Wednesday, December 30, 2020

What a Year It Was! -- The LGU-Bayambang's 2020 in Review

INTRODUCTION: The LGU-Bayambang's 2020 in Review

What a Year It Was! 

It is a lot easier to not remember the year that was, for it was more like a horror movie to all of us without exception. We would understand anyone who would rather forget it, for it was indeed emotionally and mentally distressing.

But while it's true that a lot of things did not happen, it was also true that a lot of things happened despite of it. 

The nasty SARS-CoV2 virus derailed our ambitious plan for the year, but thanks to the Quiambao-Sabangan administration's leadership, new things got moving, in place of what we could not do at the time.

From the ashes of unexecuted plans, we did not wallow in disappointment, but instead slowly picked up the pieces. 

Among the highlights of the year were the following:

We remember that we didn't settle for self-denial, but instead prepared for the worst by educating ourselves and our constituents about the possibility of dreaded disease arriving at our doorstep. All town's events, including the much-anticipated fiesta celebration, were canceled in February as precautionary measure. 

Early in the year, we acquired a new firetruck and a new ambulance through grants. Later on, we also acquired new vehicles and donated four motorbikes to the police for a more efficient delivery of services in the time of COVID-19 -- among other forms of assistance.

In March to April, we went through the grieving period over the unexpected loss of our precious doctor and tried to recover from the panic after learning that our First Couple got ill as well. But we mustered the courage to got on with our lives and coped as best we could by learning new words and phrases from the medical world and other fields: quarantine, frontliner, ECQ/MECQ//GCQ/MGCQ, isolation facility, social distancing, APOR, first and second tranche of ayuda, contact tracing, travel authority, swab test, RT-PCR test... 

Even when the cloud of fear and uncertainty persistently hovered over the town, we transcended our fears by doing our job, by finding creative ways to hold a massive relief operation in three waves in the face of confusing and overwhelming quarantine and lockdown restrictions.

We opened the Municipal Annex Building, with spacious modern offices where social distancing can be observed at all times.

Our Municipal Library got a subscription to World Book Online for computerized access to a host of valuable reference materials.

RHU 1 opened an Animal Bite Treatment Center where anti-rabies injections and treatment are free. RHU IV in Brgy. Macayocayo officially opened, to serve our constituents in that faraway district. In spite of the risks, mass tooth fluoridization and vaccination were successfully held for our young children.

The Bayambang Commerial Strip was opened despite the seemingly unfriendly business climate.

Our transport system recovered little by little. We launched Mayor Quiambao's Libreng Sakay project through ten e-trikes plying different routes.

Our infrastructure projects resumed: local access roads, barangay halls, covered courts, drainage systems, Municipal Warehouse, radio communication tower... The National Irrigation Authority went here to conduct site inspection for our dream irrigation system. Big plans are equally afoot in the areas of sewerage and septage and Agno River slope protection.

PhilRice went full blast in its implementation of its RiceBIS project here, to oversee the clustering of farmlands on the road to agripreneurship. Add to this the Mayor's grand 8 District Warehouses Project to cut farmers' over-dependence on third parties in getting their produce to the market. 

Our anti-drug abuse efforts resumed as well, thanks to the diligence of the PNP.

Tourism-related events soon resumed with the reopening of the St. Vincent Ferrer Prayer Park, but with strict observance of minimum heath protocols.

The Community-Based Distant Learning Enhancement Program was launched to address the sudden change in learning modalities, among other projects like the ICT Konek in PSU.  The Local School Board donated materials and equipment like coupon bonds, Risograph machines, and laptops to DepEd to help facilitate online and modular learning, on top of the usual donations of school supplies.

Since the dreaded virus seems to be here to stay, we beefed-up the improvement works at our San Gabriel 1st Isolation Facility.

Our 10-Year Solid Waste Management Plan was finally approved. We even won a P200,000 grant to build a hazardous waste facility.

We also managed to open a respectable fitness center.

BPRAT moved heaven and earth to obtain all forms of help possible from national government agencies -- DTI, OWWA, DOLE, DA, DSWD... and the team succeeded!

The administration's intent to resolve the historic Mangabul controversy was not expressed through mere lip service but through actual follow-through with key people in national government. Final briefings for Mangabul claimants were conducted in this regard.

Because they believe that health, or indeed life, is of foremost importance, the Quiambao family donated P55M worth of medical equipment and supplies to four government hospitals in Pangasinan.

We maintained the operation of the Mobile Market because it proved necessary.

We continued processing the aid extended by the DA to those affected by last year's onslaught of African swine fever. We gladly accepted all sorts of donations from all possible directions: citizens, alumni, expatriates, and outsiders, for every little drop in the bucket helps.

The annual typhoons struck hard around the country, but largely spared us, thank God. We were grateful to be able to extend a helping hand in faraway, flood-struck Cagayan. It can be recalled that the MDRRMO team also went to Batangas earlier in the year to give modest assistance to our ash fall-besieged brethren living around Taal Volcano.

It is easy for those of us who have retained our jobs to dismiss the scary parts of 2020 and pontificate to others to "Think positive" and "Move on." But we'd rather much prefer to emphasize condoling with those who have lost a great deal in the pandemic and helping address their hidden needs, because we were all there in the middle of the action when it mattered the most, either as frontliners or our frontliners' direct support. We knew their pain because it was our own. 

SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS PER SECTOR

(Note: The entries are in Tagalog because we had been instructed to report in Tagalog. Entries in yellow highlight are deemed the most significant events and accomplishments.)


I.   GOOD GOVERNANCE

 

   Updated Citizen’s Charter

 

Nag-update ang LGU ng Citizen’s Charter bilang pagtalima sa Ease of Doing Business Law. Sa pamamagitan nito ay agarang malalaman ng publiko ang pinaikling proseso sa paglakad ng mga papeles sa pakikipagtransaksyon sa gobyernong local, at maiiwasan ang pagkakaroon ng fixers at insidente ng graft and corruption.

 

• Data Capturing para sa RCBMS

 

Nagtungo ang Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT), sa pamumuno ni G. Rafael Saygo, kasama si ICT Office head Ricky Bulalakaw, at Restructured Community-Based Monitoring System Developer Christian Bautista, sa Brgy. Pantol noong July 17 para talakayin ang pagpapatuloy ng data capturing para sa mga mamamayan ng nasabing barangay. Ang makakalap na impormasyon ang siyang magiging basehan sa paggawa ng mga programa, proyekto at aktibidades na akma sa kanila.

 

• Orientation on Document Management System

 

Noong August 20, nagsagawa ang ICT Office ng isang orientation sa iimplementang Document Management System ng LGU. Layunin nito na mapadali sa pamamagitan ng computer ang pag-monitor ng mga dokumento at ang pagrecord, archive, at search and retrieval ng mga ito. Ito ay parte ng paperless transaction policy ng LGU upang makaiwas sa pagtambak ng papeles at mapabilis ang serbisyo publiko.

 

• Orientation on New Procurement Process

 

Bilang parte ng polisiya ng transparency at accountability ng LGU-Bayambang, ginanap noong October 7 sa Events Center ang isang orientation ukol sa pinakabagong procurement process ng pamahalaan sa pangunguna ni Bids and Awards Committee Chairperson Ricky Bulalakaw. Sa bagong proseso, inaasahang mas mapapabilis ang pagkuha ng mga supply at serbisyo ng LGU ng naaayon sa batas.

 

Anti-Corruption Drive

 

• Isumbong Mo Kay Mayor Quiambao!

 

Mahigpit na ipinagbabawal ang kurakot at kotong sa Bayambang, kaya't hinihikayat ang na huwag mag-atubiling magsumbong kay Mayor Quiambao para sa kanilang mga reklamo sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong #4357, 633-2977, o 0919-613-14-60.

 

• Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee

 

Upang siguraduhing maayos at ligtas ang mga electrical facilities ng LGU-Bayambang, bumuo ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee ang Engineering Office at gumawa ng isang Technical Working Group kasama ang Planning and Development Office at General Services Office. Ang team ay nagsimulang umikot at mag-inspeksyon ng energy consumption at mag-imbentaryo ng office appliances sa lahat ng departamento.

 

Voters’ Education Campaign

 

• SK Federation Meeting on First-Time Voters

 

Noong October 13 sa Sangguniang Bayan Session Hall, isang pagpupulong ng SK Federation ang ginanap kasama sina COMELEC-Bayambang Election Officer Meriam Corilla. Tinalakay sa pulong ang proseso ng pagpaparehistro sa mga first-time voters sa COMELEC. Nabanggit din dito kung paano makakatulong ang mga SK members sa barangay para mapadali ang proseso ng registration ng mga first-time voters na kabataan sa Bayambang. Naroon din si BPRAT Chairman Rafael Saygo para talakayin ang tulong na maaaring ibibigay ng kanyang team.

 

• Kabataan Voter's Registration Update

 

Noong November 18, ang mga first-time voters na kabataan ay nag-umpisa nang magparehistro sa COMELEC Bayambang sa pakipagtutulungan ng Sangguniang Kabataan Federation, Local Youth Development Office, at Bayambang Poverty Reduction Action Team. Ayon sa COMELEC, umabot ng 74 ang nagrehistro sa araw na iyon.

 

General Services

 

• Dagdag Asset ng LGU: 3 Bagong Avanza

 

Dumating noong February 28 ang tatlong Toyota Avanza na nagkakahalaga ng P998,000 bawat isa. Ang mga ito ay karagdagang asset ng munisipyo sa pagbibigay ng mabilisang serbisyo publiko.

 

Legislations

 

• Public Hearing on Tricycle Management Code

 

Noong June 26, nagsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) Committee on Rules, Laws and Ordinances at Committee on Transportation and Public Order and Safety ng isang public hearing ukol sa proposed draft ng "Ordinance Enacting the Tricycle Management Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan" sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay dinaluhan ng publiko, partikular na ng mga opisyal at myembro ng Tricycle Operators and Drives Association (TODA) ng Bayambang, upang malaman ang kanilang saloobin at suhestiyon para makatulong sa pagbuo ng nasabing panukalang batas para sa isang maayos na public transportation sa bayan.

 

• Public Hearing on Stall Fees and Medical Center

 

Ang Sangguniang Bayan Committee on Rules, Laws and Ordinances and Ways and Means na pinamumunuan ni Councilor Amory Junio, Committee on Health and Sanitation na pinamumunuan ni Councilor Levinson Uy, at Committee on Market Trade and Industry na pinamumunuan ni Councilor Joseph Ramos ay nagsagawa ng public hearing tungkol sa ordinansang nag-ootorisa sa kondonasyon ng isang buwang rental fee ng lahat ng rehistradong stall owners sa Bayambang Public Market dahil sa deklarasyon ng EECQ sa buong Pangasinan at sa ordinansa na magpapaubaya sa pagtatatag at operasyon ng Julius Ceasar K. Quiambao Medical Center sa Barangay Bani. Ang public hearing ay ginanap noong ala-una ng Huwebes, Agosto sais (6), sa Balon Bayambang Events Center.

 

• Public Hearing on Contact Tracing and Videoke Use

 

Noong November 5 sa Events Center, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng Public Hearing para sa proposed ordinance tungkol sa Contact Tracing at abusadong paggamit ng videoke at iba pang pag-iingay sa oras ng online class. Ito ay inorganisa ng Sangguniang Bayan at pinangunahan ng mga chairman ng SB Committee on Rules, Laws and Ordinances; Public Order and Safety; at Health and Sanitation, at dinaluhan nina Vice-Mayor Raul Sabangan, 77 Punong Barangays, at iba pang apektadong sektor.

 

• Public Hearing on Local Investments Incentive Code at GAD Code

 

Noong November 6 naman sa Events Center pa rin, nagsagawa ulit ang Sangguniang Bayan ng Public Hearing para sa proposed ordinance tungkol sa Local Investments Incentive Code of 2020 at Gender and Development Code of Bayambang. Ito ay pinangunahan ng mga chairman ng SB Committee on Rules, Laws and Ordinances; Social Services; at Market Trade and Industry, at dinaluhan ng iba't-ibang sektor.

 

• Mga Local Codes Atbp., Aprubado na ng SP

 

Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga sumusunod na ordinansa at resolusyon ng LGU-Bayambang: ang 2021 Annual Budget, 2021 Annual Investment Plan, Children's Code, at New Normal Code in Response to the COVID-19 Pandemic, salamat sa pagpupunyagi ng ating Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Raul Sabangan at mga masisipag na SB Members.

 

• Public Hearing sa Tricycle Management Code, Nagpatuloy

 

Nagpatuloy ang Sangguniang Bayan Committee on Public Order and Safety at Committee on Rules, Laws, and Ordinances sa pagdinig ukol sa mungkahing ordinansa sa Tricycle Management sa bayan ng Bayambang. Noong July 16 sa SB Session Hall ay tinalakay ang mga amendments sa naturang ordinansa na di pa natalakay sa unang pagdinig.

 

• Public Hearing sa Proposed Tricycle Management Code, Nagpatuloy

 

Ipinagpatuloy ng Sangguniang Bayan (SB) ang public hearing ukol sa mungkahing Tricycle Management Code ng Bayambang noong August 7 sa Events Center kung saan nakatuon ang naging talakayan sa RFID tagging. Nagkaroon din ng public hearing ukol sa temporary minimum fare sa traysikel sa panahon ng pandemya.

 

• Pagsusuot ng Face Shield sa mga Pampublikong Sasakyan, Required na Simula August 15, 2020

 

Noong August 7, nagsagawa ng spot inspection ang Bayambang Municipal Police Station sa pamamahala ni Bayambang Chief-of-Police, PLt. Col. Norman Florentino, sa Central Bus Terminal upang masiguro na sumusunod sa minimum public health standards ang mga operator at pasahero ng mga pampublikong sasakyan. Kasabay nito ay pinaalalahanan ang lahat sa full implementation ng batas ukol sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon simula August 15.

 

• Public Hearing ukol sa Quarantine Protocols at Alagang Hayop

 

Noong August 7, ginanap ang isa pang public hearing sa Events Center ukol sa "Ordinance to Strengthen Implementation of Quarantine and Health Safety Protocols in Times of Public Health Emergency or Pandemic" at "Ordinance Prohibiting All Kinds of Animals to Wander in Public and Private Streets, Plazas, Parks in the Municipality of Bayambang and Providing Penalties for Violations Thereof and for Other Purposes."

 

• SB Approves 2021 LGU Budget

 

Noong September 24, inaprubahan ng Sangguniang Bayan Budget Committee ang annual budget ng LGU sa 2021 sa isang budget hearing na ginanap sa SB Session Hall. Inaprubahan ng SB ang annual budget na P625,493,399.09 para sa January 1, 2021 hanggang December 31, 2021, matapos dinggin ng komite sa ilalim ni Majority Floor Leader, Councilor Amory Junio, ang bawat LGU department head sa kanilang inihaing budget.

 

• Hearing on LGU and Landbank Partnership re. IRA

 

Noong September 29 sa dating Negosyo Center, isinagawa ang isang Committee Hearing na pinamunuan ng Sangguniang Bayan Committee Chairman on Rules, Laws and Ordinance, Finance, Budget, and Appropriations and Ways and Means na si Councilor Amory Junio kasama si Councilor Philip Dumalanta at SB Secretary Joel Camacho tungkol sa panibagong proposed ordinance ukol sa partnership ng LGU sa Landbank of the Philippines bilang official depository bank para sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng Bayambang. Ang Committee Hearing ay dinaluhan nina Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., mga Finance Cluster department heads ng LGU, at mga kinatawan ng Landbank.

 

Participatory Governance

 

    Municipal Association of Non-Governmental Organizations, Binuo

 

Isang grupo ng mga NGOs – ang Municipal Association of Non-Governmental Organizations in Bayambang o MANGO – ang binuo kamakailan bilang paraan upang magkaisa ang mga asosasyon sa bayan. Ang mga hinalal na opisyal nito ay nanumpa sa harap ng mga opisyal ng LGU-Bayambang matapos ang flag ceremony noong January 13 sa Events Center.

 

Taxation and Property Assessment

 

    Magsaysay Homeowners Association, Inorganisa

 

Pinulong ng Assessor's Office ang mga residente ng Magsaysay property ng Munisipyo sa Magsaysay Barangay Hall upang pag-usapan ang pag-oorganisa sa kanila bilang isang homeowners association at paghalal ng kanilang mga opisyal.

 

• Assessor's Office Land Verification at Survey

 

Noong June 15, nagsagawa sa Brgy. Del Pilar at Brgy. Bical Sur ang Municipal Assessor's Office ng initial ground observation at verification ng isang lote roon para sa future land disposition sa mga informal settlers.  Noong June 16, nagsagawa rin sila ng geodetic survey sa isang subdivision sa Brgy. Magsaysay upang magawan ng subdivision plan ang naturang lupain at nang ito ay mapatituluhan at mabili ng mga matagal nang nakatira sa lugar.

 

• Ocular Inspection sa Sancagulis Poultry Farm

 

Nagsagawa ng ocular inspection ang Municipal Assessor’s Office sa Brgy. Sancagulis noong July 2 upang siguruhin na may titulo ang lupa sa poultry farm doon. 

 

• Assessor's Office Posting of Notice of Special Patent Application

 

Kasama ang representante ng DENR-Community Environment and Natural Resources Office na si Sonny Boquiren, nagtungo ang Municipal Assessor’s Office sa pangunguna ni Municipal Assessor Annie de Leon sa Brgy. Balaybuaya, Langiran, at Pangdel noong June 25. Doon ay binigyan ang mga opisyal ng mga barangay ng notice of special patent mula sa DENR.

 

• Assessor's Office, Nagpatuloy sa Tax IEC

 

Patuloy ang ating kampanya upang mabago ang kaisipan ng ating mga kababayan tungkol sa pagbayad ng tamang buwis gaya ng amilyar o real property. Kabilang sa mga tinalakay ang Tax Education Campaign at Appraisal of Land and Buildings, at Appraisal of Commercial Establishments. Sila ay namahagi rin ng Owner's Copy ng Tax Declaration ng mga residenteng nagsipagbayad.

 

Kanilang inihatid ang positibong mensahe ukol sa pagbabayad ng tamang buwis -- na ito ay naayon sa batas, ito ay nararapat lamang bilang ambag natin bilang isang Pilipino, at ito ay napupunta sa mabubuting mga kamay at nauuwi sa mga proyektong kapakipakinabang sa pamayanan.

 

• Letter re. Disposition of 67-Hectare Bani/Bical Norte Property

 

Noong September 29, nagbigay ang Assessor's Office ng liham sa mga apektadong occupants ng 67-hectare property sa Barangay Bani at Bical Norte. Sa liham ay ipinaalam ni Municipal Assessor Annie de Leon ang kanilang intensiyon na magsagawa ng appraisal ng mga residential property for taxation purposes. Ang lupain ay nakatakda para sa disposition sa pamamagitan ng pag-transfer ng titulo sa mga occupant sa oras na sila ay pumayag na bilhin ang loteng kinatitirikan ng kanilang tirahan. May mahigit 400 na kabahayan ang nabigyan ng liham.

 

• Tax Bill Distribution

 

Noong December 2, namahagi ng mga Tax Bill ang Assessor’s Office kasama ang Treasury Office sa mga barangay ng District 2, kabilang ang Bongato East, Bongato West, Iton, Manambong Norte, Manambong Sur, Manambong Parte, Pantol, Paragos, at San Gabriel 2nd.

 

• Problema sa Informal Settlers ng PSU, Tinugunan ng Local Housing Board

 

Noong December 9, nagsagawa ng pulong sa Balon Bayambang Events Center ang Local Housing Board sa pakikipagtulungan ng Municipal Assessor’s Office at ng mga barangay officials ng Zone 6 tungkol sa lupa ng PSU-Bayambang Campus (PSU-BC) at sa mga informal settlers doon. Ito ay upang maisaayos na ang matagal nang di pagkakaunawaan ng dalawang kampo ukol sa property dispute sa lugar. Sa pagpupulong ay naging mediator ang Municipal Administrator, kasama ang Chief of Police, POSO Chief, Municipal Engineer, Municipal Assessor, at MPDC.

 

• Assessor’s Office Acquires New GPS

 

Noong October 21 ay tinanggap ng Assessor's Office ang bagong biling global positioning system (GPS) equipment para sa geo-mapping matapos itong maideliver sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay matagumpay na ipinadaan sa isang field testing.

 

• Mangabul Land Coversion

 

-      Mangabul Task Force, Nag-Briefing sa mga Claimant-Farmers

 

Noong November 18, nagbigay ng briefing sa Brgy. San Gabriel II ang mga miyembro ng Mangabul Task Force para sa mga bona fide claimant-farmers ng Mangabul. Kabilang sa mga nagbigay ng update sa latest development sina Municipal Councilor Amory Junio; Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr.; Municipal Assessor; Planning and Development Office; Consultant on Agrarian Reform; at iba pang concerned departments.

 

Noong December 12 ay nagpatawag ng final briefing ang Assessor's Office sa Events Center sa lahat ng bona fide claimant farmers ukol sa awarding ng Mangabul Reservation lots para sa mga ito. Naroon si Mayor Quiambao at Sangguniang Bayan members, kasama ang buong pwersa ng Mangabul Task Force, na kumausap sa mga officers at members ng Federation of Free Farmers-Mangabul Chapter. Natalakay sa final briefing ang ukol sa preparasyon ng tax declaration, pag-check ng legitimacy of ownership, at pagtitulo ng CENR Office base sa inaasahang deklarasyon ng  Mangabul Reservation bilang isang alienable at disposable land.

 

-      Lot Survey

 

Noong October 8, nagsagawa ang Assessor’s Office ng pagtatatag ng primary control points para sa lot survey ng Mangabul Reservation simula sa mga boundary ng Manambong Norte at Manambong Sur hanggang sa San Gabriel 2nd.

 

-      Preparation of Disposal Papers

 

Noong September 14, nagtungo si Municipal Assessor Annie de Leon at ang kanyang staff sa San Gabriel 2nd upang iprepara ang mga dokumentong kailangan sa disposal ng mga lupain sa Mangabul Reservation para sa mga matatagal nang nagsasaka sa lugar. Sa kasalukuyan ay nasa Kongreso pa ang bill na inihain ni Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas na naglalayong i-convert ang Mangabul Reservation bilang alienable at disposable property. Sa oras na maging ganap na batas ang bill na inisponsor ni Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas na naglalayong i-convert ang mga lupain sa Mangabul Reservation, inaasahang maililipat sa mga magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka.

 

Financial Administration

 

• BPLO in Action

 

Sa nakaraang linggo ay nagsagawa ang Business Processing and Licensing Office ng inspeksyon at issuance ng demand letter para sa iba't-ibang negosyo na itinayo sa Brgy. Magsaysay, Telbang, Buayaen, Poblacion Sur, at Tambac. Ito ay upang paalalahanan ang bawat negosyante sa kanilang tungkuling magbayad ng business tax na siyang nagdadagdag sa revenue ng munisipyo.

 

• Final Demand Letter to Magsaysay Occupants

 

Noong nakaraang linggo ay nag-issue na ang Assessor's Office ng final demand letter ng Municipal Administrator sa mga illegal occupants ng mga lote ng Munisipyo sa Brgy. Magsaysay. Ito ay matapos magbigay ang LGU ng paulit-ulit na palugit sa mga naturang occupants ukol sa payment scheme na aprubado ng Commission on Audit.

 

Planning & Budgetting

 

    Workshop to Harmonize LGU Plans for Effective Monitoring and Evaluation

 

Ang Municipal Planning and Development Office at ang Information and Communications Technology Office ay nagsagawa ng three-day workshop upang mapag-isa at mapalakas ang iba't ibang mga plano sa pagpapaunlad ng LGU, at matiyak na ang mga ito ay magkaroon ng magandang resulta sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor sa mga ito. Ang unang bahagi ay tumalakay sa pag-uugnay at pagsasama ng results-based monitoring and evaluation sa planning processes, habang ang pangalawang bahagi naman ay tungkol sa pagbuo ng isang Information Systems Strategic Plan. Ang nasabing workshop ay ginanap noong February 10 hanggang 12 sa Royal Mall.

 

• LGU, Tumulong sa PSU sa Pagbalangkas ng Land Use Plan

 

Noong August 11, nagtungo ang LGU sa PSU Bayambang upang tulungan ang institusyon sa pagbalangkas ng Land Use Plan nito. Tumutulong ang MPDC sa pag-gabay sa focal person ng PSU ukol sa land use planning. Nagsasagawa naman ang Assessor's Office ng land survey para sa saktong sukat ng PSU property. Ang Engineering Office ay nakatakdang tumulong sa pagsasagawa ng site development plan, kabilang na ang binabalak gawing central bus terminal ng Bayambang sa loob ng campus.

 

 • 2021 LGU Budget Deliberation

 

Noong August 5-7, dumalo sa isang serye ng budget deliberation ang lahat ng departamento ng LGU sa Ninas Cafe, sa pag-oorganisa ng Budget Office sa ilalim ni Peter Caragan. Naroon ang lahat ng department heads at unit heads upang idepensa sa harap ni Mayor Cezar T. Quiambao ang kani-kanilang proposed budgets sa taong 2021. Ito ay parte ng polisiya ng transparency at good governance ng Quiambao-Sabangan administration.

 

• LGU Year-End Assessment & Strategic Planning

 

Dahil sa pandemya ay minabuti ng pamahalaang lokal na magsagawa ng magkakahiwalay na 2020 Year-End Assessment at 2021 Strategic Planning kada LGU department, di tulad nang nakasanayang minsanan at lahatang pagpupulong. Ito ay upang hindi maging hadlang ang restriksyon sa pagkukumpulan sa pagrerebyu ng mga accomplishments kada department at unit sa taong 2020 at ang pagtatakda ng mga inaasahang output sa bawat kawani sa darating na taon.

 

• SK Budget Planning 2021

 

Noong Nov. 10-13, nag-organisa ang Local Youth Development Office ng Training para sa mga SK Chairpersons at SK Treasurers sa Budgeting, Financial Transactions, at Planning para sa taong 2021. Naging resource speakers sina MLGOO Royolita Rosario, Budget Officer Peter Caragan at Princesita Sabangan, Municipal Planning Coordinator Ma-lene Torio at Internal Auditor Erlinda Alvarez.

 

• Barangay Treasurers Meeting

 

Noong October 21, pinulong ang lahat ng Barangay Treasurers sa Events Center upang talakayin sa kanila ang mga rules and regulations ukol sa budgeting, planning, accounting at auditing. Kasama sa kinuhang panel of consultants ang Municipal Accountant, Budget Officers, Planning and Development Officer, at DILG.


• Recalibration of BPRP 2018-2028


Ginanap sa Events Center noong August 26, 27, at 28 ang isang workshop para sa recalibration ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan sa tulong ng National Anti-Poverty Commission (NAPC). Sa patnubay ni G. Alfredo Antonio ng NAPC at ni Mayor Quiambao, dito ay binisita ng mga department heads at kanilang staff ang BPRP kung naangkop pa rin ba ito sa panahon ng pandemya, at sama-samang inayos ang mga dapat baguhin upang makapag-adjust sa mga bagong pangangailangan (new normal) ng taumbayan bunsod ng COVID-19.


 

Human Resource Management

 

    LGU Wellness Program with KKSBFI Zumba Instructors

 

Tuluy-tuloy ang Wellness Program para sa mga LGU employees, at sa pagkakataong ito ay kasama ang mga certified Zumba instructors mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation. Inaanyayahan ang iba pang interesadong empleyado na sumali sa programa upang maging malusog at masigla sa pangangatawan at mas epektibo sa pagbibigay-lingkod sa bayan.

 

    LGU, Lumagda sa MOA para sa GSIS Loan Refinancing Program for LGU Employees

 

Noong January 22 ay lumagda si Mayor Cezar T. Quiambao ng isang Memorandum of Agreement kasama ang Government Service Insurance System para sa implementasyon ng GSIS Financial Assistance Program o GFAL II Program nito sa LGU. Layunin ng GFAL na magbigay ng affordable loan package sa mga empleyado ng munisipyo na GSIS members sa pamamagitan ng pag-refinance ng outstanding loans ng mga empleyado sa ibang ahensya o pribadong kumpanya.

 

    HRMO Orientation para sa JOs

 

Nag-organisa ng isang orientation program ang Human Resource Management Office para sa mga empleyado ng munisipyo, partikular na sa mga bagong Job Order employees noong February 24 sa Events Center. Ito ay upang masiguro na ang bawat kawani ng gobyerno ay magkaroon ng malinaw na pang-unawa sa sakop ng kani-kanilang mga tungkulin at kung paano ito gagawin ng may responsibilidad, integridad, at pamumuhay na nagbibigay prayoridad sa pampublikong interes kaysa sa personal na interes. Layunin din nito na maipaliwanag sa lahat ang vision and mission at goals and objectives pati na rin ang rules and regulations ng LGU Bayambang.

 

• HRMO, Pinulong ang Solid Waste Office

 

Pinulong ni Human Resources Management Officer Nora Zafra ang mga staff ng Solid Waste Management Office noong October 14 sa Events Center upang talakayin ang mga problemang madalas maengkwentro ng HR sa paghahanda ng kanilang payroll. Sa pagpupulong ay isinabay ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, ang pagtalakay ng health protocols sa solid waste disposal kabilang ang COVID waste materials. Pagkatapos ay tinalakay naman ni PNP-Bayambang Chief PLtCol Norman Florentino ang "Awareness on How to Resist Use of Tobacco, Alcohol and Illegal Drugs."

 

• Pamaskong Handog sa LGU Employees

 

Naatasan ang Human Resource Management Office na ipamahagi sa mga LGU employees ang pamaskong regalo ng butihing Mayor Cezar T. Quiambao at Ma'am Niña Jose-Quiambao. Lubos siyempre ang pasasalamat ng bawat isa sa mga natanggap na mga libreng uniporme, ilang kilong bigas, at iba pang handog sa mga opisyal ng LGU at kani-kanilang staff. Mula nang pag-upo niya sa 2016 ay nakaugalian na ni Mayor Quiambao ang magdonate ng uniporme at iba pang mga gamit sa mga empleyado ng LGU.

 

II.  SOCIAL SERVICES

 

Housing

 

• Pamilya sa Manambong Parte, Biniyayaan ng Munting Tirahan ng Grupong MANGO

 

Noong October 16 at 17, ang Bayambang Municipal Association of NGOs ay nagtulung-tulong  upang maitayo ang isang kubo para sa napiling benepisyaryo bilang parte nag kanilang proyektong Bahay ni Juan. Ang unang benepisyaryo ay ang isang pamilya sa Brgy. Manambong Parte na biktima kamakailan ng buhawi.

 

Tourism, Culture and Arts

 

    Mga Delegado ng Papal Nuncio, Bumisita sa Prayer Park

 

Noong February 15, bumisita ang mga delegado ni Papal Nuncio Gabrielle Giordano Caccia sa Bayambang upang masilayan ang 50.23-meter high na istatwa ng patron saint of builders sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. Ang mga panauhin ay sinamahan ni Archbishop Socrates B. Villegas at ilan pang mga representante mula sa Lingayen-Dagupan Archdiocese. Sinalubong naman sila ni Mayor Cezar T. Quiambao, Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, at mga staff ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office.

 

• 122nd Philippine Independence Day

 

Noong June 12, nanguna si Mayor Cezar Quiambao sa pagdiriwang ng 122nd Philippine Independence Day sa harap ng bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo, kasama ang piling mga opisyal ng bayan ng Bayambang. Sa okasyong ito na inorganisa ng Municipal Tourism, Culture and Arts Office, binigyang-diin ni Mayor Quiambao ang kahalagahan ng disiplina at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ng lahat ang ating laban sa Covid-19 gamit ang makabagong teknolohiya.

 

• Tourism Month 2020

 

Bagamat hindi katulad ng mga nakaraang selebrasyon ng Tourism Month 2020, naging makabuluhan pa rin ang pagdiriwang sa Balon Bayambang Events Center noong September 17-18 dahil mga myembro ng accommodation at food industry at mga mahahalagang personalidad ang dumalo at nagbigay ng mensahe. Naging sentro ng seminar ang mga pagbabago na dinala ng COVID-19 sa lokal na turismo at ang mga paraan kung paano makakabangon ang myembro ng industriya sa panahon ng “new normal. Bukod sa seminar ay ginanap noong September 18 ang awarding ceremony para sa mga nakisali sa Brochure-Making Contest, Search for the Oldest Photo in Town, at Video Advertisement Contest.

 

• Bayambang, Sinali sa DOT-R1 Feature

 

Dumalaw ang Department of Tourism (DOT) Region I sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Brgy. Bani noong August 27 upang kumuha ng mga larawan at video clips na gagamitin sa kanilang promotional videos na nagpapakita ng magagandang tanawing natatagpuan sa buong rehiyon. Sa pag-asiste ng Tourism Office staff, ibinida ang tallest bamboo sculpture sa buong mundo at ang mga lokal na produkto ng bayan, ang pagsungkit natin ng world's longest barbecue grill, at ang binasuan dance.

 

• SVFPP Reopens

 

Matapos ang pitong buwan, muling binuksan ang Saint Vincent Ferrer Prayer Park noong October 8 para sa mga deboto at turista, ngunit ito ay limitado muna sa mga kababayan natin sa probinsya ng Pangasinan. Ang lahat ng bibista ay pinapakiusapan na istriktong obserbahan ang lahat ng public health protocols upang mapanatiling ligtas ang Prayer Park sa nakakahawang sakit.

 

• Search for the Bayambang's Oldest Document 

 

Noong October 30, nagsagawa ang Museum Office sa pamumuno ni Museum Consultant Gloria de Vera-Valenzuela ng “Search for the Oldest Document in Bayambang” bilang parte ng  pagdiriwang sa buwan ng Oktubre ng Museums and Galleries Month sa temang, “Engaging Exhibitions for Emerging Generations.” Sa pakulong ito ay nanalo ang isang entry na mga resibo ng amilyar mula pa sa taong 1909.

 

• SingKapital 2020

 

Muling sinariwa ng bayan ng Bayambang, sa pag-oorganisa ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, ang SingKapital, o ang pagdedeklara ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Bayambang bilang ikalimang Kapitolyo ng bansa noong 1899. Nanguna si Mayor Quiambao sa pagdiriwang, kung saan kanyang binigyan diin ang diwa ng SingKapital: ang pagiging makabayan at pagiging rebolusyonaryo sa ating mumunting paraan para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

 

• Christmas Lighting

 

Pagkatapos nito ay nagtungo naman si Mayor Quiambao at iba pang opisyales sa Municipal Plaza upang pasinayaan ang pagsindi ng giant Christmas tree at ang pagpapailaw sa mga Christmas lights sa bayan. Ito aniya ay simbolo ng pag-asa sa likod ng mga dagok ng pandemya na ating kinakharap magpasahanggang ngayon.

 

• Giant Parol sa Prayer Park

 

Nagniningning ang panahon ng Kapaskuhan sa St. Vincent Ferrer Prayer Park matapos itayo rito kinagabihan ng Nobyembre 27 ang isang higanteng parol na galing pa ng Pampanga, salamat sa ating mga municipal engineer at sa staff ng Tourism Office. Ang kumukutikutitap na giant Pampanga lantern, pati na ang 40 feet na Christmas tree sa Plaza at mga pailaw, ay pawang donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.

 

• Rizal Day 2020

 

Noong December 30 sa may Rizal Monument, nagdaos ang LGU ng komemorasyon ng Araw ni Rizal sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul Sabangan at mga Sangguniang Bayan members. Dito ay sinariwa ang kadakilaan ng ating pambansang bayani, partikular na ang kontribusyon nito sa pulitika at panitikan. Sa okasyong ito ay hinimok ang lahat ng Bayambangueño na tularan ang mga nagawang kabutihan ni Rizal: ang pag-aalay ng sarili para sa ikauunlad ng bayan.

 

• New Year's Countdown at Fireworks Display

 

Masayang sinalubong ng lokal na pamahalaan ang Bagong Taong 2021 sa pamamagitan ng isang New Year's Countdown at Fireworks Display na ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang fireeworks display ay donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. Siniguro ng pamunuan ng Prayer Park na kumpleto ang papeles nito bilang pagsunod sa Executive Order No. 65.

 

Ongoing: Bayambang Culture Mapping Book

 

Scheduled: Balon Bayambang Museum

 

Physical Fitness and Sports Development

 

• 2019 LGU Sportsfest Culmination Program

 

Noong January 23, makulay na nagtapos ang 2019 LGU Inter-Color Sportsfest sa Balon Bayambang Events Center sa pag-oorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council sa ilalim ng Executive Director na si Prof. Bernardo C. Jimenez.

 

• Sports Council, Nireorganisa

 

Noong July 27 sa Events Center, binuo ang bagong komposisyon ng Bayambang Municipal Physical Fitness and Sports Development Council, sa bisa ng Executive Order No. 40, series of 2020. Chairperson pa rin si Mayor Cezar T. Quiambao, bagong Vice-Chairperson naman si PLtCol Norman P. Florentino, at Secretary General si DepEd Division Sports Coordinator Alex Mamaril.

 

• LGU Fitness Center Opens

 

Noong November 16, pormal nang binuksan ang LGU Fitness Center na nasa Balon Bayambang Events Center. Ang Fitness Center ay para muna sa mga empleyado ng LGU, mga locally based national government agencies, at barangay officials upang makatulong sa kanilang pagnanais na maging malusog ang pangangatawan at maging mas epektibong lingkod-bayan. Ang Fitness Center ay naglalaman ng mga bagong gym equipment, at marami sa mga ito ay idinonate ng pamilya ni Mayor Cezar Quiambao.

 

Livelihood and Employment

 

• ANCOP Ville Meat Processing Facility, Pinasinayaan

 

Noong February 17, pinasinayaan ni Mayor Cezar Quiambao ang bagong pasilidad para sa Meat Processing sa ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis. Sa bagong-tayong meat processing facility, mayroon nang adisyunal na source livelihood ang mga taga-ANCOP Ville.

 

• Bayambang, Nakipag-MOA para sa BaLinkBayan Online Portal

 

Noong January 13 rin ay lumagda sa Memorandum of Agreement ang LGU at Commission on Filipinos Overseas (CFO) para sa planong pagtatalaga ng BaLinkBayan online portal ng naturang ahensya sa bayan ng Bayambang. Layunin ng online portal na ito na maging gabay sa lahat ng Bayambangueño abroad, mapa-emigrante man o OFW, ukol sa mga impormasyong katulad ng retirement sa Pilipinas, pag-invest sa business, pagbigay ng donasyon o tulong sa mga nasalanta, at ibang OFW concerns.

 

• MOA Signing para sa DSWD Sustainable Livelihood Program

 

Sa pangunguna ni Mayor Quiambao ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang LGU Bayambang para sa implementasyon ng mga Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Sa MOA signing na ito na ginanap sa Municipal Conference Room noong March 4 ay nasiguro ang P3.8M budget para sa mga livelihood project na mismong mga benepisyaryo ang pipili. Nakatakdang makuha ang pondo sa buwan ng Hunyo at maiimplementa ang mga proyekto sa sampung barangay mula Agosto hanggang Setyembre 2020.

 

• Rotary Club of Bayambang, Nag-Donate ng mga Alagang Baboy

 

Patuloy ang Rotary Club of Bayambang sa pagbibigay ng oportunidad sa mga nangangailangang indibidwal sa ating pamayanan. Nag-donate ang grupo sa ilalim ni Current President Gloria de Vera-Valenzuela ng mga alagang biik. Mayroon silang apat na benepisyaryo sa Brgy. Buenlag 2nd, anim sa Brgy. Hermoza, at dalawa sa Brgy. Bacnono.

 

• Online Garage Sale ng BPRAT, Nakalikom ng Pondo para sa mga Proyekto Nito

 

Matagumpay ang kauna-unahang online ukay-ukay sale na inorganisa ng LGU noong August 24 sa pamamagitan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT). Humigit-kumulang P16,000 ang nabenta ng team, at ang kinita ay nakalaan para sa pagpapaayos ng mga bahay ng mga nasalanta ng buhawi kamakailan at para sa mga Sustainable Livelihood Programs ng MSWDO.

 

Sa ikalawang online garage sale, sila ay nakalikom ng halos P17,000 na pondong gagamitin para sa mga proyekto nito.

 

• DTI Livelihood Kits

 

Noong November 19 sa Niñas Cafe, nagsagawa ang DTI-Pangasinan, sa pamamagitan ng Negosyo Center Bayambang, ng isang Entrepreneurship Seminar kung saan nag-turn over ang ahensya ng mga livelihood kit mula sa kanilang economic recovery programs para sa mga rehistradong negosyo na hindi nakatanggap ng ayuda. Bago ang turnover ay dumaan sa isang seminar ang mga benepisyaryo upang sila ay maging epektibong entrepreneur.

 

• Corn Husk Novelty Items

 

Nagtungo ang Agricultural Training Institute – Regional Training Center 1 sa Bayambang noong December 1-3 para sa “Barangay-Based Skills Training on Corn Byproducts Utilization: Processing Corn Husk into Novelty Items” na ginanap sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office. Isa ang mais sa pangunahing produkto ng bayan, at sa pamamagitan ng programang ito ay magagamit na ang mga byproduct ng mga mais sa paggawa ng ibang produkto, marami pang mabibigyan ng trabaho para sa paggawa at pagbebenta nito.

 

• Squash Processing Training-Workshop

 

Noong July 29-30, ginanap ang Squash Processing Training-Workshop sa PSU-Food Innovation Center. Ito ay dinaluhan ng mga asawa ng mga magsasaka mula Paragos, Manambong Sur, at Manambong Norte kung saan may mass production ng kalabasa. Dito ay itinuro sa kanila ang paggawa ng kalabasa pan de sal, kalabasa ketchup, at kalabasa  miki noodles. Ang workshop ay inorganisa ng PSU-FIC, PSU TLE Department, LGU-Bayambang at DOST-PSTC Lingayen.

 

• TUPAD Program

 

Maagang pamasko ang natanggap ng mga lokal na benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng DOLE, sa ginanap na turnover ceremony noong December 21 sa Balon Bayambang Events Center at Brgy. Dusoc. Ito ay sa pamamagitan ng advance na pasweldo sa kanila kahit na hindi pa natatapos ang labing-anim na araw ng kanilang napagkasunduang serbisyo. Ang programa ay pinangunahan ng Municipal Administrator, BPRAT, PESO-Bayambang at DOLE-Central Pangasinan. Bawat isa sa mahigit na 500 na benepisyaryo ay tumanggap ng P5,500, salamat sa pagdala ng programang ito sa Bayambang ni Congresswoman Arenas.

 

Education

 

• Municipal Library, Subscriber sa World Book Online

 

Salamat suporta ni Mayor Cezar T. Quiambao, ang Bayambang Municipal Library ay ang unang municipal library sa bansa na naging subscriber sa World Book Online. Ang mga lokal na guro at mag-aaral, pati na mga kawani ng LGU, ay mayroon nang free access sa libo-libong reference books na di madaling mahanap. Mag-rpivate message lamang sa Bayambang Municipal Library.

 

• Tech4Ed Services, Tuluy-Tuloy sa Municipal Library

 

Tuluy-tuloy ang serbisyo ng Bayambang Municipal Library para sa free online application for birth certificate, marriage certificate, death certificate, CENOMAR application, at appointment for NBI clearance application. Magprivate message lamang sa Facebook page ng Bayambang Municipal Library upang maiproseso ang inyong transaksiyon. Hindi muna kailangang magsadya sa ating Municipal Library para sa mga naturang serbisyo.

 

• Libreng School Supplies, Ipinamahagi

 

Muling namahagi ang Local School Board ng mga libreng school supplies simula July 19 sa limampung public elementary schools ng Bayambang para sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa darating na August 24. Pinamunuan ni Dr. Rolando Gloria ang nasabing distribusyon, sa tulong ng MDRRMO at GSO. Kabilang sa mga ipinamahagi ay 71,152 piraso ng notebooks, 14,353 pad paper, 7,816 lapis, 10,122 ballpen, 18,086 school bags, at 17,788 payong.

 

• Smart-PLDT, Nag-Donate ng Wifi Routers sa DepEd Bayambang I & II

 

Noong July 9, nag-donate ang Smart-PLDT Communications ng 20 portable wifi routers para sa mga lokal na paaralan upang magamit ngayong pasukan, salamat sa suporta ni Mayor Cezar Quiambao at sa inisyatibo nina Councilor Benjie de Vera, Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez, at Local Youth Development Officer Johnson Abalos para sa ikabubuti ng ating mga kabataang mag-aaral. Nakatakdang ipamahagi sa 77 barangay ang mga donasyon upang maipagamit sa mga estudyante sa darating na pasukan. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ng lokal na pamahalan ng Bayambang ang mga mag-aaral na walang Internet connection para sa kanilang online classes.

 

• Learning Options, Tinalakay sa LSB Meeting

 

Sa isang pulong ng Local School Board (LSB) sa Niña's Cafe noong July 8, iprinisenta kay Mayor Quiambao, LSB Executive Director Rolando Gloria, at DepEd Public Schools District Supervisors ang tatlong opsyon ng learning management para sa mga mag-aaral. Kabilang dito ang mungkahi ng BPRAT na Bayambang Community-Based Distant Learning Program gamit ang learning video materials. Ang usaping ito ay nakabase sa paniniwalang ang edukasyon pa rin ang tunay na solusyon laban sa kahirapan.

