Bayambang, Dapat Alam Mo!
Alam mo ba, ang salitang amilyar ay isang pangkaraniwang salita galing sa salitang Espanyol na "amillaramiento," na ang ibig sabihin ay "assessment of a tax." Ang pagkolekta ng tax o buwis sa Pilipinas ay nag-umpisa noong panahon ng mga Espanyol, nang ang mga datu ang siyang namumuno sa mga barangay, at ang nakolektang buwis ay siyang itinuturing na kapalit ng proteksyon at seguridad mo sa pamayanan.
*
Dapat alam mo na ang batas sa pagbabayad ng buwis ay galing sa itaas o sa national government, hindi sa Mayor o sa Munisipyo. Ang batas na ito ay kailangang ipatupad ng isang responsableng public servant, dahil kung hindi, siya naman ang lalabag at mananagot sa batas at maaari pang makasuhan o makulong dahil sa hindi pagpapatupad nito.
Huwag po sana tayong magpalinlang sa mga maling sinasabi ng iilan. Huwag nating tignan ang buwis bilang isang parusa o pasanin, kundi isang paraan ng pakikiisa sa pag-unlad ng bayan, ambag natin bilang isang Pilipino, at investment natin para na rin sa ating sariling pamayanan. Bakit? Dahil makakasigurado kayo, na sa mabuting pamamahala ng gobyernong lokal, sa inyo rin babalik ang inyong in-invest sa kabang-yaman ng bayan sa pamamagitan ng maayos na pagpapatakbo ng gobyernong lokal at iba't ibang serbisyong kayo rin po ang tatanggap, mapasa-larangan man ng disaster response, health services, emergency response, edukasyon, social welfare services, infrastructure projects, at marami pang iba.
Alam ba ninyo na ang ating ibinabayad na RPT o Real Property Tax (o 2% ng Assessed Value ng inyong taxable property) ay may ganitong breakdown? Sa Basic RPT na 1%, 35% ay napupunta sa Provincial Government, 40% sa LGU-Bayambang, at 25% naman sa barangay kung saan matatagpuan ang property. Pagdating naman sa SEF o Special Education Fund na 1%, 50% nito ay para sa Provincial School Board at ang 50% ay para sa Municipal School Board.
*
Ang batas sa amilyar ay hindi na po bago. Noon pa po ito -- di lang siguro gaanong naipatutupad. At sinuman ang sumunod na uupo bilang alkalde, siya ay obligadong ipatupad ang batas. Dito rin siya kukuha ng pondo upang maayos na mapatakbo ang lokal na pamahalaan at makapagbigay ng mga magagandang serbisyo.
Lahat po ng sambahayan at negosyo ay kinakailangang magbayad ng buwis maliban lamang yaong mga pasok sa tinatawag na tax exemptions.
Dapat alam mo na may umiiral na tax amnesty program sa buong probinsya ng Pangasinan hanggang July 2026. Ibig sabihin nito, ang lahat ng may pagkakautang sa buwis ay hindi na papatawan ng nararapat na penalty kapag sila ay nakipag-areglo sa Treasurer's Office kung paano bayaran paunti-unti ang kanilang mga hindi nabayarang buwis.
*
Dapat alam mo rin kung sinu-sino ang top 5 taxpayers sa Bayambang sa taong 2024:
[FLASH TOP 5 and contribution in P]
1. Dr. Cezar T. Quiambao
2.
JKQ Wellness Hospital
3.
AILC
4.
Sta. Lucia
5.
Northern Plains
Kabilang sa Top 5 ay walang iba kundi ang mga kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya Quiambao.
*
Ngayong alam mo na, huwag po nating panghinayangan ang ating mga ibinabayad na buwis. ...Dahil, sa huli, tayo rin po ang dito ay makikinabang.
...Dahil bawat sentimo na binabayad mo ay ambag mo para sa progreso ng bayan mo para sa kinabukasan ng bawat BayambangueƱo!
Bukod dito, hindi po ba't nakaka-proud kung tayo ay may sariling ambag, maliit man o malaki, sa pag-unlad ng ating sariling bayan?
No comments:
Post a Comment