Monday, August 31, 2020

LGU Accomplishments - August 2020

 SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT


GOOD GOVERNANCE


Project Monitoring Committee, Lumahok sa Webinar


Noong Agosto 5-6 ay lumahok ang Municipal Project Monitoring Committee (PMC) sa isang webinar sa Events Center na inorganisa ng DILG. Layunin ng online seminar na pag-ibayuhin ang kapasidad ng mga myembro ng komite sa implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng Assistance to Municipalities program ng DILG at pagmomonitor ng mga naturang programa lalo na sa gitna ng pandemya. Base sa "new normal," may mga health and safety standards na kailangang sundin upang masiguro ang 'di pagkakahawahan ng mga construction workers sa isang construction project.


2021 LGU Budget Deliberation


Noong August 5-7, dumalo sa isang serye ng budget deliberation ang lahat ng departamento ng LGU sa Ninas Cafe, sa pag-oorganisa ng Budget Office sa ilalim ni Peter Caragan. Naroon ang lahat ng department heads at unit heads upang idepensa sa harap ni Mayor Cezar T. Quiambao ang kani-kanilang proposed budgets sa taong 2021. Ito ay parte ng polisiya ng transparency at good governance ng Quiambao-Sabangan administration.


LGU, Tumulong sa PSU sa Pagbalangkas ng Land Use Plan


Noong August 11, nagtungo ang LGU sa PSU Bayambang upang tulungan ang institusyon sa pagbalangkas ng Land Use Plan nito. Tumutulong ang MPDC sa pag-gabay sa focal person ng PSU ukol sa land use planning. Nagsasagawa naman ang Assessor's Office ng land survey para sa saktong sukat ng PSU property. Ang Engineering Office ay nakatakdang tumulong sa pagsasagawa ng site development plan, kabilang na ang binabalak gawing central bus terminal ng Bayambang sa loob ng campus.


Orientation on Document Management System


Noong August 20, nagsagawa ang ICT Office ng isang orientation sa iimplementang Document Management System ng LGU. Layunin nito na mapadali sa pamamagitan ng computer ang pag-monitor ng mga dokumento at ang pagrecord, archive, at search and retrieval ng mga ito. Ito ay parte ng paperless transaction policy ng LGU upang makaiwas sa pagtambak ng papeles at mapabilis ang serbisyo publiko.




LIVELIHOOD


PCW Chairperson, May Pasalubong na Emergency Livelihood Project


Noong August 10, bumisita sa Bayambang si Philippine Commission on Women (PCW) Chairperson, Sandra Montano, upang makipagdayalogo kay Mayor Cezar Quiambao. Isang bunga ng pagpupulong ay ang pagbibigay ng isang programa mula sa PCW sa ating bayan sa tulong ni Montano, kung saan isang daang (100) mananahi ang maaaring kumita ng P600 hanggang P800 kada araw sa paggawa ng washable/reusable face masks. Ang programang ito ay pangungunahan ng BPRAT sa tulong ng Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. at DSWD, at magsisimula agad sa buwang ito. 


Online Garage Sale ng BPRAT, Nakalikom ng Pondo para sa mga Proyekto Nito


Matagumpay ang kauna-unahang online ukay-ukay sale na inorganisa ng LGU noong August 24 sa pamamagitan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT).

Humigit-kumulang P16,000 ang nabenta ng team, at ang kinita ay nakalaan para sa pagpapaayos ng mga bahay ng mga nasalanta ng buhawi kamakailan at para sa mga Sustainable Livelihood Programs ng MSWDO.





FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION



Tax IEC, Tuluy-Tuloy sa mga Barangay


Di alintana ang init at ulan, araw-araw ay gingalugad ng mga staff ng Assessor's Office ang mga kabahayan sa mga barangay upang ihatid ang positibong mensahe ukol sa pagbabayad ng tamang buwis -- na ito ay naayon sa batas, ito ay nararapat lamang bilang ambag natin bilang isang Pilipino, at ito ay napupunta sa mabubuting mga kamay at nauuwi sa mga proyektong kapakipakinabang sa pamayanan. 




HEALTH 



Anti-Rabies Vaccination 


Nagpatuloy ang Municipal Agriculture Office sa massive anti-rabies vaccination nito upang panatilihing rabies-free ang Bayambang.


Mental Health Counseling para sa PUMs


Noong August 12, nagsagawa ng mental health awareness campaign at counselling session ang RHU I sa Pugo quarantine facility, kasama ang mga nurse na sina Grace Abiang, Erik Macaranas, at Eurika Fernandez. Ang mga nakaquarantine ay sumailalim sa mental health assessment kaugnay ng kanilang sitwasyon. At ang mga dumaranas ng stress ay dumaan sa counseling. Ang mga nakitaan ng problema ay nakatakdang i-followup ng counselling team.


Fluoridization/Oral Health Education


Noong August 3 ay nag-umpisa ang RHU I, RHU II, at RHU III ng topical fluoride application, toothbrushing drill, at oral health education para sa mga kabataan. Naglibot ang mga dentista ng RHU at DOH I sa iba’t-ibang barangay na kanilang nasasakupan upang pagsilbihan ang mga nasa edad 6 hanggang 21 anyos. Nagkaroon din ng oral health education ang RHU II sa Pugo Evacuation Center.



EDUCATION


Learning Options, Tinalakay sa LSB Meeting


Malapit na ang pasukan, kaya sa isang pulong ng Local School Board (LSB) sa Niña's Cafe noong July 8, iprinisenta kay Mayor Quiambao, LSB Executive Director Rolando Gloria, at DepEd Public Schools District Supervisors ang tatlong opsyon ng learning management para sa mga mag-aaral. Kabilang dito ang mungkahi ng BPRAT na Bayambang Community-Based Distant Learning Program gamit ang learning video materials. Ang usaping ito ay nakabase sa paniniwalang ang edukasyon pa rin ang tunay na solusyon laban sa kahirapan.


BPRAT Consultation Meeting with Educators

Isang consultative meeting ang ginanap sa pangunguna ng BPRAT para sa ilulunsad na Bayambang Community-Based Distant Learning Program. Ang program na ito ay naglalayong tumulong sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng school year sa pamamagitan ng mga learning videos bilang educational supplements. Sumali sa talakayan ang mga guro at opisyal ng DepEd Bayambang Districts 1 and 2 at ng PSU-Bayambang. Sa proyektong ito, nais ng LGU na makapagbigay ng sapat na intervention para mas mapaigting ang kalidad ng edukasyon ng mga batang Bayambangueño sa panahon ng pandemya.






OTHER SOCIAL SERVICES



PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY


Public Hearing sa Proposed Tricycle Management Code, Nagpatuloy


Ipinagpatuloy ng Sangguniang Bayan (SB) ang public hearing ukol sa mungkahing Tricycle Management Code ng Bayambang noong August 7 sa Events Center kung saan nakatuon ang naging talakayan sa RFID tagging. Nagkaroon din ng public hearing ukol sa temporary minimum fare sa traysikel sa panahon ng pandemya.


Pagsusuot ng Face Shield sa mga Pampublikong Sasakyan, Required na Simula August 15, 2020 


Noong August 7, nagsagawa ng spot inspection ang Bayambang Municipal Police Station sa pamamahala ni Bayambang Chief-of-Police, PLt. Col. Norman Florentino, sa Central Bus Terminal upang masiguro na sumusunod sa minimum public health standards ang mga operator at pasahero ng mga pampublikong sasakyan. Kasabay nito ay pinaalalahanan ang lahat sa full implementation ng batas ukol sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon simula August 15.


Public Hearing ukol sa Quarantine Protocols at Alagang Hayop


Noong August 7, ginanap ang isa pang public hearing sa Events Center ukol sa "Ordinance to Strengthen Implementation of Quarantine and Health Safety Protocols in Times of Public Health Emergency or Pandemic" at "Ordinance Prohibiting All Kinds of Animals to Wander in Public and Private Streets, Plazas, Parks in the Municipality of Bayambang and Providing Penalties for Violations Thereof and for Other Purposes."



SPORTS



AGRICULTURAL MODERNIZATION


Binhi at Punla para sa ANCOP Village


Noong July 30, nagpamahagi ang Agriculture Office, kasama ang DSWD staff, ng mga binhi at punla para sa mga residente ng ANCOP Village sa Brgy. Sancagulis. Naglecture din ang Agriculture staff na si Alvin Solomon ukol sa tamang pagtataguyod at kahalagahan ng backyard gardening.


Squash Processing Training-Workshop


Noong July 29-30, ginanap ang Squash Processing Training-Workshop sa PSU-Food Innovation Center. Ito ay dinaluhan ng mga asawa ng mga magsasaka mula Paragos, Manambong Sur, at Manambong Norte kung saan may mass production ng kalabasa. Dito ay itinuro sa kanila ang paggawa ng kalabasa pan de sal, kalabasa ketchup, at kalabasa  miki noodles. Ang workshop ay inorganisa ng PSU-FIC, PSU TLE Department, LGU-Bayambang at DOST-PSTC Lingayen.


RiceBIS Update


As of July 30, 2020, ang Rice Business Innovations System (RiceBIS) Community Program Expansion ng PhilRice sa Bayambang ay nasa initial data collection stage na. Nagtungo ang PhilRice at LGU sa mga barangay ng District 4 kung saan nagkaroon ng isang focus group discussion, key informant interview, at secondary data collection.


3,000 Tree Seedlings mula NTA


Noong August 5, nagtungo ang Agriculture Office sa National Tobacco Administration sa Alcala, Pangasinan upang maghakot ng 3,000 seedlings ng sari-saring fruit-bearing trees na libreng ipinamimigay ng ahensya. Nakatakdang ipamahagi ang mga naturang seedlings sa mga barangay sa mga gaganaping Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.


Tatarac Farmers Assoc., Tumanggap ng Foliar Fertilizer mula DOST


In-award kamakailan ng DOST Provincial Science and Technology Center-Pangasinan ang kahun-kahong carageenan foliar fertilizer sa Tatarac Farmers Association. May 207 na litro ng foliar fertilizer ang natanggap ng mga magsasaka na sapat para sa 20 ektaryang sakahan. Makatutulong ito sa pagtaas ng ani ng palay ng mga magsasakang kasapi sa asosasyon.


"Balik Sigla sa Ilog at Lawa" sa Brgy. Warding 


Ang "Balik Sigla sa Ilog at Lawa" project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay dinala sa Brgy. Warding, kung saan nagpakawala sa Agno River ng 13,000 piraso ng igat (eel fingerlings) upang makatulong na ibalik doon ang sigla ng kabuhayan sa kailugan. 


MAO, Nag-asiste sa Brgy. Wawa Mushroom Project


Inasistehan ng Municipal Agriculture Office ang mushroom production project ng Brgy. Wawa na isang inisyatibo ni Wawa Punong Barangay Pepito Mejia.


RiceBIS, Pormal na Inilunsad 


Pormal nang inilunsad ang programa ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na RiceBIS o Rice Business Innovations System noong August 12 sa Events Center. Kasabay nito ay ang paglagda ng LGU at PhilRice sa isang Memorandum of Agreement para sa naturang programa para sa kapakanan ng mga magsasaka sa Bayambang. Sa entrepreneurial approach ng RiceBIS Program, inaasahang mapapaunlad ng mga magsasaka ang produksyon at pagpoproseso ng kanilang ani at maiiwasan ang cycle ng pangungutang na matagal na nilang nakagawian.


Tree Planting sa San Gabriel 2nd

Noong August 15 ay naganap ang isang tree planting activity sa gilid ng Mananzan Creek sa Brgy. San Gabriel 2nd. Ito ay inisyatibo ng San Gabriel 2nd Farmers' Association sa pamumuno ni Ranim Pamani, kasama ang Municipal Agriculture and Fishery Council presidents at Municipal Agriculture Office. Ang grupo ay nagtanim ng 500 na punla ng mahogany at punong namumunga kabilang ang guyabano, kakaw, sweet sampalok, kasuy at langka. Sa aktibidad na ito ay natutulungang yumabong at maprotektahan ang tabing-ilog habang nagkakaroon ng mapagkakakitaan ang mga taga-barangay.


District Warehouse Project Orientation


Nagsagawa ang  Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) at  Municipal Agriculture Office (MAO) ng isang serye ng pakikipagdayalogo sa mga punong barangay at mga miyembro ng farmers’ association sa walong farming districts ng bayan mula August 7 hanggang August 14. Kabilang sa mga naging paksa ay ang pagpapatayo ng isang malaking warehouse kada distrito  at ang pagbuo ng Bayambang Agriculture Plan 2020  na siyang gabay ng LGU sa pagbibigay prayoridad sa kanilang sektor. 


Heifer Blood Sample Collection


Noong August 18, nagtungo ang team ng DA Regional Office I at Municipal Agriculture Office sa apat na barangay na tinamaan ng ASF upang magsagawa ng blood sample collection sa mga alagang baka na ipinamigay doon.Layunin ng blood sample collection na makita kung ang mga naturang baka ay may kakayahang maging inahin.


RiceBIS Farmers, Umattend sa Organizational Building and Management Training ng DA-PhilRice


Noong, August 24, umattend ang mga RiceBIS farmers sa isang Organizational Building and Management Training ng DA-PhilRice sa Events Center. Kabilang sa mga naging paksa ang mga sumusunod: Filipino values favorable to entrepreneurship, significance of values in an organization, group dynamics and team-building, cluster formation towards agroenterprise, at leadership in farmers' groups and cooperatives.


