SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
GOOD GOVERNANCE
Internal Quality Auditors, Nagtraining
Muling nagbalik sa LGU-Bayambang ang mga trainor-consultants ng Neo-AMCA Innovative Solutions Corp. para naman sa Internal Quality Audit Training ng mga na-appoint na ISO Quality Auditors ng kada departamento.
Ito ay ginanap sa loob ng limang araw sa Balon Bayambang Events Center.
First ManCom Meeting for 2023
Sa unang Management Committee Meeting o ManCom sa taong 2023, pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama ang Special Assistant to the Mayor at Municipal Administrator, ang lahat ng department and unit heads at mga Municipal Consultant ukol sa iba't-ibang aspeto ng pamamahala ng bayan. Dito ay pinag-uusapan at mabilisang binibigyan ng solusyon ang mga isyu ng bawal sektor. Ang ManCom ay ginanap noong January 11 sa Niñas Cafe.
LGU-Alaminos at LGU-Pinamalayan, Nagbenchmarking sa BPC
Noong January 12 at 13, dumating sa Bayambang ang LGU officials mula sa Alaminos City, Pangasinan, at Pinamalayan, Oriental Mindoro, upang magbenchmarking sa Bayambang Polytechnic College. Ayon sa ulat, balak ding magpatayo ng naturang mga LGU ng kanilang sariling kolehiyo upang makapagbigay din ng oportunidad sa kanilang mga kabataan na makapag-aral.
Pinamalayan Mayor at Ibang Opisyales, Bumisita
Noong January
13, dumating sa Bayambang ang alkalde ng Pinamalayan, Oriental Mindoro
na si Mayor Aristeo Baldos, Jr. kasama ang iba pang matataas ng
opisyales ng naturang bayan upang magbenchmarking sa Bayambang
Polytechnic College at Bayambang ESWMO. Kasama ni Mayor Baldos ang
Pinamalayan SB Members at iba't-ibang department heads. Sila ay
winelcome ni Mayor Niña Quiambao at iba pang opisyales ng bayan.
DILG Provincial Director, Bumisita kay MNJQ
Noong January 19, nagcourtesy call sa tanggapan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang bagong Provincial Director ng Department of the Interior and Local Government na si Provincial Director Virgilio Sison ng DILG-Pangasinan, kasama si Cluster 2 Leader, Ms. Melinda M. Buada. Ayon kay PD Sison, ang Bayambang ang kanyang naging unang assignment bilang MLGOO noon.
Orientation sa RCBMS, Muling Isinagawa ng ICTO
Noong January 30, inorient ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ukol sa mga pagbabago sa Restructured Community-Based Monitoring System. Ang RCBMS ay isang mahalagang database system na pagbabasehan ng pamahalaang lokal ukol sa mga pangangailangan ng mga barangay at kung anu-anong mga proyekto ang nararapat sa mga ito. Kaya naman importante na tanging mga tamang datos lamang ang makalap sa bawat kabahayan sa Bayambang sa tulong ng mga BNS.
Director ng NICA-1, Bumisita sa Bayambang
Bumisita ang Regional Director ng National Intelligence Coordinating Agency-Regional Office 1 na si RD Mildred Abordo sa Bayambang noong January 31. Siya ay nakipagpulong kay Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at Bayambang Poverty Reduction Action Team head, Dr. Rafael L. Saygo at PNP Chief, PLtCol. Rommel Bagsic, sa Mayor's Conference Room, kasama ang iba pang opisyal mula sa naturang ahensya.
BAC Holds Opening of Bids
Noong January 16, ang Bids and Awards Committe ay nagdaos ng pinakaunang Opening of Bids activity para sa dalawang malalaking proyekto ng LGU na kailangang maprocure ng maaga. Ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center, at dinaluan ng mga qualified bidders.
