GOOD GOVERNANCE
Thank You, Mr. Mario E. Cayabyab ang BNHS Batch 1980!
Ang Municipal Tourism and Cultural Affairs Office at Public Information and Media Affairs Office ay nagpapasalamat kina G. Mario Erguiza Cayabyab at buong BNHS Batch 1980 para sa kanilang donasyon upang pagandahin ang studio ng ating Facebook talk show na BayambangueNews Live! Ang host na si G. Rafael Saygo at buong MTCAO, PIO, at ICT team at buong LGU-Bayambang ay nagpapasalamat sa kanilang pagiging bukas-palad!
Muli, maraming salamat po!
ICT Technical Working Group, Nagpulong
Sa pangunguna in ICT Office head Ricky Bulalakaw, nagkaroon ng pulong noong February 8 sa Balon Bayambang Events Center ang ICT Technical Working Group upang pag-usapan ang iba’t-ibang prayoridad na proyekto at programa ng ICT Office para sa bawat sangay ng LGU ngayong taon. Ang paggamit ng ICT solutions katulad ng automated sharing ng mga dokumento sa pagitan ng mga departamento ay makatutulong upang mas maging epektibo at mabilis ang pagbibigay-serbisyo ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga Bayambangueño.
HRMO Orientation para sa mga JOs ng LGU, Muling Isinagawa
Muling nagsagawa ng isang orientation program ang Human Resource Management Office para sa mga empleyado partikular na sa mga bagong Job Order employees noong February 26 sa Events Center. Taun-taong ginaganap ang ganitong aktibidad ng HRMO upang masiguro na ang bawat kawani ng gobyerno ay malinawan ukol sa mission-vision at mga patakaran ng LGU at ang kanilang papel dito, lalo na ang mga tungkulin at responsibilidad nila bilang isang empleyado at public servant.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Tax Bill Distribution, Tuluy-Tuloy
Tuluy-tuloy ang Municipal Assessor's Office sa tax bill distribution nito, upang ipaalala sa mga kababayan ang kanilang obligasyong magbayad ng amilyar. Sa nakaraang linggo, sila at nagtungo sa Brgy. Tanolong at Brgy. Inanlorenza.
Property Appraisal in Poblacion
Noong nakaraang linggo ay nagconduct ng property appraisal ang Assessor's Office sa Poblacion area. Sila ay nakadiskubre ng mga undeclared real properties, at ito ang nagbigay-daan upang maliwanagan ang mga property owners sa obligasyon nilang magbayad ng tamang buwis.
HEALTH
Salamat, Cong. Arenas, Para sa Bagong Medical Equipment!
Noong Araw ng mga Puso, ay dumating ang mga medical equipment na donasyon ni Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas para sa mga Bayambangueño. Kabilang dito ang 2 microscopes, 2 digital weighing scales, 2 delivery tables, 2 refrigerators, 1 hematology at 1 chemistry analyzer, at 3 hospital beds.
RHU I: Be a Responsible Pet Owner
Category 3 animal bite cases involving very young children have been reported by the RHU I Animal Bite Center. The victims have been given passive and active vaccination. Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, encourages everyone not to allow children to play with animals to prevent bites, as these incidents are traumatic to kids. "Be a responsible pet owner," she advises.
RHU II Services
• Monitoring of Malnourished Children
Ang RHU II sa ilalim ni Dr. Adrienne Estrada ay nagpamigay ng vitamins at nagmonitor ng timbang at taas ng malnourished children ng Bayambang.
• IEC on Sanitation Diseases
Naglecture din ang nurse na si Cris de Vera ukol sa rabies, dengue, COVID-19 at iba pang sanitation diseases sa bawat barangay.
• Sanitary Inspection
Tuluy-tuloy naman ang pag-inspeksiyon ng mga sanitary inspector sa iba't-ibang establishment at businesses sa Bayambang. Dalawa sa ininspeksyon ngayong linggo ay ang meat processing sa ANCOP Ville at rice cracker production sa Sancagulis.
“Parenting: Struggle is Real Pero Kayang I-Deal", Inilunsad
Isang information campaign na pinamagatang "Parenting: Struggle is Real Pero Kayang I-Deal" ang inilunsad ng RHU at DOH upang isulong ang responsible parenthood. Ang grupo ay nagtungo sa iba’t-ibang barangay, at naglecture ukol sa parental love, disiplina sa mga anak, spiritual upliftment, COVID vaccine awareness at mga benepisyo ng pagpapabakuna. Kasabay nito ay ang programa para sa teenagers, at kabilang sa mga naging usapin ang tungkol sa oral health, adolescent nutrition, STI/HIV, prevention of teenage pregnancy, drug abuse, alcohol/tobacco use, at mental health.
Monitoring ng Malnourished Kids, Tuluy-Tuloy
Patuloy ang RHU II sa pagmomonitor ng timbang at tangkad ng mga malnourished children sa Bayambang upang mapabuti ang kanilang kalusugan. Mayroong libreng vitamins at masustansyang pagkain gaya ng rice monggo na ipinamamahagi kasabay ng kanilang pagsasagawa ng medical checkup sa mga paslit.
IEC on Sanitation Diseases, Nagpatuloy
Tuluy-tuloy rin ang RHU II sa information and education campaign ng kanilang mga sanitary inspector ukol sa rabies, dengue, COVID-19 at iba pang sanitation diseases sa bawat barangay.
Kabataan for Health Campaign ng RHU I, Nagpatuloy
Patuloy pa rin ang RHU I sa K4Health o Kabataan for Health Campaign nito. Sa K4Health, sinisikap iparating ng RHU I and tungkol sa pagiging adolescent, kabilang na ang kanilang mga health issues, attitude, lifestyle, at relason sa pamilya at komunidad.
Kampanya sa Responsible Parenthood, Nagpatuloy
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng mga RHU I nurses para sa kanilang sabayang kampanya upang isulong ang responsible parenthood at adolescent health sa pamamagitan ng "Parenting, Struggle is Real pero Kayang I-deal" at ang tinaguriang "K4Health" o "Kabataang Bayambangueño for Health." Sa kasalukuyan, sila ay nakalibot na sa 47 barangays.
Task Force Bakuna, Muling Nagpulong
Nagsagawa muli ng isang pagpupulong ang Task Force Bakuna sa pamumuno ni Col. Leonardo F. Solomon, POSO Chief, kasama ang mga miyembro nito. Sa pulong ay kanilang tinalakay ang mga plano para sa malawakang vaccination kontra COVID-19, ang paghahanda para sa information campaign ukol dito, at ang mga initial requirements ng naturang vaccination program.
MDRRMC, Nakiisa sa Bloodletting Activity
Noong February 25 nagtungo ang MDRRMC sa Ventanilla People's Center, sa Brgy. Sapinit, San Carlos City upang makiisa sa bloodletting activity na pinangunahan ni 3rd District Board Member Vici Ventanilla. Naroon din si Gng. Sandra Montano, ang founder ng Community Health Education Emergency Rescue Services Corporation at Chairperson ng Philippine Commission on Women.
LEGISLATIVE
SB Approves Barangay Clearance Ordinance & EPCS Ordinance
Noong February 1, inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang dalawang ordinansa: Ang “An ordinance on Collection of Corresponding Barangay Clearance Fee in Application for Any Business-Related Transaction" at ang "An Ordinance Institutionalizing the Use of Access Devices for Payment of Fees, Charges, Assessments and Other Revenues Due to the Municipality of Bayambang through the Electronic Payment and Collection System (EPCS).
State of Calamity sa 66 Farming Barangays
Sa bisa ng Resolution No. 53, series of 2021, idineklara ng lokal na pamahalaan noong Pebrero 3, 2021 ang state of calamity sa 66 rural barangays ng Bayambang dahil sa pananalasa ng pesteng armyworm. Ayon sa resolusyon, 1,478.247 ektarya na ng taniman ng sibuyas ang nasira ng peste, na nakaapekto sa hanapbuhay ng 1,484 na magsasaka.
SP Approves Local Investment Incentives Code & GAD Code
Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Vice-Governor Mark Ronald D.G. Lambino ang Local Investment Incentives Code at Local Gender and Development (GAD) Code ng bayan ng Bayambang. Ang latest development na ito ay iniulat ni Sangguniang Bayan ng Bayambang Secretary Joel Camacho.
Joint Committee Hearing on Santa Lucia Realty Subdivision in Brgy. Bani
Noong February 18, ay nagsagawa ng joint hearing ang Sangguniang Bayan Committee on Rules, Laws and Ordinances at Land Use and Zoning sa pangunguna ni Councilor Amory Junio ukol sa aplikasyon ni G. Exequiel D. Robles para sa preliminary approval ng locational clearance at preliminary subdivision development plan ng mungkahing Centro Verde subdivision ng Santa Lucia Realty sa may Brgy. Bani.
Joint Committee Hearing on Gasoline Station in Brgy. Alinggan
Noong February 18 rin ay nagkaroon muli ang naturang mga komite ng isang joint hearing ukol naman sa aplikasyon ni Atty. Marlon U. Soriano para sa locational clearance ng mungkahing gasoline station sa may Brgy. Alinggan.
Ordinance on Stray Animals, Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan
Iniulat ng Sangguniang Bayan ng Bayambang Secretary Joel V. Camacho ang pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan sa Municipal Ordinance No. 20, series of 2020 o "An Ordinance Prohibiting All Kinds of Animals to Stray in Public Places in the Municipality of Bayambang and Providing Penalties for Violations thereof and other Purposes."
Bayambang City, Posible na!
Ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang Resolution No. 1, series of 2021 o "Resolution Requesting the Honorable Deputy Speaker Rose Marie 'Baby' Arenas to File a House Bill for the Enactment of a Republic Act Converting the Municipality of Bayambang into Component City of the Province of Pangasinan to be Known as the City of Bayambang." Pasado ang Bayambang sa ilan sa mga requirements para maging syudad na, kaya kung ito ay naaprubahan ay pormal nang matatawag ang ating bayan bilang Bayambang City.
Committee Hearing on Backyard Poultry in Carungay
Sa pangunguna ng mga Chairman ng Sangguniang Bayan Committees on Rules and Land Use and Zoning, Health, Environment, Agriculture, at Barangay Affairs, ginanap sa SB Session Hall noong February 24S ang isang Committee Hearing ukol sa planong pagtatayo ni G. Doctorio A. Caniezo ng Rancheros de Balon Bayambang Agriculture Cooperative Backyard Poultry sa Brgy. Carungay.
EDUCATION
Salamat, BNHS Batch 1980, sa Computer Set at Printer!
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ay muling nagpapasalamat sa Bayambang National High School Batch 1980 para sa kanilang donasyong computer set at printer para sa ating Municipal Library! Partikular na nagpapasalamat ang LGU kay G. Mario Erguiza Cayabyab na siyang naging pasimuno ng proyektong ito. Muli, maraming salamat, BNHS Batch 1980!
OTHER SOCIAL SERVICES
MSWDO Visits ANCOP Ville
Sa pakikipagtulungan sa Kasama Kita sa Barangay Foundation, nagsagawa ang MSWDO ng libreng gupit at isang feeding activity sa Couples for Christ-ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis. Nagsagawa rin ng unang Quarterly Meeting kasama ang mga miyembro ng Homeowners Association doon na kinabibilangan ng 28 na pamilya upang isulong ang pagkakaisa at magandang pagsasamahan ng lahat.
MAC Meeting, Ipinagpatuloy
Matapos ang halos isang taon, muling nagpulong ang Municipal Advisory Committee (MAC) sa pangunguna ni Mayor Cezar Quiambao at sa pag-oorganisa ng DSWD-RFO I Municipal Links at MSWDO. Ang pagpupulong sa Events Center, na dinaluhan ng lahat ng departamento ng LGU, mga national agencies, at NGOs kabilang ang religious sector, ay tumalakay sa kalagayan ng mga mahihirap nating kababayan, partikular na ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD na siya ring kasapi sa Sustainable Livelihood Program ng ahensya. Sa pulong na ito ay ina-update ng bawat miyembro ang lahat ukol sa kanilang mga ginagawa kaugnay ng mga 4Ps at mga proyektong nakapaloob sa SLP.
SAP-LAG Payout, Sinimulan Na
Sinimulan na ang unang bugso ng pamamahagi ng Livelihood Assistance Grant ng DSWD noong February 3 sa Events Center. Sa naturang grant, 500 benepisyaryong rehistradong tricycle drivers at vendors ang nakatakdang tumanggap ng P5,000 cash bawat isa bilang munting ayuda sa pagkawala ng kanilang kabuhayan noong magkaroon ng mga mahigpit na restriksyon sa pagputok ng pandemya.
1Q Meeting ng Women’s Organization, Ginanap
Noong February 3, nagdaos ang MSWDO ng First Quarter Meeting ng Women's Organization sa Royal Mall. Kabilang sa mga issues at concerns na tinalakay ay ang pagkakaroon ng general assembly para sa eleksiyon ng bagong officers, pagkaroon ng regular meeting, at pagsasagawa ng Orientation on Women’s Rights and Handling VAWC. Bilang kasagutan ay tinalakay mi MSWDO OIC Kimberly Basco ang plano ng kanyang opisina para sa mga naturang isyu sa taong 2021.
Pre-Registration para sa National ID, Nag-Umpisa Na
Sa tulong ng Local Civil Registry Office, inumpisahan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pre-registration para sa national ID sa bayan ng Bayambang. Bukod sa pre-registration activities sa mga barangay, nagpaunlak din ang PSA ng special pre-registration para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan, matapos makiusap si Mayor Cezar Quiambao. Layunin ng pagkakaroon ng national ID na mas mabilis ang pag-access ng bawat Pilipino sa mga mahahalagang transaksyon ng gobyerno. Ang pagkuha ng ID na ito ay libre para sa lahat.
1Q Meeting with Barangay VAW Desk Officers, Ginanap
Tinipon ng MSWDO ang mga Barangay Violence Against Women (VAW) Desk Officers sa Royal Mall para sa kanilang first quarter meeting. Dito ay tinalakay ang Guidelines in the Establishment of VAW Desk, Guidelines in Monitoring the Functionality of VAW Desk in Every Barangay, at Process in Handling VAW/C Cases.
Mga Wheelchair, Ipinamahagi sa mga PWD
Kamakailan ay nagpamahagi ng libreng wheelchair ang MSWDO sa mga persons with disability o PWD na nag-apply upang maka-avail nito. Tumulong sa distribusyon sa iba't-ibang barangay sina Councilor Martin Terrado II, Councilor Philip Dumalanta, Councilor Amory Junio, at Councilor Levinson Uy.
MSWDO Conducts 1Q Meeting with LGBTQI+ Assoc.
Noong February 10 sa Royal Mall, nagsagawa ang MSWDO ng 1st Quarter Meeting ng mga miyembro ng LGBTQI+ Association of Bayambang. Napag-usapan sa pulong ang pagkakaroon ng profiling ng mga myembro at ang plano nilang negosyo upang magamit na ang ibinigay na pondong P100,000 mula kay Mayor Quiambao.
1Q Meeting of Juvenile Justice Administration Dialogue
Nag-organisa rin ang MSWDO ng 1st Quarter Meeting ng mga miyembro ng Juvenile Justice Administration Dialogue. Isa sa mga dumalo ay si Atty. Emmanuel Laforteza, Assistant Provincial Prosecutor ng Department of Justice-San Carlos City at si Jocelyn Mariano, Team Leader ng Regional Juvenile Justice Welfare Committee sa Region I. Layon ng pulong na palakasin ang kolaborasyon tungo sa "five pillars in protecting the welfare of the children," repasuhin ang salient features ng RA 9344 at RA 10630, at talakayin ang pag-handle ng mga kaso ng CICL o children in conflict with the law at CAR o children at risk.
Gng. Espejo, Muling Kinilala bilang Presidente ng KALIPI
Sa general assembly ng local women's organization na Kalipunan ng Lahing Pilipina o KALIPI na inorganisa ng MSWDO, ay napili bilang presidente ng grupo si Gng. Jocelyn Espejo ng Brgy. Inirangan. Ang KALIPI ay nagsusulong ng women empowerment sa pamamagitan ng skills and livelihood training at iba pang aktibidad na kumikilala sa kakayanan ng mga kababaihan.
Supplementary Feeding Program ng DSWD, Nagpatuloy
Nagpatuloy ang Supplementary Feeding Program ng DSWD para sa mga lokal na kabataan, kabilang ang mga nakatalang malnourished children. Noong February 15, may 1,900 pakete ng rasyon ang dineliver ng DSWD para sa 10th cycle ng kanilang feeding program na agad namang ipinamahagi ng MSWDO sa mga Child Development Workers upang iabot sa mga learners na naka-enrol sa Child Development Centers at sa mga batang mas nangangailangan ng tulong sa kanilang nutrisyon.
1Q Meeting ng LCAT-VAWC, Isinagawa
Noong February 15, ay nagkaroon ng 1st Quarter Meeting ang Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) kung saan tinalakay ang ibinabang ‘Guidelines in Monitoring the Functionality of LCAT-VAWC’ ng DILG. Parte ng napag-usapan ang mga policies, plans, programs, at activities tungkol sa mga Trafficked-in-Persons at VAWC victim-survivors.
Planning Workshop para sa Isang Gender-Responsive Municipality, Ginanap
Patuloy ang pagsulong ng Gender and Development (GAD) Council sa pangunguna ni MSWDO head at GAD Technical Working Group Chairperson Kimberly Basco, katuwang ang buong grupo ng GAD Focal Point System, upang maipaliwanag at maihayag sa mga kawani ng LGU ang kanilang mga karapatan bilang babae o lalaki. Ito ay sa pamamagitan ng isang 3-day Planning Workshop na naglalayong tuldukan ang gender discrimination at gender inequality sa bayan ng Bayambang. Naroon sa workshop si Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr. bilang kinatawan ni Mayor Quiambao, at sina SB Committee Chairman on Social Services, Councilor Benjamin Francisco de Vera, at Sangguniang Kabataan President Gabriel Tristan Fernandez.
Salamat, Magic Supermarket!
Nagpamahagi kamakailan ang MSWDO ng mga gift certificates at isang basket ng groceries na handog ng Magic Supermarket kay Mayor Cezar Quiambao, na siya namang ipinamigay sa piling benepisyaryo. Ang naturang donasyon ay nagkakahalaga ng P8,000. Napili ng MSWDO na ibigay ang mga regalo sa 10 pamilya mula sa iba’t-ibang barangay na may child laborer at dalawang pamilya na may PWD member.
MAC, Nangalap ng Donors ng Prosthetic Leg para sa PWD
Ang Mayor’s Action Center (MAC) ay nagsilbing daan upang matulungan ang isang batang may kapansanan sa isang paa. Si John Floyd Giron, isang 15 anyos mula sa Brgy. Carungay, ay nakatanggap ng prosthetic leg noong February 23. Ito ay naging posible dahil sa ginawang koordinasyon ng MAC kina Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas, Mayor Cezar Quiambao, DSWD, at Kasama Kita sa Barangay Foundation.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
PNP, POSO, Muling Naghigpit sa mga Checkpoint
Bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bayan ng Bayambang, muling naghigpit ang PNP at POSO sa mga border checkpoints, lalo na sa Brgy. Tampog. Ang mga walang kaukulang papel ay hinaharang at pinababalik upang maiwasan ang paglabas-pasok ng mga di nagpamedical checkup at walang Travel Authority mula sa PNP.
Traffic Enforcer Outposts, Itinayo ng POSO
Nag-inspeksyon si POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, ng mga itinayong outpost ng traffic enforcer sa Hi-Pad o Highway Public Assistance Desk. Ito ay upang gawing mas maayos at ligtas ang pag-agapay ng mga traffic enforcers sa mga motorista.
Samantala, patuloy ang pagpapatupad ng POSO sa tricycle lane at re-routing policy ng Pangulong Duterte upang mas maayos ang daloy ng trapiko at maiwasan ang anumang disgrasya sa lansangan nang dahil sa slow-moving vehicles.
POSO in Action
Sa pamumuno ni POSO Chief, Col. Leonardo F. Solomon, muling nagsagawa ng pag-iinspeksyon sa pamilihang bayan upang matugunan ang mga sumusunod.
A. Anti-Colorum Drive
Muling hinalughog ng mga traffic enforcers ang pamilihang bayan kung saan naglipana ang mga colorum na tricycle na siyang inirereklamo ng mga tricycle driver na may sapat na dokumento.
B. Crackdown on Illegal Parking
Sa pag-iikot ng mga traffic enforcers ay marami ang nahuli na nakapark sa di tamang parking area, sanhi ng pagkakaroon ng violation alinsunod sa ipinatutupad na batas.
C. Campaign against Illegal Muffler
Muling nakasabat ang nga traffic enforcers ng illegal muffler na siyang ipinagbabawal sa kalsada dahil sa paglikha ng nakakagambalang ingay na kumukuha sa atensyon ng ibang
Road Clearing Task Force, Nag-Dry Run
Sa pamumuno ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, kasama ang DILG, PNP, Engineering Office, CSO representative, at barangay officials, muling nagsagawa ng dry run ang Road Clearing Operation Task Force upang malinisan ang kalsada na pagmamay-ari ng gobyerno at upang ipatupad ang patakaran ng road clearing sa mga barangay kung saan inaalis ang mga nakaharang at anumang lumalagpas sa tatlong metro ng kalsada na itinuturing na government property.
Congratulations, Road Clearing Operations Team!
Isang mainit na pagbati sa lahat ng bumubuo ng road-clearing operations team: kasama ang ating MLGOO, PNP, BFP, POSO, Engineering, MPDO, ESWMO, CSO representative, at barangays officials. Dahil sa kanilang pagpupunyagi, ang Bayambang ay nakapasa sa validation kamakailan ng DILG sa naging clearing operations laban sa mga nakahambala at ilegal na umuukopa sa ating mga lansangan at sidewalks. Sana ay maging tuluy-tuloy ang kaayusan sa ating mga lansangan, mayroon man o walang inspeksiyon, sapagkat patunay ito ng pagkakaisa at pagiging disiplinado ng mga Bayambangueño.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Farmers Attend IPM Onion Production Training
Noong January 29, 2021, nag-isponsor ang East West Seeds ng isang Integrated Pest Management Training on Onion Production sa Manambong Sur Evacuation Center, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office. Layunin nito na madagdagan pa ang kanilang kaalaman sa GAP-certified onion production at maging ganap na GAP onion farmer at mas maging mabenta ang produkto sa merkado.
Pre-Assessment of Onion Farmers for GAP Certification
Noong ding January 29 sa Manambong Evacuation Center, nagsagawa ang MAO ng pre-assessment ng 17 onion farmers kasama ang GAP inspector, upang tignan ang kanilang kahandaan na maging GAP onion farmers.
Onion Farmers Attend Armyworm Forum
Noong February 9 sa Events Center, nagsagawa ang Municipal Agriculture Office at MDRRMO ng isang scientific forum para sa mga lokal na magsasaka na labis na naapektukan ng pananalasa ng pesteng harabas. Ito ay upang matuto ng mga bagong kaalaman ang mga onion farmers mula sa mga eksperto kung paano makaiwas sa mapaminsalang peste na sanhi ng kanilang pagkalugi sa pagsasaka. Naroon upang makinig sa forum kasama ang mga magsasaka sina Mayor Cezar Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, mga iba pang opisyal, at mga Punong Barangay upang magmungkahi ng kani-kanilang opinyon sa naturang problema.
2 Kubota Water Pumps Mula sa DA-RFO1
Nakatanggap ang Brgy. Wawa Farmers' Association ng dalawang unit ng Kubota water pump mula sa Department of Agriculture Region I. Ayon sa Municipal Agriculture Office, ang mga ito ay gagamitin para sa demonstration ng onion farming sa lugar sa susunod na cropping season. Ang proyektong ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ng EastWest Seed Inc. Ang naturang 2 sets ng water pump ay nagkakahalaga ng P180,000.
RiceBIS, Nasa Phase 2 Na
Muling nag-training ang mga magsasaka na kasapi sa RiceBIS project ng PhilRice para sa phase 2 ng programa: ang Training on Agroenterprise Development. Layunin ng training na ito na gawing mahusay na negosyante ang mga magsasakang Bayambangueño kasama ang kanilang mga anak na siyang magsisilbing gabay ng kanilang magulang sa paggamit ng makabagong kaalaman at teknolohiya sa operasyon ng kanilang sakahan.
DA, Muling Nag-award ng Farm Machineries
Noong February 19, nakatanggap ang mga lokal na magsasaka ng farm machineries na nagkakahalaga ng P5M mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Mechanization Program ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng ahensya. Sa turnover ceremony sa kapitolyo, inaward ang tig-isang rice combine harvester sa Aliguas Olopan na Dumaralos ed Duera at Managbangkag Farmers Association ng Brgy. Paragos, at isang 4-wheel tractor sa Naragsak Warding Farmers Association ng Brgy. Warding.
Training-Seminar on Integrated Pest Management in Onion Production, Umikot sa 8 Districts
Nagpatuloy ang Municipal Agriculture Office, kasama ang Regional Crop Protection Center (RCPC) ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 at East-West Seeds, sa pag-oorganisa ng Training/Seminar on Integrated Pest Management in Onion Production. Kamakailan ay kanilang inilibot ang naturang information and education campaign sa walong farming districts (Districts 1-8) ng Bayambang. Ang mga resource speakers ay mga eksperto mula sa Regional Crop Protection Center.
Lakbay-Aral sa Integrated Agricultural Laboratory Regional Office
Sa direktiba ni Mayor Cezar Quiambao, nagtungo noong February 17 ang MDRRMO at MAO sa Integrated Agricultural Laboratory Regional Office sa Sta. Barbara, Pangasinan, upang pag-aralan kung paano maaapula ang pananalasa ng harabas sa ating mga pananim na sibuyas. Ang team ay inilibot sa Regional Soils Laboratory upang matuto ng bagong kaalaman sa soil analysis at sa Biological Laboratories upang malaman kung paano magproduce ng mga biological agents laban sa harabas, kabilang ang metarhizium, nuclear polyhedrosis virus, at earwigs.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Municipal Slaughterhouse, Naghigpit para sa Kaligtasan ng mga Bayambangueño
Nag-implementa si OIC Veterinarian ng Municipal Slaughterhouse na si Dr. Joselito Rosario ng Oplan Sita upang maiwasan ang paglusot ng mga hayop na may sakit sa bayan. Ito ay sa pamamagitan ng pag-validate ng mga dokumento at pag-check ng barangay certification sa lahat ng dumarating sa Bayambang sa pagtutulungan ng slaughterhouse personnel, POSO at PNP.
Naghigpit rin sa patakaran ang Municipal Slaughterhouse upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamimili sa Bayambang. Ito ay matapos magpatawag ng Special Meeting si Dr. Rosario ukol sa mga polisiya at ordinansa sa wet section ng Public Market.
Surprise Inspection ng Slaughterhouse, Regular Na
Patuloy ang paghihigpit ng Municipal Slaughterhouse sa palengke upang mapangalagaan ang mga mamimili at masiguro na malinis at ligtas ang mga pagkaing kanilang bibilhin. Sa ilalim ni OIC Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, regular na ang pagsasagawa ng surprise inspection sa mga transport vehicle gaya ng refrigerated delivery van at hauling vehicle, pati na rin ang surprise inspection sa mga meat stalls sa Pamilihang Bayan ng Bayambang.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Narito naman ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:
Ongoing: Core Local Access Road Project in Brgy. Inirangan
Ongoing: Construction of Drainage System in Zone 2
Hauling of Backfill for Brgy. Langiran Hatchery
Installation of Street Lights along Bani-Ligue National Road
DISASTER RESILIENCY
Improvement Works at SG1 Isolation Facility Continue
Tuluy-tuloy ang pagpapasaayos ng MDRRMO sa San Gabriel 1st Isolation Facility. Kamakailan ay nagpagawa rito ng isang maayos na Guard House, ginawang kongkreto ang Nurse Station, at tinatapos naman ang pagsesemento sa daan.
"Salamat Ma'am Niña!" - Typhoon Ulysses Survivors
Noong Pebrero 23, nagsimulang mamahagi ang MDRRMO ng mga libreng bubong sa mga Bayambangueño na nakaranas ng hagupit ng bagyong Ulysses noong nakaraang Nobyembre. Ang naturang donasyon ay galing sa sariling bulsa ni Mayora Niña Jose-Quiambao, matapos malaman nito na kailangang gamitin ng LGU ang calamity fund nito para sa COVID-19 vaccination program. Nanguna sa pamamahagi si MDRRMO head Genevieve Benebe sa pakikipagtulungan ng MSWDO, BPRAT, Engineering Office, at opisyales ng mga apektadong barangay. May 70 na pamilya ang nakatakdang maging benepisyaryo.
No comments:
Post a Comment