GOOD GOVERNANCE
Mga Kawani ng LGU, Nag-Practicum sa Government Procurement Process
Pagkatapos ng nauna nang ginanap na Finance Forum noong Marso, agad nagsagawa ng Finance Simulation noong April 27 sa Events Center upang mahasa ang mga department heads at kanilang procurement officers ukol sa pagkakasunud-sunod ng mga hakbangin sa pagpoprocure ng mga serbisyo o kagamitang kinakailangan upang makapagbigay ng de-kalidad na pagsisilbi sa mamamayan ng Bayambang. Ang simulation activity ay inorganisa ng Internal Audit Unit kasama ang Accounting, Budget, General Services, Bids and Awards Committee, at Municipal Administrative Office. Sa pamamagitan nito, mas naliwanagan ang bawat isa sa tama at mas pinabilis na procurement process bunsod na rin ng direktiba mula sa mga matataas na ahensya ng gobyerno.
Barangay Secretaries' Training on Records Management and Basic Computer Literacy
Sabay-sabay na natuto ng mga makabagong kaalaman ang 77 na Barangay Secretary ng Bayambang, sa ginanap na “Training on Records Management and Basic Computer Literacy” hatid ng Bayambang Municipal Association of Non-Government Organizations o MANGO noong April 29 sa Royal Mall. Kaagapay dito ng MANGO ang LGU Bayambang, Municipal Local Government Operations Office, at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. Sa mga natutunang makabagong kaalaman, inaasahang magiging mas maayos na ang mga records sa barangay gamit ang teknolohiya at mas mapapabilis ang paghatid ng mga essential services sa mga kabarangay.
LIVELIHOOD AND EMPLOYMENT
KKSBFI, Nagpa-Training sa Basic Candle-Making sa Brgy. Wawa
Noong March 30, nag-organisa ang Kasama Kita sa Barangay Foundation ng isang Training on Basic Candle-Making sa Brgy. Wawa Covered Court sa tulong ng mga trainors ng Department of Science and Technology. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team at Brgy. Wawa officials. Labing-anim na katao na residente ng barangay ang lumahok sa training. Ayon kay KKSBFI Romyl Junio, napili ang Brgy. Wawa dahil kasama ito sa top 10 priority barangays ng BPRAT pagdating sa poverty alleviation. Ang mga napiling benepisyaryo ay hindi miyembro ng Pantawid Pamilya program ng DSWD.
SPES Orientation 2021
Ginanap ang isa na namang orientation para sa mga lokal na estudyanteng nag-avail ng Special Program for Employment of Students ng DOLE, sa tulong ng Municipal Public Employment Services Office sa ilalim ni G. Gerenerio Rosales. Ang orientation ay ginanap sa Ariel and Fe Garden Resort and Restaurant sa Brgy. Tambac. Ang mga estudyante ay nag-umpisa sa trabaho noong April 12.
Consultation Meeting with Farmers on Proposed Dairy Goat Project
Noong April 14 sa Niña's Cafe, nakipagpulong si Mayor Quiambao, kasama ang Bayambang Poverty Reduction Action Team, sa mga magsasaka ng Mangayao at Alcala na apektado ng proposed Dairy Goat Farming Project ni Senator Cynthia Villar sa Brgy. Mangayao. Sa consultation meeting ay inalam ang mga posibleng opsyon ng mga nangungupahan sa lupaing paglalagyan ng dairy farm upang tumakbo ng maayos ang proyekto.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Acceptance of Real Estate Tax Payments
Narito ang iba't- ibang aktibidad ng Municipal Treasury Office (MTO) sa ilalim ng Municipal Treasurer na si Gng. Luisita Danan. Naging abala ang Treasury Office sa huling araw bago matapos ang 1st quarter ng taon sa pagtanggap ng mga magbabayad ng amilyar para ma-avail ang 20% discount sa buwis ng lupa. Naging positibo naman ang tugon ng mga Bayambangueño na nakatanggap ng tax bill. Ayon sa kanila, malaking tulong ang tax amnesty na kung saan tinatanggal ang multa o interest sa buwis ng lupa.
Distribution of Special Financial Assistance for Socio-Civic Projects
Pinangunahan ni Gng. Luisita Danan ang pamamahagi ng Special Financial Assistance for Socio-Civic Projects sa 77 barangays na ginanap sa Events Place ng Royal Mall noong March 30.
BPL Section's Inspection of Illegal Advertising Materials
Nagsagawa ng inspection ang Business Processing and Licensing Section sa mga ilegal na advertisement gaya ng mga tarpaulin/streamer. Ayon kay BPL Officer Renato Veloria, nakasaad sa "Article T, Section 4T.01. Imposition of Fee" ng Revenue Code of the Municipality of Bayambang na kinakailangang magbayad muna ang isang establisyemento bago ito magpaskil ng anumang advertisement material sa pampublikong espasyo. Sa tulong ng Engineering Department ay natanggal na ang mga ilegal na tarpaulin na nakapaskil sa iba't-ibang lugar.
