SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN
S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
CHED, May TES Grants
Ang Commission on Higher Education ay namahagi ng
mga Tertiary Education Subsidy o TES grant at scholarship opportunities. Sila
rin ay nagsagawa ng scholarship campaign upang hikayatin ang mga estudyante na
mag-avail ng mga scholarship program ng gobyerno.
Unang Ginang at CHED Chairman, Nanguna sa BPC
Groundbreaking
Nanguna si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at
Commission on Higher Education, Dr. J. Prospero 'Popoy' de Vera III, sa
groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng Bayambang Polytechnic College
Academic Building I at Campus sa Brgy. Bical Norte. Kasama siyempre ang founder
ng BPC na si Dr. Cezar Quiambao at BPC College President, Dr. Rafael Saygo sa
naturang seremonya.
Ferrer Family, Muling Nagdonate ng mga Aklat
Ang LGU ay muling nagpapasalamat kay Mr. Joey M.
Ferrer at kanyang pamilya ng Roxas St., Bayambang at Pittsburg, California, sa
kanilang bagong batch ng mga donasyong libro at kagamitan sa iba't ibang
paaralan at indibidwal sa Bayambang. Mula noon pa, ang pamilya Ferrer ay isa sa
mga malimit magdonate ng mga aklat sa ating Municipal Library.
๐ฃ๐ต๐ฎ๐๐ฒ 2 ๐ป๐ด ๐๐๐ธ๐น๐ฎ๐ ๐๐ธ๐น๐ฎ๐ ๐ง๐๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ, ๐ก๐ฎ๐ด-๐๐บ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ ๐ก๐ฎ
Ang Phase 2 ng Buklat Aklat tutorial program ni
Mayor Niรฑa Jose-Quiambao ay inumpisahan noong February 22, sa pangunguna ng
Sangguniang Kabataan at Local Youth Development Office. Nagsilbing volunteers
ang mga SK members at ilang teachers, at sila ay nagtungo sa Alinggan-Banaban,
Tococ East-West, at San Gabriel-Iton Elementary School. Ang inisyatibong ito na
naglalayong tulungan ang ilang target readers at learners ay magtatapos sa loob
ng sampung linggo.
St. Vincent Student-Journalists, Media Partner ng
LGU sa Town Fiesta
Ngayong taon, ang mga student-journalist naman ng
Saint Vincent's Catholic School ang sumunod na naimbitahang media partner ng
LGU-Bayambang para sa news coverage sa darating na selebrasyon ng Town Fiesta
2025. Sa pulong na ginanap sa Tourism & Information Office, tinalakay ang
iba’t-ibang aktibidad na magaganap sa darating na Pista’y Baley 2025 at kung
paano ang mga ito dapat maiulat nang maayos.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
Libu-Libong Bayambangueno, Sumali sa 1st
Toothbrushing Marathon
Muli na namang gumawa ng kasaysayan ang oral health
team ng Municipal Health Office, nang magsagawa ito ng first-ever
municipal-wide toothbrushing marathon bilang pakikiisa sa National
Toothbrushing Day, kung saan imbitado
ang lahat ng residente na sumali sa pagpatak ng ala-una ng hapon noong Lunes,
February 3. Ang lahat ng participants ay inabisuhang magpost sa social media ng
kanilang video o selfie ng nasabing aktibidad. Sa huli ay nagtala ang aktibidad
ng 3,670 participants, kung saan karamihan sa mga sumali ay mga learners ng 77
Child Development Centers.
Kick-Off Ceremony, Idinaos para ๐๐ฎ 21๐๐ ๐ข๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต
Noong February 5, isang kick-off ceremony ang
isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) para sa 21st National Oral Health
Month, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Dental Association (PDA) Pangasinan
Chapter. Ito ay inumpisahan sa isang parada at float presentation kasama ang
lahat ng Child Development Centers. Sumunod naman ang isang programa sa Events
Center kung saan tampok ang iba't ibang aktibidad na nagbigay-diin sa
kahalagahan ng oral health.
Proyektong 'Lab for All' ng Unang Ginang, Dinala sa
Bayambang
Naging matagumpay ang pagdala ng Unang Ginang
Louise Araneta-Marcos ng proyekto nitong Lab for All sa Bayambang, na isinabay
sa pagbabalik ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan project ng administrasyong
Quiambao-Sabangan. Ito ay sinimulan sa Obillo Elementary School sa Brgy. Pantol
at Caturay Elementary School noong February 3 at 4, at nagpatuloy noong
February 6 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Kabilang sa mga serbisyong handog ng Lab for All ay
libreng laboratory tests, libreng medical services, kabilang ang mga serbisyo
ng mga espeyalista, libreng dental services, at iba pang serbisyo, bukod pa sa
mga serbisyong mula sa iba't ibang mga departamento ng LGU. Nagkaroon ng ENT at
OB Gyne, pedia, at ophthalmic consultation kabilang ang cataract screening.
Mayroon ding minor surgery para sa mga may mass at libreng tuli, at mayroon
ding mga major surgery.
PCSO at Grand 88, Namigay ng Mobile Clinic
Iba't ibang departamento at ahensya naman mula sa
national government ang bumisita at may dala-dalang sari-saring tulong.
A. Namigay ang Philippine Charity Sweepstakes
Office o PCSO at Grand 88 Gaming Corp. ng isang Mobile Clinic sa LGU Bayambang
na magagamit natin sa kada may Komprehensibong Serbisyo sa mga barangay.
B. Ang PCSO ay nagbigay din ng 1,500 Charitimba
food packs sa mga rehistradong miyembro ng Bayambang Federation of Tricycle
Operators and Drivers Associations.
1,500 Katao, Benepisyaryo ng DSWD-AICS
Ang Department of Social Welfare and Development ay
namahagi ng cash grant sa 1,500 na katao sa ilalim ng Assistance to Individuals
in Crisis Situations program nito. Ang ahensya ay namigay rin ng cash grants sa
walong SLP o Sustainable Livelihood Program Associations at pati na rin mga
food packs.
๐
๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐๐ข๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ฅ & ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ
Bilang parte ng 2025 Oral Health Month Celebration,
ang PDA Pangasinan Chapter kasama ang mga Rural Health Unit ay nagsagawa ulit
ng seminar para sa unang batch ng first-time moms na kasali sa Project Buntis,
at ito ay ginanap sa JKQ Medical & Wellness Center. Sila ay nakinig sa
lecture ukol sa "Nutrition during Pregnancy" at "Maternal
Health," at binigyan ng libreng oral prophylaxis.
๐๐๐ฆ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐จ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐
A. Ang mga nurse at medical technologist ng mga
Rural Health Units ay nakinig sa demonstration sa tamang paggamit ng Mobile
Clinic na idinonate kamakailan sa LGU-Bayambang ng PCSO at Grand 88 Corp. Ang
mga gagamit sa Mobile Clinic ay maaaring makapag-avail ng libreng X-ray, ECG,
blood chemistry test, at urinalysis. Ang mobile clinic ay pagmamay-ari na ng
LGU at gagamitin tuwing mag-iikot sa mga barangay lalo na kapag may
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.
B. Sa sumunod na araw, ang mobile clinic bus ay
binasbasan sa isang simpleng blessing ceremony.
๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐ข๐ฌ๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ, ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐ "๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐"
Noong February 21, isang seminar at serbisyong
pangkalusugan sa ngipin ang isinagawa para sa mga mag-aaral mula sa Inclusive Education Program ng Bayambang
National High School. Ito ay ang "Project HOPE o Healthy Oral Practices
for the Empowerment of Students with Disabilities" na parte ng Oral Health
Month Celebration 2025. Layunin ng proyekto na ipalaganap ang inklusibong
pangangalaga sa oral health upang ang lahat, anuman ang kanilang kakayahan, ay
may pantay na access sa tamang edukasyon at serbisyo sa oral at dental health.
- Nutrition (MNAO)
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION
OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Senate Public Assistance Office, Namahagi ng mga
Guarantee Letter
Ang Senate Public Assistance Office ay namahagi ng
mga guarantee letter para sa iba't ibang medical assistance.
PAG-IBIG Fund, Dumating Din
Ang PAG-IBIG Fund ay nagbigay ng Lingkod Pag-Ibig
on Wheels. Kabilang sa mga serbisyong kanilang hatid ay ang pagsagot sa mga
inquiries, registration, Loyalty Card Plus application, verification ng
contribution, housing loan, at Provident claims application.
๐
๐จ๐จ๐ ๐๐๐๐ค๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ DSWD ๐
๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐ง๐
Dumating noong February 7 ang partial set ng food
packs mula sa DSWD na parte ng pagpapatuloy ng Supplemental Feeding Program ng
ahensya para sa 14th cycle. Ang mga food packs ay agarang ipinamahagi ng MSWDO
sa mga Child Development Workers ng 77 Child Development Centers sa Bayambang.
๐๐ฉ๐ข๐, ๐ง๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด Amelioration Pay ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ Probinsya
May 1,494 barangay tanod o CVOs ang nakatanggap ng
financial grant mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor
Ramon Guico III, sa taunang amelioration pay distrubution noong Febraury 11.
Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng
tig-iisang libong piso at Guiconsulta Card, isang lifetime health insurance
card at digital medical record na magagamit nila sa pag-avail ng mga serbisyong
medikal ng provincial government.
๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ, ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ข๐ง๐'๐ฌ ๐๐๐ฒ!
Ang Federation of Senior Citizen Associations of
Bayambang (FSCAB) ay masayang nag-bonding sa idinaos na Valentine's Day
celebration noong February 11 sa Events Center. Sa buong suporta ni Mayor Nina,
ito ay dinaluhan ng 77 senior citizen association presidents. Sa ngalan ni
Mayor Niรฑa, naghatid ng mensahe ang Focal Person on Senior Citizens ng BPRAT na
si John Paul Domingo. Naghandog naman ng palaro at papremyo si Bayambang
Integrated Business Association President Younne Bautista.
๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ขรฑ๐, ๐๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ข๐ง๐'๐ฌ ๐๐๐ฒ ๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ฆ ๐๐ซ๐๐๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ง๐ข ๐๐ญ ๐๐ฅ๐ข๐ฒ๐๐ง๐ญ๐
Bilang parte ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso,
naghandog si Mayor Niรฑa Jose-Quiambao ng surpresang ice cream treat sa lahat ng
mga empleyado at kliyente ng munisipyo noong February 17. Ang lahat ng agency
at department at unit heads naman ay binigyan ng espesyal na Purple Oven
brownies.
1,000 Katao, Benepisyaryo ng Ayudang AICS
Noong February 20, may 1,000 katao ang naging benepisyaryo
ng ayuda ng DSWD na AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation. Bawat
isa ay nakatanggap ng P3,000 cash sa tulong ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos,
sa payout na ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Mga Barangay, Nakatanggap ng Tig-isang Sako ng
Bigas mula kay Mayor Niรฑa
Ang mga 77 barangays ay nakatanggap ng tig-iisang
25-kilo na bigas mula kay Mayor Niรฑa noong February 19. Ito ay magagamit ng mga
kapitan para may supply ng pagkain ang mga Civilian Volunteer Officers at iba
pang barangay officials habang ang mga ito ay naka-duty sa mga Barangay Hall.
Mayor Niรฑa, Pinadalahan ng Agarang Tulong ang Isang
Ina sa Amanperez
Isang ina na taga-Brgy. Amanperez ang pinadalahan
ng agarang tulong ni Mayor Niรฑa matapos malaman ang kalagayan nito. Ang ina ay
isang labandera at wala nang asawa. Isa sa mga anak nito ay na-stroke at ang
isa naman ay may sakit sa pag-iisip. Kaya naman agad na binigyan ng ayuda ang
ina at ipinadala sa ospital ang anak. Bilang parte ng pagdiriwang ng Women's
Month, patuloy nating hangaan ang mga ina na tumatayong poste, ilaw, at
dingding ng tahanan.
1,๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ
Isang orientation activity para sa 1,500 na solo
parents ang isinagawa ng MSWDO noong February 21. Ipinaliwanag dito ang batas
ukol sa solo parents, mga benepisyo ng naturang batas, at mga kinakailangang
dokumento para sa pagpaparehistro sa kanilang tanggapan bilang solo parents.
Namahagi rin ng mga Solo Parent ID sa lahat ng nakapasa sa massive validation
na isinagawa ng tanggapan noong nakaraang taon.
๐๐๐ ๐๐ด๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฎ, ๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด-๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐๐ต๐ผ๐ฝ
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng LGU
Bayambang sa pagsusulong ng Gender and Development (GAD), matagumpay na
isinagawa ang “Training-Workshop on the Formulation of GAD Agenda” noong
Pebrero 26-27. Sa pangunguna ng MSWDO at GAD Focal Point System members,
layunin ng pagsasanay na patuloy na palakasin ang adbokasiya ng Bayambang para
sa gender equality at women empowerment, sa pamamagitan ng pagformulate ng
3-Year Municipal GAD Plan and Budget. Ito ay upang masiguro ang mas inklusibo
at progresibong serbisyo sa komunidad.
Bayambanguena, Wagi sa Provincial Level ng Juana
Malakas
Isang 4Ps member na si Analiza Natividad ng Brgy.
