Isang malaking pagsubok ang kinaharap ng buong mundo nitong mga nakaraang buwan dahil sa COVID-19 pandemic, at kasama na rito ang bayan ng Bayambang.
Pebrero pa lang ay nauna nang magkansela ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng piyesta ang ating ayan, at kapalit nito ay ang pinaigting na information campaign ukol sa kumakalat na nakakahawang sakit na wala pang lunas.
Subalit sa kalagitnaan ng Marso ay nanguna ang Bayambang na magkaroon ng kaso sa probinsya ng Pangasinan, at sa kasawiang-palad ay agad na nagbuwis ng buhay ang isang duktor ng bayan at ang maybahay nito.
Dahil sa umiral na lockdown at extreme enhanced community quarantine, sari-saring krisis ang sabay-sabay na nagsisulputan: pagtigil at pagkawala ng hanapbuhay, pagsarado ng karamihan sa mga establisimyento, paglimita ng galaw ng tao, at pagka-antala ng dating ng iba't-ibang supply, na siyang nagdulot ng samut-saring abala. Ito ay nagdulot ng masidhing kakulangan sa lahat ng pangangailangan ng mga pamilya, una na ng pagkain sa araw-araw.
Higit pa sa unos, ang pangyayari ay mistulang isang malaking bangungot na siyang sumubok sa tibay ng dibdib at tatag ng pananampalataya ng lahat. Sa likod ng mga agam-agam, patuloy ang LGU Bayambang na gumawa ng paraan sa lubos ng makakaya nito upang tulungang ibsan ang biglaang pangangailangan ng mga kababayan. Mula sa mga frontliners nito, hanggang sa mga namamahala sa pagkalap at distribusyon ng relief goods, pamamahala sa Pamilihang Bayan, at pangongolekta ng mga basura, piniling magpakabayani ng mga opisyal at empleyado magampanan lamang ang sinumpaang tungkulin. Kahit may matinding pangamba ay pinilit nilang manilbihan na ang tanging baon lamang ay ang pananampalataya sa Diyos at pamumuno ng administrasyong Quiambao-Sabangan.
Di naman nagpahuli ang pribadong sektor sa pagkakawanggawa, sa pamamagitan ng pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga magigiting na frontliners. Sa huli ay naghari pa rin ang bayanihan dahil sa kabutihang loob ng maraming BayambangueƱo.
Mahirap mang bumangon sa bangungot na dulot ng COVID-19, hindi naman makakalimutan ang pag-iral ng kabayanihan at pagkamakabayan ng lahat ng pumiling maglingkod sa kapwa sa kabila ng banta ng pagkahawa sa mabagsik na bagong coronavirus.

No comments:
Post a Comment