GOOD GOVERNANCE
Philippine Moral Transformation 2020, Inilunsad ng OPARA
Ang Office of the Presidential Adviser for Religious Affairs o OPARA ay nagtungo sa bayan ng Bayambang upang ilunsad ang programang "Philippine Moral Transformation 2020" ng Pangulong Rodrigo Duterte na may temang "Bawat Tahanan Sambahan (Bawat Pamilya May Kapilya)" noong May 11-12 sa Balon Bayambang Events Center.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng LGU-Bayambang, kasama ang PNP at PDEA. Ang programa ay naglalayong matulungan ang lahat ng mga Bayambangueño sa paghubog ng moral at ispiritwal na aspeto ng kanilang buhay at maiwasan ang pagkakasangkot sa anumang kriminalidad, droga, rebelyon, at korapsyon.
Training on Infrastructure Planning for 2022-2025
Noong May 13, ay nakilahok ang mga kapitan, ibang pang opisyales ng 77 barangays, at CSO representatives sa isang training-workshop sa Balon Bayambang Events Center para sa tamang pagpaplano sa mga proyektong imprastraktura para sa taong 2022 hanggang 2025. Ito ay inorganisa ng Municipal Planning and Development Office sa ilalim ni OIC Ma-lene Torio, at dinaluhan ito ni Mayor Cezar T. Quiambao, Vice Mayor Raul Sabangan, mga myembro ng Sangguniang Bayan, at ilang mga department and unit heads sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista, Jr. Sa training-workshop ay tinalakay ang latest Road Network Status ng Bayambang, ang kahalagahan ng Restructured Community-Based Monitoring System, at ang mga bagong hakbang sa construction process system ng LGU.
Komprehensibong Serbisyo, Dinala sa Pangdel
Isinagawa ang ikatlong Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 sa Bagong Normal sa Brgy. Pangdel, upang magbigay-serbisyo sa mga residente ng Brgy. Apalen, Pangdel, at Tatarac. Sa pamumuno ni Rural Health Physician, Dr. Adrienne Estrada, daan-daan na namang benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng serbisyo mula sa iba’t-ibang departamento ng LGU. Bukod sa medical at dental services mula sa RHU, naroon din ang Assessor, Treasury, MPDC, Civil Registry, MSWDO, Nutrition, Agriculture, at iba pang opisina, kasama ang PNP. Ito ay bilang pagtupad ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa pagbibigay ng Total Quality Service sa bawat Bayambangueño
Komprehensibong Serbisyo, Dinala sa Amancosiling Sur
Nagtungo ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 sa Amancosiling Sur Covered Court noong May 21 upang doon naman dalhin ang iba't-ibang serbisyo ng Munisipyo. Habang inoobserbahan ang minimum health protocols, daan-daang residente ang naging benepisyaryo ng mga libreng serbisyong pangkalusugan, pang-agrikultura, social services, at marami pang iba.
LIVELIHOOD
Livelihood Project para sa Mananahing Bayambangueña, Inilunsad ng KKSBFI
Isa na namang livelihood project ang naisakatuparan para tulungang maiahon ang mga Bayambangueño sa kahirapan. Ito ay ang rag-making project na pormal na inilunsad ng Kasama Kita sa Barangay Foundation noong May 3 sa Royal Mall. Ang launching program ay dinaluhan ng 15 na benepisyaryong Bayambangueña mula sa Barangay Pantol at Manambong Sur.
Training Center, Planong Ipatayo Rito ng TESDA
Noong May 6 sa Niñas Cafe, nakipagpulong si TESDA Provincial Director Jimmicio S. Daoaten kay Mayor Cezar Quiambao kasama sina Action Desk Officer on Employment Concerns Gerenerio Rosales at Kasama Kita sa Barangay Foundation CEO Romyl Junio upang ilahad ang mga plano sa implementasyon ng TESDA Community-Based Training Center na pamamahalaan ng KKSBFI. Ito ay naglalayong mabigyang muli ng scholarship ang mga grumaduate na sa 4Ps at magkaroon ng skills training para sa mga out-of-school youth. Ito rin ay magbubukas ng pinto para sa mga walang kakayahan ngunit nais makapag-aral at matuto upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Dalawang Child Laborers, Kinilala
Dalawang child laborer na nakatanggap ng sari-sari store package mula sa Department of Labor and Employment noong 2019 ang kinilala ng ahensya matapos silang maging "success story." Ayon sa Municipal Employment Services Office, napili sina Jenny Mae Perez ng Brgy. Nalsian Norte at Almiralyn Aquino ng Brgy. Tamaro upang gawing ehemplo ng success story ng DOLE, sapagkat hindi lang kumikitang kabuhayan ang sari-sari store ng kanilang mga magulang, nagdagdag pa sila ng maliliit na tailoring, frozen foods, at videoke business.
