GOOD GOVERNANCE
LGU Department Heads, Pinulong ni MCTQ
Pinulong ni Mayor Cezar Quiambao ang lahat ng department heads sa unang Executive Committee Meeting sa taong 2021, sa Events Center noong January 5. Dito ay tinalakay ang mga pinakamaiinit na isyu sa bayan tulad ng bagong pananalasa ng armyworms sa mga onion farms, paglista sa mga gustong magpabakuna sa COVID-19, tax amnesty ordinance, 2021 fiesta celebration, at iba pa.
Kaso Laban kay MCTQ, Ibinasura
Noong December 7, dinismiss ng Ombudsman ang kasong inihain nina former Municipal Councilor Angelito de Vera at Crisostomo Bato laban kay Mayor Cezar Quiambao kaugnay sa pagrenta ng Royal Mall sa property ng munisipalidad. Maanomalya diumano ang naging transaksyon na pinasok ni Mayor Quiambao habang siya ay isang pribadong indibidwal at pinuno ng Strategic Alliance Holdings, Inc. at lumalabag sa Republic Act No. 7080 o "An Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder" at R.A. No. 3019 o "Anti-Graft and Corrupt Practices Act." Ang mga nasabing alegasyon ay dinismiss ng Ombudsman dahil ang mga ito ay walang matibay na basehan.
Walang Bakasyon sa Pagserbisyo
Tuluy-tuloy ang serbisyo publiko ng LGU kahit sa mga araw na walang pasok. Ang General Service Office ay patuloy ang maintenance work, hindi lang sa Municipal Compound, kundi pati na rin sa San Gabriel 1st Isolation Facility at Pugo Quaratine Facility, upang siguraduhing malinis ang mga naturang pasilidad.
Ang RHU at MDRRMO naman ay walang tigil sa pagturo sa mga nakaquarantine ng wastong paggamit ng rest room at ang tamang pagsasaayos sa kanilang pansamantalang tahanan. Tuluy-tuloy din ang pamamahagi nila ng pagkain at mga hygiene kit.
LIVELIHOOD
Project ITLOG, Inilunsad
Noong January 18 sa Pantol Evacuation Center, nagsasanib-puwersa ang Municipal Agriculture Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, at Kasama Kita sa Barangay Foundation upang ilunsad ang Project ITLOG o Initiative Towards Livelihood and Opportunities for Growth. May 10 benepisyaryo na mauuna sa proyektong ito, at lahat sila ay mga lokal na magsasaka na pinili ng Agriculture Office at Foundation. Kasabay nito ang MOA signing sa pagitan ng Foundation at mga benepisyaryo ukol sa proyekto kung saan ang sila ay pahihiramin ng halagang P225,000 bilang start-up fund, na nakatakda nilang bayaran sa loob ng dalawang taon.
Project ITLOG Delivery of Inputs
Noong January 23, dumating na ang mga naipangakong alagang manok at materyales para sa Project ITLOG sa Brgy. Pantol. Ang mga ito ay para sa mauunang sampung benepisyaryo ng proyekto.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Reassessment sa Poblacion Area
Noong January 6, nagtungo ang Assessor's Office sa Poblacion Area upang magsagawa ng ocular inspection at reassessment sa mga real properties doon, mapa-residential man o commercial. Ito ay upang masiguro na lahat ng gusali ay may kaukulang dokumento o titulo.
Ocular Inspection sa PSU-BC
Ipinagpatuloy noong January 4 ng Assessor's Office ang ocular inspection sa perimeter fence ng PSU Bayambang Campus na nasimulan na noong December 2020, dahil sa kahilingan ng unibersidad na mabakuran na ang eskwelahan para sa seguridad ng
mga estudyante at mga empleyado nito. Ito rin ay upang mabigyang daan ang mga informal settlers doon na magkaroon na ng maayos na access o right of way palabas sa kanilang mga tirahan.
Iba’t-Ibang Opisina ng Munisipyo, Nag-inspeksyon sa Dike
Noong January 12, nag-ocular inspection ang Municipal Assessor's Office kasama ang MPDC, POSO, PNP, Treasury, at MSWDO sa dike at dating riles ng Philippine National Railway sa Brgy. Asin, Sapang, Zone V, at Zone VII, upang ma-identify ang mga occupants na nagtayo ng bahay sa municipal property.
Appraisal of Newly Discovered Properties
Noong January 19, nagsagawa ang Assessor's Office ng appraisal ng mga bagong diskubreng bahay o buildings sa 67-hectare private property sa Brgy. Bani.
Kailangang maisagawa ang property appraisal para madeklara ng mga occupants na sa kanila ang bahay at ang kinatitirikan nito sa oras na pumayag silang bilhin ang lupa.
Paalala sa Obligasyon
Tuluy-tuloy ang pag-iikot sa mga barangay ng Assessor's Office at Treasury Office upang ipaalala sa ating mga kababayan ang kanilang obligasyon: ang pagbayad ng amilyar at iba pang uri ng buwis na siyang bumubuhay sa pamahalaan upang magbigay ng serbisyo at mga proyekto sa pamayanan. Nitong huli, ang team ay namahagi ng mga information brochure at tax bill sa Brgy. Caturay at Maigpa.
HEALTH
Task Force Bakuna, Binuo
Noong January 7, binuo ng LGU ang isang Task Force para sa Oplan Bakuna, na naglalayong kumalap ng listahan ng mga indibidwal na nais magpabakuna laban sa COVID-19. Sa unang pagkakataon, pinulong ni Mayor Quiambao ang Task Force sa MDRRMO Training and Conference Room upang talakayin ang mga preparasyon kaugnay ng COVID-19 vaccination.
COVID-19 Vaccine, Pinaghahandaan na
Sa pangunguna ni Mayor Cezar T. Quiambao ay nagpulong ang Local School Board noong January 12 upang pag-aralan at pagkasunduan ang pag-realign ng Special Education Fund sa taong 2021 bilang paghahanda sa pagbili ng vaccine kontra COVID-19. Sa naturang pagpupulong, anim na milyong piso (P6M) sa budget ng edukasyon ang natipid dahil napagkasunduang ipinagpaliban muna ang pamimigay ng school supplies sa mga estudyante ngayong taon. Pinaghahandaan na ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang mass vaccination program kung saan makakatanggap ng libreng bakuna ang mga Bayambangueño.
Libreng Bakuna, Pinaghahandaan Na
Noong January 18, nagsagawa ang Task Force Bakuna sa ilalim ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, ng isang Orientation sa Balon Bayambang Events Center ukol sa COVID-19 Mass Vaccination Program Survey. Ito ay isang paghahanda upang malaman ang bilang ng mga nais magpabakuna sa oras na magkaroon na ng libreng bakuna para sa mga Bayambangueño. Inaasahan ang kooperasyon ng bawat isa para maging epektibo ang programa at matapos na ang pandemyang dala ng COVID-19.
LEGISLATION
Mga Local Codes Atbp., Aprubado na ng SP
Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga sumusunod na ordinansa at resolusyon ng LGU-Bayambang: ang 2021 Annual Budget, 2021 Annual Investment Plan, Children's Code, at New Normal Code in Response to the COVID-19 Pandemic.
Unang Session sa Taong 2021, Ginanap sa Sangguniang Bayan
Sa pangunguna ni Vice Mayor Raul R. Sabangan ay pinresenta, tinalakay, at inaprubahan ang Supplemental at Annual Budget ng iba’t ibang barangay sa kauna-unahang session ng Sangguniang Bayan sa taong 2021. Sa pag-apruba ng budget na ito ay mayroon nang magagamit ang mga barangay council para sa mga programa at proyekto upang lalong mapaunlad ang kanilang mga nasasakupan.
Public Hearing on Ordinance on Barangay Clearance Fees and Sewage Treatment and Septage Management System
Noong January 19, ipinatawag ng Sangguniang Bayan ang lahat ng mga kapitan ng 77 barangays ng Bayambang upang dumalo sa isang public hearing ukol sa dalawang ordinansa: Ang "Ordinance on Collection of Corresponding Barangay Clearance Fee in the Application for Any Business-Related Transaction" at "Ordinance Providing for the Water Quality and Proper Sewage Treatment and Septage Management System in the Municipality of Bayambang, Prescribing Penalties for Violation Thereof and for Other Purposes." Nanguna sa pagdinig sina Councilor Amory Junio, Councilor Martin Terrado II, at Councilor Philip Dumalanta.
Public Hearing ukol sa 2 Bagong Panukalang Batas sa Lansangan, Isinagawa
Noong January 21 sa Events Center, muling nagsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) ng public hearing ukol sa dalawang proposed ordinance: "An Ordinance Probihiting the Use of Roads, Sidewalks, Bridges, Parks and Other Public Places in the Municipality" at "An Ordinance Requiring Installation of Road Warning and Safety Devices (RWSD) by All Contractors and Public Utility Companies on All On-Going Road and Bridge Constructions/Maintenance along the Municipal and Barangay Roads."
Public Hearing, Isinagawa ukol sa Proposed Joint Venture Code at EPCS
Isa pang public hearing ang ginanap noong January 22 sa Events Center para sa dalawang proposed ordinance ukol sa Joint Venture Code at paggamit ng Electronic Payment and Collection System (EPCS), sa pangunguna ng Committee Chairman on Laws and Ordinances and Ways and Means na Councilor Amory M. Junio.
Ang una ay pinamagatang "Municipal Ordinance Adopting the Local Government Unit of Baymbang Joint Venture Code" at "An Ordinance Institionalizing the Use of Access Devices for Payment of Fees, Charges, Assessments and Other Financial Transactions through the use of Electronic Payment and Collection System (EPCS) with the Municipal Government of Bayambang."
EDUCATION
Thank You, Alalay Foundation of Switzerland!
Noong January 15, matagumpay ang LGU, sa pamamagitan ng Administrator's Office at PESO-Bayambang, sa pag-aasiste sa Idong-Inanlorenza Elementary School upang ma-claim ng paaralan ang donasyon na school equipment na nagkakahalaga ng P2M. Ang mga ito ay mula sa isang private foundation na nakabase sa Switzerland, ang Alalay Foundation na pinamumunuan ng isang tubong Bayambang na si Guadalupe Germono-Zoller.
OTHER SOCIAL SERVICES
Pamaskong Handog sa CWDs
Noong December 28 at 29, nagpamahagi ng gift packs at school supplies si Mayor Quiambao sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation para sa mga 120 na Children with Disabilities (CWD) ng STAC-Bayambang mula sa iba't-ibang barangay.
Nagpapasalamat ang MSWDO at STAC-Bayambang sa pamaskong handog na ito.
Tulong para sa mga Indigent na Bayambangueño
Patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangang Bayambangueño. Noong January 12, inendorso ng Municipal Social Welfare and Development Office ang ilang indigent na Bayambangueño upang sila ay makatanggap ng financial o livelihood assistance grant sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Makakatulong ito sa kanilang araw-araw na pamumuhay dahil sila ay mabibigyan ng maliit na negosyo o pagkakakitaan para sa kanilang sariling kaunlaran.
Orientation for PBs on SAP-LAG
Noong January 25, nagbigay ng orientation ang MSWDO sa mga Punong Barangay at kanilang representante ukol sa Social Amelioration Program-Livelihood Assistance Grant sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Ito ay upang maliwanagan ang lahat sa proseso ng pagpili ng mga benepisyaryo at ang implementasyon ng proyekto. Napiling benepisyaryo ang mga rehistradong tricycle driver at vendor na pawang mga Pantawid Pamilya member o dati nang SAP beneficiary. Makakatanggap ang bawat isa sa kanila ng P5,000 mula sa kabuuang P3M na pondo ng programa.
1Q Meeting ng GAD Committee
Noong January 28, ginanap ang 1st quarter meeting ng Municipal Gender and Development (GAD) Focal Point System sa Royal Mall, kung saan tinalakay ang status ng GAD Accomplishment Report ng bawat opisina sa taong 2020 at ang GAD Plan at GAD Budget ng mga ito para sa 2021. Sa naturang pagpupulong ay isinaayos ang mga programa at proyektong may kaugnayan sa GAD upang makapag-adjust ang LGU sa budget revision at realignment bunsod ng mga programang nanganganib na hindi matuloy dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
House-to-House Validation for SAP-LAG
Noong January 29, nag-umpisa na ang MSWDO kasama ang mga enumerator ng BPRAT upang mag-house-to-house validation ng 2nd batch ng mga benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant ng DSWD. Ang validation ay isasagawa hanggang February 3.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Zero Casualties sa Bagong Taon, Naitala!
Iniulat ni Bayambang PNP Chief PLtCol. Norman Florentino na, sa pagsalubong sa Bagong Taon, nagtala ang bayan ng Bayambang ng zero casualties mula sa paputok at zero casualties sa stray bullet. Ito, aniya, ay ayon sa datos na nakalap mula sa Bayambang District Hospital at Sto. Niño Hospital. Wala ring naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa araw na iyon, ayon naman kay Dra. Paz Vallo. Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa ipinakitang disiplina at pakikiisa ng lahat.
Disiplina, Pinaalala sa Oplan Sita
Nagsanib puwersa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Bayambang upang sitahin ang mga lumalabag sa road-clearing policy ni Pangulong Rodrigo Duterte. Paalala ni MLGOO Royolita Rosario, disiplina ang kailangan para sa mga ligtas na daanan kaya naman inabisuhan ang mga illegal occupants na panatilihin ang kaayusan para sa kaligtasan ng lahat ng motorista at pedestrian.
Spotlight: POSO Services
Sa loob ng isang linggo ay sari-saring serbisyo ang hatid sa ating mamamayan ng Public Order and Safety Office sa ilalim ni Col. Leonardo Solomon.
A. Tricycle Rerouting
Noong January 15, nagkaroon ng assembly meeting ang mga traffic enforcers ukol sa rerouting ng mga traysikel alinsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagbabawal ng mga pampasaherong traysikel sa national roads/highways upang maiwasan ang bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan ng mga slow-moving vehicles gaya ng traysikel. Kasama sa pag-implementa nito ang PNP, DILG, MPDC, TODA presidents, at mga Punong Barangay.
B. E-Trike Operation
Ang operasyon ng mga e-trike na donasyon ni Mayor Quiambao ay nagpatuloy kamakailan. Higit isang daan kada linggo ang natutulungan ng naturang libreng sakay gamit ang naturang eco-friendly na sasakyan.
C. Apprehension of Traffic Violators
Araw-araw din ang paninita at panghuhuli ng POSO sa mga traffic violators upang manatiling maayos ang ligtas ang ating mga daan. Sa nakaraang linggo ay mayroong 55 violators ang nahuli at pinagbayad ng multa.
D. Enforcement of PPRD's Road-Clearing Policy
Minomonitor din at sinisita ng POSO ang mga lumalabag sa road clearing policy ng Pangulong Duterte sa lahat ng daan, mula national roads, provincial roads, municipal roads, at barangay roads.
E. Response to Emergency Hotline
May 23 katao ang natulungan matapos magresponde ang POSO sa Bayambang emergency hotline number na #4357 para sa mga kaso ng vehicular accidents, hospital transfer, referral to a mental institution, at hospital confinement.
F. Fitness Program for POSO Staff
Samantala, naglunsad si Col. Solomon ng isang aktibidad upang ma-maintain ang timbang at cardiovascular fitness ng kanyang mga tauhan, dahil mahalaga ang pagiging malusog at malakas sa pagresponde sa mga kababayang naiipit sa emergency situations.
POSO Staff, Umaani ng Papuri Dahil sa Katapatan
Umaani ngayon ng papuri at pasasalamat ang mga traffic enforcers at staff ng Public Order and Safety Office dahil sa katapatan sa kanilang tungkulin. Ang mga ito ay nagsipagsauli ng mga napulot na gamit gaya ng mamahaling cell phone, pitaka na may lamang pera, mahahalagang dokumento kabilang ang ID, at iba pa ng mga items.
POSO, Nagproseso ng Vaccination Survey Forms
Noong January 26, nagtulung-tulong ang mga personnel ng Public Order and Safety Office (POSO) upang maisaayos ang lahat ng mga vaccination survey form na ibinalik ng bawat barangay. Si POSO Chief, Col. Leonardo F. Solomon, ang naatasang pinuno ng Task Force Bakuna ng LGU.
VMRRS, Nag-Donate ng Handheld Radio sa POSO
Samantala, nagpapasalamat ang POSO sa ipinagkaloob ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan na handheld radio upang makatulong sa komunikasyon sa pagitan ng mga POSO personnel.
PNP-Bayambang Launches Project CARE
Noong January 27 ay inilunsad ng PNP-Bayambang sa ilalim ng bagong hepe na si PLtCol. Andres Calaowa Jr. ang Project CARE o Coronavirus Awareness Response and Empowerment. Ito ay suportado ng LGU-Bayambang. Panoorin natin ang videong ito mula sa PNP-Bayambang.
SPORTS
-
TOURISM
New Year's Countdown & Fireworks Display
Masayang sinalubong ng lokal na pamahalaan ang Bagong Taong 2021 sa pamamagitan ng isang New Year's Countdown at Fireworks Display na ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang fireeworks display ay donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. Siniguro ng pamunuan ng Prayer Park na kumpleto ang papeles nito bilang pagsunod sa Executive Order No. 65.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Fertilizer Scheme Reimbursement, Ongoing
Ongoing ang pamimigay ng Department of Agriculture ng reimbursement sa nagastos ng mga lokal na magsasaka para sa mga pataba. Ito ay ang tinaguriang Fertilizer Scheme sa ilalim ng Rice Resiliency Project ng departamento. Isang-daang farmers kada araw ang binibigyan ng naturang reimbursement hanggang sa January 24.
Zubiri Files Mangabul Bill in Senate
Noong January 7, ibinalita ni Senator Juan Miguel Zubiri kay Mayor Cezar Quiambao ang kanyang pagfile ng bill sa Senado na naglalayong i-convert ang Mangabul area bilang isang alienable at disposal land. Ang Senate Bill No. 1961 na kanyang inihain ay inaasahang magbibigay, sa wakas, ng inaasam na ownership rights sa mga occupants na ilang dekada nang nagsasaka sa lugar.
Inspection of Onion Farms
Noong January 7, nagtungo ang DRRM Team sa mga sakahan ng sibuyas na iniulat ng Agriculture Department na kasalukuyang inaatake ng harabas o armyworm. Inaaral ng DRRM Team ang mga recommended interventions ng DA team upang tumulong maapula ang pananalasa ng naturang peste.
MAO’s Interventions vs. Armyworm
Walang tigil ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pagmomonitor ng mga taniman ng sibuyas na nasalanta ng armyworm o harabas sa iba't-ibang barangay. Sila ay kasalukuyang nagpapamahagi ng light traps, lure traps, organic foliar, at mga pesticide upang makatulong sa pagkontrol ng mga peste, katulong ang Department of Agriculture Regional Office I.
200-Hectare Sorghum Model Farm, Itinatag ng DA-RFO I sa Pantol
Isang 200 ektaryang model farm ng sorghum ang ipinagkaloob kamakailan ng Department of Agriculture-Regional Field Office I sa Brgy. Pantol sa ilalim ng Corn Banner Program nito. Kabilang dito ang mga buto, 80 bags ng urea, 200 bags ng organic fertilizer, at 40 bags ng 14-14-14.
RiceBIS Update: Farm Walk on Demo Site
Nagsagawa ang PhilRice ng Farm Walk sa demonstration site ng iba't-ibang varieties ng palay na itinanim sa Brgy. Warding. Ito ay upang makita ng mga kalahok sa programa ang mga potensyal na varieties ng palay na maaari nilang itanim, tulad ng NSIC Rc 480, 506, 514, 512, 510, at 508.
Kasabay nito ay nagpamigay rin ang PhilRice ng mga fertilizer para sa RiceBIS participants.
RiceBIS Farmers Graduate in Field School Course
Noong January 26 sa Events Center, naging panauhin sina Vice-Mayor Raul Sabangan, Councilor Philip Dumalanta, at Councilor Martin Terrado II sa pagtatapos ng 108 na lokal na magsasaka sa Farmers Field School bilang unang parte ng Rice Business Innovation Systems ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice). Ang graduation ceremony ay inorganisa ng Municipal Agriculture Office (MAO) at sa tulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team. Sa mga nakaraaang buwan ay sumailalim sa 6 sessions ng training ang mga magsasakang nag-enroll sa programa upang mahasa sa makabagong mga kaalaman sa pagsasaka.
ECONOMIC DEVELOPMENT
-
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Narito naman ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:
Ongoing: Core Local Access Road in Managos
Ongoing: Core Local Access Road in Balaybuaya
Ongoing: Core Local Access Road in Pangdel
Ongoing: Construction of Core Local Access Road in Ambayat 1st
Ongoing: Construction of Core Local Access Road at Bical Norte-Bical Sur-Sancagulis Roadline funded under Excise Tax
Core Local Access Road in Ambayat 2nd
Core Local Access Road in Bacnono
SMP TWG, Naglakbay-Aral sa Baliwag Water District
Noong January 19, naglakbay-aral ang Technical Working Group (TWG) ng Sewerage and Septage Management Program (SSMP) ng LGU-Bayambang sa Baliwag Water District, Baliwag, Bulacan, kasama ang ilang empleyado ng Bayambang Water District.
Sa benchmarking activity na ito, nakakalap ng mga bagong kaalaman ang TWG na inaasahang makatutulong sa pagbuo ng magandang Sewerage and Septage Management Program para sa ating bayan. Kasama sa naturang lakbay-aral sina Councilor Mylvin Junio, Councilor Levinson Nessus Uy, Councilor Gerardo Flores, at Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
-
DISASTER RESILIENCY
Disinfection Operations ng Local IATF, Patuloy
Ang kaligtasan ng mga Bayambangueño ay prayoridad ng munisipyo kaya naman hanggang ngayon ay patuloy ang Bayambang COVID-19 Inter-Agency Task Force sa disinfection operations sa mga pampublikong lugar katulad ng Bus Terminal at Pamilihang Bayan. Sa pangunguna ng MDRRMO at BFP ay sinisiguro na malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng pag-disinfect ng mga matataong lugar gabi-gabi. Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bayan.
MTCAO, Nagpaalala ng Health Protocols sa mga Establisimyento
Ang Municipal Tourism and Cultural Affairs Office ay naglibot sa iba’t ibang establisimyento upang paalalahanan ang mga tao sa istriktong pag-implementa ng public health protocols. Binigyang-kaalaman din ng opisina ang mga negosyante ukol sa Provincial Ordinance No. 254-2020 kung saan nakasaad ang mga guidelines na dapat sundin ngayong panahon ng pandemya.
AWARDS
RHU, Panalo sa DOH Writing Contest
Nagwagi noong December 29 ang Rural Health Units ng Bayambang sa isang writing contest na inilunsad online ng Department of Health-Center for Health and Development Region I. Layunin ng patimpalak na i-highlight ang best practices ng iba't-ibang LGU sa implementasyon ng measles, rubella, and oral polio vaccine supplemental immunization activity (MR OPV SIA) campaign nito noong November 2020. Ang winning entry ng RHU ay pinamagatang "Conquering the Battlefield as One Army," na tungkol sa kabutihan ng team work upang makamit ang target.
LGU-Bayambang Wins Anew in CMCI Awards
Muling humakot ng mga parangal ang LGU-Bayambang sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awards, ang taunang parangal na iginagawad ng Department of Trade and Industry at Department of the Interior and Local Government-Region I sa mga LGU. Sa Awarding ceremony noong January 18 sa San Fernando City, La Union, itinanghal ang LGU-Bayambang bilang #1 in Government Efficiency, #3 in Infrastructure, #3 in Resiliency, at #4 in Overall Competitiveness para sa 1st and 2nd Class Municipality Category.
No comments:
Post a Comment