GOOD GOVERNANCE
LGU Heads, Sumabak sa Refresher ukol sa Performance ManagementLumahok ang 57 na opisyales at representante ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa isang refresher on individual performance management na pinangunahan ni ICT Officer Ricky Bulalakaw noong January 10 sa Balon Bayambang Events Center upang mas mapaghusay pa ang mga serbisyong ibinibigay ng buong pwersa ng munisipyo sa mga Bayambangueño. Nakatutok ang aktibidad na ito sa individual performance planning, evaluation, at development planning alinsunod sa CSC Memorandum Circular No. 6, series of 2012, o “Guidelines in the Establishment and Implementation of Agency Strategic Performance Management System (SPMS)”, na siyang magiging daan upang mas mapagtibay ang accountability ng mga empleyado ng munisipyo at sustainability sa kanilang pabibigay ng total quality service.
PLANNING & DEVELOPMENTSTRADCOM, Nagdonate ng 77 Computer Sets at Printers sa mga Barangay para sa RCBMS
“Ako’y natutuwa at ipinagmamalaki ko na ang Bayambang ay nangunguna sa pag-iimplementa ng magagandang programa at tayo rin ay nagiging model town sa buong probinsya.’’
Ito ang sinambit ni Mayor Cezar Quiambao patungkol sa implementasyon ng Bayambang Restructured Community-Based Monitoring System o RCBMS, na nauna nang iniimplementa ng munisipalidad bago pa man ito gawing institutionalized ng national government.
Kaugnay nito, inaward ang 77 computer sets at printers mula sa sariling bulsa ni Mayor Quiambao sa pamamagitan ng STRADCOM Corporation para sa proyektong ito, kung saan ibababa sa 77 barangays ang tinaguriang My Barangay Portal, kung saan itinakda ang lahat ng Barangay Nutrition Scholars (BNS) na maging in-charge sa datos ng barangay para sa RCBMS. Ang kabuuang donasyon ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P7.5M.
Ginanap ang turnover ceremony sa Balon Bayambang Events Center, January 31, sa pagtutulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT), Municipal Planning and Development Office, ICT Office, at Nutrition Action Office.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Pre-Bid Conference for PRDP Project
Isang Pre-Bidding Conference para sa proyektong "Improvement of San Gabriel II Farm to Market Road with Bridge" ang inorganisa ng Bids and Awards Committee sa ilalim ng World Bank Harmonized Procurement Chairperson nito na si ICT Officer Ricky Bulalakaw noong January 4 sa Balon Bayambang Events Center.
Ito ay dinaluhan ng mga prospective bidders mula sa Pangasinan at iba pang lugar upang magkaroon ng ideya ang mga bidders ukol sa mga teknikal na aspeto ng proyekto at personal na makapagtanong para sa clarifications. Naroon ang mga miyembro ng Implementing Unit ng proyekto at mga observers mula sa Philippine Rural Development Project ng Department of Agriculture.
BAC Holds Opening of Bids
Narito ang mga eksena sa pagbubukas ng bidding na isinagawa ng Bids and Awards Committee sa ilalim ng BAC Chairman na si Municipal Engineer Eddie Melicorio sa Balon Bayambang Events Center noong January 11. Dito, ang mga bid documents na isinumite ng mga bidder ay isa-isang iniinspeksyon upang masiguro na compliant ang mga ito. Sa naturang aktibidad ay idineklara rin ang mga nanalong bidders.
BAC Opens Bids for PRDP Project
Ginanap ang opening of bids para sa proyektong “Improvement of San Gabriel II Farm to Market Road with Bridge,” at ito ay inorganisa ng Special Bids and Awards Committee sa ilalim ng World Bank Harmonized Procurement Chairperson nito na si ICT Officer Ricky Bulalakaw noong January 19 sa Balon Bayambang Events Center. Ang mga isinumite na bids ay iisa-isahing tingnan ng BAC at ng Technical Working Group na pinangungunahan ni Atty. Bayani Brillante Jr., upang malaman kung sino ang may pinakamababang bid habang sinisiguro na ito ay naaayon sa bid specifications. Ang opening of bids ay dinaluhan ng 17 prospective bidders, mga miyembro ng Implementing Unit ng LGU, at observers mula sa Philippine Rural Development Program ng Department of Agriculture at iba pang ahensya at grupo.
Massive Appraisal of Government Properties, Isinagawa ng Assessor's Office
Noong January 19, nag-umpisang magsagawa ng massive appraisal activity ang Assessor's Office para sa iba't ibang government properties sa lahat ng 77 barangays ng Bayambang. Ang aktibidad na ito ay inumpisahan ng Assessor's sa District II. Layunin ng aktibidad na masurvey ang lahat ng government properties sa bayan ng Bayambang.
Mayor Quiambao, Isinulong ang Mangabul Bill sa Senate Committee Hearing
Noong January 11, tahasang isinulong si Mayor Cezar Quiambao ang pagpasa sa Mangabul Land Conversion Bill, sa isang virtual Senate Environment Committee Hearing kung saan si Senadora Cynthia Villar ang naging presider. Kasama ni Mayor Quiambao ang lahat ng miyembro ng Task Force Mangabul at representante ng mga apektadong magsasaka sa pangunguna ni San Vicente Punong Barangay Crisostomo Bato.
Ang version ng Mangabul Land Conversion Bill sa Senado o S.B. 1961, na inakda nina Sen. Miguel Zubiri at Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr., ay naglalayong ma-reclassify bilang isang agricultural land ang bahagi ng Mangabul Reservation sa Brgy. San Gabriel II na naging malawak na lupang sakahan matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo noong 1991.
Sinabi ni Sen. Villar na ang proposed land conversion bill ay magsusulong sa kapakanan ng mga magsasakang matagal nang nananakahan sa lugar, ngunit kailangan itong balansehin dahil sa geohazard risks at mga umiiral na batas ukol sa kalikasan, ayon na rin sa rekomendasyon ng DENR sa naturang committee-level hearing.
LEGISLATIVE WORK
Updates Mula Sangguniang Bayan ng Bayambang
SP Approves LGU's 2022 Annual Budget
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan noong December 20, 2021 ang Annual Budget ng LGU-Bayambang para sa Calendar Year 2022 na nagkakahalaga ng Six Hundred Ninety-Nine Million Two Hundred Eighteen Pesos (PhP699,218,000). Ang Municipal Annual Budget ang pinaka-importanteng dokumento na pineprepara ng ating mga municipal officials upang malaman kung papaano gagastusin ng lokal na pamahalaan ang mga municipal funds.
SP Approves LGU-Bayambang's AIP 2022
Inaprubahan din ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan noong December 20, 2021 ang Annual Investment Program (AIP) ng Municipality of Bayambang for Calendar Year 2022 in the Amount of One Billion Three Hundred Forty-four Million Twenty Thousand Two Hundred Pesos (PhP1,340,020,202.00). Ang AIP ay isang instrumento ng lokal na pamahalaan upang magbigay ng budgetary support para sa local government plan (LDP) at Development Investment Program at maitranslate ang development thrusts ng Bayambang upang maging tangible programs, projects at activities para sa inclusive, equitable at sustainable development.
SP Approves "Bawal Bastos Ordinance"
Inaprubahan din ng Sangguniang Panlalawigan noong December 20, 2021 ang "Municipal Ordinance Prohibiting Gender-Based Sexual Harassment in Streets, Public Spaces, Online Platforms, Workplace and Education or Training Institutions in the Municipality of Bayambang and Providing Penalties for Violation Thereof." Ang "Bawal Bastos Ordinance" ay nakatakdang magbigay ng penalty sa iba't-ibang uri ng sexual harassment sa pampublikong lugar, kabilang ang online spaces. Ang mga halimbawa ng sexual harassment ay catcalling, wolf whistling, misogynistic and homophobic slurs, at unwanted sexual advances.
Public Hearing, Isinagawa ukol sa Barangay AIP at Pamemeke ng Vaccination Card
Isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa Legal Basis For Annual Investment Program Review ng 77 barangays para sa taong 2022 noong January 13 sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna nina SB Committee on Finance, Budget and Appropriations and Ways and Means Chairman Konsehal Amory Junio kasama si Konsehal Martin Terrado II, Municipal Planning and Development Officer Ma-lene Torio, MLGOO Royolita Rosario at ilang concerned department heads. Sa pandinig na ito ay tinalakay ang pagsasaayos ng AIP at upang paghandaan ang budget para sa mga proyekto sa kani-kanilang barangay para sa taong 2022. Kasunod nito ay ang naging pagdinig ukol sa panukalang ‘’An Ordinance Providing Penalty for the Falsification, Mutilation Alteration, Tampering, Unauthorized Reproduction and other Fraudulent Acts in Relation to the COVID-19 Vaccination in the Municipality of Bayambang." Ang ordinansang ito ang magbabalangkas ng polisiya ukol sa tamang paggamit ng vaccination card at magbibigay ng parusa para sa mga pamemeke at iba pang uri ng paglabag. Ang naturang pagdinig ay pinangunahan ng mga miyembro ng SB Committee on Health na sina Councilor Amory Junio at Councilor Philip Dumalanta.
HEALTH
Anti-Rabies Vaccination sa Zone II
Ang buong team ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario ay muling nagsagawa ng massive anti-rabies vaccination sa Barangay Zone II noong January 14. Patuloy silang nag-iikot sa iba't ibang barangay upang masiguro na ligtas ang bawat Bayambangueño sa mga hayop na maaaring may dalang rabies at upang maiwasan ang kaso ng rabies death dito sa bayan ng Bayambang.
Operation Timbang Plus 2022, Sinimulan Na
Upang mamonitor kung sinu-sino, ilan, at nasaan ang mga bata na mas nangangailangan ng agarang suportang pangkalusugan, nagtutulungan ang Municipal Nutrition Action Office, mga Rural Health Unit, at mga Barangay Nutrition Committee para sa implementasyon ngayong taon ng Operation Timbang Plus. Partikular na layunin ng OPT+ ang taunang pag-assess sa weight, height, at overall nutritional status ng bawat bata sa Bayambang gamit ang calibrated na mga timbangan at aprubadong height o length measuring tools. Kaugnay nito ay nagbigay din ang National Nutrition Council ng adisyunal na stadiometers at measuring mats para sa assessment activity na ito.
Barangay Officials, Pinulong Ukol sa Alert Level 3
Noong January 24, Pinulong ng Bayambang Local IATF sa ilalim ng Incident Commander nito na si Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, ang mga opisyales ng 77 na barangay, kabilang ang mga kapitan, kagawad, at Barangay Health Workers, ukol sa Executive Order No. 2 o "An Order Implementing Measures in the Municipality of Bayambang, Pangasinan Under Alert Level 3." Naroon din ang mga miyembro ng Bayambang IATF na sina MLGOO Royolita Rosario, Supervising Tourism Operation Officer at BPRAT Chairperson Rafael Saygo, Task Force Bakuna Chairperson, Col. Leonardo Solomon, at representante mula sa PNP Bayambang. Nagtapos ang pagtitipon na may dala-dalang impormasyon ang bawat isa na ipaparating sa kani-kanilang barangay at inaasahang implementa nang maayos.
Mass Testing ng LGU Employees
Noong January 24 at 28, muling nagsagawa ang Rural Health Unit, sa tulong ng Human Resources Management Office at ng buong Bayambang COVID-19 IATF, ng mass testing ng lahat ng empleyado ng LGU-Bayambang bilang parte ng Test-Isolate-Treat strategy sa bayan upang maisawan ang pagkalat ng COVID-19 sa Munisipyo at sa lahat ng pumapasok dito. Gaya ng dati, naging posible ang mass testing dahil sa mga PPE at rapid testing kits na donasyon ng pamilya ni Mayor Cezar Quiambao. Mayroon ding nakalaang rapid antigen test kits para sa mga Bayambangueño na naging close contact ng positibong kaso. Kailangan lamang makipag-ugnayan sa RHU o sa inyong Barangay Health Worker para mapa-schedule ito.
Internal Audit Unit, Pasado sa Safety Seal
Tuluy-tuloy ang paggawad ng Safety Seal ng inter-agency Safety Seal Inspection team ng pamahalaan. Noong January 24, ginawaran ang tanggapan ng Internal Audit Unit ng LGU na pinamumunuan ni Gng. Erlinda Alvarez na nasa dating Accounting Office Building matapos itong pumasa sa lahat ng items sa compliance checklist. Ito ay sa pagtutulungan nina MLGOO Royolita Rosario at mga opisyal ng PNP at BFP. Para sa mga government offices, ang inspection team ay binubuo nina MLGOO Royolita Rosario at mga opisyal ng PNP at BFP.
EDUCATION
SEF Budget, Nasa P7M Na!
Nasa P7M na ang budget para sa Special Education Fund para sa taong 2022. Ito ay napag-alaman sa isang pagupulong ng Local School Board kasama si Mayor Cezar Quiambao at iba pang opisyal ng LGU sa Niñas Cafe noong January 21. Ang halagang ito ay paghahatian ng DepEd Bayambang District I at District II para sa kapakanan ng mga pampublikong eskwelahan at mga estudyante at guro nito. Kasama sa mga tinalakay sa pulong ang ukol sa submission ng budget proposal, scholarship program, updates ukol sa pilot face-to-face classes, at objectives ng LGU patungkol sa educational sector na nakaangkla sa Bayambang Poverty Reduction Action Plan.
DepEd Bayambang I, Nagpasalamat sa Bagong ICT Equipment
Noong January 25, nagpahayag ng pasasalamat ang DepEd Bayambang I sa pangunguna ni PSDS, Dr. Angelita V. Munoz, sa suporta ng LGU sa pamamagitan ng Local School Board, matapos matanggap ang 79 units ng 32 inch-wide TV at 48 na piraso ng tablet. Ang mga ito ay pakikinabangan ng 26 na paaralan bilang parte ng Basic Education Learning Continuity Plan ng District I. Ang pondong ginamit para sa pagbili ng mga naturang equipment ay galing sa 2021 Special Education Fund.
LIVELIHOOD & EMPLOYMENT
Farm Fresh Eggs Stall, Nagbukas sa Public Market!Isang proyekto ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Niña Cares Foundation, at Bayambang LGBTQI Association ang pormal na binuksan noong Enero 20. Ito ay ang Farm Fresh Eggs stall na matatagpuan sa Meat and Fish Section ng Bayambang Public Market. Ang kikitain sa stall na ito ay gagamitin ng asosasyon sa pagtulong sa mga myembro nito at sa pagsasakatuparan ng iba pang mga proyekto. Bukod pa rito, nakikipag-ugnayan din ang Bayambang LGBTQI Association sa Municipal Nutrition Action Office dahil ang kanilang produkto ay maidaragdag ng opisina sa mga ipinapamahagi sa mga malnourished na bata sa Bayambang upang sila ay maging malusog at masigla.
Pagsasanay sa Pag-aalaga ng Baboy, Inilunsad
Sumabak noong January 26 sa pagsasanay ang siyam benepisyaryo ng Hog Raising Project (Sentineling) mula sa Barangay Langiran, sa pagtutulungan ng UNAHCO, DCS Trading, Municipal Agriculture Office, Municipal Special Economics Enterprise, Municipal Social Welfare and Development Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., at agriculture consultants. Dito ay tinalakay ang mga karagdagang kaalaman sa pag-aalaga ng baboy kabilang ang wastong pagpapakain at ukol sa Farm Biosecurity sa gitna ng pananalasa ng African swine fever sa bansa.
Mushroom Product, Inilunsad sa Inirangan
Higit 25 na kababaihan sa Brgy. Inirangan ang matutulungan sa proyektong 'Kabutehan ni Cyl' na pinangungunahan ni KALIPI-Bayambang President Jocelyn S. Espejo. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., Niña Cares Foundation, Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Agriculture Office, at ni Mayor Cezar at Mayora Niña Jose-Quiambao.
OTHER SOCIAL SERVICES
MANGOs, Nanguna sa Brigada Eskwela sa DusocNoong January 7, nanguna sa isang Brigada Eskwela ang Municipal Association of NGOs bilang kanilang unang aktibidad sa taong 2022. Sila ay nagtungo sa Barangay Dusoc Elementary School upang linisin ang paligid nito, kasama ang mga barangay officials ng Dusoc, teachers at PTA members, Samahang Ilokano, Dusoc Farmers Association, at Barangay Public Safety Officers Federation sa pangunguna ng presidente nito na si G. Rodel V. Macate.
Community-Based Establishment of Women’s Organizations, Muling SinimulanMuling nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Community-Based Establishment of Women’s Organizations sa iba’t ibang barangay. Layunin ng aktibidad na magtatag ng organisasyong pangkababaihan sa bawat barangay sa Bayambang para sa taong 2022. Mula January 21 hanggang January 27, nakilahok ang 75 na kababaihan mula sa Barangay Warding, Sancagulis, at Apalen, kung saan sila ay tinuruan ng paggawa ng vision at mission at ukol sa iba pang paksa gaya ng self enhancement, gender sensitivity, at strengthening of husband and wife relationship.
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
Mga TODA, Muling Pinulong ng POSO
Noong December 28, 2021, muling pinulong ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, ang mga TODA ng Bayambang upang talakayin ang Temporary Revised Re-Routing Plan na inihanda ng kanyang departamento. Ito ay ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall, kung saan nakinig sa talakayan si SB Committee Chairman on Transportation and Communication, Councilor Martin E. Terrado II. Sa pulong ay tinalakay ang detalye ng DILG Memorandum Circular No. 2020-036 na siyang nagbabawal sa slow-moving vehicles sa lahat ng national highway nationwide. Ipinaalala rin ang mga umiiral na traffic rules and regulations.
POSO: Kaagapay sa Iba’t Ibang Kaganapan sa Bayan
Sa mahigit limang taon mula 2016 ay nariyan pa rin ang POSO na laging kasama sa anumang okasyon at laging umaagapay sa iba't-ibang kaganapan sa bayan ng Bayambang. Sa pamumuno ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, nagagabayan ang mga tauhan nito upang magampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin, mapa-ito man ay pagsagip sa anumang disgrasya, traffic enforcement, pagbantay sa mga pasilidad at ari-arian ng Munisipyo, pagpapatupad ng mga health protocol, atbp. Sa disiplina na pinairal ng POSO ay nagawaran ng Honesty Award ang departmento, bilang parangal sa mga tauhan nitong malugod na ibinabalik ang mga bagay at salapi na naiiwan ng mga Bayambangueño sa daan man o sasakyan. Iyan ang POSO-Bayambang: Sa lahat ng oras ay patuloy na nakaalerto at laging maasahan, salamat sa pagtataguyod at tuluy-tuloy na suporta ng Team Quiambao-Sabangan.
POSO, Naka-antabay sa Magkaibang Events
Sa magkaibang aktibidad ng iba't-ibang organisasyon sa bayan ng Bayambang, ang POSO ay palaging nakaantabay upang mapanatili ang social distancing ng mga tao, masiguro na may crowd control, at maisaayos ang daloy ng trapiko. Sa pamumuno ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, maayos na naisakatuparan ang mga ito sa isinagawang Youth Summit na dinaluhan ng mga SK members mula sa 77 na barangay na ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong January 10, at sa isang motorcade na parte ng taunang pagdiriwang ng Pista ng Poong Nazareno na nagsimula sa St. Vincent Ferrer Parish Church.
Biglaang Pagrescue ng PNP, Nasaksihan ng Isang Concerned Citizen
Noong January 12, nasaksihan ng isang concerned citizen ang pagtulong ng ating kapulisan sa isang ale na napaanak habang lulan ng isang traysikel sa bandang Brgy. Dusoc. Ayon sa saksi na si Donald Valdez, mismong ang OIC Chief ng PNP-Bayambang na si PLtCol Jim Helario, kasama sina PSSg Vina de Leon at PCpl Albert Junio, ang sumaklolo sa ginang at nagdala rito sa ospital. Patungo na sana sa isang community project sa Brgy. Hermoza ang naturang mga opisyal ng PNP nang hintuan nila ang pasyente upang magbigay ng ayuda.
"Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Towards National Recovery"
Noong January 12, muling nagsagawa ang mga national agencies at LGU offices ng tinaguriang "Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Towards National Recovery" sa Brgy. Hermoza. Dito ay nagtulung-tulong ang PNP, BFP, MDRRMO, RHU 1, Agriculture Office, at ang Lingkod Bayan Advocacy Support Group na kinabibilangan ng barangay officials, barangay force multipliers, LGBTQI Association, at barangay women's group. Layunin ng aktibidad na maipakita ang tagumpay ng administrasyong Duterte at maghatid ng kaginhawahan sa mga Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng pagdadala ng mga serbisyo ng mga pambansang ahensya sa komunidad sa gitna ng pandemya.
Handheld Radio Seminar, Dinaluhan ng Traffic Enforcers
Dinaluhan ng mga traffic enforcers ng Public Order and Safety Office ang isang Handheld Radio Seminar noong January 16 sa Royal Mall, sa pangunguna ng Philippine Amateur Radio Association (P.A.R.A.). Ito ay isa na namang pag-angat ng kaalaman ng mga tauhan ng POSO tungkol sa operasyon ng handheld radio at isang malaking tulong para sa epektibong pagtupad ng kanilang tungkulin.
POSO, to the Rescue sa mga Road Emergency
Ang POSO ay may mga nakatalagang rescuers sa ilalim ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, na laging handa upang sagipin ang buhay ng ating mga motoristang nasasangkot sa mga disgrasya sa daan. Noong nakaraang linggo ay umaabot sa sampung insidente ng road emergency ang maagap na sinaklolohan ng POSO. Binigyan nila ng kaukulang unang lunas o first aid ang mga biktima, at agarang dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
Farmers Field School for Corn, nasa Week 9 Na
Noong Nobyembre 11, ang Farmers Field School na inilunsad para sa corn farmers sa Brgy. Ligue ay nasa Week 9 na. Ito ay parte ng inilunsad ng Municipal Agriculture Office na isang pagsasanay na pinamagatang "Season-Long Farmers' Field School on Corn Integrated Crop Management" sa nasabing barangays. Layunin ng naturang training na madagdagan ang kaalaman ng mga 30 na corn farmers sa lugar sa mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng mais, lalung-lalo na ang mga kursong Nutrient Management at Integrated Pest Management.
MAO, Muling Nagmonitor sa mga Barangay na Kabilang sa PRIME Sites
Noong January 14, muling nag-ikot ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Zyra Orpiano upang magmonitor sa 20 na barangay na kabilang sa Pest Risk Identification Management o PRIME sites. Ang naturang proyekto ay base sa inisyatibo ng Philippine Rice Research Institute at Department of Agriculture-Regional Field Office 1 na naglalayong matukoy ang mga pesteng umaatake sa palay at upang magkaroon ng kahandaan at mga makabagong istratehiya sa pagsugpo ng mga mapaminsalang sakit at insekto.
MAFC, Naghalal ng Bagong Set of Officers
Pagkatapos ng Monday flag ceremony ng January 24, iprinisenta ang mga bagong halal na opisyal ng Bayambang Municipal Agriculture and Fishery Council o MAFC. Ang MAFC ay pinamumunuan ng bagong Chairperson nito na si Resie Castillo, Vice-Chairperson na si Manuel Chua, at Secretary na si Catalina Mejia. Pinangunahan naman ni Councilor Martin Terrado II ang panunumpa ng mga naturang Council officials sa Balon Bayambang Events Center. Kabilang sa mga nanumpa ang mga iba't ibang Committee members na inappoint ng MAFC.
Pantol Farmers, Tumanggap ng Makina mula sa PhilRice
Noong January 27, isang farmers' association at isang kooperatiba sa Brgy. Pantol ang nabiyayaan ng bagong rice farming equipment ng DA-PhilRice. Ang mga ito ay ang Nagkakaisang Magsasaka ng Pantol Inc. at Balon Pantol Farmers Association. Ang inaward na equipment na tig-isang plastic drum seeder ay parte ng proyektong Rice Business Innovation System ng PhilRice upang mapabuti ang rice farming mechanization sa kanilang lugar.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Local Zoning Board of Appeals, Nagpulong
Pinulong ng Local Zoning Board of Appeals (LZBA) sa pangunguna ni Committee Chair on Land Use/Zoning, Coun. Amory Junio at OIC- MPDC Ma-Lene Torio, ang mga negosyanteng nais magpatayo ng kanilang establisiyemento sa Bayambang, noong January 13 sa Mayor's Conference Room. Sa pulong, ay kanilang inisa-isa ang mga requirement at issue na kinakailangang maresolba upang tuluyang makamit ng mga negosyante ang Locational Clearance at upang masiguro na ang partikular na lugar kung saan nila itatayo ang kanilang mga negosyo ay nakasusunod sa Comprehensive Land Use Plan ng Bayambang.
BBEA, Iprinisenta ang Constitution and By-Laws
Sa unang General Assembly ng Balon Bayambang Employees Association (BBEA) para sa taong 2022 na ginanap noong January 10 sa Events Center, hinimok ni BBEA President Princesita Sabangan ang lahat ng mga empleyado ng LGU na permanent at casual na mag-apply bilang miyembro. Dito ay pinaliwanag ni BBEA Board of Director member, Albert Lapurga, ang constitution at by-laws ng BBEA, kabilang ang membership rule ng asosasyon. Kasama din sa tinalakay ang mga benepisyong makukuha bilang miyembro ng asosasyon, kabilang ang medical benefits.
Sibol MPC, Nagbigay ng Pre-Membership Education Seminar
Isang Pre-Membership Education Seminar ang ibinigay ng Sibol Multi-Purpose Cooperative sa mga LGU employees na permanent, casual, at job order noong January 17 sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay upang makarecruit ng mga bagong miyembro ang dating LGU Bayambang Employees Cooperative at mapalago ang capitalization fund ng kooperatiba at nang mas maraming empleyado pa ang makinabang dito.
Pre-Registration Seminars, Isinagawa
Noong
January 14 at 18, nagsagawa ng Pre-Registration Seminar ang
Cooperative Development Authority-Dagupan, sa tulong ng Municipal
Cooperative Development Office. Nagkaroon ng Pre-Registration Seminar sa
Brgy. Reynado para sa panukalang Green Harvest Reynado Agriculture
Cooperative, at isa pang Pre-Registration Seminar sa Brgy. Tanolong para
sa panukalang Bayambang Agripreneurs Agriculture Cooperative (BACOOP)
sa pakikipag-ugnayan sa mga Civil Society Organization sa pangunguna ni
Municipal Association of NGOs President, Vilma Dalope.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Progress Report on JKQMWC
Naritong muli ang update ukol sa konstruksiyon ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center sa Brgy. Ligue, as of January 11, 2022.
UPDATE | Soil Laboratory, Manambong Parte
Massive Dredging of Inland Fisheries
Nagsimula na ang Municipal Agriculture Office sa pagsasagawa ng massive dredging ng mga inland fisheries sa barangay ng Macayocayo, Tanolong, Maigpa, Beleng, Balaybuaya, Langiran,Tococ East,Tococ West at Alingan noong January 25. Ito ay napakalaking tulong sa mga magsasaka at mangingisda upang magamit sa patubig ng kanilang mga sakahan at palaisdaan. Sa pamamagitan rin nito ay makakapagproduce na ang mga lokal na magsasaka ng mas maraming isdang tabang gaya ng tilapia, hito, dalag at iba pa.
UPDATE: Municipal Hatchery, Brgy. Langiran
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Bagong Bio-Waste Composter at Shredder, Inaward sa MRF
Idineliver ng central office ng Environmental Management Bureau ng Department of the Environment and Natural Resources ang isang brand new biodegradable waste composter at brand new heavy-duty shredder sa Materials Recovery Facility ng Ecological Solid Waste Management Office noong January 19. Matatandaan na noong Hulyo 2021 ay iniaward ang mga equipment na ito ng DENR-EMB sa Bayambang ESWMO dahil sa magandang record nito sa waste generation at organic compost production at dahil na rin sa laki ng populasyon ng Bayambang. Ang drum composter ay may kapasidad na 1 tonelada ng nabubulok na basura, at kaya nitong magcompost sa loob ng 24 oras. Ang kabuuang halaga ng dalawang bagong equipment ay isang milyong piso.
Bayambang, May MENRO Na
Ang LGU-Bayambang ay mayroon nang Municipal Environment and Natural Resources Officer, matapos i-appoint si G. Joseph Anthony F. Quinto ni Mayor Cezar Quiambao at i-approve ang naturang appointment ng Sangguniang Bayan noong January 24. Si G. Quinto, na tubong Bayambang, ang siyang bagong uupo na Department Head ng Ecological Solid Waste Management Office. Siya ay dating General Manager ng Metro San Fernando Water District, Economic Development Specialist ng NEDA, at Planning Officer ng Department of Agriculture.
MDRRMO, Nakiisa sa Tree Planting Activity ng PNP
Noong January 26, ang MDRRMO ay nakiisa sa "Simultaneous Tree Planting Activity" ng PNP Bayambang na ibinaba ng Pangasinan Police Provincial Office. Sa pamumuno ni PLtCol. Jim Helario, sumama rin sa tree planting ang mga opisyales ng Brgy. Malioer sa pamumuno ni Kapitan Oscar Padua, Municipal Association of NGOs sa pamumuno ni Vilma Dalope, at CIS sa pamumuno ni Glen B. Villanueva. Mahigit limampung piraso ng bamboo seedlings ang naitanim sa Brgy. Malioer. Ayon sa MDRRMO, nakatutulong ang pagtanim ng kawayan upang maiwasan ang pagguho ng lupa o soil erosion, bukod pa sa iba pang benepisyo.
DISASTER RESILIENCY
MDRRMO Joins Barangayanihan Caravan in Brgy. Ambayat 2nd
Nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Agriculture noong January 6 para magsagawa ng lecture at maghatid ng serbisyo sa Brgy. Ambayat 2nd bilang parte ng Barangayanihan Caravan Towards National Recovery ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dito ay nagturo si LDRRM Officer Genevieve Benebe ng Standard First Aid, at pagkatapos ay nagbigay siya ng mga emergency kit tulad ng flashlight, go bag at mga information materials na nakatuon sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng isang kalamidad.
Tuluy-tuloy pa rin ang Disinfection Activities
Sa kabila ng pagbaba at muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lugar, patuloy pa rin ang pagdi-disinfect at pag-decontaminate ng MDRRMO sa lahat ng opisina ng LGU Bayambang at sa Community Isolation Facility. Bukod dito ay ang pamimigay ng pagkain tatlong beses isang araw para sa ating mga Persons Under Monitoring at Persons Under Investigation na nasa mga isolation facility.
Emergency Shelter Assistance, Ipinamahagi sa mga Biktima ng Bagyong Ulysses
Noong January 5 hanggang 6, ipinamahagi sa Balon Bayambang Events Center ang Emergency Shelter Assistance para sa mga partially damaged na bahay ng mga nasalanta ng Bagyong Ulysses noong November 11 at 12, 2020. Sa tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office I (DSWD-FO1) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nakatanggap ang 284 na benepisyaryo ng halagang PhP6,700. Ang mga nakasama sa listahan ay tiniyak sa pamamagitan ng masusing validation ng mga kawani ng MSWDO.
AWARDS & RECOGNITION
PESO-Bayambang Receives Special Citation
Noong January 7, nakatanggap ng Special Citation ang Public Employment Services Office (PESO)-Bayambang sa ilalim ni OIC PESO Manager, Dr. Rafael L. Saygo, mula sa Department of Labor and Employment Regional Office I para sa "timely and complete submission of PESO Statistical and Performance Reporting System Reports for CY 2021." Ang parangal ay iginawad sa Clark City, Pampanga.
Performance Award, Tinanggap ng MADAC
Noong January 25, Iginawad ni Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario kay Mayor Cezar Quiambao, Vice Mayor Raul Sabangan at sa buong Sangguniang Bayan, at sa mga myembro ng Bayambang Municipal Anti-Drug Abuse Council na sina Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, PNP-Bayambang Chief, PLt.Col. Jim Helario, at Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista, Jr., ang pananda ng National Anti-Drug Abuse Council Performance Award matapos makatanggap ng 100 functionality points ang bayan ng Bayambang sa 2019 at 2020 ADAC Performance Audit. Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing kongkretong ebidensya ng patuloy na paglaban ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan sa bayan.
ESWMO, Kinilala sa 6th Ecological Solid Waste Management Summit
Kinilala ang Ecological Solid Waste Management Office at LGU Bayambang sa ginanap na 6th Ecological Solid Waste Management Summit ng DENR-Environmental Management Bureau Region I noong January 26 sa Kabaleyan Cove Resort, San Carlos City, Pangasinan. Ang unang pagkilala ay ukol sa pagkakaapruba ng 10-year Solid Waste Management Plan nito. Ang ikalawang pagkilala ay ang pagiging isa sa mga modelo ng implementasyon ng waste diversion activities.