It's Trivia Time!
Usapang 4Ps naman po tayo!
Alam ba ninyo na ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, na unang inilunsad noong taong 2008, ay isa nang ganap na batas?
Noong Abril 17, 2019, isinabatas ang RA 11310 na mas kilala bilang An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o 4Ps Act. Sa pagsasabatas nito, ang 4Ps na programa sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magiging permanenteng pambansang istratehiya ng gobyerno upang puksain ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga mahihirap na sambahayang Pilipino upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon.
Sinu-sino ang mga maaaring benepisyaryo ng 4Ps?
Ang mga benepisyaryo ng programa ay pinipili base sa isang standardized targeting system. Ang mga maaaring maging benepisyaryo nito ay mga mahihirap na sambahayang Pilipino na siyang makakasunod sa mga kondisyon ng programa. Kabilang na sa targeting system na ito ang mga magsasaka, mangingisda, walang tirahan, katutubo, informal settlers, at mga sambahayang nasa malalayong lugar o geographically isolated and disadvantaged areas.
Narito ang mga batayan ng isang sambahayan na maaaring makasama sa programa:
1. Mayroong 0-18 taong gulang na miyembro ng sambahayan
2. Mayroong miyembro na nagbubuntis sa panahon ng enumerasyon
Ang isang kwalipikadong sambahayan ay maaari lamang maging benepisyaryo ng programa sa loob ng 7 taon.
Anu-ano ang mga benepisyo na maaaring makuha mula sa programa?
Sa ilalim ng 4Ps Act, ang mga benepisyaryo nito ay makatatanggap ng mga sumusunod:
Educational Assistance:
- P300/month for 10 months of schooling (daycare and elementary)
- P500/month for 10 months of schooling (junior high school)
- P700/month for 10 months of schooling (senior high school)
***
Tandaan: Ang pagiging 4Ps ay hindi permanente. Kaya nga tinawag itong Pantawid lamang. At hindi ka rito pwedeng basta na lang mag-apply o irekomenda ni kapitan o kahit ng sinuman sa labas ng DSWD.
Ang pagiging 4Ps ay hindi rin hawak ng iyong Kapitan o ng Barangay Council. Kailangan ay pasok ang pamilya mo sa mga itinakdang panuntunan ng ahensya.
No comments:
Post a Comment