GOOD GOVERNANCE
Centro Verde, Nagdonate ng Service Vehicle sa Brgy. Bani
Noong October 3 sa Balon Bayambang Events Center, itinurn-over ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang susi ng service vehicle na idinonate ng Centro Verde sa Brgy. Bani, at ito naman ay tinanggap ni Bani Punong Barangay at Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista. Naging kinatawan ng Centro Verde sina 1Premiere Land Marketing Co. (1PLMCo.) President Augustine Cayabyab Jr., na tubong Brgy. Bani, at 1PLMCo. Executive Vice-President Ellen Dimaculangan. Witness sa turnover ng buong LGU, kasama sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Iba't-Ibang Serbisyo, Inihatid ng Munisipyo sa Pugo
Tuluy-tuloy ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5, at muling iniabot ang mga iba’t-ibang serbisyo ng munisipyo noong October 7 sa Pugo Evacuation Center, kung saan kabilang ang Brgy. Pugo, Wawa, at Darawey sa mga makatanggap ng serbisyo tulad ng medical check-up, ultrasound, dental services, agricultural services, Treasury at Assessor's Office services, haircut, rehistrasyon sa mga livelihood training program ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, at marami pang iba. Sa ulat ng organizer na si Dr. Roland Agbuya, may kabuuang 683 na residente ang naging benepisyaryo.
Galing Pook Chairman Sarmiento, Bumisita
Naging mainit ang naging pagtanggap ni Mayor Niña Jose-Quiambao kasama ni Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar Quiambao sa pagbisita ni former DILG Secretary, Hon. Mel Senen Sarmiento, noong Oct. 10 sa Niña’s Café. Si Sarmiento ay nagbigay ng mga payo kung papaano lalong mapapaunlad ang Lokal na Pamahalaan gamit ang best practices ng iba pang LGU, gaya ng kanyang pinagmulang siyudad, ang Calbayog City, Northern Samar. Sa kasalukuyan, si Sarmiento ang Chairman of the Board of Trustees ng Galing Pook Foundation at SOS Children's Villages Philippines. Ipinaliwanag din niyang ang nais niyang makita sa Galing Pook Awards ay yaong mga proyekto kung saan walang pondo ang gobyerno ngunit may nagagawang makabuluhang proyekto sa tulong ng mga mamamayan.
Hamon para sa ISO 9001:2015 Certification, Tinanggap ng LGU Champs
Bilang parte ng pagtupad sa mga nakapaloob sa Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028, isa sa mga layunin ng LGU ay ang pagkamit ng ISO 9001: 2015 certification na siyang nagsisilbing patunay ng de-kalidad, epektibo at maayos na operasyon. At para masigurong masusungkit nito ang naturang sertipikasyon sa susunod na taon ay inanyayahan ng LGU-Bayambang ang mga representante mula sa Neo Amca Innovative Solutions Corp. upang magsilbing consulting team na tutulong na mas mapabuti ang proseso ng mga gawain ng bawat empleyado ng munisipyo. Sila rin ang tutulong upang magabayan ang mga kawani sa maayos na documentation patungong ISO certification.
Mayor Niña, Nagdeliver ng Kanyang First 100 Days Report
Sa unang isandaang araw ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang Punong Bayan, kanyang iniulat ang mga nagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan 2.0 mula ika-30 ng Hunyo hanggang ika-12 ng Oktubre, 2022 sa kanyang First 100 Days Report: "Walang Iwanan sa Mapag-arugang Pamamahala." Ibinahagi ni Mayor Quiambao ang kanyang mga naging karanasan at mga natutunan bilang ina ng bayan, at siniguro niya sa mga Bayambangueño na lahat ng ginagawa ng kasalukuyang administrasyon ay para sa ikabubuti ng bayan. Nagpasalamat naman ang Punong Bayan sa lahat ng mga naging aktibong parte ng pagbabago at progreso. Muli rin niyang hinikayat ang bawat Bayambangueño na makiisa sa adhikain ng administrasyong Quiambao-Sabangan upang mapagwagian ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
KSB Year 5, Sumulong sa Telbang
Noong Oktubre 21, nagbigay ng libreng serbisyo na may tatak "Total Quality Service" ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 team sa mga residente mula sa tatlong barangay ng Buayaen, Dusoc at Telbang, at ito ay ginanap sa Telbang Elementary School. Isang masiglang pagsalubong sa buong KSB team ang ibinigay nina Telbang Punong Barangay Carlos Sta. Teresa, kasama sina Dusoc PB Ricky Penuliar at Telbang Elementary School Principal Roderick Rebamontan. Sa ulat ng overall organizer ng KSB Year 5 na si Dr. Roland Agbuya, may 1,087 na benepisyaryo ang nagrehistro sa event na ito.
HRMO, Muling Nagbigay ng GAD at Personality Development Seminar
Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay muling binigyang-diin sa isa na namang seminar na inorganisa ng HRMO noong October 25 sa Events Center. May 150 LGU employees ang nakilahok sa seminar na ito, kung saan naging resource speaker sina Social Welfare Officer Evelyn Dismaya at Disability Affairs Officer Judith Cabillo.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Tax Declaration ng Assessor's, Tuluy-Tuloy
Tuluy-tuloy ang Assessor's Office sa pag-iissue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istruktura, mapa-residential man o commercial building. Noong Setyembre, ang Assessor’s Office ay umikot sa Brgy. Asin, Malioer, Bani, at Amancosiling Sur. Patuloy ang paghikayat ng Assessor's team sa mga ating kababayan na magbigay ng ambag sa pamamahala at pagpapaunlad ng bayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng amilar o real estate tax.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Mga Rides sa Plaza Playground, Operational na Uli!
Nagbukas nang muli ang mga rides sa playground ng Public Plaza, matapos itong gawing operational ng Office of the Economic Enterprise noong October 18. Ang playground ay isinara sa publiko mula noong 2020 bilang parte ng pag-iingat sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Latest AIP at ELA, Inaprubahan sa 3Q MDC Meeting
Muling nagpulong ang mga miyembro ng Municipal Development Council sa Balon Bayambang Events Center noong September 30, sa pangunguna ni Mayor Nina Jose Quiambao at sa pag-oorganisa ng Municipal Planning and Development Coordinator. Dito ay inaprubahan ang mga nakahanay na programa at proyekto ng LGU na nakapaloob sa Supplemental AIP No. 2 for CY 2022, Executive-Legislative Agenda 2023-2025, at Annual Investment Program for CY 2023. Kabilang sa mga dumalo sina Coun. Philip Dumalanta, Executive Assistant Carmela Atienza-Santillan, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad. Dininig din ang panig ng mga kapitan para matiyak na mabigyang-pansin ang mga pangangailangan ng kani-kanilang nasasakupang barangay.
LEGISLATIVE WORK
Budget Hearing for Fiscal Year 2023
Noon ding katapusan ng Setyembre, dininig ng Sangguniang Bayan ang inihaing budget para sa Fiscal Year 2023 ng bawat departamento sa ilalim ng executive branch, legislative branch at Special Economic enterprises ng LGU. Ito ay ginanap sa SB Session Hall sa pangunguna ni SB Committee on Appropriations Chairman, Councilor Philip Dumalanta. Dito ay inaral kung makatuwiran ba at naayon sa batas ang mga budget proposals o nakahandang gagastusin base sa nalilikom (o revenue forecast) at natatanggap (o National Tax Allotment) na taunang pondo ng bayan.
SB, Matagumpay na Idinipensa ang CLUP-ZO ng Bayambang sa SP
Noong Sept. 12, 2022, ipinasa ng Sangguniang Bayan ang Resolution No. 424, s. 2022 o "Resolution Adopting and Approving the Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2018-2027 of the Municipality of Bayambang, Pangasinan" at ang Municipal Ordinance No. 7, s. 2022 o "An Ordinance Adopting the Integrated Zoning Regulations of the Municipality of Bayambang and Providing for the Administation, Enforcement, and Amendment Thereof and for the Repeal of All Ordinances in Conflict Therewith." Ang ordinansang ito ay matagumpay na idinipensa ng SB sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan matapos maaprubahan ang CLUP-ZO ng Provincial Land Use Committee.
HEALTH
2 Residente, Nagpasalamat sa Free Toilet
Nagpapasalamat ang isang residente ng Brgy. San Gabriel 1st at isang residente ng Brgy. Tamaro sa donasyong palikuran ni Mayor Niña na naisakatuparan sa tulong ng Engineering Office. Nang idulog ng mga nasabing residente ang kanilang kawalan ng maayos na kubeta, sila ay binigyan ni Mayor Niña ng pondo mula sa kanyang sariling bulsa para sa labor at materials.
Mental Health Summit, Tinutukan ang Isyu ng Suicide
Isang summit ukol sa Suicide Awareness and Prevention ang inorganisa ng Local Youth Development Office noong Oct. 10 sa Balon Bayambang Events Center. Sa temang "Living a Life of Meaning in an Ever-changing and Fast-paced World," ipinabatid sa lahat ng delegates at sa mga Bayambangueño na laging kaagapay ang ating mga lingkod-bayan sa anumang problema na kanilang kinakaharap. Kabilang sa mga delegado ay mga estudyante ng Pangasinan State University-Bayambang Campus, Bayambang National High School, at St. Vincent's Catholic School of Bayambang. Naging resource speakers sina Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, Dessa Jae C. Magalong, Guidance Counselor ng Turac National High School, San Carlos City, Dr. Amela T. Cayabyab ng PSU Bayambang, at Ptr. Mark Jolex Ramos ng Victory Church-Bayambang.
RHU I, Patuloy sa Libreng Pagpapaanak
Patuloy ang RHU I sa pagbibigay ng libreng pagpapaanak sa ating mga residente. Noong buwan ng Setyembre, nagtala ang RHU I ng 19 maternal deliveries na free of charge, at ang lahat ng sanggol isinilang na normal at malusog. Nito namang buwan ng Oktubre, mayroong 5 deliveries, at apat dito ay isinilang sa araw ng First 100 Days Address ni Mayor Niña Quiambao, kung saan ang mga isinilang ay pawang malulusog na sanggol din.
Jose Yuchongtian Masonic Lodge, Nagsagawa ng Blood Drive
Sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang at pakikipag-ugnayan ni Coun. Benjie de Vera, nagsawa ng blood donation drive ang Jose H. Yuchongtian Masonic Lodge No. 354 noon Ot. 18 sa Balon Bayambang Events Center. Ang grupo ay naki-partner sa Region 1 Medical Center upang makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng dugo.
MANGOs, Nagbigay ng Free Blood Screening
Bilang parte ng kanilang outreach program, ang Bayambang Municipal Association of NGOs ay nagbigay ng libreng blood sugar screening sa Nalsian Elementary School noong October 22. Kasama rito ang Bayanihan Lions Club International-Bayambang. Kabilang sa mga beneficiaries sina Nalsian Elementary School Principal, Dr. Sherlita F. Baratang, kasama ang mga teachers at parents, at iba pang residente ng Brgy. Nalsian Sur at Norte.
Brgy. City Camp Proper Officials ng Baguio, Bumisita
Bumisita sa Bayambang ang barangay officials ng City Camp Proper, Baguio City noong October 26 upang magbenchmarking sa Municipal Nutrition Office at opisina ng Sancagulis Barangay Nutrition Scholar. Pinangunahan ang delegasyon ni City Camp Proper Punong Barangay, Hon. Jaime Bustarde. Sila ay malugod na tinanggap ng mga municipal at Sancagulis barangay officials. Ipinakita sa mga bisita ang best practices ng Municipal Nutrition Council pagdating sa mga nutrition programs nito. Ipinasyal din ang mga ito sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Municipal Museum.
