Sino
ba si Cezar Quiambao?
Ikalabingpito
ng Nobyembre taong 1948 nang ipinanganak si Cezar Terrado Quiambao sa bayan ng Bayambang.
Bilang pangalawang anak nina Simplicio at Veronica Quiambao, si Cezar ay unang nangarap
na magkaroon ng magandang buhay noong siya ay estudyante pa lamang sa Bayambang
Central School. Dala niya ang pangarap na ito hanggang sa makatapos siya sa
Bayambang National High School at bitbit niya ito nang lumuwas siya sa Maynila
para kumuha ng kursong Business Administration major in Accountancy sa
University of the East at Strategic Economic Program sa University of Asia and
Pacific.
Ang
kanyang paglipad patungo sa Indonesia ay naging malaking hakbang sa pagtupad ni
Cezar sa kanyang pangarap. Doon siya nagtrabaho sa loob ng dalawampung taon, at
dahil sa kanyang sipag at tyaga, nagtuloy-tuloy ang kanyang pag-asenso hanggang
sa makauwi siya ng Pilipinas.
Taong
1994 nang bumalik si Cezar sa kanyang bayang sinilangan. Gamit ang mga kaalaman
at kakayahan na inuwi niya mula sa pagta-trabaho sa Indonesia ay sinimulan niya
ang programang “Baley Ko, Pawilen Ko, Aroen Ko, Tulungan Ko” kasama ang mga
kaklase niya mula sa Batch ’65 ng BNHS. Ang programang ito ay nabuo dahil ang
pangarap ni Cezar Quiambao ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para
rin sa buong Bayambang.
Nagsimulang
naging konkreto ang mga pangarap ni Cezar nang ipinabato niya ang maputik na
daan mula barangay Tanolong hanggang sa Bical
Norte. Ginawa niya ito matapos makarating sa kanya ang reklamo ng mga kaawa-awang
guro na nagtitiis maglakad sa putikan araw-araw para makapasok lang sa trabaho.
Pagkatapos nito ay sinunod naman niyang proyekto ang pagsasaayos ng daan sa
Mangabul.
Nagtuluy-tuloy
ang pagtulong ni Cezar Quiambao sa kanyang tahimik na paraan sa mga sumunod
pang mga taon. Isa sa mga pinakaimportanteng kanyang nagawa ay ang pagpapa-ayos
ng Public Plaza na dati ay masangsang ang amoy at kahiya-hiya sa mga bisita.
Nagtatag
rin siya ng College of Information Technology sa PSU-Bayambang noong taong 2000
at ngayon ay kitang-kita na ang dami at ganda ng mga produkto ng kolehiyong ito.
Noong
2004 ay itinatag niya ang Kasama Kita sa Barangay Foundation katulong si ex-Councilor
Levin Uy upang tumulong sa mga kabataan at mga walang hanapbuhay sa pamamagitan
ng mga training at seminar sa iba't-ibang TESDA-accredited courses at
livelihood projects.
Sa
kanyang sariling paraan ay unti-unting tinulungan ni Cezar na bumangon ay
kanyang minamahal na bayan, ngunit ang progreso sa Bayambang ay totoong nagsimula
noong taong 2012 nang kanyang ipatayo ang Royal Mall. Ang Royal Mall, Strategic
Alliance Holdings Inc., Land Registration Systems at STRADCOM, na mga negosyo
ni Cezar, ang nagbigay ng pondo sa munisipyo na noon ay pinamamahalaan pa ng
ibang alkalde dahil sa laki ng tax na ibinabayad nito. Napakalaki ng pondong
ibinigay ng mga ito sa munisipyo na kung ginamit sana noon sa makabuluhang
proyekto ay nakatulong pa sa pagpapaganda ng buhay ng mga ordinaryong
Bayambangueño.
Nang
magdiwang ang bayan ng Bayambang ng 400th Year Anniversary ay malaki ang naging
papel ni Dr. Cezar Terrado Quiambao. Gamit ang personal niyang ipon ay nagbigay
siya ng P25M na pondo sa lokal na pamahalaan upang masungkit ng Bayambang ang
Guinness World Record for the longest barbeque grill noong April 4, 2014. Dahil
sa lahat ng kanyang suporta sa mga Bayambangueño ay nakilala ng buong mundo ang
Bayambang.
Malaking
tagumpay at kasiyahan ito para sa bayan, ngunit ito rin ang naging mitsa upang
magising siya sa mapait na katotohanan: napag-alaman niya ang korapsyon ng mga
namumuno noon sa Bayambang. Libre niyang ibinigay ang mga grill na ginamit sa
Kalutan ed Dalan, ngunit nalaman ni Cezar na ibinenta pa ang mga ito sa mga Bayambangueño
at ang ibinayad nila ay pinakinabangan ng mga nakaupo sa pwesto sa panahon na
iyon.
Ang
pangyayaring ito ang nag-udyok sa kanya para siya na mismo ang tumakbo bilang
alkalde noong taong 2016. Simula nang siya ay nanalo at naupo sa pwesto kasama
si Vice Mayor Raul Sabangan ay naging tuloy-tuloy na ang pag-angat ng
Bayambang. Kasama ang buong Team Quiambao-Sabangan ay nilabanan ni Cezar ang
korapsyon, kriminalidad at political dynasty, at patuloy pa rin nilang
nilalabanan, kasama ang buong LGU Bayambang, ang kahirapan sa pamamagitan ng
Bayambang Poverty Reduction Plan.
Ang
pangarap na binuo ni Cezar noong siya ay bata pa ay ang pangarap na mag-aangat
sa sa bayang pinakamamahal niya. Kaya naman ginagawa at binibigay ni Cezar ang
lahat para masiguro na ang bawat kabataan, kababaihan, magsasaka, guro,
manggagawa, at kalalakihan sa kanyang bayan ay makakasiguro sa magandang
kinabukasan.
Nangarap,
nagtrabaho, at ngayon ay tumutulong sa mga Bayambangueño. Ayan si Mayor Cezar
Terrado Quiambao.
No comments:
Post a Comment