GOOD GOVERNANCE
LGU-Bayambang, Nag-donate ng Mobile Patrol sa PNP Bayambang
Mas pinagtibay ang pagtutulungan ng PNP at Lokal na Pamahalaan ng Bayambang para masiguro ang kaayusan ng bayan at kaligtasan ng mga Bayambangueño. Noong October 12, ginanap ang turn-over ceremony ng bagong Mobile Patrol ng Bayambang Municipal Police Station na nagmula sa LGU.
Ang sasakyan ito ay magagamit ng PNP sa pagpapatrolya para sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan sa ating bayan.
Pag-protekta sa taumbayan, isinulong ng NICA at Lokal na Pamahalaan
Ang National Intelligence Coordinating Agency, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, ay nagsagawa ng Orientation on Communist Terrorist Group para sa mga miyembro ng Municipal Association of Non-Government Organizations (MANGO) at mga myembro ng Sangguniang Kabataan Federation at Barangay Councils. Nilalayon nito na maipabatid sa publiko na magtulung-tulong upang protektahan ang sambayanang Pilipino mula sa mga organisasyong sumisira sa gobyerno.
HRMO, Inimbita ang mga Empleyado upang Maging Red Cross Member
Sa inisyatibo ng Human Resource Management Office, nagkaroon ng Orientation on Philippine Red Cross (PRC) Membership para sa mga empleyado ng LGU-Bayambang noong October 25 sa Events Center. Dito ay ipinaliwanag ni PRC Dagupan Chapter Generation Officer Jude Andranida ang tungkol sa kanilang Membership with Accident Assistance and Benefits Program. Nilalayon ng Red Cross na mahikayat na maging miyembro ang bawat mamamayang Pilipino para protektahan ang bawat buhay at kalusugan lalo na ng mahihirap na pamayanan.
Mga Kawani, Nag-Seminar sa Basic Records Management ng HRMO
Bilang kawani ng munisipyo, kailangan pa ring tuloy-tuloy na matuto ng mga makabagong kaalaman. Kaya naman nag-organisa ng "Seminar on Basic Records Management" ang Municipal Human Resource Management Office October 29 sa Balon Bayambang Events Center. Dumalo sa okasyong ito at naghatid ng mensahe sina Mayora Niña Jose Quiambao, Konsehal Martin Terrado II, at Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr. ukol sa kahalagahan ng paksa.
Bayambang LPTRP, Aprubado na ng DOTr at LTFRB
Salamat sa pagpupursige ng Municipal Planning and Development Office at Sangguniang Bayan, ang Local Public Transportation Route Plan (LPTRP) ng LGU-Bayambang ay inaprubahan na ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Ayon kay MPDO OIC Ma-lene Torio, ang Bayambang ang pinakauna sa Region 1 na inisyuhan ng Notice of Compliance matapos ang after masusing ebalwasyon. Ayon pa kay Torio, ang LPTRP ay resulta ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang mga traysikel at lahat ng slow-moving vehicles sa lahat ng national highway upang maiwasan ang sakuna. Nakapaloob din sa planong ito ang bilang ng pinapayagang prangkisa ng traysikel, na sa ngayon ay limitado sa 2,000 dahil ito ang nakitang bilang na nararapat sa kasalukuyang bilang ng mga commuters o pasahero.
Patuloy na pagkakaisa, panawagan sa Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.
Pagtibayin at lalong pag-ibayuhin ang naumpisahang pagkakaisa upang ang progreso sa bayan ay magtuluy-tuloy – ito ang panawagan ni Vice Mayor Raul R. Sabangan sa maiksing programa sa Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 na ginanap sa Malimpec Covered Court noong Oktubre 8, 2021 kung saan pinagsilbihan ng munisipyo ang mga residente ng Brgy. Malimpec, Alinggan at Langiran.
Ang mga Bayambangueño mula sa mga nabanggit na barangay ay tumanggap ng medikal, dental, at iba’t iba pang serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalaan na sadyang inilapit sa kanila para maramdaman ng iba’t ibang barangay, lalo ng mga malalayo sa sentro ng bayan, na mayroon silang munisipyo na masasandalan sa panahon ng pangangailangan.