Issuance of Tax Bill and Notice of Delinquency
Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tax bill at notice of delinquency sa iba't-ibang barangay. Kamakailan ay nagtungo ang MTO staff sa Brgy. Ambayat 2nd, Warding, Managos, Pugo, Manambong Parte, Buenlag 2nd, Manambong Sur, Amancosiling Sur, Amancosiling Norte, Ataynan, at Sapang.
Renewal of Mayor's Permit and TODA Franchise
Patuloy pa rin ang pagrerenew ng Mayor's Permit at prangkisa ng mga TODA operators. Sa ngayon ay mayroong 129 na nagrenew ng prangkisa at mayroon namang 463 na nagrenew ng Mayor's Permit. Hinihikayat ng MTO ang lahat ng mga operator na kumuha o magrenew ng mga kaukulang permit para maiwasan ang anumang problema pagdating sa kanilang prangkisa.
Branding of Cattle
Laking pasasalamat ng mga livestock owners sa pagtatatak ng MTO staff sa kanilang mga alagang baka. Kamakailan ay nagsagawa ng pagtatatak sa Brgy. Maigpa. Ang numerong 08 ang naka-assign na code para sa mga alagang livestock sa Bayambang.
Assessor's Office Goes to San Gabriel 1st
Noong namang April 13, nagtungo ang team ng Assessor's Office sa Brgy. San Gabriel 1st upang magsagawa ng appraisal of buildings doon. Kasabay nito ay ang pamamahagi ng Owner's Copy ng Tax Declaration sa mga residenteng nagbayad ng buwis.
Assessor's Office Inspects Proposed Location of Public Cemetery in Pantol
Noong April 27, nagconduct ang Assessor's Office ng ocular inspection para sa proposed location ng isang bagong public cemetery sa Barangay Pantol. Ito ay isa na namang paraan ng administrasyong Quiambao-Sabangan upang masolusyunan ang problema ng congestion sa ating Public Cemetery sa lalong madaling panahon.
HEALTH
Mga Frontliner, Bakunado Na!
Ang mga frontliner ng Bayambang, kabilang ang mga empleyado ng RHU, pribadong ospital at klinika, lay rescuers at security forces, ay naunang binakunahan noong ika-30 ng Marso sa Pugo Evacuation Center kung saan naroon ang vaccination site ng Bayambang. Ito ay upang maipakita sa madla na hindi dapat katakutan ang pagpapabakuna dahil ito lamang ang paraan upang mawakasan ang pananalasa ng COVID-19 sa ating bayan. Ang mga top priority targets ay pawang kabilang sa high-risk sector dahil madalas nilang kasalamuha ang mga pasyente at iba pang indibidwal na walang kasiguruhan kung carrier o hindi ng kinatatakutang coronavirus. Umabot sa 159 ang bilang ng mga matagumpay na naturukan sa unang araw. Naging punong-abala sa pangangasiwa sa buong proseso ng pagbabakuna ang RHU sa ilalim ni Dr. Paz Vallo, POSO sa pamumuno ni Col. Leonardo Solomon, MDRRMO sa pamumuno ni Genevieve Benebe, at iba pang departamento na kasapi sa Task Force Bakuna.
ICTO Creates Electronic Vaccination System
Ang ICT Office ay gumawa ng isang Electronic Vaccination System upang maging automatic ang pag-manage sa COVID-19 vaccination data. Ang inobasyong ito ay pinakikinabangan ngayon ng RHU personnel gamit ang isang QR code scanner na magbabasa sa mga vaccination card. Dahil dito ay mas napapabilis ang paghanap ng mga record ng mga nagpabakuna at mas madaling nalalaman kung qualified sila para sa second dose. Nakatakdang bumili ang LGU ng mga tablet upang pati ang screening at consent ay maging paperless na rin gamit ang sistema. Ang proyektong ito ay naaayon sa vision ni Mayor Quiambao na maging isang smart town ang Bayambang, kung saan mas mabilis, paperless, at data-driven ang mga proseso nito.
Inspection of Water Refilling Stations
Muling nag-inspect si Sanitary Inspector Danilo Rebamontan at kanyang team sa mga water refilling stations sa mga catchment barangay ng RHU 1. Ito ay regular na isinasagawa para macheck ang compliance sa mga requirements ng PD 856, kabilang na ang environmental permits, health card ng operator, at sanitary permit.
Orientation for BHWs; Welcome to LGU, Dr. Agbuya!
Nagsagawa ang RHU 1 at RHU 2 ng magkahiwalay na Orientation Program para sa mga bagong Barangay Health Workers (BHWs) sa Events Center at Royal Mall sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office. Dito ay tinalakay ang lahat ng mga dapat malaman ng mga BHW upang maging epektibo sa kanilang tungkuling maging healthcare frontliner ng kanilang barangay.
Samantala, inanunsyo kamakailan ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, na mayroon nang bagong adisyunal na duktor ang LGU-Bayambang, at ito ay si Dr. Roland Agbuya. Siya ang magiging Rural Health Physician ng RHU III sa Brgy. Carungay.
Xtreme Riders Club Bloodletting Activity
Ang MSWDO ay nag-asiste sa Xtreme Riders Club of Bayambang sa bloodletting activity nito noong April 25 sa Balon Bayambang Events Center, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross-Dagupan Chapter at Bayambang Municipal Association of NGOs.
Ang blood donation drive ay nakapagtala ng 80 bags ng dugo.
RHU II Receives New Medical Equipment thru Congresswoman Arenas
Noong April 28, nakatanggap ang RHU II ng mga bagong medical equipment mula sa Health Facilities Enhancement Pogram ng DOH sa pamamagitan ni Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas. Kabilang sa mga donasyon ang dry bath incubator, ECG machine with analyzer, X-ray machine, spine board, generator set, hematology analyzer, at foldable weighing scale.
Pep Talk on Teenage Health para sa Millennials
Lumibot ang RHU 2 sa mga sakop na barangay upang magsagawa ng Millennial Pep Talk kung saan itinuturo ang tungkol sa teenage pregnancy, mental health, STI, at HIV/AIDS sa mga kabataan. As of April 29, may 124 na millennials na ang naturuan sa programang ito.
Anti-Rabies Drive Goes to Buenlag 2nd
Nagpatuloy ang massive anti-rabies vaccination drive ng Municipal Agriculture Office sa Brgy. Buenlag 2nd, sa pangunguna ni Municipal Veterinarian Dr. Joselito P. Rosario, kasama ang kanyang team, at sa pakikipagtulungan ni Farmers' Association President Catalina Mejia.
Anti-Rabies Drive in Ataynan
Itinuloy ng Agriculture Office ang massive anti-rabies vaccination drive nito. Noong April 7, ang team ni Dr. Joselito Rosario ay nakapagbakuna sa 123 na aso na pagmamay-ari ng 68 na residente.
LEGISLATIVE WORK
-------------
EDUCATION
Foot Press Alcohol Dispensers, Ipinamahagi sa 56 Eskwelahan
Sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, nagdonate si Mayor Cezar Quiambao ng limampu’t walo na foot press type ng alcohol dispenser sa 56 na paaralan sa Bayambang, sa tulong ng Local School Board. Ito ay isang proyekto ng Municipal Federated Parents-Teachers Association ng Bayambang.
OTHER SOCIAL SERVICES
Bagong Miyembro ng PMOC, Nag-Training
Sumabak sa isang Virtual Pre-Marriage Orientation ang Counseling (PMOC) Training ang mga bagong miyembro ng team noong March 25-26 sa Legislative Building. Ito ay inorganisa ng Population Commission Region I at nilahukan ng mga bagong miyembro mula RHU 1, MSWDO at LCR. Layunin nito na madagdagan ang miyembro ng PMOC team para mas lalong maayos ang pag-conduct ng PMOC sa mga couples na nais magpakasal at para masiguro na laging may speakers ang team tuwing kinakailangan ang serbisyo nito.
GAD TWG, Nakilahok sa 1st Virtual Region 1 GAD Convention
Noong March 25 at 26 sa Municipal Conference Room, nakilahok ang LGU-Bayambang Gender and Development (GAD) Technical Working Group, sa pangunguna ng Chairperson nito na si MSWDO OIC Kimberly Basco. Ang kumbensyon na inorganisa ng Region I GAD Committee sa tulong ng University of Northern Philippines ay may temang "Making Sense of GAD at Work: Mainstreaming Gender and Development at the Regional and Local Level."
2nd Quarterly Meeting of Women’s Organizations
Sa pag-oorganisa ng MSWDO, idinaos ang 2nd Quarter Meeting ng mga organisasyong pangkababaihan noong April 19 sa Municipal Conference Room. Layunin ng pagtitipon na ito na paigtingin ang mga organisasyong pangkababaihan sa Bayambang, at mas linangin ang kapasidad ng mga kababaihan na maisakatuparan ang kanilang mga karapatan at responsibilidad. Ito ay nilahukan nila Gng. Jocelyn Espejo, pangulo ng pangkabuuang organisasyong pangkababaihan, at ng mga presidente ng mga organisasyong pangkababaihan mula sa iba’t ibang barangay. Dito ay tinalakay ang mga isyu na inilahad noong kauna-unahang pagtitipon, at iba’t ibang aktibidad na inorganisa ng MSWDO para sa mga kababaihan.
