP527,148,240.25 Kasabay nito ang pagpasa rin ng proposed Annual Budget para sa Special Economic Enterprise na ₱47,901,377.79 at proposed Annual Investment Program (AIP) Budget na ₱5,005,288,121.35

 

 

 

 

 

 

Prepared by

Certified by

 

 

 

RESTY S. ODON

PUBLIC INFORMATION OFFICER

 

 

 

 

 

 

DR. RAFAEL L. SAYGO

MTICAO, HEAD