SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS
GOOD GOVERNANCE
CSOs, LGU, Kasangga sa 'Operation Baklas' ng COMELEC
Nagsama-sama ang mga civil society organizations (CSOs) sa Bayambang bilang pakikiisa sa Operation Baklas ng Commission on Elections (Comelec), na naglalayong isulong ang isang maayos, mapayapa, at patas na halalan. Ayon sa Comelec Resolution 10488, bawal maglagay sa pampublikong lugar ng election posters sa labas ng itinakdang common poster areas at lampas sa itinakdang laki. Kabilang sa mga tumulong ang Bayambang Municipal Association of NGOs, Extreme Riders' Club of Bayambang, at Reaction 166 Animal Kingdom, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peace, Security and Order Federation, Municipal Engineering Office, Department of Public Works and Highways, at mga elemento ng PNP-Bayambang.
Unity Walk para sa Mapayapang Halalan
Ang mga kandidato sa darating na halalan mula sa magkakatunggaling partido ay nangakong magkaisa para sa mapayapang eleksiyon, sa isang Unity Walk na ginanap noong February 28 sa pagtutulungan ng DILG, Comelec, PNP, LGU Bayambang, at pribadong sektor kasama na ang religious sector. Mula sa Municipal Plaza, ang mga kandidato ay naglakad patungong St. Vincent Parish Church upang lumagda sa isang kasunduan para iwaksi ang paggamit ng dahas, matapos ang misang idinaos ni Parish Priest, Fr. Reydentor Mejia. Naroon sina Mayor Quiambao, kasama ang maybahay at mayor-aspirant na si Mayora Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan at maybahay at vice-mayor aspirant na si IC Sabangan, Municipal Councilors, dating Mayor Ricardo Camacho at iba pang mga kapwa aspirants, kasama ang mga hepe ng mga nabanggit na ahensya.
QMS Team, Muling Binuo ni Mayor CTQ
Matapos maantala ang mga aktibidad para sa ISO certification nang dahil sa pandemya, ang Quality Management Team ng LGU Bayambang ay muling binuo ni Mayor Cezar Quiambao. Noong March 2, nagpulong sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng reconstituted team na pinamumunuan ni Executive Secretary Carmela Atienza, ICT Officer Ricky Bulalakaw, at iba pang mga department head. Dito ay nirepaso ang mga nagawang hakbang upang makamit ang inaasam na ISO 9001: 2015 certification, isang internationally recognized na sertipikasyon para sa quality management ng isang organisasyon. Sa pamamagitan ng nasabing sertipikasyon, aani ang lokal na pamahalaan at ang bayan ng Bayambang ng malaking kumpyansa sa lahat ng stakeholders, lalo na ang mga mamumuhunan, dahil tanda ito ng tunay at de kalidad na serbisyo o Total Quality Service.
KSB Team, Bumisita sa San Gabriel 2nd
Serbisyong may tatak Total Quality Service -- iyan ang tinanggap ng mga residente ng Barangay San Gabriel 2nd, Paragos at Iton nang sila ay bisitahin, pagsilbihan at konsultahin ng buong team ng Kompehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 sa sa San Gabriel 2nd Covered Court noong March 4. Ito ay bilang pagtupad sa lahat ng ipinangako ng buong Team Quiambao-Sabangan na madala mismo sa bawat barangay ang iba't ibang serbisyo ng Munisipyo. Kabilang sa mga natanggap na serbisyo ay ang medical at dental, agricultural, at social services, kabilang ang bagong services na libreng pagbabakuna laban sa COVID-19. Ang KSB ay naging matagumpay, salamat sa sakripisyo ng bawat miyembro ng team na mailapit ang nararapat na benepisyo para sa lahat ng Bayambangueño.
KSB Team, Nagtungo sa Manambong Sur
Walang tigil ang paghatid ng serbisyo ng Munisipyo sa mga barangay sa pamamagitan ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5. Sa pag-oorganisa ni Dr. Roland Agbuya, nagtungo ang KSB team noong March 11 sa Manambong Sur Covered Court upang hatiran ng mga libreng serbiyo ang mga residente ng Manambong Sur, Manambong Norte, at Manambong Parte. Ito ay katuparan ng pangako ng Team Quiambao-Sabangan na ilapit ang Munisipyo sa malalayong barangay upang miaparanas sa kanila ang direktang pagtanggap ng iba’t ibang serbisyo mula sa gobyernong lokal, hindi lang mga medical and health services kundi pati mga serbisyo mula sa lahat ng frontline departments ng LGU, kasama din ang mga national agencies gaya ng PNP at BFP.
Kick-off Ceremony para sa QMS
Nanguna sina Mayor Cezar Quiambao at Mayora Niña Jose-Quiambao sa isang kick-off Ceremony para sa implementasyon ng Quality Management System o QMS sa LGU-Bayambang na ginanap noong March 14 sa Balon Bayambang Events Center. Kasama ang mga Department at Unit heads, pinangunahan ng First Couple ng Bayambang ang ceremonial signing ng Pledge of Commitment at sabayang bigkas ng official quality policy ng LGU, na siyang nagpapatibay ng dedikasyon ng lahat ng kawani sa kani-kanilang trabaho upang matiyak na ito ay magreresulta sa inaasam na ISO Certification 9001:2015. Nagbigay naman ng orientation si ICT Officer Ricky Bulalakaw upang mas malinawan ang lahat kung bakit kailangan at kung paano makakamit ang naturang ISO Certification.
KSB Year 5, Nagbalik sa Warding
Tuluy-tuloy na pinag-iibayo ng Team Quiambao-Sabangan ang naumpisahang pagkakaisa upang bigyan ng "Total Quality Service" ang bawat Bayambangueño, sa pinakahuling Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 na ginanap sa Warding Covered Court noong March 18. Dito ay pinagsilbihan ng munisipyo ang mga residente ng Brgy. Managos at Warding, sa pag-oorganisa ni Rural Health Physician, Dr. Roland Agbuya. Ang mga Bayambangueño mula sa mga nabanggit na barangay ay tumanggap ng medical, social, agricultural, at iba pang serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan na sadyang inilapit sa kanila, lalot nasa kasuluk-sulukan ng bayan, upang direktang maipadama na mayroon silang Munisipyo na handang mag-abot ng tulong masasandalan sa panahon ng pangangailangan.
Ang pinakaunang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay isinagawa sa Brgy. Warding noong taong 2017.
‘Serbisyo Kay Juana’ Project ng HRMO
Pasasalamat ang naging bukambibig ng mga kababaihang empleyado ng Munisipyo matapos silang makatanggap ng libreng pampering services mula sa HRMO bilang parte ng National Women’s Month celebration. Dito ay nagkaroon ng libreng gupit, manicure, pedicure, at masahe, salamat sa donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. Ang ganitong aktibidad ay naging tradisyon na sa Munisipyo magmula nang maupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan. Ito ay isang munting pagkilala sa di matatawarang kontribusyon ng mga kababaihang kawani sa likod ng pagiging maybahay, ina ng tahanan, at iba pang papel na kanilang ginagampanan.
KSB Team, Umarangkada sa San Vicente
Noong March 25, ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 ay umarangkada sa Covered Court ng Brgy. San Vicente upang pagsilbihan ang mga residente ng Brgy. Tampog at San Vicente. Sila ang direktang nakatamo ng mga serbisyo mula sa lahat ng departamento ng LGU, hindi lang sa medikal, ngunit maging sa ibang uri ng serbisyo. Kabilang dito ang libreng vaccination kontra COVID-19 at mga serbisyong hatid ng mga LGU departments at ilang national agencies. Ito ay isang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ng Bayambang sa pang-araw-araw upang di na nila kailangan pang bumiyahe sa sentro ng bayan.
Brgy. Amancosiling Norte: Millennials’ Challenge Grand Prize Winner!
Itinanghal na grand prize winner ang entry ng Brgy. Amancosiling Norte sa matagumpay na pagdaraos ng Bayambang Millennials’ Challenge ni Mayor Cezar Quiambao, sa pag-oorganisa ng Local Youth Development Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team. Ang final judging ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center kung saan mismong si Mayor Quiambao ang isa sa mga tumayong hurado, kasama sina Jorge Yulo ng One Food Corporation, Bayambang MENRO Joseph Anthony Quinto, Dr Jerry Junio, Mr. Melodio Maraguinot, at Mr. Ron Jay Ponce de Leon Dangcalan. Ang winning project proposal ay
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Appraisal ng Sun Plaza Commercial Building
Ang Municipal Assessor's Office, kasama ang Provincial Appraisal team, ay nagsagawa noong March 2 ng property appraisal ng Sun Plaza Commercial Building sa Poblacion Sur para sa koleksyon ng Real Property Tax nito. Sa pamamagitan nito ay nasisiguro na ang mga may-ari ng lupa at establisimyento ay nakasusunod sa pagbabayad ng amilyar na tugma sa kaukulang halaga na nakasaad sa batas. Patuloy pa ring hinihikayat ang lahat ng Bayambangueño at iba pang naninirahan sa Bayambang na magbayad ng tamang amilyar upang masiguro na maisusulong ang iba't ibang proyekto at programa ng lokal na pamahalaan para sa benepisyo ng bawat Bayambangueño at sa ikauunlad ng bayan.
Treasury Office Updates as of February 2022
A. Nagsagawa ang Treasury Office rin ng Awareness on Safety Seal Certification sa mga iba’t-ibang business establishments gaya ng Marv’s Unli Wings, Jozo Café, Pasadena at Ariel and Fe, upang lalo pang mapaigting ang pagpapatupad ng minimum public health standards at mabigyan ng kumpiyansa ang mga consumers na bumibisita sa kanilang establisimyento.
B. Nag-inspeksyon din ang BPLO sa mga establisimyento na nag-ooperate ng walang kaukulang Business Permit, partikular na sa Public Market, M. H. del Pilar, Idong, Sanlibo, Bani, Zone I, at Inanlorenza. Hinihikayat ang mga noncompliant store owners na makipag-ugnayan sa Treasury Office para sa kanilang Business Permit.
C. Patuloy pa rin ang Tax Campaign at pagbibigay ng Real Property Tax bill sa iba’t-ibang barangay. Sa buwan ng Pebrero, napuntahan nila ang Brgy. Sanlibo, Inanlorenza, Idong, Paragos, San Gabriel 2nd, Iton, Pangdel, Tatarac, Apalen, Ambayat 1st, at Ambayat 2nd. Umabot sa 1,262 na taxpayers ang nabigyan ng kani-kanilang Real Property Tax bill. Kasama rin sa tax campaign ang pagbibigay-alam na hanggang Marso 31, 2022 na lamang ang may discount sa amilyar ng lupa at bahay.
D. Nabigyan ng kanya-kanyang Community Tax Certificate ang lahat ng empleyado ng LGU, patunay lamang na ang mismong mga taga-LGU ay sumusunod sa tamang pagbayad ng buwis. Karamihan naman sa mga barangay officials ay nakakuha na rin ng kanilang Community Tax Certificate na kailangan nila para sa mandatory SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Hinihikayat naman ang mga barangay na di pa nakakuha ng CTC na maaari pang kumuha nito. Nagbibigay-serbisyo rin ang tanggapan ng Treasury sa mga senior citizens sa pamamagitan ng home service sa pagkuha ng kanilang cedula kapag ‘di nila kaya ang magpunta sa Munisipyo.
Patunay lamang ang mga ito na ang tanggapan ng Treasury ay 100% na nakikiisa at buong puso na nagbibigay-serbisyo para sa mga Bayambangueño.
Update mula sa Assessor's Office
Ang Municipal Assessor's Office ay nag-ikot sa Poblacion area para sa re-assessment ng mga property doon, noong February 11 at 15 hanggang 17. Kabilang sa mga barangay na kanilang napuntahan ay ang Zone II, IV, V at VII. Ito ay upang kumalap ng datos at impormasyon mula sa mga may-ari ng mga naturang property kung ang mga ito ba ay maka-classify na bilang commercial buildings.
Ocular Inspection sa Buayaen
Noong March 31, 2022, nagtungo sa Barangay Buayaen ang team ng Assessor's Office upang magsagawa ng re-assessment sa mga agricultural land ngunit ngayon ay na-reclassify bilang commercial land. Ang ganitong ocular inspection ay patuloy nilang isinasagawa sa iba't ibang barangay upang masigurong sapat ang mga binabayarang buwis ng bawat Bayambangueño at naaayon sa assessed value na itinakda ng batas.
LEGISLATIVE WORK
Public Hearing Ukol sa Tech-Voc College, Ginanap
Sa pangunguna nina Sangguniang Bayan Committee Chair on Education, Councilor Mylvin Junio, at Committee Chair on Rules, Laws and Regulations, Councilor Amory Junio, nag-organisa si SB Secretary Joel Camacho ng isang Public Hearing ukol sa dalawang panukalang ordinansa: “An Ordinance Establishing the Bayambang Technical and Vocational College” at “An Ordinance Establishing a Comprehensive Scholarship and Educational Assistance Program” sa Balon Bayambang Events Center noong February 28. Ito ay upang makapagbukas ng isang kolehiyo na kayang magbigay ng de-kalidad na kurso para sa mga Bayambangueñong hindi na makapasok sa eskwela dahil sa estado sa buhay. Mayroon ding scholarship program na ipapanukala para sa mga kwalipikadong kabataan. Kaugnay nito, si Mayor Cezar Quiambao ay agad nagdonate ng apat na ektaryang lupa sa Brgy. Amanperez para sa pagpapatayo ng naturang eskwelahan.
HEALTH
Ang Oral Health Month 2022
Ang Oral Health Month 2022 ay nagtapos noong Pebrero na may kabuuang bilang na 2,576 ng benepisyaryo ng toothbrushing drills at fluoridization activities. Ayon sa report ng mga RHU, ang ating mga dentista ay patuloy pa ring mag-iikot sa mga barangay para magbigay ng mga naturang oral care sa ating mga kababayan, particular na sa mga kabataan at pregnant women.
RHU I Blood Test Passes Quality Review
Ang Clinical Laboratory ng Rural Health Unit I ay nagawaran ng sertipiko para sa 2021 National External Quality Assessment Scheme in Blood Count. Ayon kay Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, ibig sabihin nito ay “ang ating hematology o blood tests (CBC) ay nakapasa sa quality check na may rating na EXCELLENT."
Mga Miyembro ng Vaccination Team, Pinarangalan
Bilang pasasalamat ng ating butihing Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at ng Task Force Bakuna Czar na si POSO Chief, Ret. Col. Leonardo F. Solomon, sa walang sawang pagtulong at pakikiisa para makamit ang 100% na target, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang mga indibidwal at departamentong direktang kasama sa paglilingkod para maging matagumpay ang Covid-19 vaccination program ng Bayambang. Nanguna siyempre sa pinarangalan ang tatlong duktor ng bayan na si Dra. Paz Vallo, Dra. Adrienne Estrada, at Dr. Roland Agbuya. Matatandaang ang Bayambang ay Rank 9 sa mga may highest administered doses ng Covid-19 vaccine sa buong Region I, matapos umabot sa 60% ang fully vaccinated na mga eligible na Bayambangueño mula Marso hanggang Disyembre 2021.
National Vaccination Days Muli
Upang mas lalo pang mapataas ang porsyento ng mga bakuna laban sa Covid-19, muli na namang inilapit ng pamahalaan ang bakuna sa taumbayan. Noong March 10 hanggang March 12 ay muling nagkaroon ng mass vaccination sa harap ng Municipal Hall upang maging kumbinyente ang pagpapabakuna sa mas nakararami sa ating mga kababayan. Dahil di na kailangang dumayo pa sa naitalagang vaccination center sa Pugo, mas naenganyo ang maraming nasa sentro ng bayan na magpakuna, at nakatulong maitaas ang herd immunity sa bayan ng Bayambang.
RHU 2, Narenew ang Safety Seal, Ginawaran ng Bilang Top Performing Newborn Screening Facility
Muling nabigyan ng renewal ng Safety Seal ang RHU 2 sa Brgy. Wawa, patunay lamang na sumusunod ang establisimyento sa safety and health protocols laban sa Covid-19 na itinakda ng ating pamahalaan.
Kamakailan din ay iginawad ng Newborn Screening Center - Northern Luzon sa Rural Health Unit II-Bayambang ang karangalan bilang isa sa mga Top Performing Newborn Screening Facilities – Under Primary Care – Government Category na may unsatisfactory rate na 0.00 para sa 4th quarter ng 2021.
Congratulations sa RHU 2!
IEC on Communicable Diseases
Ang RHU I ay nag-conduct ng Information and Education Campaign ukol sa tuberculosis, iba pang communicable diseases tulad ng rabies at covid-19, at sa community mass blood donation. May 180 attendees sa Brgy. Bani, Asin at Ligue ang nakinig.
Nagkaroon din ng GeneXpert at chest X-ray diagnostic procedures for tuberculosis bilang preparasyon sa World TB Day celebration sa March 25.
Mobile X-ray Truck
Inaabisuhan ang publiko na kung may kilala kayong umuubo sa loob ng 10 araw o higit pa, o paulit-ulit na umaahem at naninigarilyo, mangyaring irefer lamang sa RHU I para sa libreng diagnostic test.
May isang Mobile X-ray truck ang hihimpil sa POSO Command Center mula 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali para magsagawa ng libreng X-ray sa mga nagpositibo sa tuberculosis.
House-to-House Covid-19 Vaccination
Noong March 15, ang Department of Health personnel ay nag-house-to-house upang magsagawa ng covid-19 vaccination sa Brgy. Tambac, Nalsian Norte, Nalsian Sur, at Buayaen.
Temporary Resbakuna Site
Sila rin ay nagpatayo ng Temporary Vaccination Site sa Brgy. Telbang, Amancosiling Sur, at Cadre Site upang ilapit ang bakuna sa mga residente sa mga naturang lugar.
158 Bags sa Unang Blood Drive ng Taon
Laking tuwa ng RHU 1, 2, at 3 sa ginanap na Blood Donation Drive dahil maraming first-timers ang naglakas ng loob upang magdonate ng kanilang dugo. Umabot sa 158 bags ng dugo ang nalikom ng RHU na siyang dadalhin sa blood bank ng Philippine Red Cross Dagupan Chapter. Ang donation drive ay ginanap noong March 21 sa Balon Bayambang Events Center. Bilang pasasalamat sa mga hindi nagdalawang-isip na tumulong sa pagsalba ng buhay ng iba, nakatanggap ang lahat ng donor ng T-shirt mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation.
Bayambang Blood Council, Itinatag
Kaugnay nito, itinatag ni Mayor Cezar Quiambao noong March 4 ang Bayambang Blood Council sa pamamagitan ng Executive Order No. 13 series of 2022. Dito ay inaadopt ang Municipal Ordinance No. 15, series of 2021, na siyang nagsusulong ng pagbuo ng isang Blood Council at 77 Barangay Blood Councils na nag-eestablish ng voluntary blood donation program at nagpreprescribe ng mga rules and regulations para sa epektibong implementasyon nito.
Inaasahang tataas lalo ang koleksyon ng dugo sa pamamagitan ng isang Blood Council na tututok sa mga mobile blood drives sa bayan ng Bayambang.
RHU 3, Narenew ang Safety Seal; Nagsagawa ng IEC
Matapos na makitaang compliant pa rin sa minimum health standards, narenew ng RHU III sa ilalim ni Dr. Roland M. Agbuya ang Safety Seal nito. Iginawad ang naturang sertipikasyon sa pangunguna ng Municipal Local Government Operations Office, kasama ang PNP at BFP.
Samantala, nagsagawa rin ang RHU III ng information at education campaign ukol sa tuberculosis, STDs, at HIV upang makatulong na maiwasan ng publiko ang mga naturang sakit. Kinumbinsi rin ng RHU III ang lahat ukol sa benepisyo ng pagdodonate ng kanilang dugo sa mga nagangailangan, at ang pagpapanatili ng adolescent at mental health.
Vaccination ng Kabataan, Sinimulan Na
Naging matagumpay ang unang implementasyon ng Bayambang Task Force Bakuna sa vaccination ng mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang na ginanap simula March 22 sa Pugo Evacuation Center. Daan-daang kabataang Bayambangueño ang nabakunahan sa nasabing vaccination site. Ang vaccination ang tinuturing pa ring isa sa pinakamabisang paraan upang maging ligtas ang mga bata mula sa pananalasa ng COVID-19.
DOH Mobile Clinic sa World TB Day
Bilang parte ng pagdiriwang ng World TB Day 2022 noong March 25, nagtayo ang DOH ng libreng Mobile Clinic sa tabi ng POSO Command Center katuwang ang Rural Health Unit. Ito ay naghandog ng libreng chest X-ray, gamot at konsultasyon para sa 70 kataong close contacts ng multi-drug-resistant tuberculosis patient, mga may ubo sa loob ng pitong araw o higit pa, at mga naninigarilyo na nakitaan ng sintomas.
Ang World TB Day ay isang araw na nagbibigay babala sa publiko na pangalagaan ang kanilang kalusugan laban sa tuberculosis.
EDUCATION
TESDA at CHED, Dumalo sa Committee Hearing para sa Bayambang Polytechnic College
Isang Committee Hearing ang inorganisa ni Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho, sa pangunguna ni Committee Chairman on Education, Councilor Mylvin T. Junio, upang hingin ang payo at kuru-kuro ng Commission on Higher Education o CHED, TESDA, at mga department head ng LGU para plantsahin ang ordinansa ukol sa itatatag na Bayambang Polytechnic College. Ito ay ginanap noong March 10 sa Niñas Café at dinaluhan ni Mayor Cezar Quiambao, na matagal nang planong magpatayo ng isang community college sa Bayambang. Partikular na pinagtutuunan ng pansin nina TESDA Regional Director Joel M. Pilotin, CHED Regional Officers Reyen M. Sabate at Dr. Juan Primitivo Petrola ang ilang probisyon ukol sa mandato ng eskwelahan, budget at financial sustainability nito, qualification ng pinuno at faculty, at iba pang detalye.
