Monday, June 1, 2020

LGU Accomplishments for May 2020

LGU Accomplishments for May 2020

GOOD GOVERNANCE

MCTQ, Patuloy ang Pagsisilbi sa Bayan

Patuloy si Mayor Cezar T. Quiambao sa pangunguna sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang at sa pagsiguro na natutulungan ang mga Bayambangueño sa ating laban kontra COVID-19. Sa tulong ng video conferencing at online group chat ay minomonitor niya ang mga kaganapan, dumadalo siya sa mga pagpupulong, at regular na na-uupdate ukol sa lahat ng hakbangin ng LGU. Ito ay matapos niyang i-anunsyo sa publiko na siya ay nagpositibo sa COVID-19, ngunit sa kabila ng kanyang karamdaman ay nananaig ang pagtupad niya sa katungkulan at pagmamahal sa bayan.


LIVELIHOOD

*

FINANCIAL ADMINISTRATION

*

HEALTH

Markers Inilagay Para sa Physical Distancing

Noong May 1 ay naglagay ang Special Economic Enterprise ng mga markers o tanda sa pamilihang bayan upang masiguro na sinusunod ng mga mamimili ang inirekomendang physical distancing.

Isa ito sa mga mapapansing pagbabago bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan alinsunod sa tinatawag na “new normal.”


30 Katao sa Pugo EC, Tapos na sa Quarantine

Makakasama na ng 30 Bayambangueño na nasa Brgy. Pugo Evacuation Center ang kanilang mga pamilya matapos nilang makumpleto ang 14 na araw ng mandatory quarantine noong May 6.

Ayon kay Dr. Paz Vallo, nagkaroon ng isang simpleng 'graduation ceremony' sa lugar kung saan nakatanggap ang mga 'graduates' ng certificate.


RHU Personnel, Patuloy sa Thermal Scanning at Disinfection Activities

Magsimula noong nagkaroon ng enhanced community quarantine ay hindi na tumigil ang mga kawani ng Rural Health Unit I sa pagbantay sa entrance patungo sa pamilihang bayan upang masigurong lahat ng mamalengke doon ay ligtas sa nakahahawang sakit.

Katuwang ng RHU I staff sa trabahong ito ang mga kawani ng Philippine National Police, Public Order and Safety Office, at Special Economic Enterprise.


Rapid Testing ng mga LSIs

Tuluy-tuloy ang Rural Health Unit sa ilalim ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, sa pag-conduct ng rapid testing sa mga locally stranded individuals gamit ang test kits na donasyon ni Mayor Cezar T. Quiambao.

Ang testing ay ginaganap sa Bayambang National High School Gymnasium sa tulong ni BNHS Principal Virgil Gomez.


Mga Establisimyento, Ininspeksyon Ukol sa Health Protocols

Noong May 19, nag-spot checking inspection ang Rural Health Unit, kasama ang kapulisan, sa mga grocery store at iba pang establisimyento kung ang mga ito ay sumusunod pa rin sa mga patakaran gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask, at paglalagay ng alcohol o sanitizer rub at foot o shoe bath sa entrance.
Ayon kay Municipal Health Officer Dra. Paz Vallo, Kinakailangan sundin ang minimum health standards upang ang ating mga sakripisyo sa 2-month quarantine ay hindi masayang.


BNHS, Itinalaga Bilang Quarantine Facility Para sa mga LSIs

Noong May 15, nag-umpisang italaga ng lokal na pamahalaan ang Bayambang National High School bilang pansamantalang quarantine facility para sa mga locally stranded individuals o LSIs na umuwi ng walang kaukulang dokumento.

Ito ay mga paraan upang masigurong nananatiling ligtas sa nakahahawang sakit ang mga Bayambangueño sa panahon ng general community quarantine.


EDUCATION

Municipal Library, Subscriber sa World Book Online

Salamat suporta ni Mayor Cezar T. Quiambao, ang Bayambang Municipal Library ay ang unang municipal library sa bansa na naging subscriber sa World Book Online.

Ang mga lokal na guro at mag-aaral, pati na mga kawani ng LGU, ay mayroon nang free access sa libo-libong reference books na di madaling mahanap. Mag-rpivate message lamang sa Bayambang Municipal Library.


Tech4Ed Services, Tuluy-Tuloy sa Municipal Library

Tuluy-tuloy ang serbisyo ng Bayambang Municipal Library para sa free online application for birth certificate, marriage certificate, death certificate, CENOMAR application, at appointment for NBI clearance application.
Magprivate message lamang sa Facebook page ng Bayambang Municipal Library upang maiproseso ang inyong transaksiyon. Hindi muna kailangang magsadya sa ating Municipal Library para sa mga naturang serbisyo.


OTHER SOCIAL SERVICES

Ayuda Mula sa SAP ng DSWD, Pinamahagi para sa mga Bayambangueño

Noong April 22 nagsimulang mamahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Kimberly Basco ng cash assistance mula sa Emergency Subsidy Program na nakapaloob sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD. May 16,000 na mga kwalipikadong residente ang inilaan ng DSWD para sa Bayambang, at ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng cash na nagkakahalagang 5,500 pesos. Naging kaagapay ng MSWDO staff ang mga Municipal Links ng DSWD-Region I, PNP-Bayambang, barangay officials, at ilang piling empleyado ng LGU.


Relief Packs, Pinamigay ng MSWDO sa PWDs

Noong April 22 ay nagsimula ring magpamahagi ng mga relief packs ang Municipal Social Welfare and Development Office sa mga persons with disability (PWDs) sa iba't-ibang barangay ng Bayambang. Ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng naturang sektor na isa sa mga pinakalubhang naapektuhan ng community quarantine. May 1,870 PWDs ang naabutan ng mga relief pack.


Distribusyon ng Social Pension ng Indigent Seniors

Noong May 28, sinimulan ng Municipal Social Welfare and Development Office ang distribusyon ng DSWD social pension para sa mga indigent senior  citizen.

Sa unang batch ay nakatanggap ang 932 na benepisyaryo ng P3,000 cash kada senior citizen. Ang halagang ito ay katumbas ng anim na buwan na monthly social pension (P500/month).


2nd Wave ng Relief Operations, Isinagawa

Noong May 5, nag-umpisa nang mamahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng second wave ng relief goods para sa mahigit na 11,000 na pamilyang hindi nakasama sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay MSWD Officer Kimberly Basco, kada relief pack ay may lamang walong kilong bigas, isang kilong munggo, isang buong manok, at mga gulay. Ang munggo, manok at gulay ay donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.


PEACE AND ORDER

KKSBFI Nag-donate ng 4 Motorbikes sa PNP

Ang Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. sa pangunguna ni President and CEO Romyl Junio at sa ilalim ng patnubay ni Mayor Cezar Quiambao ay namigay ng apat na motorsiklo sa PNP Bayambang sa pamumuno ni PLtCol. Norman Florentino.

Ito ay bilang pagsuporta sa natatanging pagganap sa kanilang tungkulin upang tulungang masugpo ang COVID 19.


AGRICULTURAL MODERNIZATION

Mga Magsasaka, Tumanggap ng Cash Cards mula sa DA

Noong April 28 ay nag-umpisa na ang Agriculture Office sa distribusyon ng cash cards para sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers' Financial Assistance Program ng Department of Agriculture. Mayroong 1,556 na benepisyaryo mula sa mga lokal na farmers' association ang tumanggap ng cash card. Ito ay makakatulong sa kanila ngayong lubos na apektado ng krisis ang kanilang kabhayan.


ECONOMIC DEVELOPMENT

Price Freeze, Pinaalala sa Market Vendors

Patuloy sa pag-aanunsiyo ang tanggapan ng Special Economic Enterprise ukol sa umiiral na price freeze sa mga basic commodities ngayong panahon ng pandemya.

Upang maiwasan ang overpricing, kanilang inoobliga ang mga tindero at tindera na maglagay ng price tag sa kanilang mga paninda.

Kasama naman ang DTI, naglibot din ang SEE sa lahat ng mga parmasya sa bayan upang mamonitor din ang presyo ng kanilang mga gamot at iba pang produkto.


INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

Bagong Daan Diretso sa Evacuation Centers

Gumawa ng daan ang Engineering Office mula Brgy. Wawa hanggang sa San Gabriel 1st Evacuation Center at Pugo Evacuation Center upang masiguro na wala nang bahay ang madadaanan sa pagdala sa mga Bayambangueño na PUM o PUI at mas mapadali sa mga frontliner ang pagpunta sa mga pasilidad. Sa mga nasabing Evacuation Center dinadala ang mga Bayambangueñong nagmula sa ibang probinsya o bayan upang doon nila makumpleto ang 14-day quarantine para sa kaligtasan ng lahat.

Si Coun. Benjamin de Vera, Engr. Joe Rivera, at former Coun. Gerardo De Vera ang nanguna sa pakikipag-usap sa mga may-ari ng lupa na siyang apektado ng daanang ito.


Declogging ng Drainage sa Poblacion Area

Sa panahon ng tag-ulan ay nag-declogging ang Engineering Office sa mga kanal sa Poblacion area. Ang lokal na pamahalaan ay nakiusap sa lahat na huwag magtapon ng basura kung saan-saan sapagkat nagiging sanhi ito ng pagbara ng mga kanal at estero at nauuwi sa perwisyong dulot ng pagbaha.


Construction ng Cross Drainage sa Poblacion Sur

Nagsagawa ng construction ng isang cross drainage system sa Poblacion Sur. Ito ay isang hakbang upang tulungang maiwasan ang malimit na pagbaha sa lugar.


ENVIRONMENTAL PROTECTION

Sila ay Frontliners Din

Ang mga kawani ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) ay maituturing ding frontliners sa panahong ito ng pandemya. Sa kanilang araw-araw na tungkulin bilang garbage collectors, sorters, at organic soil enhancers, sila ay humaharap din sa panganib sa nakahahawang sakit. Nagpapasalamat ang ESWMO kay Mayor Cezar Quiambao at Mayora Niña Jose-Quiambao sa pamimigay ng personal protective equipment (PPE) sa mga frontliners ng ESWMO.


DISASTER RESILIENCY

MDRRMO, Rumisponde sa Insidente ng Buhawi

Rumisponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa isang insidente ng buhawi sa Brgy. Manambong Parte na nanalasa sa kabahayan at kabukiran doon noong gabi ng April 27. Ayon by MDRRM Officer Genevieve U. Benebe, ang 17 na kabahayan na apektado ng buhawi ay binigyan ng relief packs ng MDRRMO sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office. Nakatakda ring bumisita ang lokal na Agriculture Office doon upang gumawa ng damage assessment sa mga pananim.


Donasyon Mula sa Bayambang Association of Southern California

Maraming salamat sa Bayambang Association of Southern California sa kanilang donasyon na iba’t-ibang klase ng gulay na nagkakahalaga ng $2,500!

Ang mga gulay ay ipapamahagi sa 77 barangays bilang parte ng 2nd wave ng relief distribution para sa mga Bayambangueño.


Donasyon Mula sa BNHS Batch '80

Noong May 22, tinanggap ni Vice-Mayor Raul Sabangan sa pangalan ng LGU-Bayambang ang
donasyon ng Bayambang National High School Class of 1980 na parte ng kanilang fund drive
bilang suporta sa COVID-19 Balik Probinsya Program ng pamahalaan.

Kabilang sa kanilang donasyon ay saku-sakong bigas, itlog, at mga de lata.

Ang LGU-Bayambang ay nagpapasalamat sa BNHS Batch '80 na pinamumunuan ni Class
President Aurora Glenda Ramos.


Donasyon sa  SK Federation Mula kina Vice Mayor at Councilors

Nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan Federation kay Vice Mayor Raul  Sabangan sa donasyon nitong isang trak ng manok at kina Councilor Benjie de Vera at Levinson Uy sa donasyon nilang saku-sakong bigas para sa bayanihan drive ng Sangguniang Kabataan ng iba’t-ibang barangay. 

No comments:

Post a Comment