Tuesday, September 14, 2021

Editorial - August 2021 - Pagsibol ng mga Kabataang Bayani

 Ikinulong man ng pandemya, ngunit ang mga puso nila'y parang nagniningas na apoy na patuloy na umaalab sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at balang-araw ay magdadala ng tagumpay sa laban na kanilang hinaharap.

Ganito ang mga kabataang napagkaitan ng kalayaan upang mailayo sa bangis ng virus na lumalaganap. Hindi makapasok sa eskwela at hindi makatagpo maging ang mga guro nila, ngunit sa makabagong teknolohiya sila'y kumapit at humugot ng pag-asa. Sa pamamagitan ng modular learning at social media, nagsisikap at nagtitiyaga upang 'di mapag-iwanan ng edukasyong kanilang itinuturing na yaman at sandata laban sa kahirapan. Sarado man ang pintuan, ang kanilang boses ay maririnig na naghihiyawan, sumisigaw ng kalayaan upang mapakinggan ang kanilang karapatang makapagpatuloy sa pag-aaral, COVID-19 man ang humarang.

Dito sa ating bayan matatagpuan ang mga kabataang puno ng ambisyon sa buhay at malasakit sa bayan. Ginamit ang social media upang ihayag ang mga plataporma na sa palagay nila ay lubos na makatutulong sa publiko lalo na sa kanilang mga kapwa Bayambangueño.

Nitong Agosto ay ipinagdiwang ng mga kabataang Bayambangueño ang Linggo ng Kabataan sa loob ng kanilang mga tahanan, ngunit nanatiling konektado ang kanilang mga puso't isipan sa pagsulong ng mga proyekto na siyang susugpo sa kahirapan. Hindi nila kinalimutan ang responsibilidad nila sa lipunan na habang maaga pa ay mapagyaman na ang kanilang mga kaalaman alang-alang sa kinabukasan ng minamahal na bayan. Ito ay patunay na tama si Rizal: kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan.

Malaki man ang pinagkaiba ng bawat henerasyon ay huwag kalilimutang iisang dugo ang dumadaloy sa ugat ng mga Bayambangueño na laging bayan ang isinasapuso. Sa gabay rin ng mga lider dito ay tiyak na magagaling at mahuhusay ang mga kabataang produkto dahil iminulat sila sa wastong serbisyo publiko. Sa mata ni Mayor Quiambao ay kabataan ang laging bida dahil naniniwala siya na sila ang bagong bayani na magpapatuloy sa itinatag nitong rebolusyon para na rin sa susunod na henerasyon.

May iba't iba man na tono ng pananalita, kaugalian at gawi, maging pamamaraan ng pananamit dulot ng modernong panahon, kabataan noon at kabataan ngayon, magkaiba man ang kinagisnang panahon ay di mapagkakailang may iisang direksyon tinatahak magpasahanggang ngayon. Ito ay ang tulungang ibangon ang bayang nasasadlak pa rin sa kahirapan at maging kabataang bayani ng lipunan.

Saturday, September 4, 2021

LGU Accomplishments for August 2021

 

 

GOOD GOVERNANCE

 

HRMO, Nagbigay ng Customer Service Training para sa mga Kawani

 

Noong August 18, nagbigay ng Customer Service Training para sa mga kawani ng LGU ang HRMO sa Balon Bayambang Events Center upang mapag-ibayo ang tamang pagbibigay ng serbisyo publiko ng mga kawani. Nagsilbing trainor ang mismong staff ng HRMO. Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang kahalagahan ng customer service, paano maibibigay ang client satisfaction, saan nagmumula ang customer complaints, tips sa phone etiquette at face-to-face transactions, at paano makipagcommunicate ng wasto gamit ang email.

 

LGU-Bayambang, Nagbenchmarking sa Alaminos City para sa ISO Certification

 

Malugod na tinanggap ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste nang bumisita ang mga opisyales ng LGU Bayambang sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., upang magsagawa ng benchmarking activity sa siyudad ukol sa ISO Certification. Layunin ng pagbisita na malaman ang kabuuang ISO Certification Journey ng Alaminos City LGU upang magsilbing gabay sa paghahanda ng LGU Bayambang para sa sariling ISO Certification.  Kabilang sa nagbahagi ng kanilang eksperyensya at kaalaman sina Alamino City Administrator, Dr. Emielou Gellado; Executive Assistant Daisy Timbal, Engr. Eduardo Garcia, at Ms. Gladys Satuito.

 

Ikaapat na Anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, Ipinagdiwang

 

Inilatag ng Bayambang Poverty Reduction Action Team ang kasalukuyang estado ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng bayan ng Bayambang sa ikaapat na anibersaryo nito noong ika-31 ng Agosto. Sa harap ni Mayor Cezar T. Quiambao, mga myembro ng Sangguniang Bayan, department and unit heads, mga kawani ng gobyerno, at mga representante mula sa non-government organizations at sector ng edukasyon, iprinisenta ni BPRAT Chairperson Rafael L. Saygo at ng mga focal person ng bawat sector ang mga nagawa, ginagawa, at mga kailangan pang gawin upang ang bayan ay magwagi sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Ang rebolusyong ito ay naglalayong bigyan ng maayos na pamumuhay ang bawat Bayambangueño sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagbibigay ng sapat na tulong mula sa gobyerno.

