SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
HEALTH FOR ALL
KSB Year 6, Inihatid ng Maayos sa Amanperez
Noong unang Biyernes ng buwan, July 7, sa Amanperez Covered Court, naman naging abala ang buong pangkat ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 upang maayos na ihatid ang mga libreng serbisyo mula sa Municipio para sa mga residente ng Brgy. Tococ East, Tococ West, at Amanperez. Lubos ang kagalakan ng mga taga-barangay dahil sa patuloy na paghahatid ng Total Quality Service sa kanilang lugar. Mayroong 585 benepisyaryo sa aktibidad na ito, ayon sa ulat ni Dr. Roland Agbuya.
- Health (RHUs)
RHU II, Nag-iikot para sa IEC Kontra Teenage Pregnancy
Noong July 4, nagsimulang mag-ikot ang RHU II sa kanilang catchment area upang magsagawa ng information campaign laban sa teenage pregnancy. Ang IEC sa Wawa Covered Court ay dinaluhan ng 25 participants, at ang IEC sa Amancosiling Sur Covered Court ay dinaluhan naman ng 18 participants. Layunin ng info drive na masugpo ang mga kaso ng maaga o di handang pagbubuntis at para maturuan din ang mga pregnant teenagers at teenage parents’ tungkol sa effective parenting.
Mobile Blood Donation Drive ng RHU III, Nagtapos sa Brgy. Hermoza
Ang mobile blood donation project ng RHU III, kasama ang Region 1 Medical Center, ay nagtapos sa Brgy. Hermoza noong July 6. Sa 50 registered donors, 22 katao ang naging successful donors. Tumulong ang Brgy. Hermoza at Brgy. Malioer sa pagbibigay ng pagkain sa mga donor. Sa apat na linggo ng mobile blood donation drive, nakakolekta ang RHU II at R1MC ng 121 blood bags.
BHWs, Pinulong para sa 2nd Quarter
Noong July 13, nagpulong ang lahat ng Barangay Health Worker ng Bayambang para sa 2nd quarter, kung saan naging tagapagsalita sina Dr. Paz Vallo, Dr. Roland Agbuya, at Jonathan Florentino. Dito ay pinaalalahan ang mga BHW ukol sa iba't-ibang isyu kabilang ang maternal delivery, waterborne diseases, at mga benepisyo ng blood donation.
Safety and Health Awareness Orientation for Executives, Isinagawa
Noong July 18 din, ang MDRRMO, katuwang ang Municipal Safety and Health Committee, ay nag-organisa ng "Safety and Health Awareness Orientation for Executives" para sa lahat ng department at unit heads at kanilang representatives sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay sa naising mabigyan ng pansin ang kaligtasan ng mga manggagawa sa kani-kanilang tanggapan ayon sa itinatakda ng batas. Naging lecturer si Leopoldo Rausa Jr. ng Mastery Consultancy OPC.
Blood Donation Drive, May 113 Donors
Noong July 24 pa rin, muling nagkaroon ng blood donation drive ang RHU I, II, at III at sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross, sa Balon Bayambang Events Center. Sa 154 na registered blood donors, may 113 na successful donors, ayon sa ulat ni Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo.
- Nutrition (MNAO)
National Nutrition Month, Binuksan sa Pamamagitan ng Amazing Race
Sa pagbubukas ng 49th National Nutrition Month, nag-organisa ang Municipal Nutrition Council ng isang patimpalak na sumubok sa lakas at talino ng mga kawani ng gobyerno. Ito ay ang "Amazing Race" na ginanap noong July 3 at nilahukan ng pitong grupo mula sa iba’t-ibang departamento ng Munisipyo. Kasama sa mga game na lumahok ang dalawang department head. Naging kampeon ang team Municipal Administrator, na nakatanggap ng P20, 000 cash prize.
Regional Dairy Caravan at Trade Fair
Kinabukasan, noong July 4, nagsagawa naman ng isang Dairy Caravan at Trade Fair ang Regional Dairy Farmers Livelihood Center-North Luzon sa Zone 7 Barangay Covered Court, sa pakikipagtulungan sa Nutrition Office at Agriculture Office. Ang mga Regional Dairy Safety Officers mula sa National Dairy Authority ay naglecture sa mga BNS, Mangayao Goat Dairy Farm employees, at farmers' association presidents tungkol sa paggawa ng dairy products mula sa gatas ng kambing at baka.
Nutrition Month 2023, Matagumpay na Nagtapos
Noong July 27, matagumpay na idinaos ng Municipal Nutrition Council ang Culminating Activity para sa 2023 Nutrition Month Celebration sa pamamagitan ng apat na aktibidad:
A. Una ay ang Nutrition A1 Child Year 5 featuring CDC Kids Got Talent.
B. Pangalawa ay ang awarding ng lahat ng winners sa iba't-ibang pacontest kabilang na ang Idol Nanay Contest, at mayroon ding awarding ng Certificate of Appreciation para sa lahat ng donors.
C. Nagkaroon din ng mini-exhibit ng mga winning entries sa Online Photo Contest.
D. Bilang panghuli, mayroon namang fundraising activity para sa mga undernourished children.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Year-Round Feeding Program ng Bountiful Children's Foundation, Tuluy-Tuloy
Tuluy-tuloy ang year-round feeding program ng Bountiful Children's Foundation Philippines sa iba't-ibang barangay. Noong July 8, 12 undernourished children sa Brgy. Inirangan ang kanilang naging benepisyaryo. Ang mga naturang kabataan ay minonitor din sa tulong ng Nutrition Office, upang masubaybayan ang pag-unlad ang kanilang nutrisyon at kalusugan.
2,050 CDLs mula sa 74 CDCs, Nagsipagtapos
May 2,050 Child Development Learners mula sa 74 na Child Development Centers ng Bayambang ang nagsipagtapos, sa magkakahiwalay na Moving-Up Ceremony mula June 10 hanggang june 13 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Naging Guest of Honor and Speaker sina Mayor Nina, Vice-Mayor IC, Municipal Administrator, Atty. Raj, at Provincial Focal Person on Children's Welfare, Dr. Richard Dizon.
Lomboy, Inihalal na Presidente ng Pangasinan LGBTQI League
Nahalal bilang Pangulo ng Liga ng mga LGBTQI President sa probinsya ng Pangasinan si LGBTQI Bayambang President 'Sammy' Lomboy Jr., sa isang pagpupulong na ginanap noong July 21 sa Lingayen Sanguniang Bayan Session Hall. Ang pulong na dinaluhan ng mga presidente ng LGBTQI Association mula sa iba't-ibang bayan sa probinsya ay pinangunahan nina Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil at Vice-Mayor Dexter Malicdem.
45th NDPR Week Celeb, May Free Medical, Dental at Wellness Services para sa PWDs
Noong July 27, nagbigay ang LGU, sa pamamagitan ng MSWDO PDAO at RHU, ng libreng medical, dental, at wellness services para sa mga PWD, bilang parte ng pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention & Rehabilitation Week. Bawat PWD ay nakatanggap ng iba't-ibang serbisyo sa Pavilion I ng St. Vincent Prayer Park. Dumating si Vice-Mayor IC Sabangan pang batiin ang mga PWD at PSWDO PWD Affairs Officer Jennifer Garcia upang talakayin ang Magna Carta for PWD.
- Civil Registry Services (LCR)
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
MRF, Isinaayos
Muling naipakita ng mga empleyado ng LGU-Bayambang ang kanilang angking sipag at dedikasyon sa trabaho noong Sabado at Linggo, July 22-23, nang magtulungang maisaayos ang Materials Recovery Facility (MRF) ng bayan sa Barangay Telbang. Pinangunahan ng mga staff mula sa ESWMO ang nasabing mga aktibidad kasama ang mga pinuno at staff ng MDRMMO, Engineering, BFP, Motorpool, PNP, BPSO, Admin at Agriculture. Ito ay upang siguruhin na nasusunod ng pasilidad ang mga batas na nagtatakda ukol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Mga Barangay MRF, Ininspeksyon ng DENR
Simula July 24 hanggang 27, lumibot ang DENR sa Bayambang upang tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng "Ecological Solid Waste Management Act" sa pamamagitan ng isang malawakang monitoring at validation. Ang prosesong ito ay isinasagawa sa pitumpu't pitong (77) barangay batay sa pagsunod ng mga barangay sa aprubadong 10-Year Solid Waste Management Plan ng National Solid
- Youth Development (LYDO, SK)
Qualifiers, Binigyan ng Laptop
Bilang pagsuporta sa mga PWD at sa inclusive education, nag-award ang LGU ng tig-iisang laptop para sa dalawang BNHS student na naging global qualifiers sa ICT Challenge na nakatakdang ganapin sa Abu Dhabi, U.A.E. Tinanggap nina Renz Baring at Mark John Reynosa ang kanilang bagong laptop noong July 24, sa presensiya ng mga opisyales ng LGU sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan.
- Peace and Order (BPSO, PNP)
Road Clearing Task Force, Muling Nag-warning sa mga Lumalabag sa Batas
Muling pinaigting ng Road Clearing Task Force ang implementasyon ng batas laban sa lahat ng road obstruction. Noong July 6, ginalugad ng Task Force sa pamumuno ng BPSO Chief ang kahabaan ng Quezon Blvd., Del Pilar, Bayambang-Basista Rd., Brgy. Tamaro, at Nalsian Sur upang magbigay ng babala sa mga lumalampas sa linya at nakaharang sa mga espasyo na nakalaan para sa mga pedestrian. Ang mga daang ito ay regular na minomonitor upang masiguro ang pagsunod sa naturang batas.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
P10M Grant, Iginawad sa Bayambang ng DA para sa Swine Project
Pinili ng DA Region I ang bayan ng Bayambang bilang isa sa dalawang bayan sa rehiyon upang palakasin ang produksyon ng karne ng baboy sa merkado sa ligtas na paraan. Ito ay sa pamamagitan ng isang proyektong nagkakahalaga ng P10,000,000. Sa INSPIRE, muling bubuhayin ang swine industry sa bayan sa pamamagitan ng clustering at consolidation ng mga maliilit na babuyan gamit ang modernong pasilidad
Local Farmers, Dumalo sa Provincial Corporate Farming Program Launching
Noong July 7, dumalo ang local farmers sa ginanap na "Launching of the Provincial Corporate Farming Program" sa Ramon J. Guico Sr. Sports & Civic Center, Binalonan, Pangasinan, na pinangunahan ni Governor Ramon Guico III, kasama si Mr. Jorge Yulo ng E-Agro. Tinanggap ng ating mga kababayan ang ilang bio-fertilizers bilang munting tulong sa pagsasaka.
Bayambang, Nakatanggap ng Isa pang Grant mula DA
Matapos ang P10-M grant para sa isang swine project, muling nakatanggap ng grant ang Bayambang mula sa Department of Agriculture. Ito ay mula naman sa Enhanced KADIWA Assistance Program na nagkakahalaga ng P5,000,000. Ayon sa BPRAT at MAO, na siyang naglakad ng mga papeles, ang halagang ito ay ipambibili ng hauling service vehicle at apat na multi-purpose drying pavements, na gagawin sa Brgy. Tampog, Manambong Sur, Pantol, at Mangayao.
OPAG, Nakipagpulong sa E-Agro
Noong July 20, nagtungo ang Provincial Agriculture Office at Provincial Agriculture Consultant sa Bayambang upang makipag-usap sa E-Agro bilang financial partner nito sa itatatag na Provincial Corporate Farming Program ng Kapitolyo sa ilalim ni Gov. Ramon V Guico III. Layunin ng naturang programa na maorganisa ang mga farmer cooperative at association sa probinsya para magkaroon ng isang corporate farm na may malakas na bargaining power at sustainable na farming o agro-industrial business.
LGU, Pormal na Tinanggap ang 10-M Check para sa Swine Project
Noong July 24, bumisita ang Department of Agriculture-Region 1 upang pormal na igawad ang P10-M check sa LGU para sa swine project na naglalayong buhayin ang livestock industry sa bayan. Naroon ang mga opisyales ng LGU sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan kasama ang mga nagproseso ng aplikasyon, ang Bayambang Poverty Reduction Action Team at Municipal Agriculture Office.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
-Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
4 Bayambangueño, Nakatanggap ng Nego Cart Package mula DOLE
May apat na Bayambangueño ang nakatanggap ng Nego Cart package na may kasamang street food products at nagkakahalaga ng P30, 000 bawat isa mula sa DOLE noong July 03, sa Events Center, sa pamamagitan ng MESO. Tinanaggap ng mga benepisyaryo ang kanilang Nego Cart package grant sa presensiya ng Municipal Administrator, MESO, at DOLE Central Pangasinan Field Office 1.
Job Fair ng PSU at MESO, May 31 HOTS
Sa job fair na isinagawa ng PSU-Bayambang at MESO ngayong araw, July 5, 2023, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, mayroong 285 job applicants ang nagregister, at sa mga ito, 31 ang hired on the spot, 280 ang qualified, at 36 ang near-hires.
Anim pang Bayambangueño, Binigyan ng Nego-Kart Package
Noong July 17, muling nagpamigay ang DOLE ng anim na Negosyong Kariton o Nego-Kart para sa bagong batch ng napiling mga benepisyaryong Bayambangueño, sa pakikipagtutulungan ng MESO. Bawat Nego-Kart ay nagkakahalaga ng P30,000, sapagkat lima rito ay may kasamang balut vending package at ang isa naman ay lugaw vending package. Ang proyekto at pinondohan ni Sen. JV Ejercito.
-Economic Development (SEE)
Market Employees, Nagtraining sa Pag-calibrate ng mga Timbangan
Noong July 12-13, nagsagawa ang Department of Science and Technology (DOST) ng dalawang araw na “Training on Calibration of Weighing Scales” sa Public Market. Sa pagsasanay, nabigyan ang mga Public Market employees ng mga bagong kaalaman sa pag-inspeksyon, pag-verify, pag-calibrate, pag-adjust, at pagselyo ng mga timbangan o weighing scale, partikular na iyung mga ginagamit ng mga market stall vendor. Ito ay alinsunod sa batas upang matiyak ang pagiging patas ng mga transaksyon sa kalakalan.
Atty. Vidad, Road-Clearing Task Force, Pinulong ang mga Sidewalk Vendor
Noong July 13, isang pulong ang ipinatawag ng Municipal Administrator sa mga bumubuo ng Road-Clearing Task Force upang linawin sa mga sidewalk vendor at tricycle driver ang iba't ibang isyu patungkol sa operasyon ng Task Force sa ilalim ng BPSO Chief. Binigyang-diin ni Atty. Vidad na kailangang ipatupad ang batas upang isulong ang karapatan ng pedestrian sa mga sidewalk, at iiwas naman ang mga sidewalk vendor at motorista sa posibleng sakuna, alinsunod sa DILG Memorandum Circular.
Siphoning Activity, Isinagawa sa Slaughterhouse at Public Market
Noong July 24, ang Special Economic Enterprise ay nagsagawa ng siphoning activity sa Municipal Slaughterhouse at Public Market, sa tulong ng Engineering at BFP bilang aksyon laban sa pagbabara ng drainage at pag-iwas na nakaka-abalang pagbaha sa lugar.
-Cooperative Development (MCDO)
Lapurga, Nanumpa Bilang Treasurer ng LCDOP-Pangasinan
Noong July 10, si Bayambang Municipal Cooperative Development Officer Albert Lapurga ay nanumpa bilang Ingat-Yaman ng Liga ng mga Cooperative Development Officers sa Pilipinas - Pangasinan Chapter, sa harap ni Governor Ramon V. Guico III sa Capitol Building, Lingayen.
-Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Bayambang, Nakasungkit ng P30-M Grant mula DOT!
Isa na namang malakihang pondo para sa isang proyekto ang nasecure ng bayan ng Bayambang. Noong July 13, ayon kay MTICAO head, Dr. Rafael L. Saygo, inanunsyo ng Department of Tourism Region I ang paglaan ng pondong nagkakahalaga ng P30 million para sa konstruksyon ng bagong Core Local Access Road na magkokonekta sa St. Vincent Ferrer
-Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
ONGOING: Asphalting of Barangay Roads under 20% Development Fund 2023
Samantala, naging abala ang Engineering Office sa pag-aaspalto ng iba't-ibang Core Local Access Roads sa iba't-ibang barangay, kabilang ang Brgy. Batangcaoa, Sanlibo, Carungay, Buenlag 1st, Zone V, at Magsaysay.
Mga Lehitimong Traysikel, Magkakaroon ng Unipormeng Pintura at Sticker
Ang lahat ng traysikel na may lehitimong prangkisa ay isa-isang pinapipinturahan ng Public Safety Office sa Motorpool bilang parte ng kampanya ng Munisipyo laban sa mga colorum at dahil na rin sa reklamo ng mga rehistradong tricycle driver. Sa pamamagitan ng uniform na pintura at sticker, mas madali para sa BPSO at PNP na matukoy at mahuli ang mga colorum na tricycle. Malaking tulong din ito sa kaligtasan ng mga commuter.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
Iba't-Ibang Aktibidad, Naging Parte ng National Disaster Resilience Month 2023
A. Puspusan ang MDRRMO-Bayambang sa pagsasagawa ng iba't-ibang aktibidad bilang parte ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2023. Sila ay nagsagawa ng information campaign sa 77 na barangay at 72 na paaralan,
B. nag-install ng solar lights sa Wawa Evacuation Center,
C. at simula noong July 10, isang dalawang linggong Basic Fire Safety and Fire Fighting Technique Training ang isinagawa sa tulong ng Bureau of Fire Protection sa Pugo Evacuation Center.
Ang tema sa taong ito ay, "BIDAng Pilipino: Building a Stronger Filipino Wellbeing Towards Disaster Resilience."
24/7 na Serbisyo-Publiko, Inihatid ng LGU sa Kasagsagan ng Bagyong Egay
Ang buong lokal na pamahalaan ay naka-alerto 24/7 upang bantayan ang mga maaaring maging pinsala ng bagyong 'Egay' sa bayan.
A. Noong July 21 pa lamang, agad na nagtipon ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang sitwasyon sa pagdating ng bagyong "Egay." Pinag-usapan ang mga naging paghahanda gaya ng pagmonitor ng water level sa Calvo Bridge at Romulo Bridge, pagmonitor sa PAGASA website, early warning dissemination, at preparasyon ng mga rescue equipment at vehicles.
B. Pagdating ng bagyo noong July 25, ang MDRRMC, kasama ang Engineering, BPSO, PNP, BFP, at iba pang departamento at ahensya ay agad na tumutok sa bawat parte ng bayan nang maiulat ang mga biglaang pagbaha.
B. Inabisuhan din ang mga barangay council ng mga apektadong barangay na agad na makipag-ugnayan sa Munisipyo.
C. Paghupa ng bagyo, nag-ikot naman ang MDRRMO katuwang ang BFP upang magsagawa ng Rapid Damage and Needs Analysis kasama ang clearing operation activities at iba pang assistance na kinakailangan.
D. Walang tigil-naman ang MSWDO sa pamimigay ng ayuda sa mga binagyo at binaha.
E. Samantala, sunud-sunod ang paglathala ng Tourism at Public Information Office ng mga abiso at babala sa social media upang makaiwas ang mga kababayan sa peligro ng baha, madulas na daan, malakas na hangin, at banta ng leptospirosis.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
-Planning and Development (MPDO)
Zoning Enforcement Training and Workshop
Noong July 5-7, nag-organisa ang Municipal Planning and Development Office ng Zoning Enforcement Training and Workshop sa Mayor's Conference Room, sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region I. Naging resource speakers sa Fundamentals of Zoning Enforcement ang mga taga-DHSUD. Sa aktibidad, nadagdagan ang kaalaman ng mga kawani sa kahalagahan ng pagpaplano, pangangasiwa ng resources, at pagdesisyon sa pagpapatupad ng zoning ordinances
PRDP Update
Sa isinagawang pulong ng mga miyembro ng Implementing Team ng LGU para sa PRDP project noong July 27 sa Mayor's Conference Room, ibinalita ng contractor na Christian Ian Construction Corp. na ang major construction project na ito ng LGU ay nasa 61.22% completion na. Patuloy ang contractor sa pagpapabilis ng trabaho upang agad na makumpleto ang konstruksyon ng Pantol-to-San Gabriel Farm-to-Market Road with 3 Bridges Project.
-Taxation & Financial Transparency (Assessor, Budget, Treasury, Accounting, IAU, BAC)
Assessor's Office, Nag-profiling Activity
A. Tuluy-tuloy ang Assessor's Office sa pag-iissue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istruktura, mapa-residential man o commercial building. Sa nakaraang linggo, ang team ay nag-ikot sa Brgy. Ligue and Macayocayo
B. Ang Assessor's ay nagprofiling activity rin para sa mga households at business establishmentsBarangay Zone 1, 2, 5, 7, Cadre Site, Poblacion Sur, Del Pilar, Magsaysay, at Tambac. Ang datos ay gagamitin para sa Waste Analysis and Characterization Study ng ESWMO at bilang parte ng feasibility study para sa Bayambang Septage Management Project.
Pagmamarka ng Bakod, Isinagawa para sa Bayambang Global City
Noong July 27, ang Assessor's Office ay nagsagawa ng setting of stakes o pagmamarka ng babakuran si Engr. Edelberto Tabion kasama ang Assessor's Office team para sa gagawing bakod ng itatayong Bayambang Global City sa may Brgy. Bani.
-Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
- Human Resource Management (HRMO)
SALN Orientation para sa mga Kawani ng Barangay
Noong July 18, nagbigay ang HRMO ng isang "Orientation on Proper Filling-out of SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth)" sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay dinaluhan ng 77 na Sangguniang Kabataan Chairman, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer. Sa orientation, ipinaliwanag ni HRM Officer Rosario de Leon ang kahalagahan ng tamang pagpapasa ng SALN, na isang requirement ng Civil Service Commission.
-Transparency/Public Information (PIO)
Mayor Niña Quiambao, Nag-ulat sa Kanyang Unang SOMA
Sa kauna-unahang State of the Municipality ni Mayor Niña Jose-Quimbao noong July 5 sa Events Center, kanyang inihatid ang iba't-ibang kuwento ng pag-ahon ng pamilyang Bayambangueño sa iba't-ibang larangan, kabilang ang kalusugan, edukasyon, hanapbuhay, at proteksyon sa kababaihan at kabataan. Inilahad niya ang iba't-ibang pamamaraan na ginawa ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon upang ang lahat ng ito ay maisakatuparan, salamat sa pagtutulungan ng lahat ng departamento
LGU-Bayambang, Tumutok sa SONA 2023
Noong July 24, nakiisa ang iba't-ibang departamento ng LGU sa panonood ng State of the Nation Address o SONA 2023, kung saan ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng nagawa nito sa loob ng kanyang pangalawang taon ng panunungkulan. Natunghayan din ang SONA 2023 ng ating mga kababayan habang mayroong blood donation drive sa Events Center at maging sa ating palengke gamit ang mga telebisyong ipinakabit ni Mayor Niña.
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
Vice Gov. Lambino, Nag-Donate ng Monobloc Chairs sa 77 Barangays
Noong July 6, nag-donate si Vice Governor Mark Lambino ng 50 monobloc chairs sa bawat barangay sa Bayambang. Naroon ang representante ng Vice-Governor na si Roldan Dalmacio, Board Member Vici Ventanilla at mga Municipal Councilors at Liga President para iturn-over ang donasyon sa 77 na Punong Barangay sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Malaking tulong ang donasyong ito sa mga malakihang okasyon at pagpupulong sa mga barangay.
AWARDS AND RECOGNITIONS
Bayambang Police Station, National Outstanding Municipal Police Station sa 2023!
Noong July 27, ang Bayambang Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLtCol. Rommel P. Bagsic, ay kinilala ng PNP Regional Office 1 bilang isa sa mga National Outstanding Municipal Police Station Class A for Calendar Year 2023. Ang paggawad ng parangal ay parte ng pagdiriwang ng 28th Police Community Relations Month.
Mula sa inyong LGU family, isang taos pusong pagbati sa maayos at tapat na serbisyo publiko, Bayambang Municipal Police Station.
LGU-Bayambang, Nag-iisang Awardee Bilang "Outstanding LGU in Police Community Relations"
Noong July 27, ang LGU Bayambang ay kinilala ng PNP bilang nag-iisang awardee sa kategoryang "Outstanding LGU in Police Community Relations" sa buong probinsya.
Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, tinanggap ang parangal ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa isang seremonyang ginanap sa PNP Provincial Office, Lingayen, Pangasinan.
Ang paggawad ng parangal ay parte ng pagdiriwang ng PNP ng Community Relations Month 2023.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Public Hearing ukol sa Tatlong Panukalang Ordinansa, Isinagawa
Noong July 17, isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa tatlong panukalang Ordinansa. Isa-isang tinalakay ang mga sumusunod. Una ay ang ukol sa pagkakaroon ng maayos na Septage Management System at Proper Sewage Treatment sa munisipalidad ng Bayambang. Ikalawa ay ang ukol sa pagbawal sa pagtitinda sa lahat ng sidewalk at kalsada. Ikatlo ay ang pagtatag ng adisyunal na talipapa upang mabigyan ng oportunidad na maghanapbuhay ang mga maliliit na vendors sa mga barangay.