EDUCATION
ASA Foundation, Nagdonate ng School Supplies sa Tatarac-Apalen ES
Noong October 19, ang ASA Philippines Foundation ay nagdonate ng school supplies sa Tatarac-Apalen Elementary School, sa pakikipatulungan sa Local School Board. May 355 na learners ang nakatanggap ng iba't-ibang school supplies, vitamins at snacks, at ang principal naman ay nabigyan din ng limang reams ng coupon bond. Naroon sina ASA Foundation Asst. Vice-President Donjiel Hispano, LSB Executive Director Rolando Gloria, at mga LGU staff. Ang mga donasyon ay malugod namang tinanggap nina DepEd Bayambang II PSDS, Dr. Mary Joy Agsalon, at Tatarac-Apalen Elementary School Principal Laila Alonzo
LIVELIHOOD & EMPLOYMENT
Food Safety Awareness Seminar Hatid ng DTI
Ang DTI Pangasinan, sa pamamagitan ng Negosyo Center-Bayambang at pakikipag-ugnayan sa LGU-Bayambang, ay nagconduct ng Food Safety Awareness Seminar sa Balon Bayambang Events Center noong September 30. Kalahok sa mga aktibidad ang mga food entrepreneurs sa Bayambang. Si Ms. Meryl Bernardino, MS Fellow graduate ng Department of Science and Technology, ang naging resource speaker.
Liquid Soap-Making Training para sa mga Solo Parent
Ang MSWDO ay nag-organisa ng isang training sa paggawa ng liquid soap para sa mga 50 na solo parents kabilang na ang sampung empleyado ng munisipyo. Naging resource speaker at trainor si Engr. Rendel Jay Nisperos ng DOST, na nagbahagi ng kanyang karanasan sa paggawa ng naturang produkto at kung paano ito nagbigay ng matagumpay na business opportunity sa kanyang pamilya. Nag-enjoy at natuto ang mga partisipante sa naturang training na inaasahang mauwi rin sa pagkakaroon ng adisyunal na kabuhayan sa mga solo parents.
MESO Special Recruitment Activity
Sa ginanap na Special Recruitment Activity kamakailan ng Bayambang Municipal Employment Services Office, mayroong limang aplikante na sumalang sa interview ng dalawang prospective employers, ang Lau'Mel noong October 19 at 10th Story noong October 20.
OTHER SOCIAL SERVICES
CDWs, Tumanggap ng Quarterly Incentive
Ang mga Bayambang Child Development Workers (CDWs) ay nagpaparating ng taos-pusong pasasalamat sa administrasyong Quiambao-Sabangan sa patuloy na suporta sa mga CDWs. Noong September 29 ay nirelease ang kanilang quarterly incentive na P2,000 para sa bawat CDW.
Senior Citizen Week, Ipinagdiwang
Noong October 5, ipinagdiwang ang Senior Citizens’ Week ng Federation of Senior Citizen Associations of Bayambang sa Balon Bayambang Events Center. Dito ay nagbalik-tanaw ang mga seniors sa mga bagay na kanilang inilaan para sa ating bayan, pamilya at kapwa. Kabilang sa mga bumati sa mga senior citizens sina Vice-Governor Mark Lambino, Congresswoman Rachel Arenas, Mayor Nina-Jose Quiambao, Vice Mayor Ian Camille Sabangan, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad. Sa programa, dalawang centenarian, na sina Nieves dela Cruz ng Brgy. Zone 7 at Eusebio Benitez Sr. ng Brgy. Inanlorenza, ang tumanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng P100,000 alinsunod sa Centenarians Act of 2016.
Abong na Aro, Muling Binuksan
Noong October 6, muling binuksan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kanyang proyektong Abong na Aro o House of Love sa Barangay Wawa upang magsilbing pansamantalang silungan para maprotektahan ang mga kababaihan at kabataan na nakaranas ng pang-aabuso o pananamantala. Naroon sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan at mga konsehal ng bayan, Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, mga LGU department heads, Punong Barangay, KALIPI, at CSOs. Pagtapos ng maikling programa ay nagkaroon ng blessing ceremony na pinangunahan ni Rev. Fr. Reydentor Mejia mula sa St. Vincent Ferrer Parish.
CSOs, May Pa-Birthday Activities para kay Vice-Mayor IC
A. Sa kanyang kaarawan noong October 2, nanguna si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa isang tree planting activity sa Brgy. Ambayat 1st. Kasama niya sa pagdiriwang na ito ng kanyang kaarawan ang Ambayat 1st Barangay Council, Fraternal Alliance of Bayambang, at Xtreme Riders Club, na mga miyembro ng Bayambang Municipal Association of NGOs.
B. Noong October 4 naman, nagpa-party with free haircut ang LGBTQI Association of Bayambang at Xtreme Riders Club sa Brgy. Zone VI, sa pakikipag-ugnayan sa Bayambang Municipal Association of NGOs, bilang pagbati kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa kaarawan nito.
MANGOs, May Surprise Feeding Activity Kasama si VM IC
Isang surprise feeding activity ang isinagawa ng Bayambang Municipal Association of NGOs ngayong raw, October 13, sa Dusoc Elementary School, Brgy. Dusoc, kasama sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan, Dusoc Elementary School Principal Noel M. Macam, at teachers, Bayanihan Lions Club International, Xtreme Rider's Club Bayambang, Bayambang Integrated Business Association Inc., Bayambang Association of Service Point Officers, Farmers' Federation, at Dusoc Women's Sustainable Program Livelihood Association.
