GOOD GOVERNANCE
LCPC Meeting
Sa latest quarterly meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) sa Events Center noong September 9, nagpresenta ng kanya-kanyang accomplishments ang mga myembro ukol sa pagpapalawig ng proteksyon sa mga lokal na kabataan. Ito ay sa gabay ng DILG at sa pag-oorganisa ng MPDC. Kabilang sa mga myembro sina Councilor Benjie de Vera at Police Chief Norman Florentino.
SB Approves 2021 LGU Budget
Noong September 24, inaprubahan ng Sangguniang Bayan Budget Committee ang annual budget ng LGU sa 2021 sa isang budget hearing na ginanap sa SB Session Hall. Inaprubahan ng SB ang annual budget na P625,493,399.09 para sa January 1, 2021 hanggang December 31, 2021, matapos dinggin ng komite sa ilalim ni Majority Floor Leader, Councilor Amory Junio, ang bawat LGU department head sa kanilang inihaing budget.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Preparation of Disposal Papers
Noong September 14, nagtungo si Municipal Assessor Annie de Leon at ang kanyang staff sa San Gabriel 2nd upang iprepara ang mga dokumentong kailangan sa disposal ng mga lupain sa Mangabul Reservation para sa mga matatagal nang nagsasaka sa lugar. Sa kasalukuyan ay nasa Kongreso pa ang bill na inihain ni Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas na naglalayong i-convert ang Mangabul Reservation bilang alienable at disposable property.
Final Demand Letter to Magsaysay Occupants
Noong nakaraang linggo ay nag-issue na ang Assessor's Office ng final demand letter ng Municipal Administrator sa mga illegal occupants ng mga lote ng Munisipyo sa Brgy. Magsaysay. Ito ay matapos magbigay ang LGU ng paulit-ulit na palugit sa mga naturang occupants ukol sa payment scheme na aprubado ng Commission on Audit.
LIVELIHOOD
Online Garage Sale - Part 2
Muling nagdaos ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng online garage sale sa Annex Building. Sa pagkakataong ito, sila ay nakalikom ng halos P17,000 na pondong gagamitin para sa mga proyekto nito.
HEALTH
Chicken Slaughterhouse Inspection
Noong August 27, nag-inspeksiyon ang RHU I kasama ang DENR sa isang chicken slaughterhouse sa Brgy. Bacnono, matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang kagawad sa lugar ukol sa chicken dressing business ng kanyang kapitbahay. Naroon si Bacnono Punong Barangay Ferdinand Lomibao upang samahan ang koponan ng LGU at DENR inspection team sa kanyang lugar.
Anti-Rabies Vaccination in Mangayao
Patuloy ang team ni Municipal Veterinarian Dr. Joselito Rosario sa pagsagawa ng massive anti-rabies vaccination. Noong September 4, nagtungo sila sa Brgy. Mangayao upang magbakuna ng mga alagang aso sa lugar.
Safe Blood for All
Noong September 14, ginanap ang isa na namang mobile blood donation sa Balon Bayambang Events Center sa pag-oorganisa ng Rural Health Unit I at II at sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross. Kasama sa mga recruiters ang Local Council of Women, at namigay naman ng libreng t-shirt ang Kasama Kita sa Barangay Foundation. Nagkaroon din ng libreng rapid testing para sa mga donors. Ayon sa record ng RHU, may 59 bag ng dugo ang nakolekta mula sa mga qualified donors.
Anti-Dengue Intervention at Tococ East
Matapos maiulat na nagkaroon ng apat na kaso ng dengue sa Tococ East, nagsagawa ang RHU I ng tatlong araw na paglilinis sa lugar na may kasamang information and education campaign. Noong September 17 naman ay nagsagawa ang RHU I ng fogging operation doon.
Gen. Bravo Donates Fresh Milk
Noong August 28, tumanggap ng donasyon na fresh milk at keso ang LGU-Bayambang mula kay Retired General Francisco S. Bravo galing sa Bravo Dairy Cooperative sa San Nicolas, Pangasinan.
Halos 600 tetrapacks ng fresh milk at may 70 cups ng kesong puti ang siyang ipinamahagi ng MSWDO at Nutrition Section sa mga underweight at stunted day care pupils ng Bayambang Child Development Workers. Maraming salamat po, Gen. Bravo!