Propagation of Forest Trees


Nagpropagate ang Agriculture Office ng 350 forest trees (mahogany) sa Municipal Nursery sa PSU para may maipamigay sa mga darating na tree planting activities sa mga barangay.


High-Quality Palay para sa RiceBIS Farmers, Dumating


Noong August 20 ay dumating ang mga palay seeds para sa mga magsasakang kasapi sa pilot RiceBIS Community Development Program ng PhilRice sa bayan ng Bayambang. Ayon sa Municipal Agriculture Office, nakatakdang ipamahagi ang mga naturang palay sa unang linggo ng Setyembre.


Bagong Makinarya at Farming Equipment Mula DA, Muling Natanggap ng mga Lokal na Farmers' Association 


Muling nakatanggap ng bagong makinarya at kagamitan ang mga lokal na farming associations, salamat sa kanilang masigasig na paglakad ng aplikasyon sa gabay ng Municipal Agriculture Office staff. Sa latest turn-over ceremony ng DA RO1 sa Pangasinan Research and Experiment Center sa Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan, nakatanggap ng libreng four-wheel tractor, harvester, hand tractor at plastic crates ang apat na grupo.



ECONOMIC DEVELOPMENT


Public Hearing on Stall Fees and Medical Center


Ang Sangguniang Bayan Committee on Rules, Laws and Ordinances and Ways and Means na pinamumunuan ni Councilor Amory Junio, Committee on Health and Sanitation na pinamumunuan ni Councilor Levinson Uy, at Committee on Market Trade and Industry na pinamumunuan ni Councilor Joseph Ramos ay nagsagawa ng public hearing tungkol sa ordinansang nag-ootorisa sa kondonasyon ng isang buwang rental fee ng lahat ng rehistradong stall owners sa Bayambang Public Market dahil sa deklarasyon ng EECQ sa buong Pangasinan at sa ordinansa na magpapaubaya sa pagtatatag at operasyon ng Julius Ceasar K. Quiambao Medical Center sa Barangay Bani. Ang public hearing ay ginanap noong ala-una ng Huwebes, Agosto sais (6), sa Balon Bayambang Events Center.


Surprise Inspection sa Pamilihang Bayan


Noong August 18, nagkaroon ng sorpresang inspeksyon ang PNP, DILG, at LGU sa iba't-ibang sulok ng Bayambang Public Market. Ito ay upang masiguro kung nasusunod pa rin ang social distancing sa loob ng palengke at nananatiling malinis at maayos ang lugar matapos itong sumailalim kamakailan sa puspusang cleanup operation at disinfection.



INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT


Narito ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:


Ongoing: Public Market Expansion in Zone I

Under Construction: Bonery with Chapel Project

Completed: Onion Drying Facility in Manambong Norte 

Under Construction: Solar Irrigation in Amancosiling Norte 




ENVIRONMENTAL PROTECTION


DISASTER RESILIENCY


Agno River Rehabilitation Project, Nagpatuloy


Noong August 5, nagsimulang ipagpatuloy ng MDRRMO ang Agno River Rehabilitation Project nito. Ang grupo ay naunang magtanim ng mga kawayan sa Brgy. Amancosiling Norte at Amancosiling Sur kasama ang mga barangay officials. May 188 bamboo seedlings ang kanilang naitanim sa gilid ng Agno River, at ito ay inaasahang makatulong balang araw na mapigilan ang soil erosion sa lugar. Nakatakdang magtanim ng marami pang puno ng kawayan ang MDRRMO sa iba pang barangay sa gilid ng ilog, katulong ang Tourism Office at BPRAT.


PNP Contact Tracing Seminar 


Noong August 20, umattend si Mayor Cezar Quiambao sa isang Contact Tracing seminar ng PNP sa Niña's Café. Doon ay ipinaliwanag ni PNP-Bayambang Chief PLtCol Norman Florentino ang Magalong model of contact tracing sa mga Chief of Police at Municipal Health Officers ng 3rd congressional district ng Pangasinan. Natalakay sa seminar ang mga epektibong istratehiya kung paano isagawa sa ating bayan ang contact tracing na nadevelop ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Kung masusunod ang mga istratehiyang ito ay maiiwasan natin na makahawa ang isang taong apektado na ng nakamamatay na sakit na COVID-19.


No comments:

Post a Comment