[INTRO]
NEWSCASTER 1: isang
nakaka-good vibes na Monday morning, Bayambang! Ako po si ___.
NEWSCASTER 2: At ako naman po
si ____, narito upang ihatid ang mga ulat ng pagkilos tungo sa pagbabago.
NEWSCASTER 1: Mga hakbang
tungo sa mas masigla at mas progresibong bayan.
NEWSCASTER 2: Kaya’t samahan
ninyo kami sa lingguhang kwentuhan, impormasyon at serbisyong totoo. Dito sa...
SABAY:
...BayambangueNews!
1. Anti-Colorum
Drive, Pinaigting
Kamakailan,
muling pinaigting ng pamahalaang lokal ang pagsawata sa mga colorum na
traysikel sa bayan upang ipairal ang disiplina at pagsunod sa batas, at para
maging patas na rin sa lahat, lalo na’t walang-tigil ang reklamo ng mga may-ari
ng rehistrado o may prangkisang traysikel. Ang mga nahuling traysikel ay na-impound
sa Bayambang Municipal Police Station. Inaabisuhan ang lahat na sumunod sa batas
laban sa mga colorum upang iwas abala sa mga motorista at pasahero.
2. Ambulance
Drivers, Natuto sa Defensive Driving
Noong
June 7, ang Bayambang Public Safety Office ay nagbigay ng isang seminar para sa
20 ambulance drivers ng Munisipyo at iba pang BPSO personnel upang ang mga ito
ay matuto ng defensive driving at motor vehicle maintenance, at maging malayo
sa disgrasya sa gitna ng pagganap sa kanilang tungkulin. Naging lecturer ang
mga kinatawan ng St. Peter Velle Technical Training Center, PNP, at LTO.
3. GSO, Naging Abala
sa Pagkumpuni ng mga Pasilidad
Kapag
walang pasok, kinukumpuni ng General Services Office staff ang iba't ibang
pasilidad ng Munisipyo upang siguraduhing ang mga ito ay parating nasa
kundisyon. Kamakailan, kanilang pinalitan ang nabubulok na alulod ng lumang
Municipal Hall Building. Kanila ding nilinis ang mga drainage ng mga bubong ng
mga gusali sa Municipal Hall Compound. Nagtanim din ang GSO ng mga
bougainvillea sa paligid ng auditorium sa plaza at sa Bayambang Central
Terminal sa PSU.
4. Paglunsad ng
“Discipline Zones” at Iba pang Isyu, Tinalakay sa Pulong
Noong
June 9, pinulong nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar Quiambao, ang mga
kapitan o Punong Barangay upang talakayin ang paglulunsad ng “Discipline
Zones,” na may kasamang mahigpit na pagpapatupad ng truck ban, tamang
pamamahala ng paradahan, at parusa sa mga kolorum na sasakyan at mga drayber na
walang lisensya. Kabilang din sa mga naging usapin ang ilegal na koneksyon sa
kuryente, basura at maruming paligid, edukasyon sa tamang pagtatapon at
pag-recycle, tax collection, business permit processing, land grabbing, at property
disputes.
5. CDWs, Nagdiwang
ng CDW Week
Ang
mga Child Development Worker ng Bayambang ay nagdiwang ng Child Development
Workers' Week Celebration noong June 9, 10, at 11. Naging parte ng pagdiriwang
ang isang 3-day training at orientation tungkol sa magaganap nilang assessment
sa darating na school year 2025-2026 at ukol sa operation and guidelines sa
pagsisimula ng Infant-Toddler Early Development (ITED) Program para sa 1-2
years old.
6. Operasyon Tanggal
Jumper sa mga Barangay, Mahigpit na Ipatutupad!
Isang
joint inspection ng mga streetlight ng mga barangay ang isinagawa ng LGU,
matapos mapansin ang labis na pagtaas ng bayarin sa kuryente ng Munisipyo para
sa mga streetlight ng Poblacion. Lumabas sa imbestigasyon na maraming barangay
ang may mga ilegal na koneksyon at jumper sa kanilang mga streetlight post at
naka-tap sa mga streetlight ng Poblacion. Dahil dito, nagkaroon ng malawakang
disconnection ng mga ilegal na linya. Pananagutan naman ng mga naturang barangay
ang kani-kanilang electric consumption.
7. Road Clearing
Operations, Muling Pinaigting!
Muling
pinaigting ng pamahalaang local ang mga road-clearing operation upang matugunan
ang lumalalang problema sa trapiko, lalo na sa Poblacion area. Lalo na ngayong
papalapit na ang pagbubukas ng klase, inaasahan ang lingguhang operasyon sa mga
pangunahing kalsada upang alisin ang mga ilegal na obstruction gaya ng
nakaparadang sasakyan, tindahan sa bangketa, at iba pang sagabal sa maayos na
daloy ng trapiko.
8. Libreng Gamit
Pang-eskwela, Ipinamigay ni Mayor Niña!
Noong
June 10, sinimulan ang pamamahagi ni Mayor Niña Jose-Quimbao ng 17,429 packs ng
libreng gamit pang-eskwela sa lahat ng 53 na pampublikong paaralang elementarya
gamit ang halagang 2-million pesos mula sa Children's Welfare Fund ng LGU.
Bawat pack ay naglalaman ng pad paper para sa mga Grade 1 hanggang Grade 6,
crayons, ballpen, lapis, at notebook, kaya’t hindi na kailangang mag-alala pa
ang mga magulang sa pagbili ng mga ito, na tiyak na isang malaking katipiran sa
kanilang budget.