 

• Talento ng Kabataan, Tampok sa Patimpalak sa Linggo ng Kabataan 2020

 

Idinaos ng Local Youth Development Office (LYDO), kasangga ang Sangguniang Kabataan Federation at BPRAT, ang Linggo ng Kabataan 2020 sa pamamagitan ng cleanup drive sa lahat ng barangay at patimpalak sa poster-making at spoken poetry. Sa pagdiriwang -- na may temang "Youth Engagement for Global Action, ay kuminang ang espiritu ng bolunterismo ng youth sector at ang talentong Bayambangueño, na nagpamalas ng husay sa pagsusulat, tula, graphic design, at video editing.

 

• Face-to-Face Learning sa Gitna ng Pandemya

 

Personal na inilunsad ni Mayor Cezar Quiambao ang Community-Based Distant Learning Enhancement Program sa Brgy. Inanlorenza Covered Court noong October 27. Ito ay dinaluhan ng halos 200 na mag-aaaral sa Tanolong sa Inanlorenza. Ang programa ay dagdag na tulong ng LGU sa DepEd upang magkaroon ng ng face-to-face learning na may social distancing sa panahon ng pandemya. Naroon bilang pagsuporta sina Vice Mayor Raul Sabangan, Councilor Mylvin Junio, Dra. Paz Vallo, Bayambang Public Schools District Supervisors, Tanolong at Inanlorenza Barangay Captains, at ang organizer BPRAT na nag-organisa ng launching sa direksyon ni BPRAT head Rafael Saygo.

 

Noong November 11, muling inilunsad ang Bayambang Community-Based Distant Learning Enhancement Program para naman sa mga mag-aaral ng DepEd Bayambang District II. Nagtungo ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa Hermoza National High School kasama ang mga bagong guro at video editors na kinuha ng LGU para sa proyektong ito.

 

• Aklat para sa mga CDCs

 

Noong November 20, nagpamahagi ang MSWDO, gamit ang pondo ng Mayor's Office, ng reference materials tulad ng story books para sa lahat ng Child Development Centers ng Bayambang. Magagamit ang mga ito sa virtual storytelling habang nakamodular learning ang mga daycare learners.

 

Tuwang-tuwa naman ang mga Child Development Learners (CDLs) sa donasyong aklat ni Mayor Cezar T. Quiambao. Ang higit 2,000 na "Mathemagic" nursery books ay ipinamahagi sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga Child Development Workers. Kasabay nito ay ang distribusyon din ng Early Childhood Care Development (ECCD) Checklist galing sa MSWDO na siyang ginagamit para sa monitoring at assessment ng mga characteristics ng bawat bata.

 

• Bagong PSU-LGU Literacy Project

 

Noong November 25, nagpulong ang Pangasinan State University at LGU-Bayambang upang pag-usapan ang research ng paaralan na pinamagatang "Leveled and Doable Pangasinan Reading Materials Using Bloom Software for Bayambang Community-Based Literacy Program." Layunin ng mga PSU researchers makatulong sa mag-aaral na nasa Grade 1 hanggang Grade 3 sa kanilang Mother Tongue-Based Multilingual Education at pati na rin sa pagsulong sa wikang Pangasinan gamit ang bagong software na ito.

 

• LGU-PSU ICT Konek

 

Noong November 27, inilunsad ang isa na namang proyekto ng LGU at PSU-Bayambang, ang ICT Konek, kung saan naglunsad ng smart classrooms sa College of Information Technology gamit ang anim na smart TV na ibinigay ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. Ito ay parte ng vision ng LGU ng gawing isang smart town ang bayan ng Bayambang.

 

• Mayor CTQ, Nagdonate ng mga Kagamitan sa Modular Learning

 

Sa Quarterly Meeting ng Local School Board (LSB) sa ilalim ni Dr. Rolando Gloria noong December 9 sa Niñas Café, nag-donate si Mayor Cezar Quiambao sa mga guro ng DepEd Bayambang District I at II ng mga equipment at supplies bilang pagsuporta sa bagong sistema ng edukasyon na modular learning. May 26 na laptop, 26 na printer, 13,000 reams ng coupon bond, at apat na Risograph machines ang naipamahagi gamit ang pondo ng LGU at Special Education Fund, kasama na rito ang donasyong sahod ni Mayor Quiambao. Tinatayang limang milyong piso ang kabuuang halaga ng mga donasyong gamit, na makakatulong upang mapagaan ang pagtuturo ng mga guro sa araw-araw.

 

• Library Information Services Month 2020

 

Noong Lunes ay tinanggap ng mga nagwagi sa Digital Library Logo-Making Contest ng Bayambang Municipal Library ang kanilang napanalunang premyo. Ayon kay Municipal Librarian Leonarda Allado, ang nanalong entry ay gagamitin bilang official logo ng Municipal Library para sa mga opisyal na transaksyon nito.  Ang patimpalak na ito ay parte ng pagdiriwang ng 30th Library Information Services Month 2020.

 

Health

 

    PMAC Leads Medical Mission/“Para Kang Nagpagamot sa Amerika”

 

Mula January 28 hanggang January 31, isa na namang medical mission ang naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente sa Bayambang, salamat sa inisyatibo ni Mayor Cezar Quiambao at kanyang maybahay na si Niña Quiambao, at sa pakikipagtulungan ng Philippine Medical Association in Chicago (PMAC) at iba pang grupo. Ito ay at ginanap sa Balon Bayambang Events Center at sa Bayambang District Hospital. Ang delegasyon ng PMAC ay pinamunuan ni Dr. Dionisio Yorro Jr. at ni Dr. Zita Yorro na lola ni Bayambang First Lady Niña Jose-Quiambao. Ang medical mission na ito ang may pinakamalawak na hatid na mga serbisyo, at ito ay kinabibilangan ng mga minor at major surgical procedures, kasama na ang dental at ophthalmic surgery, bukod pa sa general medical check-up at pamimigay ng gamot. Lahat ng ito ay libre, at sa unang pagkakataon sa termino ng Quiambao-Sabangan administration ay nagkaroon ng libreng operasyon sa mata gaya ng squint at odontectomy o surgical removal of impacted wisdom tooth.

 

    Free CME Seminar, Nilahukan ng mga Local Healthcare Practitioners

 

Bilang parte ng Medical/Dental/Surgical at Optical Mission na pinangunahan ng Philippine Medical Association in Chicago, naghatid ng isang libreng Continuing Medical Education Seminar ang PMAC sa tulong ng LGU-Bayambang sa Niña's Cafe noong gabi ng January 29 at 30. Ito ay nilahukan ng mga lokal na duktor, nurses, at iba pang medical at healthcare practitioners sa Bayambang.

 

    RHU2, Naglunsad ng Buntis Party at Blood Donation Campaign 2020

 

Ang Rural Health Unit III, sa pamamahala ni Dra. Adrienne A. Estrada, ay nagsagawa ng “Buntis Party and Blood Donation Campaign 2020” noong January 10 sa RHU III sa Brgy. Carungay. Ito na dinaluhan ng humigit kumulang sa limampung buntis na nagmula sa Brgy. Carungay, Pangdel, Apalen, Tatarac, Inirangan at Reynado.

 

   U4U/Teen Trail Seminar, Dinala sa Iba't-Ibang High School

 

Nagsagawa ng isa na namang edisyon ng Youth-4-You (U4U) Facilitator’s Training at Teen Trail Seminar sa iba't-ibang high school upang ipalaganap doon ang responsableng pananaw tungkol sa seksuwalidad at upang maiwasan ang teenage pregnancy at sexually transmitted diseases sa kabataan. Ito ay isang inisyatibo ni Local Youth Development Officer Johnson Abalos at ng Population Commission na sinusuportahan ng Quiambao-Sabangan administration at ilang mga SK Chairpersons at SK Kagawad sa pangunguna ni SK Federation President Gabriel Fernandez.

 

  "Healthy Young Ones," Muling Inilunsad ng RHU 1

 

Muling binuhay ng RHU I ang ‘Healthy Young Ones’ project nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga health lecture sa iba’t ibang eskwelahan ng Bayambang sa loob ng isang linggo. Sinimulan ito noong February 13 sa Sanlibo National High School. Ang mga tagapakinig ay mga estudyante mula Grade 9 hanggang Grade 10. Nakasentro ang mga usapin tungkol sa Mental Health, Drug Abuse, HIV-AIDS, STI, COVID-19, SOGIE Bill, Nutrition at Oral Health. Sa bandang hapon naman, tinalakay ang tungkol sa proper parenting, at ito ay ginanap sa Sanlibo Barangay Hall. Sa sumunod na linggo ay nagtungo sila sa Tanolong National High School, A.P. Guevara Integrated School, at Tococ National High School.

 

• Proper Parenting Seminar, Dinala sa Ibang Barangay

 

Ang Proper Parenting Seminar naman ay ineschedule sa M.H. Del Pilar Barangay Hall noong February 26, Manambong Evacuation Center at Bongato East noong February 27, at Amanperez at Asin noong February 28. Sa seminar na ito nagpamahagi ng mga kaalaman para sa mga magulang kung paano magagabayan ang kanilang mga anak upang sila ay lumaki ng malusog at masigla.

 

• RHU IV sa Macayocayo, Bukas Na

 

Hindi na kailangang magsiksikan sa iisang RHU ang mga Bayambangueño, sa pagbubukas ng RHU IV sa Brgy. Macayocayo noong November 25. Dito ay makaka-avail na ng health services ng Municipio ang mga taga-Macayocayo at karatig-barangay araw-araw. Ang mga serbisyong handog nito ay katulad ng sa RHU I, kabilang ang midwife, nursing, dental at med tech services.

 

• “IEC on Responsible Parenthood and Maternal Health Care with Free Lab Check-Ups,” Inilunsad ng RHU II

 

Ang Rural Health Unit II sa Brgy. Wawa, sa pamamahala ni Dra. Adrienne A. Estrada, ay nagsagawa ng “Buntis Party” noong March 6 sa Wawa Barangay Hall at March 10 sa Telbang Barangay Hall. Ang mga ito ay dinaluhan ng may 66 na buntis na nagmula sa catchment area ng RHU II. Ang programa ay nagbigay-impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pagbubuntis, tamang paraan ng pagpapasuso ng ina (breastfeeding), at pagpaplano ng pamilya. Nagsagawa din sila ng libreng laboratory tests gaya ng CBC, urinalysis at syphilis screening.

 

• Food Packs para sa Child Development Learners

 

Noong July 3, ipinamahagi ng MSWDO ang food packs mula sa DSWD-Regional Office I para sa Supplementary Feeding Program nito na nakalaan sa mga Child Development Centers ng Bayambang. Ayon kay MSWD Officer Kimberly Basco, may kabuuang 2,902 child development learners ang benepisyaryo ng naturang feeding program.

 

• STAC Kids, Muling Tinulungan ng Victory Church

 

Noong June 27, muling nag-abot ng tulong ang Victory Christian Fellowship of Bayambang sa mga batang myembro ng Stimulation Therapeutic Activity Center ng Bayambang. Kaagapay ang kawani ng STAC, namahagi ang Victory Church ng food packs, prutas, at vitamins (sa tulong ng Nutrition Office) sa 46 'children with disability' na naka-enrol sa STAC-Bayambang.

 

• Distribution of Dietary Supplements for Pregnant Women

 

Noong July 29 sa Events Center, ginanap ang seremonyal na pamamahagi ng food commodities mula sa National Nutrition Council (NNC), sa tulong ng Pangasinan Provincial Health Office, para sa 90-day Supplementary Feeding Program ng NNC na nakalaan sa mga buntis. Ipinaliwanag ni Provincial Health Officer Dra. Cielo Almoite na layunin ng programa na mapababa ang bilang ng malnourished na buntis at maiwasan ang pagkabansot ng kanilang anak.

 

• Nutrition Month 2020 Activities

 

Ngayong buwan ng Hulyo, ating ipinagdiriwang ang Nutrition Month 2020 na may temang “Batang Pinoy, Sana Tall. Iwas Stunting, Sama All; Iwas All din sa COVID-19.” Bilang parte ng pagdiriwang, isang Buntis Forum, Nutri-Vlog Contest, at Vertical Pallet Garden Contest ang nakatakdang idaos ngayong buwan. Ito ay upang magbigay kaalaman sa publiko ukol sa pag-iwas sa stunting o pagkabansot sa pamamagitan ng tamang nutrisyon.

 

-        Buntis Forum 2020

 

Noong July 10, inilunsad ang serye ng Buntis Forum 2020 sa Brgy. Wawa at Carungay bilang parte ng pagdiriwang ng 46th National Nutrition Month. Ito ay inorganisa ng Municipal Nutrition Council, at nilahukan ng dalawampu’t-isang buntis mula sa iba't-ibang barangay. Layunin nito na magbigay ng wastong kaalaman sa maternal at pre-natal care at tamang proteksyon laban sa COVID-19 habang nagdadalantao.

 

-        Seedling Distribution

 

Bilang pagsuporta sa pagdiriwang ng Nutrition Month, namamahagi ang Municipal Agriculture Office sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng mga punla ng gulay at punongkahoy. Ayon sa Agriculture Office, ang aktibidad ay gagawin kada Lunes sa loob ng buong buwan ng Hulyo.

 

-        Buntis Forum 2020 Series, Dinala sa Tanolong at Sanlibo

 

Nagpatuloy ang serye ng Buntis Forum sa Brgy. Tanolong Elementary School noong July 17 at Sanlibo Covered Court noong July 21. May 37 na buntis ang dumalo mula sa Brgy. Tanolong, Maigpa, at Sanlibo. Muling tinalakay sa forum ang wastong kaalaman para sa pangangalaga ng mga buntis at tamang proteksyon laban sa sakit na COVID-19 habang nagdadalantao. Ang Buntis Forum 2020 ay inorganisa ng Municipal Nutrition Council bilang parte ng pagdiriwang ng 46th National Nutrition Month.

 

-        Carungay SK Pres, Wagi sa NutriVlogging Contest

 

Nagwagi ang SK President ng Brgy. Carungay sa ginanap na nutri-vlogging contest na inorganisa ng Municipal Nutrition Committee bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng 46th National Nutrition Month.  Si Carungay SK President Cristian Joy Quijalvo ay tumanggap ng P10,000 para sa kanyang vlog na nagpapakita na aktibo ang SK sa kanyang barangay kahit sa panahon ng pandemya.

 

-        Vertical Pallet Garden Contest

 

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 46th National Nutrition Month, isang Vertical Pallet Garden Contest para sa mga kawani ng LGU ang inorganisa ng Municipal Nutrition Committee (MNC), at naging patok ito sa mga empleyado. Kitang-kita sa kanilang mga entry ang pagiging malikhain sa paggawa ng mga makukulay na vertical garden ng masusustansyang pananim sa isang limitadong espasyo sa harapan ng Munisipyo. Patunay ito na maaaring gawing produktibo ang lahat ng espasyo gaano man kaliit gaya ng ating workplace o pinagtatrabahuhan.

 

• Chicken Slaughterhouse Inspection

 

Noong August 27, nag-inspeksiyon ang RHU I kasama ang DENR sa isang chicken slaughterhouse sa Brgy. Bacnono, matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang kagawad sa lugar ukol sa chicken dressing business ng kanyang kapitbahay. Naroon si Bacnono Punong Barangay Ferdinand Lomibao upang samahan ang koponan ng LGU at DENR inspection team sa kanyang lugar.

 

• Gen. Bravo Donates Fresh Milk

 

Noong August 28, tumanggap ng donasyon na fresh milk at keso ang LGU-Bayambang mula kay Retired General Francisco S. Bravo galing sa Bravo Dairy Cooperative sa San Nicolas, Pangasinan. Halos 600 tetrapacks ng fresh milk at may 70 cups ng kesong puti ang siyang ipinamahagi ng MSWDO at Nutrition Section sa mga underweight at stunted day care pupils ng Bayambang Child Development Workers. Maraming salamat po, Gen. Bravo!

 

• MR-OPV Supplemental Immunization Campaign

 

-        IEC on MR-OP Vaccination

 

Noong October 5-7 at October 12, nagbigay ang RHU I at II, kasama ang DOH, ng isang orientation sa Wawa Covered Court, Carungay Covered Court, at Balon Bayambang Events Center para sa mga kapitan at barangay health workers ukol sa nalalapit na measles, rubella at polio Supplemental Immunization Activity ng DOH. Isasagawa ang nasabing mass vaccination para sa mga 0-59 month-old na bata sa kani-kanilang barangay health center mula October 26 hanggang November 25, 2020.

 

-        "Chikiting Ligtas sa Rubella, Polio, at Tigdas"

 

Noong October 26 sa Events Center, pinangunahan ni Vice Mayor Raul Sabangan at mga Municipal Councilors ang massive Supplemental Immunization Activity ng DOH laban sa rubella, polio at tigdas. Sumama din upang magpatak ng bakuna ang mga Municipal Councilors bilang pagsuporta sa programa. Inilunsad naman ng RHU 2 ang nasabing programa sa Brgy. Hermoza kasama ang mga myembro ng Rotary Club of Bayambang, na tumulong at namahagi ng libreng pananghalian, face mask at face shield.

 

-        UNICEF Consultants Monitor MR-OPV SIA

 

Noong October 29, nagcourtesy call kay Mayor Quiambao at Dra. Paz Vallo ang mga consultant mula sa UNICEF at nagmonitor ng implementasyon ng massive Supplemental Immunization Activity sa Bayambang. Tinignan ng mga bisita kung paano naging matagumpay ang proyekto ng dahil sa kooperasyon, koordinasyon, at suporta, lalo na ng alkalde ng bayan. Ang grupo ay nagtungo rin sa Brgy. Sapang upang pag-aralan ang naging istratehiya ni Punong Barangay Vicente de Leon upang ang lahat ng magulang sa lugar ay magpabakuna ng kanilang mga anak.

 

-        WHO Monitors MR-OPV SIA Implementation

 

Noong November 4, nag-courtesy call kay Mayor Quiambao si Dr. Bezu Beshir, isang World Health Organization officer, na bumisita upang magmonitor ng implementasyon ng LGU sa Supplemental Immunization Activity. Nagpasalamat si Dr. Beshir dahil matagumpay ang proyekto dahil sa suporta ni Mayor Quiambao at kooperasyon ng iba't-ibang tanggapan at ahensya. Nanguna ang Bayambang sa buong Pangasinan sa compliance rate para sa proyektong ito.

 

-        Massive Supplemental Vaccination Kontra Tigdas, Polio at Rubella, Nagpatuloy

 

Maulan man ang panahon ay sinuong pa rin ito ng RHU I at RHU II personnel upang abutin ang kanilang target na 95% vaccination laban sa tigdas, rubella at polio para sa mga 0-59 month-old (o below 5 years old) na kabataan sa Bayambang.

 

-        Mop-Up MR-OPV Immunization

 

Noong November 15 at 16, binalikan ng RHU ang mga hindi nakapuntang magulang sa schedule ng bakuna ng kanilang mga anak sa Mop-up Immunization Drive sa Barangay Buenlag 2, Brgy. Tambac, Zone 7, at Zone VI. Dahil dito ay nalamapsan pa ng RHU ang kanilang target ng lampas sa 100%

 

• Dental Services

 

-        Mass Topical Fluoride Application, Nagpatuloy

 

Nagpatuloy ang massive topical fluoride application para sa mga kabataan sa iba't-ibang barangay. Sa catchment area ng RHU 1, nakapagtala ng 1,636 beneficiaries sa aktibidad na ito.

 

-        Fluoridization/Oral Health Education

 

Noong August 3 ay nag-umpisa ang RHU I, RHU II, at RHU III ng topical fluoride application, toothbrushing drill, at oral health education para sa mga kabataan. Naglibot ang mga dentista ng RHU at DOH I sa iba’t-ibang barangay na kanilang nasasakupan upang pagsilbihan ang mga nasa edad 6 hanggang 21 anyos. Nagkaroon din ng oral health education ang RHU II sa Pugo Evacuation Center.

 

• Blood Donation Drives

 

-        Pep Talk para sa Boluntaryong Pagbibigay ng Dugo

 

Ang Rural Health Unit III, sa pamamahala ni Dra. Adrienne Estrada, ay naglunsad ng isang "Pep Talk" noong ika-10 at 11 ng Marso 2020 sa Moises Rebamontan National High School at Hermoza National High School. Ito ay dinaluhan ng  241 estudyante mula Grade 11 at 12 sa nasabing mga high school. Ang programang ito ay naglalayon na mabigyan ng impormasyon ang mga estudyante tungkol sa kahalagahan at benepisyo ng pagdo-donate ng dugo, at dagdag impormasyon din tungkol sa paksang COVID-19 at TB-DOTS.

 

-        Blood Donation Drive sa Batangcaoa – February 21

 

Noong February 21, isang Mobile Blood Donation Drive ang ginanap sa Brgy. Batangcaoa kung saan mayroong 28 blood units ang nakolekta. Malaking tulong ang programang ito upang magkaroon ng nakahangang dugo sa panahon ng pangangailangan.

 

-        Blood Donation Drive, St. Vincent Ferrer Parish Church - April 17

 

Nagkaroon ng Blood Donation Drive noong ika-17 ng Abril sa Saint Vincent Ferrer Parish Church sa pagtutulungan ng Philippine Red Cross - Pangasinan Chapter at Rural Health Unit ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang. Pitumpu’t limang (75) bags ng dugo ang nakolekta na siyang magagamit para sa mga lubos na nangangailangan. Ito ay patunay ng likas na pagiging matulungin ng mga Bayambangueño sa kabila ng pinagdadaanang pandemic.

 

-        Balon Bayambang Events Center Blood Donation Drive – July 6

 

Naging matagumpay ang isa na namang Blood Donation Drive noong July 6 sa Balon Bayambang Events Center, sa pagtutulungan ng Region I Medical Center, Rural Health Unit I at II, Kasama Kita sa Barangay Foundation, Local Council of Women, Sangguniang Kabataan, at Rotary Club of Bayambang. May 104 bags ng dugo ang nakolekta na siyang magagamit para sa mga lubos na nangangailangan. Kabilang sa mga naging blood donors ay mga myembro ng Bayambang Police Station at mga kawani ng LGU-Bayambang.

 

-        Balon Bayambang Events Center Blood Donation Drive – September 14

 

Noong September 14, ginanap ang isa na namang mobile blood donation sa Balon Bayambang Events Center sa pag-oorganisa ng Rural Health Unit I at II at sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross. Kasama sa mga recruiters ang Local Council of Women, at namigay naman ng libreng t-shirt ang Kasama Kita sa Barangay Foundation. Nagkaroon din ng libreng rapid testing para sa mga donors. Ayon sa record ng RHU, may 59 bag ng dugo ang nakolekta mula sa mga qualified donors.