Orientation of SPES Beneficiaries
May 60 kabataan ang naging bagong benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students ng Department of Labor and Employment, ayon sa Municipal Public Employment Services Office. Sa orientation na inorganisa ni Municipal Public Employment Services Officer Gerenerio Rosales noong May 18 sa Sangguniang Bayan Session Hall, ipinaliwanag ni Lizlee Puzon, kinatawan ng DOLE-Dagupan, ang prosesong pagdadaanan ng mga estudyante. Layunin ng SPES na magbigay ng kaunting oportunidad sa mga estudyante at out-of-school youth lalo na ngayong panahon ng pandemya at magbigay ng daan upang mahasa rin ang kanilang abilidad sa pagtatrabaho.
DOST Grant for Bani Delicious Ice Cream Assoc.
Ginawaran kamakailan ng DOST ng isang Grant-in-Aid Community Based Project ang Bani Delicious Ice Cream Association. Layunin ng iginawad na grant na palakasin ng DOST ang mga local livelihood organizations para mas lalo pang mapa-improve ang produkto at maging produktibo sa pamamagitan ng kaalaman nila sa agham at teknolohiya.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Survey of Amancosiling Norte Properties
Noong May 20, ang Assessor's Office ay nag-conduct ng geodetic survey ng mga properties at boundaries nito sa isang cold storage, rice mill, at solar dryer sa may Brgy. Amancosiling Norte.
Treasury Office Activities
Naging abala ang Treasury Office sa ilalim ni Municipal Treasurer Luisita Danan sa mga sumusunod na aktibidad:
Retrieval of Ballot Boxes
Retrieval of Ballot Boxes na nakalagak sa Municipal Motorpool sa Brgy. Dusoc. sa direksyon ng COMELEC.
Tax Bill Distribution & Issuance of Notice of Delinquency
Tax Bill Distribution sa District 9 at Issuance of Notice of Delinquency sa sa iba't-ibang barangay.
Final Inspection of Road Projects
Final inspection ng road projects sa Alinggan, Batangcaoa, Hermoza, Idong, Maigpa at Langiran
Cattle Branding at Cattle Registration
Cattle Branding at Cattle Registration para sa 32 na alagang baka sa iba't-ibang barangay
BPLO Inspection
Business Permit and Licensing Inspection & Issuance of Demand Letter
Home Service Issuance of CTCs
Home service issuance ng Community Tax Certificate o cedula para sa senior citizens
HEALTH
Dr. Agbuya, Nag-Umpisa nang Magbigay ng Konsultasyon sa RHU 3 (Carungay)
Noong April 29 ay nagreport sa unang pagkakataon si Dr. Roland Agbuya sa RHU 3 sa Brgy. Carungay. Kaagad siyang nagbigay ng orientation sa kanyang staff, at pagkatapos noon ay nagbigay ito ng libreng konsultasyon sa mga pasyente. Ang RHU III ay open for consultation kay Dr. Agbuya tuwing Lunes hanggang Miyerkules at sa consultation with nurses mula Lunes hanggang Biyernes.
Komprehensibong Serbisyo ng Municipio, Umentrada sa Batangcaoa
Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year IV ay nagtungo sa unang pagkakataon sa Barangay Batangcaoa noong May 7. Ito ay patunay na ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan ay iniikot ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa lahat ng sulok ng bayan lalo na sa pinakamalalayong barangay. Ginanap ito sa Batangcaoa Covered Court para sumunod na maserbisyuhan ang mga taga-Tanolong, Maigpa at Batangcaoa. Pinangunahan ang opening program ni Mayor Quiambao via Zoom video, at Vice-Mayor Raul Sabangan, municipal councilors, PNP Chief, at department heads. Daan-daang residente sa distrito sa edisyong ito ang nabiyayaan, kung saan bakas sa kanilang mga mukha ang saya at pasasalamat
Mayor CTQ, Bakunado Na!
Tinanggap ni Mayor Cezar Quiambao ang unang dose ng Sinovac vaccine bilang depensa laban sa COVID-19. Noong May 11, nagtungo si Mayor Quiambao, kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Niña J. Quiambao, sa Vaccination Site sa Pugo Evacuation Center upang magpabakuna dahil siya ay kabilang sa priority list A2 at A3 ng Department of Health. Bukod pa rito, maaari siyang makonsidera sa priority list A1 o Workers in Frontline Health Services dahil siya ay tumatayo bilang Chairperson ng Bayambang COVID-19 Task Force.
