EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Bagong SK Federation President at Federated PTA President,
Nag-courtesy Call sa LSB
Nag-courtesy call ang bagong SK Federation President na si Hon.
Marianne Cheska Dulay at bagong Federated PTA President Raymund Camacho sa
Local School Board noong November 29 sa Mayor's Conference Room. Tumayong
kinatawan ni Mayor NiƱa Jose-Quiambao si Municipal Administrator, Atty.
Rodelynn Rajini S. Vidad, at LSB Executive Director Rolando Gloria. Naroon sa
pulong sina DepEd Bayambang I PSDS, Dr. Longino Ferrer, at DepEd Bayambang II
PSDS, Dr. Candra Penoliar.
UP CBA
Batch '73, Bumisita
Bumisita ang mga miyembro ng University of the
Philippines College of Business Administration (UPCBA) Batch '73 sa bayan ng
Bayambang noong December 5 bilang parte ng pagdiriwang ng kanilang golden
anniversary. Personal nilang pinasalamatan sina former Mayor Cezar Quiambao, at
Mayor NiƱa sa kanilang courtesy call sa kanilang bahay sa Saint Vincent
Village, sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Amando D. Ocampo Jr.
LSB,
Namahagi ng 140 Laptop sa DepEd Bayambang I at II
Noong
December 18, nagpamahagi ang Local School Board sa mga guro ng DepEd Bayambang
District I at II ng 140 units ng laptop gamit ang pondo mula sa LGU at Special
Education Fund, kasama na rito ang donasyong sahod ni Mayor NiƱa.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
Fogging Operations, Isinagawa sa Sapang
Matapos maitala ang ilang kaso ng dengue sa Brgy.
Sapang, agad na umaksyon ang Rural Health Unit Sanitary Inspection team upang
ipaalam sa mga residente roon ang mga dapat gawin upang maiwasan ang naturang
sakit sa pamamagitan ng information campaign noong November 29. Agad ding
nagsagawa ng fogging operations ang grupo sa lugar.
RHU
III, Nag-outreach sa Caturay
Isang
outreach activity ang isinagawa ng RHU III noong December 13 sa Brgy. Caturay
para sa mga undernourished na kabataan at pasyente na may mental health
condition. Dito ay nagkaroon ng maikling lecture sa nutrisyon at kalusugan,
story-telling tungkol sa kapanganakan ni Hesukristo, at mga surpresang regalo
mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation at Victory Church-Bayambang.
RHU
1 at Iba Pa, Nag-training sa First Aid at Life Support
Sumailalim
ang RHU I, ICT, at Legal Office staff sa isang Basic Life Support
Training-Seminar sa tulong ng Philippine Red Cross noong December 6-7 sa RHU I
Conference Room at December 8-10 sa Subic, Zambales. Sa training na ito,
nadagdagan ang kaalaman ng mga naturang personnel para sa mas epektibo at mas
mabilis na pagresponde sa panahon ng emergency.
Animal
Bite Treatment Center Update
As
of December 12, mayroon tayong 69 ongoing animal bite cases at 37 na mga bagong
kaso sa RHU I Animal Bite Treatment Center. Kaya’t sa kabuuan ay may 37 na
pasyente ng animal bites, at ang mga ito ay nasa Category 2. Sa lecture na
ibinigay sa 37 na katao, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging
responsableng pet owners.
Paalala
lang po sa publiko na huwag nating gawing laruan ang alagang aso o pusa.
Mga
RHU, Nag-uwi ng 5 Parangal mula sa DOH Gawad Kalusugan
Ang
mga Rural Health Unit ay nag-uwi ng limang parangal sa Gawad Kalusugan ng
Department of Health noong December 15 sa San Fernando City, La Union. Ang mga
ito ay ang:
-
Newborn Screening Exemplary Award (RHU I)
-
Purple Ribbon Award for Family Planning
-
Top Implementers on Pharmaceutical Management
-
3rd Place, Best Immunization Program Implementer (No. of Vaccinated Children)
-
3rd Place, Best Oral Health Implementer
Huling
Blood Donation Drive sa 2023, Nakaipon ng 118 Bags
Nakaipon
ng 118 bags ng dugo ang huling blood donation drive sa taong 2023 noong
December 18 sa Events Center. Ito ay inorganisa ng mga RHU katuwang ang
Philippine Red Cross at Kasama Kita sa Barangay Foundation.