Orientation ukol sa Bagong Procurement Process, Isinagawa ng BAC
Nagsagawa si Bids and Awards Committee Chairman Ricky Bulalakaw ng isa na namang Orientation ukol sa LGU Procurement Process, matapos magkaroon ng mga munting pagbabago rito. Ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong January 30, at nilahukan ng mga Procurement Officer at head ng lahat ng departamento.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Proposed Redesign ng Plaza at Public Market, Iprinisenta
Noong January 18, iprinisenta kay Mayor Niña Jose-Quiambao ang proposal ng grupo ni Architect Marie Denise Ursua Abella para sa renovation ng Municipal Plaza at parte ng Public Market. Plano ni Mayor Niña at ni Special Assistant to the Mayor (SATOM), Dr. Cezar Quiambao na mas pagandahin pa at gawing mas maaliwalas ang mga naturang pasilidad sa sentro ng bayan upang mas lalong pakinabangan at maipagmalaki ng mga Bayambangueño. Ang pulong ay ginanap sa Mayor's Conference Room.
Oplan Kandado, Inilunsad
Noong January 18, inilunsad ng LGU ang
Oplan Kandado, ang pagpapasara sa mga market stall ng mga stall owners
na matagal nang hindi nakakapagbayad ng renta sa Bayambang Commercial
Strip at Block 2 at Block 3 ng Public Market. Ang kautusan ay ipinatupad
sa pagtutulungan ng Special Economic Enterprise, Market Office, PNP,
Engineering, Treasury, BFP, BPSO, at ilang Zone 1 barangay officials.
Ang operasyong ito ay alinsunod sa Market Code at Revenue Code, kaya't
pinapaalalahanan ang lahat ng mga negosyanteng mayroong puwesto sa bayan
sa kanilang tungkulin na magbayad ng market fees. Ang nalilikom na
pondo ay ginagamit ng LGU sa operasyon nito at sa pagpapaunlad ng bayan.
Oplan Kandado Operations, Nagpatuloy
Noong
January 25, muling nagconduct ng Oplan Kandado ang SEE at Market
Supervisor kasama ang Business Process Licensing Office, BPSO at
PNP-Bayambang. Pinasara ng team ang mahigit 20 na delinquent stalls sa
Meat Section, Clothing Section, at Yellow Bldg. na nauna nang naissuehan
ng demand letters. Muling inaabisuhan ang lahat ng stall owners na
maging maagap sa pagbabayad upang maiwasan ang ganitong aberya. Isa rin
itong paraan upang mabigyan ng oportunidad ang ibang mamumuhunan na
matagal nang nagnanais makakuha ng stall sa Public Market.
Oplan Kandado, Tuluy-tuloy
Tuluy-tuloy
ang kampanya ng LGU laban sa mga delinquent stall owners sa Public
Market. Noong January23, ipinasara ng team ang ilan pang stalls sa may
Bayambang Commercial Strip at Yellow Bldg. matapos lumampas sa due date
ang mga ito.
LEGISLATIVE WORK
Committee Hearing para sa Barangay Annual Budget at AIP
Noong January 11, nagsagawa ng isang Committee Hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ukol sa Barangay Annual Budget at Annual Investment Program o AIP para sa Calendar Year 2023 sa SB Session Hall, sa pangunguna ng mga Committee Chairmen on Finance, Budget, and Appropriations; Rules, Laws, and Ordinances; at Barangay Affairs. Ito ay dinaluhan ng mga opisyales mula sa 41 barangays na nauna nang nakapagsumite ng kanilang Annual Budget at AIP upang sagutin ang mga katanungan na maaaring ibato sa kanila pagdating ng Public Hearing.
Hinaing ng Tricycle Drivers, Muling Dininig
Noong January 18, dumalo sa isang pulong ang mga LGU officials sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor IC Sabangan upang dinggin ang mga hinaing ng mga tricycle drivers ukol sa inilabas na official fare matrix sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 8 s.2022. Ang pulong ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho at ginanap sa Balon Bayambang Events Center. Kabilang sa hiling ng mga TODA ang ukol sa minimum fare, discounted fare, at kumpetisyon mula sa mga kolorum.
Public Hearing ukol sa Bagong Revenue Code, Isinagawa
Isang public hearing ang idinaos ng Sangguniang Bayan (SB) ukol sa panukalang "Ordinance Enacting the Revised Revenue Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan" noong January 20 sa Balon Bayambang Events Center. Pinangunahan ang pampublikong pagdinig ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at ng mga SB Committee Chairmen on Finance, Budget and Appropriations, at Ways and Means. Sa pagdinig, ipinaliwanag ng mabuti sa publiko kung bakit kailangang iupdate ang Revenue Code.