2nd Batch ng DSWD Supplementary Feeding Items, Tinanggap ng CDWs
Noong October 13, tinanggap ng mga Child Development Worker ng bawat barangay ang second delivery ng mga food items mula sa Supplementary Feeding Program ng DSWD Field Office 1. Ang programa ay nakapaloob sa ongoing 60-day Supplementary Feeding Program ng ahensya para sa lahat ng nakaenroll sa Child Development Centers. Kasama sa turnover ng mga food items sa Events Center sina Child Development Worker President Estherly N. Friaz, Child Development Service Focal Marvin P. Bautista, at MSWDO OIC Josie E. Niverba.
BNHS Batch '90, Muling Nagsagawa ng Feeding Activity
Ang Bayambang National High School Class of 1990 ay muling nagsagawa ng isang feeding at gift-giving activity bilang parte ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang batchmate na si Ronaldo Quinto. Ang aktibidad ay ginanap noong October 14 sa Balon Bayambang Events Center. Naging benepisyaryo ang mga enrollees ng STAC-Bayambang, Bayambang Central School SPED, at Buayaen Central School SPED, sa pakikipag-ugnayan sa MSWDO at Nutrition Office.
2 Centenarian, Binisita ng Pangasinan First Lady
Dalawang centenarian na taga-Bayambang ang binisita ni Pangasinan First Lady Ma-an T. Guico, dating mayor ng Calasiao na si Mark Roy Macanlalay, at PSWDO staff noong October 19 upang abutan ng P20,000 cash gift, grocery package, at hygiene kit mula sa PSWDO. Sila ay sina Gng. Virginia Flores ng Brgy. Sanlibo at G. Justiniano M. Gascon ng Brgy. Hermoza. Ang mga bisita ay inasistehan ng BPRAT, MSWDO, BPSO, PNP, at barangay officials.
Unconditional Cash Transfer for Indigent Seniors
Noong October 22, ang DSWD-Field Office I at MSWDO ay nagdistribute ng cash cards sa mga indigent senior citizens ng Bayambang sa Events Center sa tulong ng Landbank. Ulat ng MSWD OIC, "out of 1,776 indigent senior citizens na nakalista, mayroong 1,528 na ang nakapag-claim" sa unang bugso ng pamamahagi ng financial grant na ito ng DSWD. Samantala, ang DSWD at MSWDO team ay nagtungo sa Ambayat 2nd Covered Court upang maipamahagi nang minsanan ang cash cards ng mga benepisyaryo ng limang barangay na apektado ng pagkasira ng Wawa Bridge.
RC Bayambang, Nagpasalamat sa Suporta ng First Couple
Noong October 15, nagdaos ang Rotary Club of Bayambang ng kanilang tinatawag na Tri-Seminar, isang malaking event ng grupo na dinaluhan ng iba pang Rotarians mula pa sa iba't-ibang rehiyon. Sa unang pagkakataon ay naging host ang Bayambang sa naturang malakihang pagtitipon ng grupo, kaya't minabuti ni Mayor Niña at ng Tourism Office na ibida ang mga accomplishments ng Quiambao-Sabangan administration at mga ipinagmamalaking produkto ng bayan.
Bayambang, May Pinakauna at Pinakamaraming Ga-graduate na 4Ps sa Region I sa 2022
Sa ginanap na Municipal Advisory Council meeting noong October 27 sa Niña's Cafe, ipinahayag ng DSWD-RFO I na ang bayan ng Bayambang ang may pinakauna at pinakamaraming mapapagraduate na miyembro ng 4Ps sa Region I sa taong 2022. As of October 27, may 1,142 ang nakalista sa tentative graduating list.
TOURISM
Kulturang Bayambangueño, Bida sa Selebrasyon ng TOURISM MONTH 2022
Nakamamanghang mga costume, mga lokal na destinasyon at produkto, kakaibang mga souvenir items, bagong kaalaman sa larangan ng turismo, at ang bagong Culture Mapping book ng bayan ng Bayambang. Iyan ang mga naging tampok sa pagdiriwang ng Tourism Month 2022 noong September 27-29 sa Balon Bayambang Events Center sa tema na “Rethinking Tourism.” Sa unang araw, ibinida ng mga contestant sa Mr. and Miss Tourism 2022 ang kani-kanilang creative costume na pawang base sa lokal na kultura. Kasunod nito ay sumailalim sa Front Office Service at Housekeeping training ang mga myembro ng sektor ng turismo, mga estudyante, at iba pang participants. Sa huling araw naman, pinarangalan ang mga nagwagi sa patimpalak na Virtual Tour Guiding Contest at Souvenir Design Competition.
Bayambang River Cruise Project, Nag-Soft Opening
Isang kapanapanabik na sandali ang naging pagbubukas ng Bayambang River Cruise sa Brgy. Amancosiling Norte noong October 7. Ito ay matapos ang ilang buwang paghahanda ng mga miyembro ng Bayambang Millennial Innovators na pinangungunahan ng mga Sangguniang Kabataan members ng Amancosiling Norte katuwang ang Local Youth Development Office at BPRAT. Naging matagumpay ang okasyong ito dahil sa suporta ng administrasyong Quiambao-Sabangan, at ng konseho ni Amancosiling Norte Punong Barangay Almario Ventura. Dahil anila sa proyektong Millennials' Challenge ni Dr. Quiambao kung bakit nabigyang pagkakataon na maisakatuparan ang matagal nang pangarap nilang magkakaibigan. Ang proyekto ay mayroon nang dalawang floating kubo kung saan maaaring makapagbonding ang magkakaibigan at buong pamilya habang kumakain sa gitna ng ilog.
Mga Anak ng LGU Employees, Nag-Trick or Treat
Noong October 28, masayang naki-trick or treat ang mga anak ng LGU employees sa iba't-ibang opisina ng Munisipyo, bilang parte ng pagdiriwang ng Halloween 2022. Nanalong winner ang supling ni Councilor Benjie de Vera at Atty. Charizze Martinez na si Clementine de Vera. Siya ang nakatanggap ng cash prize.
LGU Employees, Nagpatalbugan sa Kanilang Halloween Transformation
Nabalot ang Events Center ng katatakutan, katuwaan, at kahusayan sa pagsuot ng mga costume ng mga kawani ng gobyerno sa ginanap na 2022 LGU Halloween Party noong October 28, matapos ang pagliban dito ng higit dalawang taong pandemya. Sa pag-oorganisa ng Municipal Administrator's Office, Legal Office, MTICAO, at BPRAT, naging panauhing pandangal at hurado sa event na ito si Pangasinan First Lady, Madame Ma-an Guico, at nanguna sa cosplay event si Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan. Sa Halloween Costume Contest, inuwi ni Manuel Tamayo ng MTICAO ang P50,000 cash prize sa kanyang costume na zombie at video prodution.
SPORTS/PHYSICAL FITNESS
LGU Sportsfest, Muling Nagbalik
Noong October 3, nagpahayag ng kagalakan si Municipal Mayor Niña Jose-Quiambao dahil matapos ang tatlong taon ay muli na namang nagbabalik ang LGU Sportsfest. Ito ay matapos na pormal na buksan ang LGU Sportsfest 2022 sa Balon Bayambang Events Center. Ang pabubukas ng sportsfest ay inumpisahan ng isang parada na umikot sa bayan. Hindi nagpatalo siyempre ang bawat team sa pagandahan ng float, sports attire, cheering, at muse at adonis. Anim na koponan ang nag-umpisang maglaban-laban sa sportsfest na ito na inorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council.
Pilates at Yoga Sessions, Inilunsad
Bilang parte ng health and wellness program ng LGU para sa mga kawani, sa papamagitan ng HRMO at Sports Council, at sa inisyatibo ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, naglunsad ng Pilates at yoga sessions sa Balon Bayambang Events Center. Ayon sa HRMO, ang mga aktibidad na ito, tulad din ng Zumba at sports activities, ay tumutulong magpalakas at magpalusog sa pangangatawan ng mga lingkod-bayan. Nakakatulong din ito upang maging masigla sa pagbibigay ng serbisyo-publiko.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Mga Barangay ng Bayambang, Drug-Cleared pa Rin!
Noong September 29, ginanap ang awarding ng resolusyon para sa retention ng drug-cleared status ng mga barangay ng Bayambang. Ang naturang resolusyon ay iginawad ng PDEA, kasama ang PNP, DILG, at DOH, kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Pinangunahan ni PDEA Provincial Director Rechie Camacho ang seremonya, kasama ang DILG, Municipal Health Office, PNP, at Liga ng mga Barangay. Kasama sa awarding ang pagturn-over ng Barangay Drug-Clearing Program Manual of Operation sa lahat ng BADAC members.
Task Force Undas 2022, Nireactivate
Muling inactivate ang Task Force Undas sa taong 2022 upang siguradong maayos at ligtas ang pagdalaw ng mga mamamayan sa kanikanilang namayapa. Para dito, nagbigay ng iskedyul ng pagdalaw kada distrito, nagrequire ng ID at vaccination card, at iba pang regulasyon. Dito ay nagtulong-tulong MDRRMO, BFP, PNP, RHU, SEE, ESWMO barangay officials, force multipliers, iba pang departamento. Ang Bayambang Integrated Business Association ay namahagi ng pagkain sa mga nagsilbing personnel.
Mayor NJQ, Sinurpresa ang LGU Employees ng Drug Test
Bilang parte ng mabuting pamamahala, sinisiguro ni Mayor Niña Jose-Quiambao na drug-free ang lahat ng empleyado ng LGU-Bayambang. Kaya, sa tulong ng RHU at PNP, sinurpresa nito ang lahat ng mga opisyal at kawani ng isang drug test matapos ang Monday flag-raising ceremony noong October 17 sa Balon Bayambang Events Center. Lahat ay inatasang sumailalim sa drug test bilang patunay na ang mga opisyal at kawani ng LGU-Bayambang ay tunay na drug-free at nananatiling magandang ehemplo sa lahat ng mamamayan.
Illegal Vendors, Muling Inabisuhan
Muling nag-road clearing operations ang Road Clearing Task Force noong October 17, simula 3:00 ng hapon, kung saan kanilang inabisuhan ang mga ambulant vendors na ilegal na umuukopa sa mga sidewalk na nagiging sagabal sila sa mga pedestrian at nagiging sanhi ng peligro sa publiko, lalo na sa motorista. Kanilang ginalugad ang mga sidewalk sa kahabaan ng Quezon Blvd., Lower Cadre Site, Poblacion Sur, at Nalsian Sur. Ang road clearing team ay pinangungunahan ni BPSO Chief, Col. Leonardo Solomon, kasama ang PNP, Engineering, DILG, Solid Waste, SEE, RHU, BFP, MPDC, at CSO representative.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Mga Produkto ng RBAC, Kalahok sa Kadiwa on Wheels
Kasama ang pigmented rice products ng RiceBIS Bayambang Agricultural Cooperative ng Brgy. Tampog sa mga tampok na produkto ng Kadiwa on Wheels, ang rolling store project ng Department of Agriculture featuring local products. Noong Sept. 29 ay nasa Lingayen ang nasabing rolling store, at noong Sept. 30 naman ay nasa bayan ng Binalonan.
Farm Mechanization Validation sa Malioer at Ligue
Noong October 13, tatlong farmers' association ang sumailalim sa validation ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech at Department of Agriculture-Regional Field Unit I.
Kasama ang Municipal Agriculture Office, humarap sa mga validators ang Balon Malioer Farmers Association, Cluster Organization of Bayambang District 4, at Ligue Farmers Association. Ang pagpasa sa validation round ay nangangahulugan ng tuluy-tuloy na pag-avail ng mga farm equipment at machinery at pag-angat ng competitiveness ng mga magsasaka.
RiceBIS Pantol Farmers, Lumahok sa Agroenterprise Training
Noong October 13, nakihalok sa pagsasanay sa agroenterprise development ang RiceBIS Pantol Farmers Association. Dito ay tinalakay ni Gng. Divina Gracia Vergara ng Central Luzon State University, ang kahalagahan ng entrepreneurship sa pagsasaka at paggawa ng business plan upang masunod ang tamang pagbudget at wastong financial planning sa pagsasaka. Naroon din si G. Joel Pascual ng PhilRice, upang talakayin ang kahalagahan ng merkado at financial management sa farming business.
MAO, Namigay ng Fertilizers sa PRIME Trainees
Noong October 17, nag-umpisang magpamahagi ang Municipal Agriculture Office ng complete fertilizer package sa 20 farmer-cooperators mula sa iba't-ibang barangay bilang pasasalamat sa kanilang pakikiisa sa nakaraang Pest Risk Identification & Management (PRIME) Training. Layunin ng PRIME Training na ipaunawa ang mga dahilan ng paglaganap ng peste sa pananim at tukuyin ang naaangkop na mga istratehiya upang mabawasan ang pagkawala ng ani.
98 Farmers, Tumanggap ng Sure Aid Loans ng DA
Tinangap ng mga 98 na magsasakang nasalanta ng bagyong Maring noong 2021 ang aprubadong Sure Aid loans mula sa Agricultural Credit Policy Council ng Department of Agriculture, sa tulong ng Municipal Agriculture Office noong October 27 sa Sangguniang Bayan Session Hall. Ang bawat isa ay tumanggap ng P20,000 mula conduits sa Nueva Segovia Consortium Cooperative (NSCC), kung saan kinaltas ang processing fee na P1,600. Ang loan ay may 0% interest, walang collateral, at babayaran ng mga magsasaka sa loob ng 10 taon. Ito ay malaking tulong upang matustusan ang sakahin ng mga magsasaka.
Serye ng IPM at GAP Training, Hatid sa Onion Farmers
Nag-organisa ang Municipal Agriculture Office ng isang serye ng Training on Integrated Pest Management (IPM) and Good Agricultural Practices (GAP) in Onion Production and Organic Foliar Production para sa mga magsisibuyas. Ito ay ginanap sa iba't-ibang Barangay Covered Court: noong October 4 sa Brgy. San Vicente, Oct. 6 sa Manambong Sur, Oct. 11 sa Dusoc, Oct. 21 sa Idong, at Oct. 28 sa Amanperez. Naging lecturer naman ang mga opisyal ng DA-RFO1, PhilMech, at Philippine Crop Insurance Corp.
Palay Mula PhilRice, Ipinamahagi
Dumating noong October 28 ang 664 bags ng inbred seeds mula PhilRice para sa farmers na nag-umpisa nang magtanim sa dry season ng 2022-2023. Bago ipamahagi ang palay sa mga nagsipagtapos ng training ng RiceBIS na miyembro ng RBAC at Pantol Farmers Association, dumaan ito sa inspeksyon noong November 2, ng PhilRice, para masigurong pumasa ito sa mga kaukulang dokumento at pamantayan. Ang mga palay ay kayang taniman ang 331 na ektarya ng lupang sakahan.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Co-op Members, Muling Tinipon sa Pangalawang Summit
Apat na taon matapos ang unang Cooperative Summit noong 2018, muling tinipon ang 25 na aktibong kooperatiba sa bayan ng Bayambang noong October 26 sa Balon Bayambang Events Center para sa 2nd Cooperative Summit. Ito ay inorganisa ni OIC-Cooperative Development Officer Albert Lapurga sa pakikipagtulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team. Ito ay dinaluhan ng mga LGU officials sa pangunguna ni Mayor Niña jose-Quiambao, Cooperative Development Authority, DTI, at mga leader ng mga matagumpay na kooperatiba na nagpatotoo sa halag ng kooperatiba upang makaahon sa kahirapan.
Bayambang CLUP-ZO at Local Shelter Plan, Aprubado Na!
Inanunsiyo noong October 18 ni Municipal Planning and Development Coordinator Ma-Lene Torio na aprubado na sa wakas ang formulation ng Comprehensive Land Use Plan-Zoning Ordinance at Local Shelter Plan ng bayan ng Bayambang matapos itong kilalanin ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at Sangguniang Panlalawigan. Nauna nang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang CLUP-ZO nito at Local Shelter Plan noong mga nakaraang taon. Sa pagkakaaprubang ito, maaari nang mag-implementa ang LGU ng mga development projects nito alinsunod sa mga alituntuning nakapaloob sa mga naturang plano.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Multi-purpose Covered Court - Warding
Core Local Access Road - Mangayao
Core Local Access Road – Tambac
Road Widening - Buenlag 2nd
Road Widening - Buenlag 1st
UPDATE: RHU VI, Brgy. Mangayao
Brgy. Warding Covered Court, Pinasinayaan
Noong October 13, pinasinayaan ni Mayor Niña Jose-Quiambao Brgy. Warding Covered Court kasama si Punong Barangay Fernando dela Cruz at Warding Barangay Council, sa isang blessing at ribbon-cutting ceremony na ginanap para rito noong October 14. Ito ay isa na namang bagong gawa at maayos na pasilidad na magagamit ng mga mamamayan ng naturang barangay upang pagdausan ng iba't ibang aktibidad.
Hinaing ng Commuters ukol sa Bus Atbp., Dininig
Isang pulong ang inorganisa ng Traffic Management Council noong October 27 sa Sangguniang Bayan Session Hall upang pag-usapan ang mga hinaing ng commuters ukol sa tatlong isyu: ang kakulangan ng bus papuntang Dagupan City; ang reklamo ng mga pasahero ukol sa serbisyo ng BAYMACDA Transport Cooperative; at ang mga hinaing ng Reynado-Hermoza-Malioer TODA. Dito ay inimbita ang mga presidente ng transport group na may rutang Bayambang-Dagupan at ang presidente ng RHM TODA.
Mayor Niña, Pinulong ang BayWad
Noong October 25, nakipagpulong si Mayor Niña Jose-Quiambao at former Mayor Cezar Quiambao sa Bayambang Water District sa Mayor’s Conference Room upang bigyang linaw ang mga hinaing ng consumers tungkol sa serbisyo ng BayWad. Kinumusta ni Mayor Quiambao ang water reservoir project ng ahensya dahil isa ito aniyang solusyon sa maayos na water supply. Napag-usapan din sa pulong ang update ukol sa Septage at Sewerage Treatment Plan ng Bayambang.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Brgy. Tococ East, Cleanest Barangay for the Month of September
Sa ikalawang linggo ng Oktubre, inanunsyo ni MENRO Joseph Anthony Quinto na muling nagwagi ang Brgy. Tococ East bilang pinakamalinis na barangay ng Bayambang para sa buwan ng Setyembre sa ilalim ng proyektong "Bali Balin Bayambang" ni Mayora Niña Quiambao. Ang awarding ay ginanap noong October 10. Ayon kay G. Quinto, maraming barangay na ang naglelevel-up sa kanilang performance dahil sa pacontest na ito. Ang winning barangay ay nakatanggap ng P25,000 cash prize mula sa sariling bulsa ng alkade at ng ama nito na si G. Philip Jose.
Bagsakan/Tricycle Terminal Area, Regular na Nililinis
Ang Office of Special Economic Enterprise at Solid Waste Management Office ay nagsasagawa ng regular na flushing ng Bagsakan at Tricycle Terminal area upang mapanatiling malinis at decontaminated ito, sa rekomendasyon na rin ng Municipal Health Officer at sa tulong ng Bayambang Fire Station.
LGU Lingayen, Nag-benchmarking sa ESWMO
Noong October 27, bumisita ang mga department heads ng LGU-Lingayen sa Bayambang upang tingnan ang solid waste machinery and equipment at best practices ng ESWMO. Pinangunahan ang delegasyon ni LGU-Lingayen Municipal Administrator Roberto DG. Sylim. Sila ay nag-courtesy call kay Municipal Administrator, at pina-unlakan ng machinery demo ni MENRO Joseph Anthony Quinto sa Material Recovery Facility sa Brgy. Telbang. Matapos nito, ang mga bisita ay ipinasyal sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Municipal Museum.
DISASTER RESILIENCY
Early Warning Bells, Ipinamahagi sa mga Paaralan
Pagkatapos ng pamamahagi ng early warning bells sa 77 na barangay noong nakaraang taon, ang MDRRMO ay nagsimula namang mamahagi nito sa 56 na pampublikong paaralan sa ating bayan. Ang naturang early warning bells ay makakatulong sa pagbibigay babala at upang masiguradong handa at ligtas ang bawat Bayambangueño kung sakaling magkaroon ng sakuna at kalamidad.
Mga Ahensya at Departamento ng Pamahalaang Lokal, Sinaklolohan ang mga Apektado sa Romulo Bridge Incident
Nagtulung-tulong ang mga ahensya at departamento ng pamahalaang lokal sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao upang saklolohan ang mga naapektuhan ng pagguho ng isang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge o Wawa Bridge noong ika-3:30 ng hapon ng Oktubre 20.
Ating tunghayan ang mga naging aksyon ng iba’t-ibang ahensya at departamento.
• Assessment and Security
Nagsilbing first responder ang Wawa Barangay Council, BFP, PNP, MDRRMO, at Bayambang Public Safety Office (BPSO) para iassess ang mga biktima at isecure ang disaster area.
• Retrieval and Rescue
Matapos ang matagumpay na retrieval operation ng BFP, kaagad namang isinugod ng BPSO, MDRRMO, at RHU ang mga biktima sa Bayambang District Hospital habang binibigyan ng paunang lunas matapos silang dumanas ng minor injuries. Salamat na lang dahil ang lahat ng biktima ay pawang ligtas, kaya't walang naging casualty sa insidente.
• Emergency Transport Service (Land and Water)
Samantala, kabilang sa mga na-stranded sa insidente ang mahigit 60 na mag-aaral mula sa iba’t-ibang eskwelahan sa bayan. Sa pagtutulungan ng mga department heads sa ilalim ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sila ay tinipon sa Balon Bayambang Events Center upang isakay pauwi ng libre gamit ang mga sasakyan ng Munisipyo at pribadong kumpanyang AILC ng pamilya Jose-Quiambao.
Paglaon ay nagkaroon ng free boat rides sa araw sa tulong ng PDRRMO, Alaminos City LGU at San Carlos City LGU, kaagapay ang BFP, BPSO, MDRRMO, CIS, at Reaction 166.
• Information Dissemination
Nagkabit ng mga tarpaulin signages ang Munisipyo sa lahat ng boundary markers at istratehikong lugar, upang magabayan ang lahat ng motoristang apektado ng Romulo Bridge collapse, sa pagtutulungan ng BPSO, PNP, at Engineering Office. Naging abala naman si Mayor Niña at ang Public Information Office sa pagpost ng mahahalagang impormasyon sa social media.
• BayWad Water Line Repair
Dahil sa insidente ay nasira ang linya ng water supply ng Bayambang Water District na dumadaan sa tulay, kaya’t kaagad itong nirepair ng BayWad, sa tulong ng BFP. Tumulong naman ang MDRRMO sa pagtransport ng pansamantalang water supply sa mga kabahayang apektado.
• Construction of Pathway and Waiting Sheds for Boat Passengers
Isang pathway at mga waiting shed ang ginagawa ng LGU para madaanan at masilungan ng mga boat passenger-commuters na apektado ng pagbagsak ng isang bahagi ng Romulo Bridge kamakailan. Katuwang ng MDRRMO sa pathway construction at pati na ng terminal sheds ang AILC at Engineering, samantalang ang CIS at Reaction 166 ay tumutulong para sa maayos na pamamahala ng mga boat passengers. Namahagi rin ang LGU, sa pamamagitan ng MDRRMO, ng pagkain para sa mga personnel ng pamahalaan na nakatoka sa emergency transport.
• Retrieval of Trucks
Noong October 24, naging matagumpay ang retrieval operations para sa dalawang truck na sumama sa bumagsak na parte ng Carlos P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa. Dito ay nagtulung-tulong ang DPWH at LGU-Bayambang, partikular na ang MDRRMO, Engineering Office, at Motorpool. Nagpahiram din ng heavy equipment Agriculture Infrastructure and Leasing Corp. ng pamilya Jose-Quiambao, samantalang nagbigay naman ng security assistance ang PNP, BPSO, at Wawa Barangay Council.
• Consultation with Trike Drivers
Kinonsulta ng BPSO ang mga apektdong tricycle drivers upang malaman kung paano masosolusyunan ang biglaang pagkawala ng pasahero sa kanilang dating ruta.
• MDRRM Council Meeting Updates
Sa pulong ng MDRRM Council sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao (via Zoom), napag-usapan ang mga tulong na naihatid ng LGU, ang mga kailangang gawin pa katulong ang DPWH para sa construction ng bailey bridge sa loob ng dalawang linggo, at ang panuntunan sa darating na Undas. Ang pulong ay ginanap ngayong araw sa Niña's Cafè.
• Construction of Bailey Bridge
Matapos matanggal ang dalawang truck, agad nang inumpisahan ang konstruksyon ng bailey bridge o temporary bridge sa nasirang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge o Wawa Bridge sa Brgy. Wawa. Magtatrabaho ng 24 hours sa 3 shifts ang mga personnel ng DPWH at Engineering Office ng LGU, kasama ang Motorpool. Inaasahang maitayo ang naturang bailey bridge sa loob ng dalawang linggo basta't maganda ang panahon. Hanggang 5 tonelada lamang ang kaya ng naturang tulay, kaya one way lang ito sa ngayon, at ang maaari lamang dumaan ay mga pedestrian, bike, motorsiklo, at maliit na kotse. Ang LGU ay magpoprovide ng 30 laborers/construction workers at 15 welders sa emergency construction project na ito.
• BPSO Nagpasalamat sa Anonymous Donor
Nagpapasalamat ang Bayambang Public Safety Office sa ayaw magpakilalang donor ng mga medical supplies sa kanilang opisina noong October 27. Kabilang sa mga dinonate ng anonymous donor ay ang mga supplies na kapakipakinabang sa mga medical emergency situations, gaya ng bandage, surgical tape, at alcohol pads.
• MDRRM Council, Naka-alerto Pagdating ng Bagyong Paeng at Queenie
Dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Paeng, ang boat operation ay pansamantalang sinuspende simula October 30. Pinayuhan ang mga may sariling bangka na huwag munang tumawid ng ilog. Kasama ng LGU ang PNP, PDRRMO, San Carlos CDRRMO, CIS, Reaction 166, at BDRRMC sa pagbabantay at pagsisiguro na walang pribadong bangka ang tumatawid sa ilog.
Nagmonitor naman ang Agriculture Office upang malaman ang lawak ng nasalantang sakahan.
AWARDS & RECOGNITION
MNAO at BNS ng Bayambang, No. 1 sa Buong Pangasinan!
Muling pinarangalan si Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno bilang top Municipal Nutrition Action Officer o MNAO sa buong probinsya ng Pangasinan, para sa taong 2021, at naging Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar naman si Gng. Annaliza M. Natividad ng Brgy. Sancagulis sa buong probinsya sa taong 2021. Ito ay ayon sa resulta ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation o MELLPI Pro for 2021 ng Provincial Nutrition Evaluation Team. Matatandaang si Bueno ang nakasungkit ng naturang parangal noong 2020, kasabay ni Gng. Marcelina Macaraeg ng Brgy. Bacnono bilang top BNS.
Isang mainit na pagbati kay Ms. Bueno at Ms. Natividad at sa lahat ng bumubuo ng Municipal Nutrition Committee!
PLtCol Bagsic and Bayambang MPS, Recognized for Arrest of Most Wanted Persons
The PNP gave recognition to the Bayambang Police Station under OIC Chief PLtCol Rommel P. Bagsic for the successful arrest of Top 6 Most Wanted Person (Provincial Level) and Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) by virtue of a warrant of arrest for the crime of rape with no recommended bail on October 24, 2022 at Brgy. Bangal, Hermoza, Bataan. Congratulations, Col. Bagsic and the men and women of PNP Bayambang!
Councilor Amory, Bagong Commander ng Alpha Company ng 104th Reserve Army
Noong October 23, nahirang bilang bagong Company Commander si Councilor Amory M. Junio ng Alpha Company ng 104th Reserve Army ng Philippine Army, sa ilalim ng Western Pangasinan Battalion Commander na si Bayambang Public Safety Office Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon. Ito ay ginanap sa isang Turnover Ceremony sa Camp Andres Malong Military Reservation, Binmaley, Pangasinan. Sa Reserve Army karaniwang humihiling ng karagdagang tulong ang mga LGU sa panahon ng sakuna gaya ng baha, bagyo, lindol, at iba pa.
Isang mainit na pagbati, Councilor Amory, mula sa iyong LGU-Bayambang family! Saludo po kami sa inyong spirit of public service.
No comments:
Post a Comment