Tuesday, July 16, 2024

Trivia: MPDO

Alam niyo ba na hindi maaaring magpatayo ng business sa Bayambang kung saan-saan lang? Ito ay dahil mayroon tayong sinusunod na Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance.

Sa urban planning, ang zoning ay isang paraan kung saan ang isang munisipalidad o LGU ay nagka-classify ng lupaing sakop nito sa iba't ibang "zone," kung saan ang bawat zone ay may mga regulasyon para sa anumang bagong development na naiiba sa ibang mga zone.

Ang isang zone ay maaaring ma-classify bilang:

- residential (yellow),

- commercial (red)

- industrial (dark violet),

- agricultural (green), o kaya'y

- mixed use (yellow marked with X),

...depende sa kung ano ang nauukol dito ayon sa mga alituntuning nabuo matapos ang isang malawakang public consultation.

Kung nais niyong magpatayo ng business sa inyong lugar, sumangguni muna sa Zoning Officer ng Municipal Planning and Development Office upang kayo ay mabigyan ng tamang gabay.

Mayroon ding mga kumplikadong cases, kung saan kailangan munang magkonsulta sa Local Zoning Board of Appeals ng Munisipyo upang desisyunan ang variance at exceptions at hingin ang approval ng Sangguniang Bayan at ibang ahensiya ng gobyerno kung kinakailangan.

 

No comments:

Post a Comment