KSB Year 4, Nagtungo sa Brgy. Pugo at Brgy. Nalsian Norte
Mga residente ng Brgy. Pugo, Brgy. Wawa, at Brgy. Darawey ang tumanggap ng serbisyo ng munisipyo sa pagpapatuloy ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Bagong Normal Kinabukasan tumanggap din ng serbisyo ang Brgy. Nalsian Norte, Nalsian Sur at Tamaro. Ang Komprehensibong Serbisyo ang programa ng administrasyong Quiambao-Sabangan na naglalayong ilapit ang munisipyo sa mga barangay upang bawat Bayambangueño ay makatanggap ng serbisyong nararapat.
KSB Year 4 sa San Vicente, Dinumog
Dinumog ng mga Bayambangueño mula sa Brgy. San Vicente at Tampog ang mga serbisyong hatid ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 na ginanap sa San Vicente Covered Court noong October 29. Dito ay kitang-kita na hindi paaawat ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pagdala ng serbisyo publiko sa bayan lalo na sa panahon ng pangangailangan. Patuloy ang kanilang pagsugod sa lahat ng mga barangay upang masiguro na walang maiiwan at lahat ay mabibigyan ng karampatang tulong mula sa Munisipyo.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Municipal Assessor's Office in Action: Distribution of Ownership of Tax Declaration
Noong October 5, ang Assessor's Office ay nag-distribute ng Ownership of Tax Declaration sa mga property owners sa Brgy. Cadre Site, Pangdel, Zone 1, Zone 2, at Zone 3.
Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng kaalaman at napapaalalahanan ang mga property owner na magbayad ng real property tax sa tamang oras dahil ang buwis ng Bayambangueño ang nagsisilbing daan tungo sa progreso ng bayan.
Assessor's Office, Walang Tigil sa Pagpapaalala Ukol sa Pagbayad ng Buwis para sa Ikauunlad ng Bayan
Tuluy-tuloy ang Assessor's Office sa pagkumbinsi sa ating mga kababayan sa obligasyon ng lahat na magbayad ng tamang buwis bilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng bayan. Noong October 26, ang roving team ni Municipal Assessor Annie de Leon ay namahagi ng owner's copy ng tax bill sa Brgy. San Gabriel 1st kasabay ng paalala na magbayad ng maaga. Ginalugad naman nila ang mga Brgy. Tambac. Zone IV, Tamaro, Nalsian Norte, at Malimpec para sa property appraisal at reassessment of land and machinery.
HEALTH
2 freezer para sa mga bakuna, binili ng MDRRMO
Laban kontra COVID-19, pinaigting. Dalawang freezer, binili bilang paghahanda sa pagdating ng mas maraming bakuna.
Refresher Course, dinaluhan ng mga BHW
Sa inisyatibo ng Rural Health Unit at sa tulong ng Provincial Health Office, dinaluhan ng mga Barangay Health Worker ang Refresher Course kung saan pinag-usapan ang BHW Law, mga dapat alamin ukol sa COVID-19, Vaccination Program, bloodletting, animal bite, HIV/AIDS, pagbubuntis, at iba pang mga usapin ukol sa kalusugan para masiguro na naisasapuso ng bawat isa ang mga mahagalagang impormasyon na makakatulong sa pangangalaga sa taumbayan.
Kailangan ng mga kursong katulad nito upang tuluy-tuloy ang maayos na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga barangay.
LGU, patuloy na umaaksyon para maiwasan ang malnutrisyon
Noong October 18, sinimulan ng Municipal Nutrition Action Office ang pag-distribute ng food packs para sa mga bata na 6-59 months old na malnourished bilang parte ng mandato ng opisina na pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataang Bayambangueño. Ang pamimigay ng food packs ay programa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang na taun-taong isinasagawa upang masiguro ang mabuting nutrisyon ng mga kabataan lalo na sa panahon ng pandemya.