Sancagulis ang nagwagi sa provincial level ng kumpetisyon ng DSWD na
tinaguriang “Juana Malakas: Stories of Women Empowerment,” dahil sa kanyang
natatanging achievements bilang 4Ps beneficiary. Matatandaang si Gng. Natividad
ay isa ring Barangay Nutrition Scholar na naging Most Outstanding Barangay
Nutrition Scholar (BNS) in the province of Pangasinan and one of the best
performing BNSs in the region.
- Civil Registry Services (LCR)
๐๐๐, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข ๐ฉ๐๐ซ๐ Mag-๐๐ง๐๐จ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐
[SHORTEN] Noong February 7, nagpunta ang Local
Civil Registry Office sa Bani Elementary School upang magsagawa ng info drive
ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa Philippine Statistics Authority
memorandum circulars. Inimbitahan dito ang mga residente upang mas mapalawak pa
ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali
sa mga Civil Registry records. Kasama rin dito ang Community Service Card team
upang makapag-data capture at mag-asiste sa iba pang proseso ng Local Civil
Registry.
57 Couples, Nag-isang-dibdib sa Kasalang Bayan 2025
Bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso at
Civil Registration Month, matagumpay na ikinasal ang 57 na magkasintahan sa
isang engrandeng Kasalang Bayan na muling inihatid ng LGU sa pag-oorganisa ng
Local Civil Registry Office noong February 13. Ang seremonyas na ginanap sa
Events Center ay pinangunahan ni Municipal Trial Court Presiding Judge
Djoanivie Jomare Junasa at iba pang Municipal Officials. Gaya noong mga
nakaraan, ang 57 couples ay nabiyayaan ng mga libreng regalo mula sa mga
opisyal at sa LGU.
LCR, May 1-Day Free Issuance ng Civil Registry
Documents
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 Civil
Registration Month, nagsagawa ang Local Civil Registry (LCR) ng libreng
issuance ng civil registry documents para sa mga Bayambangueรฑo noong February
19. Sa naturang aktibidad, maraming residente ang naisyuhan ng mahahalagang
dokumento ng libre tulad ng birth certificate, marriage certificate, at death
certificate, kaya't nakatipid sa gastusin ang mga naturang kliyente sa araw na
iyon.
๐๐ง๐๐จ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐ ๐ง๐ ๐๐๐, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐๐จ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐
Noong February 21, nagpunta ang Local Civil
Registry Office sa Amancosiling Elementary School upang magsagawa ng
information campaign ukol sa tamang pagrerehistro at mga update sa Memorandum
Circulars ng Philippine Statistics Office. Sa aktibidad, mas napalawak pa ang
kaalaman ng mga residente sa civil registration upang maiwasan ang anumang
pagkakamali sa mga civil registry records.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
๐๐๐๐๐, Nagseminar
ukol sa Operasyon ng ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐
๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ
Ang ESWMO-Bayambang ay nakilahok sa isang training-seminar na
Capacity Enhancement on the Operation and Maintenance of Composting Facilities
for Biodegradable Waste noong February 4-5 sa San Carlos City.
Matatandaang ang nasabing composting facility ay iniaward sa
LGU-Bayambang ng Bureau of Soil and Water Management noong December 2024.
๐๐ง๐๐ซ๐ ๐ฒ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ, ๐๐ง๐จ๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง
Noong February 5, pinulong ni Engr. Rudyfer Macaranas, bilang
Energy Efficiency and Conservation (EEC) Officer ng LGU, ang lahat ng mga EEC
Coordinators mula sa iba't ibang departamento, Inter-Agency EEC Committee
members, at EEC Task Force members, upang talakayin ang mga dapat gawin ng
inatasang EEC Coordination Task Force members. Ito ay upang maayos na makasunod
ang LGU sa batas ukol sa energy conservation at makatipid ng husto sa
pagkonsumo ng kuryente.
- Youth Development (LYDO, SK)
๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ
Noong
February 17, ang Local Youth Development Council (LDYC) ay nagdaos ng 1st
quarterly meeting para sa recomposition ng LYDC at upang tipunin ang mga youth
leaders at stakeholders at talakayin at mag-strategize ukol sa mga key youth
development initiatives sa ating komunidad. Kabilang sa mga pinag-usapan ay ang
LYDC committee membership, roles and responsibilities ng Bantay Kabataan,
partnerships sa mga youth-centered projects, formulation ng Local Youth
Development Plan, at ang nakatakdang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
LTO, Nagdaos ng Libreng Driving Course
A. Ang Land Transportation Office (LTO), sa
pakikipag-ugnayan sa LGU-Bayambang, ay nagsagawa ng isang libreng 2-day
Theoretical Driving Course sa mahigit 150 katao. Ito ay nauna nang isinagawa
noong January 1-2 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Naroon sa
nasabing aktibidad si LTO Regional Director, Glorioso Daniel Martinez at mga
LTO chiefs.
B. Ang Land Transportation Office ay namahagi rin
ng mga plaka, at nagbigay ng assistance sa aplikasyon para sa driver's license
at vehicle registration.
C. Nagbigay din ng libreng sakay ang LTO patungo at
paalis ng venue para sa Lab for All.
๐๐๐๐ ๐๐ญ๐๐๐, ๐๐ง๐จ๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ
Ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) ay
nagdaos ng general assembly noong February 8, kung saan tinalakay ng BPSO Chief
ang mga polisiya ng departamento at duties at responsibilities ng mga tauhan
nito, mga legal basis at concerns, mga polisiya ng LGU sa iba't ibang aspeto,
gaya ng leave credits, penalties, at pati na rin health benefits.
๐๐ง๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐๐ง ๐๐ญ๐๐ฉ., ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ ๐ฌ๐ Pulong
Sa first quarter meeting ng Municipal Peace and
Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) noong
February 21, tinalakay ang mga issues and concerns patungkol sa
anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drugs. Ipinaliwanag ng PNP
na isang isolated case ang naiulat na kaso ng pagpatay sa isang dalagita
kamakailan, at sa katotohanan ay bumaba ang crime rate sa Bayambang ng malaking
porsiyento sa taong ito. Kanya ring pinabulaanan ang nagpapakalat ng fake news
ukol sa kidnapping. Nanawagan naman si Mayor Niรฑa sa lahat na palakasin ang
pag-uugnayan sa pamilya at maging mapagmatyag sa paligid.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
Farmers' Class, Idinaos ng OPAG
Isang Farmers' Class ang idinaos ng Office of the
Provincial Agriculturist (OPAG) at ng Municipal Agriculture Office sa ilalim ng
Corporate Farming Program ng probinsya. Ang klaseng ito ay binubuo ng anim na
session, at ang unang session ay ginanap sa Bani Barangay Hall noong January 30,
kung saan ito ay may 30 participants.
DA, Nag-award ng Livelihood Projects, Atbp.
Ang Department of Agriculture ay namahagi ng seeds,
seedlings, at IEC materials. Sila rin ay nag-award ng mga certificate para sa
11 beneficiaries ng chicken egg laying project sa ilalim ng LOVE o Livelihood
Opportunities for Viable Enterprise Project.
๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ฉ๐ซ๐๐ฒ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐๐๐๐ฌ, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐
Noong February 7, nagsagawa ng massive spraying
activity ang LGU upang aksyunan ang pananalasa ng harabas o armyworm sa ilang
taniman ng sibuyas sa may Brgy. San Gabriel 2nd. Ang Department of
Agriculture-Regional Field Office I ay naglaan ng 20 kahon ng Parker Neem para
upang gamitin sa massive spraying para sa 16 ektarya ng sakahan ng sibuyas.
Isinagawa ang spraying activity ng Agriculture Office sa tulong ng DA Region I,
Office of the Provincial Agriculturist, at Bureau of Plant Industry.
๐๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐๐จ ๐๐๐ข๐ซ๐ฒ ๐
๐๐ซ๐ฆ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ ๐จ๐ฌ ๐๐ ๐ซ๐ข ๐๐จ๐จ๐ฉ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ญ๐
Ang Dairy Farm ng Kasama Kita sa Barangay
Foundation sa Brgy. Mangayao at Managos Farmers Agriculture Cooperative ay
pumasa sa isang on-site validation ng Agricultural Training Institute bilang
mga Learning Sites for Agriculture 1 sa Bayambang. Ipinakita ng foundation ang
kahusayan nito sa goat and cattle dairy farming at ang mga advanced na
teknolohiya sa pagpaparami ng mga alagang kambing at baka. Ipinakita naman ng
kooperatiba ang kanilang mga teknolohiya sa produksyon ng pananim na nakatuon
sa mani, mais, palay, at gulay.
NCPC, Nagdaos ng 2-Day Seminar ukol sa Pamamahala
ng Peste at Sakit sa Pananim
A. Sa unang pagkakataon, nagsagawa ng isang
seminar-workshop ukol sa Insects Pest at Disease Management National Crop
Protection Center (NCPC) ng University of the Philippines Los Baรฑos (UPLB),
katuwang ang Municipal Agriculture Office noong February 17 to 18.
Sa unang araw, tinalakay ang iba't ibang aspeto ng
pest and disease management, kabilang na ang pagkilala sa mga karaniwang peste
at sakit na nakakaapekto sa mga pananim sa rehiyon, ang mga epektibong paraan
ng pagkontrol, at ang tamang paggamit ng mga pesticides.
B. Ang ikalawang araw naman ay ginanap sa mga
taniman sa Barangay Darawey at Manambong Parte, at sa Mangayao Dairy Farm upang
mas maayos na maipaliwanag ang mga konsepto at teknikalidad ng pest and disease
management.
Sen. Imee, Nakipagdayalogo sa mga Magsasaka
Sa araw ding iyon, dumating si Sen. Imee Marcos
upang makipagdayalogo sa may 50 na onion at cron farmers ng Bayambang. Kanyang
inalam ng personal ang kanilang issues and concerns sa pagsasaka at tiningnan
ung paano agarang masosolusyunan ang mga ito.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
FDA,
May Libreng Assistance Din
Ang
Food and Drug Administration ay namigay ng assistance sa licensing ng food
manufacturers, pharmacy at iba pang kaugnay na establisimyento.
Go
Negosyo, Naghandog ng Entrepreneurship Mentoring
Ang
Go Negosyo ng Department of Trade and Industry ay nagsagawa ng libreng
entrepreneurship mentoring sessions upang gabayan ang mga aspiring
entrepreneurs sa pagsisimula at pagpapalago ng kanilang negosyo.
๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ 877 Beneficiaries
Ang
PESO-Bayambang, kasama ang DOLE, ay nagsagawa ng profiling activity para sa
TUPAD program noong February 10 at 13 sa Events Center at Pavilion I.
Nakatakdang pondohan ng ahensya ang ipapasahod sa may 877 beneficiaries na
pawang mga solo parents, magsasakang apektado ng harabas, at teenagers na maagang
nabuntis.
๐๐จ๐ ๐
๐๐ข๐ซ, ๐๐ขnumog ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ฌ
Isa na namang job fair ang inorganisa ng
PESO-Bayambang sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park noong February
19. Dinagsa ng 181 job applicants ang
mga booth ng 18 na kumpanya. Ang aktibidad ay nagtala ng 20 applicants na hired
on the spot at 133 qualified applicants. Dumating din sa nasabing event ang
Regional Director ng Department of Migrant Workers na si Christian Rey Sison.
- Economic Development (SEE)
- Cooperative Development (MCDO)
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
22 ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด 2025 ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ฒ๐, ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ
Noong February 17, opisyal nang ipinakilala ang 22
kandidata ng Binibining Bayambang 2025. Bilang simula ng kanilang paglalakbay
sa kompetisyon, sila ay isa-isang nagpakilala at rumampa, at pagkatapos ay
ginanap ang isang sashing ceremony sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan. Ang
pinakahihintay na Grand Coronation Night ay gaganapin sa darating na Abril 3,
sa Balon Bayambang Events Center.
22 Contenders ng ๐๐ถ๐๐๐น๐ฒ ๐ ๐ฟ. & ๐ ๐. ๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด, ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ
Matapos ang masusing screening, opisyal nang
ipinakilala ang 22 contenders sa Little Mr. and Ms. Bayambang 2025 noong
February 25. Inaasahan na magiging mahigpit ang kumpetisyon dahil bukod sa
kanilang charm at confidence, ipinakita rin ng mga bata ang kanilang galing sa
pagpo-project sa entablado.
18 ๐๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด Candidates, ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ
Noong February 4 din, opisyal na ipinakilala ang 18
candidates ng kauna-unahang BiniBeking Bayambang competition, isang patimpalak
na naglalayong ipakita ang talento at ganda ng LGBTQIA+ community.
Isang sashing ceremony ang ginanap bilang
pagsisimula ng mga kandidata sa kanilang paglalakbay tungo sa BiniBeking
Bayambang 2025 crown sa Grand Coronation Night na gaganapin sa March 31.
๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ Fiesta ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐'๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐๐
Noong February 26, pinulong ng MTICAO ang mga
principal at representante ng iba't-ibang pampubliko at pribadong paaralan sa
Bayambang, bilang paghahanda para sa grand parade sa pagbubukas ng Pista'y
Baley 2025. Nagbigay ang bawat isa ng kanilang opinyon ukol sa mga kailangang
gawin upang masiguro na masaya at nagniningning ang naturang grand opening
activity.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra,
Housing, Transport, Utilities, etc.)
Dalawang Major Infra Projects, Aprubado ng PRDP!
Dalawang naglalakihang infrastructure projects ang
muling in-award ng Department of Agriculture - Philippine Rural Development
Project (DA-PRDP) Scale-Up sa bayan ng Bayambang, matapos makatanggap ang
aplikasyon ng LGU ng isang No Objection Letter 1 (NOL1) mula kay DA
Undersecretary for Operations, Engr. Roger V. Navarro. Ang mga ito ay ang Road
Opening and Concreting of San Gabriel II-Pantol Farm-to-Market Road worth
P319.18 million at Construction of Bayambang Onion Cold Storage Facility worth
P246.01 million. Matatandang matagumpay na idinipensa ng team ni Municipal
Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad ang naturang aplikasyon.
๐ฃ๐ฅ๐๐ฃ, ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ 3-๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐๐-๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ๐
Ang Philippine Rural Development Project (PRDP)
Scale-Up team mula sa Department of Agriculture ay nagdaos ng tatlong-araw na
"Capacity-Building on World Bank Harmonized Procurement Guidelines and
Financial Processes" mula February 19 hanggang 21, upang palakasin ang
kaalaman ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, lalo na ng mga procurement
officers nito, sa standardized procurement practices kaugnay ng dalawang
mega-projects na ini-award sa bayan ng Bayambang: ang ng 319+-million-peso na
Phase 2 Pantol to San Gabriel 2nd Farm-to-Market Road at ang 246+-million-peso
Onion Cold Storage.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
OCD1 Regional Director, Bumisita
Noong February 27, ang Office of Civil Defense
(OCD) Region 1 Director na si Laurence E. Mina ay bumisita sa isang Disaster
Risk Reduction and Management (DRRM) Training na isinagawa ng MDRRMO para sa
public sectors sa Pugo Evacuation Center. Magtapos niyang magcourtesy call kay
Mayor Nina Jose-Quiambao sa tanggapan nito, si Director Mina ay winelcome ng
MDRRMO at iniikot na rin sa MDRRMO Satellite Office sa Brgy. Wawa.
.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
- Planning and Development (MPDO)
๐๐๐๐ ๐
๐ซ๐๐ง๐๐ก๐ข๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ฐ๐๐ฅ at ๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ ๐ฌ๐ Pulong
Muling nagpulong ang mga miyembro ng
Traffic Management Council upang mag-follow-up sa mga napag-usapang aksyon sa
pinakahuling ginawang pagpupulong. Kabilang sa pinag-usapan ang pagrenew ng
TODA franchise o prangkisa mula sa Municipal Treasurer's Office ng mga 30
drivers na hindi pa nagrerenew; mga iba't-ibang isyu ukol sa Bagsakan at
Tricycle Terminal; at ang pormulasyon ng Local Public Transport Route Plan
2025-2029 ng Municipal Planning and Development Office.
๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ง๐ค๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐๐ง๐ , ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐
Pinulong ang lahat ng mga LGU at agency heads ukol
sa iba't ibang istratehiya upang mapag-ibayo ng bayan ng Bayambang ang
competitiveness ranking nito batay sa mga indicators ng Cities and
Municipalities Competitiveness Index (CMCI). Naging resource persons ang academe
partner ng Regional Competitiveness Council na si Prof. Keneth Bayani. Ang
naturang nationwide Competitiveness Index ay siyang malimit gamitin ng mga
investors bilang kongkretong batayan ng business-friendliness ng isang bayan.
๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ฉ๐ซ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ญ ๐๐ง๐๐ฉ๐ซ๐ฎ๐๐๐ก๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
Sa direktiba ni Mayor Niรฑa at pag-oorganisa ng
Municipal Planning and Development Coordinator, ang mga miyembro ng Municipal
Development Council ay nagpulong noong Febraury 20 para iprisenta at ipaapruba
ang Supplemental Annual Investment Program No. 1 para sa taong 2025. Ang pulong
ay dinaluhan ng mga barangay captains, CSOs, at concerned department heads.
- Legal Services (MLO)
PAO, Naghandog ng Legal Assistance
Ang Public Attorney's Office naman, sa pangunguna
ni PAO Chief, Atty. Persida Acosta, ay namigay ng libreng legal assistance.
- ICT Services (ICTO)
- Human Resource Management (HRMO)
๐๐๐ซ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ ๐ง๐ CSC ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ
Noong February 12, ang mga department at unit heads
ng LGU ay sumailaim sa isang orientation activity ng Civil Service Commission
Director II Flordeliza C. Bugtong tungkol sa Performance Management and
Learning and Development. Ang aktibidad ay nagbigay ng mga insights at patnubay
pagdating sa alignment ng mga layunin ng mga departamento sa mga naitakdang
performance standards at pagsulong ng isang "culture of continuous
learning and development" sa LGU.
๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ก ๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Noong February 20, muling nagsagawa ang HRMO ng
isang orientation activity para sa lahat ng bagong Job Order (JO) employees ng
LGU. Nagsilbing resource speaker si SEE head, Atty. Justine Alvarez. Sa
aktibidad na ito, mas lubos na nakilala ng mga bagong kawani ang LGU-Bayambang
bilang isang organisason at naliwanagan ukol sa mga expectation mula sa
kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.
- Transparency/Public Information (PIO)
Mga TODA, Muling Pinulong ukol sa Iba't Ibang Isyu
Noong January 30, isang pulong ang ipinatawag ng
Municipal Administrator upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng mga
tricyle operators at drivers. Kabilang sa mga isyung tinalakay ang kawalan ng
updated na prangkisa ng ilang mga nag-ooperate na driver; overcharging ng ilang
drivers; ang pagkakaroon ng mga bagong ruta sa apat na barangay; at ang
striktong pagpapatupad ng tamang istasyon ng mga tricycle driver base sa
kanilang nakatalagang TODA.
Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
Mga Reklamo sa Tricycle Terminal, Agarang Inaksyunan
Noong February 3, nagpulong at personal na
ininspeksyon ng mga miyembro ng Traffic Management Council sa pangunguna ni
Councilor Amory Junio ang Bagsakan/Tricycle Terminal area upang ivalidate ang
sari-saring reklamo ukol dito. Kanilang tiningnan ang mga obstruction sa
kalsada, ang pagsunod sa schedule ng mga vendor at tricycle driver, ang lagay
ng palikuran at pagtatapon ng basura, at iba pang concerns. Matapos ang
inspeksyon ay isa-isang ipinatawag ang mga concerned na tanggapan at ahensya
upang agaran ding resolbahin ang mga naturang isyu.
๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐ง๐ข๐ง๐๐ฎ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐
Ang mga bagong halal na opisyal ng Balon Bayambang
Employees Association (BBEA) ay nanumpa sa harap ni Mayor Niรฑa Jose Quiambao,
sa ginanap na induction ceremony noong February 10. Ang mga bagong hanay ng
BBEA officers ay ay pinangunahan ni Dennis Aldrin Malicdem, matapos sila ay
manalo sa eleksyon ng asosasyon noong January 20.
AWARDS AND RECOGNITIONS
๐๐ง๐๐จ๐ซ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฑ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐ ๐๐ญ ๐๐ซ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐, Iginawad sa LGU!
Ang LGU-Bayambang ay ginawaran ng Solid Waste
Enforcement Excellence Award at Green Governance Excellence Award, sa ginanap
na 9th Ecological Solid Waste Management Summit ng Department of the
Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau Ilocos Region
noong February 5 sa Candon City, Ilocos Sur. Sa ngalan ni Mayor Niรฑa
Jose-Quiambao, tinanggap ang naturang dalawang parangal ng ESWMO-Bayambang.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐
Ang
Sangguniang Bayan Committee on Finance, Budget and Appropriations, Rules, Laws
and Ordinances and Barangay Affairs ay nag-umpisang magsagawa ng isang serye ng
mga committee hearing noong February 26. Binusisi nina Coun. Jose Ramos at
Coun. Amory Junio ang mga merito ng mga panukalang Supplemental Budget ng 77
barangays para sa Calendar Year 2025. Dinaluhan ang pagdinig ng mga Sangguniang
members mula sa iba’t ibang barangay.
๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐, ๐๐ง๐๐ง๐๐จ๐ซ๐ฌ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ง๐๐ ๐จ๐ง ๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ข๐ฅ๐๐ซ ๐
๐๐ซ๐ฆ
Ang
Sangguniang Bayan, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Brgy. Dusoc, ay
nagsagawa ng isang pampublikong pagdinig ukol sa mungkahing municipal ordinance
na naglalayong ireklasipika ang isang parcel ng lupa na pag-aari ng Agri-tech
Estate Development Corp. na matatagpuan sa Dusoc mula sa agrikultural patungong
agri-industrial purposes para sa operasyon ng isang broiler breeder farm. Ang
Agri-tech, sa pakikipagtulungan ng kumpanyang Charoen Pokphand, ay magtatatag
ng isang makabago at pinaka-advanced na teknolohiya sa proyekto na inaasahang
magbibigay ng maraming trabaho sa nasabing ating bayan.