EDUCATION
Talento ng Kabataan, Tampok sa Patimpalak
Idinaos ng Local Youth Development Office (LYDO), kasangga ang Sangguniang Kabataan Federation at BPRAT, ang Linggo ng Kabataan 2020 sa pamamagitan ng cleanup drive sa lahat ng barangay at patimpalak sa poster-making at spoken poetry. Sa pagdiriwang -- na may temang "Youth Engagement for Global Action, ay kuminang ang espiritu ng bolunterismo ng youth sector at ang talentong Bayambangueño, na nagpamalas ng husay sa pagsusulat, tula, graphic design, at video editing.
OTHER SOCIAL SERVICES
CDW Meeting
Noong August 28, pinulong ang mga Child Development Workers ng Bayambang sa Senior Citizens' Center upang magplano para sa nalalapit na resumption ng day care classes ngayong pandemyakasama si Provincial Early Childhood Care and Development (ECCD) Focal Person Myrna Celeste., OIC MSWDO Kimberly Basco, at Child Development Focal Person Marvin P. Bautista. Ipinaliwanag din sa kanila ang mga health protocol bago magbukas ang ating mga Child Development Centers.
PSA Enumerators Training
Sumailalim kamakailan ang mga nakapasa sa examination round ng Philippine Statistics Authority para sa position ng enumerators at area team supervisors sa nalalapit na nationwide census.
Sa report ng Local Civil Registrar, sila ay nagtraining sa 3rd Floor ng Royal Mall at nagtapos noong August 29.
1st Day of Work for RCBMS Enumerators
Noong September 7 sa Events Center, nagtraining at sumabak na sa unang araw ng trabaho ang mga na-hire na enumerators at encoders para sa Bayambang Restructured Community-Based Monitoring System (RCBMS).
Ang trainor sa proyektong ito ay si RCBMS system developer Christian Bautista, sa pamamahala ni BPRAT head Rafael L. Saygo, katuwang ang ICT Office.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
[See Anti-COVID Response under Disaster Resiliency]
TOURISM, CULTURE & ARTS
Bagamat hindi katulad ng mga nakaraang selebrasyon ng Tourism Month 2020, naging makabuluhan pa rin ang pagdiriwang sa Balon Bayambang Events Center noong September 17-18 dahil mga myembro ng accommodation at food industry at mga mahahalagang personalidad ang dumalo at nagbigay ng mensahe. Naging sentro ng seminar ang mga pagbabago na dinala ng COVID-19 sa lokal na turismo at ang mga paraan kung paano makakabangon ang myembro ng industriya sa panahon ng “new normal. Bukod sa seminar ay ginanap noong September 18 ang awarding ceremony para sa mga nakisali sa Brochure-Making Contest, Search for the Oldest Photo in Town, at Video Advertisement Contest.
Bayambang, Sinali sa DOT-R1 Feature
Dumalaw ang Department of Tourism (DOT) Region I sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Brgy. Bani noong August 27 upang kumuha ng mga larawan at video clips na gagamitin sa kanilang promotional videos na nagpapakita ng magagandang tanawing natatagpuan sa buong rehiyon. Sa pag-asiste ng Tourism Office staff, ibinida ang tallest bamboo sculpture sa buong mundo at ang mga lokal na produkto ng bayan, ang pagsungkit natin ng world's longest barbecue grill, at ang binasuan dance.
SPORTS
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Vegetable Seeds, Dinonate sa MAO
Noong September 2, nakatanggap ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng mga vegetable seeds na dinonate ng East-West Seed Co. matapos mag-request ang tanggapan. Nakatakdang ipamigay ang mga buto sa mga kasapi sa proyektong Good Agricultural Practices sa Brgy. Ambayat 1st bilang bahagi ng Food Basket Project ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.
Distribution of Antihelminthic to ASF-Hit Hog Raisers
Noong September 11, namahagi ng antihelminthic agent o kontra bulate ang Municipal Veterinarian sa Brgy. Carungay. Ito ay bilang parte ng ASF recovery plan ng Department of Agriculture para sa Bayambang.
