Monday, October 3, 2022

LGU Accomplishments - September 2022

GOOD GOVERNANCE

Free Pampering Services, Handog ng HRMO 

Noong September 7, naghatid ng mga libreng serbisyo ang Human Resource Management Office (HRMO) alinsunod sa selebrasyon ng 122nd Anniversary ng Civil Service Commision na ginanap sa Balon Bayambang Event Center. Ang mga kawani ay binigyan ng libreng haircut, back massage, pedicure at manicure. Tuwang-tuwa siyempre ang mga nakapag-avail ng mga libreng serbisyong ito sa kabila ng pagiging busy nila sa trabaho.

KSB Team, Dumayo sa Brgy. Malioer

Ang mga kawani ng munisipyo, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ay muling dumayo sa Brgy. Malioer noong September 9 sa Malioer Elementary School upang doon naman direktang dalhin ang mga serbisyo ng gobyernong lokal sa proyektong tinaguriang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year 5. Kasama ang mga taga-Malioer, Caturay, at Hermoza sa tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyo. Pahayag ni Mayor Niña, bawat galaw ng administrasyon ay para sa ikakaunlad ng lahat ng Bayambangueño. Ayon sa overall organizer na si Dr. Roland Agbuya, mayroong 977 total registered clients sa event na ito.

Former Mayor CTQ, Guest Speaker sa BIBA General Assembly 

Inanyayahan si Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, bilang guest speaker sa General Assembly ng Bayambang Integrated Business Association o BIBA noong September 8, sa Brgy. Buayaen. Ang BIBA ay dati nang isang accredited CSO, kaya't sila ay muling hinikayat na magpaaccredit. Hinikayat rin ng dating alkalde ang mga miyembro ng asosasyon na kumuha ng kursong Entrepreneurship sa Bayambang Polytechnic College upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo. 

10 Kapitan sa Kabilang Partido, Nakiisa sa TQS

Noong September 12, nakipagpulong ang sampung kapitan kay Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice Mayor Ian Camille Sabangan, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang iparating ang kanilang pakikiisa sa adhikain ng administrasyong Quiambao-Sabangan na mapagtagumpayan ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Sa pagpupulong, ipinarating ng mga Punong Barangay ng Bical Norte, Maigpa, Duera, Pugo, San Gabriel 2nd, Iton, Manambong Parte, Tambac, Paragos, at Darawey ang kanilang nais na pakikisa na isulong ang tunay na progreso para sa lahat ng Bayambangueño.

3Q Meeting ng 3 Councils at 2 Task Forces, Ginanap

Noong September 14, inorganisa ng Municipal Local Government Operations Office ang sunud-sunod na third quarter meeting para sa Municipal Peace and Order Council, Municipal Anti-Drug Abuse Council, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa Mayor’s Conference Room, kung saan dumalo si Mayor Niña Jose-Quiambao gamit ang Zoom video. Sa pulong, iprinisenta ng mga naturang council ang kani-kanilang accomplishments sa 2nd quarter at mga nakahanay na aktibidad para sa 3rd at 4th quarter. Isa sa mga nagging mainit na usapin ang tungkol sa insidente ng rape cases, at kung ano ang mga naararapat na intervention upang ito ay mapigilan.

SK Members, Na-briefing ukol sa SK Reform Act of 2015

Noong September 20, nagbigay ng briefing ang Bureau of Internal Revenue sa lahat ng Sangguniang Kabataan (SK) Chairman at SK Treasurer ukol sa Republic Act No. 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015. Ayon sa RA 10742, ang bawat SK Council ay may mandato na magparehistro sa BIR. Ayon pa sa BIR, ang mga SK Council ay kinakailangang magwithold ng 2% at 1% sa kanilang procurement ng goods at services. 

KSB Year 5, sa Bical Norte Umabante

Ang buong team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 ay umabante naman sa Brgy. Bical Norte upang ihatid muli sa ating kabaleyan ang mga libreng serbisyo mula sa Munisipyo. Ginanap ang KSB noong September 23 sa Bical Elementary School para sa tatlong barangay kabilang ang Sancagulis, Bical Sur at Bical Norte. Maligayang tinanggap ang buong KSB team nila PB Jessie Abalos at Principal Rosario Quia sapagkat mabibigyang pagkakataon ang mga residente na matugunan ang kanilang mga kinakailangang serbisyo. Ayon sa report ng overall coordinator, Dr. Roland Agbuya, ang grupo ay nagtala ng 1,199 beneficiaries.

CSO Selection of Reps, Isinagawa ng DILG at MPDC

Dinaluhan ni Mayor Niña Jose Quiambao ang isang pagpupulong ukol sa "CSO Selection of Representatives" na inorganisa ng DILG at MPDC kasama ang mga accredited CSOs sa Bayambang at lahat ng LGU heads noong September 28 sa Niñas Cafe. Tinalakay ni Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario ang mga bagay na dapat tandaan bilang isang CSO, kabilang ang accreditation, at selection ng kanilang representatives sa mga special bodies na Local Development Council, Local School Board, Local Health Board, at Local Peace and Order Council. Dumalo rin ang dating DILG Provincial Director na ngayon ay DILG OIC Regional Director, Gng. Agnes A. de Leon. Parte ang aktibidad na ito sa polisiya ng participative governance ng pamahalaan.

ECONOMIC DEVELOPMENT

EO No. 52: Bagsakan Operating Hours

Noong September 14, inilabas ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Executive Order No. 52, na siyang nagtatakda ng operating hours ng Bagsakan sa Bayambang Tricycle Terminal nang mula sa alas diyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga para sa mga public market vendors. Ito ay matapos makipagdayalogo si Mayor Niña kasama ang Office of the Special Economic Enterprise sa mga tricycle operators at drivers at Bagsakan vendors.

Mayor Niña, Pinulong ang Ambulant Vendors sa Bayan

Nakipagpulong si Mayora Niña Jose-Quiambao sa mga ambulant vendors sa bayan, partikular na ang mga street food vendors, sa Niñas Cafe noong September 22 upang maipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng pagsunod sa batas na ipinatutupad ng DILG laban sa mga road obstructions. Layunin nito na masolusyunan ang perwisyong naidudulot sa daloy ng trapiko at upang makaiwas ang lahat sa aksidente. Dahil dito, nais ng alkalde na mailipat sila sa ligtas at naaayon na lugar upang maipagpapatuloy ang kanilang hanapbuhay. Sila ay pansamantalang ililipat mula Tricycle Terminal papuntang parking lot sa harap ng simbahan.

Mas Maluwag na Fish Section sa Public Market, Naisakatuparan!; Hanash Wall, Giniba ni Mayora

Bilang tugon ni Mayora Niña Jose-Quiambao sa mga hinaing ng fish vendors sa Public Market, kanyang ipinagiba ang isang pader na nakaharang sa may entrance ng fish section na nagiging sanhi ng mas mahirap o mas masikip na access ng mga mamimili sa pamilihang bayan. Samu't saring reklamo at pagpaparinig umano ang ginagawa ng mga vendor sa social media at ito ay tinawag na "hanash" ng alkalde. Dahil dito, binansagang Hanash Wall ang naturang pader kung saan nakasulat ang mga sama ng loob ng bawat isa na sinulatan pa nila ng karagdagang mga salita na sumisimbolo ng kanilang poot at galit. Pinangunahan ni Mayor Quiambao ang seremonya, maging ang pagbabasag ng mga plato at tasa habang tinatamaan ang mga katagang nakasulat sa pader. 

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

Tax Declaration ng Assessor's, Patuloy

Sa buong buwan ng Agosto hanggang September 12, patuloy na nag-ikot ang Assessor's Office sa iba't ibang barangay kabilang ang Apalen, Alinggan, Amanperez, Bani, Bongato West at Carungay upang makapag-issue ng tax declaration. Isa-isa nilang sinusuri ang mga establisyimento doon, mapa-residential man o commercial, upang maipaalam sa mga residente ang tamang halaga ng kanilang babayarang amilyar bilang pagsunod sa umiiral na batas ukol sa pagbabayad ng buwis.

2023 LGU Budget Deliberations, Naging Masusi

Noong September 22-23, dumalo sa isa na namang serye ng budget deliberation sa Niñas Café ang lahat ng departamento ng LGU, sa pag-oorganisa ng Municipal Budget Office. Naroon ang lahat ng department at unit heads upang idepensa sa harap ni Mayor Nina Jose-Quiambao at ng buong finance team ng LGU ang kani-kanilang inihandang budget para sa taong 2023. Naging masusi ang deliberasyon sa likod ng 40% budget cut sa National Tax Allotment ng gobyerno sa lahat ng LGU, kaya't sinigurong bawat item ay pasok sa budget. Ang aktibidad ay parte pa rin ng polisiya ng transparency at good governance ng administrasyon.

LEGISLATIVE WORK

Committee Hearing, Isinagawa ng SB ukol sa Panukalang Ordinansa ng 3 Barangay

Sa unang araw ng Setyembre, ginanap ang isang Committee Hearing ukol sa panukalang ordinansa na balak ipatupad ng tatlong barangay sa kani-kanilang nasasakupan: ang Ecological Waste Management at ang iba pang concerns ng mga barangay tulad ng Ordinance on Gossiping sa Bongato East, Official Seal ng Brgy. Langiran at Stray Animals sa Tococ East). Pinangunahan ang Committee Hearing ni Coun. Amory Junio bilang SB Committee Chairman on Rules, Laws, Ordinances and Privileges. Sa huli, ang mga barangay ito ay inabisuhang i-revise ang mga panukala bago magschedule sa isang public hearing.

HEALTH

Libreng Care Kits, Handog ng TQS

Ang LGU ay nagpapasalamat sa mga sa libreng care kits para sa mga Bayambangueño na nagpositibo sa COVID-19. Ang mga ito ay donasyon nina Mayor Niña Jose-Quiambao, Dr. Cezar Quiambao, Team Quiambao-Sabangan, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at Niña Cares Foundation. Ang mga donasyong care kits ay ibinibigay ng RHU sa mga RT-PCR positive na Bayambangueño. Ang bawat kit ay may lamang alcohol, face masks, thermometer, gamot, bitamina at iba pa. 

Inspection Team, Nag-umpisa nang Mag-ikot sa CDCs para sa Safety Seal

Nag-umpisa nang mag-ikot ang team ng pamahalaang lokal para mag-inspeksyon sa lahat ng Child Development Centers para sa Safety Seal. Noong Sept. 23, ang mga inspector ay nag-issue ng Safety Seal para sa Zone V CDC at Zone VII. Ang inspection team para sa mga government offices at public facilities gaya ng CDCs ay kinabibilangan ng DILG, PNP, at BFP.

Blood Donation Drive, Isinagawa sa Amancosiling Sur

Maging ang mga blood donation drive ay inilalapit na rin ng pamahalaan sa malalayong barangay. Noong September 19, nagkaroon ng Community Mobile Blood Donation Drive sa Brgy. Amancosiling Sur Covered Court, sa pagtutulungan ng Rural Health Units I, II, III, IV, at V at Region 1 Medical Center. Sa 92 na nagparehistro, 61 ang naging successful donor. Dito ay muling nagpamigay ang Kasama Kita sa Barangay Foundation ng mga T-shirt sa mga blood donor.

Mga Midwife ng RHU II, Nagpaanak ng Ginang sa Loob ng Traysikel

Agad na rumisponde ang mga midwife ng RHU II kasama ang ilang staff ng BPSO at mga opisyal ng Brgy. Pangdel nang isang ginang ang inabutan ng panganganak sa loob ng isang traysikel habang nasa kalsada. Ang ginang ay nagngangalang Gloria Pascual mula sa Brgy. Maloier at ang insidente ay nangyari sa may gilid ng dike sa Brgy. Pangdel noong umaga ng Biyernes, September 23. Ang mga RHU II midwives na sina Arsenia Petuya at Lilibet Menor ang nagpaanak sa ginang, na anila ay nagsilang ng isang malusog na batang lalaki. Agad namang itinakbo sa Bayambang District Hospital ang mag-ina upang mabigyan ng maayos na medical attention.

EDUCATION

Bayambang Polytechnic College, Nagbukas Na; Saygo, First President

Pormal nang binuksan ni dating mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at kabiyak na si Mayor Niña Jose-Quiambao ang isa sa pinakamalaking proyekto ng administrasyong Quiambao-Sabangan laban sa kahirapan, ang Bayambang Polytechnic College, sa makasaysayang programang ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong September 5. Kasabay ng formal opening na ito ay ang investiture ng kauna-unahang President nito na si Dr. Rafael L. Saygo. Sa kasyong ito ay dumating si Governor Ramon Guico III, Provincial Board Members na sina Engr. Vici Ventanilla at Dra. Sheila Baniqued, at ipinakilala ang mga dean at faculty ng BPC. Naroon din ang lahat ng mga kauna-unahang enrollees ng naturang kolehiyo.

21,000 na Payong, Idinonate ng Niña Cares Foundation 

Noong September 12, inanunsyo ni Mayora Niña Jose-Quiambao na mamimigay ito ng 21,000 piraso ng payong para sa lahat ng elementary pupils sa 50 public elementary schools sa Bayambang, salamat sa donasyon ng  Niña Cares Foundation, Kasama Kita sa Barangay Foundation, at pamilya Jose-Quiambao. Ang munting regalong ito ay tiyak na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa kanilang maulang pasukan.