 

-        Balon Bayambang Events Center Blood Donation Drive – December 14

 

Bago matapos ang taon ay nag-organisa ang RHU I at II ng isa na namang Blood Donation Drive noong December 14 sa Events Center, katuwang ang Region I Medical Center, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at Local Council of Women. Kahit may pandemya pa rin ay may 113 bags ng dugo ang nakolekta. Ang mga blood donors ay nakatanggap ng libreng T-shirt mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation. Mayroon din silang karagdagang natanggap na limang kilong bigas mula kay Mayora Niña Jose-Quiambao.

 

 

• LGU, Quiambao Family Donates P55M Medical Equipment & Supplies

 

Ang LGU at ang pamilya Quiambao, sa pamamagitan ng Kasama Kita Sa Barangay Foundation, ay nag-donate ng iba't-ibang medical supplies at equipment na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P55M sa Urdaneta District Hospital, Bayambang District Hospital, Pangasinan Provincial Hospital, at Region 1 Medical Center.  Sa tulong ng MDRRMO at RHU II, ang mga nasabing donasyon ay matagumpay na naipamahagi sa mga nasabing ospital noong December 16 at 17.

 

• Dr. Fernandez, Outstanding Filipino Physician for 2020

 

Pinarangalan si Dr. Henry Fernandez bilang Outstanding Filipino Physician for 2020 sa isang online ceremony na idinaos ng Philippine Medical Association at Junior Chamber International Senate Philippines noong December 19. Ito ay bila pagkilala sa kanyang mahabang panahon ng pagsisilbi sa mga kababayan bilang isang duktor ng bayan na walang kapaguran sa pagtulong lalo na sa mga mahihirap.

 

• Anti-Dengue Drive

 

Nagpunta si RHU I Sanitary Inspector Danilo Rebamontan at ang kanyang team sa Brgy. Tambac, Duera, at Tococ East upang magsawa ng fogging, misting, surveillance operation, at information and education campaign matapos maiulat na nagkaroon kamakailan ng dalawang kaso ng dengue sa barangay. Sa pag-inspeksyon nila sa lugar, nakita nilang kinailangang linisin ang mga stagnant na tubig na siyang pinamumugaran ng mapaminsalang lamok. Idiniin ng mga health inspectors sa mga residente ang kahalagahan ng "4 o'clock habit" sa komunidad. Nagpayo din sila na kailangang regular na imonitor ang purok sa para kalinisan, pagpuksa sa maaaring gawing pugad ng lamok, at maayos na pagtatapon ng basura.

 

    Anti-Rabies Drive

 

-        Mass Vaccination

 

Noong January 21 at 24, nagsagawa ng anti-rabies vaccination si Municipal Veterinarian Dr. Joselito Rosario at ang kanyang staff sa 1-kilometer radius area mula sa Brgy. Reynado, kabilang na ang Brgy. Idong at Brgy. Apalen, bilang pag-responde sa isang dog biting incident sa Brgy. Reynado noong nakaraang taon. Nauna nang nagbakuna ang grupo ni Dr. Rosario sa ground zero noong December 2019.

 

Nagpatuloy ang massive vaccination sa iba’t-ibang barangay sa mga sumunod na buwan.

 

-        RHU I, Animal Bite Treatment Center Na!

 

Naging certified Animal Bite Treatment Center na ng Department of Health ang Rural Health Unit 1. Ibig sabihin ay maaari nang magpabakuna ng libre kada Martes at Biyernes ang mga taga-Bayambang doon kapag sila ay nakagat ng aso at pusa.

 

Peace and Order and Security

 

  MADAC Symposium, Ginanap Muli

 

Nag-organisa ang Bayambang Municipal Police Station ng isa na namang Municipal Anti-Drug Abuse Council Symposium para sa mga drug reformist sa Events Center noong March 4. Ito ay dinaluhan nina Mayor Cezar Quiambao bilang MADAC Chairman ng LGU, PNP-Bayambang OIC Chief Marceliano Desamito Jr. bilang Vice-Chairman, Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario, at Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. Adhikain ng symposium na maipagpatuloy ang drug-free status ng Bayambang at tuluy-tuloy na suportahan ang War on Drugs ng pamahalaan. Parte ng symposium ang isang mandatory drug test sa tulong ng Pangasinan Crime Laboratory at ng RHU 1.

 

• KKSBFI Nag-donate ng 4 Motorbikes sa PNP

 

Ang Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. sa pangunguna ni President and CEO Romyl Junio at sa ilalim ng patnubay ni Mayor Cezar Quiambao ay namigay ng apat na motorsiklo sa PNP Bayambang sa pamumuno ni PLtCol. Norman Florentino. Ito ay bilang pagsuporta sa natatanging pagganap sa kanilang tungkulin upang tulungang masugpo ang COVID 19.

 

• POPS Plan 2020-2022, Binalangkas

 

Nagpulong ang mga miyembro ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Cluster noong June 11 sa Sangguniang Bayan Session Hall, sa pag-oorganisa ni Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario. Sa pulong ay nagpresenta ang mga miyembro ng council ng kanilang accomplishment report at programs, projects, at activities para sa 2nd at 3rd quarter. Pagkatapos nito ay binalangkas at iprinisenta ang 3-year POPS Plan para sa Bayambang sa taong 2020-2022.

 

• KaSimbaYanan Program ng PNP

 

Sa ngalan ni Mayor Quiambao ay dumalo si Vice-Mayor Raul Sabangan sa "Cascading of KaSimbaYanan" Program ng PNP noong October 14 sa Events Center. Layunin ng KaSimbaYanan o Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan Tungo sa Kaunlaran program na mas lalo pang mapaigting ang ugnayan ng kapulisan sa mga simbahan at kanya-kanyang deboto nito upang makatulong sa moral recovery program ng kapulisan at pati na rin ng buong pamayanan. Naroon siyempre ang hepe ng PNP-Bayambang, PLtCol Norman Florentino, kasama ang personnel mula sa Provincial Office, at imbitado naman ang iba't-ibang religious leaders, mga Punong Barangay, at CVOs.

 

• UNDAS 2020 Assistance

 

Nagsasanib-pwersa ng MDRRMO, POSO, PNP, BFP, RHU, DOH, at force multipliers (Barangay Peacekeeping Action Teams, Xtreme Riders) para siguraduhing maayos ang scheduled na pagbisita ng mamamayan kada barangay sa mga sementeryo sa ating bayan. Naging mahigpit ang pagbabantay upang maobserba ang mga minimum health protocols at safety standards at maging matiwasay ang paggunita ng Undas.

 

• Rehabilitation Program for Drug Surrenderers

 

Bawat Bayambangueño ay binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mas maayos at magandang pamumuhay, kaya naman sa pagtutulong-tulong ng RHU, PNP-Bayambang, at Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. ay inorganisa ang Community-Based Drug Rehabilitation Program sa Bayambang Events Center noong December 2 upang tulungan ang mga drug surrenderers na tumigil at lumayo sa bisyo para sa mas mabuting kinabukasan para sa kanila at sa kanilang mga pamilya. 

 

• MADAC Recovery and Wellness Program

 

Noong December 29, nagsagawa ng Wellness and Recovery Program ang Municipal Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna ni Col. Norman Florentino, Dr. Paz Vallo, at MLGOO Royolita Rosario. Muling nangaral si Col. Florentino sa mga reformists ukol sa mga dahilan ng pagkalulong sa ilegal na droga. Ang mga nagsipagdalo ay nakatanggap mula kay Mayor Cezar Quiambao ng libreng medical check-up, dental services, haircut, at ilang kilong bigas.

 

• Mga Magnanakaw, Tiklo sa POSO

 

Sa magkahiwalay na insidente noong December 7 at 9, hinuli ng POSO personnel sa ilalim ni Col. Leonardo Solomon ang dalawang lalaking may dalang sako na may lamang sari-saring grocery items matapos silang nakitang lumalabag sa umiiral na curfew.  Napag-alamang taga-Brgy. Bituag, Urbiztondo, ang mga salarin, na umaming ninakaw ang mga grocery items sa pamilihahang bayan. Isang 28 anyos na babae mula sa Brgy. Sancagulis ang sumunod na hinuli dahil sa pagnanakaw ng assorted meat products. Ang mga suspek at nakaw na items ay kaagad na itinurn-over ng POSO sa pulisya.

 

• LTOPF Caravan

 

Nagsagawa ang Regional Civil Security Unit 1 ng PNP ng isang License to Own and Possess Firearm & Firearm Registration Caravan sa Events Center noong December 17-18 sa tulong ng Bayambang Municipal Police Station at iba't-ibang departamento ng LGU. Malaking tulong ito sa mga lokal na gunowners dahil hindi na nila kailangang magtungo pa sa Camp PBGen. Rafael T. Crame, Quezon City, para sa aplikasyon at renewal ng naturang lisensya.

 

• Zero Casualties sa Bagong Taon, Naitala!

 

Iniulat ni Bayambang PNP Chief PLtCol. Norman Florentino na, sa pagsalubong sa Bagong Taon, nagtala ang bayan ng Bayambang ng zero casualties mula sa paputok at zero casualties sa stray bullet. Ito, aniya, ay ayon sa datos na nakalap mula sa Bayambang District Hospital at Sto. Niño Hospital. Wala ring naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa araw na iyon, ayon naman kay Dra. Paz Vallo. Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa ipinakitang disiplina at pakikiisa ng lahat.

 

Local Civil Registry

 

    Kasalang Bayan, Muling Pina-Level Up sa 2020

 

Sa pag-oorganisa ng Local Civil Registrar, sa ilalim ni Ismael Malicdem Jr., 103 na pares ng magkasintahan ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng isa na namang engrandeng pag-iisang dibdib sa ginanap na 2020 Kasalang Bayan sa Events Center sa mismong Araw ng mga Puso.

 

    103 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation

 

Nagkaroon ng Pre-Marriage Orientation para sa 103 couples sa Events Center noong February 5 sa pangunguna ni Municipal Civil Registrar Ismael Malicdem Jr., kasama si Population Development Worker Alta Grace Evangelista. Ito ay isang requirement sa pagkuha ng marriage license at paraan upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapakasal at ang tungkulin ng bawat isa bilang mag-asawa. Ang mga magkasintahan ay nakatakdang mag-civil wedding sa darating na Kasalang Bayan sa February 14.

 

    30th Civil Registration Month Celebration

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng Civil Registration Month, naglibot sa iba’t-ibang barangay si Local Civil Registrar Ismael Malicdem Jr. at kanyang staff upang ipaalam ang kahalagahan ng civil registration sa mga kababayan. Noong February 4 at 6, ang grupo ay nagtungo sa Brgy. Buenlag 1st at Mangayao. Matapos noon ay nag-data capturing ang grupo kasama ang DSWD Pantawid Pamilya Municipal Link para magkaroon ng Community Service Card ang mga indigent na residente ng mga naturang barangay. Noong February 20-21, sila ay nagtungo sa Brgy. Ligue, Tambac, Tampog, at Warding. Sa kanilang information campaign ukol sa kahalagahan ng civil registry documents, maraming Bayambangueño ang kanilang natulungan upang mag-apply para sa late registration of birth, marriage certificate, at iba pang importanteng dokumento.

 

• PSA Enumerators Training

 

Sumailalim kamakailan ang mga nakapasa sa examination round ng Philippine Statistics Authority para sa position ng enumerators at area team supervisors sa nalalapit na nationwide census. Sa report ng Local Civil Registrar, sila ay nagtraining sa 3rd Floor ng Royal Mall at nagtapos noong August 29.

 

• RCBMS Project

 

Noong September 7 sa Events Center, nagtraining at sumabak sa unang araw ng trabaho ang mga na-hire na enumerators at encoders para sa Bayambang Restructured Community-Based Monitoring System (RCBMS). Ang trainor sa proyektong ito ay si RCBMS system developer Christian Bautista, sa pamamahala ni BPRAT head Rafael L. Saygo, katuwang ang ICT Office.

 

• Community Service Card

 

Patuloy ang LCR sa pagpopromote ng application at paggamit ng Bayambang Community Service Card bilang ID card na magpapatunay na ang isang aplikante para sa mga transaksyon sa Munisipyo ay tunay na taga-Bayambang.

 

Other Social Services

 

• Planning Workshop para sa Gender-Responsive Town

 

Muling nagsagawa ng tatlong araw na Gender and Development (GAD) Planning Workshop sa pangunguna ni MSWDO OIC Kimberly Basco sa Royal Mall noong February 26 hanggang 28. Layunin nito na i-orient at i-train ang mga kawani ng LGU na magkaroon ng epektibo at matagumpay na pagpaplano ukol sa paggasta ng GAD budget sa taong 2021 upang maging mas sensitibo sa usapin ng gender and development ang bayan ng Bayambang.

 

• Tsinelas Ipinamahagi sa Macayocayo ES

 

Noong March 2 ay namahagi ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng libreng tsinelas sa Macayocayo Elementary School. Ang mga tsinelas na ito ay nalikom ng BPRAT mula sa ginanap na Padyak Laban sa Kahirapan bicycle fun ride noong August 28, 2019 bilang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

• Ayuda Mula sa SAP ng DSWD, Ipinamahagi

 

Noong April 22 nagsimulang mamahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Kimberly Basco ng cash assistance mula sa Emergency Subsidy Program na nakapaloob sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD. May 16,000 na mga kwalipikadong residente ang inilaan ng DSWD para sa Bayambang, at ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng cash na nagkakahalagang 5,500 pesos. Naging kaagapay ng MSWDO staff ang mga Municipal Links ng DSWD-Region I, PNP-Bayambang, barangay officials, at ilang piling empleyado ng LGU.

 

• MSWDO, Nag-Asiste sa Additional Beneficiaries Payout

 

Noong July 11 at 12, tumulong sa cash distribution ang MSWDO para sa adisyunal na benepisyaryo ng DSWD sa ilalim ng Emergency Subsidy Program nito. Sa pagkakataong ito, ang mga benepisyaryo ay mga residente na hindi napasama sa naunang listahan ngunit karapat-dapat tumanggap ng ayuda.

 

  Relief Packs, Pinamigay ng MSWDO sa PWDs

 

Noong April 22 ay nagsimula ring magpamahagi ng mga relief packs ang Municipal Social Welfare and Development Office sa mga persons with disability (PWDs) sa iba't-ibang barangay ng Bayambang. Ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng naturang sektor na isa sa mga pinakalubhang naapektuhan ng community quarantine. May 1,870 PWDs ang naabutan ng mga relief pack.

 

•Distribusyon ng Social Pension ng Indigent Seniors

 

Noong May 28, sinimulan ng Municipal Social Welfare and Development Office ang distribusyon ng DSWD social pension para sa mga indigent senior  citizen. Sa unang batch ay nakatanggap ang 932 na benepisyaryo ng P3,000 cash kada senior citizen. Ang halagang ito ay katumbas ng anim na buwan na monthly social pension (P500/month).

 

• 2nd Wave ng Relief Operations, Isinagawa

 

Noong May 5, nag-umpisa nang mamahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng second wave ng relief goods para sa mahigit na 11,000 na pamilyang hindi nakasama sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development. Ayon kay MSWD Officer Kimberly Basco, kada relief pack ay may lamang walong kilong bigas, isang kilong munggo, isang buong manok, at mga gulay. Ang munggo, manok at gulay ay donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.

 

• Ayuda para sa Barangay Frontliners

 

Bilang tanda ng pagmamalasakit ng Team Quiambao-Sabangan at ng buong pamunuan ng LGU-Bayambang, namahagi ang MDRRMC noong June 23 ng isang kabang bigas, isang kahon ng kape, at tomato salsa sa mga barangay frontliners para makatulong sa araw-araw nilang pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng mga  mamamayan na kanilang nasasakupan.

 

• TikTok Challenge Atbp. sa National Children's Month 2020

 

Noong November 25, bilang parte ng pagdiriwang ng 2020 National Children's Month, nag-organisa ang Bayambang Child Development Workers ng mga patimpalak para sa mga child development learners, subalit lahat ng entries ay isinumite online dahil sa pandemya. Ang mga daycare learners ay game na sumali sa mga pakulo, gaya ng TikTok Challenge, Singing Contest, at Show and Tell kahit ang kaharap lamang ay cell phone o computer.

 

• LCPC Meeting

 

Sa latest quarterly meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) sa Events Center noong September 9, nagpresenta ng kanya-kanyang accomplishments ang mga myembro ukol sa pagpapalawig ng proteksyon sa mga lokal na kabataan. Ito ay sa gabay ng DILG at sa pag-oorganisa ng MPDC. Kabilang sa mga myembro sina Councilor Benjie de Vera at Police Chief Norman Florentino.

 

• State of the Children's Address 2020

 

Noong November 27 ay ang kulminasyon ng pagdiriwang ng National Children's Month 2020. Ito ay inorganisa ng MSWDO sa Events Center kung saan nag-deliver ng kanyang taunang State of the Children's Address si Mayor Quiambao. Pagkatapos ay pinarangalan ang mga kabataang nagwagi sa mga idinaos na online contest ng Bayambang Child Development Workers.

 

• Pa-Noche Buena sa Quarantine Facility

 

Sa tulong ng POSO at MDRRMO na naka-duty sa gitna ng Kapaskuhan, ang ating butihing Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ay nagpahanda ng isang simpleng noche buena para sa lahat ng nasa quarantine facilities ng LGU upang may pagsaluhan ang mga ito sa pagdiriwang ng Pasko.  

 

• Drive-Thru Breakfast for a Cause

 

Noong December 6, naging panauhing pandangal sina Vice-Mayor Raul Sabangan at Councilor Martin Terrado II sa isang Drive-Thru Breakfast for a Cause na isinagawa ng mga lokal na NGOs sa St. Vincent Ferrer Prayer Park kabilang ang MANGOs, Reaction 166-Animal Kingdom Base Radio Communication Group, Xtreme Riders Club Pangasinan, at Bayambang Bayanihan Lions Club Intl. Ang nalikom na salapi sa fund-raising project na ito ay para sa kanilang mga proyekto tulad ng Bahay ni Juan Project, isang housing project para sa mga indigent na residente ng bayan.

 

• Pamaskong Handog sa 77 Barangays

 

Noong mga nakaraang linggo, sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul Sabangan at mga Sangguniang Bayan members, nilibot ng Team Quiambao-Sabangan ang 77 na barangay ng Bayambang upang maghatid ng munting pamaskong handog. Ang handog na bigas, face shield, face mask, at kalendaryo ay galing sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at pamilya ni Mayor Cezar Quiambao. Hatid din ng team ang mensahe ng pag-asa at ang naisin na masaya pa rin nating sasalubungin ang darating na Pasko at Bagong Taon sa kabila ng pandemya.

 

• Pamaskong Handog sa Kabataan 2020

 

Year 18 na ang tradisyunal na Pamaskong Handog para sa kabataang Bayambangueño! Ngunit sa halip na magtipon-tipon sa Events Center gaya ng nakagawian, ipinamahagi na lang ng mga Child Development Workers sa kani-kanilang barangay ang mga nasabing Pamaskong Handog na bigay ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. May 2,816 child development learners o daycare pupils ang nakatanggap ng mga regalo na naglalaman ng face mask, loot bag na may laruan, at food pack.

 

• NGOs Give Gifts to CWDs

 

Sa kasagsagan ng Pasko ay naghatid ng tuwa at saya ang iba't-ibang NGOs ng Bayambang katuwang ang LGU sa mga batang may kapansanan na nakatira sa iba't-ibang barangay. Kabilang sa mga naglibot ang Bayambang Municipal Association of Non-Governmental Organizations, Reaction 166-Animal Kingdom Base Radio Communication Group, Xtreme Riders Club Pangasinan, at Bayambang Bayanihan Lions Club International. Kasama rin sina Vice-Mayor Raul Sabangan at Councilor Philip Dumalanta.

 

• Pamaskong Handog ng LGU sa CWDs

 

Noong December 28 and 29, 120 na children with disability (CWD) mula sa iba’t=-iang barangay ang tumanggap ng gift packs mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at school supplies mula sa STAC-Bayambang.

 

III.             AGRICULTURAL MODERNIZATION

 

• Construction of Municipal Hatchery in Langiran

 

• Rehabilitation of Inland Fisheries in Tanolong

 

• Onion Drying Facility in Manambong Norte

 

• Solar Irrigation in Amancosiling Norte

 

·       Sen. Pimentel, Popondohan ang Isang Water Depot Project sa Dusoc

 

Nakatakdang pondohan ng opisina ni Sen. Aquilino Pimentel III ang isang water impounding depot project sa Brgy. Dusoc. Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng P15M ay malaking tulong para sa pangangailangang pang-irigasyon ng mga magsasaka sa lugar.

 

·       RSBSA Listing ng Farmers at Fisherfolk, Tuluy-Tuloy

 

Tuloy-tuloy pa rin ang RSBSA listing ng Agriculture Office para sa mga lokal na magsasaka at mangingisda upang masiguro na lahat sila ay mailista at maisama sa mga opisyal na benepisyaryo ng Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Tariffication Law na naisabatas na.

 

• Mga Magsasaka, Tumanggap ng Cash Cards mula sa DA

 

Noong April 28 ay nag-umpisa na ang Agriculture Office sa distribusyon ng cash cards para sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers' Financial Assistance Program ng Department of Agriculture. Mayroong 1,556 na benepisyaryo mula sa mga lokal na farmers' association ang tumanggap ng cash card. Ito ay makakatulong sa kanila ngayong lubos na apektado ng krisis ang kanilang kabhayan.

 

• DOST, Nag-Donate ng Portasol Dryers

 

Noong June 4 ay tinanggap ng LGU-Bayambang ang 4 units ng Portasol o portable solar dryer mula sa Pangasinan Science & Technology Center (PSTC) ng Department of Science and Technology sa Lingayen. Ang naturang Portasol units ay nirequest ng LGU sa pamamagitan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) at Municipal Agriculture Office. Ang isang unit ng Portasol ay may 180-kg capacity para sa pagpapatuyo ng palay, mais, at mga gulay na gagamitin sa food processing.

 

• Livestock Insurance Processing

 

Tumulong magproseso ang staff ng Municipal Agriculture Office ng mga papeles ng livestock insurance para sa mga alagang baka ng mga benepisyaryo ng cattle distribution ng Department of Agriculture Region I. Ito ay konektado pa rin sa pananalasa ng African swine fever noong nakaraang taon sa ilang barangay sa Bayambang.

 

• Validation Interview for Farm Mechanization Program

 

Nagconduct ng validation interview ang Municipal Agriculture Office sa mga farmers association members na nag-qualify sa farm mechanization sa ilalim ng Corn Banner Program ng Department of Agriculture. Nag-interview ang Agriculture staff ng mga myembro mula sa Brgy. Paragos, Buenlag 1st, Buenlag 2nd, at Duera para sa naturang pakay.

 

• Crop Insurance Processing, Tuluy-Tuloy

 

Tuluy-tuloy ang Municipal Agriculture Office sa pagproseso ng mga dokumento para sa crop insurance ng mga lokal na magsasaka. Ito ay upang maiprepara ang mga papeles para sa lingguhang pagkolekta ng mga ahente ng Philippine Crop Insurance Corporation.

 

• Backyard Garden Monitoring

 

Nag-umpisa nang magmonitor ang Municipal Agriculture Office ng mga backyard gardening project sa iba't-ibang barangay upang makita ang lagay ng mga naturang proyekto kung saan nakatanggap ng mga libreng buto ng gulay ang mga kasaping kabahayan.

 

• Distribusyon ng Fertilizer mula DA

 

Nag-umpisa na rin ang Municipal Agriculture Office na mamahagi ng fertilizers galing sa Department of Agriculture para sa mga lokal na magsasaka. Ang unang distribusyon ay ginanap sa Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Amanperez noong June 18.

 

• Bayambang Agriculture 2020

 

Nagpulong ang Municipal Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team noong ika-25 ng Hunyo 2020 ukol sa Bayambang Agriculture 2020 (BA 2020). Nakabalangkas sa BA 2020 ang mga plano at programa para sa mga magsasaka at mga stratehiya upang lalong mapayabong ang sektor ng Agrikultura sa Bayambang.

 

• NIA, Nag-Site Inspection para sa Irrigation Project

 

Noong June 28, bumisita sa Bayambang ang mga opisyal at consultants ng National Irrigation Authority para mag-site inspection sa gagawing irrigation system para sa 22 na barangay bilang parte ng agricultural modernization program ni Mayor Cezar T. Quiambao.

 

• Bagong Makinarya para sa Makukuli Farmers' Association

 

Noong July 7, nagtungo ang Agriculture Office sa Lingayen upang samahan ang mga lokal na magsasaka sa pagtanggap ng farm machineries na in-award ng Philippine Center for Post-Harvest Development and Mechanization ng Department of Agriculture. Ang benepisyaryo ay ang Makukuli Farmers' Association, na siyang tumanggap ay isang four wheel tractor, combine harvester, at hand tractor.

 

• Bayambang Fisherfolk, Dumalo sa BFAR Workshop

 

Noong July 21, dumalo ang mga miyembro ng Bayambang Fisherfolk Association sa “Workshop on Strengthening Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council  (MFARMC)” na hatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region I sa Events Center sa pakikipagtulungan sa Municipal Agriculture Office. Kabilang sa mga nagtalakay sa workshop sina Regional Fisherfolk Coordination Unit OIC Derickson Mandar at BFAR Provincial FARMC Coordinator Hannah Jean R. Juguilon. Sa pagtatapos ng workshop ay nagkaroon ng action planning at open forum.

 

• Bayambang Agriculture 2020 Plan, Binalangkas

 

Nagsagawa ng 3-day seminar ang Bayambang Poverty Reduction Action Team na pinamumunuan ni G. Rafael Saygo para sa buong puwersa ng Municipal Agriculture Office at iba pang kaugnay na tanggapan upang balangkasin ang iba't-ibang estratehiya at proyekto tungo sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa Bayambang. Naroon sina Mayor Cezar Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, Councilor Amory Junio, Municipal Administrator Raymundo Bautista Jr., Kasama Kita sa Barangay Foundation CEO Romyl Junio, mga agriculture consultant na sina Maricel San Pedro at Artemio Buezon, at Municipal Agriculture Office OIC Zyra Orpiano upang magbigay ng gabay sa pagbuo ng iba't-ibang plano para sa nabanggit na layunin.

 

• Farmers’ Meeting 2020

 

Nagkaroon ng isang Farmers’ Meeting noong July 28 sa Events Center na dinaluhan ng mga representante ng walong distrito ng magsasaka sa Bayambang. Iprinisenta ni BPRAT head Rafael Saygo ang ukol sa ‘Bayambang Agriculture 2020,’ at ipinaliwanag naman ni Municipal Agriculture OIC Zyra Orpiano ang “Implementing Guidelines for Fertilizer Reimbursement Scheme.” Sa pagpupulong ay nangako si Mayor Cezar T. Quiambao na sa taong 2021 ay ibubuhos ang resources ng Munisipyo sa sektor ng agrikultura.

 

• Maintenance of Municipal Nursery

 

Patuloy ang pagpapanatili ng Municipal Agriculture Office na maging maayos at produktibo ang Municipal Nursery sa PSU-Bayambang Campus. Gamit ang recyclable containers at organic compost, sinisiguro nilang tuluy-tuloy ang propagation ng mga seedlings doon upang makatulong na mag-supply ng binhi at punla para sa mga barangay nurseries.

 

• Binhi at Punla para sa ANCOP Village

 

Noong July 30, nagpamahagi ang Agriculture Office, kasama ang DSWD staff, ng mga binhi at punla para sa mga residente ng ANCOP Village sa Brgy. Sancagulis. Naglecture din ang Agriculture staff ukol sa tamang pagtataguyod at kahalagahan ng backyard gardening.

 

• 3,000 Tree Seedlings mula NTA

 

Noong August 5, nagtungo ang Agriculture Office sa National Tobacco Administration sa Alcala, Pangasinan upang maghakot ng 3,000 seedlings ng sari-saring fruit-bearing trees na libreng ipinamimigay ng ahensya. Nakatakdang ipamahagi ang mga naturang seedlings sa mga barangay sa mga gaganaping Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.

 

• Tatarac Farmers Assoc., Tumanggap ng Foliar Fertilizer mula DOST

 

In-award kamakailan ng DOST Provincial Science and Technology Center-Pangasinan ang kahun-kahong carageenan foliar fertilizer sa Tatarac Farmers Association. May 207 na litro ng foliar fertilizer ang natanggap ng mga magsasaka na sapat para sa 20 ektaryang sakahan. Makatutulong ito sa pagtaas ng ani ng palay ng mga magsasakang kasapi sa asosasyon.

 

• "Balik Sigla sa Ilog at Lawa" sa Brgy. Warding

 

Ang "Balik Sigla sa Ilog at Lawa" project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay dinala sa Brgy. Warding, kung saan nagpakawala sa Agno River ng 13,000 piraso ng igat (eel fingerlings) upang makatulong na ibalik doon ang sigla ng kabuhayan sa kailugan.

 

• MAO, Nag-asiste sa Brgy. Wawa Mushroom Project

 

Inasistehan ng Municipal Agriculture Office ang mushroom production project ng Brgy. Wawa na isang inisyatibo ni Wawa Punong Barangay Pepito Mejia.

 

• RiceBIS Project ng DA-PhilRice, Gagawing Agripreneurs ang mg Magsasakang Bayambangueño

 

-        Orientation

 

Nagtungo ang mga opisyal ng Philippine Rice Research Institute sa Bayambang noong July 15 upang ipaliwanag ang tungkol sa Rice Business Innovation System Community sa munisipalidad. Ang Bayambang ang kauna-unahan at ang isa sa dalawa lamang na bayan sa buong probinsya ng Pangasinan na napili ng PhilRice na maging benepisyaryo ng programang ito. Kasama si Mayor Cezar T. Quiambao, BPRAT, at Agriculture Office, ipinaliwanag ng PhilRice ang mga susunding paraan upang masigurong magtatagumpay at makikinabang ang mga magsasaka sa ilalim ng Rice Business Innovation System.

 

-        Program Launching

 

Pormal nang inilunsad ang programa ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na RiceBIS o Rice Business Innovations System noong August 12 sa Events Center. Kasabay nito ay ang paglagda ng LGU at PhilRice sa isang Memorandum of Agreement para sa naturang programa para sa kapakanan ng mga magsasaka sa Bayambang. Sa entrepreneurial approach ng RiceBIS Program, inaasahang mapapaunlad ng mga magsasaka ang produksyon at pagpoproseso ng kanilang ani at maiiwasan ang cycle ng pangungutang na matagal na nilang nakagawian.

 

-        Initial Data Collection Stage

 

As of July 30, ang Rice Business Innovations System (RiceBIS) Community Program Expansion ng PhilRice sa Bayambang ay nasa initial data collection stage na. Nagtungo ang PhilRice at LGU sa mga barangay ng District 4 kung saan nagkaroon ng isang focus group discussion, key informant interview, at secondary data collection.

 

-        Organizational Building and Management Training

 

Noong, August 24, umattend ang mga RiceBIS farmers sa isang Organizational Building and Management Training ng DA-PhilRice sa Events Center. Kabilang sa mga naging paksa ang mga sumusunod: Filipino values favorable to entrepreneurship, significance of values in an organization, group dynamics and team-building, cluster formation towards agroenterprise, at leadership in farmers' groups and cooperatives.

 

-        Distribution of High-Quality Rice Seeds

 

Noong August 20 ay dumating ang mga palay seeds para sa mga magsasakang kasapi sa pilot RiceBIS Community Development Program ng PhilRice sa bayan ng Bayambang. Ayon sa Municipal Agriculture Office, nakatakdang ipamahagi ang mga naturang palay sa unang linggo ng Setyembre.

 

-        Interview Phase

 

Naglibot ang mga kinatawan ng PhilRice kasama ang mga staff ng Agriculture Office upang makapanayam ang mga project participants mula sa mga farming barangays. Ito ay upang malaman ng ahensya kung anong teknolohiya ang karapat-dapat sa kanila at kung anong klaseng training ang kanilang kailangan. Nakatakdang tumulong ang PhilRice sa pag-assess kung tumaas ba ang ani ng mga RiceBIS farmers pagkatapos ng proyekto.

 

-        Participatory Technology Demo

 

Noong September 29-30, ang mga assigned area technicians ng Agriculture Office sa District 1 ay nag-assist kasama ang PhilRice staff na nakabase sa Bayambang upang iprepara ang sakahan sa Brgy. San Vicente para sa Participatory Technology Demo (PTD) sa pamamagitan ng farmer-cooperator na si Leonardo Velasco para sa rice production sa ilalim ng RiceBIS program ng PhilRice.

 

-        Farmers Field School

 

Nasa Farmers Field School (FFS) stage na ang RiceBIS program ng DA-PhilRice sa Bayambang. Layon ng FFS na magbigay ng makabagong kaalaman sa mga lokal na magsasaka na sumama sa naturang programa. Ginanap noong October 7 sa Brgy. Wawa Covered Court ang Day 1, at ang ikalawang klase sa sumunod na araw ay ginanap sa Brgy. Warding Covered Court.

 

-        FFS Field Day

 

Nasa third session na ang Farmers Field School ng RiceBIS project ng PhilRice sa Bayambang. Noong November 4 at 5, nakilahok sa unang session ng Field Day ang mga naka-enroll na farmers upang i-apply sa aktuwal na sakahan sa San Vicente at Warding ang kanilang mga bagong natutunan sa integrated pest management mula sa ahensya, kasama ang Agriculture Office at Poverty Reduction Action Team.

 

 

• Tree Planting sa San Gabriel 2nd

 

Noong August 15 ay naganap ang isang tree planting activity sa gilid ng Mananzan Creek sa Brgy. San Gabriel 2nd. Ito ay inisyatibo ng San Gabriel 2nd Farmers' Association sa pamumuno ni Ranim Pamani, kasama ang Municipal Agriculture and Fishery Council presidents at Municipal Agriculture Office. Ang grupo ay nagtanim ng 500 na punla ng mahogany at punong namumunga kabilang ang guyabano, kakaw, sweet sampalok, kasuy at langka. Sa aktibidad na ito ay natutulungang yumabong at maprotektahan ang tabing-ilog habang nagkakaroon ng mapagkakakitaan ang mga taga-barangay.

 

 

• Propagation of Forest Trees

 

Nagpropagate ang Agriculture Office ng 350 forest trees (mahogany) sa Municipal Nursery sa PSU para may maipamigay sa mga darating na tree planting activities sa mga barangay.

 

• Bagong Makinarya at Farming Equipment Mula DA, Muling Natanggap ng mga Lokal na Farmers' Association

 

Muling nakatanggap ng bagong makinarya at kagamitan ang mga lokal na farming associations, salamat sa kanilang masigasig na paglakad ng aplikasyon sa gabay ng Municipal Agriculture Office staff. Sa latest turn-over ceremony ng DA RO1 sa Pangasinan Research and Experiment Center sa Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan, nakatanggap ng libreng four-wheel tractor, harvester, hand tractor at plastic crates ang apat na grupo.

 

• Vegetable Seeds, Dinonate sa MAO

 

Noong September 2, nakatanggap ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng mga vegetable seeds na dinonate ng East-West Seed Co. matapos mag-request ang tanggapan. Nakatakdang ipamigay ang mga buto sa mga kasapi sa proyektong Good Agricultural Practices sa Brgy. Ambayat 1st bilang bahagi ng Food Basket Project ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.

 

• Fisherfolk Profiling

 

Noong araw ding iyon, ginanap ang fisherfolk profiling na pamamahala ni Marlon Castillo ng Agriculture Office sa pakikipagtulungan sa mga farmers' association president ng Brgy. Hermoza, Idong, Inanlorenza, at Inirangan. Ito ay isinagawa bilang parte ng preparasyon sa mga development sa inland fishery industry at bilang pruweba ng lehitimisiya ng mga lokal na mangingisda.

 

• One Barangay, One Gulay

 

Nag-monitor ang Agriculture Office sa tomato backyard gardening project ng Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Managos. Ito ay parte ng 'One Barangay, One Gulay' project ng Foundation na nagnanais makatulong sa food sustainability sa bayan ng Bayambang. Parte ng naturang proyekto ang pagtatanim ng talong sa Brgy. Warding, ampalaya sa Brgy. Ambayat 2nd, at okra sa Brgy. Ambayat 1st.

 

• District Warehouse Project

 

Nagsagawa ang  Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) at  Municipal Agriculture Office (MAO) ng isang serye ng pakikipagdayalogo sa mga punong barangay at mga miyembro ng farmers’ association sa walong farming districts ng bayan mula August 7 hanggang August 14. Kabilang sa mga naging paksa ay ang pagpapatayo ng isang malaking warehouse kada distrito  at ang pagbuo ng Bayambang Agriculture Plan 2020  na siyang gabay ng LGU sa pagbibigay prayoridad sa kanilang sektor.

 

-        P100M Loan with LandBank

 

Noong September 24, ginanap ang isang loan contract signing sa pagitan ng LGU-Bayambang at Landbank of the Philippines sa Niñas Cafe. Ang loan ay gagamitin para sa 8 Warehouses Project ni Mayor Quiambao para sa 8 farming districts ng Bayambang na naglalayong tutukan ang produksyon ng mga lokal na magsasaka. Ito rin ang gagamiting seed capital para sa kanilang farm inputs, at para sa dredging ng inland fisheries. Nanguna sa loan signing sina Mayor Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, at Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., at ang financial cluster ng LGU heads, at naging kinatawan naman ng Landbank sina Pangasinan Lending Center AVP Demetrio Espiritu III at San Carlos City Branch Manager Menchie Mencias.

 

-        Agricultural Suppliers Meeting

 

Noong October 28, pinulong nina Mayor Cezar Quiambao, Agriculture Office, at BPRAT ang lahat ng may-ari ng agriculture supply stores sa Bayambang upang maging ka-partner ng mga magsasaka pagdating sa maayos na pag-supply ng mga farm inputs sa tamang presyo. Ito ay bilang pagsuporta na rin sa kanila ng LGU bilang mga local entrepreneurs.

 

-        Landowners Meeting

 

Noong October 29, pinulong naman ang mga may-ari ng lupa na balak patayuan ng mga warehouses sa walong farming districts. Dito ay tinalakay ang mga iba't-ibang opsyon kung paano makikinabang ang mga landowners sa proyekto.

 

-        Processing of Corn and Rice Production Loan 

 

Tumulong ang Special Economic Enterprise sa pagproseso ng tanggapan ng MAO, kasama ang Bayambang Poverty Reduction Action Team, para sa corn at rice production loan ng LGU ng mga farmers na nag-avail nito. Sa kasalukuyan ay mayroong 298 loan applications ng local farmers ang pinoproseso, at marami sa mga ito ang aprubado na.

 

• DA Palay Donation

 

Muling nakatanggap ang MAO ng inbred rice seeds mula sa Department of Agriculture para sa Rice Competitiveness Enhancement Program nito. May 481,200 kilo ng high-quality hybrid palay ang ipinamahagi sa mga kasaping rice farmers para sa kanilang dry-season farming.

 

• Field Monitoring ng Fish Cages at Farms

 

Noong September 29, ang mga assigned area technicians ng Agriculture Office sa District 6 ay nag-conduct ng field monitoring ng fish cages sa Langiran Lake at mga sakahan sa Tococ East at Macayocayo. Ang team ay kumalap rin ng datos ukol sa cropping pattern ng mga farmers sa mga naturang barangay.

 

• Cash-for-Work ng BFAR

 

Noong October 9, sumali sa isang clean-up drive at tree planting activity sa gilid ng Agno River sa Brgy. Warding ang 12 na mangingisda na nag-apply para sa cash-for-work assistance program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture. Sila ay inasistehan ng Municipal Agriculture Office staff, na siyang nag-supply ng mga puno ng guyabano para sa tree-planting activity. Ang mga partisipante ay mga fisherfolk na dati nang kasali sa "Balik Sigla sa Ilog at Lawa" project ng BFAR.

 

• DA-RFO-1 Corn Seeds Assistance Program

 

Noong October 13, nagsagawa ang Municipal Agriculture Office ng Orientation/Briefing on the Guidelines on Corn Seeds Assistance Program ng DA-Region 1 at nagdaos ng eleksyon ng Corn Cluster Officers para sa District 7, kung saan karamihan ay corn farmers. Ang corn assistance project na ito ng DA ay isang “Plant Now, Pay Later” scheme, kung saan nakatakdang ibalik ng mga corn farmers ang pondo upang umikot ito sa mga kapwa corn farmers.

 

Noong October 26, tinanggap ng Municipal Agriculture Office ang 254 bags ng Asian Hybrid Yellow Corn mula sa Department of Agriculture-Regional Field Office 1 kaugnay ng Corn Seeds Assistance Program ng DA sa District 7. Ang corn seeds – na sapat para sa 127 ektaryang sakahan – ay para sa mga corn farmers na nagnais maka-avail sa programa base sa pre-masterlisting ng DA. Ang mga ito ay ipinamahagi sa mga magsasaka noong October 27 sa Amanperez Barangay Hall.

 

• Farm Inputs and Tractor from DAR

 

Noong October 31, inasistehan ng Municipal Cooperative Development Office, kasama ang Municipal Agriculture Office, ang Department of  Agrarian Reform sa distribusyon nito ng 100 bags ng certified palay seeds, 100 bags ng 14-14-14 fertilizer, at 93 bags ng urea fertilizer sa 50 recipients na pawang myembro ng Northern Bayambang Multi-Purpose Cooperative at sa pag-award ng isang farm tractor sa Brgy. Batangcaoa.

 

• Mga Bagong Seed Growers ng Bayambang

 

May mga bago nang seed growers ang Bayambang matapos makumpleto ng mga ito ang Seed Production Training and Certification for Seed Growers na funded ng Agricultural Training Institute - Regional Training Center 1 noong Nov. 23-27 sa Brgy. Pantol Covered Court at sa Balon Bayambang Events Center.

 

• GAP Training for Onion Farmers

 

Nagkaroon ng dalawang araw na training sa Good Agricultural Practices (GAP) on Onion Production ang mga lokal na onion farmers noong Nobyembre 27-28 sa Royal Mall, sa pag-oorganisa ng Municipal Agriculture Office (MAO). Ang mga naging speakers ay galing sa iba't-ibang ahensya at kooperatiba.

 

• Post-Evaluation Survey of Farm Machineries

 

Nag-conduct ng post-evaluation survey ang Municipal Agriculture Office at Municipal Agriculture and Fisheries Council sa mga recipients ng farm machinery ng taong 2018, 2019, at 2020. Sila ay naglibot sa Brgy. Bacnono, Duera, Nalsian Sur, Telbang, Dusoc, Tamaro, Bongato West, Warding, San Gabriel 1st, at Malimpec para mag-inspeksyon, at napag-alamang karamihan sa mga farm machinery ay operational.

 

• Monitoring of Cornfields, Setting up of Lure Traps Against Armyworms

 

Nagmonitor ang opisina sa mga maisan sa Brgy. Sancagulis upang imbestigahan ang posibleng pagsalanta ng fall army worm sa barangay. Sila ay nag-install ng lure traps upang makakalap ng datos ukol sa naturang peste. Nag-conduct din ng monitoring and validation ang opisina ng mga recipient sa District 7 ng Asian corn mula sa Department of Agriculture-Regional Field Unit 1 Corn Banner Program matapos mapabalita ang weak growth performance ng mga itinanim na mais sa distrito.

 

• Fertilizer Scheme Reimbursement

 

Ongoing ang pamimigay ng Department of Agriculture ng reimbursement sa nagastos ng mga lokal na magsasaka para sa mga pataba. Ito ay ang tinaguriang Fertilizer Scheme sa ilalim ng Rice Resiliency Project ng departamento. Isang-daang farmers kada araw ang binibigyan ng naturang reimbursement hanggang sa January 24.

 

• P1.5M na Ayuda mula kay Sen. Imee

 

Noong December 16-17 sa Events Center at Royal Mall, naghandog ng P1.5M cash na ayuda si Senadora Imee Marcos sa LGU, at ito ay ipinamahagi sa mga lokal na magsasakang apektado ng nakaraang Bagyong Ulysses sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD. May 322 na magsasaka na inassess ng Agriculture Office mula sa listahang isinumite ng mga barangay ang nakatanggap kada isa ng P4,500 na cash. Ang natirang P51,000 ay inilaan na medical assistance para sa 17 katao, na nakatanggap ng P3,000 cash kada isa mula rito.

 

• ASF Recovery Program

 

-        Alagang Baka, Ipinamigay ng DA para sa mga Naapektuhan ng ASF

 

Noong June 3, nakatanggap muli ng tulong ang mga mamamayan ng Bayambang na naapektuhan ng African swine fever o ASF. Bukod sa cash assistance na nauna na nilang natanggap mula sa Deparment of Agriculture Regional Office I, ang mga nasalanta ay nakatanggap muli ng alagang baka mula sa ahensya. Sa inisyal na distribusyon, inunang bigyan ang mga benepisyaryo na taga-Brgy. Apalen, at may kabuuang pitumpu’t-apat (74) na baka ang naipamahagi. Nakatanggap din ng baka ang mga mula Brgy. Inirangan, Carungay, at Tatarac.

 

Nagpatuloy ang pamamahagi ng alagang baka sa Brgy. Apalen sa mga nalalabi pang pamilyang naapektuhan ng ASF noong June 23. May 48 na dumalagang baka (o heifer) ang ipinamahagi sa mga apektado ng ASF mula sa Brgy. Apalen, Tatarac, Inirangan, at Carungay. Katumbas ng isang bakang ipinamigay ay ang walong baboy na boluntaryong isinumite ng pamilya sa culling operations ng pamahalaan.

 

-        Distribution of Antihelminthic

 

Noong September 11, namahagi ng antihelminthic agent o kontra bulate ang Municipal Veterinarian sa Brgy. Carungay. Ito ay bilang parte ng ASF recovery plan ng Department of Agriculture para sa Bayambang.

 

-        Heifer Blood Sample Collection

 

Noong August 18, nagtungo ang team ng DA Regional Office I at Municipal Agriculture Office sa apat na barangay na tinamaan ng ASF upang magsagawa ng blood sample collection sa mga alagang baka na ipinamigay doon.Layunin ng blood sample collection na makita kung ang mga naturang baka ay may kakayahang maging inahin.

 

-        MOA Signing para sa ASF Recovery Plan

 

Noong November 5 at 6, naganap ang paglagda ng Memorandum of Agreement ukol sa ASF recovery plan sa pagitan ng DA-RFO1  at mga benepisyaryo mula sa Barangay Tatarac, Carungay, Inirangan, at Apalen. Ito ay ginanap sa sa Tatarac Barangay Hall at Inirangan Barangay Hall.

 

-        Cash Assistance Mula DA-Region I

 

Nabigyan ng ayuda ang mga apektadong mamamayan ng apat na barangay ng Bayambang na higit na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF), kabilang na ang Brgy. Apalen, Tatarac, Inirangan, at Carungay noong March 12. Umabot sa 255 na mamamayan ang nakatanggap ng tseke mula sa DA-Region I. Sila ay nabigyan ng P5,000 para sa bawat piraso ng alagang baboy na naapektuhan ng culling operations, ngunit 20 piraso lamang ng na-cull na baboy ang maximum na makakatanggap ng karampatang ayuda sa bawat may-ari ng baboy. P100,000 ang pinakamalaking halaga na natanggap ng ilan sa mga apektadong mamamayan.

 

-        Cattle Feeds

 

Noong nakaraang lingo, muling nagkaroon ng distribusyon ng libreng feeds mula sa Department of Agriculture-Regional Office I. Ito ay para pa rin sa mga ASF beneficiaries na tumanggap ng alagang baka kamakailan.

 

-        Dagdag na Tulong

 

Noong July 29, nagtungo ang grupo ni Municipal Veterianarian, Dr. Joselito Rosario, sa Purok 7, Brgy. Carungay, upang mamahagi ng gamot na pampurga at mag-inject ng antibiotics para sa mga bakang ipinamigay sa mga ASF beneficiaries.

 

-        Livestock Insurance Processing + Feeds Distribution

 

Noong July 8, tinulungan ng Agriculture Office ang mga benepisyaryo ng cattle distribution sa Brgy. Tatarac upang maproseso ang kanilang papeles para sa livestock insurance, bilang parte ng ASF recovery program ng LGU sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture. Doon ay nagpamahagi rin ang DA Regional Office ng feeds para sa mga alagang baka. Naroon sina DA-RO I Senior Agriculturist, Dr. Alfiero Banaag; Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario; at ASF Incident Commander-Designate at Paralegal Officer Germaine Lee Orcino.

 

-        Cattle Monitoring and Treatment

 

Patuloy ang pagmonitor ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, sa mga alagang baka na inaward ng Department of Agriculture sa mga naapektuhan ng ASF. Lumibot sa Brgy. Inirangan, Tatarac at Apalen ang team ni Dr. Rosario upang icheck ang kalusugan ng mga baka, mag-inject ng vitamins, at gamutin ang mga natagpuang may karamdaman.

 

 

IV.                ECONOMIC DEVELOPMENT

 

Cooperative Development

 

  BAMACADA Transport Co-op General Assembly 

 

Noong March 12, umattend sa Royal Mall ang Municipal Cooperative Development Office sa Second General Assembly Meeting ng BAMACADA Transport Cooperative, isang co-op ng local mini-bus operators, kasama ang Cooperative  Development Authority-Dagupan at Office of Transport Cooperative.

 

• Pre-Registration Seminars, Isinagawa

 

Patuloy ang pagpupunyagi ng Municipal Cooperative Development Office (MCDO) sa pagpapalaganap sa kooperatiba bilang instrumento sa pagsugpo sa kahirapan. Ang MCDO ay nagconduct ng Pre-Registration Seminar sa Zone VII noong Oktubre 25 para sa proposed Radiant Dragon Gran Society Consumers Cooperative, sa Brgy. San Vicente noong Oktubre 29 para sa proposed San Vicente Business Trading and Owners Consumers Cooperative, at sa Brgy. Asin sa Oktubre 30 para sa mungkahing Bgry. Asin Women's Agriculture Cooperative. Kasama sa paglilibot ni Albert Lapurga at MCDO staff si Sheryl Lou M. Fabia, CDSII, ng Cooperative Development Authority-Dagupan.

 

Noong July 15, isang Pre-Registration Seminar ang isinagawa upang tulungang bumuo ng isang kooperatiba ang mga benepisyaryo ng cattle distribution ng Department of Agriculture bilang kapalit ng nawalang kabuhayan dahil sa African Swine Fever. Ginanap ang naturang seminar sa Brgy. Carungay Covered Court, at ang bubuuing kooperatiba ay pinangalanang Rancheros de Balon Bayambang.

 

Noong November 10, nagsagawa ng Pre-Registration Seminar sa Barangay Duera upang imungkahi sa mga Farmers Agriculture Cooperative ang kahalagahan ng  pagpaparehistro ng kanilang Kooperatiba.

 

Special Economic Enterprise

 

• Depektibong Timbangan, Kumpiskado

 

Dalawampung depektibong timbangan ang kinumpiska ng market enforcers noong January 23 sa may Bagsakan area. Ito ay parte ng pagsisikap ng Office of the Special Economic Enterprise para masiguro na tama ang timbang ng mga pinamimili ng mga Bayambangueño.

 

• Calibration ng mga Timbangan sa Palengke, Lalong Pinaigting

 

Ang Special Economic Enterprise ay muling nagsagawa ng free calibration ng 560 na timbangan sa Public Market noong February 20 hanggang 21. Ayon kay OIC Market Supervisor Gernalyn Santos, Layunin nitong tuluyan nang mapuksa ang mga insidente ng madadayang timbangan sa Pamilihang Bayan para sa kapakanan ng mga mamimili na nagbabayad ng sapat na halaga.

 

• Bangon MSME Program

 

Nagpulong ang Bayambang Poverty Reduction Action Team, Business Permits and Licensing Office, at Department of Trade and Industry noong June 19 ukol sa pagpapatupad ng Bangon MSME Program bilang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa “new normal” sa bayan. Layunin ng programang ito na tulungang buhayin ang mga negosyo dito sa Bayambang, lalo na ang mga lubos na naapektuhan ng COVID-19.

 

• Bayambang Mobile Market, Nagsara sa ika-105 na Araw

 

Ang Bayambang Mobile Market project ay nagtapos noong July 15 matapos ang isangdaan-at-limang araw na operasyon nito simula noong magdeklara ang pamahalaan ng Extreme Enhanced Community Quarantine. Lubos na nagpapasalamat ang LGU-Bayambang sa lahat ng volunteer market vendors na matapang na sumuong sa panganib nang may dedikasyon gamit ang sariling resources.

 

• Surprise Inspection sa Pamilihang Bayan

 

Noong August 18, nagkaroon ng sorpresang inspeksyon ang PNP, DILG, at LGU sa iba't-ibang sulok ng Bayambang Public Market. Ito ay upang masiguro kung nasusunod pa rin ang social distancing sa loob ng palengke at nananatiling malinis at maayos ang lugar matapos itong sumailalim kamakailan sa puspusang cleanup operation at disinfection.

 

• Block III of Public Market Reopens

 

Noong September 25, muling nagbukas ang Block III, o Meat & Fish Section kabilang na ang Canteen, ng Bayambang Public Market matapos itong isara ng mahigit dalawang linggo. Habang nakasara ay nagkaroon ng decontamination operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection sa lugar.

 

• Economic Cluster Meeting

 

Noong October 22, pinulong ni Mayor Cezar Quiambao sa Balon Bayambang Events Center ang Economic Cluster ng LGU, kasama ang Sangguniang Bayan  Trade and Industry Committee heads. Tinalakay dito ng mga council chairpersons ang kanilang accomplishment report para sa July to September 2020 pati na ang mga programs, projects, at activities sa 4th quarter ng 2020. Tinalakay din dito ang Local Investments and Incentives Code at ang “Guidelines on the Formulation of Municipal Agricultural and Fishery Mechanization Plans.”

 

• Bayambang Commercial Strip, Nagbukas Na

 

Noong October 1, nagbukas na ang Bayambang Commercial Strip matapos magbalik sa operasyon ang mga stall owners na dating umuukopa sa L-Building ng Public Market. Ayon sa Special Economic Enterprise, natapos na ang kontrata ng mga stall owners sa L-Building at bilang konsiderasyon sa kanila, sila ay binigyan ng reservation sa Commercial Strip  nang mayroong right to first refusal. Samantala, kasalukuyang ginigiba ang L-Building upang magbigay-daan sa isang parking lot at makatulong i-decongest ang sentro ng bayan lalo na sa paligid ng Munisipyo at Balon Bayambang Events Center.

 

• Ease of Doing Business Forum 2020

 

Noong November 11 sa Events Center, umattend ang mga Punong Barangay sa isang webinar ng DILG ukol sa Ease of Doing Business Forum 2020, na may temang "Accelerating Local Economic Growth Amidst the New Normal." Sa forum ay tinalakay ang mga polisiya ng pamahalaan sa pagbabalik-operasyon ng mga local businesses sa panahon ng new normal upang magbalik-sigla ang ekonomiya. Kasama ng DILG ang DTI, DICT, Anti-Red Tape Authority, at Union of Local Authorities in the Philippines.

 

• 2nd Negosyo Summit: “Buy Local”

 

Sa pangalawang pagkakataon ay nagsagawa ng Negosyo Summit ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa Events Center noong November 19 at 20. Dito ay tinipon ang mga micro-, small at medium enterprises o MSMEs ng Bayambang upang bigyan sila ng tip kung paano maging supplier ng LGU sa pamamagitan ng procurement process nito, at upang itaguyod ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto at serbisyo.

 

• DTI Zero Interest Loan

 

May labingwalong lokal na negosyante ang naging inisyal na benepisyaryo ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES Program ng Department of Trade and Industry, sa turnover ceremony sa Niña's Cafe ng November 28. Ito ay dinaluhan nina Mayor Cezar Quiambo at former Congresswoman Rachel Arenas at inorganisa ng BPRAT sa gabay ng DTI. Nakatakdang ipautang na walang interes ang pondong galing kay Congreswoman Arenas sa mga negosyanteng nakapasa sa mga requirement ng DTI na nais bumangong muli sa panahon ng pandemya.

 

• Branding Your Business

 

Noong November 27 sa Municipal Annex Bldg., isang Branding Your Business Seminar ang ibinigay ng Negosyo Center Bayambang sa mga MSMEs mula sa Public Market. Si SB staff at former PSU Instructor Rosbelle Magno ang naging resource speaker

 

• Confiscation of Defective Weighing Scales

 

Patuloy ang monitoring ng Public Market sa mga timbangan sa palengke at pagkumpiska sa mga nakikitang depektibong weighing scale. Pinaalalahanan din ang publiko na mayroon tayong Timbangang Bayan sa gitna ng Meat Section kung nais ma madouble-check ang nabiling paninda.

 

• Public Market Clearing Operation

 

Noong December 2 ay nag-clearing operation ang staff ng Office of Special Economic Enterprise upang linisin ang mga nakahambalang na paninda sa Pamilihang Bayan at panatilihin ang kaayusan sa lugar base sa napagkasunduang demarcation line. Kinakailangang panatilihin ang disiplina sa lugar upang patuloy na maging maaliwalas ang pamamalengke ng ating mga mamimili.

 

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

 

• Tuluy-tuloy ang ang mgainfrastructure projects ni sa lahat ng barangay upang kahit saang dako ng Bayambang ay walang naiiwan sa pag-unlad.

 

    Mayor CTQ Upgrades Balon Bayambang Events Center’s Stage and Sound System

 

• Covered Court - Apalen

• Covered Court - Apalen

• Covered Court - Mangayao

• Covered Court - Brgy. Mangayao

• Covered Court - Zone 6

• Covered Court - Amancosiling Norte

• Covered Court - Cadre Site

• Covered Court - Inanlorenza

• Covered Court - Bical Norte

• Covered Court - Tococ East

• Covered Court - Buenlag 1st

• Covered Court - Bongato West

• Covered Court - Macayocayo

• Covered Court - San Gabriel 2nd

• Covered Court - Manambong Parte

• Covered Court - Paragos

• Covered Court - Tatarac

• Covered Court - Bical Sur

• Covered Court - Bongato East

 

• Annex Building, Binuksan para may Physical Distancing sa LGU Offices

 

Upang masiguro na may physical distancing sa mga tanggapan ng LGU at maiwasan ang posibleng hawaan sa mga frontliners, binuksan ang Municipal Annex Building noong June 5 sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul Sabangan at mga department heads. Dito inilipat ang halos lahat ng tanggapan sa Munisipyo na masisikip at magkakalapit ang mga staff.

 

Municipal Warehouse - Brgy. Telbang

 

• Public Market Expansion in Zone I

 

• Bonery with Chapel

 

• Barangay Hall – Sancagulis

• Barangay Hall - Manambong Sur

• Barangay Hall – Duera

• Barangay Hall – Iton

• Barangay Hall - Buenlag 2nd

• Barangay Hall – Bani

• Barangay Hall – Beleng

• Barangay Hall – Tanolong

• Barangay Hall – Maigpa

• Barangay Hall – Ligue

• Barangay Hall - Zone III

• Barangay Hall – Ataynan

• Barangay Hall Extension – Amanperez

• Barangay Hall – Warding

• Barangay Hall - Amancosiling Norte

 

• Core Local Access Road - Mangayao (2019 DILG Performance Challenge Fund)

• Core Local Access Road in Zone VII

• Core Local Access Road – Magsaysay

• Core Local Access Road – Langiran

• Diversion Road - San Vicente

• Core Local Access Road - Idong

• Core Local Access Road - Langiran

• Core Local Access Road – Malimpec

• Core Local Access Road - Ambayat 2nd

• Core Local Access Road - Ataynan Elementary School

• Core Local Access Road - Nalsian Sur

• Core Local Access Road - Mangayao (DILG PCF-2019 Fund)

• Core Local Access Road - Zone VII

• Ataynan Dike Access Road

  Ligue-Tococ West-Tanolong Roadline (DILG Fund)

• Tococ West-Ligue Roadline under the Local Govt Support Fund of the Department of Budget and Management

• Reynado-Inanlorenza Roadline under the DBM fund

  CFC-ANCOP Village Road Concreting

 

  Slope Protection for Ligue-Tanolong-Tococ West Roadline

  Road Asphalting - Hermoza, Telbang, and MH Del Pilar

• Repair of Bical Norte-Tanolong Roadline

• Clearing and Cleaning Operation of Sidewalk across the Street in front of BNHS and PSU for the Proposed Parking Area

• Road Widening - Zamora St., Magsaysay

• Clearing Operation/Road Widening - Zamora St., Brgy. Magsaysay

 

• Construction of Parking Area with Canopy beside Balon Bayambang Events Center

 

• Municipal Accounting Office Extension

 

• Canopy for PNP-Bayambang Station

 

• BayWad, Pinulong Ukol sa DPWH-NSSMP

 

Noong December 23, pinulong ng LGU, sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao at ng mga Sangguniang Bayan members, ang Bayambang Water District upang talakayin ang programa ng DPWH na National Sewerage and Septage Management Program. Sa ilalim ng programa, nakatakdang sagutin ng DPWH ang 50% ng gastos sa paggawa ng isang maayos na sewerage at septage system sa bayan ng Bayambang. Dito ay dumalo ang lahat ng myembro ng Board of Directors ng BayWad sa pangunguna ni General Manager Francis J. Fernandez.

 

• MPDO, Nag-Inspeksyon ng Cellular Towers

 

Noong July 8 sa Sancagulis at July 10 sa Nalsian Norte, nag-inspeksyon sina Councilor Amory Junio at ang Municipal Planning and Development Office upang makita ang mga itinatayong mobile cellular tower ng isang pribadong kumpanya doon. Dalawa ito sa apat na itinatayo sa buong Bayambang na naglalayong mapalakas ang signal reception ng mga cellular phone at iba pang wireless communication devices.

 

• Drainage System Rehabilitation - Quezon Blvd., Zone 1

• Drainage System – Wawa

• Drainage System - Zone IV

• Cross Drainage - Poblacion Sur

 

• Declogging ng Drainage sa Poblacion Area

 

 

Public Transport

 

• Transport Operations, Unti-unting Nagbabalik

 

Unti-unting nagbalik ang operasyon ng lokal na transport groups (jeep, UV Express, bus), sa pag-iinspeksyon ni Planning and Development Officer Malene Torio at Health Officer Dra. Paz Vallo, kasama si Supervising Tourism Operations Officer Rafael Saygo,  at pagtulong sa mga transport cooperatives na makakuha ng special permit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa La Union.

 

• Tricycle Task Force, Binuo

 

Noong March 11, nagpulong sa Municipal Conference Room ang isang bagong-buong Task Force upang pag-aralan ang implementasyon ng 'No Tricycle' policy ng gobyerno sa tatlong national roads sa Bayambang upang mabawasan ang insidente ng mga sakuna dulot ng slow-moving vehicles sa mga highway. Ang Task Force ay binubuo nina Mayor Cezar Quiambao na nirepresenta ni Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr., Councilor Martin Terrado II bilang SB Chairman on Public Transportation, Liga ng mga Barangay President, MPDC, Legal Officer, MLGOO, POSO Chief, at Bayambang PNP Chief. Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang mas pinaigting na clearing ng mga natitirang road obstructions upang magbigay daan sa tricycle lane sa magkabilaang outer lanes ng mga naturang daan.

 

• Traffic Management Council Meeting

 

Noong October 28 ay pinulong ni Mayor Quiambao ang Traffic Management Council (TMC) sa Balon Bayambang Events Center upang patuloy na pagtuunan ang mga hakbangin para maibsan ang trapiko sa bayan ng Bayambang. Dito ay pinag-usapan ang paglunsad ng limang class 3 modernized PUVs na may rutang Bayambang-Dagupan via Malasiqui at ang pangangailangan nito ng sapat na parking space. Kaugnay nito ay natalakay ng Council ang planong Central Terminal sa PSU-Bayambang Campus.

 

• Traffic Management Seminar para sa POSO

 

Noong November 5 sa Sangguniang Bayan Session Hall, nagsagawa ang Public Order and Safety Office sa ilalim ni Col. Leonardo Solomon ng isang Traffic Management Seminar. Layunin nito na palawakin ang kaalaman ng mga POSO staff ukol sa batas trapiko at maging mas epektibo sa kanilang trabaho. Kinuhang lecturer ang mga top officials ng LTO-San Carlos, LTO-Bayambang, at Stradcom.

 

• Modernized PUJ

 

Noong November 20, inilunsad ng LTFRB sa Municipal Plaza ang modernized PUJs ng New Bayambang UV Express Transport Corporation na may byaheng Dagupan City to Bayambang bilang parte ng PUV modernization program ng national government. Naroon naman ang MPDC upang isumite sa LTFRB ang Local Public Transportation Plan ng Bayambang.

 

• Libreng Sakay, Umarangkada!

 

Gamit ang electric tricycle o e-trike na donasyon ni Mayor Quiambao sa Lokal na Pamahalaan, nagsimula nang mag-ikot ang Public Order and Safety Office upang maghandog ng libreng sakay para sa mga Bayambangueño. Simula July 2, dalawang e-trike ang iikot mula Bayambang-Basista-Malasiqui Junction patungong Public Market via Quezon Boulevard mula 7AM hanggang 5PM araw-araw. Tig-dalawang pasahero ang maaaring isakay sa isang e-trike upang maobserbahan ang physical distancing at kailangan na nakasuot ng face mask ang lahat ng sasakay bilang pagsunod sa public health standards.

 

• Smart, Nag-donate ng T-Shirt sa Trike Driver; Nagrepair ng at Signages sa Trike Terminal

 

Nag-donate ang Smart Communications ng daan-daang T-shirt para sa mga rehistradong tricycle drivers sa bayan noong December 21, salamat sa pakikipag-ugnayan sa kanila ni Councilor Banjamin Francisco de Vera. Kasabay nito ay ang pag-upgrade ng Smart sa mga signages ng Balon Bayambang Tricycle Terminal. Ang donasyon ay itinurn-over kay Councilor De Vera ng mga kinatawan ng Smart Communications, at nakatakdang ipamahagi ito sa mga drivers sa Tricycle Terminal.

 

V.  DISASTER RESILIENCY

 

    Bayambang MDRRMC, Sumailalim sa ICS-2 Training

 

Sa pag-oorganisa ni MDRRMO head Gene Benebe, nagtungo ang Bayambang MDRRM Council, kabilang ang LGU department heads at sina Bayambang PNP Chief Marceliano Desamito Jr. at BFP Chief Raymond Palisoc, sa Lungsod ng Baguio mula February 3 hanggang February 7 upang kumuha ng Integrated Planning Course on Incident Command System sa tulong ng Office of Civil Defense at NDRRMC. Ito ay isa na namang paraan upang mas lalong mapaigting ang kahandaan ng gobyernong lokal sa pagresponde sa panahon ng sakuna.

 

    Bagong Fire Truck

 

Tinanggap ni Mayor Cezar T. Quiambao ang isang bagong Isuzu Fire Truck mula sa opisina ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong February 11 sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kasama ni Mayor Quiambao na dumalo sa Turn-over Ceremony si SFO4 Raymond Palisoc na Chief ng Bureau of Fire Protection ng bayan. Ito ay malaking tulong sa pagresponde ng ating lokal na BFP sa mga oras ng hindi inaasahang sunog, lalo na ngayong nalalapit na ang Fire Prevention Month.

 

• Cong. Arenas, Nag-Donate ng Bagong Ambulance

 

Noong July 20 ay tinanggap ni Mayor Cezar Quiambao ang bagong ambulansya na dinonate ni House Deputy Speaker at Pangasinan Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas sa bayan ng Bayambang sa araw ng kanyang kaarawan. Maraming salamat po, Congresswoman Arenas!

 

    LGU-Bayambang’s Relief Operation in Batangas

 

Sa inisyatibo ni Bayambang First Lady Niña Jose-Quiambao at Local Council of Women, nagtungo sa Batangas ang mga volunteers mula LGU Bayambang at pribadong sektor sa pangunguna ng MDRRMO upang magsagawa ng relief operations para sa mga survivors ng Taal Volcano eruption. Ating panoorin ang video footage at documentation na ito.

 

    CBDRRM Training of Trainers para sa MDRRMC

 

Noong February 17 hanggang 21, dumalo sa 5-day Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Training of Trainers ang MDRRMC staff kasama ng CDRRMO ng Alaminos City, Pangasinan sa Dagupan Village Hotel, Dagupan City, Pangasinan. Layunin nito na matulungan sa pag-oorganisa at pagpa-plano ang 77 barangay communities sa Bayambang upang maging handa pagdating sa sakuna.

 

• Virtual NSED 2020

 

Bawal pa ang kumpulan ngayon, kaya't nagconduct ang MDRRMO ng Virtual Tabletop Exercise bilang parte ng partipasyon natin sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2020.

 

• Vehicular Extrication Training

 

Noong September 16 at 17, nagsagawa ng libreng Vehicular Training para sa Bayambang DRRM rescuers ang EPP Fire Safety and Rescue Equipment sa MDRRMO Conference Room. Sa training ay tinuruan ang mga rescuers ng tamang paggamit ng biniling rescue equipment at kung paano ang tamang pagresponde kapag may vehicular accidents.

 

• National Disaster Resilience Month 2020

 

Kasabay din nito ang pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2020, na may temang “Sama-samang Pagsulong Tungo sa Katatagan sa Gitna ng Bagong Normal.” Ito ay nagpapaalala ng kahalagahan ng pagkakaisa lalo ngayong tayo ay may kinakaharap na pandemya.

 

• MDRRMO, Rumisponde sa Insidente ng Buhawi

 

Rumisponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa isang insidente ng buhawi sa Brgy. Manambong Parte na nanalasa sa kabahayan at kabukiran doon noong gabi ng April 27. Ayon by MDRRM Officer Genevieve U. Benebe, ang 17 na kabahayan na apektado ng buhawi ay binigyan ng relief packs ng MDRRMO sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office. Nakatakda ring bumisita ang lokal na Agriculture Office doon upang gumawa ng damage assessment sa mga pananim.

 

• Preparation for Typhoon Rolly

 

Dahil sa banta ng Bagyong Rolly, ang Bayambang MDRRMC ay puspusan ang naging paghahanda sa pamamagitan ng pagpupulong, tuluy-tuloy na pagmonitor sa lebel ng Agno River, pagpeprepara ng mga rescue equipment, at paglilinis sa mga evacuation centers.

 

• MCTQ Activates ICS

 

Pagdating ng October 31 ay kaagad na inactivate ni Mayor Cezar Quiambao ang Incident Command System ng LGU-Bayambang upang magkaroon ng initial response at assessment sa sitwasyon.

 

Bunsod nito ay nagsagawa naman ng Incident Briefing ang MDRRMC, kasama ang BFP at barangay officials, upang talakayin ang tungkol sa relief goods, evacaution centers, at required manpower.

 

• MDRRMC Completes ICS Round

 

Sa unang pagkakataon, nagamit nang husto ang Incident Management Team sa ilalim ng Incident Command System upang magkaroon ng sapat ng pagplano at paghahanda sa parating na bagyo. Ito ang unang pagkakataon na nakumpleto ang isang round ng mga briefing at pagpupulong sa ilalim ng Incident Command System, at dito napag-alaman ang extent ng damage sa mga pananim ng pagbahang dala ng nauna pang bagyo na pinalala ng Typhoon Rolly.

 

• Post-Disaster Needs Assessment

 

Noong November 13, inumpisahan ng MDRRM Office ang kanilang Post-Disaster Needs Assessment upang makita kung aling mga lugar ang sinalanta ng Bagyong Ulysses at makita kung sinu-sino ang nangangailangan ng agarang tulong. Kanilang vinalidate ang mga nakalap na reports sa pamamagitan ng isang serye ng ocular inspections sa mga nasalantang lugar.

 

• MDRRMO Radio Communication Tower

 

Itinayo ng MDRRMO ang Radio Communication Tower nito. Layunin ng proyektong ito ang mapabilis ang komunikasyon sa pagitan ng 77 barangays ng Bayambang at ng mga departamento at ahensya ng pamahalaan sa panahon ng sakuna. Nagtayo rin ng perimeter fence para sa radio communication tower nito upang masigurong ligtas ang pasilidad sa anumang banta sa seguridad.

 

• 4Q NSED

 

Noong November 27, nakipagcoordinate ang MDRRMO sa mga elementary schools ng Bayambang para idaos online ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Ito ay tinawag na Virtual Tabletop Exercise. Pagkatapos ay nagkaroon ng awarding ceremony para sa top 3 schools na pinakamaagang nagsumite ng kanilang datos.

 

• MDRRMO Goes to Isabela for Relief Operation

 

Noong December 18, bumyahe patungong Sta. Maria, Isabela, ang MDRRMO, RHU, MSWDO, at Budget Office upang dalhin doon ang mga relief goods na nakalap para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

 

 

• Anti-COVID-19 Response

 

- COVID-19 Task Force, Binuo

 

 Noong February 10 pa lang ay bumuo na tayo ng COVID Task Force kasama ang mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) base sa guidelines ng DILG. Ang Task Force na ito ang nangunguna sa ating mga effort para labanan ang pandemic na ating kinakaharap.

 

- Big Events Canceled

 

Kinansela natin ang mga malalaking event katulad ng Love Concert at Fiesta 2020. Ang mga event naman katulad ng Mass Wedding na hindi na maaaring i-kansela ay istrikto nating sinunod ang protocols at preventative measures para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

 

- Disinfection Around the Town; Distribution of Disinfectant Solutions, Alcohol, PPEs, Thermal Scanners

 

Simula ng i-implementa ni Pangulong Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ay tuloy-tuloy ang mga ahensya ng munisipyo sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), at sa tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Motorpool, sa pag-disinfect sa buong bayan. Nagpamigay rin ng disinfectant solutions at alcohol sa munisipyo at sa mga barangay, at mga PPEs at thermal scanners para sa mga frontliners.

 

'Di kalaunan ay naging tuloy-tuloy ang pag-decontaminate natin sa buong Bayambang, lalo sa mga apektadong barangay at sa mga ma-taong lugar, para masiguro na malinis ang ating bayan.

 

- Enforcement of ECQ Guidelines

 

Katuwang ang PNP-Bayambang ay nagpapatupad tayo ng mga batas upang mapigilan ang pagkalat ng virus katulad ng mga sumusunod: curfew, checkpoint sa lahat ng borders sa tulong ng Agriculture Office, pagsasara ng ilang establishments, pagkakaroon ng skeletal workforce, at pagsuspinde sa mass transport.

 

- Orientation on 2019 nCoV

 

Para sa kahandaan ng bayan ng Bayambang, nagkaroon ng oryentasyon ang lahat ng kapitan ukol sa 2019 Corona Virus Disease o COVID-19 sa Sangguniang Bayan Session Hall noong February 13. Inabisuhan ni Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo, Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista, at Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Genevieve Benebe ang mga kapitan ukol sa mga mga maaaring gawin para maiwasan ang pagdating ng COVID-19 sa Bayambang. Kabilang dito ang madalas na paghugas sa kamay, pag-iwas sa mga nagpapakita ng sintomas katulad ng ubo, sipon at lagnat, at tamang pagluluto ng mga pagkain.

 

Idinetalye ni Atty. Bautista ang pagbalangkas ng Executive Order No. 9, s. 2020, upang bumuo ng Task Force for Severe Contagious Human Diseases bilang paghahanda upang makontrol at maiwasan ang paglaganap ng nakahahawang sakit sa bayan ng Bayambang. Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng bawat barangay ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT na binubuo ng mga Brgy. Tanod at BHW.

 

- Town-Wide Lockdown after Recorded Fatalities

 

Noong March 20 ay pumanaw ang unang Bayambangueño na may kumpirmadong kaso ng COVID sa ating bayan. Nang nalaman natin ang kanyang resulta ay agad tayong nagpatupad ng lockdown sa buong Bayambang at sa 43 na barangay. Nagsagawa na rin ang RHU ng contact tracing simula noong March 13 pa lamang ng napag-alaman na ang ating “doktor ng bayan” ay dinala sa ospital matapos makitaan ng mga sintomas nito.

 

Noon namang March 28 ay naitala natin ang pangalawang COVID-related case kung saan ang asawa ng unang biktima, na considered as Person Under Investigation (PUI), ay pumanaw rin.

 

- Market Schedule, Mobile Market

 

Nag-iimplementa rin tayo ng Market Schedule at nagpapalibot ng Mobile Market para mapigilan ang pagtitipon ng maraming tao sa ating Pamilihang Bayan.

 

- Price Freeze sa mga Pangunahing Bilihin

 

Inanunsiyo ng tanggapan ng Special Economic Enterprise ang pag-iral ng price freeze sa mga basic commodities sa panahon ng pandemya. Upang maiwasan ang overpricing, kanilang inoobliga ang mga tindero at tindera na maglagay ng price tag sa kanilang mga paninda. Kasama naman ang DTI, naglibot din ang SEE sa lahat ng mga parmasya sa bayan upang mamonitor din ang presyo ng kanilang mga gamot at iba pang produkto.

 

- 3 Waves of Relief Pack Distribution to all Households and Special Groups

 

Sa pangunguna ng ating MSWDO at sa pagtutulungan ng lahat ng LGU departments at volunteer LGU employees, nakapagbigay na tayo ng relief packs sa lahat ng 35,000 na households sa buong Bayambang. Nakatanggap rin tayo ng tulong mula sa Provincial Government at sa DSWD Region 1.

 

Nagkaroon ng 2nd wave ng ating relief operations para makapag-bigay na muli ng tulong sa mga Bayambangueño.

 

Naglunsad naman ng Supplementary Feeding Program sa pangunguna ng ating Nutrition Office para matutukan ang isang libong malnourished children. 4000 food packs ang ipinamahagi sa kanila para mabigyan sila ng nutrisyon ngayong mayroong community quarantine.

 

Kinuha ang serbisyo ng Kusina ng Balon Bayambang para sa araw-araw na pagluluto ng pagkain para sa ating frontliners. Maraming salamat din sa lahat ng mga Bayambangueño na maganda ang loob na nagbibigay rin ng pagkain sa ating mga frontliners na isinusugal ang kanilang mga buhay upang mapaglingkuran ang ating mga kababayan.

 

- Distribution of Vitamins and Medicine

 

Para sa inyong proteksyon ay namahagi tayo ng mga vitamins at gamot na nagkakahalagang P400,000. Ang mga ito ay ipinamahagi sa mga punong barangay at sa mga kababayan nating nasa frontlines.

 

- Inventory of SAP Beneficiaries

 

Nagsimula na rin ang ating mga Punong Barangay, sa tulong ng ating Social Welfare Office, Municipal Agriculture Office, at Public Employment Services Office, sa pagdetermina ng mga makakatanggap ng cash assistance mula sa Social Amelioration Program ng gobyerno. Ang bayan ng Bayambang ay may 16,000 beneficiaries na approved ng DSWD. Ito ay hinati-hati natin sa 77 barangays ng bayan, at base sa ibinabang guidelines ng national government, tayo ay tinutulungan ng mga punong barangay na mailista ang mga kwalipikadong mga pamilya na maaring makatanggap ng P5,500. Ito ay para masiguro na may pambili ng mga pangangailangan ang lahat habang pinapatupad pa ang community quarantine sa buong Luzon.

 

- Intensive IEC through Social Media, Teleconsultation, Bayambang COVID Hotline, Etc.

 

 Pinaigting ang komunikasyon gamit ang cellphone at social media.

 

Naglunsad ng teleconsultation ang ating Rural Health Unit.

 

Naglunsad din ng Bayambang COVID Hotline kung saan pwedeng tumawag ang mga may katanungan ukol sa coronavirus.

 

Patuloy rin ang pag-update sa ating Facebook page ukol sa mga latest updates tungkol sa COVID. Nanawagan ang lokal napamahalaan sa ating mga kababayan na maging matalino at mapanuri sa social media, na huwag kaagad maniwala sa mga fake news upang maiwasan ang mga kalituhan at pag-papanic.

 

Inabisuhan ang lahat na laging panatilihing malinis ang paligid at pangangatawan, hugasang mabuti ang mga kamay, kumain ng wasto, at iwasan munang makihalubilo sa matataong lugar, kaagad na magpacheck-up kung may nararamdamang mga sintomas, at iwasan ang magpanic-buying para sa kapanatagan ng lahat.

 

- San Gabriel 1st Evacuation Center, Converted to Quaratine Facility; Pugo Evacuation Center, Converted to Isolation Facility; Other Isolation Facilities Determined

 

Inayos din natin ang San Gabriel 1st Evacuation Center para maging temporary shelter ng mga Bayambangueño na nanggaling sa ibang lugar dahil sila ay considered as Persons Under Monitoring (PUM). Ang 22 na namalagi doon sa loob ng 14 na araw ay araw-araw minomonitor ng ating RHU at lahat ng pangangailangan nila katulad ng tubig, pagkain, at seguridad ay provided ng LGU, BFP, at PNP.

 

Nakikipag-tulungan din tayo sa mga private establishments para gawing temporary shelter ng mga umuwing OFW ang kanilang lugar para sa kanilang 14-day quarantine. Ito ay upang masiguro na wala silang maiuuwing sakit sa kanilang mga pamilya. Nananawagan po kami sa mga Bayambangueño na kasalukuyang nakatira sa ibang lugar na manatili po muna kayo kung nasaan man kayo. Huwag muna tayong magpumilit na makapasok dito sa Bayambang para hindi na madagdagan ang mga PUM at para maiwasan na ang posibleng pagkalat ng coronavirus dito.

 

- Distribution of Free Food in Isolation Facilities

 

Ang LGU ay nagpamahagi ng libreng pagkain at tubig tatlong beses kada araw sa mga nakaquarantine sa mga community isolation facilities ng bayan.

 

- Markers Inilagay Para sa Physical Distancing

 

Noong May 1 ay naglagay ang Special Economic Enterprise ng mga markers o tanda sa pamilihang bayan upang masiguro na sinusunod ng mga mamimili ang inirekomendang physical distancing. Isa ito sa mga mapapansing pagbabago bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan alinsunod sa tinatawag na “new normal.”

 

- RHU Personnel, Pinaigting ang Thermal Scanning at Disinfection Activities

 

Magsimula noong nagkaroon ng enhanced community quarantine ay hindi na tumigil ang mga kawani ng Rural Health Unit I sa pagbantay sa entrance patungo sa pamilihang bayan upang masigurong lahat ng mamalengke doon ay ligtas sa nakahahawang sakit. Katuwang ng RHU I staff sa trabahong ito ang mga kawani ng Philippine National Police, Public Order and Safety Office, at Special Economic Enterprise.

 

- COVID Cases Controlled

 

Kaagad na naibaba sa zero ang kaso ng COVID-19 sa bayan.  Ito ay nangangahulugang nasa tama tayong direksyon sa pagsugpo sa epidemyang ito.

 

- Recovery Program, Planned

 

Pinaghandaan ng LGU ang mga programa para sa ating muling pagbangon mula sa COVID-19 para pagkatapos ng lahat ng ito ay muli tayong makabangon at patuloy tayong lalaban para sa mas komportableng buhay para sa lahat.

 

Ang Finance Committee kasama ang iba pang mga miyembro ng LGU ay naghanda at pinag-aralang maigi kung papaano maaayos at epektibong magastos ang ating matatanggap na Bayanihan Grant to Cities and Municipalities (BGMC) na nagkakahalaga ng 23M.

 

Ang BPRAT naman ay naghahanda na ng isang Recovery Plan para sa krisis na ating kinakaharap. Isa sa mga ginagawa rin ng grupo ay ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa maaaring program o ayuda na maaaring maibigay sa ating mga kababayan.

 

- Front Desk para sa mga LSI

 

Sa pagtutulungan ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, Rural Health Unit, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Local Government Operations Office, at PNP-Bayambang ay naging sentralisado ang proseso sa pagkuha ng Medical Certificate at Travel Authority para sa locally stranded individuals (LSIs) na uuwi sa kani-kanilang mga bayan o probinsya mula sa Bayambang. Isa itong paraan para maiwasan ang pagdami ng mga tao sa munisipyo at mahigpit na maipatupad ang physical distancing. Parte pa rin ito ng mga ipinapatupad ng LGU-Bayambang para sa kaligtasan ng mga Bayambangueño mula sa COVID-19.

 

- LCR, Naatasan sa Contact Tracing

 

Naatasan ang Local Civil Registry sa ilalim ni Ismael Malicdem Jr. na mangalap ng impormasyon sa lahat ng papasok sa Municipal Compound upang maging sistematiko at mas mapadali ang contact tracing kung sakaling may magpositibo sa mga kliyente at bisita ng LGU.

 

- Isolation Units ng Bayambang, Aprubado ng DOH Center for Health Development I

 

Inaprubahan ng Department of Health-Center for Health Development-Region I (San Fernando City, La Union) ang dalawang isolation facilities ng Bayambang sa San Gabriel 1st Evacuation Center at Pugo Evacuation Center para sa mga umuwing residente na kinukonsiderang "suspected and probable COVID-19 cases with mild symptoms." Ang sertipikasyon ay inilabas noong June 8 ni DOH-CHD-I Director, Dr. Valeriano Jesus Lopez.

 

- Frontliners, Sumailaim sa Rapid Testing Gamit ang Donasyong Testing Kits ni Mayor Quiambao

 

Sumailalim sa Rapid Diagnostic Test (RDT) para sa COVID-19 ang mga frontliner na myembro ng PNP-Bayambang at ilang mga opisina ng Lokal na Pamahalaan. Gamit ang mga rapid test kits na donasyon ni Mayor Quiambao, at sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo at ng Rural Health Unit ay lumabas na negatibo sa COVID-19 ang 49 na mga frontliners. Ito ay para sa kaligtasan nila at kaligtasan ng mga Bayambangueño dahil sa araw-araw na pagkaka-expose nila sa publiko.

 

- Orientasyon para sa Accommodation Establishments

 

Noong June 17, pinulong ni Municipal Supervising Tourism Operations Officer Rafael Saygo ang mga accommodation establishment owners at managers ng bayan upang ipaliwanag ang mga guidelines na kailangang sundin ngayong nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine o MGCQ ang Bayambang. Ipinaalam sa kanila ang mga paraan upang makakuha ng accreditation mula sa Department of Tourism, at ang public health standards na dapat iimplementa sa kanilang muling pagbubukas.

 

- Mga Establisimyento, Ininspeksyon Ukol sa Health Protocols

 

Nag-spot checking inspection ang Rural Health Unit, kasama ang kapulisan, sa mga grocery store at iba pang establisimyento kung ang mga ito ay sumusunod pa rin sa mga patakaran gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask, at paglalagay ng alcohol o sanitizer rub at foot o shoe bath sa entrance. Ayon kay Municipal Health Officer Dra. Paz Vallo, kinakailangang sundin ang minimum health standards upang ang ating mga sakripisyo sa 2-month quarantine ay hindi masayang.

 

Naglibot din sa iba’t ibang establishments sina Sanitary Inspector Danilo Rebamontan, kasama si Public Order and Safety Officer Col. Vivencio Ramos, noong para mag-inspeksyon kung sila ay nag-iimplementa ng public health standards at para masiguro ang kalinisan at pagsunod ng mga food establishments sa direktiba na 50% occupancy. Ang mga ito ay alinsunod sa guidelines ngayong nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bayan. Parte ito ng mga aksyon ng Lokal na Pamahalaan para mapanatiling ligtas ang mga Bayambangueño mula sa COVID-19.

 

- BNHS, Itinalaga Bilang Temporary Quarantine Facility Para sa mga LSIs

 

Noong May 15, nag-umpisang italaga ng lokal na pamahalaan ang Bayambang National High School bilang pansamantalang quarantine facility para sa mga locally stranded individuals o LSIs na umuwi ng walang kaukulang dokumento. Ito ay mga paraan upang masigurong nananatiling ligtas sa nakahahawang sakit ang mga Bayambangueño sa panahon ng general community quarantine.

 

- Rapid Testing ng mga LSIs

 

Tuluy-tuloy ang Rural Health Unit sa ilalim ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, sa pag-conduct ng rapid testing sa mga locally stranded individuals gamit ang test kits na donasyon ni Mayor Cezar T. Quiambao. Ang testing ay ginaganap sa Bayambang National High School Gymnasium sa tulong ni BNHS Principal Virgil Gomez.

 

- Sari-saring Donasyon, Tinanggap ng LGU

 

Sari-saring donasyon and Tinanggap ng LGU mula sa iba’t ibang grupo at indibidwal, kabilang ang Bayambang Association of Southern California, BNHS Batch '80 at ‘68, Iglesia ni Kristo, atbp.

 

- Donasyon sa  SK Federation Mula kina Vice Mayor at Councilors

 

Nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan Federation kay Vice Mayor Raul  Sabangan sa donasyon nitong isang trak ng manok at kina Councilor Benjie de Vera at Levinson Uy sa donasyon nilang saku-sakong bigas para sa bayanihan drive ng Sangguniang Kabataan ng iba’t-ibang barangay.

 

- Sanitization ng MDRRMO, Nagtuluy-Tuloy

 

Nagsagawa ang MDRRMO ng information campaign para sa mga kapitan noong July 3 bilang parte ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2020 na may temang “Sama-samang pagsulong tungo sa katatagan sa gitna ng bagong normal.” Sila rin ay nagpamahagi ng  tarpulin ukol sa mga alintunin sa panahon ng kalamidad.

 

Kasabay nito ay patuloy ang MDRRMO sa pag-disinfect at sanitation sa pubblic spaces tulad ng mga parking lot at Municipal Hall upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Bayambangueño.

 

Atin ding dinecontaminate ng regular ang mga isolation facilities sa pagtutulungan ng MDRRMC at BFP. Buong araw ang ginawang paglilinis kabilang na ang pagbomba sa mga palikuran at kanal ng mga evacuation center.

 

Patuloy ang Office of Special Economic Enterprise sa kanilang regular na disinfection at clean-up drive sa ating Public Market upang siguraduhin naman ang kaligtasan ng ating mga mamimili.

 

- Contact Tracing Team Webinar, Dinaluhan ng mga Punong Barangay

 

Sama-samang dumalo ang mga Punong Barangay ng Bayambang sa Contact Tracing Team Webinar noong July 3 sa Events Center sa pag-oorganisa ng Municipal Local Government Operations Office. Doon ay tinuruan sila kung papaano ang pagsagawa ng contact tracing kung sakaling may naapektuhan ng COVID-19 sa kanilang barangay. Ipinaliwanag naman muli sa mga Punong Barangay ang guidelines dahil nananatili pa rin sa MGCQ ang Bayambang. Kasabay nito ang information and education campaign sa pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month ngayong buwan ng Hulyo.

 

- MGCQ Guidelines, Mahigpit na Ipinatupad

 

Noong July 7, limampu’t limang menor de edad ang hinuli ng Bayambang Police Station, sa pangunguna ni PLtCol Norman Florentino, dahil sa paglabag sa curfew at sa public health standards ng DOH. Ipinaalala sa lahat na ipinagbabawal pa rin sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang paglabas ng mga kabataan na edad 20 pababa at mga senior citizen na may edad 60 pataas, at kasalukuyan pa ring ipinatutupad ang curfew para sa mga non-workers mula 8PM hanggang 5AM. Ito ay para sa kaligtasan ng lahat ng Bayambangueño.

 

- 3rd Wave Relief Distribution para sa MSMEs

 

Noong July 14, 2020, nagsimulang mamahagi ng relief goods ang Quiambao-Sabangan administration kasama ng MDRRMO, MSWDO at SEE na nakalaan para sa micro-, small, and medium enterprises (MSMEs). Ang bawat relief pack ay naglalaman ng limang kilong bigas, isang pakete ng noodles, dalawang lata ng sardinas, apat na pakete ng powdered milk, tatlong  pakete ng 3-in-1 coffee, at dalawang pakete ng biskwit.

 

- 3rd Wave Relief Distribution para sa TODA Members

 

Noong July 18, inumpisahan ang pamamahagi ng relief packs para sa myembro ng Bayambang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Events Center. Ito ay pinangunahan ng MSWDO kasama ng MDRRMO.

 

- Relief Distribution para sa mga PWDs

 

Di rin pinabayaan ng MSWDO ang mga PWDs pagdating sa special relief distribution dahil sila ang pinakaapektado ng mga quarantine at lockdown restrictions.

 

- Bagong Daan Diretso sa Evacuation Centers

 

Gumawa ng daan ang Engineering Office mula Brgy. Wawa hanggang sa San Gabriel 1st Evacuation Center at Pugo Evacuation Center upang masiguro na wala nang bahay ang madadaanan sa pagdala sa mga Bayambangueño na PUM o PUI at mas mapadali sa mga frontliner ang pagpunta sa mga pasilidad. Sa mga nasabing Evacuation Center dinadala ang mga Bayambangueñong nagmula sa ibang probinsya o bayan upang doon nila makumpleto ang 14-day quarantine para sa kaligtasan ng lahat.

 

- Bayad ng Danyos para sa Wawa-San Gabriel 1st-Pugo Roadline Project

 

Noong June 13, nagpamahagi ng compensation ang LGU sa 24 katao na naapektuhan ang mga lupaing sakahan para sa biglaang konstruksyon ng daan sa Brgy. Wawa patungong San Gabriel 1st at Pugo Evacuation Center. Nagpamigay naman ang MSWDO ng 30 kaban ng bigas sa mga apektadong farmers bilang dagdag-kabayaran. Isinagawa ang biglaang konstruksyon nito bilang parte ng mga programa ng munisipyo upang mas mabilis na makapag-responde sa mga apektado ng COVID-19 ang mga health workers at frontliners.

 

- Graduation Ceremony para sa Natapos ang Quarantine

 

Muling nakasama ng 30 Bayambangueño na nasa Brgy. Pugo Evacuation Center ang kanilang mga pamilya matapos nilang makumpleto ang 14 na araw ng mandatory quarantine noong May 6. Ayon kay Dr. Paz Vallo, nagkaroon ng isang simpleng 'graduation ceremony' sa lugar kung saan nakatanggap ang mga 'graduates' ng certificate.

 

- Mental Health Counseling para sa PUMs

 

Noong August 12, nagsagawa ng mental health awareness campaign at counselling session ang RHU I sa Pugo quarantine facility, kasama ang mga nurse na sina Grace Abiang, Erik Macaranas, at Eurika Fernandez. Ang mga nakaquarantine ay sumailalim sa mental health assessment kaugnay ng kanilang sitwasyon. At ang mga dumaranas ng stress ay dumaan sa counseling. Ang mga nakitaan ng problema ay nakatakdang i-followup ng counselling team.

 

- Fresh Fruits para sa Na-Quarantine na Paslit

 

Kada linggo ay namimigay ang Nutrition Office, sa tulong ng MDRRMO, ng mga prutas para sa mga batang nasa quarantine facility sa kasalukuyan. Ayon sa Nutrition Office, kailangan ng mga naturang kabataan ang bitamina at mineral mula sa sariwang prutas upang manatiling malusog at maiwasan ang vitamin deficiency habang nakaquarantine.

 

- IEC in Pugo Quarantine Facility

 

Noong August 27, nagpunta ang RHU I sa Pugo Quarantine Facility para magsagawa ng information and education campaign para sa mga locally stranded individuals doon tungkol sa COVID-19 transmission and prevention, ang kahalagahan ng disiplina, mga health programs ng RHU, at minimum health standards.

 

- IEC sa mga Apektadong Barangay

 

Noong September 2, nagtungo ang Bayambang IATF sa tatlong barangay na kung saan nagkaroon ng latest na kaso ng COVID-19 upang magsagawa ng information and education campaign.

 

Sina Municipal Health Officer Dra. Paz Vallo, PNP-Bayambang Chief PLtCol. Norman Florentino, Rural Health Physician Dra. Adrienne Estrada, at Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario ay nagbigay ng update sa Brgy. Ambayat 1st, Managos, at Darawey ukol sa mga pasyente na taga-barangay at tinalakay kung paano iiwasang makahawa at ano ang dapat gawin kung nagkaroon ng kaso sa barangay.

 

- Paghuli sa Violators

 

Upang masiguro na nasusunod ng publiko ang health protocols ay lalong maghihigpit ang munisipyo at ang PNP-Bayambang sa pag-implementa ng mga batas para sa kaligtasan ng mga Bayambangueño. Simula September 2 ay manghuhuli na ang PNP-Bayambang, POSO at S.E.E. ng mga lumalabag sa curfew, hindi nagsusuot ng face mask at face shield, at hindi sumusunod sa physical distancing alinsunod sa IATF Resolution at Municipal Ordinance.

 

Ang paglabag sa minimum health standards na iniutos ng DOH at World Health Organization ang siyang nagsusuong sa panganib sa buhay at kalusugan ng lahat ng ating nakakasalamuha. Sapagkat nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, disiplina at kooperasyon ng bawat isa ang kinakailangan, upang hindi na tayo dumagdag pa sa lumulobong kaso ng COVID-19 sa bayan at sa bansa.

 

- Granular Lockdown in 5 Barangays per EO 45

 

Noong September 9, inilabas ni Mayor Cezar Quiambao ang Executive Order No. 45, na nag-uutos ng isang granular lockdown sa limang barangay na may kaso ng COVID-19, kabilang ang Cadre Site, Darawey, Tambac, Bical Norte at Purok 3 ng Ambayat 1st. Kasama rito ay ang temporaryong pagsasara ng Block III ng Public Market at ng mga sementeryo sa darating na Undas, at iba pang restrictions. Ito ay upang makatulong sa pag-kontrol ng biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Bayambang. Ang emergency action na ito ay kaagad namang inaprubahan ng IATF.

 

- Medical Certificate, Makakakuha na rin sa RHU 2 & 3

 

Noong September 24, nag-umpisa na ring mag-issue ng medical certificate ang RHU 2 (Wawa) at RHU 3 (Carungay) upang makatulong sa RHU 1. Sa ganitong paraan ay nabawasan ang haba ng pila ng mga nag-aapply para sa Quarantine Pass, Travel Pass, at Travel Authority.

 

• Orientation on E.O. 52

 

Noong September 19 ay nagkaroon ng Public Orientation on Executive Order No. 52 via Facebook Live sa Balon Bayambang Events Center upang ipaliwanag sa madla ang mga detalyeng nakapaloob sa naturang E.O. Nilalayon ng E.O. # 52 na makatulong apulain ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Bayambang bilang pagsunod sa latest memorandum mula PNP-Pangasinan Provincial Office. Pinangunahan ang naturang orientation ng Bayambang Inter-Agency Task Force kabilang si Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo; PNP-Bayambang Chief, PLtCol. Norman Florentino; at Municipal Tourism Supervising Officer Rafael Saygo.

 

- PNP Contact Tracing Seminar

 

Noong August 20, umattend si Mayor Cezar Quiambao sa isang Contact Tracing seminar ng PNP sa Niña's Café. Doon ay ipinaliwanag ni PNP-Bayambang Chief PLtCol Norman Florentino ang Magalong model of contact tracing sa mga Chief of Police at Municipal Health Officers ng 3rd congressional district ng Pangasinan. Natalakay sa seminar ang mga epektibong istratehiya kung paano isagawa sa ating bayan ang contact tracing na nadevelop ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Kung masusunod ang mga istratehiyang ito ay maiiwasan natin na makahawa ang isang taong apektado na ng nakamamatay na sakit na COVID-19.

 

- Temporary Public Market, Itinayo sa Bani

 

Bilang parte ng pagresponde ng LGU sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bayan, kaagad na isinara ang Pamilihang Bayan noong gabi ng Agosto 31 at pansamantalang ginamit ang maluwag na espasyo sa Brgy. Bani. Doon nagtayo ng alternatibong pamilihan kung saan ibang mga tindera ang itinalaga. Nilinisan at dinisinfect ang Public Market ng mga kawani ng Special Economic Enterprise (SEE) at MDRRMO, at kaagad ding sumailaim sa 5-day quarantine at rapid testing ang mga nakasalamuha ng nagpositibong pasyente.

 

- Libreng Face Masks at Face Shields

 

Pagdating ng September 2020, sa tulong ng Team Quiambao-Sabangan, libu-libong face mask at face shield na ang naipamahagi ng MDRRMO. Nauna nilang binigyan -- kasama ng alcohol at disinfectant solution -- ang lahat ng frontliners: LGU employees, pati na rin ang mga kawani ng PNP, BFP, DILG at iba pang national offices. Binigyan din ang lahat ng barangay officials, kabilang na ang mga tanod, BHWs, day care workers, at nutrition scholars ng 77 barangays.Binigyan din ng MDRRMO ang lahat ng market vendors, mga taga-ANCOP Ville at mahigit 6,000 na kasapi sa 4Ps, at pati na rin ang lahat ng nahuli na walang face shield at face mask. Bukod pa rito ay namigay din ang MDRRMO ng kumpletong standard PPE para sa lahat ng frontliners na naka-assign sa mga COVID-19-positive na pasyente.

 

- Public School Decontamination

 

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa October 5, nagsagawa ng decontamination ang MDRRMC kasama ng BFP sa mga pampublikong eskwelahan ng Bayambang. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga guro papasok at mga magulang ng mga mag-aaral na siyang kukuha ng learning modules.

 

- Improvement Works at San Gabriel 1st Isolation Facility

 

Nagsagawa ang MDRRMO ng malawakang renovation work sa San Gabriel 1st Community Isolation Facility. Sila ay naglinis, nagdisinfect, nagpintura, nag-ayos ng electrical wiring, at nagkumpuni ng nasirang permiter fence ng pasilidad. Pinasemento din ang daan at nirepair ang canopy sa may entrance, bukod sa iba pang improvement works. Sila rin ay nanguha ng mga seedlings ng sa Municipal Nursery upang itanim ang mga ito roon.

 

- Ambulance Policy

 

Noong November 17 sa Events Center, tinalakay ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, sa POSO staff ang Policy on Ambulance Use na binalangkas ni Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. base sa rekomendasyon ng POSO. Ito ay upang malinawan ang POSO staff kung kailan nararapat gumamit ng ambulansya, para kanino ito, at kung aling mga sitwasyon, para maiwasan ang di karapat-dapat na paggamit sa serbisyong ito ng LGU.

 

- Mass Testing of Frontliners Using New Antigen Test

 

Noong November 14 at 15, ang RHU ay nagsagawa ng mass testing gamit ang antigen test na may 83%-86% accuracy. Ito ay bahagi pa rin ng patuloy na pagprotekta ng LGU sa ating mga frontline workers.

 

- Health Workers, Walang Tigil sa Serbisyo

 

Kahit Sabado o Linggo ay patuloy ang mga health workers ng RHU sa pag-duty upang ma-assess ang mga incoming returnees mula sa iba't-ibang rehiyon upang patuloy na maprotektahan ang mga Bayambangueños mula sa nakamamatay na virus. 

 

Kahit noong magkaroon ng long weekend sa panahon ng Kapaskuhan ay tuluy-tuloy ang trabaho ng RHU, kasama ng PNP, upang masiguro na ligtas sa COVID-19 ang bayan ng Bayambang. Kanilang matiyagang inassess ang papeles at chineck-up ang lampas sa 100 na mga kababayan nating locally stranded individual at nais nang umuwi. Ang tatlong walang dalang papeles ay kaagad na dinala sa Pugo quarantine facility.

 

VI.               ENVIRONMENTAL MANAGEMENT

 

  ESWMO Project: Bag at Bayong na Gawa sa Plastic Straw

 

Patuloy ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance #19 o ang pagbabawal sa paggamit ng mga single-use plastics sa bayan ng Bayambang. Bilang pagpapaigting sa ordinansang ito, ang mga staff ng ESWMO ay gumagawa ng mga bag at bayong gamit ang mga plastic straws bilang alternatibo sa mga sando bag na ginagamit sa pamamalengke. Pinayuhan din ng departamento ang lahat na sumunod sa "Bring Your Own Bag" policy.

 

• Sila ay Frontliners Din

 

Ang mga kawani ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) ay maituturing ding frontliners sa panahong ito ng pandemya. Sa kanilang araw-araw na tungkulin bilang garbage collectors, sorters, at organic soil enhancers, sila ay humaharap din sa panganib sa nakahahawang sakit. Nagpapasalamat ang ESWMO kay Mayor Cezar Quiambao at Mayora Niña Jose-Quiambao sa pamimigay ng personal protective equipment (PPE) sa mga frontliners ng ESWMO.

 

• Libreng Eco-Bags, Ipinamahagi sa Mamimili

 

Simula June 21 ay nagpamahagi ng daan-daang libreng eco-bags ang Ecological Solid Waste Management Office sa mga namamalengke sa Bayambang Public Market. Ang mga reusable bags ay dinonate ng Magic Supermarket at Puregold. Ito ay parte ng pagsulong ng ESWMO sa kanilang "Bring Your Own Bag" policy upang maiwasan ng mga mamimili ang paggamit ng single-use plastics na siyang malimit na dahilan ng pagbara sa ating mga drainage system.

 

• ESWMO, Kaisa sa Pagdiriwang ng National Environment Month

 

Bilang pagdiriwang sa Environment Month 2020 sa buwan ng Hunyo, nakiisa ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa pagsasagawa ng sabayang clean-up activity sa buong bansa. Noong June 26, sa temang "Environment During Pandemic: #WeCleanAsOne", nagsama-sama ang mga pinuno at kawani ng ESWMO sa tulong ng mga kawani ng Office of Special Economic Enterprise at ng Zone I Barangay Council upang linisin ang Pamilihang Bayan.

 

• Bring Your Own Bag Policy ng ESWMO

 

Sa ikatlong pagkakataon ay muling nagpamigay ang Solid Waste Management Office ng pulyetos at libreng eco-bags sa mga mamimili ng Public Market. Ito ay programa ng ESWMO upang maisulong ang pagpapatupad ng kanilang "Bring Your Own Bag" policy at bilang pagpapaigting sa implementasyon ng ordinansang nagreregula sa paggamit ng cellophane, plastic sando bag at styrofoam sa bayan ng Bayambang.

 

• Oplan 'Night Wolf'

 

Nagsagawa ng Oplan 'Night Wolf' ang ESWMO-Bayambang kasama ang apat na barangay ng Telbang, Sangcagulis, Buayaen, at Dusoc para mahuli at masawata ang mga ilegal na nagtatapon at nag-iiwan ng mga saku-sakong basura tuwing gabi at madaling araw sa Telbang-Sangcagulis-Buayaen-Dusoc Road. Nagtulung-tulong ang mga barangay officials ng naturang apat na barangay kasama ang mga enforcers ng ESWMO sa operasyong ito para pananatiling malinis ang bayan ng Bayambang at ng kani-kanilang nasasakupang barangay.

 

• Libreng Shredder at Composter Mula EMB

 

Napiling recipient ang Bayambang Materials Recovery Facility ng isang bagong shredder at composter mula sa Environmental Management Bureau-Region I ng Department of the Environment and Natural Resources. Ito ay dahil sa magandang record ng Bayambang sa waste generation at organic compost production at sa laki ng populasyon.

 

• MRF, "Very Good" at “Compliant”

 

Noong October 14, bumisita sa ating Materials Recovery Facility sa Brgy. Dusoc ang Environmental Management Officer na si Philip Matthew Licop ng DENR-Environmental Management Bureau-Region 1 upang magmonitor at magvalidate sa pasilidad kung ito ay compliant at functional. Nakatanggap ng "Very Good" at “Compliant” rating ang Bayambang MRF matapos makitang kumpleto ang lahat ng records nito at maayos ang lahat ng sulok ng pasilidad.

 

• P200K DENR Grant para sa Toxic Waste Containment

 

Noong October 20, tinanggap ng Ecological Solid Waste Management Office ang P200,000 MRF Fund Assistance mula sa DENR Region 1 sa San Fernando City, La Union. Gagamitin ang pondo sa pagpapagawa ng temporary containment area para sa toxic o hazardous waste. Ang apat na lungsod at dalawang munisipyo lamang sa Pangasinan ang naging benepisyaryo sa buong probinsya matapos makapag-comply ang mga ito sa requirements ng DENR.

 

• ALS Tree-Planting Activity

 

Noong November 26, bilang parte ng pagdiriwang ng National Children's Month, nag-organisa ang MSWDO ng isang tree-planting activity sa Manambong Sur kasama ang mga lokal na Alternative Learning System students at sa tulong ng Local Youth Development Office, MDRRMO, SK Federation President, ALS Coordinator, Agriculture Office, at Manambong Sur barangay officials.

 

• Proposed 10-Year Solid Waste Management Plan

 

Sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao at ng buong ESWM Office, matagumpay na dinepensahan ng LGU Bayambang ang 10-Year Solid Waste Management Plan sa DENR-Regional Office 1-Environmental Management Bureau. Ito naman ay agad na inaprubahan kaya asahan na magkakaroon ng mas maayos na sistema sa pagtatapon, pangongolekta at pag-aayos ng mga basura at pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran.

 

• Agno River Rehabilitation Project, Nagpatuloy

 

Noong August 5, nagsimulang ipagpatuloy ng MDRRMO ang Agno River Rehabilitation Project nito sa kooperasyon ng CSFirst Green AID Inc. Ang grupo ay naunang magtanim ng mga kawayan sa Brgy. Amancosiling Norte at Amancosiling Sur kasama ang mga barangay officials. May 188 bamboo seedlings ang kanilang naitanim sa gilid ng Agno River, at ito ay inaasahang makatulong balang araw na mapigilan ang soil erosion sa lugar. Nakatakdang magtanim ng marami pang puno ng kawayan ang MDRRMO sa iba pang barangay sa gilid ng ilog, katulong ang Tourism Office at BPRAT.

 

Noong Setyembre ay nag-umpisa naman ang pagmonitor ng MDRRMO sa kalagayan ng mga itinamin na punong kawayan kasama ang mga naka-assign na caretakers ng proyekto sa lugar.

 

VII.            AWARDS RECEIVED

 

    2019 DILG Seal of Good Financial Housekeeping

LGU-Bayambang makes it to the DILG's official list of passers in the 2019 Seal of Good Financial Housekeeping as of January 31, 2020.

 

    PESO Bayambang, Top Performer in 3 Categories

Muling nagwagi ang PESO Bayambang ng mga parangal, sa ginanap na Regional PESO Congress 2020 sa Clark City, Pampanga, tinanggap ni Bayambang PESO Manager, Dr. Joel Cayabyab, ang mga plake para sa pagiging "top performer" ng PESO Bayambang sa tatlong kategorya. Una ay bilang Regional Winner, at pangalawa, ay bilang Winner for 1st to 2nd Class Municipalities "for having the Highest Number of Participants Covered" sa Career and Employment Coaching sa taong 2019. Ang pangatlong award ay "for having the Highest Number of Institutions Covered" sa Career and Employment Coaching sa taong 2019.

  

•    Certificate of Appreciation for Municipal Cooperative Development Office from the Cooperative Development Authority-Region 1 "for the invaluable support and assistance in supporting the 1st online registered cooperative in 2020 as well as their assistance in promoting cooperative as a tool for poverty reduction" and Certificate of Recognition for the initiative and support services provided to cooperatives especially during the COVID-19 pandemic through the MCDO -- both on the Regional Cooperative Month Celebration, October 16, 2020

 

• Special ADAC Awards 2020

 

DILG-Pangasinan congratulates LGU-Bayambang for sustaining its drug-free status in year 2020, as part of the Special Anti-Drug Abuse Council Awards or ADAC Awards 2020! Thanks to our Municipal Anti-Drug Abuse Council especially PNP-Bayambang, under PLtCol. Norman Florentino!

 

• Congrats, LGU-Bayambang Health Department!

 

Congratulations sa ating buong Health Department sa pagiging 5th place sa 10th Annual Provincial Health Summit and 2019 LGU Scorecard Awarding Ceremony noong December 10, 2020 sa Lingayen, Pangasinan.

 

• ICTO, Wagi Ulit sa Digital Governance Awards 2020

 

Muling nagwagi ang ICT Office ng mga parangal sa ginanap na 2020 Digital Governance Awards ng Department of ICT noong December 11:

 

• Champion – Best in LGU Internal Process Category for Integrated LGU System

 

• 2nd Place – Best Customer Empowerment Category for Market System with Handheld Device and Collection System

 

• Finalist – Best in Business Empowerment Category for Business One-Stop-Shop with Queueing System

 

• RHU, Panalo sa DOH Writing Contest

 

Nagwagi noong December 29 ang Rural Health Units ng Bayambang sa isang writing contest na inilunsad online ng Department of Health-Center for Health and Development Region I. Layunin ng patimpalak na i-highlight ang best practices ng iba't-ibang LGU sa implementasyon ng measles, rubella, and oral polio vaccine supplemental immunization activity (MR OPV SIA) campaign nito noong November 2020. Ang winning entry ng RHU ay pinamagatang "Conquering the Battlefield as One Army," na tungkol sa kabutihan ng team work upang makamit ang target.


No comments:

Post a Comment