Fisherfolk Profiling
Noong araw ding iyon, ginanap ang fisherfolk profiling na pamamahala ni Marlon Castillo ng Agriculture Office sa pakikipagtulungan sa mga farmers' association president ng Brgy. Hermoza, Idong, Inanlorenza, at Inirangan. Ito ay isinagawa bilang parte ng preparasyon sa mga development sa inland fishery industry at bilang pruweba ng lehitimisiya ng mga lokal na mangingisda.
RiceBIS Interview Phase
Naglibot ang mga kinatawan ng PhilRice kasama ang mga staff ng Agriculture Office upang makapanayam ang mga project participants mula sa mga farming barangays. Ito ay upang malaman ng ahensya kung anong teknolohiya ang karapat-dapat sa kanila at kung anong klaseng training ang kanilang kailangan. Nakatakdang tumulong ang PhilRice sa pag-assess kung tumaas ba ang ani ng mga RiceBIS farmers pagkatapos ng proyekto.
One Barangay, One Gulay
Nag-monitor ang Agriculture Office sa tomato backyard gardening project ng Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Managos. Ito ay parte ng 'One Barangay, One Gulay' project ng Foundation na nagnanais makatulong sa food sustainability sa bayan ng Bayambang. Parte ng naturang proyekto ang pagtatanim ng talong sa Brgy. Warding, ampalaya sa Brgy. Ambayat 2nd, at okra sa Brgy. Ambayat 1st.
P100M Loan with LandBank
Noong September 24, ginanap ang isang loan contract signing sa pagitan ng LGU-Bayambang at Landbank of the Philippines sa Niñas Cafe. Ang loan ay gagamitin para sa 8 Warehouses Project ni Mayor Quiambao para sa 8 farming districts ng Bayambang na naglalayong tutukan ang produksyon ng mga lokal na magsasaka. Ito rin ang gagamiting seed capital para sa kanilang farm inputs, at para sa dredging ng inland fisheries. Nanguna sa loan signing sina Mayor Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, at Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., at ang financial cluster ng LGU heads, at naging kinatawan naman ng Landbank sina Pangasinan Lending Center AVP Demetrio Espiritu III at San Carlos City Branch Manager Menchie Mencias.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Block III of Public Market Reopens
Noong September 25, muling nagbukas ang Block III, o Meat & Fish Section kabilang na ang Canteen, ng Bayambang Public Market matapos itong isara ng mahigit dalawang linggo. Habang nakasara ay nagkaroon ng decontamination operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection sa lugar.
Jeep to San Carlos, Madaragdagan
Madaragdagan na ang mga jeep na may byaheng Bayambang-San Carlos via Basista simula September 4 matapos silang makatanggap ng special permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Muling pinapaalala sa publiko na huwag magpakakampante at sumunod sa minimum public health standards para sa kaligtasan ng lahat.
BAYMACDA, May Byahe Na Pa-Dagupan
Aprubado na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang special permit para sa sampung jeep na may byaheng Bayambang-Dagupan via Malasiqui. Simula September 16 ay nagsimula nang bumyahe ang mga jeep na ito mula 6AM hanggang 5PM araw-araw at madadagdagan pa ang byahe sa mga susunod na linggo. Kaugnay ito, nagsagawa ng inspeksyon ang LGU upang masiguro na kumpleto ang kagamitan ng mga driver at operator sa kanilang byahe para masiguro ang public health standards sa lahat ng oras.
Bus Pa-Dagupan, Nadagdagan
Sampung (10) unit ng bus ang dumagdag sa araw-araw na pasada ng BAMACADA Transport Cooperative. Ang mga bus -- na may byaheng Bayambang-Dagupan via Malasiqui -- ay nadagdagan matapos silang mabigyan ng special permit mula sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Ang dagdag sa mga bus ay malaking tulong para sa mga Bayambangueño na may trabaho sa ibang bayan at sa lokal na ekonomiya ng Bayambang.
LTFRB Approves 19 Jeeps to San Carlos
Aprubado na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang special permit para sa 19 pampasaherong jeep na may byaheng San Carlos- Bayambang, matapos silang tulungan ng Municipal Planning and Development Office sa pagproseso ng mga required na papeles. Simula September 19 ay nag-umpisa nang bumyahe ang mga naturang dyipni matapos inspeksyunin ng LGU ang kanilang pagsunod sa miminum public health standards.
LTFRB Permit for 10 Bayambang-Carmen UV Express
Sa tulong ng Municipal Planning and Development Office, nabigyan ng special permit ng LTFRB ang sampung pampasaherong UV Express na may byaheng Bayambang-to-Carmen via Rosales. Simula September 26 ay maguumpisa nang bumyahe ang mga naturang UV Express.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Narito ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:
Repair of Bical Norte-Tanolong Roadline
Core Local Access Road in Nalsian Sur
Covered Court in Macayocayo
Covered Court in San Gabriel 2nd
Covered Court in Manambong Parte
Core Local Access Road Mangayao under DILG PCF-2019 Fund
Covered Court in Paragos
Covered Court in Tatarac
Covered Court in Bical Sur
Barangay Hall in Sancagulis
Barangay Hall in Manambong Sur
Barangay Hall in Duera
Barangay Hall in Iton
ENVIRONMENTAL PROTECTION
DISASTER RESILIENCY
Virtual NSED 2020
Bawal pa ang kumpulan ngayon, kaya't nagconduct ang MDRRMO ng Virtual Tabletop Exercise bilang parte ng partipasyon natin sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2020.
IEC in Pugo Quarantine Facility
Noong August 27, nagpunta ang RHU I sa Pugo Quarantine Facility para magsagawa ng information and education campaign para sa mga locally stranded individuals doon tungkol sa COVID-19 transmission and prevention, ang kahalagahan ng disiplina, mga health programs ng RHU, at minimum health standards.
COVID-19 IEC sa 3 Barangays
Noong September 2, nagtungo ang Bayambang IATF sa tatlong barangay na kung saan nagkaroon ng latest na kaso ng COVID-19 upang magsagawa ng information and education campaign.
Sina Municipal Health Officer Dra. Paz Vallo, PNP-Bayambang Chief PLtCol. Norman Florentino, Rural Health Physician Dra. Adrienne Estrada, at Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario ay nagbigay ng update sa Brgy. Ambayat 1st, Managos, at Darawey ukol sa mga pasyente na taga-barangay at tinalakay kung paano iiwasang makahawa at ano ang dapat gawin kung nagkaroon ng kaso sa barangay.
Paghuli sa Violators, Pinaigting
Kaya upang masiguro na nasusunod ng publiko ang health protocols ay lalong maghihigpit ang munisipyo at ang PNP-Bayambang sa pag-implementa ng mga batas para sa kaligtasan ng mga Bayambangueño. Simula September 2 ay manghuhuli na ang PNP-Bayambang, POSO at S.E.E. ng mga lumalabag sa curfew, hindi nagsusuot ng face mask at face shield, at hindi sumusunod sa physical distancing alinsunod sa IATF Resolution at Municipal Ordinance.
Quarantine Violators, Hinuli
Umabot sa daan-daang violators ang nahuli ng PNP-Bayambang noong nakaraang linggo dahil sa 'di pagsusuot ng face mask at face shield, paglabag sa curfew at social distancing, at iba pang uri ng paglabag. Patuloy ang paghihigpit ng PNP-Bayambang, katulong ang Lokal na Pamahalaan, sa pag-implementa ng mga quarantine protocols para sa kaligtasan ng publiko. Inaasahan na sa paghihigpit na ito ay magiging mas disiplinado ang mga Bayambangueño at matitigil na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan.
Granular Lockdown in 5 Barangays
A - Noong September 9, inilabas ni Mayor Cezar Quiambao ang Executive Order No. 45, na nag-uutos ng isang granular lockdown sa limang barangay na may kaso ng COVID-19, kabilang ang Cadre Site, Darawey, Tambac, Bical Norte at Purok 3 ng Ambayat 1st.
B - Kasama rito ay ang temporaryong pagsasara ng Block III ng Public Market at ng mga sementeryo sa darating na Undas, at iba pang restrictions. Ito ay upang makatulong sa pag-kontrol ng biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Bayambang.
C - Ang emergency action na ito ay kaagad namang inaprubahan ng IATF.
Health Protocol Violators, Arestado
Inaresto ng mga myembro ng PNP ang limang vendors noong September 8 sa temporary Public Market sa Brgy. Bani, matapos silang maaktohang lumalabag sa utos na magsuot ng face mask at face shield at obserbahan ang social distancing.
Matatandaang isang meat vendor ang nagpositibo kamakailan sa Meat Section ng Public Market, at ito ay nakahawa ng isa nitong nakasalamuha.
Ang paglabag sa minimum health standards na iniutos ng DOH at World Health Organization ang siyang nagsusuong sa panganib sa buhay at kalusugan ng lahat ng ating nakakasalamuha. Sapagkat nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, disiplina at kooperasyon ng bawat isa ang kinakailangan, upang hindi na tayo dumagdag pa sa lumulobong kaso ng COVID-19 sa bayan at sa bansa.
Supplier Donates Face Masks & Shields
Noong September 8, isang supplier ng Munisipyo ang nag-donate sa LGU-Bayambang ng face shield at face mask. Namigay ang Sophia Trading ng 924 face shields at 41 boxes ng face mask sa opisina ng Human Resource Management Office. Kaagad namang ipinamahagi ang mga ito ng HRMO sa iba't-ibang departmento ng munisipyo na araw-araw humaharap sa mga kliyente para sa iba’t-ibang transaksyon.
Libreng Face Mask at Face Shield
Noong September 11 pa rin, sa tulong ng Team Quiambao-Sabangan ay namahagi ng libreng face mask at face shield ang MDRRMO sa ANCOP Ville, Yellow Building at Royal Supermarket. Tinatayang may 250 face mask at face shield ang naipamigay.
Market Vendors, Negatibo sa COVID-19
Negatibo sa rapid swab test ang lahat ng 130 na tindero mula sa Block III ng Bayambang Public Market na sumailalim na sa COVID-19 test. Umaabot sa 80% ang accuracy ng rapid swab o Antigen Rapid Swab Test. Ang mga ginagamit na testing kits ay donasyon ni Mayor Cezar T. Quiambao.
Medical Certificate sa RHU 2 & 3
Noong September 24, nag-umpisa na ring mag-issue ng medical certificate ang RHU 2 (Wawa) at RHU 3 (Carungay) upang makatulong sa RHU 1. Sa ganitong paraan ay nabawasan ang haba ng pila ng mga nag-aapply para sa Quarantine Pass, Travel Pass, at Travel Authority.
Orientation on E.O. 52
Noong September 19 ay nagkaroon ng Public Orientation on Executive Order No. 52 via Facebook Live sa Balon Bayambang Events Center upang ipaliwanag sa madla ang mga detalyeng nakapaloob sa naturang E.O. Nilalayon ng E.O. # 52 na makatulong apulain ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Bayambang bilang pagsunod sa latest memorandum mula PNP-Pangasinan Provincial Office. Pinangunahan ang naturang orientation ng Bayambang Inter-Agency Task Force kabilang si Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo; PNP-Bayambang Chief, PLtCol. Norman Florentino; at Municipal Tourism Supervising Officer Rafael Saygo.
Munting Tulong Mula sa KKSBFI
Noong September 22 at 23, sa direktiba ni Mayor Cezar T. Quiambao ay nagpamigay ng pamaypay, bottled water, at snacks ang staff ng Municipal Tourism Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team para sa mga nakapila sa PNP Station, Annex Building, at Events Center. Ito ay handog ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. para sa mga nagpo-proseso ng mga requirements sa pagkuha ng Quarantine Pass at Travel Pass bilang pagtalima sa Executive Order No. 52 na in-issue ng LGU bilang emergency intervention sa biglaang paglobo ng COVID-19 cases sa bayan ng Bayambang.
Temporary Public Market, Itinayo sa Bani
Bilang parte ng pagresponde ng LGU sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bayan, kaagad na isinara ang Pamilihang Bayan noong gabi ng Agosto 31 at pansamantalang ginamit ang maluwag na espasyo sa Brgy. Bani. Doon nagtayo ng alternatibong pamilihan kung saan ibang mga tindera ang itinalaga. Nilinisan at dinisinfect ang Public Market ng mga kawani ng Special Economic Enterprise (SEE) at MDRRMO, at kaagad ding sumailaim sa 5-day quarantine at rapid testing ang mga nakasalamuha ng nagpositibong pasyente.