DepEd Bayambang I, Muling Nagpasalamat
Sa ngalan ng mga school heads, teaching at non-teaching personnel ng Bayambang I, muling nagpasalamat si Public Schools District Supervisor, Dr. Angelita Muñoz, ng DepEd Bayambang I District kay Mayor Cezar Quiambao at sa Local School Board, para sa 26 na T.V. sets na ipinamahagi kada eskwelahan sa nasabing distrito. Ayon kay Dr. Munoz, ang SEF o Special Education Fund ng Local School Board ay nagsisilbing “Service Extended Favorably” sa kanilang mga learners.
Completed: 3-Classroom Project in Bascos Elementary School
Sa haba ng proseso upang maipatayo ang proyektong tatlong silid-aralan sa Bascos Elementary School sa Barangay Manambong Sur ay nakumpleto rin ang mga naturang establisimyento. Naging matagumpay ang proyektong ito na nagkakahalaga ng P2.8M dahil sa pakikipag-ugnayan ng Rotary Club of Bayambang sa Rotary Club of Gangjin Tamjin of Korea, Rotary District 3790 sa ilalim ni Gov. Willie Serafica at Past Gov. Jesus Sama, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. President, Mayora Niña Jose-Quiambao at siyempre ni Mayor Cezar Quiambao. Ang project ay inihahandog sa ala-ala ni dating Rotary Gov. Raul Peralta bilang pangunahing utak ng proyekto.
OTHER SOCIAL SERVICES
Payout para sa AICS Beneficiaries
Tumanggap ang 455 na benepisaryo ng ayuda sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD noong March 1 sa Balon Bayambang Events Center. Sa pagtutulungan ng DSWD Field Office I at MSWDO, nakatanggap ang bawat benepisyaryo ng halagang P3,000. Ang mga naturang benepisyaryo ay mga indigent senior citizen, miyembro ng TODA, PWD, at ambulant vendors na lubos na naapektuhan ng pandemya. May walong nakalistang benepisyaryo ang di pa natatanggap ang nasabing ayuda.
2022 National Women's Month
Ang LGU Bayambang, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office, ay nagbibigay pugay sa mga kababaihan sa pagdaraos ng 2022 National Women's Month Celebration, na may temang "We Make CHANGE Work for Women; Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran."
Mga Bayambangueña, Nakisaya sa Women’s Month 2022
Siksik, liglig, at umaapaw na kasiyahan para sa mga Bayambangueña ang sumalubong sa selebrasyon ng Buwan ng mga Kababaihan noong March 8 sa Balon Bayambang Events Center sa pangunguna ni Local Council of Women President Niña Jose-Quiambao at sa pag-oorganisa ng MSWDO sa ilalim ni OIC Kimberly Basco. Bilang parte ng pagdiriwang, nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad gaya ng patimpalak sa pag-awit, pagsayaw, at hatawan sa pag-Zumba, at mayroon ding display booths kung saan ibinida ang mga produktong tatak Bayambang na sariling gawa ng mga lokal na kababaihan. Ang malaking bahagi ng mga papremyo ay donasyon ni Mayora Niña, sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation. Nagbigay ng ibayong kagalakan sa mga kababaihan si Mayora Niña sa mga pasurpresang cash prizes sa isang raffle draw.
Libreng Reproductive Health Services
Bilang paggunita ng Women's Month, inihandog ng Municipal Social Welfare and Development, kasama ang Commission on Population (POPCOM) Region I at Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office, ang libreng medical services katulad ng Pap smear at paglalagay ng progestin subdermal impant (PSI) at intrauterine device (IUD). Mayroong 142 na kababaihan ang nabigyan ng serbisyo, kung saan 105 ang nagpa-Pap smear, 2 ang nagpa-IUD, at 35 ang nagpa-PSI.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
POSO, Muling Nag-Ikot para sa Vaccination Drive
Muling nag-ikot ang POSO sa bayan, sa pangunguna ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, para sa information campaign upang maghikayat ng mga magpapabakuna kontra Covid-19, lalung-lalo sa araw ng itinalagang National Vaccination Days ng pamahalaan. Nagsilbi itong malaking tulong upang makumbinsi ang mga nasa sentro na magpabakuna dahil inilapit na sa kanila ang vaccination site sa pagtutulungan ng DOH at RHU.
POSO Rescuers, Sumailalim sa BLS Training
Sa pamumuno ni POSO Chief, Ret. Col Leornardo Solomon, muling sumailalalim sa Basic Life Support Training ang mga lay rescuer at ambulance driver ng POSO upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagsagip ng mga nangangailangan lalo na sa di inaasahang sakuna. Ang BLS training ay isinagawa ng Provincial Health Office (PHO) at ginanap noong March 18 at 19 sa Bayambang District Hospital. Dito ay ibinahagi kung paano mag-perform ng individual CPR, mag-rescue ng sanggol, magrescue sa insidente ng choking o pagkasakal, at iba pa. Matapos nito ay sumailalim din sa isang simulation activity at post-assessment evaluation ang mga trainees.
POSO, Muling Umasiste sa Community Pantry
Ang POSO personnel ay muling umasiste sa pagbabalik ng Community Pantry ni Mayora Niña Jose-Quiambao. Ito ay upang masiguro ang area security at crowd control sa lahat ng mga barangay na tinungo ng grupo at maiwasan ang anumang aberya.
Bayambang, Nakatanggap ng Bagong PTV mula PCSO
Naging kinatawan ni Mayor Quiambao si POSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, upang personal na tanggapin ang isang unit ng Patient Transport Vehicle o PTV sa opisina ng Toyota Otis Inc. sa Paco, Manila, noong March 29. Ang PTV ay idinonate ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program nito. Ayon kay Col. Solomon, "ang PTV ay hindi pang-emergency na gaya ng ambulansya, kundi pang-transport lang ng pasyente na hindi life-threatening ang kundisyon." Ang LGU-Bayambang ay taos-pusong nagpapasalamat sa PCSO sa ipinagkaloob nitong bagong PTV upang matulungan ang ating mga kababayan sa panahon ng pangangailangan.
TOURISM,CULTURE & ARTS
Pulong para sa Pagbubukas ng Municipal Museum
Noong March 16, nag-organisa ng pulong ang Tourism Office, sa pangunguna ni Dr. Rafael Saygo, kasama ni Museum Consultant Gloria Valenzuela sa Conference Room ng Municipal Annex Bldg. upang pag-usapan ang pagbubukas ng Municipal Museum sa dating Senior Citizen’s Center sa Public Plaza. Dito ay naimbitahan ang departamento ng LGU at mga dalubhasa pagdating sa kasaysayan ng Bayambang at kultura ng mga Bayambangueño, kabilang ang mga retiradong propesor ng PSU-Bayambang, upang pag-usapan kung anu-ano ang dapat na ipapakita sa museo ng bayan at kung paano ioorganisa ang mga nakolektang artifacts at cultural properties.
DOT Region 1, Bumisita
Noong March 24, umasiste ang mga staff ng Tourism Office sa pagbisita ng Department of Tourism Region I sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Brgy. Bani upang kumuha ng mga larawan at video clips ng Prayer Park. Ang Saint Vincent Ferrer Prayer Park ay isang ipinagmamalaki na tourism site ng mga Bayambangueño na kabilang sa mga nagpapayabong ng lokal na kultura at turismo sa bayan ng Bayambang. At simula noong ipatayo ito gamit ang pribadong pondo ng pamilya Quiambao, ang Prayer Park ay naging parte na ng tourism circuit ng Pangasinan at isa sa mga major attractions ngayon sa probinsya.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
30 Farmers, Grumaduate sa Corn FFS
May 30 na corn farmers mula sa iba't ibang barangay sa District 7 ang grumaduate sa Corn Farmers' Field School na training course ng Department of Agriculture na isinagawa sa Brgy. Ligue, sa pag-oorganisa ng Municipal Agriculture Office. Ang mga nagsipagtapos ay masayang binati ni Ligue Punong Barangay Luis Castro at mga opisyal ng LGU. Gamit ang kanilang mga natutunan sa naturang pagsasanay sa corn farming, ang mga FFS graduates ay naging mas handa sa hamon ng makabagong paraan ng pagsasaka ng mais.
4th Batch ng RiceBiS Farmers, Nagsipagtapos
Noong March 22, nagsipagtapos ang ika-apat na batch ng mga lokal na magsasaka na kasapi sa implementasyon sa Bayambang ng programang Rice Business Innovation Systems o RiceBIS ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng Department of Agriculture. May 114 cooperating rice farmers ang nagsipagtapos sa seremonya na ginanap sa Pantol Evacuation Center at inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa tulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team.
RBAC, Dumalo sa Micro-Mill Training
Noong March 23, nagkaroon ng bago na namang dagdag-kaalaman ang mga representante ng RiceBIS Bayambang Agricultural Cooperative (RBAC) nang sila ay dumalo sa ginanap na "Training on the Operation & Maintenance of and Turn-Over Ceremony for the Brown Rice Impeller Micro-Mill (BRIMM)" sa Philippine Center for Post-harvest Development and Mechanization (PhilMech) sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Fishery Updates
1. Noong March 23, nagtungo ang Municipal Agriculture Office sa Lucap, Alaminos City, Pangasinan para sa pagpick up ng feeds para sa mga alagang tilapia, ayon sa Focal Person on Inland Fishery ng MAO na si Marlon Castillo.
2. Nang sumunod na araw, nagpunta sila sa Balococ, Lingayen para sa pagkuha ng 1,000 na piraso ng tilapia fingerlings na nakatalaga para sa dispersal sa Barangay Dusoc na kabilang sa Integrated Tilapia Farming System.
3. Ang MAO ay nagconduct ng validation kasama ang BFAR Region 1 para sa accreditation ng registration ng Renan Dela Cruz Hatchery at Municipal Hatchery (o Gayon Gayon Hatchery) sa Brgy. Langiran.
4. Binisita rin ng grupo ang massive dredging activities ng LGU sa Brgy. Macayocayo.
E.O. No. 19, S. 2022: Bayambang, ASF-Free Na!
Noong March 25, inilabas ni Mayor Cezar Quiambao ang Executive Order Number 19, series of 2022, na nagdedeklara sa bayan ng Bayambang bilang African swine fever-free. Ito ay matapos maglabas ang Department of Agriculture Regional Office I ng isang certification na nagtataas ng ASF status ng Bayambang mula RED ZONE patungong PINK ZONE. Ayon sa Municipal Agriculture Office, sa PINK ZONE status ng Bayambang, hindi na ganoong kamapanganib ang bayan sa ASF matapos itong mag-comply sa lahat ng requirements para sa deklarasyon ng ASF-free zone. Sa Pink Zone status, hindi na isasailalim sa quarantine ang lahat ng baboy na nanggagaling dito.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Update mula sa MCDO
Noong Feb. 21, nag-inspeksiyon ang Cooperative Development Authority-Dagupan sa Managbangkag Agriculture Cooperative sa Brgy. Paragos at Manambong Parte Agriculture Cooperative sa Brgy. Manambong Parte, sa tulong ng Municipal Cooperative Development Office. Noong Feb. 28, nagconduct naman si Cooperative Development Officer Sheryl Lou Fabia ng CDA-Dagupan ng isang Pre-Registration Seminar para sa prospective co-op members sa Brgy. Mangayao, muli sa pakikipag-ugnayan sa MCDO.
Orientation on Required Co-op Reports
Naging panauhing tagapagsalita si Mayor Cezar Quiambao sa isang orientation on Reportorial Requirements for Cooperatives na inihatid ng Cooperative Development Authority Region 1 sa mga local co-op members noong March 9 sa Royal Mall, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Cooperative Development Office. Ito ay isa na namang pagkakataon upang mas matuto ang mga lokal na kooperatiba kung paano patakbuhin ang kanilang organisasyon at makinabang sa iba't ibang benepisyo ng pagiging miyembro. Ang highlight ng training ay isang orientation at walk-through ukol sa Cooperative Annual Information System (CAIS), isang computerized system kung saan ang lahat ng reportorial requirements ay integrated.
MCDO, Umasiste sa BAYMACDA General Assembly
Ang Municipal Cooperative Development Office ay umasiste sa BAYMACDA Transport Cooperative para sa kanilang General Assembly, kasama si Ms. Sheryl Lou Fabia ng Cooperative Development Authority Region I noong March 12 sa Sangguniang Bayan Session Hall. Ang isang General Assembly ay isinasagawa upang iprisenta sa mya myembro ng kooperatiba ang kanilang financial statement, operation at management, Article of Cooperation at Bylaws amendments, at election of officers.
OFWs, Tinuruan ukol sa DOLE Registration
Tinipon ng Municipal Employment Services Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team ang 498 na Bayambangueño na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa 38 na barangay para sa isang coaching session ukol sa tamang pagpaparehistro ng kanilang asosasyon upang maging accredited sa Department of Labor and Employment. Ang orientation na ito ay malaking hakbang upang ang mga lokal na OFW ay mapakag-avail ng tulong mula sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno gaya ng livelihood projects mula sa DOLE, na nposible lamang kapag sila ay nagtipon bilang isang asosasyon. Ang programa ay ginanap noong March 17 sa Royal Mall sa pangunguna ni OIC-MESO, Dr. Rafael Saygo, at sa pakikipagtulungan ng DOLE-Dagupan Central Office.
BAMACADA General Assembly
Ang Municipal Cooperative Development Office ay nag-organisa ng isang General Assembly para sa BAMACADA Transport Cooperative kasama si Cooperative Development Authority Acting Regional Director, Alberto Sabarias. Ito ay ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall noong March 19, kung saan pinag-usapan ng may miyembro ang kasalukuyang estado ng kanilang kooperatiba, kabilang na ang mga documentary at reportorial requirements.
RBAC General Assembly
Noong March 24 naman, nagkaroon ng General Assembly ang RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC) sa Brgy. Tampog sa tulong ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Cooperative Development Office (MCDO). Kabilang sa mga naging paksa ang kanilang mga accomplishments, status ng kanilang mga proyekto, at ang commitment ng mga miyembro sa darating na wet season.
Mga Kapitan, Tinuruan sa Cooperative Development
Noong March 23, nag-organisa ang Municipal Cooperative Development Office sa ilalim ni OIC Co-op Development Officer Albert Lapurga ng isang information and education campaign para sa mga kapitan ng barangay sa Balon Bayambang Events Center. Layunin nitong maituro sa lahat ng barangay ang kahalagahan ng pagtatatag ng isang kooperatiba upang maging instrumento sa pag-ahon sa kahirapan ng mga taga-barangay.
Pre-Registration Seminar for LGBTQI Bayambang
Noong March 31, nagbigay ng isang Pre-Registration Seminar ang Cooperative Development Authority para sa LGBTQI Association of Bayambang sa tulong ng Municipal Cooperative Development Office. Ginanap ito sa Mayor's Office Conference Room, at nanguna sa mga dumalo si LGBTQI Association President Sammy Lomboy.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
UPDATE: Construction of RHU VI, Brgy. Mangayao
Narito naman ang update ng Engineering Office sa pagpapatayo ng Rural Health Unit VI sa Brgy. Mangayao. Ang RHU VI ay nakatakdang maglapit ng mga serbisyong pangkalusugan ng Munisipyo sa District 8, na kinabibilangan ng Mangayao, Ataynan, Buenlag, Nalsian, Bacnono, at Tambac.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
MDRRMO Assists in PNP Tree-Planting
Ang MDRRMO ay umasiste sa isinagawang tree-planting activity ng PNP sa Agno Riverside sa Brgy. Malioer noong February 28. Ang departamento ay namahagi ng bamboo propagules, fertilizer, at logistics upang matagumpay na maisagawa ang munting proyekto para sa kalikasan at disaster mitigation ng ahensya.
DISASTER RESILIENCY
Fire Prevention Month 2022
Ang apoy ay nagbibigay ng alab at liwanag, ngunit nagdudulot din ng peligro sa buhay at ari-arian. Dahil panahon na naman ng tag-init, muling nag-ingay ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection noong March 1 upang ipaalaala ito sa ating mamamayan sa pamamagitan ng isang kickoff program at motorcade. Sa pag-alingawngaw ng mga fire truck ng BFP sa mga barangay, inaasahang magdodobleng ingat ang ating mga kababayan upang maiwasan ang sunog. Ayon kay Acting Municipal Fire Marshall SFO4 Randy Fabro, ang tema sa taong 2022 ay, “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa,” kaya’t siya’y nananawagan sa lahat na makipagtulungan upang ang lahat ay patuloy na mailayo sa sakunang dulot ng di inaasahang sunog. Kasama sa programa at motorcade ang POSO, MDRRMO, RHU, iba pang departamento ng LGU, mga local riders’ groups, at iba pang representante ng pribadong sektor.
1Q NSED 2022
Muli na namang nag-organisa ang MDRRMO para sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa taong 2022. Sa pagkakataong ito, inimbitahang sumali ang lahat ng public at private elementary school at high school, lahat ng opisyales ng 77 na barangay, lahat ng daycare centers, at isang pribadong kumpanya (ang J&T Express). Sa regular na earthquake drill, naiiwasan ang pagpapanic sapagkat nasasanay ang publiko sa disaster preparedness sa pamamagitan ng tamang pagresponde ng bawat isa sa oras ng di inaasahang pagyanig.
Emergency Operations Training, Magpapatibay sa MDRRMC sa Pagharap sa Sakuna
Sumabak sa apat na araw na training ukol sa pagpapatakbo ng Emergency Operations Center ang mga department head at ilang empleyado ng Munisipyo kasama ang mga hepe ng PNP-Bayambang at BFP-Bayambang, upang pagtibayin ang puwersa ng buong lokal na pamahalaan laban sa anumang uri ng sakuna o disaster. Ang training course ay ibinigay ng Office of the Civil Defense at inorganisa ng MDRRMO mula March 15 hanggang 18 sa Kabaleyan Cove Resort, San Carlos City. Dito ay mas nalinawan ang lahat sa kanilang responsibilidad sakaling magkaroon ng isang emergency at kung anu-anong mga estratehiya ang nararapat para mapanatiling disaster-resilient ang lahat ng Bayambangueño sa anumang oras.
Monitoring of Bamboo Plantation
Nagtungo ang pwersa ng MDRRMO sa Barangay San Gabriel 1st, Amancosiling Norte at Amancosiling Sur noong March 29, upang imonitor ang mga pananim na kawayan doon, sa pangunguna ni MDRRM Officer Genevieve Benebe, na siya ring tumatayo bilang Agno River Rehabilitation: Bamboo Project focal person, katulong ang ang Research & Planning at Operation Section ng tanggapan. Layunin ng buong team na magkaroon ng bamboo plantation sa 36 na barangay sa gilid ng Agno River upang magsilbing proteksyon ng mga mamamayan lalo na sa mga nakatira sa tabing-ilog. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng kawayan, maiiwasan ang malalang pagguho ng lupa at pagbaha.
Mga Bagong MDRRMO Employees, Sumabak sa Simulation ng Standard First Aid
Matapos ang anim na araw na training mula February 21 to 26 ukol sa Standard First Aid para sa mga bagong empleyado ng MDRRMO, nagkaroon naman sila ng simulation exercise noong March 26. Ito ay isinagawa sa tatlong magkakaibang lugar, kabilang ang RHU 2, Municipal Hall at Saint Vincent Ferrer Prayer Park. Layunin nito na mas mapalakas pa at maging pamilyar ang mga bagong empleyado sa iba't ibang sakuna na maaaring mangyari anumang oras lalo na sa mga pampublikong lugar. Ang training at simulation exercise ay pawang inorganisa ni LDRRM Officer Genevieve Benebe.
AWARDS & RECOGNITION
LGU, Wagi sa Healthy Pilipinas Award ng DOH
Ang programa ng LGU-Bayambang na Dietary Supplementation Program for Pregnant Mothers, na parte ng First 1000 Days Program, ay napili bilang isa sa limang best entries NATIONWIDE sa Nutrition Category ng Healthy Pilipinas Awards ng Department of Health, sa ginanap na parangal online noong March 4. Ang parangal na ito ay patunay na napagwawagian natin ang laban upang mapababa ang bilang ng malnourished na buntis at maiwasan ang kaso ng pagkabansot ng kanilang mga anak.
PSSg De Leon, Muling Pinarangalan
Muling kinilala ang pagbibigay ng serbisyo ni PSSg Vina de Leon ng PNP-Bayambang, sa ginanap na pagpaparangal ng PNP Provincial Office at PNP Regional Office bilang parte ng pagdiriwang ng International Women's Month 2022 ng ahensya. Si PSSg De Leon ay kabilang sa mga piling kababaihan na pinarangalan dahil sa kanilang kontribusyon upang maiangat ang lebel ng serbisyo publikong hatid ng mga kawani ng gobyerno, partikular na sa hanay ng pulisya. Matatandaang nafeature si PSSg De Leon sa Balitang Amianan at maging sa Mornings at GMA matapos magviral ang isang Facebook post ukol sa pagsagip niya, kasama ang iba pang opisyal ng PNP, sa isang babaeng naabutan nilang nanganganak sa loob ng isang traysikel.
Special BAC para sa PRDP, Pinarangalan
Dahil sa transparency policy ni Mayor Cezar Quiambao, ang lahat ng bumubuo ng Special Bids and Awards Committee para sa bidding ng “Improvement of San Gabriel II Farm-to-Market Road with Bridge” project ay pinarangalan ng Department of Agriculture matapos magkaroon ng pinakamaraming bilang ng bidders sa ilalim ng Philippine Rural Development Project. Matatandaang may 17 bidders na dumalo para makipagbidding sa pinakamalaking construction project sa kasaysayan ng LGU-Bayambang, kung saan ito ay nagkakahalaga ng P126.478M.
Bayambang, Kinilala ng DICT Region 1 sa Maayos na Vax Administration System
Ang LGU-Bayambang ay kinilala ng Department of ICT Region 1 bilang isa sa mga LGUs sa Rehiyon Uno na may outstanding performance sa pag-upload ng kanilang Vaccine Administration System Line List Submissions na may 95%-100% completion rate. Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, out of 47 municipalities sa Pangasinan ay isa ang Bayambang sa mga kinilala dahil sa maayos na encoding sa system kung saan ang ating mga kababayan ay madaling nakaka-access ng kanilang vaccination data gamit ang vaccination certificate, salamat sa kolaborasyon sa pagitan ng ICTO, BPRAT, LCRO, at mga RHU.
No comments:
Post a Comment