- Nutrition (MNAO)
Nutrition Plan Workshop, Ginanap para sa mga Barangay
Nagkaroon ng isang orientation program ukol sa Barangay
Nutrition Program Management kasabay ang isang workshop para sa formulation ng
Barangay Nutrition Action Plan noong December 5 sa Events Center. Ito ay
dinaluhan ng 77 na Punong Barangay at 77 na Barangay Treasurer. Naging resource
speaker sina Dieticians Association of the Philippines (Pangasinan Chapter)
President Melita Castillo, Office of Barangay Accounting head Elsie Dulay, OIC
MPDC Ma-lene Torio, at Nutrition Officer Venus Bueno.
Orientation ukol sa Acute Malnutrition, Isinagawa
Isang orientation at
training ang isinagawa ng Nutrition Office ukol sa Integrated Management of
Acute Malnutrition noong December 6 sa Events Center. Kabilang sa mga resource
speaker sina Dr. Ma. Cecilia Nerona ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH), PPH
District Nutrition Program Coordinator Marina Penollar, at RHU II Public Health
Nurse Lady Philina Duque. Ito ay dinaluhan ng mga nurse, midwife, BNS, at LGU
District Nutrition Program Coordinator
Search
for Best Urban Gardening, Isinagawa
Pwede
naman pala ang mag-vegetable gardening kahit nakatira sa sentro ng bayan. Ito
ay pinatunayan ng mga barangay sa Poblacion area noong December 13, sa
isinagawang Search for Best Urban Gardening ng Nutrition Office sa tulong ng
MAO, kung saan naging participants ang walong urban barangays ng Bayambang. Ang
mga nagwagi matapos ang monitoring activity ay iaanunsyo ngayong araw.
Most
Outstanding Schools in Nutrition, Kinilala
Naging
kampeon ang Bayambang Central School, Amancosiling Elementary School, at Bical
Elementary School sa ginanap na Search for Outstanding School in Nutrition
Program Management ng Municipal Nutrition Council, para sa big, medium, at
small schools category. Ang mga winners ay nakatanggap ng tig-P15,000.
Poblacion
Sur, Wagi sa Search for Best Urban Gardening
Nagwagi
ang Poblacion Sur sa kanilang malikhaing urban gardening project, sa
isinagawang Search for Best Urban Gardening ng Municipal Nutrition Action
Office (MNAO), sa tulong ng MAO, noong December 13, kung saan naging
participants ang walong urban barangays ng Bayambang. Ang Poblacion Sur ay
nakatanggap ng P15,000 cash prize. 1st runner-up ang Zone 2 at 2nd runner-up
naman ang Brgy. Magsaysay.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION
OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
ABONO Partylist, Nagbigay ng Medical Assistance
Ang ABONO Partylist ay may biniyayaang 462 na
indigent patients na nakatakdang tumanggap ng medical assistance sa pamamagitan
ng voucher na ipinamahagi noong Nobyembre 30 sa Saint Vincent Prayer Park. May
tig-anim na katao kada barangay ang naging benepisyaryo, salamat sa isang
milyong pisong donasyon ni ABONO Partylist Representative Raymund 'Eskimo'
Estrella. Bawat pasyente ay tumanggap ng Php2,000 voucher para sa libreng gamot
at medical services.
ABONO Partylist, Nagsponsor din ng SLP Startup Fund
Ang Bayambang ay isa sa limang pilot towns na
binigyan ng tulong pinansyal ng ABONO Partylist sa pamamagitan ng Sustainable
Livelihood Program ng DSWD. Sa payout na
ginanap noong December 1 sa Robert B. Estrella Memorial Stadium sa Rosales,
Pangasinan, may 266 na benepisyaryo ang nagmula sa bayan ng Bayambang, na
kinabibilangan ng mga miyembro ng 4Ps, rehistradong kakanin at fruit vendor, at
sari-sari store owners. Bawat isa ay nakatanggap ng P15,000 na startup fund
para sa kanilang small business.
Bagong
Batch ng mga SK Kagawad, Nagtapos sa Mandatory Training
Ang mga
bagong halal na mga Sangguniang Kabataan Kagawad ng Bayambang ay sumabak sa
isang Mandatory Training, at ito ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park
noong November 10, 17, 20, at 22. Layunin nito na ipaalam sa mga SK Kagawad ang
mga responsibilidad na kaakibat ng kanilang uupuang posisyon. Ang training ay
inorganisa ng LYDO at DILG.
6 SLPAs, Tumanggap ng DSWD Startup Fund
Tinanggap ng anim pang Sustainable Livelihood Program Association (SLPA)
ang kanilang startup fund mula sa DSWD noong December 4. Iginawad ang mga tseke
sa mga SLPA mula Ambayat 1st, Ambayat 2nd, Malioer,
Pantol, San Gabriel 2nd, at Tatarac. Ang naturang pondo ay nakalaan
para sa kanilang mga napiling proyektong pangkabuhayan.
MOO
Bayambang, Tumanggap ng mga Parangal
Sa
4th Quarter na Municipal Advisory Committee Meeting noong December 6, inanunsyo
ng DSWD ang mga natanggap na parangal mula sa katatapos na 2023 4Ps Program
Implementation Review sa Baguio City noong November 8-10. Ilan lamang sa mga
ito ay ang:
-
"Most Participative Municipal Operations Office"
-
"Special Citation on Partnership Engagement"
-
at "Case Management Champion"
-
Sa individual category, kinilala si John Christopher Rosquita bilang "Most
Responsive Provincial Operations Office Staff.
Ang
LGU-Bayambang naman ay nominado sa prestihiyosong "Tanging Pinagyaman
Award" dahil sa patuloy na implementasyon ng mga Sustainable Livelihood
Program nito.
Limang
SLPA, Tumanggap ng Start-up Fund
Tinanggap
ng isa na namang batch ng Sustainable Livelihood Program Association (SLPAs)
ang kanilang startup fund mula sa DSWD noong December 11. Dalawang SLPA ang
mula Brgy. Apalen, at tig-isa naman mula sa Pantol, Paragos, at San Gabriel
2nd. Sila ay nakatanggap ng mula P180,000 hanggang P450,000, depende sa
napiling livelihood project.
Mga
Kapitan at GAD Focal Person, Nag-workshop sa Gender Sensitivity
Ang
mga Punong Barangay at kanilang GAD Focal Person ay sumabak sa isang Planning
Workshop para sa isang Gender-Responsive Barangay noong December 11 hanggang
12, sa Pavilion I ng Prayer Park. Sa workshop ay pinalalim ng MSWDO ang
pang-unawa ng lahat sa mga patakaran at plano para sa isang pantay-pantay na
pagsulong sa karapatan ng bawat miyembro ng komunidad, mapalalaki man o babae.
Orientation on Anti-VAWC and Children’s Laws, Ginanap
Nagsagawa
ng isang Orientation on Anti-Violence Against Women and Children's Laws ang
MSWDO noong December 14 sa Pavilion I ng Prayer Park. Layunin nito na mapalakas
ang kaalaman at kakayahan ng lahat ng miyembro ng Local Council for the
Protection of Children at Local Committees on Anti-Trafficking and VAWC sa
kani-kanilang tungkulin. Ito ay ang pagtibayin ang implementasyon ng batas
laban sa mga kaso ng human trafficking at karahasan laban sa mga kababaihan at
kabataan.
CDC
Learners, Humataw sa Children's Festival 2023
Ang
Children's Festival 2023 ay idinaos ng Bayambang Child Development Workers
Association noong December 15 sa Prayer Park. Ito ay nag-umpisa sa isang
parada, at sinundan ng isang Christmas Zumba Competition, kung saan nagwagi ang
CDC Learners Cluster 6. Sa Coronation Ceremony, itinanghal na Mr. & Ms.
Pre-K 2023 sina Reecko Valhein Mendoza ng Mangayao CDC at Erza Mae de Jesus ng
Tampog CDC.
Gov.
Guico at Vice Gov. Lambino, Namahagi ng Financial Assistance sa Barangay
Frontliners
Noong
December 17, dumating sina Governor Ramon Guico III at Vice-Governor Mark
Ronald Lambino upang mamahagi ng financial assistance sa lahat ng mga BHW, BNS,
BSPO, at CDW ng Bayambang. Bawat isa ay tumanggap ng P2,000 financial
assistance bilang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang sakripisyo
at dedikasyon.
MSWDO,
May Bagong Van
Noong
December 18, iginawad ng LGU sa MSWDO ang isang brand new van gamit ang GAD
Fund, sa layuning mas mapalawig pa ang pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo
para sa mga BayambangueƱo.
LGU Social Services, Ginawaran ng "Level
II" Service Delivery Capacity
Ginawaran
ang MSWDO-Bayambang ng Service Delivery Capacity Assessment CY 2023 "Level
II" sa ginanap na State of the DSWD Region 1 Address sa La Union noong
December 14. Ang pagkilalang ito ay tinanggap ni Councilor Benjie de Vera at
patunay ng epektibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa ating mga
kababayan.
Munting
Bahay Kubo, Tinanggap ng "Ukay for a Cause" Beneficiary
Tinanggap
ng napiling benepisyaryo ang isang bahay kubo mula sa pondong nakalap ng
Administrator's Office sa kanilang isinagawang "Ukay for a Cause"
noong September 8 to 9. Ang kubo ay inihatid noong December 14 kay Josiefine
Balansag, isang single mom na may anim na anak, at isang 4Ps beneficiary ng
Brgy. Wawa. Bukod sa bahay kubo ay bibigyan din siya ng trabaho ng MDRRMO
bilang caretaker ng Wawa Evacuation Center.
Pamaskong
Handog sa Kabataan, Nasa 21st Year Na
Ang
tradisyunal na Pamaskong Handog para sa mga Kabataan ay nasa 21st year na. Ito
ay idinaos noong December 18 at 19 sa St. Vincent Ferrer Parish Church, at
dinayo ng mga kabataang mula sa Child Development Centers at SPED classes ng
LGU. Ito ay inumpisahan sa isang misa, at sinundan ng gift-giving at food
treats na hatid ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at NiƱa Cares Foundation.
- Civil Registry Services (LCR)
LCR, Nag-Conduct ng Training sa Tamang Pagproseso ng
Registry Forms
Noong
December 14, ang Local Civil Registrar ay nagbigay ng isang orientation at
training sa Mayor's Conference Room upang mahasa ang kaalaman ng mga RHU,
ospital, at lying in o birthing home sa wastong pagpoproseso ng registry forms,
partikular na sa birth at death certificates.
LCRO,
Kinilala sa PSA Forum
Ang Local
Civil Registry Office (LCRO) ay kinilala ng Philippine Statistics Authority
(PSA) sa ginanap na "Forum on CBMS, Census of Agriculture and Fisheries,
and Census of Philippine Business and Industries" noong December 21 sa
Calasiao. Ito ay isang espesyal na pagkilala sa matagumpay na implementasyon ng
LCR sa PhilSys Birth Registration Assistance Project ng PSA.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
LGU, May
2 Bagong Garbage Compactor Truck
Dalawang
garbage compactor truck ang dumating noong December 29 bilang karagdagang
equipment ng LGU sa garbage collection at disposal operations nito. Ang
dalawang garbage truck ay binili gamit ang GAD Fund ng LGU, at ang mga ito ay
nagkakahalaga ng 5.668 million pesos.
- Youth Development (LYDO, SK)
Mga
Anak ng 4Ps Members, Sumalang sa Youth Development Session
Isang
Youth Development Session ang inorganisa ng DSWD para sa mga anak ng mga
benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Program sa Bayambang noong December 8 sa
Events Center. Naging resource speaker ang LYDO, SK Federation, at DSWD
Municipal Links.
SK
Federation President, Delegado sa National Youth Convention 2023
Kabilang
si Bayambang SK Federation President Marianne Cheska Dulay sa mga dumalo sa
pagtitipon ng higit isang libong SK Federation Presidents mula sa iba’t ibang
bayan para sa National Youth Convention 2023 na ginanap sa Baguio City noong
December 7-10. Dito ay nagkaroon ang mga youth leader ng pagkakataon na
personal na makausap ang mga matataas na opisyales ng bansa at makakuha ng tips
ukol sa mahusay na public service.
Mandatory
Training, Dinaluhan ng mga SK Secretary at SK Treasurer
Isinagawa
ang isang mandatory training noong December 27 sa Pavilion 1 ng St. Vincent
Ferrer Prayer Park para sa mga bagong SK Secretary at SK Treasurer. Dito ay
ipaalam sa mga naturang opisyal ang kanilang responsibilidad, kabilang Code of
Conduct at Ethical Standards.
- Peace and Order (BPSO, PNP)
Mga
TODA, Sumabak sa Road Safety Seminar
May
120 na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association ang sumabak sa
isang Road Safety Orientation-Seminar na ibinigay ng BPSO noong December 14 sa
Bayambang National High School Gymnasium. Naging guest lecturer ang LTO, PNP,
at Pangasinan Highway Patrol Group na nagbigay ng karagdagang kaalaman ukol sa
traffic rules, violations, at penalties.
Mga
Hepe ng BFP Region I, Nagtipon sa Bayambang
Noong December 19, nagtipon-tipon ang
mga hepe ng Bureau of Fire Protection-Region I, para sa kanilang 50th Fire
Service Recognition. Ang mga opisyales, sa pamumuno ni BFP-Region I Director
Leonida Rosales, ay sinalubong ni BFP-Bayambang OIC Chief Divine Cardona sa
Events Center. Naging panauhin sina Mayor NiƱa, na nirepresenta ni Vice Mayor
IC Sabangan,
at
former administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. na siya namng kumatawan kay
Gov. Ramon Guico III.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
NIA,
Nagsagawa ng Consultation Meeting
Nagsagawa
ng consultation meeting ang pamunuan ng National Irrigation Authority (NIA), sa
pangunguna ni Engr. John Molano, NIA Acting Division Manager, upang talakayin
ang issue ukol sa isang loteng masasagasaan ng Bayambang Pump Irrigation
Project. Ang lote ay nasa isang pribadong subdibisyon ng Jamaica Realty Corp.
sa Brgy. Buayaen. Ang pulong ay ginanap noong Dec. 1 sa Mayor's Conference
Room.
10
Collapsible Dryers, Tinanggap ng District 4 Farmers
Noong
December 7, tumanggap ng sampung collapsible dryer mula sa Pangasinan Research
and Experiment Center sa bayan ng Sta. Barbara ang farming cluster ng District
4 sa Bayambang. Ang mga ito ay kanilang magagamit para sa pagbilad ng inaning
palay sa halip na magbilad sa daan.
Wing
Van mula KADIWA, Dumating NaIsang brand-new wing van ang natanggap ng LGU
matapos itong mag-request sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng Kadiwa
financial grant assistance program. Ang naturang hauling service vehicle ay
isang 20-feet na 6-wheeler at nagkakahalaga ng P2.2 milyong piso. Ito ay
malaking tulong upang mapababa ang delivery cost ng local farmers.
Ceremonial
Staking, Idinaos para sa Swine Facility
Noong
January 4, dumating ang Department of Agriculture Regional Office I para sa
ceremonial staking ng Swine Facility Project sa Brgy. Dusoc. Ang proyekto ay
nagkakahalaga ng 10-million pesos para sa construction ng biosecured facility,
pambili ng mga alagang biik, at feeds, bilang parte ng livestock program ng
ahensya na tinaguriang INSPIRE o Integrated National Swine Production
Initiatives for Recovery and Expansion.
NIA, Muling Bumisita
Noong
January 4 pa rin, muling bumisita ang National Irrigation Authority sa
Bayambang upang pulungin ang mga kapitan ng 22 farming barangays na mabibiyaan
ng 40-million-peso worth na Bayambang Pump Irrigation Project na siyang
nakatakdang magbigay ng patubig sa 1,600 ektaryang sakahan.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (MESO, BPRAT)
- Economic Development (SEE)
Basic
Business Management Seminar, Nilahukan ng Market Vendors
Noong
December 19, nagsagawa ang Office of the Special Economic Enterprise (SEE) ng
isang Basic Business Management Seminar para sa mga market vendor, upang higit
pang mapaunlad ang mga MSME sa Bayambang. Naging resource speaker ang isang
officer ng Bangko Sentral at isang Development Analyst ng DTI, na siyang
tumalakay sa mga paksa ukol sa pag-impok ng kita, budgeting, at basic
retailing.
- Cooperative Development (MCDO)
Co-op
Members, Sumabak sa Business Management Seminar
Sumabak
sa isang seminar ukol sa "Entrepreneurial and Business Management"
ang mga miyembro ng iba't ibang kooperatiba sa Bayambang noong December 29 sa
Events Center, sa pag-oorganisa ng M.C.D.O. Naging resource speaker si Dr.
Jeanica Joson, na tumalakay sa tamang pagpapatakbo ng isang negosyo.
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
New
Year Countdown sa Prayer Park
Ang
pagpasok ng Bagong Taon ay sinalubong sa pamamagitan ng isang banal sa misa sa
St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay sinundan ng nakaugaliang New Year
Countdown sa naturan ding venue, kung saan masigabong sinalubong ng mga
BayambangueƱo ang pagpasok ng taon sa pamamagitan ng isang grand fireworks
display.
Unang 3D LED Screen sa Labas ng NCR, Pinasinayaan sa Royal Mall
Pinangunahan nina Mayor NiƱa Jose-Quiambao at First Gentleman, Dr. Cezar
Quiambao, ang launching ng kauna-unahang 3D LED outdoor billboard sa bansa sa
labas ng Metro Manila noong December 5 sa Royal Mall. Napuno ng excitement at
pagkamangha ang mga BayambangueƱo at iba pang mga bisita na sumaksi sa
pagpapasinaya, matapos makita ang 3D effects ng LED screen na ininstall sa
harap ng naturang mall sa sentro ng bayan. Ang pinakaunang 3D LED billboard sa
bansa ay matatagpuan sa 5th Street, Bonifacio Global City (BGC), Taguig, Metro
Manila.
Tourism Update
Samantala, as of November 30, iniulat ng Bayambang Public
Safety Office (BPSO) na mayroong nang 129,410 na turista ang nakabisita sa
Japan-inspired Paskuhan sa Bayambang 2023.
Mga
Media Entities, Patuloy ang Pagfeature sa Bayambang
Padami
ng padami ang mga media entities mula sa national at regional level ang
nagcocover sa kakaibang atraksyon ng Paskuhan sa Bayambang 2023. Matapos itong
maifeature ng GMA News, ABS-CBN, Rappler, Manila Bulletin, at iba pa, dumating
naman noong December 13 ang Philippine Daily Inquirer at ilang cast and crew ng
"Dapat Alam Mo" TV show ng GMA.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra,
Housing, Transport, Utilities, etc.)
LGU, Nakipagdayalogo sa PSU ukol sa Central Terminal
Noong December 5, ang LGU ay nakipagdayalogo sa mga opisyal ng
PSU ukol sa Bayambang Central Terminal upang maging mas maganda at mas pinatibay
ang kasunduan sa naturang proyekto. Dumalo sa Mayor's Conference Room sina PSU
University President, Dr. Elbert Galas, Campus Executive Director Dr. Gudelia
Samson, at Chief Administrative Officer, Dr. Ian Evangelista at iba pang
opisyal. Nirepresenta naman ang LGU ni dating Mayor, Dr. Cezar Quiambao, na
siyang nagpasimula ng nasabing proyekto. Noong 2021, ang dalawang partido ay
pormal na nagkasunduan upang gamitin ang 8,000 sqm na espasyo sa PSU Bayambang
para magtayo ng isang modernong Central Terminal para sa mga local commuter.
JKQ Hospital Update
Narito naman ang latest update ukol sa Julius K. Quiambao
Medical and Wellness Center, The Medical City-Managed Hospital, sa Brgy. Ligue
as of December 4, 2023.
PRDP,
Nag-conduct ng Pre-validation
Noong
December 5 hanggang 7, muling bumisita ang Philippine Rural Development Project
team kaugnay ng mga kinakailangang gawin para sa Phase 2 ng Pantol-to-San
Gabriel-2nd Farm-to-Market Road (FMR) with Bridges Project. Kasama ang LGU,
kanilang binaybay ang mismong lugar na pagtatayuan ng daan, at saka sila ay
nagdaos ng isang exit conference, kung saan inilahad ang mga susunod na hakbang
ng magkabilang panig.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
25
Trainees, Nagsipagtapos sa ICS 4
Ang
MDRRMO ay nag-organisa ng limang araw na training na "All Hazards Incident
Management Team" o mas kilala bilang "Incident Command System
IV" sa Lennox Hotel, Dagupan City. May 25 trainees ang matagumpay na
nagsipagtapos out of 32 candidates na nakakumpleto ng ICS ladderized training
courses.
MDRRMO
ng Abra de Ilog, Nagbenchmarking
Ang
MDRRMO ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro ay bumisita sa Bayambang noong
December 21 para magbenchmarking activity. Sa pangunguna ng kanilang LDRRM
Officer na si Geoffrey Panganiban, ang trenta katao na delegasyon ay winelcome
ni Bayambang LDRRM Officer Genevieve Benebe, kanyang staff, at iba pang
opisyal. Ang mga bisita ay humanga sa iba’t-ibang atraksyon sa bayan gaya ng
Prayer Park at ang Japan-inspired na Paskuhan sa Bayambang.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
DILG,
Nagbigay ng Briefing on Preparation of Barangay Plans
Noong
December 13, nagsagawa ang DILG ng isang Briefing on Preparation of Barangay
Plans sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay dinaluhan ng mga
Punong Barangay, Barangay Treasurer, Barangay Secretary, at Barangay Kagawad
(na siyang Chairman ng Committee on Appropriation). Naging tagapagsalita ang
mga pinuno ng LGU mula sa labing-isang departamento.
Former
VM Sabangan, Bagong Liga President
Nagwagi
si former Vice-Mayor at Zone VI Punong Barangay Raul Sabangan bilang bagong
Liga ng mga Barangay President, sa halalang idinaos ng COMELEC at DILG. Kanyang
papalitan si dating Liga President Rodelito Bautista at uupo bilang ex-officio
member ng Sangguniang Bayan.
2023
LGU Year-End Assessment, Ginanap
Noong
December 20, ginanap ang Year-End Assessment Program ng LGU sa St. Vincent
Ferrer Prayer Park kung saan nagkaroon ng kasiyahan ang lahat, sa pangunguna ni
Mayor NiƱa Jose-Quiambao, dahil sa mga naging accomplishment ng buong LGU sa
nakalipas na taon. Ang alkalde ay naghandog ng isang milyong piso para sa
raffle draw, kaya't damang-dama ang kagalakan ng mga empleyado sa aktibidad.
Barangay
Officials, Nakinig ukol sa Year-End Adjustment Seminar ng BIR
Noong
December 29, inimbitahan ng Liga ng mga Barangay ang 77 na Punong Barangay,
Barangay Treasurer, bookkeeper, SK Chairman, at SK Treasurer na dumalo sa
paanyaya ng BIR ukol sa usaping "BIR Year-End Adjustment." Ito ay
ginanap sa SB Session Hall.
- Planning and Development (MPDO)
-
- Legal Services (MLO)
Legal
Office, Nagbigay ng Seminar ukol sa Katarungang Pambarangay
Ang
Municipal Legal Office ay nagbigay ng isang seminar sa mga mga Punong Barangay,
Barangay Secretary, at Lupong Tagapamayapa ukol sa Katarungang Pambarangay
noong December 27 sa Balon Bayambang Events Center. Ipinaliwanag dito ang
nararapat na implementasyon ng Katarungang Pambarangay upang mabilis na
maaksyunan ang bawat problemang legal sa kanilang nasasakupan.
LGU,
Muling Nakipag-dayalogo sa Magsaysay Residents
Muling
inanyayahan ng LGU ang mga apektadong residente ng Brgy. Magsaysay, sa isa na
namang dayalogo hinggil sa mga isyu ukol sa pag-aari, possession, patuloy na
pag-aalok na magbenta, at iba pang mga katanungan hinggil sa mga lote sa Brgy.
Magsaysay na titulado sa pangalan ng Munisipyo ng Bayambang. Ang dayalogo ay
ginanap sa Events Center noong December 14 sa pangunguna ng Legal, Assessor, at
Treasury Office.
- ICT Services (ICTO)
- Human Resource Management (HRMO)
Ligtas na Tanggapan, Tinalakay sa Seminar
Bilang bahagi ng layunin ng LGU na mapanatili ang
kaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuhan ng mga kawani ng gobyerno,
nag-organisa ang HRMO, sa tulong ng MDRRMO, ng isang seminar hinggil sa
"Safe and Conducive Workplace" noong Nov. 30 sa Events Center. Naging
resource speakers sina Mastery Consultancy OPC Leopoldo Rausa Jr., OSH
Consultant Rodolfo Abad, OSH Practitioner Jeffrey Corpuz, at OSH Consultant
Ashley Katryn Campos.
GSIS, May Onsite E-Card Enrollment
Noong Dec. 1, nagsagawa ang GSIS ng isang onsite
enrollment para sa E-Card o UMID Card ng mga kawani ng LGU. Ito ay ginanap sa 2nd
floor ng Municipal Annex Bldg. Ayon
sa tala ng HRMO, mayroong 36 LGU employees ang nakapag-enroll para sa E-Card.
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
Health Department, Muling Nakasungkit ng mga Parangal sa
Provincial Summit
Muling tumanggap ng mga parangal ang ating Health Department, sa ginanap
na Provincial Health Summit sa Kapitolyo noong November 30. Ang RHU I, II, at
III ay completer ng DOH Universal Health Care Implementers Course at Integrated
Course on Primary Care. Kinilala rin ang RHU sa Local DRRM in Health. Champion
naman sa Green Banner Seal of Compliance in Nutrition ang health cluster bilang
Best LGU Implementer in Nutrition Program. 2022 Most Outstanding MNAO sa buong
probinsya Ms. Venus Bueno. Finalist naman sa Most Outstanding Barangay
Nutrition Scholar of the Province si Elsie Baiguen ng Brgy. Magsaysay.
MDRRMO,
Tinanggap ang Pangatlong Gawad KALASAG
Pormal
nang tinanggap ng LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng MDRRMO, ang Gawad Kalasag
mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangatlong
pagkakataon. Isa ang Bayambang sa 723 lamang na "Fully Compliant
LGUs" sa ginanap na 23rd Gawad KALASAG awarding ceremony noong December 27
sa San Fernando City, La Union.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Mga SB Secretary ng Pangasinan, Nagpulong Dito
Noong December 7, nagtipon-tipon ang mga Sangguniang Bayan
Secretary ng buong probinsya ng Pangasinan sa Bayambang para sa kanilang
quarterly meeting. Ang grupo ay binigyan ng mainit na pagwelcome ni SB
Secretary Joel Camacho at kanyang staff sa Balon Bayambang Events Center.