Isa rin ito sa mga paraan upang maipakita ni Mayor Quiambao na ligtas ang bakuna kontra-COVID-19 at walang dapat ikabahala ang mga Bayambangueño sa pagtanggap nito.
Water Sampling, Isinagawa ng RHU 1
Nagsagawa si RHU 1 Sanitary Inspector Danilo Rebamontan ng water sampling gamit ang Colilert machine sa mga water source sa iba't-ibang barangay. Ito ay isang paraan upang ma-test kung potable o ligtas na maiinom ang tubig sa mga naturang water source at upang masiguro ang kaligtasan ng mga tubig poso sa mga barangay.
Health workers, patuloy sa pag-bakuna
Kahit official holiday ay tuluy-tuloy pa rin ang ating mga health workers sa araw ng bakuna upang mapagsilbihan ang mga kliyente sa kanilang 2nd dose vaccination schedule. Noong May 13, sila ay bumyahe upang makakuha ng bagong vaccine supply para sa mga tatanggap ng kanilang ikalawang dose.
Ang pagbabakuna sa higit 70% ng populasyon ay kailangang maisagawa upang makamit natin ang herd immunity at muling makabangon ang bayan mula sa epekto ng COVID-19.
Mass Testing sa LGU Employees, Isinagawa
Nagkaroon ng mass testing gamit ang Rapid Swab Antigen Test ang RHU sa lahat ng LGU employee, pagkatapos makumpirmang nagpositibo ang isang empleyado. May 1,023 na empleyado dumaan sa testing na ito upang maiwasan ang pagkalat ng virus at tiyakin na ligtas ang publiko habang nakikipag-transaksyon sa mga kawani ng LGU.
Orientation on Prevention of Infectious Diseases + Surprise Drug Test
Noong May 27, nagsagawa ng isang Orientation on Prevention of Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases sa Balon Bayambang Events Center upang ipaalala sa lahat na seryoso ang LGU sa pagpapatupad ng minimum health standards sapagkat kasagsagan pa rin ng pandemya. Kasabay nito ay nagkaroon ng isang surprise mandatory drug testing para sa lahat ng kawani upang masigurong drug-free rin ang LGU-Bayambang.
EDUCATION
Online Orientation para sa OJTs
Isang online orientation ang isinagawa ng Municipal Employment Services Office para sa bagong batch ng student interns o on-the-job trainees mula PSU-Bayambang Campus noong May 3. Ito ay upang maliwanagan ang lahat ng participants sa takbo ng OJT program ngayong panahon ng pandemya.
ALS Bayambang, Nagpasalamat sa Suporta ng LGU
Napasalamat ang Alternative Learning System (ALS)-Bayambang sa suportang ibinibigay ng LGU-Bayambang sa ginanap ng Assessment Activity noong May 4 sa Buayaen Elementary School. Naroon sina Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez at Local Youth Development Officer Johnson Abalos upang magbigay ng mensahe sa matagumpay na assessment exercise kung saan lahat ng 168 na ALS students ay nakapasa ayon sa pagsusuri ni G. Christopher de Vera, Education Program Specialist for ALS mula sa Department of Education Schools Division Office 1.
OTHER SOCIAL SERVICES
2nd LCAT-VAWC Meeting
Idinaos ang pangalawang pagtitipon para sa Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) sa Royal Mall noong April 30. Ang pulong ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office, sa pakikipagtulungan nina Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr. at mga miyembro ng LCAT-VAWC. Napag-usapan sa nasabing pagtitipon ang mga natapos na aktibidad ng komite sa first quarter ng taon, kabilang ang mga proyekto na isinagawa ng MSWDO, ang mga kasong naitala ng PNP, at ang cash-for-trash project ng KALIPI Women’s Organization.
ERPAT Goes to Sanlibo
Muling isinagawa ang Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training (ERPAT) sa Barangay Sanlibo noong May 10 to 12. Sa pangunguna ng MSWDO, nakilahok ang 21 na tatay sa nasabing pagsasanay na ma-organisa ang mga ama ng tahanan upang tumulong mapalakas ang mga pamilya at isulong ang positibong pagdidisplina, pagpapatibay ng ispiritwalidad at pag-iwas sa masasamang bisyo.
2Q Meeting of LGBTQI+ Assoc.
Idinaos ang 2nd quarterly meeting ng LGBTQI+ Association noong May 14 sa Balon Bayambang Events Center sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Sammy Lomboy Jr., kasama ang MSWDO.