LGU KSB Team at Mobile Clinic ni Sen. Hontiveros, Nagsanib-Puwersa sa Warding at PSU

                               

Sa pagsasanib-pwersa ng lokal na pamahalaan para sa serbisyo publiko, patuloy pa rin ang pag-arangkada ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa proyekto nitong Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4. Sa nakaraang lingo ay kasama ng KSB team ang Healthy ‘Pinas Mobile Clinic ni Senator Risa Hontiveros upang pagsilbihan ang mga taga-Brgy. Warding, Managos at District 9 barangays noong August 9 at 11. Ang naturang mobile clinic ay nagbigay ng libreng laboratory tests gaya ng blood chemistry, ECG, X-ray at ultrasound, at mga libreng gamot ding ibinigay mula sa kanilang pharmacy. Laking tuwa ng mga residente dahil sa hindi kumukupas ang proyektong ito na ibinibigay ng administrasyon sa mga Bayambangueño kahit pa sa gitna ng pandemya.

 

KSB Y4 Team, Lumipat sa Bani ES

 

Noong August 20 rin ay lumipat ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 sa Bani Elementary School upang pagsilbihan ang mga residente ng Brgy. Bani, Asin, at Ligue. Sa paghatid ng mga libreng serbisyong medikal, dental, agricultural, social welfare, at iba pa, naiparamdam sa mga residente ng mga naturang barangay kung paano direktang matamasa ang mga serbisyo ng Munisipyo, dahil mismong ang mga pinakamatataas na opisyal ang lumapit sa barangay upang makipagkamustahan ng personal at mismong mga department heads ng LGU ang naghatid ng iba’t-ibang serbisyo.

 

 

KSB Team, Lumapag sa Barangay Buenlag 1st

 

Noong August 6, ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 4 ay dinala sa Buenlag Elementary School sa Brgy. Buenlag 1st upang pagsilbihan ang mga barangay na mula sa District 8, ang Buenlag 1st, Buenlag 2nd, at Mangayao. Daan-daang muli ang nakinabang sa mga serbisyo ng lahat ng departamento ng LGU, hindi lang sa medikal, ngunit maging sa ibang uri man ng serbisyo tulad ng libreng antirabies vaccination ng mga alagang aso, seedling distribution, atbp. Ito ay isang tugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan sa pang-araw-araw nang di na nila kailangan magtungo pa sa sentro ng bayan.

 

 

Millennial Challenge Orientation, Isinagawa Online ng BPRAT

 

Noong August 19, nagbigay ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng isang orientation program online para sa mga ibig sumali sa Bayambang Millennial Challenge ni Mayor Quiambao. Ito ay upang mahikayat ang lahat ng kabataang Bayambangueño na may mga kakaibang ideya na maaaring maimplementa para masolusyunan ang mga problema sa kanilang barangay. Ang mga mapipiling proyekto ay dapat ding madaling gayahin ng iba pang mga barangay. Kaya't hinihikayat ang mga kabataan na huwag palampasin ang pambihirang pagkakataong ito.

 

 

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

 

Local Zoning Board of Appeals, Nagpulong

 

Noong July 28, ang mga miyembro ng Local Zoning Board of Appeals (LZBA) ay nagpulong sa Municipal Conference Room upang talakayin ang mga patakaran tungkol sa kaso ng isang two-storey commercial-residential building, proposed commercial building, at proposed piggery. Naroon sa nasabing pagpupulong sina Councilor Amory Junio, Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr. at concerned department heads.

 

Local Housing Board, Nagpulong ukol sa Informal Settler Issue sa PSU

 

Noong July 27, ang mga miyembro ng Local Housing Board ay nagpulong sa Municipal Conference Room upang talakayin ang sitwasyon ng mga informal settler na nakatira sa Military Reservation area. Ang naturang pagpupulong ay pinamunuan ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., kasama ang kinatawan ng Sangguniang Bayan na si Majority Floor Leader, Councilor Amory Junio, at naroon din ang MPDO, Municipal Engineer, Liga ng mga Barangay, MSWDO, Budget Office, PNP, at representante ng Pangasinan State University.  Nilalayon ng pagpupulong na maayos ang gusto sa pagitan ng PSU at mga informal settlers.

 

Buong Puwersa ng LGU, Lumahok sa Devolution Transition Plan Webinar

                                                                   

Noong August 10, ang buong puwersa ng LGU-Bayambang ay lumahok sa isang orientation program ukol sa Preparation of LGU Devolution Transition Plan na inorganisa via Zoom videoconference ng DILG Regional Office 1. Ang aktibidad na ito ay nakapaloob sa bagong Mandanas Ruling ng national government na pataasin ang pondo ng lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng tinatawag na National Agency Taxes Allotment o NATA bukod pa sa dating nakalaang Internal Revenue Allotment o IRA. Ang bagong suporta na ito mula sa itaas ay naglalayong palawigin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan upang mas mapalawak ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa kani-kanilang nasasakupan.

 

Reassessment of Properties, Patuloy

 

Noong August 13, nagconduct ang Assessor's Office ng re-assessment ng mga property mula residential to commercial at appraisal ng mga makinarya sa Brgy. Managos at Brgy. Warding. Bahagi pa rin ito ng kampanya ng LGU na makalikom ng sapat na pondo upang may pantustos ang pamahalaang lokal sa mga walang puknat na development projects nito, lalo na infrastructure at economic development sector.

 

Assessor's Office, Nilinaw ang Municipal Boundary Line sa Mangayao

 

Noong August 17, nagkipag-ugnayan si Engr. Edelberto Tabion ng Assessor's Office, kasama ang BPRAT, sa Assessor's Office ng bayan ng Alcala, Pangasinan upang matukoy ang opisyal na boundary ng lupa sa pagitan ng Brgy. Mangayao, bayan ng Bayambang at Brgy. Atainan, bayan ng Alcala. Kasama ang opisyales ng mga naturang barangay, maayos na napagkasunduan kung saan nararapat na ilagay ang eksaktong lokasyon ng mga muhon sa naturang municipal boundary. Ang isinagawang survey ay may kaugnayan sa ipapatayong Goat Dairy Farm sa Brgy. Mangayao na popondahan ni Sen. Cynthia Villar sa pamamagitan ng National Dairy Authority.

 

Kawani ng LGU- Bayambang, Muling Lumahok sa Devolution Transition Plan Preparation

       

Noong August 31, ang Kawani ng LGU-Bayambang ay lumahok ukol sa Preparation of LGU Devolution Transition Plan, ang aktibidad na ito ay nakapaloob sa bagong Mandanas Ruling ng national government na pataasin ang pondo ng lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng tinatawag na National Agency Taxes Allotment o NATA bukod pa sa dating nakalaang Internal Revenue Allotment o IRA. Ang bagong suporta na ito mula sa itaas ay naglalayong palawigin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan upang mas mapalawak ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa kani-kanilang nasasakupan.

                                                                                        

Mga Ilegal na Tarpaulin at Signboard, Binaklas

 

Sa pagtutulungan ng Treasury Office, MDRRMO, POSO, Engineering, at Solid Waste ay binaklas noong August 20 ang lahat ng mga tarpaulin at signboards na hindi rehistrado sa mga pangunahing daan ng bayan. Pinapaalalahanan ang lahat ng indibidwal at business establishments na kailangang makipag-coordinate muna sa Treasury Office bago magkabit ng mga business signages sa pampublikong lugar dahil may kaukulang bayad ang mga ito ayon sa Market Code at ito ay nireregula upang mapanatiling maaliwalas, maayos, at malinis ang ating bayan.

 

 

LEGISLATIVE WORK

 

Public Hearing, Isinagawa para sa Samu’t Saring Isyu

 

Noong August 19 sa SB Session Hall Ang SB Committee on Rules at Committee on Land Use and Zoning sa pangunguna ni Coun. Amory Junio ay nagpatawag ng Joint Committee Hearing ukol sa Application for Locational Clearance ng Petmalu Gas Station sa Brgy. Manambong Norte. Dahil nakitang compliant ang may-ari ng gasolinahan sa lahat ng requirements ay naaprubahan ang naturang aplikasyon.

 

Noong August 20 naman sa Events Center, nagsagawa ng samu’t saring public hearing ang Sangguniang Bayan para sa mga sumusunod na ordinansa ukol sa:

- Blood Council sa lahat ng mga barangay upang mas mapalawig pa ang voluntary blood donation sa bayan ng Bayambang

- pagpromote at pagdevelop ng Organic Agriculture sa bayan

- registration of ownership of agricultural and fisheries machinery and equipment

- penalty para sa explicit misrepresentation ng estado ng mga 4P's beneficiaries

- pagbabawal sa gender-based sexual harassment

- pagbabawal sa di otorisadong pagbebenta at distribusyon ng Covid-19 vaccines

- mandatory establishment ng VAWC Desk sa bawat barangay

 

 

HEALTH

 

92 Kababaihan, Tumanggap ng Implant Services

 

My 92 na kababaihang Bayambangueña ang tumanggap ng Progestin Subdermal Implant (PSI) services (89 insertions at 3 removals) noong ika-3 ng Agosto sa Balon Bayambang Events Center bilang parte ng Family Planning Month celebration sa buwan ng Agosto. Ang paglalagay ng contraceptive implant ay isang hakbang upang makontrol ang 'di planadong pagbubuntis ng mga nanay, at ang libreng serbisyong ito ay inihatid ng Population Commission Region 1 at Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development Office sa pakikipag-ugnayan sa RHU Bayambang at MSWDO.

 

Bayambang, Naghahanda Laban sa Delta Variant

 

Tinalakay ng lokal na IATF ang mga hakbang na gagawin upang maiwasan ang posibleng pagpasok at pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 sa bayan ng Bayambang. Sa harap ng mga Punong Barangay at kanilang mga sekretarya, tinalakay nina Dra. Paz Vallo, Dr. Roland Agbuya, MLGOO Royolita Rosario, at ng PNP ang latest COVID updates, mga dapat malaman ukol sa vaccination program ng LGU, at mga dapat tandaan para makaiwas sa COVID-19, lalo na sa bagong Delta variant, at ang latest protocol na maximum na tatlong araw para sa lamay sa patay.

 

 

Anti-Dengue Drive, Muling Pinaigting

                               

Kamakailan ay biglang tumaas ang kaso ng dengue, kaya't nagpapaalala ating RHU I Sanitary Inspector sa ating mamamayan na ugaliing maglinis sa paligid, lalo na ang mga sisidlan na maaaring pugaran ng lamok upang makaiwas sa dengue.  Ang team ni G. Danilo Rebamontan ay nagsasagawa ng clean-up drive, larvicidal application, at residual spraying sa Brgy. Sapang at iba pang barangay na may mga kaso, para maiwasan at mapuksa ang pagkalat ng lamok na may dalang dengue.

 

                                       

CSOs/NGOs' Blood Drive, Nakalikom ng 66 Bags

 

Noong August 15, nakaipon ng 66 blood bags ang blood donation drive ng Municipal Association of NGOs (MANGOs) sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay inisyatibo ng Xtreme Riders Club Pangasinan, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross-Dagupan Chapter, kasama rito ang Reaction 11-Animal Kingdom Base, Bayambang Bayanihan Lions Club, Agriculture and Fishery Council of Bayambang, at PNP Bayambang. Dito ay nagkaroon din ng Lecture-Demonstration on First Aid and CPR, free blood sugar screening, at pamimigay ng libreng gamot. Namigay naman ng libreng food packs ang Kasama Kita sa Barangay Foundation.

 

PCL-Pangasinan, Nag-donate ng Alcohol Dispenser Stands

 

Noong August 17, nag-donate ang Philippine Councilors League (PCL)-Pangasinan Chapter sa pamumuno ni PCL President at Provincial Board Member Sheila Marie S. Perez-Galicia ng limang alcohol dispenser stand.  Ang mga ito ay malugod na tinanggap ni Councilor Benjamin Francisco "Benjie" S. de Vera sa Mayor's Office. Ito ay isang munting proyekto ng PCL upang suportahan ang pakikibaka ng bawat munisipilidad at siyudad sa Pangasinan laban sa sakit na COVID-19.

 

Tonsillectomy Patient: "Salamat Po, Mayor Cezar at Mayora Niña!"

 

Isa na namang pasyente na may maselang kasong medikal ang natulungan ni Mayor Cezar Quiambao at Mayora Niña. Ang pasyente ay ang batang si Yvien Lei Ferrer, na nagkaroon ng misteryosong karamdaman kung saan siya ay nahirapang huminga, at kinailangang dumaan sa mga mamahaling diagnostic test bago madiskubre na ang kanya palang iniinda ay isang malalang klase ng tonsil inflammation. Siya ay unang dinala sa Medical City Clark para sa sleep test at iba pang test, at pagkatapos ay sumailalim sa tonsillectomy sa Region I Medical Center. Lubos na nagpapasalamat ang kanyang inang si Wyndie Ferrer sa lahat ng tumulong. Bukod kina Mayor Quiambao at Mayora Niña ay tumulong din si former Congresswoman Rachel "Baby" Arenas. Kasama naman ng pasyente at mga magulang nito ang Mayor's Action Center sa ilalim ni Jocelyn Espejo at ang staff ng MSWDO na nakatutok sa kaso.

 

 

Disinfection Activities, Pinag-Ibayo ng MDRRMO

 

A. Matapos biglaang lumobo ang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Bayambang, mas lalong pinaigting ng MDRRMO ang decontamination activities nito sa Munisipyo, isolation facilities, iba pang pampublikong lugar, at mga lugar na malimit na puntahan ng marami.

 

B. Agarang nilinis at inihanda naman ng General Services Office at Solid Waste ang mga isolation facilities.

 

C. Sa abiso ng RHU, ang mga nagpositibo ay dinala sa Isolation Facility sa San Gabriel 1st at iba pang pasilidad, at kaagad silang tinulungan sa kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at gamot.

 

Muling pinakikiusapan ang lahat na huwag magpakakampante at ugaliing sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang hawaan, at agad mapababa ang bilang ng mga aktibong kaso.

 

 

LGU, Muling Nag-Mass Testing

 

Muling nagkaroon ng mass testing sa buong LGU sa loob ng limang araw upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at ng lahat ng mayroong transaksyon sa munisipyo sa araw-araw. Maraming salamat kay Mayor Cezar T. Quiambao sa mga donasyong testing kit at PPE upang agarang maisagawa ang naturang mass testing.

 

 

Calibration ng mga Barangay Weighing Scale, Muling Isinagawa ng Nutrition

 

Simula August 28, nagsagawa ng tatlong araw na calibration ang Nutrition Office sa Aguinaldo Hall sa Events Center para sa mga timbangan ng mga barangay na ginagamit sa weight monitoring ng mga bata. Ito ay ginagawa ng Nutrition kada taon sa tulong ng DOST-Lingayen upang masiguro na accurate ang mga weighing scales na ginagamit sa lahat ng barangay. Ngayong taong ito, sinagot ng mga barangay ang calibration gamit ang kani-kanilang nutrition fund.

 

SK, Nagbigay ng Online Seminar on Good Nutrition

 

Noong August 20, bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2021, nagsagawa ang Sangguniang Kabataan Federation at Local Youth Development Office ng online Seminar on Good Nutrition noong August 20 sa tulong ng Municipal Nutrition Action Office. Dito ay tinalakay ni Municipal Nutrition Officer Venus Bueno ang nutritional status ng mga kabataang Bayambangueño, proper nutrition practices, at kung paano magkaroon ng healthy lifestyle.

 

DSWD Feeding Program, Nasa 11th Cycle Na

 

Noong August 26, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ipinamahagi sa Events Center ang mga food pack para sa 11th cycle ng Supplementary Feeding Program ng DSWD para sa mga Child Development Learner. Pawang mga masusustansiyang food items tulad ng mga fortified products ang inilaan sa food packs. Layunin ng programa na wakasan ang malnutrisyon sa Bayambang, at ito ay isang hakbang para isulong ang wastong nutrisyon para sa kanila. Mayroong makakatanggap na 2,000 na mga bata edad 3 hanggang 4, ngunit silay ay dapat na nakapag-enroll sa kani-kanilang Barangay Child Development Center.

                                                   

 

Anti-Rabies Drive, Patuloy

 

Tuluy-tuloy ang anti-rabies vaccination activity ng roving veterinary team ng Agriculture Office. Nitong huli, sila ay nagvaccinate sa Brgy. Zone VI ng 90 na alagang aso at pusa na pagmamay-ari ng 51 katao na residente sa lugar. Ang aktibidad na ito ay isinasabay ng veterinary team tuwing mayroong Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa mga barangay.

 

 

EDUCATION

 

U4U Teen Trail, Muling Inilunsad sa Linggo ng Kabataan 2021

                

Bilang unang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2021, na may temang "Transforming Food Systems: Youth Innovation for Human and Planetary Health," muling inilunsad ng Sangguniang Kabataan Federation, Local Youth Development Officer, at Local Youth Development Council members, sa tulong ng Population Commission, ang Community-Based Youth4You Teen Trail Program sa siyam na distrito. Kasama sa naging facilitator ang iba't ibang barangay SK Chairperson at Local Youth Development Council Member sa mga aktibidad na nagsusulong ng responsibilidad sa kabataan lalo na pag-iwas sa teenage pregnancy.

 

 

Career Pathing 101, Inihandog ng LGU at PSU sa mga Kolehiyong Bayambangueño

 

Nagsagawa ng Career Path Orientation ang LGU Bayambang sa pakikipag-ugnayan sa Pangasinan State University para sa mga Bayambangueño na incoming college students noong August 19 sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa institusyon ang mga estudyante na hindi umabot sa kanilang quota noong nakaraang enrollment. Lubos naman ang pasasalamat ng Chairperson ng Committee on Education na si Coun. Mylvin Junio sa pagsasagawa ng lahat ng paraan nina Mayor Cezar Quiambao katuwang si OIC-Municipal Employment Services Officer, Dr. Rafael Saygo, at si PSU-Bayambang Campus Executive Director, Dr. Liza Quimson, upang ma-accommodate ang ilan sa mga estudyanteng umaasa na makapag-aral sa kolehiyo at makakuha ng degree sa naturang unibersidad.

 

2,006 Pre-schoolers, Nagsipagtapos

 

May 2,006 na pre-schoolers ang nagsipagtapos sa Early Childhood Care and Development Program ng MSWDO sa ginanap na Virtual Recognition para sa School Year 2020-2021, sa temang "Pagyamanin ang Galing at Kakayahan, Covid-19 Sabay Nating Malalampasan." Ang mga pre-schoolers ng Cluster 1, 2, 3, at 4, ay matagumpay na nakumpleto ang mga Child Development Sessions sa pamamagitan ng modular learning.

 

Congratulations sa lahat ng Child Development Learners at kanilang mga magulang at Child Development Workers na matiyagang gumabay sa mga kabataan!

 

 

LIVELIHOOD & EMPLOYMENT

 

DTI, Nagsagawa ng Business Financing Forum

 

Noong araw ding iyon sa Conference Room, nagsagawa ng Business Financing Forum ang DTI sa pamamagitan ng Negosyo Center Bayambang. Sa aktibidad na ito, nabigyang linaw sa mga dumalo kung paano makaavail ng mga loan program at serbisyo mula sa DTI bilang patuloy na suporta ng ahensya sa mga microbusiness na apektado ng COVID-19.

 

 

MESO Nag-asiste sa Pay-out ng 60 SPES Beneficiaries

                   

Noong September 2, inasistehan ng Municipal Employment Services Office (MESO) ang pay-out para sa 60 kabataang benepisyaryo ng programang SPES o Special Program for Employment of Students ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Events Center.  Layunin ng SPES na magbigay ng kaunting oportunidad sa mga estudyante at out-of-school youth upang magkaroon ng bayad na karanasan sa pagtatrabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya at magbigay ng daan upang mahasa rin ang kanilang abilidad sa pagtatrabaho.

 

 

OTHER SOCIAL SERVICES

 

Orientation on Women’s and Children’s Rights Focusing on Anti-Trafficking, Ginanap

 

Noong July 30 sa Balon Bayambang Events Center, nagkaroon ng isang “Orientation on Women’s and Children’s Rights Focusing on Anti-Trafficking” na inorganisa ng Municipal Social Welfare Development Office sa pamumuno ni OIC Kimberly Basco. Ito ay dinaluhan ni Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. at ng mga miyembro ng Barangay Women’s Desk Officer ng Bayambang. Naging panauhing-pandangal si Regional Trial Court Executive Judge Cynthia Martinez-Florendo na nagbahagi ng kaalaman nito ukol sa Women's and Children’s rights sa Republic Act No. 9208 or the “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” at Republic Act No. 9262 o “Anti-Violence Against Women and The Children Act of 2004.”

 

Sa isang open forum, binigyang linaw ang katanungan at dininig ang suhestiyon ng mga nagsipagdalo.

 

Dalawang Empleyado ng MSWDO, PMC-Accredited

 

Kamakailan ay kinilala bilang accredited na tagapagsalita sa mga Pre-Marriage Counseling o PMC sina OIC MSWD Officer Kimberly Basco at Population Officer Alta Grace Evangelista. Bago ang naturang accreditation, ang dalawa ay sumailalim muna sa pagsusuri ng DSWD Field Office I at pagkatapos nito ay dumalo sila sa isang pagsasanay sa San Fernando City, La Union.

                                                                                                     

 

GAD Monitoring and Evaluation, Ginanap    

Noong August 4 sa Events Center, nagsagawa ng Gender and Development or GAD Monitoring and Evaluation ang MSWDO, kasama ang ilang kawani ng munisipyo na miyembro ng GAD Technical Working Group. Dito ay tinalakay ang iba’t ibang agenda tulad ng accomplishment report ng bawat departamento na naka-hanay sa GAD Plan at GAD Budget sa taong 2021. Ipinakilala rin ang bagong tagapamahala ng GAD-TWG na si Atty. Bayani B. Brillante Jr. Nilalayon ng Gender and Development na maging makatarungan at pantay-pantay ang pagtrato ng lipunan sa lahat, anuman ang kanilang kasarian.

 

GAD Execom Meeting, Tinalakay ang mga Accomplishments ng mga Departamento

 

Noong August 9, nagdaos ng Gender and Development (GAD) Executive Committee Meeting sa Events Center, kasama ang lahat ng LGU department head sa pamumuno ni Atty. Bayani B. Brillante Jr. kasama ang GAD Council. Dito ay iniulat ang mga naging accomplishment ng kada departamento sa pagtatag ng isang gender-safe community sa bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng mga aktibidad at interventions upang maging pantay ang pagbibigay ng serbisyo sa lahat, anuman ang kanilang kasarian.

                                                                    

 

3Q Meeting ng CDWs, Idinaos

 

Sa 3rd quarterly meeting ng mga Child Development Workers (CDW) na inorganisa ng MSWDO sa Events Center noong August 18, pinag-usapan ang akreditasyon ng mga Child Development Centers na magaganap sa Setyembre 2021. Kasama sa tinalakay ang susunod na Supplementary Feeding Program na nakaangkla sa ibinabang Mandanas Ruling at ang pagbubukas ng bagong school year 2021-2022. Pagkatapos ng pagpupulong, muling nakatanggap ang mga CDWs ng quarterly cash incentives. At sa inisyatibo ni Mayor Cezar Quiambao, nadoble ang kanilang incentives -- mula P1,000 ay ginawa itong P2,000 ni Mayor Quiambao.

 

 

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

 

Kawanggawa ng POSO, Muling Ipinamalas

 

Noong August 3, isang residente ng Brgy. Vacante, Alcala ang nakahulog ng isang wallet na naglalaman ng P6,310 na cash at iba mga dokumento sa harap ng 7/11 sa may junction sa Zone IV. Ang may-ari ng wallet ay nakilalang si Tony C. Torio, na agarang kinontak ng POSO. Mula sa kanyang bukid ay agad ding nagtungo si Torio sa himpilan ng POSO upang kunin nang personal ang kanyang wallet, at ito ay iniabot sa kanya mismo ni POSO Chief, Col. Leonardo F. Solomon. Laking pasasalamat ni Torio sa ipinamalas na kawanggawa ng POSO-Bayambang.

 

 

TOURISM, CULTURE & ARTS

 

Frontliners, Binigyang Pugay sa Araw ng mga Bayani

 

Ginanap sa harapan ng bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo sa ika-30 ng Agosto, 2021 ang pagdiriwang ng Araw ng mga  Bayani, nag-alay ng mga bulaklak at kinilala ang iba’t ibang opisina at departamento ng Pamahalaang Lokal na siyang nagbigay ng walang pag-iimbot na serbisyong publiko bagamat ang kanilang sariling buhay ang nakasalalay.

              

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION

 

Weed at Water Management, Tinalakay sa Farmers Field School

 

Tuluy-tuloy ang mga session ng Farmers' Field School ng PhilRice sa Bayambang matapos ilipat ang kanilang RiceBIS project sa mga farrmer-beneficiaries sa Brgy. Dusoc at Macayocayo. Sa session na ito, kanilang tinalakay ang weed management at water management sa palayan gamit ang mg kaalaman sa agro-ecosystem.

 

MAFC, Muling Nagbigay ng Basic Training on Rabbitry

 

Nagkaroon muli ng isang Basic Training on Rabbitry ang Municipal Agriculture and Fishery Council, at ito ay ginanap sa  Brgy. San Gabriel 2nd at muling inisponsoran ni  Vice-Mayor Raul R. Sabangan katuwang  ang Municipal Agriculture Office. Ang mga miyembro ng Bayambang Rabbit Meat Producers Association ang nagsilbing resource speakers sa naturang training.

 

"Hardin ni SK para sa Kabataang Bayambangueño"

 

Bilang hamon sa mga Sangguniang Kabataan Council at upang mahikayat ang mga kabataang Bayambangueño na magkaroon ng sarili nilang hardin na puno ng mga gulay at prutas ay nag-organisa ng patimpalak si Local Youth Development Officer Johnson Abalos kasama si SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez para sa mga natatanging hardin na ginawa ng mga SK Council katuwang ang mga kabataan ng barangay. Sinimulan ang validation ng entries ng mga naturang hardin noong ika-27 ng Agosto bilang parte ng pagdiriwang ng buwan ng kabataan. Dineklara bilang Grand Winner ang Brgy. Amancosiling Norte, at nasungkit naman ng Brgy. Dusoc at Tatarac ang 2nd at 3rd place sa patimpalak na ito.

 

 

 

ECONOMIC DEVELOPMENT

 

Cooperative Development Office Updates

 

Noong August 18 sa Mayor's Conference Room, nagconduct ang Municipal Cooperative Development Office ng isang meeting kasama ang mga opisyal ng iba't ibang kooperatiba upang ireorganisa at patibayin ang Municipal Cooperative Development Council o MCDC.

Noong August 19 naman, nagconduct ng meeting ang Municipal Cooperative Development Office kasama ang mga miyembro ng Barangay Paragos Agriculture Cooperative upang palakasin ang kanilang organisasyon sa Brgy. Paragos.

                                                

Bagong Kooperatiba, Itinatag

       

Noong August 20, matagumpay na natulungan ng Municipal Cooperative Development Office ang isa na namang bagong rehistrong kooperatiba. Ito ay ang Manambong Parte Agriculture Cooperative o MPAC.

                 

Sa pagtatatag ng isang kooperatiba, nagsasama-sama ang mga taong may hangaring umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pag-iimpok para sa kinabukasan at pagtamasa ng iba't ibang benepisyo ng isang kooperatiba.

 

Coop Officers' Orientation

 

Noong August 23 naman, nakipagpulong ang Cooperative Development Office sa Board of Directors ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative upang liwanagin ang mga functions at duties ng bawat opisyal ng nasabing kooperatiba.

 

 

 

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

 

Mayor CTQ, Dininig ang Hinaing ng Consumers ukol sa BayWad

 

Pinagunahan ni Mayor Cezar Quiambao, kasama si Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., ang pagharap sa board of directors ng BayWad upang talakayin ang rekomendasyon sa isinumite ng Sangguniang Bayan Committee on Social Services at Committee on Public Utilities sa ginanap na pagpupulong noong August 2 sa Municipal Conference Room. Ang pulong na ito ay kaugnay sa pag-dinig na isinagawa ng Sangguniang Bayan noong June 28, bilang tugon sa iba`t ibang reklamo ng mga consumer laban sa BayWad. Nakapaloob sa rekomendasyon na na agad na aksyunan ng Local Chief Executive ang mga naturang hinaing.

 

 

Mayor Quiambao, Nakipagdayalogo sa CENPELCO Dahil sa Unscheduled Power Interruptions

 

Noon namang August 4 sa Mayor's Conference Room, nakipagdayalogo si Mayor Quiambao sa CENPELCO kasama ang Municipal Administrator, Legal Officer, at Planning and Development Officer, upang pag-usapan ang reklamo ng taumbayan ukol sa mga unscheduled power interruptions ng CENPELCO. Ito ay matapos magrekomenda ang Sangguniang Bayan Committee on Utilities ng aksyon bunsod ng isang public hearing kamakailan na tumugon sa naturang mga reklamo mula sa Public Information Office. Sa pagpupulong ay hiniling ni Mayor Quiambao na sabihin sa publiko ng naturang electricity provider ang mga dahilan ng kanilang unscheduled power interruptions upang hindi ang LGU ang inuulan ng mga katanungan at reklamo. Ipinangako naman ng CENPELCO na gagawa sila ng paraan upang masagot ang publiko sa pakikipagtulungan sa LGU.

 

 

COMPLETED: Construction of Access Road at Pugo Evacuation Center or Vaccination Center, Brgy. Pugo

 

COMPLETED: Construction of Drainage System/Flood Control Project in Brgy. Wawa

 

COMPLETED: Construction of Covered Court Bleacher and Painting Works in Brgy. Dusoc

 

Ongoing: Declogging and Desilting of Drainage System in Brgy. Zone IV

                                          

Ongoing: Declogging and Desilting of Drainage System in Poblacion Sur

                             

Ongoing: Declogging and Desilting of Drainage System in Cadre Site       

                             

Ongoing: Declogging and Desilting of Drainage System in Zone I

 

Ongoing: Rehabilitation of Existing Culvert in Brgy. M.H. del Pilar

 

Ongoing: Desilting/Declogging of Drainage System in Brgy Zone II

                                          

Ongoing: Construction of Drainage System/Flood Control Project in Brgy. Zone III

 

 

DISASTER RESILIENCE

 

Emergency Assistance, Inihandog ng DSWD sa Nasalanta ng Bagyong Ulysses

 

Noong August 26, tumanggap ng Emergency Shelter Assistance sa Events Center ang 13 na benepisyaryo na pawang nasalanta ng bagyong Ulysses. Sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng sumatutal na P13,400 kada isa mula sa DSWD Field Office I na kanilang magagamit sa pagpapaayos ng kani-kanilang nasirang tahanan.

 

 

Kapasidad sa DRRM, Pinagtibay sa Camp Coordination and Camp Management

 

Sa inisyatibo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nagsagawa  ng pagsasanay patungkol sa Camp Coordination and Camp Management noong August 18-20 sa Royal Mall, upang pagbutihin ang kapasidad  ng serbisyo ng munisipyo ukol sa disaster risk reduction and management at ng disaster response team na mga pangunahing grupo na sumasaklolo  sa anumang sakunang dumarating sa bayan. Nagkaroon ng simulation exercise ukol sa pagsagawa ng camp areas kung sakaling magkaroon ng sakuna, at kung paano maiaayos ang lugar kaugnay ng pandemya. Pagkatapos ng diskusyon ng iba’t ibang paksa ay nagkaroon ng action planning ang 40 participants na mga empleyado mula sa iba’t ibang kagawaran ng munisipyo.

                                                                     

 


ENVIRONMENTAL PROTECTION

 

 

MDRRMO, Nakipag-partner sa CIS-Bayambang

                    

Noong August 9, nagsagawa ng Ceremonial Acceptance of Partnership ang MDRRMO sa grupo ng Community Investigative Support o CIS na pinamumunuan ni Glen V. Bautista. Layunin ng CIS na boluntaryong tumulong sa bayan ukol sa proyektong Agno River Rehabilitation ng LGU Bayambang at CS1st Green AID Inc. Nagpapasalamat ang MDRRMO sa inisyatibong ito ng CIS na sumuporta sa climate change mitigation activity ng LGU.

 

200+ Bamboo Seedlings, Itinanim sa Carungay at Pangdel

 

Bilang parte pa rin ng Agno River Rehabilitation Project ng LGU Bayambang at CS1st Green AID Inc., kamakailan ay umabot sa 206 bamboo propagules ang naitanim sa Agno riverbank sa may Brgy. Carungay at Pangdel sa pagtulungan ng MDRRMO, Pangdel at Carungay barangay officials, at Community Investigative Support (CIS)-Bayambang Chapter.

 

MDRRMO, Sumali sa DepEd Clean-Up Drive

                         

Nakiisa ang MDRRMO sa inilunsad na programa ng DepEd na "Adopt A River Dike: Integrating Sustainable Development Goals on Climate Action" o ISCA. Ito ay sa pamamagitan ng pagtulong sa paglilinis ng dike sa Brgy. Carungay, Tatarac, Apalen, at Pangdel. Isinusulong ng aktibidad ang pangangalaga sa inang kalikasan sa pamamagitan ng malinis na kapaligiran.

 

AWARDS & RECOGNITION

 

Benebe, Commended for Performance and Leadership

 

Kamakailan ay binigyan ng komendasyon si Genevieve U. Benebe dahil sa kanyang performance at leadership bilang MDRRM Officer ng Bayambang. Ang parangal ay iginawad ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 - Office of Civil Defense Regional Office 1 sa ilalim ni Regional Director Eugene R. Cabrera.

 

Tatag Lions Award, Ibinahagi sa MSWDO Bayambang

 

Bilang paggunita sa World Social Work Day noong March 16, iginawad ng Philippine Association of Social Workers ang Plaque of Appreciation mula sa provincial government sa MSWDO Bayambang. Ang parangal na ito ay isang pagkilala sa social work bilang isang propesyong tumutulong sa mga mamayaman na nangangailangan ng paglingap lalo na sa panahon ng pandemya.

 

3 Kabataang Bayambangueño, Pasok sa Provincial AgriBiz Competition

 

Tatlong kabataang Bayambangueño ang nakapasok sa finals ng provincial level ng Kabataang Agribiz, isang youth farmers' challenge na pakulo ng Department of Agriculture upang hikayatin ang mga kabataan na pasukin ang agribusiness. Sila ay ang magkakapatid na sina Timothy Fernando, Lorraine, at Eilleen P. Sagun, at ang kanilang konsepto na "3 Sis and a Bro Farm" ay isang poultry farm. Ang mga nagwagi ay makakatanggap ng P50,000 cash prize bawat isa. Ang mga kabataan ay tinulungang sumali sa patimpalak ng Municipal Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team.

 

 

 

Brgy. Bacnono Nutrition Worker, Top BNS sa Pangasinan sa 2019

 

Nagwagi si Gng. Marcelina Macaraeg, ang Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng Brgy. Bacnono, sa pagiging top BNS sa buong probinsya ng Pangasinan para sa taong 2019. Ito ay ayon sa resulta ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation o MELLPI Pro for 2019 ng Provincial Nutrition Evaluation Team. Ito ay dahil na rin sa pinaigting na suporta ni Mayor Quiambao sa ating mga nutrition workers. Si Gng. Macaraeg, kasama si Nutrition Officer Venus Bueno na una nang napili na top Municipal Nutiriton Action Officer ng Pangasinan, ay nakatakdang sumalang para naman sa evaluation sa regional level bilang mga opisyal kinatawan ng probinsya ng Pangasinan.