GOOD GOVERNANCE
LGU Employees: "Thank You Mayor & Ma'am Niña!"
Noong nakaraang linggo ay naatasan ang Human Resource Management Office sa pangunguna ni Gng. Nora Zafra na ipamahagi sa mga LGU employees ang pamaskong regalo ng butihing Mayor Cezar T. Quiambao at Ma'am Niña Jose-Quiambao. Lubos siyempre ang pasasalamat ng bawat isa sa mga natanggap na mga libreng uniporme, ilang kilong bigas, at iba pang handog sa mga opisyal ng LGU at kani-kanilang staff. Mula nang pag-upo niya sa 2016 ay nakaugalian na ni Mayor Quiambao ang magdonate ng uniporme at iba pang mga gamit sa mga empleyado ng LGU.
LGU Year-End Assessment & Strategic Planning
Dahil sa pandemya ay minabuti ng pamahalaang lokal na magsagawa ng magkakahiwalay na 2020 Year-End Assessment at 2021 Strategic Planning kada LGU department, di tulad nang nakasanayang minsanan at lahatang pagpupulong. Ito ay upang hindi maging hadlang ang restriksyon sa pagkukumpulan sa pagrerebyu ng mga accomplishments kada department at unit sa taong 2020 at ang pagtatakda ng mga inaasahang output sa bawat kawani sa darating na taon.
LIVELIHOOD
Corn Husk Novelty Items
Nagtungo ang Agricultural Training Institute – Regional Training Center 1 sa Bayambang noong December 1-3 para sa “Barangay-Based Skills Training on Corn Byproducts Utilization: Processing Corn Husk into Novelty Items” na ginanap sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office. Isa ang mais sa pangunahing produkto ng bayan, at sa pamamagitan ng programang ito ay magagamit na ang mga byproduct ng mga mais sa paggawa ng ibang produkto, marami pang mabibigyan ng trabaho para sa paggawa at pagbebenta nito.
Pig Dispersal Project ng RC Bayambang, Nagpatuloy
Rotary Club of Bayambang continues to open opportunities for fellow Bayambangueños. Noong December 16, nagpatuloy ang Rotary Club sa pig dispersal project nito nang ang mga myembro ay magpamahagi ng alagang baboy sa mga napiling benepisyaryo sa Brgy. Hermoza.
EMPLOYMENT
Thank You, Cong. Arenas, for TUPAD Program!
Maagang pamasko ang natanggap ng mga lokal na benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng DOLE, sa ginanap na turnover ceremony noong December 21 sa Balon Bayambang Events Center at Brgy. Dusoc. Ito ay sa pamamagitan ng advance na pasweldo sa kanila kahit na hindi pa natatapos ang labing-anim na araw ng kanilang napagkasunduang serbisyo. Ang programa ay pinangunahan ng Municipal Administrator, BPRAT, PESO-Bayambang at DOLE-Central Pangasinan. Bawat isa sa mahigit na 500 na benepisyaryo ay tumanggap ng P5,500, salamat sa pagdala ng programang ito sa Bayambang ni Congresswoman Arenas.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Tax Bill Distribution
Noong December 2, namahagi ng mga Tax Bill ang Assessor’s Office kasama ang Treasury Office sa mga barangay ng District 2, kabilang ang Bongato East, Bongato West, Iton, Manambong Norte, Manambong Sur, Manambong Parte, Pantol, Paragos, at San Gabriel 2nd.
Problema sa Informal Settlers ng PSU, Tinugunan ng Local Housing Board
Noong December 9, nagsagawa ng pulong sa Balon Bayambang Events Center ang Local Housing Board sa pakikipagtulungan ng Municipal Assessor’s Office at ng mga barangay officials ng Zone 6 tungkol sa lupa ng PSU-Bayambang Campus (PSU-BC) at sa mga informal settlers doon. Ito ay upang maisaayos na ang matagal nang di pagkakaunawaan ng dalawang kampo ukol sa property dispute sa lugar. Sa pagpupulong ay naging mediator ang Municipal Administrator, kasama ang Chief of Police, POSO Chief, Municipal Engineer, Municipal Assessor, at MPDC.
Final Briefing para sa Mangabul Claimants
Noong December 12 ay nagpatawag ng final briefing ang Assessor's Office sa Events Center sa lahat ng bona fide claimant farmers ukol sa awarding ng Mangabul Reservation lots para sa mga ito. Naroon si Mayor Quiambao at Sangguniang Bayan members, kasama ang buong pwersa ng Mangabul Task Force, na kumausap sa mga officers at members ng Federation of Free Farmers-Mangabul Chapter. Natalakay sa final briefing ang ukol sa preparasyon ng tax declaration, pag-check ng legitimacy of ownership, at pagtitulo ng CENR Office base sa inaasahang deklarasyon ng Mangabul Reservation bilang isang alienable at disposable land.
HEALTH
RT-PCR Testing
Noong December 2, nagsagawa ang RHU I ng RT-PCR testing sa San Gabriel 1st Isolation Facility para sa mga naging close contact ng isang COVID-19 patient at ng isang person deprived of liberty. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroon pa rin pong pandemya at kasalukuyan pa rin tayong nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine, kaya't kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat.
Congrats, LGU-Bayambang Health Department!
Congratulations sa ating buong Health Department sa pagiging 5th place sa 10th Annual Provincial Health Summit and 2019 LGU Scorecard Awarding Ceremony noong December 10, 2020 sa Lingayen, Pangasinan.
4Q Blood Drive Yields 113 Bags
Bago matapos ang taon ay nag-organisa ang RHU I at II ng isa na namang Blood Donation Drive noong December 14 sa Events Center, katuwang ang Region I Medical Center, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at Local Council of Women. Kahit may pandemya pa rin ay may 113 bags ng dugo ang nakolekta. Ang mga blood donors ay nakatanggap ng libreng T-shirt mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation. Mayroon din silang karagdagang natanggap na limang kilong bigas mula kay Mayora Niña Jose-Quiambao.
LGU, Quiambao Family Donates P55M Medical Equipment & Supplies
Ang LGU at ang pamilya Quiambao, sa pamamagitan ng Kasama Kita Sa Barangay Foundation, ay nag-donate ng iba't-ibang medical supplies at equipment na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P55M sa Urdaneta District Hospital, Bayambang District Hospital, Pangasinan Provincial Hospital, at Region 1 Medical Center. Sa tulong ng MDRRMO at RHU II, ang mga nasabing donasyon ay matagumpay na naipamahagi sa mga nasabing ospital noong December 16 at 17.
Dr. Fernandez, Outstanding Filipino Physician for 2020
Pinarangalan si Dr. Henry Fernandez bilang Outstanding Filipino Physician for 2020 sa isang online ceremony na idinaos ng Philippine Medical Association at Junior Chamber International Senate Philippines noong December 19. Ito ay bila pagkilala sa kanyang mahabang panahon ng pagsisilbi sa mga kababayan bilang isang duktor ng bayan na walang kapaguran sa pagtulong lalo na sa mga mahihirap.
EDUCATION
Salamat MCTQ sa Nursery Books!
Tuwang-tuwa ang mga Child Development Learners (CDLs) sa donasyong aklat ni Mayor Cezar T. Quiambao. Ang higit 2,000 na "Mathemagic" nursery books ay inumpisahan nang ipamahagi sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga Child Development Workers. Kasabay nito ay ang distribusyon din ng Early Childhood Care Development (ECCD) Checklist galing sa MSWDO. Ang ECCD Checklist ay ginagamit para sa monitoring at assessment ng mga characteristics ng bawat bata.
Mayor CTQ, Nagdonate ng mga Kagamitan sa Modular Learning
Sa Quarterly Meeting ng Local School Board (LSB) sa ilalim ni Dr. Rolando Gloria noong December 9 sa Niñas Café, nag-donate si Mayor Cezar Quiambao sa mga guro ng DepEd Bayambang District I at II ng mga equipment at supplies bilang pagsuporta sa bagong sistema ng edukasyon na modular learning. May 26 na laptop, 26 na printer, 13,000 reams ng coupon bond, at apat na Risograph machines ang naipamahagi gamit ang pondo ng LGU at Special Education Fund, kasama na rito ang donasyong sahod ni Mayor Quiambao. Tinatayang limang milyong piso ang kabuuang halaga ng mga donasyong gamit, na makakatulong upang mapagaan ang pagtuturo ng mga guro sa araw-araw.
Library Information Services Month 2020
Noong Lunes ay tinanggap ng mga nagwagi sa Digital Library Logo-Making Contest ng Bayambang Municipal Library ang kanilang napanalunang premyo. Ayon kay Municipal Librarian Leonarda Allado, ang nanalong entry ay gagamitin bilang official logo ng Municipal Library para sa mga opisyal na transaksyon nito. Ang patimpalak na ito ay parte ng pagdiriwang ng 30th Library Information Services Month 2020.
OTHER SOCIAL SERVICES
Pa-Noche Buena sa Quarantine Facility
Sa tulong ng POSO at MDRRMO na naka-duty sa gitna ng Kapaskuhan, ang ating butihing Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ay nagpahanda ng isang simpleng noche buena para sa lahat ng nasa quarantine facilities ng LGU upang may pagsaluhan ang mga ito sa pagdiriwang ng Pasko.
Drive-Thru Breakfast for a Cause
Noong December 6, naging panauhing pandangal sina Vice-Mayor Raul Sabangan at Councilor Martin Terrado II sa isang Drive-Thru Breakfast for a Cause na isinagawa ng mga lokal na NGOs sa St. Vincent Ferrer Prayer Park kabilang ang MANGOs, Reaction 166-Animal Kingdom Base Radio Communication Group, Xtreme Riders Club Pangasinan, at Bayambang Bayanihan Lions Club Intl. Ang nalikom na salapi sa fund-raising project na ito ay para sa kanilang mga proyekto tulad ng Bahay ni Juan Project, isang housing project para sa mga indigent na residente ng bayan.
Pamaskong Handog sa 77 Barangays
Noong mga nakaraang linggo, sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul Sabangan at mga Sangguniang Bayan members, nilibot ng Team Quiambao-Sabangan ang 77 na barangay ng Bayambang upang maghatid ng munting pamaskong handog. Ang handog na bigas, face shield, face mask, at kalendaryo ay galing sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at pamilya ni Mayor Cezar Quiambao. Hatid din ng team ang mensahe ng pag-asa at ang naisin na masaya pa rin nating sasalubungin ang darating na Pasko at Bagong Taon sa kabila ng pandemya.
Pamaskong Handog sa Kabataan 2020
Year 18 na ang tradisyunal na Pamaskong Handog para sa kabataang Bayambangueño! Ngunit sa halip na magtipon-tipon sa Events Center gaya ng nakagawian, ipinamahagi na lang ng mga Child Development Workers sa kani-kanilang barangay ang mga nasabing Pamaskong Handog na bigay ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. May 2,816 child development learners o daycare pupils ang nakatanggap ng mga regalo na naglalaman ng face mask, loot bag na may laruan, at food pack.
NGOs Give Gifts to CWDs
Sa kasagsagan ng Pasko ay naghatid ng tuwa at saya ang iba't-ibang NGOs ng Bayambang katuwang ang LGU sa mga batang may kapansanan na nakatira sa iba't-ibang barangay. Kabilang sa mga naglibot ang Bayambang Municipal Association of Non-Governmental Organizations, Reaction 166-Animal Kingdom Base Radio Communication Group, Xtreme Riders Club Pangasinan, at Bayambang Bayanihan Lions Club International. Kasama rin sina Vice-Mayor Raul Sabangan at Councilor Philip Dumalanta.
Pamaskong Handog ng LGU sa CWDs
Noong December 28 and 29, 120 na children with disability (CWD) mula sa iba’t=-iang barangay ang tumanggap ng gift packs mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at school supplies mula sa STAC-Bayambang.
TOURISM, CULTURE AND ARTS
Rizal Day 2020
Noong December 30 sa may Rizal Monument, nagdaos ang LGU ng komemorasyon ng Araw ni Rizal sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul Sabangan at mga Sangguniang Bayan members. Dito ay sinariwa ang kadakilaan ng ating pambansang bayani, partikular na ang kontribusyon nito sa pulitika at panitikan. Sa okasyong ito ay hinimok ang lahat ng Bayambangueño na tularan ang mga nagawang kabutihan ni Rizal: ang pag-aalay ng sarili para sa ikauunlad ng bayan.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Thank You Smart sa T-Shirt at Signages
Nag-donate ang Smart Communications ng daan-daang T-shirt para sa mga rehistradong tricycle drivers sa bayan noong December 21, salamat sa pakikipag-ugnayan sa kanila ni Councilor Banjamin Francisco de Vera. Kasabay nito ay ang pag-upgrade ng Smart sa mga signages ng Balon Bayambang Tricycle Terminal. Ang donasyon ay itinurn-over kay Councilor De Vera ng mga kinatawan ng Smart Communications, at nakatakdang ipamahagi ito sa mga drivers sa Tricycle Terminal.
Rehabilitation Program for Drug Surrenderers
Bawat Bayambangueño ay binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mas maayos at magandang pamumuhay, kaya naman sa pagtutulong-tulong ng RHU, PNP-Bayambang, at Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. ay inorganisa ang Community-Based Drug Rehabilitation Program sa Bayambang Events Center noong December 2 upang tulungan ang mga drug surrenderers na tumigil at lumayo sa bisyo para sa mas mabuting kinabukasan para sa kanila at sa kanilang mga pamilya.
MADAC Recovery and Wellness Program
Noong December 29, nagsagawa ng Wellness and Recovery Program ang Municipal Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna ni Col. Norman Florentino, Dr. Paz Vallo, at MLGOO Royolita Rosario. Muling nangaral si Col. Florentino sa mga reformists ukol sa mga dahilan ng pagkalulong sa ilegal na droga. Ang mga nagsipagdalo ay nakatanggap mula kay Mayor Cezar Quiambao ng libreng medical check-up, dental services, haircut, at ilang kilong bigas.
Mga Magnanakaw, Tiklo sa POSO
Sa magkahiwalay na insidente noong December 7 at 9, hinuli ng POSO personnel sa ilalim ni Col. Leonardo Solomon ang dalawang lalaking may dalang sako na may lamang sari-saring grocery items matapos silang nakitang lumalabag sa umiiral na curfew. Napag-alamang taga-Brgy. Bituag, Urbiztondo, ang mga salarin, na umaming ninakaw ang mga grocery items sa pamilihahang bayan. Isang 28 anyos na babae mula sa Brgy. Sancagulis ang sumunod na hinuli dahil sa pagnanakaw ng assorted meat products. Ang mga suspek at nakaw na items ay kaagad na itinurn-over ng POSO sa pulisya.
LTOPF Caravan
Nagsagawa ang Regional Civil Security Unit 1 ng PNP ng isang License to Own and Possess Firearm & Firearm Registration Caravan sa Events Center noong December 17-18 sa tulong ng Bayambang Municipal Police Station at iba't-ibang departamento ng LGU. Malaking tulong ito sa mga lokal na gunowners dahil hindi na nila kailangang magtungo pa sa Camp PBGen. Rafael T. Crame, Quezon City, para sa aplikasyon at renewal ng naturang lisensya.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Post-Evaluation Survey of Farm Machineries
Nag-conduct ng post-evaluation survey ang Municipal Agriculture Office at Municipal Agriculture and Fisheries Council sa mga recipients ng farm machinery ng taong 2018, 2019, at 2020. Sila ay naglibot sa Brgy. Bacnono, Duera, Nalsian Sur, Telbang, Dusoc, Tamaro, Bongato West, Warding, San Gabriel 1st, at Malimpec para mag-inspeksyon, at napag-alamang karamihan sa mga farm machinery ay operational.
BFAR Beneficiaries Receive Cash for Work
Tinanggap na ng 12 benepisyaryo sa Brgy. Warding ang kanilang sweldo para sa Cash-for-Work program na inihandog kamakailan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa kanila.
Anti-Rabies Drive Goes to Cadre Site at Tococ East
Patuloy ang antirabies drive ng Municipal Veterinarian at ng kanyang team sa mga barangay. Sa nakaraang mga araw, sila ay nagbakuna ng mga alagang aso at pusa sa Brgy. Cadre Site at Brgy. Tococ East.
Monitoring of Cornfields
Nagmonitor ang opisina sa mga maisan sa Brgy. Sancagulis upang imbestigahan ang posibleng pagsalanta ng fall army worm sa barangay. Sila ay nag-install ng lure traps upang makakalap ng datos ukol sa naturang peste.
Nag-conduct din ng monitoring and validation ang opisina ng mga recipient sa District 7 ng Asian corn mula sa Department of Agriculture-Regional Field Unit 1 Corn Banner Program matapos mapabalita ang weak growth performance ng mga itinanim na mais sa distrito.
Processing of Corn and Rice Production Loan
Samantala, patuloy ang pagproseso ng tanggapan ng MAO, kasama ang Special Economic Enterprise at Bayambang Poverty Reduction Action Team, para sa corn at rice production loan ng LGU ng mga farmers na nag-avail nito. Sa kasalukuyan ay mayroong 298 loan applications ng local farmers ang pinoproseso, at marami sa mga ito ang aprubado na.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Confiscation of Defective Weighing Scales
Patuloy ang monitoring ng Public Market sa mga timbangan sa palengke at pagkumpiska sa mga nakikitang depektibong weighing scale. Pinaalalahanan din ang publiko na mayroon tayong Timbangang Bayan sa gitna ng Meat Section kung nais ma madouble-check ang nabiling paninda.
Public Market Clearing Operation
Noong December 2 ay nag-clearing operation ang staff ng Office of Special Economic Enterprise upang linisin ang mga nakahambalang na paninda sa Pamilihang Bayan at panatilihin ang kaayusan sa lugar base sa napagkasunduang demarcation line. Kinakailangang panatilihin ang disiplina sa lugar upang patuloy na maging maaliwalas ang pamamalengke ng ating mga mamimili.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Narito naman ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:
Completed: Core Local Access Road in Langiran
Ongoing: Construction of Canopy for PNP-Bayambang Station
Core Local Access Road in Brgy. Malimpec
Core Local Access Road in Brgy. Ambayat 2nd
BayWad, Pinulong Ukol sa DPWH-NSSMP
Noong December 23, pinulong ng LGU, sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao at ng mga Sangguniang Bayan members, ang Bayambang Water District upang talakayin ang programa ng DPWH na National Sewerage and Septage Management Program. Sa ilalim ng programa, nakatakdang sagutin ng DPWH ang 50% ng gastos sa paggawa ng isang maayos na sewerage at septage system sa bayan ng Bayambang. Dito ay dumalo ang lahat ng myembro ng Board of Directors ng BayWad sa pangunguna ni General Manager Francis J. Fernandez.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Proposed 10-Year Solid Waste Management Plan
Sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao at ng buong ESWM Office, matagumpay na dinepensahan ng LGU Bayambang ang 10-Year Solid Waste Management Plan sa DENR-Regional Office 1-Environmental Management Bureau. Ito naman ay agad na inaprubahan kaya asahan na magkakaroon ng mas maayos na sistema sa pagtatapon, pangongolekta at pag-aayos ng mga basura at pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran.
DISASTER RESILIENCY
Improvement Works at San Gabriel 1st Isolation Facility
Puspusan ang pagsasaayos ng MDRRMO sa San Gabriel 1st Isolation Facility upang masigurong malinis ito at maayos para sa mga pasyente roon. Ongoing ang pagsesemento sa daan, pag-repair ng perimeter fence, pagrepair ng canopy sa may entrance, at iba pang improvement works sa pasilidad.
Radio Communication Tower Perimeter Fence
Kasalukuyan ding ipinapagawa ng MDRRMO ang perimeter fence para sa radio communication tower nito upang masigurong ligtas ang pasilidad sa anumang banta sa seguridad.
Validation ng Nasalantang Kabahayan
Patuloy ang MDRRM Office, kasama ang Engineering Office, sa isinasagawang validation ng mga nasirang mga bahay dahil sa nagdaang bagyong Ulysses. Inaasahang mabibigyan ng tulong ng MSWDO ang mga nasalanta matapos ang validation work.
MDRRMO Goes to Isabela for Relief Operation
Noong December 18, bumyahe patungong Sta. Maria, Isabela, ang MDRRMO, RHU, MSWDO, at Budget Office upang dalhin doon ang mga relief goods na nakalap para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
P1.5M na Ayuda mula kay Sen. Imee
Noong December 16-17 sa Events Center at Royal Mall, naghandog ng P1.5M cash na ayuda si Senadora Imee Marcos sa LGU, at ito ay ipinamahagi sa mga lokal na magsasakang apektado ng nakaraang Bagyong Ulysses sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD. May 322 na magsasaka na inassess ng Agriculture Office mula sa listahang isinumite ng mga barangay ang nakatanggap kada isa ng P4,500 na cash. Ang natirang P51,000 ay inilaan na medical assistance para sa 17 katao, na nakatanggap ng P3,000 cash kada isa mula rito.
AWARDS
Special ADAC Awards 2020
DILG-Pangasinan congratulates LGU-Bayambang for sustaining its drug-free status in year 2020, as part of the Special Anti-Drug Abuse Council Awards or ADAC Awards 2020! Thanks to our Municipal Anti-Drug Abuse Council especially PNP-Bayambang, under PLtCol. Norman Florentino!
ICTO, Wagi Ulit sa Digital Governance Awards 2020
Muling nagwagi ang ICT Office ng mga parangal sa ginanap na 2020 Digital Governance Awards ng Department of ICT noong December 11:
Champion – Best in LGU Internal Process Category for Integrated LGU System
2nd Place – Best Customer Empowerment Category for Market System with Handheld Device and Collection System
Finalist – Best in Business Empowerment Category for Business One-Stop-Shop with Queueing System
No comments:
Post a Comment