Napag-usapan sa nasabing pagtitipon ang kanilang mga naisakatuparang proyekto tulad ng tree planting, clean-up drive kasama ang Municipal Association of NGOs, ang bagong opisina ng organisasyon, pagkakaroon ng support group, at ang pagsuporta sa mga magsasaka sa community pantry.
2Q Meeting of VAW Desk Officers
Naganap ang 2nd quarterly meeting ng Violence Against Women (VAW) Desk Officers sa Balon Bayambang Events Center noong May 18, sa pangunguna ng MSWDO. Layunin ng pagtitipon na linangin ang kakayahan at kaalaman ng mga opisyal na naitalagang maging VAW Desk Officers sa bawat barangay sa paghawak sa mga kasong naidudulog sa kanilang barangay, at siguraduhin ang pagkakaroon ng gender-sensitive facilitation sa mga nasabing kaso.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
POSO Clean-Up Drive
Nagsagawa ng kauna-unahang clean-up drive ang Public Order and Safety Office noong May 22, at ito ay ginanap sa Brgy. Magsaysay at Brgy. Bical Norte. Dito ay ipinamalas ang pagtutulungan ng mga POSO staff hindi lang sa pagpapatupad ng batas kundi pati na rin sa pagbibigay-serbisyo sa ibang munting paraan. Kasabay nito ang isang surprise drug test sa lahat ng empleyado ng POSO upang masiguro na ang bawat empleyado ay nasa tamang kundisyon sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Validation of Drug-Cleared Barangays
Isang validation activity ang muling ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong May 7. Sa pangunguna ng Municipal Anti-Drug Abuse Council o MADAC, 198 na drug reformists mula sa mga drug-cleared barangays ang nagsipag-attend sa validation na naisagawa sa pagtutulungan ng PNP, PDEA, DILG, RHU at iba pang departamento ng LGU.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
MAO Nag-Demo ng Soil Sampling at Analysis
Noong May 4, nagsagawa ang Municipal Agriculture Office ng demonstrasyon sa tamang pamamaraan ng pagkolekta ng soil samples mula sa iba’t-ibang barangay na isusumite sa DA-Regional Soil Laboratory ng mga area technicians ng MAO. Ang pagpapasuri ng lupa o soil analysis ay isang paraan upang matukoy ang mga kailangang sustansya ng lupa, upang matugunan ng tama ang panggangailangan ng mga pananim.
DAR Secretary Castriciones, Bumisita sa Bayambang
Noong May 5 ay sinalubong ni Mayor Cezar Quiambao at Bayambang Poverty Reduction Action Team Chairperson Rafael L. Saygo ang grupo ni Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park.
Basic Rabbit Farming Seminar
Nag-organisa ng isang Basic Rabbit Farming Seminar noong May 23 sa Balon Bayambang Events Center ang Municipal Agriculture and Fishery Council sa pamumuno ni MAFC President Marlon Vismanos kasama ang Bayambang Rabbit Meat Producers and Breeders Association. Ito ay dinaluhan ng ilang rabbit owners sa Bayambang at mga interesado sa pag-aalaga nito. Sinasabing mainam na alternatibo ang rabbit meat sa karne ng baboy.
Groundbreaking of RiceBIS Bayambang Agricultural Coop Office
Isinagawa kamakailan ang groundbreaking ceremony para sa itatayong opisina ng bagong-tatag na kooperatiba, ang RiceBIS Balon Bayambang Agricultural Cooperative sa Barangay Tampog. Ang pagpapatayo sa nasabing opisina ay bunga ng pagsusumikap ng mga nabuong farming "production cluster" mula sa programa ng PhilRice kaagapay ang LGU-Bayambang at iba pang ahensiya.
P22M Heavy Equipment, Binili ng LGU para Buhayin ang Inland Fishery
Noong May 17, ginanap ang isang ceremonial blessing sa labas ng Munisipyo para sa mga bagong biling heavy equipment ng LGU na siyang gagamitin upang buhaying muli ang inland fishery sa Bayambang. Kabilang dito ang isang wheel loader, dalawang chain excavator, dalawang dump truck, isang tractor head, at isang 40-ft two-axle lowbed trailer, na pawang mga brand new. Sa kabuuan, ang mga ito ay nagkakahalaga ng P22.4M. Sa pamamagitan ng mga equipment na ito, bubuhaying muli ang 8-km inland fishery para sa mga mangingisdang Bayambangueño.
ECONOMIC DEVELOPMENT
S.E.E., Namigay ng Libreng Sopas at Tinapay!
Nagtulung-tulong ang mga kawani ng Special Economic Enterprise sa pamumuno ni Bb. Gernalyn Santos sa isang aktibidad, ang “Handog ng S.E.E.: Free Sopas at Tinapay.” Nag-ambag-ambag ang mga kawani ng S.E.E. upang maisakatuparan ang kanilang layunin na makatulong at maghatid ng munting saya sa mga naglalako at mamimili sa Bayambang Public Market.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Narito naman ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:
Ongoing: Construction of Core Local Access Road at Avocado St., Brgy. Bical Norte
Completed: Asphalt Overlaying of Roads at Brgy. Hermoza, Langiran, Idong, Maigpa, and Alinggan.
Ongoing: Construction of Bayambang Public Market, Phase 2
Mini-Water Depot Project sa Brgy. Dusoc na pinondohan ni Senator Koko Pimentel
Multi-Purpose Covered Court in Apalen
Stone Masonry along Ataynan-Bacnono Roadline
Multi-Purpose Covered Court in Tococ East
Ataynan-Buenlag 2nd Roadline
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Bayanihan para sa Kalinisan
Isang bayanihan para sa kalinisan ang inorganisa ng Bayambang Municipal Association of NGOs sa pamumuno ni MANGO President Vilma Dalope , noong May 2 kasama ang lokal na pamahalaan at pribadong organisasyon. Ito ay kinabibilangan ng PNP Bayambang Station, LGU Bayambang (Municipal Ecological Solid Waste Office, Engineering Office), Reaksyon 166 Animal Kingdom, Bayambang Bayanihan Club International, Xtreme Riders Club, Bayambang Environmental Non-profit Organization, Bayambang Community Riders Club, Samahang Ilokano-Bayambang Chapter, Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles, Tau Gamma Phi, Alpha Kappa Rho, United Ilocandia, at Barangay Zone 1, Poblacion, Telbang, at Buayaen. Ang mga lugar na nilinis ay sa harap ng PNP Station, BNHS, at PSU papuntang Public Cemetery, at ang mga sidewalk sa kahabaan ng Zone 2 at Junction hanggang Buayaen.
MDRRMO, Tumulong sa Dike Area Rehab Project ng Amancosiling Norte
Mula April 27, ay nakipagtulungan ang MDRRMO sa Brgy. Amancosiling Norte sa ilalim ni Punong Barangay Almario Ventura at ang Sangguniang Kabataan ng Amancosiling Norte sa kanilang proyekto na rehabilitation ng dike area sa kanilang lugar. Kabilang sa tulong ng MDRRMO ay ang ocular inspection, pagsali sa clean-up drive, at paglagay ng railing sa konkretong hagdan ng dike.
DISASTER RESILIENCY
MDRRMO, Nag-Disinfect sa LGU Facilities
Tinitiyak ng MDRRMO, sa pangunguna ni MDRRM Officer Genevieve U. Benebe, na ang mga opisina ng lokal na pamahalaan ay nananatiling ligtas sa pamamagitan ng regular na pagdisinfect ng bawat sulok nito. Ito ay isang precautionary measure upang tuluy-tuloy ang pagdaloy ng mga serbisyo publiko at siguruhing ligtas ang lahat ng Bayambangueñong tumatanggap nito sa munisipyo.
Pamamahagi ng Donasyong Yero, Nagpatuloy
Nagpatuloy ang MDRRMO sa pamamahagi ng libreng yero sa iba't-ibang residente ng mga barangay na apektado ng bagyong Ulysses, salamat sa donasyon nina Mayor Cezar at Mayora Niña. Nakapagbigay ang MDRRMO ng 512 na piraso ng yero noong May 15, 16, at 18.
Webinar on San Roque Dam Operation
Pinulong ni LDRRMO Genevieve Benebe ang lahat ng myembro ng Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee at staff ng MDRRMO upang makinig sa Information and Education Campaign via Zoom video na inihandog ng National Power Corporation kasama ng PAGASA at San Roque Power Corporation noong May 20 sa Events Center. Kabilang sa mga tinalakay ang warning system at action plan kapag may emergency. Pagkatapos ng webinar ay namigay ng 25 kilos na bigas si Mayor Quiambao sa mga kapitan na nagsidalo.
Posting of COVID-19 Advisories
Noong May 24, pinangunahan ni MDRRM Officer Genevieve Benebe ang pagsusuri ng mga poster na nakakabit sa Municipal Annex Building, Engineering Office, at Internal Audit Unit na naglalaman ng mga paalala ukol sa minimum health standards. Matapos nito ay agad nag-print ng mga updated advisories ang MDRRMO staff na siyang ikinabit sa mga itinalagang lugar. Layunin nito na muling paalalahanan ang lahat ng LGU personnel at mga kliyente sa COVID-19 health protocols upang mabawasan o mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.
No comments:
Post a Comment