Bagong LGU Daycare, Pinasinayaan ni Mayor Niña

Noong September 19, pinasinayaan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at First Gentleman, Dr. Cezar Quiambao, ang bagong Daycare Center ng Munisipyo sa Rizal Room ng Balon Bayambang Events Center. Ang LGU Daycare Center ay inisyatibo ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, sa pakikipag-ugnayan sa HRMO, sa kagustuhang matugunan ang pangangailangan ng LGU employees na may mga anak edad tatlo hanggang limang taong gulang. Sa panibagong tulong na ito, mababawasan ang alalahanin ng mga kawani ng LGU sa araw-araw.

Ligtas na Pagbubukas ng CDCs, Siniguro ni Mayor Niña 

Sa muling pagbubukas ng mga Child Development Centers para sa face-to-face classes, siniguro ni Mayor Niña Jose-Quiambao na ito ay ligtas para sa mga Child Development Workers at Child Development Learners, sa pamamagitan ng pagdonate ng health kits para sa lahat ng CDCs. Noong September 19, tinanggap ng MSWDO at Child Development Workers ang kahun-kahong face masks, galun-galong alcohol, at mga thermal scanners na mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña. 

Child Development Centers, Nagbukas Na

Noong araw ding iyon ay nagbukas na ang mga Child Development Centers sa Bayambang, at isa-isa nilang tinanggap ang mga naturang donasyon ni Mayor Niña. Ang Bayambang ay may 73 accredited Child Development Centers at 75 Child Development Workers. 

LIVELIHOOD & EMPLOYMENT

Daan-daang Trabaho, Bumuhos sa Provincial Jobs Fair

Noong September 16, nagsagawa ng Special Jobs Fair with One-Stop Shop Services para sa Central Pangasinan ang Provincial Public Employment Services Office (PESO), sa pakikipagtulungan ng Municipal Employment Services Office (MESO), Department of Labor and Employment, at Department of Migrant Workers (DMW). 11 local companies at isang international company ang nakilahok. May 229 naman ang naging applicants, at 41 sa mga ito ay hired on the spot. Naroon din ang SSS, PhilHealth, PAG-IBIG, DMW, at TESDA upang iassist ang mga participants sa proseso para makapag-avail ng kanilang mga serbisyo. 

OWWA Region I, Nag-courtesy Call; Lomboy, Winner ng Bahaghari Award

Noong September 27, nag-courtesy call ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Region I sa pangunguna ni Regional Director Gerardo Rimorin kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa Mayor's Conference Room. 

Kinumusta ng OWWA official ang alkalde kasama ang Municipal Public Employment Services Office at inalam kung paano mas makakatulong sa mga lokal na OFW. Kasabay nito, ginawaran ng kaunaunahang Bahaghari Award si LGBTQ Bayambang Association President, Sammy Lomboy Jr., bilang natatanging LGBT sa buong Region I dahil sa mga social at charity works nito.

OTHER SOCIAL SERVICES

VM Sabangan, Pinasinayaan ang Lions Club Marker

Noong September 3, naging panauhing pandangal si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa formal unveiling ng bagong marker ng Bayambang Bayanihan Lions Club International na matatagpuan sa panulukan ng Magsaysay St. at Roxas St. Naroon siyempre ang mga opisyal at miyembro ng organisasyon sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Engr. Eulito C. Junio. Naging parte rin ng list of donors sa munting proyektong ito si VM Sabangan kasama sina Councilor Jose 'Boy' Ramos, Councilor Amory Junio, at Councilor Martin Terrado II. 

Church Volunteers, Nagpasalamat sa Donasyong E-Trike ni Mayor Niña

Noong September 6, isang grupo ng volunteers mula sa St. Vincent Ferrer Parish Church ang nakipagpulong kay Mayor Niña Jose-Quiambao upang ipaalam sa kanya ang kanilang apostolate work para sa mga elderly na Bayambangueño. Matapos nito, ang grupo ay binigyan ng isang electric vehicle mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation upang makatulong sa pag-iikot sa kanilang mga binibisitang elderly at indigent households.

Food Items sa Feeding Program, Ipinamahagi ng DSWD

Kinahapunan din ng araw na iyon, ipinamahagi ng MSWDO ang food packs galing DSWD para sa 73 Child Development Centers sa Bayambang, sa 12th cycle ng Supplementary Feeding Program ng ahensiya. Ang mga nutritious food items na ito ay nakalaan para sa 3,200 day care students na naka-enroll sa kasalukuyang school year. Kabilang sa mga items ang bigas, fortified noodles, beans, itlog, at prutas.

ASA Foundation, Muling Nagpa-feeding Activity

Ang ASA Foundation ay nakipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Office noong September 14 upang magsagawa ng isang feeding activity para sa mga taga-Brgy. Hermoza. Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng 17 na mga buntis at 67 na kabataan mula 6 hanggang 59 buwang gulang. Ang LGU-Bayambang ay nagpapasalamat sa ASA Foundation sa pakikiisa nito sa ating nutrition program.

MSWDO, Namahagi ng 5 Pediatric Assistive Devices

Namahagi ang MSWDO ng tatlong pediatric wheelchair at dalawang stroller para sa limang benepisyaryo na nagrequest ng mga ito sa tanggapan. Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, former Mayor Cezar Quiambao, at buong Sangguniang Bayan ang turnover ng mga naturang assistive devices sa simpleng seremonya sa Events Center noong September 19. 

Gender Sensitivity sa LGU Offices, Muling Isinulong 

Noong Sept. 21 at 22, nagsagawa ang MSWDO ng isa na naming Gender and Development Training para sa lahat ng departmento ng LGU at ito ay ginanap sa Events Center. Nagsilbing tagapagtalakay ang mga opisyal galing DSWD Field Office I. dito ay tinalakay ang ukol sa gender and development laws, ang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kakabaihan, at kung paano maging gender-sensitive na katrabaho sa isang tanggapan.

LGU, Umasiste sa Educational Assistance Payout

Tumulong ang LGU -- sa pangunguna ng MSWDO -- sa isang isinagawang payout activity ng DSWD para sa lahat ng estudyanteng navalidate ng ahensiya na qualified para sa Educational Assistance Program nito. Ang payout ay ginanap noong Setyembre 23, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ayon kay Deputy OIC MSWD Officer Josie E. Niverba, mayroong kabuuang 748 ang matagumpay na nakapag-avail ng naturang assistance.

ANCOP Ville Residents, Muling Nag-enjoy sa Family Day

Muling nag-enjoy ang mga miyembro ng 32 pamilya ng ANCOP Ville sa  Brgy. Sancagulis sa isa na namang Family Day na inorganisa ng MSWDO nitong Sept. 24. Ang taunang aktibidad ay inorganisa ni OIC MSWDO Josie E. Niverba at Housing Focal Person Danny Ventura, sa tulong ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. Dumalo roon sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, KKSBFI COO Romyl Junio, KKSBFI Livelihood Consultant Lerma Padagas, at BPRAT Chairman, Dr. Rafael Saygo. Bukod sa mga presentations ay may games, raffle, prizes, at iba't-ibang competitions.

LCR, Nagsagawa ng Training ukol sa Registry Forms

Kung minsan, ang ilan sa atin ay nagkakaroon ng malaking problema sa birth certificate at death ceritificate dahil sa isang maliit na maling detalye sa mga civil registry forms. Kaya noong September 29, ginanap ang isang training para sa mga personnel-in-charge mula sa mga RHU, hospital, at lying-in para maabisuhan sa kung papaano ang tamang pag-fill out ng civil registry forms, sa inisyatibo ni  Municipal Civil Registrar Ismael D. Malicdem Jr. Ang naturang event ay ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Legislative Building. Sa naturang training na ito, nais ng buong kagawaran na mas maging maayos ang paglilista ng mga impormasyon upang iwas aberya pagdating sa pagkuha ng mga importanteng dokumento sa hinaharap.

Mayora Niña, Nakipag-MOA sa PSA

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) si Mayor Niña Jose-Quiambao kasama ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa PhilSys Birth Registration Assistance Project noong September 19 sa Mayor's Conference Room. Sa naturang MOA, magbibigay ang PSA ng 837 slots ng free registration sa mga Bayambangueño na wala pang birth certificate mula pagkasilang. Ang negative certification na ito ay sasagutin ng PSA upang ang mga walang birth certificate ay makapagproseso ng mga importanteng dokumento.

YOUTH DEVELOPMENT

Bayambang Youth Day 2022, Dinagsa

Isang programa na puno ng pakikinig, pagkatuto at kasiyahan ang naging selebrasyon ng Bayambang Youth Day 2022 na inorganisa ng Local Youth Development Office sa Saint Vincent Prayer Park Pavilion 1 noong September 24. Dumalo rito sina Mayor Niña-Jose Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Municipal Councilors, at BPRAT Chairman, Dr. Rafael Saygo. Nagbigay ng iba't-ibang talk na kinagiliwan ng mga kabataan sina Pastor Mark Jolex Ramos ng Victory Church, DTI representative Judy Ann Aquino, Anton Magsaysay ng Doill Technologies, Kim Martinez ng DTI-Bayambang, at Marjorie Lim ng JL Coffee. Naging parang kapistahan ng mga kabataan ang nasabing event dahil sa mga food booths, photo booth, giveaways, art activities, at musical performances. 


TOURISM

Kulturang Bayambangueño, Bida sa Selebrasyon ng Tourism Month 2022

Nakamamanghang mga costume, mga lokal na destinasyon at produkto, kakaibang mga souvenir items, bagong kaalaman sa larangan ng turismo, at ang bagong Culture Mapping book ng bayan ng Bayambang ang tampok sa pagdiriwang ng Tourism Month 2022 noong September 27-29 sa Balon Bayambang Events Center. Tinanggap din doon ni project proponent at lead mapper, Dir. Christopher Gozum, kasama ang mga project coordinators, validators, at culture mappers ang opisyal na Culture Mapping Book ng bayan na may titulong “Say Nanlapuan: Pamabirbir ed Baley ya Sinulmingan” - ang proyektong sinimulan noong 2018 na naglalayong ma-preserba ang kultura ng bayan ng Bayambang. Kasama sa tumanggap ng aklat ang representante mula sa Center for Pangasinan Studies, Mr. Nicanor Germono, Jr.

SPORTS & PHYSICAL FITNESS

LGU Employees, Nag-Zumba sa CSC Anniversary 

Isa na namang libreng Zumba session ang inorganisa ng HRMO sa Balon Bayambang Events Center noong September 13 bilang parte ng 122nd Anniversary ng Civil Service Commission, sa tulong ng ZumBayambang at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI). Ang lahat ng attendees mula sa LGU offices ay sumunod at sumabay sa indak at indayog ng mga Zumba instructor ng KKSBFI, kasama sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Councilor Jose Ramos. 

Weigh-in para sa LGU Weight Loss Challenge, Nag-umpisa Na!

Nag-umpisa na ang weigh-in para sa Weight Loss Challenge para sa lahat ng LGU employees, sa pag-oorganisa ng Weight Loss & Physical Fitness Technical Working Group na inorganisa ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na siya ring may inisyatibo sa proyektong ito. 

Layunin ng challenge na ma-udyok ang lahat ng kawani na piliin ang healthy lifestyle nang makapagbigay ng mahusay na serbisyo publiko. Sa Weight Loss Challenge, ang mga kawani ay sasali bilang isang grupo na may iisang fitness goal. Nakatakdang manalo ng malaking cash prize ang team na may pinakamataas na score sa fat loss, muscle loss, at monitored attendance sa physical fitness activities.

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

Road Clearing, Muling Pinaigting

Ang Road Clearing Task Force ng LGU ay nagpapaalala sa lahat na patuloy ang grupo sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga daan. Sa kanilang latest na pagpapatrol, nagsagawa ang Task Force, sa pangunguna ng BPSO Chief, ng road clearing operations sa Brgy. M.H. del Pilar, Magsaysay, Bical Norte, Poblacion Sur, Zone 1 hanggang Zone 7, Amanperez, Tambac, Nalsian Norte at Sur, at Malimpec. Bukod sa BPSO, kasama sa Task Force ang DILG, Solid Waste, Engineering, at PNP. 

BPSO, Pumasa sa Basic Life Support Training ng PHO

Matagumpay na nagsipagtapos ang mga Bayambang Public Safety Office (BPSO) lay rescuer sa isa na namang Basic Life Support Training na ginanap sa loob ng tatlong araw sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park mula Sept. 20 to 22. May 25 participants, kabilang ang mga ambulance driver, ang umattend dito. Naging tagapagsanay sina Dr. Eloy Bueno at Rod Ian Mendoza ng Provincial Health Office. Ang mga lay rescuers ang nagbibigay ng paunang lunas sa mga pasyente bago makarating ang mga pasyente sa ospital. 

AGRICULTURAL MODERNIZATION

Local Farmers, Naglakbay Aral sa PhilRice

Ang Municipal Agriculture Office, kasama ang mga magsasakang Bayambangueño, ay nakilahok sa Lakbay Palay Wet Season 2022 ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) noong September 14 sa PhilRice Central Experiment Station sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Sa aktibidad na ito, binigyan ang mga magsasaka at agricultural extension workers ng first-hand information ukol sa rice production gamit ang makabagong teknolohiya at pinakamahuhusay na pamamaraan sa pagsasaka. 

Municipal Hatchery, Pinasinayaan

Pinasinayaan ni former Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at former Vice-Mayor Raul Sabangan ang bagong-tayong Municipal Hatchery sa Brgy. Langiran noong September 19. Labis ang galak ng dating alkalde, na nagpunta bilang representante ni Mayor Niña Jose-Quiambao, dahil naisakatuparan na sa wakas ang isa sa kaniyang mga pinangarap. Ayon sa Municipal Agriculture Office, isang milyong tilapia ang target na ma-harvest taun-taon sa ilalim ng pangangalaga ng tanggapan kasama ng Gayon-Gayon Fisherfolk Association at Brgy. Langiran officials.

Vegetable Seed Expo, Inihatid ng East-West Co. 

Noong September 22, nagdaos ng isang Seed Expo ang East West Company sa Brgy. Warding sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office. Ang kumpanya ay nagpakilala ng mga bagong hybrid vegetable seeds ng patola, ampalaya, pipino, kamatis, at sili na resistant sa mga fungal diseases, na siyang kalimitang pinoproblema ng ating mga magsasaka sa Brgy. Warding. Kasamang nakilahok ang ilan sa ating mga farmers president na nagtatanim ng gulay kung saan sila ay nakapulot ng mga bagong kapakipakinabang na kaalaman hatid ng EastWest Company.

DA RFO1, Muling Namahagi ng mga Alagang Biik 

Noong September 23, ang Municipal Agriculture Office, kasama ang ilang staff ng Provincial Veterinarian Office, ay nagpamahagi ng mga alagang biik sa mga benepisyaryo na taga-Brgy. Reynado, Pangdel at Hermoza. Ang bawat-isa sa kanila ay nakatanggap ng tatlong biik, tatlong sako ng starter feeds at anim na sako ng grower feeds na may kasamang libreng bitamina at disinfection materials mula lahat sa Department of Agriculture-Region 1. Sumailalim naman sa isang orientation ang mga benepisyaryo upang masiguro na may sapat silang kaalaman sa pag-aalaga. Nakatakdang imonitor ng MAO sa loob ng 40 days ang mga alagang biik. 

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

Bagong Barangay Hall sa Pangdel, Iginawad ng SAGIP Partylist

Noong September 12, iginawad ng Sagip Partylist, sa pamamagitan ng LGU-Bayambang officials, ang isang bagong tayo at fully air-conditioned  Barangay Hall para sa Brgy. Pangdel. Sa ceremonial turnover ceremony sa Balon Bayambang Events Center, malugod na tinanggap ni Pangdel Punong Barangay Onofre Romano ang donation ng SAGIP Partylist. Ito ay naging posible dahil sa inisyatibo ni former mayor, Dr. Cezar T. Quiambao. 

Drainage System sa Brgy. Zone VI

Expansion of RHU-III sa Brgy. Carungay

Bayambang Central Terminal sa PSU Campus, Brgy. Zone VI

COMPLETED -- Asphalt Overlaying under 2022 20% Development Fund in the following barangays:

Managos

Malioer

Dusoc

Bical Sur

Sapang

COMPLETED | Asphalt Overlaying at Brgy. Amancosiling Norte and Amancosiling Sur under 2022 20% Development Fund

ONGOING | Construction of Core Local Access Road at Brgy. Bical Norte under 2022 20% Development Fund

ENVIRONMENTAL PROTECTION

Pamilya Jose, Nagdonate ng 80 Bikes para sa 77 Barangays

Noong September 12, nagdonate ng walumpung bisikleta ang tiyuhin at tiyahin ni Mayor Niña Jose-Quiambao na sina G. Edmund Jose at Gng. Lorenn Jose para massive clean-up drive program ng LGU Bayambang. Bawat barangay ay nakatanggap ng tig-isang bisikleta, at ang mga ito ay gagamitin ng mga barangay officials sa pagmomonitor ng kanilang lugar para masiguro na ang bawat sulok nito ito ay malinis at maaliwalas. Tatlo sa mga bisikleta ay iginawad na premyo sa mga nagwagi sa Bali-Balin Bayambang sa buwan ng Agosto.

Tococ East, Bayambang's Cleanest Barangay sa Agosto

Noong September 12, inanunsyo ni MENRO Joseph Anthony Quinto na nagwagi ang Brgy. Tococ East bilang pinakamalinis na barangay para sa buwan ng Agosto sa ilalim ng proyektong "Bali Balin Bayambang" ni Mayor Niña. Ang P15,000 cash prize na tinanggap ng nagwagi ay dinagdagan ng P10,000 ng ama ni Mayor Niña na si G. Philip Jose. Malugod na tinanggap ang premyo ni Tococ East Punong Barangay Roy Camacho.

MDRRMO, Nakiisa sa National Tree Planting Activity 

Noong September 13, nakiisa ang MDRRMO Bayambang sa Simultaneous Tree Planting Activity ng DILG, DENR, at DA sa Daang Kalikasan, Barangay Muelang, Mangatarem, Pangasinan. Layunin ng aktibidad na itaas ang kaalaman ng lipunan sa halaga ng pagtatanim ng puno at pagkakaroon ng malasakit sa kapaligiran.  Dinaluhan din ito ng mga iba’t ibang LGUs at ibang government agencies sa Pangasinan.

LGU at CSOs, Nakilahok sa World Bamboo Day

Noong Sept. 17 naman, nakilahok ulit ang LGU at mga lokal na CSO sa pagdiriwang ng World Bamboo Day, na inorganisa ng CSFirst Green sa pangunguna ng forester na si Bernard Bawing. Nagtanim ng mga saplings ng kawayan ang mga kalahok sa Daang Kalikasan, Brgy. Pogonsili, Aguilar, Pangasinan. Naroon ang Rotary Club, PNP, BPSO, MDRRMO, LGBTQ Association, riders, bikers, at Radiant Balon Bayambang Eagles Club.

LGU Offices, Kasali rin sa Palinisan Contest

Noon ding September 1, pinulong ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang lahat ng department at unit heads ng LGU sa Mayor’s Conference Room upang ipaalam ang istriktong implementasyon ng 5S system sa lahat ng tanggapan upang magsilbing ehemplo sa lahat ng Bayambangueño pagdating sa kalinisan, waste segregation, at maaliwalas na kapaligiran bilang compliance sa RA 9003. Ang mananalong departamento ay nakatakda ring magwagi ng cash prize mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao.

DISASTER RESILIENCY

"Duck, Cover, and Hold" sa 3Q NSED’’ 

Muling isinagawa ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa 3rd Quarter ng 2022 noong Setyembre 8 sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at Bayambang Public Safety Office. Ang lahat ng eskuwelahan, mga barangay, at mga empleyado ng LGU ay nakibahagi sa regular na aktibidad na ito upang masanay at maging handa ang bawat isa sa pagdating ng anumang hindi inaasahang pagyanig.

Pre-Disaster Risk Assessment, Isinagawa

Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council, sa pamumuno ni MDRRM Chairwoman, Mayor Niña Jose-Quiambao, ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) para sa bagyong “Karding” noong September 23. Dito ay tinalakay ni LDRRMO Genevieve Benebe ang trajectory at intensity forecast ng bagyo. Ibinahagi rin niya ang mga naging hakbang para sa paghahanda sa bagyo, tulad ng pagtaas ng status sa RED alert, paghahanda ng mga rescue equipment at supplies, patuloy na pagmonitor sa PAGASA, at pakikipagcoordinate sa mga Barangay DRRM Councils.

LGU, Rumisponde sa mga Naapektuhan ng Bagyong Karding

Paghagupit ng bagyo, agad namang na rumisponde ang LGU sa mga naapektuhan kinagabihan ng Setyembre 25. Sa pangunguna ng Mayor Niña Jose-Quiambao, katuwang ang Municipal Administrator, MDRRMO, BPSO, Engineering, PNP, BFP, Engineering, MSWDO, at BPRAT, nagkaroon ng isang emergency meeting online at face-to-face kung saan tinalakay ang mga nararapat gawing hakbang. Nag-ikot naman ang BPSO, Engineering at MDRRMO para sa road clearing operations sa iba't-ibang barangay para sa mga bumagsak na punongkahoy. Naging abala rin ang Solid Waste sa cleanup operations at MSWDO sa relief goods preparation.

AWARDS & RECOGNITION

LGU-Bayambang, Kabilang sa Top VIMS Implementors

Kinilala ng Department of Information and Communications Technology ang LGU-Bayambang bilang isa sa mga Top Performing LGUs sa Region I dahil sa masinop at maagap na implementasyon nito ng Vaccine Information Management System o VIMS, mula buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2022. Ang pag-hire ni former Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ng mga encoders at pagrenew sa kanila ni Mayor Niña Jose-Quiambao ay naging malaking tulong upang maitala ng maayos at mabilisan ang mga vaccination data sa tulong RHU at ICT Office.

Congratulations, PNP-Bayambang and OIC-Chief!

Congratulations to Bayambang Municipal Police Station for being adjudged as Best Municipal Police Station for Class A Municipalities for C.Y. 2021/2022 and PLtCol Rommel Bagsic as the Best Junior Police Commissioned Officer for Administration for the same year!



No comments:

Post a Comment