9. Rice Farmer
Financial Assistance, Ipinamahagi sa Bagong Batch ng Farmers
Noong
November 10, inihatid ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 sa
Municipal Agriculture Office ang 1,823 cash cards na naglalaman ng 7,000 pesos
bawat isa. Kaya naman agad itong ipinamahagi ng LGU kinabukasan sa mga
benepisyaryo na hindi pa nabigyan ng DA-RFO1 noong nakaraang taong 2024. Ang
financial assistance ay makatutulong sa magsasaka ng palay ng Bayambang upang
mas lalo pa nilang mapataas ang kanilang ani at kita.
10.
Watsons, Magbubukas sa Bayambang!
Dahil
sa maayos, malinis, at tapat na pamamahala, unti-unti nang nagsisimulang
pumasok ang malalaking investors sa Bayambang. Sa mga naghahanap ng health,
wellness, and beauty products, malapit nang magbukas ang Watsons sa bayan nga
Bayambang. Ang kanilang puwesto ay matatagpuan sa dating Magic Supermarket sa
pamilihang bayan.'Di na kailangang bumiyahe pa patungong SM Rosales for your
health and beauty needs, dahil ang Watsons ay narito na!
11.
127th Independence Day, Ipinagdiwang
Muling
nakiisa ang LGU-Bayambang sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng
isang simple ngunit makabuluhang seremonya sa harap ng Munisipyo, sa pangunguna
ng mga LGU official at department at agency head. Naging panauhing pandangal si
Dr. Maria Celia J. Fernandez, 2018 Matalunggaring Awardee in Education.
12.
Business Forum, Idinaos
Noong
June 20, ang isang business forum ang idinaos upang pagtibayin ang ugnayan ng
LGU at mga negosyante at bigyang-linaw ang proseso ng pagkuha ng business
permit at iba pang kinakailangang dokumento. Matapos ilahad ng mga negosyante
ang kani-kanilang mga saloobin, binigyang-diin dito ang kagustuhan ng LGU na
gawing mas mabilis, malinaw, at abot-kaya ang proseso ng pagpaparehistro ng mga
negosyo sa Bayambang.
13.
Competed Engineering Infrastructure Projects
Kamakailan,
ang Municipal Engineering Office ay naging abala sa iba’t ibang horizontal
construction projects.
A.
COMPLETED: Asphalt Overlaying sa 9 Barangays: Buenlag 2nd,
Warding, Mangayao, Nalsian Norte, Amancosiling Sur, San Gabriel 1st, Ataynan,
at San Vicente
B.
ONGOING: Farm to Market Road sa Bical Sur, Maigpa, at Apalen
C.
ONGOING: Road Widening sa Ambayat 2nd at Tococ West
D. COMPLETED: Alley
Road sa Manambong Sur
***
(for
Mikee delos Santos of RHU I)
BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!
Noong
panahon ng eleksyon, kaliwa’t kanan ang mga tsismis na kesyo land grabber daw
sina former Mayor Cezar T. Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao. Pero teka,
Bayambang, dapat alam mo: Ang mga ito ay HINDI TOTOO!
Dapat
alam mo na dati pa lamang ay mariin na itong pinabulaanan ng pamilya
Jose-Quiambao dahil ang mga ito ay FAKE NEWS! Wala silang inagaw na kahit anong
lupain sa Bayambang, lalo na ang lupang kinatitirikan ng BYB Metro sa Brgy.
Bani.
Eto
ang dapat alam mo, Bayambang. Ito ang katotohanan. Ang 67-ektaryang property na
‘yan ay lehitimong nabili ng kanilang kumpanya, ang AILC, mula sa CAT Realty.
Kaya malinaw pa sa araw, hindi ito kinamkam, binili ito nang legal.
Dapat
alam mo na sa nasabing 67 hectares, may 20 ektarya kung saan may mga bahay nang
nakatayo. HINDI PINAALIS ang mga nakatira roon. Sa halip, sinukat at
pinatituluhan pa ang lupa para mabili ito ng mga residente at mapasakanila ang
pagmamay-ari.
Dapat
alam mo rin na may 12 kabahayan na maaapektuhan ng development. Kaya ang mga
residente roon ay inilipat sa mas magandang relocation site kung saan sila ay
binigyan ng pagkakataong mabili ang lupa para sila ay maging lehitimong
may-ari.
[Insert Mader Sam]
Tingnan niyo nga yan mga, sizt! Inilipat ka na nga sa mas
magandang lugar, may pagkakataon ka pang maging legitimate na may-ari nito!
Legitimate??? [Reference: Maja Salvador famous meme commercial]
[Exit Mader Sam]
Dapat
alam mo rin na sa ngayon, ang natitirang 47 hectares na dinedevelop bilang BYB
Metro, ay inaasahang makapagbibigay ng mas maraming trabaho at negosyo.
Proyektong makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng buong Bayambang.
Kaya
Bayambang, ito ang dapat na alam mo at ikinakalat mo: WALANG INAGAW NA LUPA ANG
MGA QUIAMBAO. Kung tutuusin, sila pa mismo ang nag-donate ng ilang ektarya ng
lupa para lang matuloy ang proyektong BYB Metro.
Ngayong
alam mo na at may alam ka na, huwag agad maniniwala sa fake news. Magtanong,
magsaliksik, at alamin muna ang buong katotohanan—dahil ang mga ito, Bayambang,
ay Dapat Alam Mo!
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: Dito sa
Bayambang, bawat proyekto ay may layuning makapaglingkod nang tapat at may
puso.
NEWSCASTER 2: At bawat kwento, tagumpay nating lahat bilang
isang komunidad.
NEWSCASTER 1: Ako pong muli si
_____, kasama sa paglalahad ng mga kaganapan sa bayan.
NEWSCASTER 2: At ako si _____,
mula sa ______. Magsama-sama tayong muli sa susunod na ulat!
SABAY: Ito ang…
BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment