GOOD GOVERNANCE
Public Hearing on Contact Tracing and Videoke Use
Noong November 5 sa Events Center, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng Public Hearing para sa proposed ordinance tungkol sa Contact Tracing at abusadong paggamit ng videoke at iba pang pag-iingay sa oras ng online class. Ito ay inorganisa ng Sangguniang Bayan at pinangunahan ng mga chairman ng SB Committee on Rules, Laws and Ordinances; Public Order and Safety; at Health and Sanitation, at dinaluhan nina Vice-Mayor Raul Sabangan, 77 Punong Barangays, at iba pang apektadong sektor.
Public Hearing on Local Investments Incentive Code at GAD Code
Noong November 6 naman sa Events Center pa rin, nagsagawa ulit ang Sangguniang Bayan ng Public Hearing para sa proposed ordinance tungkol sa Local Investments Incentive Code of 2020 at Gender and Development Code of Bayambang. Ito ay pinangunahan ng mga chairman ng SB Committee on Rules, Laws and Ordinances; Social Services; at Market Trade and Industry, at dinaluhan ng iba't-ibang sektor.
Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee
Upang siguraduhing maayos at ligtas ang mga electrical facilities ng LGU-Bayambang, bumuo ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee ang Engineering Office at gumawa ng isang Technical Working Group kasama ang Planning and Development Office at General Services Office. Ang team ay nagsimulang umikot at mag-inspeksyon ng energy consumption at mag-imbentaryo ng office appliances sa lahat ng departamento.
Kabataan Voter's Registration Update
Noong November 18, ang mga first-time voters na kabataan ay nag-um[isa nang magparehistro sa COMELEC Bayambang sa pakipagtutulungan ng Sangguniang Kabataan Federation, Local Youth Development Office, at Bayambang Poverty Reduction Action Team. Ayon sa COMELEC, umabot ng 74 ang nagrehistro sa raw na iyon.
LIVELIHOOD
DTI Livelihood Kits
Noong November 19 sa Niñas Cafe, nagsagawa ang DTI-Pangasinan, sa pamamagitan ng Negosyo Center Bayambang, ng isang Entrepreneurship Seminar kung saan nag-turn over ang ahensya ng mga livelihood kit mula sa kanilang economic recovery programs para sa mga rehistradong negosyo na hindi nakatanggap ng ayuda.
Bago ang turnover ay dumaan sa isang seminar ang mga benepisyaryo upang sila ay maging epektibong entrepreneur.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Mangabul Task Force, Nag-Briefing sa mga Claimant-Farmers
Noong November 18, nagbigay ng briefing sa Brgy. San Gabriel II ang mga miyembro ng Mangabul Task Force para sa mga bona fide claimant-farmers ng Mangabul.
Kabilang sa mga nagbigay ng update sa latest development sina Municipal Councilor Amory Junio; Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr.; Municipal Assessor; Planning and Development Office; Consultant on Agrarian Reform; at iba pang concerned departments.
SK Budget Planning 2021
Noong Nov. 10-13, nag-organisa ang Local Youth Development Office ng Training para sa mga SK Chairpersons at SK Treasurers sa Budgeting, Financial Transactions, at Planning para sa taong 2021. Naging resource speakers sina MLGOO Royolita Rosario, Budget Officer Peter Caragan at Princesita Sabangan, Municipal Planning Coordinator Ma-lene Torio at Internal Auditor Erlinda Alvarez.
HEALTH
Long Weekend Overtime
Noong long weekend ay tuluy-tuloy ang trabaho ng RHU, kasama ng PNP, upang masiguro na ligtas sa COVID-19 ang bayan ng Bayambang. Kanilang matiyagang inassess ang papeles at chineck-up ang lampas sa 100 na mga kababayan nating locally stranded individual at nais nang umuwi. Ang tatlong walang dalang papeles ay kaagad na dinala sa Pugo quarantine facility.
WHO Monitors MR-OPV SIA Implementation
Noong November 4, nag-courtesy call kay Mayor Quiambao si Dr. Bezu Beshir, isang World Health Organization officer, na bumisita upang magmonitor ng implementasyon ng LGU sa Supplemental Immunization Activity. Nagpasalamat si Dr. Beshir dahil matagumpay ang proyekto dahil sa suporta ni Mayor Quiambao at kooperasyon ng iba't-ibang tanggapan at ahensya. Nanguna ang Bayambang sa buong Pangasinan sa compliance rate para sa proyektong ito.
Massive Supplemental Vaccination Kontra Tigdas, Polio at Rubella, Nagpatuloy
Maulan man ang panahon ay sinuong pa rin ito ng RHU I at RHU II personnel upang abutin ang kanilang target na 95% vaccination laban sa tigdas, rubella at polio para sa mga 0-59 month-old (o below 5 years old) na kabataan sa Bayambang.
Mop-Up MR-OPV Immunization
Noong November 15 at 16, binalikan ng RHU ang mga hindi nakapuntang magulang sa schedule ng bakuna ng kanilang mga anak sa Mop-up Immunization Drive sa Barangay Buenlag 2, Brgy. Tambac, Zone 7, at Zone VI. Dahil dito ay nalamapsan pa ng RHU ang kanilang target ng lampas sa 100%
Health IEC at Pantol Barangay Assembly
Nagtungo ang RHU 1 sa Barangay Assembly ng Brgy. Pantol noong November 15 upang talakayin ang animal bite and responsible pet ownership, dengue, leptospirosis, acute gastroenteritis, blood donation drive, at ang pag-obserba sa minimum health protocols sa panahon ng kalamidad.
Mass Testing of Frontliners
Noong November 14 at 15, ang RHU ay nagsagawa ng mass testing gamit ang antigen test na may 83%-86% accuracy. Ito ay bahagi pa rin ng patuloy na pagprotekta ng LGU sa ating mga frontline workers.
RHU IV sa Macayocayo, Bukas Na
Hindi na kailangang magsiksikan sa iisang RHU ang mga Bayambangueño, sa pagbubukas ng RHU IV sa Brgy. Macayocayo noong November 25. Dito ay makaka-avail na ng health services ng Municipio ang mga taga-Macayocayo at karatig-barangay araw-araw. Ang mga serbisyong handog nito ay katulad ng sa RHU I, kabilang ang midwife, nursing, dental at med tech services.
EDUCATION
Edukasyon Laban sa Kahirapan: Distant Learning Enhancement Program, Inilunsad sa Bayambang II
Noong November 11, muling inilunsad ang Bayambang Community-Based Distant Learning Enhancement Program para naman sa mga mag-aaral ng DepEd Bayambang District II. Nagtungo ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa Hermoza National High School kasama ang mga bagong guro na kinuha ng LGU para sa proyektong ito.
Aklat para sa mga CDCs
Noong November 20, nagpamahagi ang MSWDO, gamit ang pondo ng Mayor's Office, ng reference materials tulad ng story books para sa lahat ng Child Development Centers ng Bayambang. Magagamit ang mga ito sa virtual storytelling habang nakamodular learning ang mga daycare learners. Nakatakdang magdonate si Mayor Cezar Quiambao ng mga karagdagang aklat para rito.
Bagong PSU-LGU Literacy Project
Noong November 25, nagpulong ang Pangasinan State University at LGU-Bayambang upang pag-usapan ang research ng paaralan na pinamagatang "Leveled and Doable Pangasinan Reading Materials Using Bloom Software for Bayambang Community-Based Literacy Program." Layunin ng mga PSU researchers makatulong sa mag-aaral na nasa Grade 1 hanggang Grade 3 sa kanilang Mother Tongue-Based Multilingual Education at pati na rin sa pagsulong sa wikang Pangasinan gamit ang bagong software na ito.
LGU-PSU ICT Konek
Noong November 27, inilunsad ang isa na namang proyekto ng LGU at PSU-Bayambang, ang ICT Konek, kung saan naglunsad ng smart classrooms sa College of Information Technology gamit ang anim na smart TV na ibinigay ng Kasama Kita sa Barangay Foundation. Ito ay parte ng vision ng LGU ng gawing isang smart town ang bayan ng Bayambang.
OTHER SOCIAL SERVICES
TikTok Challenge Atbp. sa National Children's Month 2020
Noong November 25, bilang parte ng pagdiriwang ng 2020 National Children's Month, nag-organisa ang Bayambang Child Development Workers ng mga patimpalak para sa mga child development learners, subalit lahat ng entries ay isinumite online dahil sa pandemya. Ang mga daycare learners ay game na sumali sa mga pakulo, gaya ng TikTok Challenge, Singing Contest, at Show and Tell kahit ang kaharap lamang ay cell phone o computer.
State of the Children's Address 2020
Noong November 27 ay ang kulminasyon ng pagdiriwang ng National Children's Month 2020. Ito ay inorganisa ng MSWDO sa Events Center kung saan nag-deliver ng kanyang taunang State of the Children's Address si Mayor Quiambao. Pagkatapos ay pinarangalan ang mga kabataang nagwagi sa mga idinaos na online contest ng Bayambang Child Development Workers.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Traffic Management Seminar para sa POSO
Noong November 5 sa Sangguniang Bayan Session Hall, nagsagawa ang Public Order and Safety Office sa ilalim ni Col. Leonardo Solomon ng isang Traffic Management Seminar. Layunin nito na palawakin ang kaalaman ng mga POSO staff ukol sa batas trapiko at maging mas epektibo sa kanilang trabaho. Kinuhang lecturer ang mga top officials ng LTO-San Carlos, LTO-Bayambang, at Stradcom.
Ambulance Policy
Noong November 17 sa Events Center, tinalakay ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, sa POSO staff ang Policy on Ambulance Use na binalangkas ni Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. Ito ay upang malinawan ang POSO staff kung kailan nararapat gumamit ng ambulansya, para kanino ito, at kung aling mga sitwasyon, para maiwasan ang di karapat-dapat na paggamit sa serbisyong ito ng LGU.
TOURISM
SingKapital 2020
Muling sinariwa ng bayan ng Bayambang, sa pag-oorganisa ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, ang SingKapital, o ang pagdedeklara ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Bayambang bilang ikalimang Kapitolyo ng bansa noong 1899. Nanguna si Mayor Quiambao sa pagdiriwang, kung saan kanyang binigyan diin ang diwa ng SingKapital: ang pagiging makabayan at pagiging rebolusyonaryo sa ating mumunting paraan para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Christmas Lighting
Pagkatapos nito ay nagtungo naman si Mayor Quiambao at iba pang opisyales sa Municipal Plaza upang pasinayaan ang pagsindi ng giant Christmas tree at ang pagpapailaw sa mga Christmas lights sa bayan. Ito aniya ay simbolo ng pag-asa sa likod ng mga dagok ng pandemya na ating kinakharap magpasahanggang ngayon.
Oldest Document Contest
Noong October 30, nagsagawa ang Museum Office sa pamumuno ni Museum Consultant Gloria de Vera-Valenzuela ng “Search for the Oldest Document in Bayambang” bilang parte ng pagdiriwang sa buwan ng Oktubre ng Museums and Galleries Month na may temang, “Engaging Exhibitions for Emerging Generations.” Sa pakulong ito ay nanalo ang isang entry na mga resibo ng amilyar mula pa sa taong 1909.
Giant Parol sa Prayer Park
Nagniningning ang panahon ng Kapaskuhan sa St. Vincent Ferrer Prayer Park matapos itayo rito kinagabihan ng Nobyembre 27 ang isang higanteng parol na galing pa ng Pampanga, salamat sa ating mga municipal engineer at sa staff ng Tourism Office. Ang kumukutikutitap na giant Pampanga lantern, pati na ang 40 feet na Christmas tree sa Plaza at mga pailaw, ay pawang donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.
SPORTS AND WELLNESS
LGU Fitness Center Opens
Noong November 16, pormal nang binuksan ang LGU Fitness Center na nasa Balon Bayambang Events Center. Ang Fitness Center ay para muna sa mga empleyado ng LGU, mga locally based national government agencies, at barangay officials upang makatulong sa kanilang pagnanais na maging malusog ang pangangatawan at maging mas epektibong lingkod-bayan. Ang Fitness Center ay naglalaman ng mga bagong gym equipment, at marami sa mga ito ay idinonate ng pamilya ni Mayor Cezar Quiambao.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Farm Inputs and Tractor from DAR
Noong October 31, inasistehan ng Municipal Cooperative Development Office, kasama ang Municipal Agriculture Office, ang Department of Agrarian Reform sa distribusyon nito ng 100 bags ng certified palay seeds, 100 bags ng 14-14-14 fertilizer, at 93 bags ng urea fertilizer sa 50 recipients na pawang myembro ng Northern Bayambang Multi-Purpose Cooperative at sa pag-award ng isang farm tractor sa Brgy. Batangcaoa.
RiceBIS Update: Field Day ng FFS
Nasa third session na ang Farmers Field School ng RiceBIS project ng PhilRice sa Bayambang. Noong November 4 at 5, nakilahok sa unang session ng Field Day ang mga naka-enroll na farmers upang i-apply sa aktuwal na sakahan sa San Vicente at Warding ang kanilang mga bagong natutunan sa integrated pest management mula sa ahensya, kasama ang Agriculture Office at Poverty Reduction Action Team.
MOA Signing para sa ASF Recovery Plan
Noong November 5 at 6, naganap ang paglagda ng Memorandum of Agreement ukol sa ASF recovery plan sa pagitan ng DA-RFO1 at mga benepisyaryo mula sa Barangay Tatarac, Carungay, Inirangan, at Apalen. Ito ay ginanap sa sa Tatarac Barangay Hall at Inirangan Barangay Hall.
Mga Bagong Seed Growers ng Bayambang
May mga bago nang seed growers ang Bayambang matapos makumpleto ng mga ito ang Seed Production Training and Certification for Seed Growers na funded ng Agricultural Training Institute - Regional Training Center 1 noong Nov. 23-27 sa Brgy. Pantol Covered Court at sa Balon Bayambang Events Center.
GAP Training for Onion Farmers
Nagkaroon ng dalawang araw na training sa Good Agricultural Practices (GAP) on Onion Production ang mga lokal na onion farmers noong Nobyembre 27-28 sa Royal Mall, sa pag-oorganisa ng Municipal Agriculture Office (MAO). Ang mga naging speakers ay galing sa iba't-ibang ahensya at kooperatiba.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Pre-Registration Seminar for 3 Co-ops
Patuloy ang pagpupunyagi ng Municipal Cooperative Development Office (MCDO) sa pagpapalaganap sa kooperatiba bilang instrumento sa pagsugpo sa kahirapan. Ang MCDO ay nagconduct ng Pre-Registration Seminar para sa proposed Radiant Dragon Gran Society Consumers Cooperative, San Vicente Business Trading and Owners Consumers Cooperative, at Bgry. Asin Women's Agriculture Cooperative.
Ease of Doing Business Forum 2020
Noong November 11 sa Events Center, umattend ang mga Punong Barangay sa isang webinar ng DILG ukol sa Ease of Doing Business Forum 2020, na may temang "Accelerating Local Economic Growth Amidst the New Normal."
Sa forum ay tinalakay ang mga polisiya ng pamahalaan sa pagbabalik-operasyon ng mga local businesses sa panahon ng new normal upang magbalik-sigla ang ekonomiya.
Kasama ng DILG ang DTI, DICT, Anti-Red Tape Authority, at Union of Local Authorities in the Philippines.
Pre-Registration Seminar sa Brgy. Duera
Noong November 10, nagsagawa ang Municipal Cooperative Development Office ng Pre-Registration Seminar sa Barangay Duera upang imungkahi sa mga Farmers Agriculture Cooperative ang kahalagahan ng pagpaparehistro ng kanilang Kooperatiba.
2nd Negosyo Summit: “Buy Local”
Sa pangalawang pagkakataon ay nagsagawa ng Negosyo Summit ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa Events Center noong November 19 at 20. Dito ay tinipon ang mga micro-, small at medium enterprises o MSMEs ng Bayambang upang bigyan sila ng tip kung paano maging supplier ng LGU sa pamamagitan ng procurement process nito, at upang itaguyod ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto at serbisyo.
Modernized PUJ
Noong November 20, inilunsad ng LTFRB sa Municipal Plaza ang modernized PUJs ng New Bayambang UV Express Transport Corporation na may byaheng Dagupan City to Bayambang bilang parte ng PUV modernization program ng national government. Naroon naman ang MPDC upang isumite sa LTFRB ang Local Public Transportation Plan ng Bayambang.
DTI Zero Interest Loan
May labingwalong lokal na negosyante ang naging inisyal na benepisyaryo ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES Program ng Department of Trade and Industry, sa turnover ceremony sa Niña's Cafe ng November 28. Ito ay dinaluhan nina Mayor Cezar Quiambo at former Congresswoman Rachel Arenas at inorganisa ng BPRAT sa gabay ng DTI. Nakatakdang ipautang na walang interes ang pondong galing kay Congreswoman Arenas sa mga negosyanteng nakapasa sa mga requirement ng DTI na nais bumangong muli sa panahon ng pandemya.
Branding Your Business
Noong November 27 sa Municipal Annex Bldg., isang Branding Your Business Seminar ang ibinigay ng Negosyo Center Bayambang sa mga MSMEs mula sa Public Market. Si SB staff at former PSU Instructor Rosbelle Magno ang naging resource speaker
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Narito naman ang mga latest update sa infrastructure projects ng LGU:
Ongoing - Construction of Core Local Access Road in Brgy. Magsaysay
Ongoing - Construction of Core Local Access Road in Brgy. Langiran
Ongoing - Construction of Diversion Road Project in San Vicente
Ongoing - Construction of Core Local Access Road in Idong
Municipal Accounting Office Extension
ENVIRONMENTAL PROTECTION
ALS Tree-Planting Activity
Noong November 26, bilang parte ng pagdiriwang ng National Children's Month, nag-organisa ang MSWDO ng isang tree-planting activity sa Manambong Sur kasama ang mga lokal na Alternative Learning System students at sa tulong ng Local Youth Development Office, MDRRMO, SK Federation President, ALS Coordinator, Agriculture Office, at Manambong Sur barangay officials.
DISASTER RESILIENCY
Salamat Po, Ka Eduardo Manalo
Noong October 31, malugod na tinanggap ni Mayor Quiambao ang handog na regalo ni Ka Eduardo Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, sa araw ng kanyang kaarawan. Sa Lingap sa Mamamayan project na ito ng Iglesia ng Kristo, mayroong 2,000 food packs ang ipinamahagi para sa mga taga-Brgy. Ambayat 1st, Ambayat 2nd, Warding, at Managos.
Preparation for Typhoon Rolly
Dahil sa banta ng Bagyong Rolly, ang Bayambang MDRRMC ay puspusan ang naging paghahanda sa pamamagitan ng pagpupulong, tuluy-tuloy na pagmonitor sa lebel ng Agno River, pagpeprepara ng mga rescue equipment, at paglilinis sa mga evacuation centers.
MCTQ Activates ICS
Pagdating ng October 31 ay kaagad na inactivate ni Mayor Cezar Quiambao ang Incident Command System ng LGU-Bayambang upang magkaroon ng initial response at assessment sa sitwasyon.
Bunsod nito ay nagsagawa naman ng Incident Briefing ang MDRRMC, kasama ang BFP at barangay officials, upang talakayin ang tungkol sa relief goods, evacaution centers, at required manpower.
MDRRMC Completes ICS Round
Sa unang pagkakataon, nagamit nang husto ang Incident Management Team sa ilalim ng Incident Command System upang magkaroon ng sapat ng pagplano at paghahanda sa parating na bagyo. Ito ang unang pagkakataon na nakumpleto ang isang round ng mga briefing at pagpupulong sa ilalim ng Incident Command System, at dito napag-alaman ang extent ng damage sa mga pananim ng pagbahang dala ng nauna pang bagyo na pinalala ng Typhoon Rolly.
Post-Disaster Needs Assessment
Noong November 13, inumpisahan ng MDRRM Office ang kanilang Post-Disaster Needs Assessment upang makita kung aling mga lugar ang sinalanta ng Bagyong Ulysses at makita kung sinu-sino ang nangangailangan ng agarang tulong. Kanilang vinalidate ang mga nakalap na reports sa pamamagitan ng isang serye ng ocular inspections sa mga nasalantang lugar.
MDRRMO Radio Communication Tower
Kasalukuyang itinatayo ng MDRRMO ang Radio Communication Tower nito. Layunin ng proyektong ito ang mapabilis ang komunikasyon sa pagitan ng 77 barangays ng Bayambang at ng mga departamento at ahensya ng pamahalaan sa panahon ng sakuna.
4Q NSED
Noong November 27, nakipagcoordinate ang MDRRMO sa mga elementary schools ng Bayambang para idaos online ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Ito ay tinawag na Virtual Tabletop Exercise. Pagkatapos ay nagkaroon ng awarding ceremony para sa top 3 schools na pinakamaagang nagsumite ng kanilang datos.