Public Hearing, Ginanap para sa Updated Revenue Code at Market Code
Sa pagtatapos ng buwan ng Enero 2023, isang Public Hearing ang muling isinagawa ng Sangguniang Bayan (SB) upang pag-usapan ang Proposed Ordinance on Revised Revenue Code at Proposed Ordinance on Revised Market Code. Tinalakay ang pag-update ng ordinansa sa mga polisya patungkol sa operasyon ng Bayambang Public Market, Bayambang Central Terminal, Municipal Slaughterhouse, Public Cemetery. Binigyang diin sa usapin ang pagpapaliwanag kung bakit kailangang ayusin ang Economic Enterprise Code at pagbabayad ng mga market operational fees.
HEALTH
KKSBFI, Nakipag-MOA sa Provincial Gov't para sa 5-day Surgical Mission
Noong January 13, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) si Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. Chairman at Founder, Dr. Cezar Quiambao, kasama sina Governor Ramon Guico III, Bayambang District Hospital Chief, Dr. Athena Marie Merrera, at Dr. Dionisio Yorro Jr. ng University of Santo Tomas Medical Alumni Association in America (USTMAA) sa Bayambang District Hospital, kasama si Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo. Ito ay ukol sa nalalapit na malakihang Surgical Mission sa Bayambang. Nakapaloob sa naturang MOA ang magiging papel at responsibilidad ng bawat partidoupang tiyaking maayos ang aktibidad.
Medical Screening for Major Surgery
Noong January 16, nag-organisa ang mga Rural Health Units ng isang medical screening para sa lahat ng nagpalista upang sumailaim sa libreng major surgical operation na nakaschedule sa Bayambang District Hospital. Ito ay ginanap noong January 16 sa Balon Bayambang Events Center.
Medical Tool Product Demo
Noong January 18, nagproduct demo ang isang vendor para sa isang portable medical tool, ang Garea Medical Physiological Monitor, salamat sa tulong ng kaibigan ni Mayor Niña Jose-Quiambao na si G. Anton Magsaysay sa pakikipagtulungan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation. Ang product demonstration ay ginanap sa Niña's Cafe kasama ang BRPAT at ilang RHU personnel. Ang portable monitor ay ginagamit upang madaliang madiagnose ang electrocardiogram o ECG, heart rate, blood pressure, oxygen saturation, at pulse rate ng isang pasyente. Ito ay nagkakahalaga ng P1.8M at nakatakdang gamitin sa mga medical mission at tuwing mag-iikot ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ng LGU.
BDH Operating Room, Pinakamalaki sa mga District Hospital ng Buong Probinsya
Noong January 22, pormal na binuksan ang mas pinalaki at mas pinahusay na Operating Room ng Bayambang District Hospital sa isang ribbon-cutting ceremony, salamat sa donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. at Niña Cares Foundation. Nagpasalamat si Governor Ramon Guico III kay Mayor Niña Jose-Quiambao at former Mayor Cezar Quiambao sa kanilang latest na pagtulong sa BDH. Ang bagong OR ng BDH ang itinuturing na pinakamalaki at most equipped ngayon sa mga district hospitals sa probinsya ng Pangasinan.
Nursing Students at RHU Staff, Umattend ng Libreng CME Seminar
Bilang parte ng Medical Mission na pinangunahan ng Memphis Outreach Group at UST Medical Alumni Association, naghatid ng libreng Continuing Medical Education Seminar ang mga naturang grupo sa tulong ng BPRAT at Tourism Office, at ito ay nilahukan ng mga PSU-Bayambang students mula sa College of Nursing at mga staff ng Rural Health Unit I. Ang nasabing seminar ay ginanap kinagabihan ng January 24 sa Niña's Cafe, kung saan nagsilbing speakers sina Dr. Susan Nuñez, Dr. Dionisio Yorro, Dr. Alfonso Q. Estrada, at ang nurse na si Elena dela Cruz.
5-Day Medical Mission, Naging Matagumpay
Simula January 23 hanggang 27, libu-libong Bayambangueño at Pangasinense ang naging benepisyaryo ng unang Medical Mission ng taon. Nagtungo ang mga pasyente sa Balon Bayambang Events Center para sa minor surgical operations, Bayambang District Hospital para sa major surgery, at Saint Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion I para mag-avail ng mga libreng serbisyong optical, dental, at general checkup. Ito ay naging posible, salamat sa pakikipagtutulungan ng LGU-Bayambang sa lola at lolo ni Mayor Niña Jose-Quiambao na si Dr. Zita Yorro at Dr. Dionisio Yorro at kanilang kapwa mga duktor galing America na miyembro ng Memphis Outreach Group at UST Medical Alumni Association.
Gabi ng Pasasalamat
Kinagabihan ng January 26, nagsagawa ng isang espesyal na programa ang LGU-Bayambang para sa isang Gabi ng Pasasalamat para sa lahat ng nagbigay ng oras at suporta sa ginanap na Medical Mission. Ang okasyon ay ginanap sa Kabaleyan Cove Resort, San Carlos City, at inorganisa ng BPRAT at MTICAO sa ilalim ni Dr. Rafael Saygo.
25 Pasyente, Naka-schedule for Free Optical Operation
Hindi pa natatapos ang Medical Mission 2023, sapagkat noong January 30, sinamahan ng Rural Health Unit nurses ang 32 na pasyente na nagpalista for eye operation sa Tzu Chi Eye Center sa Sta. Mesa, Manila, para sa laboratory, X-ray, at iba pang medical requirements bago maoperahan. Nakaschedule ang 25 sa mga ito para sa libreng operasyon sa February 8 sa naturang eye center.
SPORTS & PHYSICAL FITNESS
Update ukol sa Weight Loss Challenge
Narito ang latest ranking para sa Weight Loss Challenge ng LGU for the month of December 2022.
Inaasahan na magtatapos ang Weight Loss Challenge sa katapusan ng March 2023, kaya mayroon pang natitirang tatlong buwan para humabol ang ilang kalahok.
LIVELIHOOD& EMPLOYMENT
Citi Hardware Bayambang Recruitment, Dinagsa
Noong Janaury 10, dinagsa ng mga job applicants ang special recruitment activity ng Citi Hardware Bayambang, na inorganisa ng Municipal Public Employment Services Office sa Aguinaldo Hall ng Balon Bayambang Events Center. Sa unang araw pa lang ay mayroon nang mahigit 300 na applicants.
Citi Hardware-Bayambang, Nag-orient ng mga New Hire
Matapos mag-job hunting sa Bayambang branch nito sa tulong ng PESO-Bayambang, nagbigay ng final orientation ang Citi Hardware-Bayambang sa mahigit 30 applicants na pumasa sa kanilang screening. Ginanap ang orientation noong January 14, sa Balon Bayambang Events Center.
Congresswoman Arenas, Muling Dumating para sa TUPAD Pay-out
Muling nag-organisa ang Municipal Employment Services Office ng isang pay-out para sa 2,973 benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, gamit ang pondo ng opisina ni Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas, na personal na bumisita sa payout activity. Kabilang sa mga beneficiaries ang mga farmers, LGBTQI community members, at sari-sari store owners. Ang pay-out ay ginanap sa Alinggan Covered Court noong January 18 at 19.
Kabutehan sa Inirangan, Binisita ng DSWD-Pangasinan
Noong January 20, binisita ng DSWD-Pangasinan, sa pangunguna ni G. Gilbert Cariño ng Provincial DSWD-SLP, ang mushroom production ng “Kabutehan ni Cyl” sa Brgy. Inirangan. Sila ay humingi ng update sa livelihood project para sa mga kababaihan na pinangungunahan ni Ms. Jocelyn Espejo. Naroon din ang laging naka-alalay sa proyekto, ang Kasama Kita sa Barangay Foundation na siya ring nagsilbing monitoring team para sa proyekto.
OTHER SOCIAL SERVICES
Isang Wheelchair, Idinonate sa Senior Citizen
Noong January 9, nagturn-over ang opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao ng isang wheelchair para sa isang 74-year old na residente ng Brgy. Manambong Sur sa pamamagitan ng ating Stimulation Therapy Activity Center. Ito ay matapos magrequest sa opisina ni Mayor Niña ang nasabing pasyente matapos madulas noong Nobyembre at hindi makalakad.
Mobile Assistance para sa Delayed Registration of Birth, Nagpatuloy
Patuloy sa pag-iikot ang Local Civil Registry Office sa mga barangay kasama ng Philipine Statistics Authority (PSA) para magbigay ng libreng assistance sa mga kababayan nating na-delay sa pagpaparehistro ng kapanganakan ng kanilang kaanak o delayed registration of birth. Sa nakaraang linggo, nagtungo ang LCR at Philsys sa Brgy. Bongato East, Sanlibo, Tambac, Zone IV, at Malimpec. Ang mobile assistance project ay isang libreng serbisyo mula sa PSA at LCR.
CSOs, Nagsama-sama para sa Isang Outreach sa Tamaro
Noong January 22, nagsagawa ang ilang CSOs ng libreng blood sugar screening na may kasamang libreng bitamina, monitoring ng blood pressure, feeding program, SIM card registration, at libreng ukay na damit sa Barangay Tamaro Multipurpose Hall para sa mga residente ng Tamaro. Ito ay pinagsamang proyekto ng Bayambang Bayanihan Lions Club, Rotary Club of Bayambang, at Junio family, kasama ang Rotaract Bayambang at Bayambang Maaro Leo Club, at PNP-Bayambang.
Assistance for Delayed Registration of Birth, Nagpatuloy
Ang kawalan ng birth certificate ng sinuman ay karaniwang nauuwi sa maraming aberya sa pagproseso ng mga papeles para sa iba't-ibang layunin. Kaya naman patuloy sa pag-iikot ang Local Civil Registry Office kasama ng Philippine Statistics Authority para magbigay ng libreng serbisyo para sa delayed registration of birth. Sa nakaraang linggo, ang LCR at PhilSys team ay nagtungo sa Brgy. Inanlorenza, Poblacion Sur, Zone IV, at Zone V.
Bountiful Children's Foundation, Nag-feeding Activity sa Inirangan
Noong January 28, muling nagsagawa ng isang feeding activity ang Bountiful Children's Foundation Philippines sa Bayambang, sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office. Ang grupo ay nagtungo sa Brgy. Inirangan kung saan mayroong 15 beneficiaries na indigent malnourished children ang binigyan ng masustansyang food items.
Imahe ng Poong Nazareno, Bumisita sa Bayambang
Ang bantog na imahe ng Poong Nazareno na nakabase sa Quiapo, Maynila, ay bumisita noong January 28 sa bayan ng Bayambang. Sa tulong ng LGU, ito ay sinalubong ng mga deboto mula pagdating hanggang sa pagkakaluklok nito sa altar ng St. Vincent Ferrer Prayer Park Chapel sa Brgy. Bani. Sa overnight vigil, dumagsa ang mga mananampalataya upang masilayan at makapanalangin ng taimtim sa harap ng Poong Nazareno.
TOURISM
Hermano at Hemano Mayor, BMCCA, Nagpulong para sa Fiesta
Noong December 10, nakipagpulong ang 2023 Hermano at Hermana Mayor na sina Dr. Nicolas Miguel at Dr. Myrna Miguel sa Bayambang Municipal Council for Culture and Arts, para planuhin ang mga gagawing aktibidad sa Pista'y Baley 2023. Ito ay pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kasama ang mga LGU officials, at dinaluhan ng mga miyembro ng academe at Kasama Kita sa Barangay Foundation.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Emergency Medical Supplies, Idinonate sa BPSO
Noong January 5, isang Bayambangueño ang nagdonate ng mga medical item para sa first aid para sa mga lay rescuer ng BPSO. Siya ay si G. Floro de Vera Jr., isang registered nurse at miyembro ng isang Emergency Medical Technician at Paramedic group sa bansang Qatar. Dahil dito, siya ay inanyayahan ng BPSO upang mag-demo sa paggamit ng mga ito, kabilang ang blast bandage, multi-trauma dressing, burnshield, Guedel airway, shapeable splint, at pelvic sling.
Road Clearing Task Force, Muling Nagpulong
Noong January 17, muling nagpulong ang Road Clearing Task Force para sa tuluy-tuloy na road-clearing operations. Ang pulong ay pinangunahan ni Road Clearing Task Force Chairman at Bayambang Public Safety Officer, Ret. Col. Leonardo Solomon, sa Mayor's Conference Room. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Task Force, kasama ang PNP-Bayambang OIC Chief, Municipal Administrator, at mga kapitan ng mga apektadong barangay.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
PhilRice Executives, Nagpulong Dito
Noong January 12, dumating ang mga PhilRice executives sa Bayambang para sa monthly meeting session ng kanilang Local Research Implementing Team, at kanilang tinalakay ang implementasyon ng ahensya ng RiceBIS project nito sa Brgy. Tampog. Ang grupo ay nagcourtesy call kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa Niña's Cafe.
2,424 Packs ng Soil Ameliorant, Ipinamahagi
Noong January 23, namahagi ang Municipal Agriculture Office ng soil conditioner o soil ameliorant sa mga rice farmers, at ito ay ginanap sa Municipal Warehouse sa Brgy. Telbang. Kabilang dito ang 720 packs ng Biozome, 1,019 packs ng Humi (K), at 685 packs ng Xplorer Glory. Ang mga ito ay paghahati-hatian ng mga rice farmers na hindi nakatanggap ng fertilizer voucher noong nakaraang Wet Season 2022.
Gulayan Project, Inilunsad sa 77 Barangays
Sabay-sabay na gumawa ng tanimang gulayan ang 77 na barangay sa Bayambang noong January 24, sa pagtutulungan ng Municipal Agriculture Office, Municipal Nutrition Action Office, at barangay councils, at sa gabay ng MLGOO. Ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2023-001, kung saan nakasaad ang mandatory implementation ng "Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay (o HAPAG) sa Barangay Project" kada barangay. Ang nationwide project na ito ay naglalayong magkaroon ng sustainable nutritious food source ang lahat ng barangay at maging self-sufficient sa mapagkukunan ng pagkaing pang-araw-araw.
Validation of Fuel Subsidy Beneficiaries with COA and DA-RFO1
Noong January 27, dumating ang Commission on Audit at Department of Agriculture Regional Field Office 1 upang magvalidate ng mga naging benepisyaryo kamakailan ng fuel subsidy na ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office.
PhilRice, Nakipagdayalogo sa mga Executives ng E-Agro
Noong January 26, nagpunta ang executives ng E-Agro sa PhilRice Central Experiment Station ng Department of Agriculture sa Muñoz, Nueva Ecija, kasama ang BPRAT at Agriculture Office, upang talakayin ang MOA para sa paggamit ng PhilRice sa E-Agro bilang isang technology channel upang mas mapaigting ang kaalaman ng mga magsasaka ng palay tungkol sa wastong pag-aalaga sa pananim hanggang sa pagbenta ng produkto sa merkado. Tinalakay din sa pulong ang pagtatatag ng isa pang RiceBIS Community sa Brgy. Pantol.
Goat Dairy Farm, Regular na Minomonitor
Ang Livestock Banner team ng Municipal Agriculture Office ay regular na minomonitor ang Goat Dairy Farm sa Brgy. Mangayao.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
KKSBFI, Nagdi-drilling ng Water Source para sa Slaughterhouse
Kasalukuyang nagdri-drill ng water source para sa Municipal Slaughterhouse ang engineer ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. Ito ay upang makapag-operate ng maayos ang nasabing pasilidad ng LGU na nasa Brgy. Telbang, dahil sa kasalukuyan ay kailangan pang umigib ng slaughterhouse ng mapagkukunang sapat na tubig.
PRDP Team, Pinulong
Noong January 18, pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao at former Mayor Cezar Quiambao ang contractor at mga engineers ng LGU na involved sa PRDP project na "Improvement of San Gabriel Farm-to-Market Road with Bridge Project" sa Mayor's Conference Room. Nagkaroon ng updating ukol sa mga detalye ng proyekto at para mapabilis pa ang pagpapatapos nito. Kapag natapos ang proyekto, ito ay tiyak na magbibigay-daan sa mas marami pang proyekto para sa bayan tulad ng cold storage, livestock project, at iba pang farm-to-market roads.
PRDP Team, Muling Nagpulong ukol sa Ongoing at Prospective Infra Projects
Sa isang meeting ukol sa Philippine Rural Development Program ng Department of Agriculture, in-update ng DA-PRDP Regional Project Coordination Office at Municipal Project Implementing Unit ang LGU ukol sa latest status ng Pantol to San Gabriel 2nd Farm-to-Market Road with 2 Bridges Project sa ilalim ng PRDP at ang dalawang adisyunal na proyekto na inaapplyan ng LGU-Bayambang: ang Bayambang Cold Storage for Onion project at Multi-Commodity Trading Post project.
JKQ Hospital Progress Report
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Inirangan, Grand Winner ng Bali-balin Bayambang sa December 2022
Muling nagwagi ang Brgy. Inirangan bilang pinakamalinis na barangay ng Bayambang sa latest evaluation ng Bali-Balin Bayambang team para sa buwan ng Disyembre 2022. Sa pagkakataong ito, binago ng MENRO ang mechanics ng contest upang ang bawat distrito ay may winner kada buwan, bukod sa pagkakaroon ng monthly grand winner. Ang bawat district winner ay nagwagi ng P10,000, at ang grand winner naman ay nanalo ng P25,000, na pawang mga donasyon nina Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, at Mayor Niña Jose-Quiambao.
Mga Alagang Gecko, Itinurn-over sa MENRO
Noong January 24, itinurnover kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Joseph Anthony Quinto ang limang gecko o tuko na isinurrender sa PNP-Bayambang. May tatlong uri o species ang mga ito: 2 golden gecko, 1 tokay gecko, at 2 leopard gecko. Ang mga naturang hayop ay kaagad na itinurn-over ng MENRO sa CENRO-Dagupan.
DISASTER RESILIENCY
Bamboo Plantation Project, Patuloy na Minomonitor
Noong nakaraang linggo, Muling nagasagawa ng clearing at cleaning operations ang MDRRMO para sa mga itinanim na kawayan sa Brgy. Pangdel at Brgy. Carungay bilang parte ng Agno River Rehabilitation Project ng LGU at CSFirst Green. Kasama ng MDRRMO sa operasyong ito ang mga opisyal ng mga naturang barangay.
Distribusyon ng Early Warning Bells, Nagpatuloy
Noong January 6, nakumpleto ng MDRRMO ang distribusyon ng mga early warning bells par sa lahat ng public schools sa Bayambang. Sa ngayon, ang lahat ng 77 barangays at 56 public schools sa elementarya at high schools ay may tig-isang 1 iron-brass bell maliban sa Bayambang National High School na mayroong tatlo. Ang bawat iron-brass 9-inch bell ay magsisilbing isang early warning device para sa lahat ng barangay at paaralan sa oras ng sakuna.
MDRRMO, Dumalo sa Orientation on GeoData System Application
Noong Jan. 10, dumalo ang MDRRMO sa Provincial Orientation on GeoData System Application sa Capitol Compound, Lingayen, Pangasinan. Ibinahagi ni GeoData Systems Technologies Senior Consultant, Ms. Elaine B. Ocampo, ang mga features, gamit, at importansiya ng naturang application. Ito ay dinaluhan din ng iba’t-ibang Local Governement Unit ng probinsya.
Bigas, Ipinamahagi sa Romulo Bridge Volunteers
Nagbigay ng 10 kaban ng bigas (50 kg each) si Gov. Ramon Guico III sa opisina ng MDRRMC upang ipamahagi para sa mga frontliners noong magsagawa ng emergency operations para sa Carlos P. Romulo Bridge. Sa inisyatibo ng MDRRMO, hinati-hati sa 1-4 kilos ang 500 kilong bigas para sa 246 volunteers mula October 20 hanggang November 8, 2022, kabilang ang mga taga-Engineering, GSO, Motorpool, BPSO, MDRRMO, LGU transport group, Community Investigative Support (CIS), at Reaction 166.
MDRRMO, Personal na Nagpasalamat sa PDRRMO WASAR Team
Noong January 24, nagpunta ang MDRRMO upang personal na maghatid ng taos-pusong pasasalamat ni Mayora Niña Jose-Quiambao sa mga Water Search and Rescue o WASAR Team ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na kusang tumulong sa bayan ng Bayambang sa water transportation habang ginagawa ang Carlos P. Romulo Bailey Bridge.
AWARDS & RECOGNITION
Bayambang Municipal Library, Monthly Report Completer
Congratulations sa ating Public Library headed by Municipal Librarian Leonarda Allado at ang kanyang staff matapos maging isa ang Bayambang Municipal Library sa mga inanunsyong Monthly Report Completers for Calendar Year 2023 ng National Library of the Philippines.
No comments:
Post a Comment