Training-Workshop on Gender-Sensitive Facilitation of WEDC Cases
Isang Training-Workshop on Gender-Sensitive Facilitation of Women in Especially Difficult Circumstances (WEDC) Cases ang isinagawa sa 3rd Floor ng Royal Mall noong April 20 Ang pagsasanay na ito ay pinangunahan ng MSWDO, kasama ang DSWD Region I, at ang PNP. Layunin ng pagsasanay na mabawasan ang kaso ng WEDC cases sa buong munisipalidad, at paigtingin ang kaalaman ng mga kawani ng barangay ukol sa pangangasiwa ng mga kaso patungkol sa kabataan at kababaihan. Kasama sa pagsasanay ang mga iba’t ibang Punong Barangay o VAW Desk Officer ng bawat barangay kung saan tinalakay ang sexual harassment, violence against children and women, human trafiicking at iba pa.
ERPAT, Patuloy sa mga Barangay
Ang ERPAT o Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training ay patuloy na isinagawa sa mga barangay. Noong April 13-15, nagtungo sa Barangay Ataynan ang MSWDO-Bayambang kasama ang DSWD Region I, PNP at RHU upang muling pagtibayin ang mga tungkulin ng mga tatay bilang haligi ng tahanan at palakasin ang kanilang kakayahan na gampanan ang mga tungkuling ito. Kasama sa aktibidad ang pag-organisa sa mga tatay upang maging isang asosasyon na tutulong sa pagpapalakas ng mga pamilya at sa pagsusulong ng mga adhikain ng ERPAT sa pamayanan kagaya ng positibong pagdidisplina, pagpapatibay ng kanilang ispiritwalidad at pagsulong sa pag-iwas sa masasamang bisyo.
“Thank You, Mayor CTQ and Ma'am Niña!”
Nagpahatid ng mensahe ng pasasalamant sina Ginoo at Ginang Nelson Camorongan ng Brgy. Hermoza kay Mayor Quiambao at First Lady Niña Quiambao para sa kanilang ibinigay na tulong sa pagpapaospital sa kanilang anak na si Miguel Gabriel, na mayroong malubhang karamdaman. Nagpasalamat ang pamilya dahil naagapan ang kanyang sakit na maaaring mauwi sa panganib kapag hindi kaagad nasolusyunan.
Mayor CTQ at SK Federation President, Nakipag MOA-Signing sa Red Cross
Noong April 29 sa Niñas Cafe, nakipag-MOA signing si Mayor Cezar Quiambao sa Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter kasama sina Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez at Councilor Levinson Nessus Uy. Dumating bilang kinatawan ng Red Cross si PRC-Pangasinan OIC Chapter Administrator Krismar Glen F. Brillantes. Layunin ng MOA-signing na madagdagan pa ang mga programa para sa mga kabataang Bayambangueño sa pamamagitan ng pinatibay na kolaborasyon. Ang programang pangkabataan na handog ng Red Cross ay magbibigay oportunidad sa local youth sector upang malinang ang kanilang kaalaman sa humanitarian values, volunteerism, youth leadership skills, at healthy lifestyle.
Juvenile Justice Dialogue
Naganap ang pangalawang Juvenile Justice Dialogue noong April 23 sa Royal Mall sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office kasama ang Public Attorney's Office at PNP. Layunin ng pagtitipon na paigtingin ang limang haligi ng juvenile justice system upang magkaroon ng epektibong juvenile delinquency control at mahusay na pamamahala ng mga kaso na nauukol sa mga Children in Conflict with the Law (CICL), magplano ng mga estratehiya upang masolusyonan ang mga problema tungkol sa juvenile delinquency, at itaguyod ang alintuntuin ng batas sa lahat ng antas ng pamahalaan upang makamit ang pantay na hustisya para sa lahat.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
POSO Staff, Sumabak sa Intelligence Collection Training
Noong March 27-28, sumabak ang mga piling kawani ng Public Order and Safety Office sa pamumuno ni Col. Leonardo Solomon sa isang Intelligence Collection Training na ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa aspeto ng intelligence gathering. Hindi lamang teyorya ang ibinahagi sa training na ito, kundi nagkaroon din ng practical exercise sa surveillance at subject casing upang ma-evaluate ang natutunan ng mga trainees at tunay na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gawain bilang mga force multiplier.
Bagong Tanggapan ng POSO, Binasbasan
Noong ika 8 ng Abril, ganap na alas otso medya ng umaga, nagdaos ng misa sa bagong tanggapan ng Public Order and Safety Office (POSO) sa ikalawang palapag ng Municipal Legislative Building para sa pagbabasbas ng naturang opisina. Sa pangunguna ni POSO Chief, Col. Leonardo F. Solomon, nagtipon-tipon ang ilang empleyado ng departamento upang makiisa sa nasabing pagbabasbas na pinangunahan ni Fr. Reydentor Mejia ng parokya ng San Vicente Ferrer. Nagpapasalamat ang buong departamento sa ating butihing Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, sa ipinagkaloob niyang bagong opisina.
POSO Staff, Muling Nagsauli ng mga Napulot na Gamit
Sa araw ring iyon, dalawang traffic enforcers ang nagsauli ng napulot na pera na nagkahalaga ng P1,030.00 na pagmamay-ari ni Gng. Judith Ventura na taga-Brgy. Amancosiling Norte. Isang Longbo watch na naiwan sa comfort room ang isinauli naman ng security force ng Municipal Annex Building. Napag-alamang ito ay pagmamay-ari ni Bb. Marimar Junio, at mismong si Col. Solomon ang nag-abot nito sa kanya.
Oplan Sita ng POSO
Sa pamumuno ni POSO Chief, Col. Leonardo F. Solomon, muling ipinatupad ng mga traffic enforcer ang Oplan Sita laban sa illegal parking, colorum, at sa mga pasaway na motorista sa ating bayan upang mapaigting ang pagpapatupad ng batas trapiko at mapanatili ang kaayusan ng bayan at kaligtasan ng lahat, motorista o pedestrian man.
POSO to the Rescue
Ang mga POSO traffic enforcers ay maaasahan hindi lang sa pagpapatupad ng batas trapiko, kundi ganun din sa pagtulong sa kapwa. Dalawang magkahiwalay na aksidente sa kalsada ang agaran nilang inaksyunan, at ang mga biktima ay agad ding nabigyan ng lunas.
POSO, Sumabak sa Marksmanship Training
Sa pamumuno ni Public Order and Safety Office (POSO) Chief, Col. Leonardo Solomon, sumabak sa isang training ang POSO sa Camp Malong, Binmaley, Pangasinan noong April 24-25 na nilahukan ng 88 na personnel upang magkaroon ng kaalaman sa paghawak ng baril kung kinakailangan. Naroon si Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr. at si Major Roberto Agustin ng Philippine Army upang magbigay ng inspirational message. Dito ay ipinamalas ng mga POSO employees ang kanilang mga natutunan upang maging mas epektibong force multiplier ng pulisya.
SPORTS
------
TOURISM
407th Town Fiesta: "Bayambangueño, BIDA Ka sa Bayambang!"
Datapwa't mayroon pa ring pandemya ay itinuloy pa rin ng bayan ng Bayambang ang pagdiriwang ng taunang piyesta sa ika-407 na kaarawan ng bayan. Ang unang araw, Marso 5, ay nairaos sa pamamagitan ng pag-obserba ng tinaguriang BIDA solusyon kontra COVID-19 ng Department of Health, na siya na ring napiling tema sa taong ito ng Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts at Tourism Office sa pamumuno ni Senior Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo. Bagamat iginiit ng pamunuan ang pagpapatuloy ng ilan sa mga nakagawiang ritwal at kasiyahan, sinigurado naman na ang lahat ng aktibidad ay mayroong ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng istriktong pag-obserba ng mga health protocol. Matapos ang simpleng motorcade para sa patron mula sa lumang simbahan ng parokya, sa halip ng nakaugaliang engrandeng prusisyon at parada na mayroon pang patimpalak, nagdaos ng banal na misa ang bagong kura paroko na si Fr. Reydentor Mejia sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Sa isang simpleng programa sa labas ng kapilya, pormal namang binuksan ang Pista’y Baley 2021 ni Mayor Cezar Quiambao, na lubos ang pasasalamat sa ating mga medical at security frontliners at Task Force Bakuna.
Talento ng Bayambangueño, Nagkinang sa Teatro!
Umani ng papuri ang mga talentadong Bayambangueño na tampok sa "Beauty and the Beast: The Musical" – ang lokal na produksyon ng isang Disney classic na ipinalabas ng libre sa publiko sa ka una-unahang pagkakataon noong April 5 bilang parte ng selebrasyon ng ika-407 Pista’y Baley ng Bayambang. Si Mayor Cezar Quiambao at Mrs. Niña Quiambao ang siyang nagsilbing producer ng palabas. Ayon kay Mayor Quiambao, halos dalawang taong pinaghandaan ang produksyong ito na naglalayong hikayatin ang mga Bayambangueño na linangin ang kani-kanilang mga angking talento, lalo na sa teatro. Gumastos siya aniya ng mahigit P35M sa produksiyon, kabilang na ang pag-upgrade ng lights and sound system ng venue, ang Balon Bayambang Events Center. Ang Beauty and the Beast: The Musical ang kauna-unahang produksyon ng isang buong Broadway musical sa buong Region 1.
Virtual Kalutan ed Dalan Kaiba'y Pamilyam
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagdiwang ang tinaguriang Malangsi Fish-tival sa 'virtual' na pamamaraan sa pamamagitan ng Facebook Live at Zoom video call. Ang virtual kalutan sa kinagabihan ng araw ng kapistahan ay isa ring paggunita ng Bayambang sa pagkasungkit nito ng titulong "Guinness World Record for the longest barbeque" noong taong 2014. Taliwas sa nakasanayang paglalatag ng mahahabang pila ng ihawan sa kalsada ay nag-ihaw na lamang sa kanya-kanyang bahay ang mga Bayambangueño kasama ang kanilang buong pamilya. Sa kabila nito ay hindi nagpatinag ang mga Bayambangueño, kasama ang pamilya nina Mayor Quiambao, na makisali at makisaya sa ihawan.
Bb. Bayambang 2021 is Jan Rlee de Guzman of Zone VI!
Nagpasiklaban ang mga naggagandahang dilag ng Bayambang sa ginanap na Binibining Bayambang 2021 na may temang "Beauty for Love and Service" sa Balon Bayambang Events Center noong April 6. Nakilahok ang 19 na kandidata mula sa iba't ibang barangay at nagpakitang gilas hindi lamang ng kanilang kagandahan at katalinuhan pati na rin ng kanilang puso sa pagbibigay-serbisyo para sa bayan at sa mga Bayambangueño. Kinoronahan bilang Bb. Bayambang 2021 si Bb. Jan Rlee de Guzman ng Brgy. Zone VI na nagwaging patunayan at ipakita sa lahat na siya ang karapat-dapat sa titulo at magrepresenta sa Bayambang sa gaganapin na Ms. Earth Philippines beauty pageant. Nasungkit naman nina Bb. Alliyah Macmod ang Bb. Charity, Bb. Daniela Llanilo ang Bb. Tourism, at si Bb. Helena Millondaga bilang 2nd runner-up at Bb. Ella Mae Sison bilang 1st runner-up.
Matalunggaring Awards 2021
Noong April 7, pinarangalan ang batch ng mga honorees para sa 2021 Matalunggaring Awards, ang pinakamataas na award na ibinibigay ng gobyernong lokal sa mga Bayambangueño na nagkamit ng tagumpay at nagbigay ng karangalan sa bayan ng Bayambang sa anumang larangan at nagsisilbing inspirasyon sa mga kababayan. Kabilang sa mga pinarangalan ay ang duktor ng bayan na si Dr. Henry Fernandez, "the father of Philippine cycling" at mediaman na si Atty. Gerry Lacuesta, ang newspaper cartoonist na si Gene Sendaydiego, ang successful farmer na si Simeon Bondoc, ang jazz musician na si Ronaldo Tomas, ang creator ng Pangasinan State University (PSU) Pangkat Kawayan at composer ng PSU Hymn na si Prof. Rufino Menor, ang multi-awarded nurse at educator na si Joel John dela Merced, ang model policewoman na si Vina de Leon, ang successful businesswoman na si Leonidas Maring Limpingco, at ang sikat na fashion designer na si Rusty Lopez.
E- Balikbayan Night: Kumustahan with Bayambangueños Worldwide via FB Live and Zoom
Sa huling gabi ng Pista’y Baley 2021 noon ding April 7, ang Municipal Tourism and Cultural Affairs Office (MTCAO) ay nag-organisa ng E-Balikbayan Night sa 2nd Floor ng Municipal Annex Bldg. upang kumustahin ang mga Bayambangueño sa lahat ng panig ng daigdig, mapa-expat man o OFW, gamit ang Facebook Live at Zoom video. Sa virtual party na ito, kung saan ay mg kalahok ay nakasuot ng Filipiniana attire, nagkaroon ng quiz bee at raffle promo para sa mga participants, at ang mga nagwagi ay nakatanggap ng cash prize mula kay Mayor Quiambao. Nakatutuwa ang naging kumustahan at kuwentuhan sa gabing ito.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Bagong Batch ng Farmers, Nakatakdang Maging Benepisyaryo ng RiceBIS
Sa isang Technical Working Group Meeting na ginanap noong April 15 sa Niñas Cafe, ipinahayag ng DA-PhilRice na nakatakda itong magsali ng bagong batch ng benepisyaryo para sa programa. May 200 na farmers mula sa District 4 ang mapipili sa susunod na implementasyon ng proyekto sa Bayambang. Sa pulong, napag-alaman din na nasa engineering design phase na ang Bayambang Irrigation Project sa tulong ng National Irrigation Authority. Ipinahayag din ni Mayor Cezar Quiambao ang lanching ng e-AEFTAP o , isang online platform kung saan mapapabilis ang pagdaloy ng tulong para sa mga pangangailangan ng mga lokal na magsasaka.
MAO News Bits
A. Ang mga area technicians ng Municipal Agriculture Office ay patuloy sa pag-asiste sa mga corn farmers na nag-avail ng loan mula sa CSFirst Bank, sa tulong ng Special Economic Enterprise.
B. Ang PhilRice Batac personnel ay nagdeliver at nag-inspect ng inbred rice seeds sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Department of Agriculture, para maipamahagi ang mga ito sa magsasakang kasapi sa RiceBIS o Rice Business Innovation System ng PhilRice mula sa District 1, 4, 6, at 7.
SIPAG Foundation, Nagdonate ng Vegetable Seedlings at Face Shields
Noong April 15, ay nagdonate ang SIPAG Foundation ni Senator Cynthia Villar sa LGU- Bayambang ng 18 na pakete ng iba’t-ibang klase ng vegetable seedlings at 2,000 piraso ng face shield. Malugod na tinanggap ang donasyon ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., sa opisina ni Mayor Cezar Quiambao. Ito ay parte ng adhikain ng SIPAG Foundation na makatulong sa food sustainability sa bawat bayan sa pamamagitan ng backyard gardening projects.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Seminar on Ease of Doing Business
Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-organisa ang Municipal Planning and Development Office sa pamumuno ni OIC MPD Officer Ma-lene Torio ng isang seminar ukol sa "Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services (EODB/EDGS) Act" o RA 11032 noong ika-19 ng Abril sa Events Center. Ito ay dinaluhan ng mga Punong Barangay at Barangay Secretary. Layunin ng aktibidad na ipaalam sa kanila kung paano ang pagproseso sa mga permit na kinukuha sa munisipyo. Dito ay naging speakers sina Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr., ang hepe ng Bayambang Fire Station, at ang mga head ng Assessor's Office, RHU 1, MPDO, Engineering, at Business Permit and Licensing.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
1Q MDC Meeting Held
Ginanap ang first quarter meeting ng Municipal Development Council sa Events Place sa Royal Mall. Dito ay iprinisenta ang accomplishment report ng Munisipalidad ng Bayambang ukol sa mga development project nito para sa taong 2020 sa harap ng mga Punong Barangay at mga accredited NGOs.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Monitoring of Bamboo Seedlings along Agno River
Sa pangunguna ni MDRRM Officer Genevieve Benebe, ang focal person ng LGU sa Agno River Rehabilitation Project, nagtungo ang MRDDMO sa Brgy. Pugo at Brgy. Wawa upang magmonitor ng mga kawayan na naitanim doon noong Setyembre 2019. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng bamboo plantation sa 36 na barangay na nadadaanan ng Agno River bilang proteksyon sa ating kapaligiran laban sa baha at posibleng pagguho ng lupa sa tabing-ilog lalo roon sa lugar na may mga kabahayan.
DISASTER RESILIENCY
Palm Sunday Monitoring sa mga Simbahan
Noong palapit ang Mahal na Araw, nakipagdayalogo ang MDRRMO, PNP, at POSO sa mga barangay at church officials. Nagdeploy din sila ng personnel sa apat na simbahang Katoliko sa Bayambang upang imonitor ang mga deboto sa Araw ng Palaspas at buong Holy Week. Ang mga opisyal ay ininform ukol sa Provincial E.O. 27-2021 na nagbibigay ng gabay ukol sa mga health protocol sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.
MDRRMO Staff, Nagmonitor sa Agno River
Noong Abril 9-11, lumibot ang MDRRMO Staff sa iba't-ibang barangay upang payuhan ang mga tao na iwasang maligo sa ilog paa makaiwas sa kumpulan at sakuna. Sila ay nakipagtulungan sa mga Barangay DRRM Committee upang patuloy na maobserbahan ang kaligtasan ng mga Bayambangueño sa panahon ng tag-araw.
Bagong Fire Station, Ipapatayo ng BFP
Magkakaroon na ng bagong gusali ang Bayambang Fire Station! Noong April 14, naging panauhing pandangal si Mayor Cezar Quiambao sa groundbreaking ceremony ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bagong gusali na ipapatayo nito sa Zone VI. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Quiambao na sa wakas ay natupad din ang kanyang pangarap na maging bago ang Bayambang Fire Station. Nanguna sa seremonya si Pangasinan Provincial Fire Director, Supt. Georgian DM. Pascua, PNP-Bayambang OIC Chief PLtCol. Andres Calaowa Jr., POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, at ang bagong OIC ng Bayambang Fire Station, SFO3 Randy Fabro. Noong 2016 ay nagdonate ang administrasyong Quiambao-Sabangan ng 500 sqm na lote upang pagtayuan ng bagong Fire Station.
MDRRMO, Nagroving sa Agno River
Noong April 14 naman, tuluyang nag-roving ang MDRRMO team sa kahabaan ng Agno River upang mamonitor ang aktibidad ng mga residente sa tabing-ilog. Matapos baybayin ng team ang kahabaan ng Agno na sakop ng iba't ibang barangay, sila ay nagsakay ng mga kabataang namataang naliligo sa kalagitnaan ng ilog. Hinihimok ng MDRRMO ang mga residente na iwasan ang paglalangoy sa Agno River, lalo na sa malalalim na parte, ngayong panahon ng tag-araw at pandemya upang makaiwas sa posibleng sakuna at sa kumpulan.
Preparation for Typhoon 'Bising'
Bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong 'Bising', ang MDRRMO team ay nagputol ng mga sanga ng punongkahoy sa gilid ng daan upang maiwasan ang posibleng sakuna kung sakaling magkaroon ng malakas na paghangin. Nagkaroon din ng pagpupulong sa kanilang tanggapan ang MDRRMO upang maplantsa ang mga kinakaukulang emergency plan of action.
MDRRMO Completes DRRM Course for Public Sector Thru Blended Learning
Ang MDRRMO team sa pangunguna ni Genevieve Benebe at kanyang section heads ay nagsipagtapos ng 25 hours ng Technical Learning Training sa Disaster Risk Reduction and Management Course for Public Sector noong April 6-8 gamit ang blended learning. Sa kurso na ibinigay ng Office of Civil Defense (OCD) Region 1, ang MDRRMO ay nagkaroon ng mga bagong kaalaman na kailangang matutunan ng mga public sector employees upang maimplementa ng epektibo ang disaster risk reduction and management sa kanilang nasasakupan. Ang kursong ito ay may 6 modules: Understanding Hazards, Organizing Disaster Control Groups Using the Incident Command System, Ensuring Safety in the Workplace, Public Service Continuity Planning, Evacuation Process, at DRRM Application.
1Q Monitoring and Distribution of Early Warning System
Nagsimula nang magmonitor at magbahagi ng early warning bells sa una at ikalawang distrito ng Bayambang ang MDRRMO upang masiguro na lahat ng barangay ay mayroong early warning system na nakakabit sa kani-kanilang barangay hall. Kapag may early warning system, makapagbigay ang barangay ng impormasyon at babala sa bawat indibidwal upang makapaghanda sa anumang sakuna gaya ng baha at mabawasan at maagapan ang anumang pinsalang maidudulot nito.
S-PASS, Ibinahagi ng PDRRMO sa Bayambang
Noong April 23, ibinahagi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang S-PASS o Safe, Swift & Smart Passage system sa bayan ng Bayambang kasama ng MDRRMO, ICTO, Tourism Office, at PNP. Ang S-PASS ay isang travel management system na kung saan ay maaaring ma-access ng publiko ang mga impormasyon ukol sa mga travel restrictions na ipinatupad ng iba't-ibang LGU bunsod sa pandemya. Ito rin ay makakatulong upang mapabilis ang paglalakbay ng publiko. Ang team ay nagtungo sa Brgy. Tampog checkpoint upang i-orient ang mga pulis na naka-duty sa bawat border ng Bayambang. Nagkaroon din ng simulation activity upang aktuwal na masaksihan at masubukan ang sistemang ito.
MDRRMO Disinfects PSU-Bayambang Campus
Noong April 24, nagsagawa ng disinfection operation sa PSU-Bayambang Campus ang MDRRMO sa pangunguna ni Gng. Genevieve Benebe matapos magrequest si PSU Bayambang Campus Executive Director Liza Quimson. Kasama sa dinisinfect ang lahat ng gusali at opisina ng PSU, bilang precautionary measure laban sa COVID-19.
MDRRMO, MSWDO, Naghatid ng Panibagong Tulong
Noong April 20 ay muling naghatid ng saya at pagmamahal si Mayor Cezar Quiambao at Mayora Niña Jose Quiambao sa tulong ng MDRRMO kasama ng MSWDO sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng wheelchair para kay Gng. Barbara de Vera ng Manambong Parte, at yero naman para kay Gng. Lucila Jimenez ng Manambong Parte at Gng. Zenaida Medrano ng San Gabriel 2nd.