Wednesday, June 11, 2025

Monday Report - June 16, 2025

 

[INTRO]

NEWSCASTER 1: isang nakaka-good vibes na Monday morning, Bayambang! Ako po si ___.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ____, narito upang ihatid ang mga ulat ng pagkilos tungo sa pagbabago.

NEWSCASTER 1: Mga hakbang tungo sa mas masigla at mas progresibong bayan.

NEWSCASTER 2: Kaya’t samahan ninyo kami sa lingguhang kwentuhan, impormasyon at serbisyong totoo. Dito sa...

SABAY: ...BayambangueNews!

 

1.  Anti-Colorum Drive, Pinaigting

Kamakailan, muling pinaigting ng pamahalaang lokal ang pagsawata sa mga colorum na traysikel sa bayan upang ipairal ang disiplina at pagsunod sa batas, at para maging patas na rin sa lahat, lalo na’t walang-tigil ang reklamo ng mga may-ari ng rehistrado o may prangkisang traysikel. Ang mga nahuling traysikel ay na-impound sa Bayambang Municipal Police Station. Inaabisuhan ang lahat na sumunod sa batas laban sa mga colorum upang iwas abala sa mga motorista at pasahero.

 

2.  Ambulance Drivers, Natuto sa Defensive Driving

Noong June 7, ang Bayambang Public Safety Office ay nagbigay ng isang seminar para sa 20 ambulance drivers ng Munisipyo at iba pang BPSO personnel upang ang mga ito ay matuto ng defensive driving at motor vehicle maintenance, at maging malayo sa disgrasya sa gitna ng pagganap sa kanilang tungkulin. Naging lecturer ang mga kinatawan ng St. Peter Velle Technical Training Center, PNP, at LTO.

 

3.  GSO, Naging Abala sa Pagkumpuni ng mga Pasilidad

Kapag walang pasok, kinukumpuni ng General Services Office staff ang iba't ibang pasilidad ng Munisipyo upang siguraduhing ang mga ito ay parating nasa kundisyon. Kamakailan, kanilang pinalitan ang nabubulok na alulod ng lumang Municipal Hall Building. Kanila ding nilinis ang mga drainage ng mga bubong ng mga gusali sa Municipal Hall Compound. Nagtanim din ang GSO ng mga bougainvillea sa paligid ng auditorium sa plaza at sa Bayambang Central Terminal sa PSU.

 

4.  Paglunsad ng “Discipline Zones” at Iba pang Isyu, Tinalakay sa Pulong

Noong June 9, pinulong nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar Quiambao, ang mga kapitan o Punong Barangay upang talakayin ang paglulunsad ng “Discipline Zones,” na may kasamang mahigpit na pagpapatupad ng truck ban, tamang pamamahala ng paradahan, at parusa sa mga kolorum na sasakyan at mga drayber na walang lisensya. Kabilang din sa mga naging usapin ang ilegal na koneksyon sa kuryente, basura at maruming paligid, edukasyon sa tamang pagtatapon at pag-recycle, tax collection, business permit processing, land grabbing, at property disputes.

 

5.  CDWs, Nagdiwang ng CDW Week

Ang mga Child Development Worker ng Bayambang ay nagdiwang ng Child Development Workers' Week Celebration noong June 9, 10, at 11. Naging parte ng pagdiriwang ang isang 3-day training at orientation tungkol sa magaganap nilang assessment sa darating na school year 2025-2026 at ukol sa operation and guidelines sa pagsisimula ng Infant-Toddler Early Development (ITED) Program para sa 1-2 years old.

 

6.  Operasyon Tanggal Jumper sa mga Barangay, Mahigpit na Ipatutupad!

Isang joint inspection ng mga streetlight ng mga barangay ang isinagawa ng LGU, matapos mapansin ang labis na pagtaas ng bayarin sa kuryente ng Munisipyo para sa mga streetlight ng Poblacion. Lumabas sa imbestigasyon na maraming barangay ang may mga ilegal na koneksyon at jumper sa kanilang mga streetlight post at naka-tap sa mga streetlight ng Poblacion. Dahil dito, nagkaroon ng malawakang disconnection ng mga ilegal na linya. Pananagutan naman ng mga naturang barangay ang kani-kanilang electric consumption.

 

7.  Road Clearing Operations, Muling Pinaigting!

Muling pinaigting ng pamahalaang local ang mga road-clearing operation upang matugunan ang lumalalang problema sa trapiko, lalo na sa Poblacion area. Lalo na ngayong papalapit na ang pagbubukas ng klase, inaasahan ang lingguhang operasyon sa mga pangunahing kalsada upang alisin ang mga ilegal na obstruction gaya ng nakaparadang sasakyan, tindahan sa bangketa, at iba pang sagabal sa maayos na daloy ng trapiko.

 

8.  Libreng Gamit Pang-eskwela, Ipinamigay ni Mayor Niña!

Noong June 10, sinimulan ang pamamahagi ni Mayor Niña Jose-Quimbao ng 17,429 packs ng libreng gamit pang-eskwela sa lahat ng 53 na pampublikong paaralang elementarya gamit ang halagang 2-million pesos mula sa Children's Welfare Fund ng LGU. Bawat pack ay naglalaman ng pad paper para sa mga Grade 1 hanggang Grade 6, crayons, ballpen, lapis, at notebook, kaya’t hindi na kailangang mag-alala pa ang mga magulang sa pagbili ng mga ito, na tiyak na isang malaking katipiran sa kanilang budget.

 

9.  Rice Farmer Financial Assistance, Ipinamahagi sa Bagong Batch ng Farmers

Noong November 10, inihatid ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 sa Municipal Agriculture Office ang 1,823 cash cards na naglalaman ng 7,000 pesos bawat isa. Kaya naman agad itong ipinamahagi ng LGU kinabukasan sa mga benepisyaryo na hindi pa nabigyan ng DA-RFO1 noong nakaraang taong 2024. Ang financial assistance ay makatutulong sa magsasaka ng palay ng Bayambang upang mas lalo pa nilang mapataas ang kanilang ani at kita.

 

10.              Watsons, Magbubukas sa Bayambang!

Dahil sa maayos, malinis, at tapat na pamamahala, unti-unti nang nagsisimulang pumasok ang malalaking investors sa Bayambang. Sa mga naghahanap ng health, wellness, and beauty products, malapit nang magbukas ang Watsons sa bayan nga Bayambang. Ang kanilang puwesto ay matatagpuan sa dating Magic Supermarket sa pamilihang bayan.'Di na kailangang bumiyahe pa patungong SM Rosales for your health and beauty needs, dahil ang Watsons ay narito na!

 

11.              127th Independence Day, Ipinagdiwang

Muling nakiisa ang LGU-Bayambang sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng isang simple ngunit makabuluhang seremonya sa harap ng Munisipyo, sa pangunguna ng mga LGU official at department at agency head. Naging panauhing pandangal si Dr. Maria Celia J. Fernandez, 2018 Matalunggaring Awardee in Education.

 

12.              Business Forum, Idinaos

 

Noong June 20, ang isang business forum ang idinaos upang pagtibayin ang ugnayan ng LGU at mga negosyante at bigyang-linaw ang proseso ng pagkuha ng business permit at iba pang kinakailangang dokumento. Matapos ilahad ng mga negosyante ang kani-kanilang mga saloobin, binigyang-diin dito ang kagustuhan ng LGU na gawing mas mabilis, malinaw, at abot-kaya ang proseso ng pagpaparehistro ng mga negosyo sa Bayambang.

 

13.              Competed Engineering Infrastructure Projects

Kamakailan, ang Municipal Engineering Office ay naging abala sa iba’t ibang horizontal construction projects.

A.   COMPLETED: Asphalt Overlaying sa 9 Barangays: Buenlag 2nd, Warding, Mangayao, Nalsian Norte, Amancosiling Sur, San Gabriel 1st, Ataynan, at San Vicente

B.   ONGOING: Farm to Market Road sa Bical Sur, Maigpa, at Apalen

C.   ONGOING: Road Widening sa Ambayat 2nd at Tococ West

D.  COMPLETED: Alley Road sa Manambong Sur

 

***

(for Mikee delos Santos of RHU I)

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!

Noong panahon ng eleksyon, kaliwa’t kanan ang mga tsismis na kesyo land grabber daw sina former Mayor Cezar T. Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao. Pero teka, Bayambang, dapat alam mo: Ang mga ito ay HINDI TOTOO!

Dapat alam mo na dati pa lamang ay mariin na itong pinabulaanan ng pamilya Jose-Quiambao dahil ang mga ito ay FAKE NEWS! Wala silang inagaw na kahit anong lupain sa Bayambang, lalo na ang lupang kinatitirikan ng BYB Metro sa Brgy. Bani.

Eto ang dapat alam mo, Bayambang. Ito ang katotohanan. Ang 67-ektaryang property na ‘yan ay lehitimong nabili ng kanilang kumpanya, ang AILC, mula sa CAT Realty. Kaya malinaw pa sa araw, hindi ito kinamkam, binili ito nang legal.

Dapat alam mo na sa nasabing 67 hectares, may 20 ektarya kung saan may mga bahay nang nakatayo. HINDI PINAALIS ang mga nakatira roon. Sa halip, sinukat at pinatituluhan pa ang lupa para mabili ito ng mga residente at mapasakanila ang pagmamay-ari.

Dapat alam mo rin na may 12 kabahayan na maaapektuhan ng development. Kaya ang mga residente roon ay inilipat sa mas magandang relocation site kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong mabili ang lupa para sila ay maging lehitimong may-ari.

[Insert Mader Sam]

Tingnan niyo nga yan mga, sizt! Inilipat ka na nga sa mas magandang lugar, may pagkakataon ka pang maging legitimate na may-ari nito! Legitimate??? [Reference: Maja Salvador famous meme commercial]

[Exit Mader Sam]

Dapat alam mo rin na sa ngayon, ang natitirang 47 hectares na dinedevelop bilang BYB Metro, ay inaasahang makapagbibigay ng mas maraming trabaho at negosyo. Proyektong makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng buong Bayambang.

Kaya Bayambang, ito ang dapat na alam mo at ikinakalat mo: WALANG INAGAW NA LUPA ANG MGA QUIAMBAO. Kung tutuusin, sila pa mismo ang nag-donate ng ilang ektarya ng lupa para lang matuloy ang proyektong BYB Metro.

Ngayong alam mo na at may alam ka na, huwag agad maniniwala sa fake news. Magtanong, magsaliksik, at alamin muna ang buong katotohanan—dahil ang mga ito, Bayambang, ay Dapat Alam Mo!

 

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: Dito sa Bayambang, bawat proyekto ay may layuning makapaglingkod nang tapat at may puso.

NEWSCASTER 2: At bawat kwento, tagumpay nating lahat bilang isang komunidad.

NEWSCASTER 1: Ako pong muli si _____, kasama sa paglalahad ng mga kaganapan sa bayan.

NEWSCASTER 2: At ako si _____, mula sa ______. Magsama-sama tayong muli sa susunod na ulat!

SABAY: Ito ang… BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment