Friday, April 9, 2021

Accomplishments for March 2021

 


 

 GOOD GOVERNANCE

 

Unang Public Bidding sa 2021, Isinagawa ng BAC

 

Bilang parte ng polisiya ng transparency ng administrasyong Quiambao-Sabangan, nagsagawa ng public bidding sa unang quarter ng taong 2021 ang Bids and Awards Committee sa ilalim ni Municipal Engineer Eddie Melicorio. Sa gitna ng bidding proceedings ay sumaglit si Mayor Cezar Quiambao kasama si Vice-Mayor Raul Sabangan upang personal na ipaalam sa mga dumalong bidders na hindi siya kailanman gumagawa ng solicitation letter para sa mga bidders. Ipinaalala ni Mayor Quiambao na walang korapsyon sa LGU Bayambang, kaya't bawal ang magsuhol sa mga opisyal at kawani nito at bawal ding tumanggap ang mga ito ng suhol.

  

ICTO, Inilunsad ang Smart Town Webinar

 

Noong March 15, inilunsad ng ICT Office sa ilalim ni G. Ricky Bulalakaw ang isang serye ng webinar, ang "Digital Transformation: Digital LGU for Smart Town," na inatendehan online ng mga opisyal at empleyado ng iba't-ibang LGU sa Pangasinan. Naging resource speakers Christer Cruz, Chief Technology Officer ng NTT Data; Spencer Chiu, Solutions Architect; at Richard “Bon” Moya, National Technology Officer ng Microsoft Philippines.

  

Thank You, STRADCOM Corporation sa P1.2M Donation ng Computer at Video Equipment!

 

Ang Bayambang Poverty Reduction Action Team, Tourism and Cultural Affairs Office, at Public Information Office ay nagpapasalamat sa STRADCOM Corporation sa pagdodonate ng computer equipment at mga video camera na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P1.2M. Ito ay gagamitin para mas mapaganda at mapaigting ang pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa ating mga kababayan. Maraming salamat po, STRADCOM Corporation!

  

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

 

Tax Bill Distribution in Amanperez and Asin

 

Ongoing pa rin ang tax bill distribution ng Assessor's Office at Treasury Office upang ipaalam sa lahat ng residente ang kanilang obligasyong magbayad ng amilyar. Sa nakaraang linggo ay nagtungo ang team sa Brgy. Amanperez at Brgy. Asin.

 

Distribution of Tax Bills and Letter of Delinquency

 

Parte ng mga regular na gawain ng Municipal Treasury Office ang mga sumusunod na aktibidad: Una ay ang distribusyon ng mga tax bill at letter of delinquency, kasama ang Assessor's Office, upang ipaalala sa ating lahat ang obligasyon nating magbayad ng amilyar.

 

BPLO Inspection

 

Ikalawa ay ang pag-iinspeksyon ng Business Processing and Licensing Office (BPLO) ng mga proyekto at contractors at ang issuance nila ng demand letters sa iba't-ibang business establishments. Sa nakaraang linggo, ang BPLO ay nagtungo sa labing-apat na barangay kabilang ang Buenlag 1st, Sancagulis, Tamaro, Buayaen, at Amancosiling Sur.

 

Issuance of CTCs to Senior Citizens

 

Ikatlo ay ang pagtulong sa mga senior citizens sa pagkuha ng kanilang Community Tax Certificate (CTC) o cedula. Sa halip na mahirapan pa ang mga senior citizens na magpunta sa munisipyo ay ang Treasury Office na mismo ang lumalapit para mapadali ang kanilang pagkuha. Kamakailan ay nagtungo ang opisina sa Brgy. Bani at Brgy. Magsaysay.

 

Branding of Cattle

 

Ikaapat ay nagsasagawa rin ng cattle branding ang opisina sa iba't-ibang barangay upang matulungan ang mga livestock owners sa pagpaparehistro ng kanilang mga alagang baka. Sa nakaraang linggo, ang Treasury Office ay nagpunta sa Brgy. Bical Norte, Sancagulis, Bani, Ligue at Langiran.

 

Discovery and Appraisal of Undeclared Properties

 

Noong nakaraang linggo ay muling nakadiskubre ang Assessor's Office ng mga undeclared real properties sa Brgy. Bical Sur. Dahil dito, sila ay agad na nagsagawa ng appraisal ng mga naturang property at iba pang establisimyento para sa taxation purposes.

 

LGU Head and Employees, Dumalo sa Finance Forum

 

Noong March 24 at 25 ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center ang Finance Forum na may temang “Beyond Numbers: Understanding Financial Matters in the LGU for Better Public Service.” Ito ay inorganisa ng opisina ng Internal Audit Unit upang magbigay kaalaman sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ukol sa kahalagahan ng maayos na pagproseso ng mga pampinansiyal na transaksyon sa munisipyo. Naroon ang buong pwersa ng Finance Team upang talakayin ang iba’t-ibang paksa, mula sa planning, budgeting, procurement, disbursement, at iba pa.

 

LEGISLATIVE WORK

 

SP Approves Institutionalization of LGU-Bayambang's Matalunggaring Awards

 

Sa bisa ng Resolution 269-2021, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang municipal ordinance na nag-iinstitutionalize ng Bayambang Matalunggaring Awards bilang pinakamataas na award na iginagawad ng LGU para sa mga Bayambangueno na nagbigay ng karangalan sa8.  ating bayan sa iba't-ibang paraan.

 

Ordinance on Electronic Payment and Collection System, Inaprubahan!

 

Inaprubahan din ng Sangguniang Panlalawigan ang municipal ordinance "Institutionalizing the Use of Access for Payment of Fees, Charges, Assessments and Other Revenues due to the Municipality of Bayambang through the Electronic Payment and Collection System or EPCS." Sa pamamagitan ng paggamit ng EPCS, mas mapapabilis ang pagbayad ng ating mga taxpayers at iba pang financial transactions ng LGU.

 

Joint Committee Hearing on Creation of Internal Audit Service

 

Isang Joint Committee Hearing ukol sa mungkahing "Municipal Ordinance Creating the Office of the Internal Audit Service (IAS) in the Municipality of Bayambang, Pangasinan" ang isinagawa ng Sangguniang Bayan (SB) Committee on Rules, Laws and Ordinances at Committee on Civil Service and Personnel sa pangunguna ng mga Committee Chairman nito na sina Councilor Amory Junio at Councilor Benjamin Francisco de Vera,. Ito ay ginanap noong March 10 sa SB Session Hall.

 

SB 11th Regular Session

 

Sa 11th Regular Session ng Sangguniang Bayan, ipinasa ang resolusyon para sa 2021 Annual Budget at Annual Investment Program ng iba't-ibang barangay. Inaprubahan din ang resolusyon na nag-ootorisa sa LGU na makipag-MOA sa Philippine Rice Research Institute at iba pang stakeholders para maimplementa ng Rice Business Innovation System ng PhilRice sa Bayambang. Nagsagawa rin ng third and final reading ng ordinansang magki-create ng Office of the Internal Audit Service ng LGU.

 

  

LIVELIHOOD

 

Bayambang, Napili ni Sen. Villar Bilang Benepisyaryo ng Goat Dairy Project

 

Napili ang Bayambang bilang isa sa mga benepisyaryo ng Goat Dairy Project na nakatakdang pondohan ng P5.5M ng opisina ni Senator Cynthia Villar. Dahil dito, nagtungo noonng March 1 ang Bayambang Poverty Reduction Action Team, kasama ang Municipal Agriculture Office at Social Welfare and Development Office, sa tanggapan ng Northern Luzon Department ng National Dairy Authority sa Marilao, Bulacan. Doon ay tinalakay ni Dr. Charito Gimeno ng NDA Northern Luzon ang mga requirements ng proyekto, kabilang na ang isang 5 ektaryang lupain para sa planta na paglalagakan ng 100 kambing at isang kwalipikadong kooperatiba na mangangalaga nito.

 

BPRAT, Nakipagdayalogo sa Mangayao Ukol sa Mungkahing Goat Dairy Farm

 

Noong March 10, nagtungo ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa Brgy. Mangayao, kasama ang Agriculture Office at Kasama Kita sa Barangay Foundation, upang konsultahin ang mga piling residente doon ukol sa planong pagpapatayo ng isang limang ektaryang goat dairy farm na nakatakdang pondohan ni Senator Cynthia Villar sa oras na ito ay maaprubahan ng kanyang opisina. Naroon si Mangayao Punong Barangay Romeo Junio upang samahan ang mga kinonsultang magsasaka na naninirahan sa lupaing balak pagtayuan ng naturang proyekto.

 

Longanisang Tatak Bayambang, Tikman Na!

 

Walang sawa si Mayor Quiambao sa pag-iisip ng mga paraan kung paano iahon ang mga kababayan sa kahirapan sa iba't-ibang larangan. Sa pamamagitan ng kanyang Kasama Kita sa Barangay Foundation, sa ilalim ni COO Romyl Junio, naisipan niyang gumawa ng longanisang tatak Bayambang na tatangkilikin ng mga mamimili bilang isa sa mga produktong gawa ng mga beneficiary-residents ng ANCOP Village, Brgy. Sancagulis, sa itinayong meat processing facility ng KKSBFI doon. Matapos ang mahaba-habang product development at testing phase sa tulong ng 1Food Corporation, kasama ang BPRAT at MSWDO, pormal na inilunsad ang mga produktong tinaguriang Bayambang's Best Longanisa at Bayambang's Best Skinless Longanisa sa Pamilihang Bayan ng Bayambang noong March 16. Ang Bayambang's Best Longanisa at Skinless Longanisa ay kaagad na pumatok sa mga mamimili dahil sa mataas na kalidad nito at katakam-takam na lasa na maikukumpara sa mga matagal nang kinagigiliwang longanisa gaya ng sa Vigan at Nueva Ecija.

 

KKSBFI, Nagpa-Training sa Basic Candle-Making sa Brgy. Wawa

 

Noong March 30, nag-organisa ang Kasama Kita sa Barangay Foundation ng isang Training on Basic Candle-Making sa Brgy. Wawa Covered Court sa tulong ng mga trainors ng Department of Science and Technology. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team at Brgy. Wawa officials. 16 katao na residente ng barangay ang lumahok sa training.

 

 

 

 

HEALTH

 

RHU II at III, Patuloy sa Pagse-serbisyo

 

Ang RHU II at III ay patuloy ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at eksaminasyon para sa mga batang edad limang taon pababa at pamimigay sa kanila ng libreng food supplement at vitamins. Sa ngayon ay may 14 na barangay na ang kanilang naikot, at may 132 na batang na-examine. May libre ding check-up sa ngipin at oral health kit ang ibinibigay ng kanilang dentista na si Dr. John Paul Santos.

 

Task Force Bakuna, Plinantsa ang Vaccination Plan

 

Noong March 11 sa RHU Conference Room, nagpulong ang mga department head upang i-finalize ang gaganaping pagbabakuna sa bawat barangay na pangungunahan ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon. Dito ay tinalakay ang mga detalye ng plano upang siguraduhing maayos ang boluntaryong pagpapabakuna ng mga Bayambangueño kapag dumating na ang supply ng bakuna.

 

RHU, Nagsagawa ng Aktibidad para sa World TB Day

 

Ang RHU ay nagsagawa ng mga aktibidad bilang pakikiisa sa pag-obserba ng World TB Day na may temang "TB: Hanapin, Gamutin, at Puksain." Sila ay nagdaos ng mga usapin at kampanya upang lalo pang mapalakas ang paghahanap ng mga may sintomas ng TB o tuberculosis, kabilang ang ubo ng dalawang linggo o higit pa, lagnat pagdating ng hapon, pagpapawis sa gabi at pagsakit ng likod, at pagiging immunocompromised gaya ng pagkakaroon ng diabetes at hypertension. Ang bagong diagnostic procedure gamit ang GeneXpert ay kasalukuyan nang ginagamit.

 

RHU Blood Drive Yields 166 Bags!

 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay umabot sa 166 bags ng dugo ang nakolekta sa Blood Donation Drive sa Bayambang! Lubos na ikinatutuwa ng RHU ang matagumpay na blood donation drive na ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong March 22. Hindi inaasahan ng RHU na dadagsa pa rin ang mga Bayambangueño sa bloodletting drive na ito dahil mayroon pang banta ng COVID-19 at kinailangang obserbahan ang isang metrong distansya ng mga donor sa isa't-isa. Maraming salamat sa lahat ng nag-donate! Tunay kayong mga makabagong bayani!

 

 IEC on COVID-19 Vaccination Program, Ongoing

 

Nag-umpisa na ang Task Force Bakuna ng LGU, sa pamumuno ni POSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, sa paglilibot sa mga barangay upang magbigay-gabay ukol sa isasagawang pagbabakuna sa mga Bayambangueño kontra-COVID-19. Kasama ang RHU at MDRRMO, tinatalakay ang mga posibilidad na maaaring mangyari at magiging epekto nito sa ating kalusugan at bayan kung ang bawat isa ay magpapabakuna. Ipinapaliwanag din na ang vaccination na magaganap ay para magkaroon ng tinatawag na herd immunity at maprotektahan ang lahat ng Bayambangueño sa pandemyang ating kinakaharap.

 

Sa Resbakuna, Bayambang Handang-handa Na!

 

Isang simulation activity ang ginanap ng Lokal na Pamahalaan sa Pugo Evacuation Center noong March 25 bilang paghahanda sa pagbabakuna sa mga health workers kontra COVID-19. Dumalo si Mayor Cezar Quiambao, Vice Mayor Raul Sabangan, at mga Municipal Councilors na siyang tumayo bilang mga babakunahan upang ipakita sa taumbayan na ligtas ang bakuna at hikayatin ang mga Bayambangueño na tanggapin ang COVID-19 vaccine kapag dumating ito.

 

Mga Frontliner, Bakunado Na!

 

Ang mga frontliner ng Bayambang, kabilang ang mga empleyado ng RHU, pribadong ospital at klinika, lay rescuers at security forces, ay naunang binakunahan noong ika-30 ng Marso sa Pugo Evacuation Center kung saan naroon ang vaccination site. Ito ay upang maipakita sa madla na hindi dapat katakutan ang pagpapabakuna dahil ito lamang ang paraan upang mawakasan ang pananalasa ng COVID-19 sa ating bayan.

   

Anti-Rabies Drive Resumes

 

Ang massive anti-rabies vaccination drive ng Agriculture Office ay nagpatuloy. Sa Brgy. Bical Sur ng March 19, nagbakuna si Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, kasama ang mga barangay officials at MAO personnel, ng 99 na aso at limang pusa na pagmamay-ari ng animnapung na residente ng barangay.

 

Kampanya Kontra Rabies, Patuloy

 

Ang massive anti-rabies vaccination drive ng Municipal Veterinarian ay dinala sa Brgy. Sapang, kung saan naitala ang pang-limang pinakamataas ng kaso ng animal bite incidents sa Bayambang. Ang grupo ay nagbakuna ng higit sa isandaang aso at tatlong pusa, na pagmamay-ari ng 66 na residente.

 

 

OTHER SOCIAL SERVICES

 

Barangay Officials, Sumabak sa GAD Planning Workshop

 

Muling nagsagawa ng tatlong araw na Gender and Development (GAD) Planning Workshop ang MSWDO sa pangunguna ni OIC Kimberly Basco, at ito ay ginanap sa Royal Mall noong March 3 hanggang March 5, at dinaluhan ng 77 Punong Barangay kasama ang kani-kanilang Barangay Secretary, Barangay Treasurer, o Barangay Health Workers. Layunin ng workshop na i-orient at i-train ang mga opisyales ng barangay na magkaroon ng epektibo at matagumpay na pagpaplano ukol sa paggasta ng kani-kanilang GAD budget sa taong 2021.

 

Phase 2 ng National ID Registration, Inumpisahan na sa LGU

 

Nag-umpisa na ang phase 2 registration ng Philippine Statistics Authority para sa pagkakaroon ng national ID, at sa Bayambang ay inuna ang mga LGU officials at employees upang makumbinsi ang mga kababayang kumuha rin nito. Inaabisuhan ang lahat na makipagcoordinate sa kanilang barangay officials para sa schedule ng PSA sa kani-kanilang lugar.

 

LCW Leads International Women's Month 2021 Celebration

 

Masayang nakibahagi ang mga kababaihan ng Bayambang sa pandaigdigang selebrasyon ng Buwan ng mga Kababaihan noong March 8 sa Balon Bayambang Events Center sa pangunguna ni Local Council of Women President Niña Jose-Quiambao at sa pag-oorganisa ng MSWDO sa ilalim ni OIC Kimberly Basco. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga Bayambangueña mula sa siyam na distrito ng bayan. Bilang parte ng pagdiriwang ay nagkaroon ng display booths na kung saan ay ibinida ang mga produktong sariling gawa ng mga malikhaing kababaihan ng Bayambang.

 

DSWD ERPAT Program, Nagpatuloy

 

Muling nagpatuloy ang proyektong ERPAT ng DSWD o ang Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training. Ang unang session na inorganisa ng team ng MSWDO at DSWD Municipal Link sa taong ito ay ginanap noong March 9-11 sa Brgy. Ambayat 2nd.

 

Lomboy, Bagong LGBTQI Assoc. President

 

Hinalal bilang bagong presidente ng LGBTQI Association of Bayambang si Samuel 'Sam' Lomboy sa ginanap na halalan sa Balon Bayambang Events Center noong March 13 sa pag-oorganisa ng MSWDO. Naroon sina SB Committe Chair on Social Services, Councilor Benjamin Francisco 'Benjie' de Vera, upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe, at si outgoing President Raymundo 'Ynah' del Prado. Congratulations, Mr. Sam Lomboy!

 

MAC, Muling Rumisponde sa Hiling na Prosthesis

 

Noong March 12, muling naging tulay ang Mayor's Action Center (MAC) upang mabigyan ng pangalawang prosthetic eye ang siyam na taong gulang na si Levin Pinlac mula sa Brgy. Tatarac. Ito ay naging posible dahil sa pagsusumikap ng MAC upang makahanap ng prosthetic eye para sa bata. Lubos naman ang pasasalamat ng ama nito na si Leonardo Pinlac sa ating butihing alakalde at kay Mayora Niña Quiambao pati na rin kay Gng. Jocelyn Espejo at buong staff ng MAC.

 

Pre-Marriage Orientation and Counseling 2021

 

Nagsagawa ang MSWDO ng isang Pre-Marriage Orientation and Counseling noong March 19 sa dating Negosyo Center sa pangunguna ni OIC Kimberly Basco at Population Program Worker Alta Grace Evangelista para sa mga magkasintahang nakatakdang ikasal sa taong ito. Ang aktibidad ay isang requirement para sa mga balak magpakasal upang sila ay maliwanagan sa bagong yugto ng buhay na kanilang tatahakin, ang buhay mag-asawa.

 

Women’s Groups sa mga Barangay, Inorganisa

 

Bilang parte sa pagdiriwang ng International Women’s Month ngayong Marso ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office ang pagtatatag ng mga Community-Based Women’s Organization sa mga barangay. Isa sa mga layunin ng programa ang matukoy ang pangangailangan ng mga kababaihan upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

 

Libreng Pampering Services para sa Kababaihan ng LGU

 

Handog ni Local Council of Women of Bayambang President, Mayora Ñina Jose-Quiambao, at kanyang asawa na si Mayor Cezar T. Quiambao, hinandugan ang mga kakabaihan ng lokal na pamahalaan ng libreng serbisyo tulad ng hair coloring, back massage, manicure, pedicure, at iba pang pampering services, bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng International Women’s Month 2021. Ito ay inorganisa ng Human Resource Management Office upang ipakita ang pagpapahalaga ng LGU sa maraming kababaihang nagbabanat ng buto sa pamahalaang lokal habang sila ay busy rin bilang anak, asawa at maybahay sa kani-kanilang mga tahanan.

 

 

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

 

MCTQ Donates Electric Hoverboard to POSO

 

Noong March 8, sinubukan sa unang pagkakataon ang electric hoverboard na ipinagkaloob ng ating butihing mayor, Dr. Cezar Quiambao, sa Public Order and Safety Office, sa pamumuno ni Col. Leonardo Solomon, upang maging karagdagang gamit ng mga traffic enforcer sa pagpapaigting ng implementasyon ng batas trapiko sa munisipalidad ng Bayambang, lalo na sa Poblacion area.

 

Katapatan Muling Ipinamalas ng POSO Traffic Enforcers

 

Sa pamumuno ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, muling ipinamalas ng mga traffic enforcers ang kanilang katapatan sa paglilingkod-bayan. Sa magkakahiwalay na insidente ay nagsauli ang mga staff ng mga wallet at nagsauli ng mga napulot na pera na nagkakahalaga ng libu-libong piso. Laking pasasalamat ng mga may-ari dahil naibalik ang kanilang mga wallet at mga lamang mahahalagang dokumento.

 

Barangay Drug Clearing Workshop, Inorganisa ng MADAC

 

Ang Municipal Anti-Drug Abuse Council, sa pangunguna ng Public Order and Safety Office, sa ilalim ng hepe na nito na si Col. Leonardo Solomon, ay nag-organisa ng Barangay Drug Clearing Workshop sa Events Center para sa mga barangay officials noong March 19, kasama ang PNP Bayambang sa ilalim ni OIC Chief PLtCol Andres Calaowa Jr., DILG at DOH. Naging resource speaker ang mga taga-Public Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamumuno ni PDEA Provincial Officer Dexter Asayco. Ang workshop at symposium ay inatendehan ng mga Punong Barangay at Barangay Secretary sa umaga at mga drug reformists sa hapon. Sa workshop ay dumalo si Vice-Mayor Raul Sabangan bilang kinatawan ni Mayor Cezar Quiambao.

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION

 

Update on LGU's Application for DA-PRDP Grant

 

Nagkaroon ng pagpupulong noong March 10 sa Niña's Cafe ang Municipal Project Management and Implementing Unit ng LGU-Bayambang ukol sa aplikasyon nito na magkaroon ng grant mula sa Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture. Dito ay napag-usapan ang latest development ukol sa proyektong 'Improvement of San Gabriel II Farm-to-Market Road with Bridge,' at napag-alamang nasa national evaluation phase na ang proyektong nakatakdang pondohan ng PRDP. Matapos ang pulong ay nagsagawa ng site visit ang team sa San Gabriel 2nd bilang parte ng compliance sa mga bagong requirements ng proyekto mula sa national government.

 

Rice Planter Mula DA-RFO1, Ipinamigay sa MSGMC

 

Isang ride-in mechanical rice planter ang ipinamigay ng Department of Agriculture-Regional Office I sa Mangabul Seed Growers Marketing Cooperative, Inc. Muli, maraming salamat, DA-RFO1! At congratulations sa Mangabul Seed Growers Marketing Cooperative!

 

Soil Collection, Isinagawa para sa FASS Project ng MAO at MDRRMO

 

Nagsagawa ng soil collection activity ang Municipal Agriculture Office at Department of Agriculture-Region I kasama ang MDRRMO para sa nakatakdang soil analysis, bilang parte ng pinagsanib nilang programa na 'Fight Armyworm and Save the Soil' (FASS). Kinakailangang malaman ang lagay ng ating mga lupang sakahan para malaman kung anong remedyo ang nararapat upang makaiwas sa pagkasira nito at sa pananalasa ng mga peste dulot ng masamang kondisyon ng lupa.

 

Young Entrepreneurs mula Maynila, Tutulong sa mga Vegetable Farmers

 

Noong March 12 ay inilibot ni Kasama Kita sa Barangay Foundation COO Romyl Junio ang mga anak ng mga businessmen sa Maynila na sina Cezar Quiambao II, Justin Yu, at Joshua Lim, upang makita nila nang personal ang mga bukirin at aktibidad ng mga lokal na magsasaka at matulungan ang mga ito sa marketing aspect kung saan sila ay nakatakdang maging direct supplier. Kasama sina Municipal Agriculture Officer-in-Charge Zyra Orpiano, Agriculture Modernization Consultant Maricel San Pedro, at Bayambang Poverty Reduction Action Team Focal Person on Livelihood Valentine dela Cruz, namili ang mga bisita ng mga iba't-ibang gulay na dadalhin sa isang bagsakan sa Maynila para sa ma-testing ang mga produkto at upang makatulong sa mga magsasaka na mabenta ang kanilang produkto sa mas mataas na presyo.

 

Food Security Ambassadress ng DA, Bumisita

 

Noong March 12, bumisita sa Bayambang si Bb. Cherrie Atilano, ang Food Security Ambassador ng Department of Agriculture, upang magbigay ng impormasyon ukol sa agrikultura. Si Bb. Atilano ay isang internationally multi-awarded lady millennial farmer, at siya ang founder at CEO ng Agrea, isang matagumpay na local agribusiness company. Siya ay nakipagpulong kina Mayor Cezar Quiambao at kanyang maybahay na si Niña kasama ang mga piling opisyal ng LGU sa opisina ng Agricultural Infrastructure and Leasing Corporation as St. Vincent Village. Parte ng dahilan ng pagbisita ni Bb. Atilano, kasama ang sikat na inang interior designer na si Ivy Almario, ay upang boluntaryong tumulong sa aplikasyon ng LGU-Bayambang sa Mayors’ Challenge ng Bloomberg Philanthropies, isang pandaigdigang patimpalak ukol sa inobasyon sa pagresolba ng mga kinakaharap na problema ng mga siyudad sa mundo.

 

Monument-Setting at Proposed Agri Warehouses

 

Noong March 18, naglagay ng muhon ang geodetic engineer ng Assessor's Office kasama ang staff at ang Engineering Office para sa proposed district warehouse na itatayo ng Agriculture Office sa Brgy. Mangayao at Brgy. Langiran.

 

KKSBFI, Patuloy sa Pag-market ng mga Produkto ng Vegetable Farmers

 

Sa tulong ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., at ni Agriculture Modernization Consultant Maricel San Pedro, ay muling nakahanap ng direct buyer ang mga lokal na magsasaka para sa kanilang produktong gulay. Kamakailan ay dinala rito ang mga taga-Dizon Farms, isang sikat at malaking kumpanya, upang i-test sa kanilang merkado ang mga lokal na produktong gulay. Sila naman ay bumili ng kilu-kilong gulay tulad ng siling haba, siling labuyo, talong, at kamatis mula sa mga vegetable farms sa Ambayat 1st, Managos, at Warding.

 

 

 

ECONOMIC DEVELOPMENT

 

NMIS Inspects Slaughterhouse

 

Nagsagawa ng surprise inspection ang National Meat Inspection Service-Regional Technical Operation Center 1 sa pangunguna ni Dr. Domingo Gonzaga and Dr. Rudio Abulencia sa Municipal Slaughterhouse upang iassess ang mga pasilidad at equipment na nangangailangan ng repair at restoration. Ito ay isinagawa bilang parte ng inspection ng NMIS para sa ating application para sa permit to operate bilang isang double “AA” slaughterhouse.

 

 

 

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

 

Narito naman ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:

 

Construction of Office of the Bids and Awards Committee

Renovation of Comelec Office

Installation of Wall Partition at Municipal Library

Renovation of Mayor's Office

Fabrication and Installation of Bilboard Frame at Parking Area beside Balon Bayambang Events Center

Construction of POSO Chief Office

Construction of Scalding Bath in Municipal Slaughterhouse

Completed: Construction of Conference Room at the old Negosyo Center/One-Stop Shop

Completed Core Local Access  Road in Inirangan

Completed Drainage System in  Zone IV

Construction of Tanolong-Maigpa Roadline funded under DILG AM-2020

Installation of Solar Street Lights

Ongoing: Concreting of Bureau of Fire Protection’s Parking Area

Ongoing: Finishing of Municipal Accounting Extension Office

  

Mayor Quiambao, Pinarenovate ang Post Office

 

Nagpapasalamat kay Mayor Quiambao ang PhilPost Bayambang sa ilalim ni Thelma Ramos dahil sa unang pagkakataon ay naisaayos at narenovate ang opisina ng Bayambang Post Office.

 

  

ENVIRONMENTAL PROTECTION

 

Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) in Action

 

Sa patuloy na pagsusulong ng ESWMO sa adbokasiya nito para sa isang malinis at makakalikasang Bayambang, nagkaroon muli ng isang clean-up activity ang opisina sa kahabaan ng Bical Norte-Bani Road sa pangunguna ng OIC nito na si G. Eduardo Angeles, Jr.. Ang clean-up ng ESWMO ay isang regular na aktibidad na ginagawa ng opisina sa iba't-ibang barangay kasama ang mga kapitan at mga kagawad.

 

Patuloy din ang panghuhuli ng mga ESWM Enforcers sa mga lumalabag sa Municipal Ordinance #19 na nagreregula sa paggamit ng plastic cellophane at sando bags at nagbabawal sa styrofoam.

 

 

DISASTER RESILIENCY

 

MDRRMO Staff, Sumabak sa Standard Training

 

Muling sumailalim ang MDRRMO staff sa Standard First Aid, Basic Life Support at Ambulance Conduction Training. Ang training na ito ay pinangunahan ni Gng Felicitacion Macapinlac, Emergency Medical Technician ng Red Cross at isang Emergency Medical Services, Disaster Management, at Psychosicoal Support Trainer. Layunin ng training na ito na madagdagan ang kaalaman ng MDRRM staff para sa mas epektibo at mas mabilis na pagresponde sa ating mga kababayan kapag may di inaasahang pangyayari.

 

Improvement Works sa San Gabriel I Isolation Facility, Patuloy

 

Patuloy ang improvement works sa San Gabriel Ist Isolation Facility. Kasalukuyang tinatapos ang Nursing Quarters at Nursing Station ng pasilidad, at ginagawa naman ang mga septic tanks para sa mga individual comfort rooms ng sampung isolation rooms doon.

 

Typhoon Ulysses Survivor, Binigyan ng Libreng Construction Materials

 

Naging abala ang MDRRMO sa paghahakot ng mga contruction materials para sa nasirang bahay sa Brgy. Paragos na hinagupit ng Bagyong Ulysses. Kabilang sa mga materyales na donasyon ni Mayora Niña Jose-Quiambao ang 50 piraso ng yero para sa bubong, 41 piraso ng lumber, 4 na piraso ng ridge roll, at isang mini-dump truck ng bato.

 

MDRRMC Staff, Nakiisa sa 1Q ONSED

 

Noong March 11, ginanap sa alas dos ng hapon ang 1st Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o ONSED, at gaya ng dati ay nanguna sa pakiisa sa aktibidad na ito ang MDRRMC. Sila rin ay nagmonitor sa lahat ng mga estudyante at guro sa bawat eskwelahan na nakibahagi sa nationwide na aktibidad na nagsusulong na gawing regular ang earthquake at fire drills para sa kahandaan ng lahat pagdating ng mga di inaasahang sakuna.

 

MDRRMO Disaster-Related Transportation Assistance

 

Parte ng ginagawa ng MDRRMO ang magbigay ng transportation assistance para sa mga mahahalagang request. Noong March 22, ang MDRRMO ay nag-asiste sa RHU 3 staff at Barangay Health Workers para sa blood donation activity. Sa sumunod na araw naman, ay sila ay nagbigay ng transportation assistance sa District Federated Parents-Teachers' Association (FPTA) kasama ang Agriculture Office at RHU sa iba't-ibang paraalan upang mainspeksiyon ang lahat ng Gulayan sa Paaralan projects ng DepEd.

 

 

 

 

 

 


No comments:

Post a Comment