MNAO, Refresher Training para sa mga BNS at BHW
Nag-organisa ang Municipal Nutrition Action Office ng tatlong araw na Refresher Training para sa mga Barangay Nutrition Scholar at BHW President sa pamumuno ni Municipal Nutrition Officer Venus M. Bueno na may temang: ‘’Husay at Kalinga, Lalo Ngayong Pandemya.’’ Ito ay ginanap noong ika-20 hanggang 22 ng October sa Royal Mall. Napakahalaga ang ganitong training para sa mga BNS at BHW upang umunlad ang kaalaman sa nutrisyon at kakayahang tumulong sa suliraning pangkalusugan ng mga kabataan sa ating bayan.
Animal Bite Treatment Center Updates
Nitong nakaraaang linggo ay nagtala ang Animal Bite Treatment Center ng RHU 1 ng 12 na bagong kaso ng animal bites. May 35 na pasyente naman ang kasalukuyang naggagamot. At ang Center naman ay nagconduct ng information-education campaign sessions ukol sa rabies at pati na rin sa covid vaccines. "Huwag hayaang makipaglaro sa alagang aso ang mga bata," muling paalala ng ating Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo.
Task Force Bakuna, Pinulong ang mga Barangay Officials Ukol sa Bagong Patakaran
Pinulong ng Task Force Bakuna sa ilalim ni Chairperson at POSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, ang mga opisyales ng 77 na barangay, kabilang ang mga kapitan, kagawad, at Barangay Health Workers, sa Events Center noong October 25 ukol sa panibagong patakaran sa pagpapabakuna. Tinalakay dito ang pagbibigay ng stub na may numero para sa mga nag-online registration para makakuha ng slot sa vaccination schedule. Nakalagay sa likod ng stub ang oras ng pagpunta sa Pugo Vaccination Center upang maiwasan ang paghihintay ng matagal lalo na sa mga may comorbidities. Nabanggit din ang mga priority na bibigyan ng vaccines, at una na rito ang mga senior citizens at ang mag-aasiste sa kanila.
Niña Cares Foundation at KKSBFI, Namigay ng COVID-19 Care Kits
Noong October 30, nag-turnover ng 100 na COVID-19 Care kits ang Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation sa Rural Health Unit ng Bayambang. Ang mga kit na ito ay ipamamahagi sa mga COVID patients bilang tulong sa kanila habang ginagamot at nagpapagaling.
EDUCATION
Bayanihan para sa Paaralan
Sa pagtutulungan ng mga myembro ng Municipal Association of Non-Government Organizations (MANGOs) at ng iba pang mga organisasyong panlipunan sa Bayambang, nagsagawa ng demolisyon sa Telbang Elementary School noong ika-14 ng Oktubre, 2021 upang magbigay-daan sa ipapatayong multi-purpose school room / building improvements na siyang tutugon sa kakulangan sa silid-aralan.
LIVELIHOOD & EMPLOYMENT
15 kabataang Bayambangueño, ginawaran ng NC II sa libreng training
Labinlimang kabataang Bayambangueño, ginawaran ng NC II sa libreng training sa pagiging barista. Dito ay partner agencies/organizations ang SK Federation, Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., & Maxima Technical Skills and Training Institute
LGU Livelihood Program Beneficiaries, dumalo sa Virtual Seminar ng DOST
Mga benepisyaryo ng livelihood programs ng munisipyo, tinulungang maging lehitimong Food Processor Workers para sa mas siguradong paglago ng kani-kanilang negosyo
TUPAD Pay-out sa Brgy. Amanperez at Alinggan
Tinanggap na ng higit isang libong mga Bayambangueño ang kanilang benepisyo sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment. Ginanap ang payout noong October 13-14 sa Brgy. Amanperez at Alinggan kung saan dumalo si Mayora Nina Quiambao, at si MTRCB Chair Rachel Arenas at ilan pang mga opisyal ng munisipyo. Ang payout ay tulong-tulong na inorganisa ng Municipal Services Employment Office at BPRAT.
