Bayambang, Dapat Alam Mo! - CSO Accreditation / Participatory Governance
May ginagawa ka bang proyekto para sa kapwa? Ikaw ba ay bahagi ng isang samahan na naglilingkod sa komunidad? Ngayon, may pagkakataon ka para mas mapalakas ang inyong boses.
Bayambang, dapat alam mo na mahalaga ang boses ng bawat sektor. Kaya’t iniimbitahan namin ang lahat ng Civil Society Organizations na magpaakredit sa ating Lokal na Pamahalaan.
Ano ba ang ibig sabihin ng akreditasyon?
Ang accreditation ay isang opisyal na proseso kung saan kinikilala ng pamahalaang lokal ang inyong organisasyon bilang katuwang sa pamamahala. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng puwang ang inyong grupo sa paggawa ng desisyon, pagbibigay ng suhestiyon, at aktibong pakikilahok sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran ng ating bayan.
Gusto niyo bang maging accredited? Narito ang mga kailangang dokumento!
1. Liham ng aplikasyon
2. Application Form para sa Accreditation
3. Board Resolution para sa layuning kumatawan sa LSB
4. Certificate of Registration o NCIP Certification (para sa IPOs)
5. Listahan ng mga kasalukuyang opisyal
6. Minutes ng Annual Meeting (kung higit isang taon nang aktibo)
7. Ulat ng mga nagawa noong nakaraang taon
8. Financial Statement na may pirma ng mga opisyal
O di ba? Ganoon lang kadali!
Ngayon, ano naman ang mahalagang gampanin ng isang CSO?
1. Makilahok sa pagpaplano, pagpapatupad, pagsubaybay, at pagsusuri ng mga programa ng LGU
2. Manatiling independiyente sa pulitika
3. Magbigay ng datos at impormasyon sa Local Special Boards
4. Magsagawa ng konsultasyon sa publiko tungkol sa mga isyung pansektor
5. Sumali sa CSO Capacity Development Program para sa pagpapalakas ng inyong kakayahan
Bayambangueño, dapat alam mo na oras na para marinig ang boses ng inyong organisasyon. Ipaakredit na ang inyong CSO at maging katuwang ng pamahalaan sa paghubog ng isang mas maunlad at makataong bayan.
No comments:
Post a Comment