Thursday, March 5, 2020

LGU Accomplishments for March 2020

GOOD GOVERNANCE

Dagdag Asset ng LGU: 3 Bagong Avanza

Dumating noong February 28 ang tatlong Toyota Avanza na nagkakahalaga ng P998,000 bawat isa. Ang mga ito ay karagdagang asset ng munisipyo sa pagbibigay ng mabilisang serbisyo publiko.

Tricycle Task Force, Binuo

Noong March 11, nagpulong sa Municipal Conference Room ang isang bagong-buong Task Force upang pag-aralan ang implementasyon ng 'No Tricycle' policy ng gobyerno sa tatlong national roads sa Bayambang upang mabawasan ang insidente ng mga sakuna dulot ng slow-moving vehicles sa mga highway. Ang Task Force ay binubuo nina Mayor Cezar Quiambao na nirepresenta ni Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr., Councilor Martin Terrado II bilang SB Chairman on Public Transportation, Liga ng mga Barangay President, MPDC, Legal Officer, MLGOO, POSO Chief, at Bayambang PNP Chief. Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang mas pinaigting na clearing ng mga natitirang road obstructions upang magbigay daan sa tricycle lane sa magkabilaang outer lanes ng mga naturang daan.

LIVELIHOOD

MOA Signing para sa DSWD Sustainable Livelihood Program

Sa pangunguna ni Mayor Quiambao ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang LGU Bayambang para sa implementasyon ng mga Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Sa MOA signing na ito na ginanap sa Municipal Conference Room noong March 4 ay nasiguro ang P3.8M budget para sa mga livelihood project na mismong mga benepisyaryo ang pipili. Nakatakdang makuha ang pondo sa buwan ng Hunyo at maiimplementa ang mga proyekto sa sampung barangay mula Agosto hanggang Septyembre 2020.

FINANCIAL ADMINISTRATION  

 BPLO in Action

Sa nakaraang linggo ay nagsagawa ang Business Processing and Licensing Office ng inspeksyon at issuance ng demand letter para sa iba't-ibang negosyo na itinayo sa Brgy. Magsaysay, Telbang, Buayaen, Poblacion Sur, at Tambac. Ito ay upang paalalahanan ang bawat negosyante sa kanilang tungkuling magbayad ng business tax na siyang nagdadagdag sa revenue ng munisipyo.

HEALTH 

RHU I, Animal Bite Treatment Center Na!

Naging certified Animal Bite Treatment Center na ng Department of Health ang Rural Health Unit 1. Ibig sabihin ay maaari nang magpabakuna ng libre kada Martes at Biyernes ang mga taga-Bayambang doon kapag sila ay nakagat ng aso at pusa.

Opening Soon: RHU IV sa Brgy. Macayocayo

Malapit nang magbukas ang ating Rural Health Unit IV sa Barangay Macayocayo upang pagsilbihan ang pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan sa 6th District.

Info Campaign ukol sa COVID-19 Atbp, Pinaigting

Patuloy si Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo kasama ang buong puwersa ng RHU 1, 2 and 3 at ng Department of Health sa pagbibigay ng tamang kaalaman ukol sa COVID-19 at iba pang sakit upang maging handa ang bawat barangay sa pagresponde ayon sa protocol ng DOH.

Inaabisuhan ang lahat na laging panatilihing malinis ang paligid at pangangatawan, hugasang mabuti ang mga kamay, kumain ng wasto, at iwasan munang makihalubilo sa matataong lugar, at kaagad na magpacheck-up kung may nararamdamang mga sintomas. Iwasan din po natin ang magpanic-buying para sa kapanatagan ng lahat.

“IEC on Responsible Parenthood and Maternal Health Care with Free Lab Check-Ups,” Inilunsad ng RHU II

Ang Rural Health Unit II sa Brgy. Wawa, sa pamamahala ni Dra. Adrienne A. Estrada, ay nagsagawa ng “Buntis Party” noong March 6 sa Wawa Barangay Hall at March 10 sa Telbang Barangay Hall.

Ang mga ito ay dinaluhan ng may 66 na buntis na nagmula sa catchment area ng RHU II. Ang programa ay nagbigay-impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pagbubuntis, tamang paraan ng pagpapasuso ng ina (breastfeeding), at pagpaplano ng pamilya. Nagsagawa din sila ng libreng laboratory tests gaya ng CBC, urinalysis at syphilis screening.

Pep Talk para sa Boluntaryong Pagbibigay ng Dugo

Ang Rural Health Unit III, sa pamamahala ni Dra. Adrienne Estrada, ay naglunsad ng isang "Pep Talk" noong ika-10 at 11 ng Marso 2020 sa Moises Rebamontan National High School at Hermoza National High School. Ito ay dinaluhan ng  241 estudyante mula Grade 11 at 12 sa nasabing mga high school. Ang programang ito ay naglalayon na mabigyan ng impormasyon ang mga estudyante tungkol sa kahalagahan at benepisyo ng pagdo-donate ng dugo, at dagdag impormasyon din tungkol sa paksang COVID-19 at TB-DOTS.

Info Campaign ukol sa COVID-19 Atbp, Pinaigting

Patuloy si Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo kasama ang buong puwersa ng RHU 1, 2 and 3 at ng Department of Health sa pagbibigay ng tamang kaalaman ukol sa COVID-19 at iba pang sakit upang maging handa ang bawat barangay sa pagresponde ayon sa protocol ng DOH. Inabisuhan ang lahat na laging panatilihing malinis ang paligid at pangangatawan, hugasang mabuti ang mga kamay, kumain ng wasto, at iwasan munang makihalubilo sa matataong lugar, at kaagad na magpacheck-up kung may nararamdamang mga sintomas. Iwasan din po natin ang magpanic-buying para sa kapanatagan ng lahat.

OTHER SOCIAL SERVICES

Tsinelas Ipinamahagi sa Macayocayo ES

Noong March 2 ay namahagi ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng libreng tsinelas sa Macayocayo Elementary School. Ang mga tsinelas na ito ay nalikom ng BPRAT mula sa ginanap na Padyak Laban sa Kahirapan bicycle fun ride noong August 28, 2019 bilang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

PEACE AND ORDER

MADAC Symposium, Ginanap Muli

Nag-organisa ang Bayambang Municipal Police Station ng isa na namang Municipal Anti-Drug Abuse Council Symposium para sa mga drug reformist sa Events Center noong March 4. Ito ay dinaluhan nina Mayor Cezar Quiambao bilang MADAC Chairman ng LGU, PNP-Bayambang OIC Chief Marceliano Desamito Jr. bilang Vice-Chairman, Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario, at Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr.

Adhikain ng symposium na maipagpatuloy ang drug-free status ng Bayambang at tuluy-tuloy na suportahan ang War on Drugs ng pamahalaan. Parte ng symposium ang isang mandatory drug test sa tulong ng Pangasinan Crime Laboratory at ng RHU 1.

ECONOMIC DEVELOPMENT

BAMACADA Transport Co-op General Assembly  

Noong March 12, umattend sa Royal Mall ang Municipal Cooperative Development Office sa Second General Assembly Meeting ng BAMACADA Transport Cooperative, isang co-op ng local mini-bus operators, kasama ang Cooperative  Development Authority-Dagupan at Office of Transport Cooperative.

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

COMPLETED: Ligue-Tococ West-Tanolong Roadline under DILG funding

ONGOING:  Slope Protection for Ligue-Tanolong-Tococ West Roadline

ONGOING: Road asphalting in Brgy. Hermoza, Telbang, and MH Del Pilar

ONGOING: Tococ West-Ligue Roadline under the Local Govt Support Fund of the Department of Budget and Management

ONGOING: Reynado-Inanlorenza Roadline under the DBM fund

ENVIRONMENTAL PROTECTION

ESWMO Project: Bag at Bayong na Gawa sa Plastic Straw

Patuloy ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance #19 o ang pagbabawal sa paggamit ng mga single-use plastics sa bayan ng Bayambang. Bilang pagpapaigting sa ordinansang ito, ang mga staff ng ESWMO ay gumagawa ng mga bag at bayong gamit ang mga plastic straws bilang alternatibo sa mga sando bag na ginagamit sa pamamalengke. Pinayuhan din ng departamento ang lahat na sumunod sa "Bring Your Own Bag" policy. 

DISASTER RESILIENCY

 Cash Assistance Mula DA-Region I, Pinamahagi na sa mga ASF-Affected Barangays

Nabigyan ng ayuda ang mga apektadong mamamayan ng apat na barangay ng Bayambang na higit na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF), kabilang na ang Brgy. Apalen, Tatarac, Inirangan, at Carungay noong March 12. Umabot sa 255 na mamamayan ang nakatanggap ng tseke mula sa DA-Region I.

Sila ay nabigyan ng P5,000 para sa bawat piraso ng alagang baboy na naapektuhan ng culling operations, ngunit 20 piraso lamang ng na-cull na baboy ang maximum na makakatanggap ng karampatang ayuda sa bawat may-ari ng baboy.

Samakatuwid, P100,000 na ang pinakamalaking halaga na natanggap ng ilan sa mga apektadong mamamayan.

No comments:

Post a Comment