Mga “Makabagong Bayani,” tinipon para sa reorganization ng asosasyon
Nagkaroon ng Reorganization and Reorientation on Association para sa mga Bayambangueño na Overseas Filipino Workers (OFWs) upang sila ay matipon at mas madaling matugunan ang kanilang mga pangangailangan bilang mga “makabagong bayani” ng bayan. Ang programa ay ginanap noong ika-11 ng Oktubre, 2021 sa Balon Bayambang Events Center sa pangunguna ng Municipal Employment Service Office na pinamumunuan ni OIC-MESO Rafael L. Saygo, at sa pakikipagtulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) at OWWA Provincial Office.
Mga proyektong pangkabuhayan, sisimulan sa Ambayat 1st at 2nd
Noong Oktubre 13, pinulong ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang mga myembro ng Ambayat 1st Cassava Processing and Value-adding Project at Ambayat 2nd Cassava Flour Project upang pag-usapan at mapag-planuhan ang mga hakbang na kinakailangan para sa proyektong ibinababa sa kani-kanilang mga barangay. Mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga benepisyaryo upang masiguro na magtatagumpay ang mga Bayambangueño sa proyektong ito.
Goat Dairy Project Training Workshop, Isinagawa sa Brgy. Mangayao
Nagkakaroon ng tatlong araw na Training Workshop sa Brgy. Mangayao ang National Dairy Authority (NDA) North Luzon Department para sa programang Goat Dairy Project October 28 hanggang October 30. Ito ay inisyatibo ng LGU Bayambang sa pakikipagtulungan sa opisina ni Sen. Cynthia Villar, Department of Agriculture, at National Dairy Authority. Layunin ng programa na magbigay kaalaman sa mga partisipante patungkol sa pag-aalaga ng kambing at pagtalakay ng mga oportunidad na makukuha dito.
OTHER SOCIAL SERVICES
Land Bank at LGU-Bayambang, magkatuwang sa pagtulong sa PhilSys registrants; ATM machine ng Land Bank, mas pinaayos at mas pinabilis ang transakyon.
Nagkaroon ng distribution ng Master Card prepaid cards ang Land Bank para sa mga kwalipikadong PhilSys Registrants noong ika-6 ng Oktubre sa Balon Bayambang Events Center. Matatandaan na kasabay ng registration para sa pagkuha ng National ID ay nagkaroon rin ang Land Bank ng libreng pag-avail ng ATM card para sa mga interesadong Bayambangueño. Kasabay nito ay ang muling pagbubukas sa isinaayos na ATM machine na dinaluhan ni Vice Mayor Raul Sabangan.
Munting Tuwa para sa mga Bata sa Tanolong
Sa pakikipagkoordinasyon sa CSO Desk ng LGU, ang Bayambang Bayanihan Lions Club, Xtreme Riders Club, Reaction 166-Animal Kingdom, at iba pang miyembro ng Bayambang Municipal Association of NGOs ay naghandog ng konting tuwa sa mga bata sa Barangay Tanolong Health Center katuwang ang mga Barangay Health Workers. Ito ay sa pamamagitan ng isang feeding activity.
CSOs in Action
Ang Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles Radiant Balon Bayambang Pangasinan Eagles Club, sa pakikipagtulungan ng Radiant Dragon Grand Society Consumers Cooperative, Women's Agriculture Cooperative at Kalipunan ng Liping Pilipino (KALIPI) ng Brgy. Asin, ay nagsagawa ng ALALAYANG AGILA: Feeding Program at namahagi ng dressed chicken sa 166 na Kabahayan noong Oktubre 16, 2021 sa Brgy. Asin, Bayambang, Pangasinan.
Mayor Cezar, Nakipagdiwang sa Senior Citizen's Day 2021
Ipinagdiwang ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Bayambang Chapter (FSCAB) ang Senior Citizen's Day 2021 noong October 25 sa Events Center. Tanging mga presidente lamang mula sa 77 barangay ang naimbitahan. Ang programa ay pinangunahan ng mga opisyales ng pederasyon sa pamumuno ni Pres. Benigno de Vera at Office of the Senior Citizen's Affairs (OSCA) sa ilalim ng kanilang Chairman na si G. Eligio Veloria, sa gabay ng Municipal Social Welfare and Development Office. Kasama si Vice-Mayor Raul Sabangan at mga konsehal, si Mayor Cezar T. Quiambao ang naging panauhing pandangal sa naturang programa, na kung saan kanyang ipinabatid na handa siyang tumulong sa organisasyon upang muli itong makabangon mula sa pagsubok ng pandemya.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Oplan Undas 2021, Naging Matagumpay
Bilang pag-implementa sa local IATF guidelines sa pag-obserba ng Undas, naging matagumpay ang implementasyon ng LGU sa Oplan Undas sa pangunguna ng PNP-Bayambang. Ito ay nag-umpisa noong Oktubre 23, Sabado, kung saan maaari nang bumisita sa sementeryo ang mga kaanak ng mga mga namayapa. Ayon sa latest guidelines, sarado ang mga naturang lugar mula October 30 hanggang November 2 upang maiwasan ang siksikan. Iniskedyul na lamang ang mga barangay sa iba't-ibang petsa bago at pagkatapos mag-Undas. Nagtulung-tulong sa Oplan Undas kasama ng PNP-Bayambang ang MDRRMO, POSO, Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Zone 6, at advocacy support groups.
POSO, Sinisiguro ang Pagsunod ng Publiko sa Health Protocols
Katuwang ang POSO, sa pamumuno ni Ret. Col. Leonardo F. Solomon, ng iba’t ibang departmento ng LGU at ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at matiyak na sinusunod ang health protocols gaya ng social distancing habang nagkakaroon ng pamamahagi ng iba’t ibang libreng serbisyo sa bayan. Sinisiguro ni Col. Solomon na pinapanatili ng kanyang mga tauhan ang kaayusan at kapayapaan sa lugar kung saan ginaganap ang mga Community Pantry ng Niña Cares Foundation at Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ng LGU nang hindi lumalabag sa mga health protocol.
POSO Personnel, Muling Tumanggap ng Pasasalamat
Karagdagang pasasalamat ang tinanggap ng mga traffic enforcer kamakailan nang muli silang nagbalik ng isang wallet na naglalaman ng P3,370 at professional driver’s license. Ito’y napag-alaman na pagmamay-ari ni G. Joseph Garcia Avenido. Laking pasasalamat siyempre ni Avenido sa naibalik niyang gamit at pera.Si Avenido ay isa lamang sa patuloy na natutulungan ng pagkakawanggawa ng mga tauhan ng POSO bukod pa sa tungkuling nakaatang sa kanila. Ito ay dahil sa disiplina na ipinatutupad ni POSO Chief, Ret. Col. Leonardo F. Solomon, sa kanyang tanggapan, kung saan mabilis na naaaksyunan ang mga bagay na ninanais ipatupad, at dahil na rin sa ibinabahaging kaalaman at karanasan noong siya ay aktibo pa sa Philippine Army.
TOURISM,CULTURE & ARTS
Christmas Decors sa Bayan, Muling Idinonate ng Pamilya Quiambao
Maraming salamat sa Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., sa pangunguna ng Presidente nito na si Mayora Niña Jose-Quiambao, at kay Mayor Cezar T. Quiambao sa donasyon na P2.1-million para sa Christmas decors na ikinabit sa iba’t ibang parte ng bayan bilang paghahanda sa panahon ng Kapaskuhan. Sa pamamagitan nito ay nais iparamdam sa mga Bayambangueño ang simoy ng Pasko. Abangan natin ang opisyal na lighting ceremony at sabay-sabay nating panooring magliwanag ang bayan ng Bayambang.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
MAO, tuloy sa paglingkod sa mga magsasaka
Ang Municipal Agriculture Office ay nagpamahagi ng binhi ng mais sa pitong clustered associations sa ilalim ng Corn Seeds Assistance Program ng DA Region 1.
Quick response kits, tinanggap ng MAO
Quick response kits para sa kaligtasan ng mga alagang baboy, tinanggap ng Agriculture Office
Epektibong samahan, isinusulong sa RiceBIS beneficiaries
Epektibong samahan, isinulong sa RiceBIS beneficiaries sa huling araw ng Modified Farmers’ Field School (MFFS) Wet Season 2021 training program noong October 6 sa Brgy. Dusoc
Bagong gamit at makinarya, ipinamahagi sa mga lokal na magsasaka
Handog para sa mga lokal na magsasaka mula sa DA Region 1 ang 30 piraso ng drum para sa Brgy. San Vicente, at 150 crates, tatlong water pump, at dalawang unit ng multi-cultivator naman para sa Segundo Distrito Onion Growers’ Association.
Mga mangingisda, nag-training sa pag-alaga ng African hito
Noong October 13 sa Brgy. Reynado, nag-organisa ang Municipal Agriculture Office ng training para sa mga fisherfolk sa pag-aalaga ng African hito. Ang training ay matagumpay na naisagawa sa kolaborasyon ng pribadong sektor kabilang ang Feedmix Specialist, Inc. at Hito Central Philippines.
Pantol to San Gabriel 2nd FMR with Bridge Project, Aprubado Na!
Sa wakas, inaprubahan na ng Department of Agriculture ang pinanabikang Pantol to San Gabriel 2nd Farm to Market Road with Bridge! Ito ay proyekto sa ilalim ng Philippine Rural Development Project ng DA.
Salamat sa pakikiisa ng iba’t ibang opisina at departmento ng munisipyo sa pangunguna ni Mayor Cezar Quiambao at Vice Mayor Raul Sabangan.
Ang proyektong ito na pinondohan ng World Bank ay nagkakahalaga ng P126,478,000. Ito ay inaasahang makakatulong ng malaki upang mapabilis ang pagbyahe ng mga magsasaka ng kanilang produkto patungong merkado.
2nd Batch ng RiceBiS Farmers, Nagsipagtapos
Noong Otober 26, nagsipagtapos ang ikalawang batch ng mga lokal na magsasaka na kasapi sa pangalawang implementasyon sa Bayambang ng programang Rice Business Innovation Systems o RiceBIS ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng Department of Agriculture. Ang graduation ceremony para sa 215 participants ay ginanap sa Events Center, at ito ay inorganisa ng Agriculture Office sa tulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team. Naroon siyempre si Mayor Cezar Quiambao at Vice-Mayor Raul Sabangan upang bumati sa mga nagsipagtapos at ipamalita sa kanila ang mga maraming achievements ng administrasyon sa agricultural modernization, kabilang ang pakikipagkasundo sa PhilRice para sa programa nitong RiceBIS na naglalayong gawing mahusay na entrepreneurs ang ating mga local farmers.
DA-PRDP RCPO, Nagbigay ng 2-Day Orientation/Training on World Bank Harmonized Procurement Guidelines
Upang sa wakas ay maisakatuparan ang "Improvement of San Gabriel II Farm-to-Market Road with Bridge Project," bumisita ang mga kawani ng Regional Project Coordinating Office (RPCO) sa ilalim ni RPCO 1 Project Director Nestor D. Domenden sa isinagawang dalawang araw na training at oryentasyon noong October 28-29 sa Silver Concha Wavepool Resort upang mabigyang-linaw ang procurement process bago maumpisahan ang naturang proyekto. Doon ay tinalakay ang iba't ibang mga dokumento na kailangang ihanda upang makasunod sa procurement guidelines ayon sa RA 9184 at lalo na ng World Bank kung saan magmumula ang 80% ng financial grant sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture. Ang training ay inorganisa ng Municipal Planning and Development Office at inatendehan ng mga kasapi sa Municipal Project Management and Implementation Unit of Bayambang.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Completed: Multi-purpose Covered Court in Brgy. Amancosiling Norte
Multi-purpose Covered Court in Brgy. Apalen
Multi-purpose Covered Court in Brgy. Buenlag 1st
Multi-purpose Covered Court in Brgy. Manambong Norte
Multi-purpose Covered Court in Brgy. Mangayao
Multi-purpose Covered Court in Brgy. Tococ West
Ongoing: Construction of Multi-purpose Hall in Brgy. Malioer
On-going: Upgrading of E. Luna Junction Quezon Blvd. Road
Update Public Market Expansion Project, Block 3
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Para sa Inang Kalikasan
Noong Oktubre 15, nanghingi ng 600 punla ng puno ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) mula sa San Roque Watershed. Ang mga punla ng narra, banaba, eucalyptus, kasuy, cacao, guyabano, at avocado ay nakalaan para sa iba't ibang barangay tree planting activity ng ESWMO at tree park development project nito sa Materials Recovery Facility ng departamento.
ESWMO Tree Planting Activity, Clean-up Drive, at IEC sa mga Barangay, Inumpisahan sa Amancosiling Norte
Noong October 30, inumpisahan ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) ang bagong round nito ng tree planting activity, clean-up drive, at information-education campaign sa mga barangay. Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan nina Punong Barangay Almario Ventura at kanyang mga kagawad, SK chair at council, CVOs, BHWs at iba pang volunteers, kasama ang buong SWM office, kabilang ang mga administrative staff, enforcer, sweeper, sorter, at collector.
DISASTER RESILIENCY
Bagong ambulansya, sasaklolo sa mga Bayambangueño
Lalong pina-igting at pinabilis ang pag-responde sa mga emergency situations sa bayan matapos madagdagan ng isang panibagong ambulansya ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang. Ang high-roof ambulance na ito na nabili sa pamamagitan ng MDRRM Fund for Disaster and Emergency Preparedness bilang parte ng pagtugon sa mga pangangailangan at pagsiguro ng kaligtasan ng mga Bayambangueño sa anumang panahon.
MDRRMC, Umattend sa Online Disaster Waste Management Training
Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ay sumali sa limang araw na online training sa "Disaster Waste Management" na ibinigay ng Development Academy of the Philippines mula October 25 hanggang 29. Dahil ang mga sakuna ay maaaring magdulot ng malakihang solid at liquid waste, ang ligtas na handling, removal at management ng disaster waste ay mahalagang isyu sa disaster response at recovery. Kaya't ang pagsasanay na ito ay makatutulong sa mga responders na imanage ang mga banta ng disaster waste sa buhay at kalusugan ng mamamayan at sa kalikasan.
AWARDS/RECOGNITION
PNP Bayambang, Nanguna sa SACLEO
Binabati ng Lokal na Pamahalaan ang Bayambang Municipal Police Station sa kanilang pagkamit ng 1st rank sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation sa buong Region 1 para sa buwan ng Pebrero hanggang Agosto 2021.
Congratulations, Bayambang MPS!
Congratulations RHU 1 & 2!
Iginawad sa Rural Health Unit 1 at 2 ang Certificate of Achievement at Certificate of Performance matapos nilang makumpleto ang 2020 Cycle Program: July 2020 to June 2021 National External Quality Assessment Scheme in Clinical Chemistry.
Ang mga sertipikong ito ang nagpapatunay sa maayos na kalidad ng serbisyo at nagsisiguro na ang mga resulta na inilalabas sa diagnostic laboratory ay tama at totoo.
MCDO, Mga Lokal na Kooperatiba, Kinilala sa Selebrasyon ng Cooperative Month 2021
Humakot ng pagkilala ang Municipal Cooperative Development Office (MCDO), kabilang na si OIC MCD Officer Alberto Lapurga at mga piling lokal na kooperatibang itinatag ng MCDO sa tulong ng Cooperative Development Authority-Dagupan, sa ginanap na virtual na pagdiriwang ng Oktubre bilang Cooperative Month ng Cooperative Development Authority Region 1 noong October 29.
Congratulations sa buong team ng Bayambang MCDO!
Tuesday, November 2, 2021
LGU-Bayambang Accomplishments for October 2021
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment