Friday, October 30, 2020

LGU-Bayambang Accomplishments for October 2020

GOOD GOVERNANCE

Orientation on New Procurement Process

Bilang parte ng polisiya ng transparency and accountability ng LGU-Bayambang, ginanap noong October 7 sa Events Center ang isang orientation ukol sa pinakabagong procurement process ng pamahalaan sa pangunguna ni Bids and Awards Committee Chairperson Ricky Bulalakaw. Sa bagong proseso, inaasahang mas mapapabilis ang pagkuha ng mga supply at serbisyo ng LGU ng naaayon sa batas.

SK Federation Meeting on First-Time Voters

Noong October 13 sa Sangguniang Bayan Session Hall, isang pagpupulong ng SK Federation ang ginanap kasama sina COMELEC-Bayambang Election Officer Meriam Corilla. Tinalakay sa pulong ang proseso ng pagpaparehistro sa mga first-time voters sa COMELEC. Nabanggit din dito kung paano makakatulong ang mga SK members sa barangay para mapadali ang proseso ng registration ng mga first-time voters na kabataan sa Bayambang. Naroon din si BPRAT Chairman Rafael Saygo para talakayin ang tulong na maaaring ibibigay ng kanyang team.

HRMO, Pinulong ang Solid Waste Office

Pinulong ni Human Resources Management Officer Nora Zafra ang mga staff ng Solid Waste Management Office noong October 14 sa Events Center upang talakayin ang mga problemang madalas maengkwentro ng HR sa paghahanda ng kanilang payroll. Sa pagpupulong ay isinabay ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, ang pagtalakay ng health protocols sa solid waste disposal kabilang ang COVID waste materials. Pagkatapos ay tinalakay naman ni PNP-Bayambang Chief PLtCol Norman Florentino ang "Awareness on How to Resist Use of Tobacco, Alcohol and Illegal Drugs."

Barangay Treasurers Meeting

Noong October 21, pinulong ang lahat ng Barangay Treasurers sa Events Center upang talakayin sa kanila ang mga rules and regulations ukol sa budgeting, planning, accounting at auditing. Kasama sa kinuhang panel of consultants ang Municipal Accountant, Budget Officers, Planning and Development Officer, at DILG.

De Vera, Kinumpirma Bilang GSO Head

Mula sa pagiging OIC, si Gng. Chinita S. de Vera ng General Services Office (GSO) ay isa nang ganap na Municipal Government Department Head, matapos kumpirmahin ng Sangguniang Bayan ng Bayambang noong Oktubre 26 sa SB Session Hall ang appointment sa kanya ni Mayor Cezar Quiambao bilang pinuno ng naturang departamento.

Isumbong Mo Kay Mayor Quiambao!

Mahigpit na ipinagbabawal ang kurakot at kotong sa Bayambang, kaya't huwag mag-atubiling magsumbong kay Mayor Quiambao para sa inyong mga reklamo. Tumawag lamang sa #4357, 633-2977, o 0919-613-14-60.

PROPERTY ASSESSMENT

Lot Survey in Mangabul

Noong October 8, nagsagawa ang Assessor’s Office ng pagtatatag ng primary control points para sa lot survey ng Mangabul Reservation simula sa mga boundary ng Manambong Norte at Manambong Sur hanggang sa San Gabriel 2nd.

Assessor’s Office Acquires New GPS

Noong October 21 ay tinanggap ng Assessor's Office ang bagong biling global positioning system (GPS) equipment para sa geo-mapping matapos itong maideliver sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay matagumpay na ipinadaan sa isang field testing.

Preparation of Disposal Papers for Mangabul Occupants

Ipinagpatuloy ng Assessor's Office ang pag-asiste nito sa mga bona fide occupants ng Mangabul Reservation para sa kanilang disposal papers. Sa linggong ito, sila ay nagtungo sa San Vicente at Tampog. Sa oras na maging ganap na batas ang bill na inisponsor ni Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas na naglalayong i-convert ang mga lupain sa Mangabul Reservation bilang alienable at disposable property, inaasahang maililipat sa mga magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka.

HOUSING

Pamilya sa Manambong Parte, Biniyayaan ng Munting Tirahan ng Grupong MANGO

Noong October 16 at 17, ang Bayambang Municipal Association of NGOs ay nagtulung-tulong  upang maitayo ang isang kubo para sa napiling benepisyaryo bilang parte nag kanilang proyektong Bahay ni Juan. Ang unang benepisyaryo ay ang isang pamilya sa Brgy. Manambong Parte na biktima kamakailan ng buhawi.

LIVELIHOOD

6 Additional Jeep pa-Dagupan

Noong September 29, muling nadagdagan ang byahe pa-Dagupan ng mga jeepney drivers na kasapi ng BAYMACDA transport cooperative. Dumagdag sa naunang sampu ang anim pang jeepney, kaagad na ininspeksiyon ng LGU team para sa compliance sa minimum health and safety standards.

Additional Jeeps Bound for Dagupan

Noong October 10, ininspeksyon ng LGU sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo ang 15 adisyunal na dyip na may byaheng Bayambang-Dagupan via Malasiqui na aprubado ng LTFRB. Kabilang sa IATF health standards na ininspeksyon ang paglalagay ng foot bath sa entrance, plastic dividers/barriers, alcohol spray, disinfectant solution, thermal scanner, at "No Face Mask, No Face Shield, No Ride" signage.

FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

Hearing on LGU and Landbank Partnership  IRA

Noong September 29 sa dating Negosyo Center, isinagawa ang isang Committee Hearing na pinamunuan ng Sangguniang Bayan Committee Chairman on Rules, Laws and Ordinance, Finance, Budget, and Appropriations and Ways and Means na si Councilor Amory Junio kasama si Councilor Philip Dumalanta at SB Secretary Joel Camacho tungkol sa panibagong proposed ordinance ukol sa partnership ng LGU sa Landbank of the Philippines bilang official depository bank para sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng Bayambang. Ang Committee Hearing ay dinaluhan nina Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., mga Finance Cluster department heads ng LGU, at mga kinatawan ng Landbank.

Letter re. Disposition of 67-Hectare Bani/Bical Norte Property

Noong September 29, nagbigay ang Assessor's Office ng liham sa mga apektadong occupants ng 67-hectare property sa Barangay Bani at Bical Norte. Sa liham ay ipinaalam ni Municipal Assessor Annie de Leon ang kanilang intensiyon na magsagawa ng appraisal ng mga residential property for taxation purposes. Ang lupain ay nakatakda para sa disposition sa pamamagitan ng pag-transfer ng titulo sa mga occupant sa oras na sila ay pumayag na bilhin ang loteng kinatitirikan ng kanilang tirahan. May mahigit 400 na kabahayan ang nabigyan ng liham.

Assessor's Office Goes to Sapang

Noong October 28, nagtungo ang Assessor's Office sa Sapang Barangay Hall at Covered Court upang magsagawa ng Educational Tax Campaign para sa mga residente at Appraisal of Commercial Establishments sa lugar. Sila ay namahagi rin ng Owner's Copy ng Tax Declaration ng mga residente doon.

HEALTH

Health Workers, Walang Tigil sa Serbisyo

Kahit Sabado o Linggo ay patuloy ang mga health workers ng RHU sa pag-duty upang ma-assess ang mga incoming returnees mula sa iba't-ibang rehiyon upang patuloy na maprotektahan ang mga BayambangueƱos mula sa nakamamatay na virus. 

Fresh Fruits para sa Na-Quarantine na Paslit

Kada linggo ay namimigay ang Nutrition Office, sa tulong ng MDRRMO, ng mga prutas para sa mga batang nasa quarantine facility sa kasalukuyan. Ayon sa Nutrition Office, kailangan ng mga naturang kabataan ang bitamina at mineral mula sa sariwang prutas upang manatiling malusog at maiwasan ang vitamin deficiency habang nakaquarantine.

IEC on MR-OP Vaccination

Noong October 5-7 at October 12, nagbigay ang RHU I at II, kasama ang DOH, ng isang orientation sa Wawa Covered Court, Carungay Covered Court, at Balon Bayambang Events Center para sa mga kapitan at barangay health workers ukol sa nalalapit na measles, rubella at polio Supplemental Immunization Activity ng DOH. Isasagawa ang nasabing mass vaccination para sa mga 0-59 month-old na bata sa kani-kanilang barangay health center mula October 26 hanggang November 25, 2020.

IEC ng RHU 1 sa Duera

Noong October 19, nakipagdayalogo ang RHU 1 sa mga taga-Purok 3 ng Brgy. Duera kung saan may napaulat na dalawang kaso ng dengue. Doon ay nagsagawa ng information campaign ukol sa dengue, at isinama na rin ang ukol sa COVID-19 update, E.O. 54 at 55, rabies, at ang malawakang measles, rubella, at oral polio vaccine supplemental immunization activity simula October 26.

Fogging sa Duera 

Muling ininspeksyon ng RHU I ang Purok 3 sa Brgy. Duera kung saan may napaulat na kaso ng dengue kamakailan. Mas malawakang paglilinis ang isinagawa doon, kasama na ang fogging operation. Idiniin ng mga health inspectors sa mga residente ang kahalagahan ng "4 o'clock habit" sa komunidad. Nagpayo din sila na kailangang regular na imonitor ang purok sa para kalinisan, pagpuksa sa maaaring gawing pugad ng lamok, at maayos na pagtatapon ng basura.

Mass Topical Fluoride Application, Nagpatuloy

Nagpatuloy ang massive topical fluoride application para sa mga kabataan sa iba't-ibang barangay. Sa catchment area ng RHU 1, nakapagtala ng 1,636 beneficiaries sa aktibidad na ito.

"Chikiting Ligtas sa Rubella, Polio, at Tigdas"

Noong October 26 sa Events Center, pinangunahan ni Vice Mayor Raul Sabangan at mga Municipal Councilors ang massive Supplemental Immunization Activity ng DOH laban sa rubella, polio at tigdas. Sumama din upang magpatak ng bakuna ang mga Municipal Councilors bilang pagsuporta sa programa. Inilunsad naman ng RHU 2 ang nasabing programa sa Brgy. Hermoza kasama ang mga myembro ng Rotary Club of Bayambang, na tumulong at namahagi ng libreng pananghalian, face mask at face shield.

UNICEF Consultants Monitor MR-OPV SIA

Noong October 29, nagcourtesy call kay Mayor Quiambao at Dra. Paz Vallo ang mga consultant mula sa UNICEF at nagmonitor ng implementasyon ng massive Supplemental Immunization Activity sa Bayambang. Tinignan ng mga bisita kung paano naging matagumpay ang proyekto ng dahil sa kooperasyon, koordinasyon, at suporta, lalo na ng alkalde ng bayan. Ang grupo ay nagtungo rin sa Brgy. Sapang upang pag-aralan ang naging istratehiya ni Punong Barangay Vicente de Leon upang ang lahat ng magulang sa lugar ay magpabakuna ng kanilang mga anak.

EDUCATION

BPRAT, Nakipagpulong sa Tanolong ukol sa Community-Based Distant Learning Program Nito

Noong October 9, nagtungo ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa Brgy. Tanolong upang makipagpulong sa Tanlong at Inanlorenza officials kasama ang mga opisyal at guro ng Tanolong National High School ukol sa nakatakdang launching ng Bayambang Community-Based Distant Learning Enhancement Program nito sa October 26. Sa miting ay plinantsa ang mga detalye ng launching ng nasabing programa sa Brgy. Inanlorenza Covered Court, na siyang napiling pnakamainam at pinakamalapit na venue para sa aktibidad.

Face-to-Face Learning sa Gitna ng Pandemya

Personal na inilunsad ni Mayor Cezar Quiambao ang Community-Based Distant Learning Enhancement Program sa Brgy. Inanlorenza Covered Court noong October 27. Ito ay dinaluhan ng halos 200 na mag-aaaral sa Tanolong sa Inanlorenza. Ang programa ay dagdag-tulong ng LGU sa DepEd upang magkaroon ng ng face-to-face learning na may social distancing sa panahon ng pandemya. Naroon bilang pagsuporta sina Vice Mayor Raul Sabangan, Councilor Mylvin Junio, Dra. Paz Vallo, Bayambang Public Schools District Supervisors, Tanolong at Inanlorenza Barangay Captains, at ang organizer BPRAT na nag-organisa ng launching sa direksyon ni BPRAT head Rafael Saygo.

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

Traffic Management Council Meeting

Noong October 28 ay pinulong ni Mayor Quiambao ang Traffic Management Council (TMC) sa Balon Bayambang Events Center upang patuloy na pagtuunan ang mga hakbangin para maibsan ang trapiko sa bayan ng Bayambang. Dito ay pinag-usapan ang paglunsad ng limang class 3 modernized PUVs na may rutang Bayambang-Dagupan via Malasiqui at ang pangangailangan nito ng sapat na parking space. Kaugnay nito ay natalakay ng Council ang planong Central Terminal sa PSU-Bayambang Campus.

"Cascading of KaSimbaYanan" Program ng PNP

Sa ngalan ni Mayor Quiambao ay dumalo si Vice-Mayor Raul Sabangan sa "Cascading of KaSimbaYanan" Program ng PNP noong October 14 sa Events Center. Layunin ng KaSimbaYanan o Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan Tungo sa Kaunlaran program na mas lalo pang mapaigting ang ugnayan ng kapulisan sa mga simbahan at kanya-kanyang deboto nito upang makatulong sa moral recovery program ng kapulisan at pati na rin ng buong pamayanan. Naroon siyempre ang hepe ng PNP-Bayambang, PLtCol Norman Florentino, kasama ang personnel mula sa Provincial Office, at imbitado naman ang iba't-ibang religious leaders, mga Punong Barangay, at CVOs.

UNDAS 2020

Nagsasanib-pwersa ng MDRRMO, POSO, PNP, BFP, RHU, DOH, at force multipliers (Barangay Peacekeeping Action Teams, Xtreme Riders) para siguraduhing maayos ang scheduled na pagbisita ng mamamayan kada barangay sa mga sementeryo sa ating bayan. Naging mahigpit ang pagbabantay upang maobserba ang mga minimum health protocols at safety standards at maging matiwasay ang paggunita ng Undas.

TOURISM, CULTURE & ARTS

Tulung-Tulong para sa SVFPP Reopening

Noong October 6, nagtulung-tulong ang iba't-ibang opisina at grupo upang linisin ang St. Vincent Ferrer Prayer Park para sa muling pagbubukas nito. Kabilang sa mga tumulong sa pamunuan ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ay ang Tourism Office, Solid Waste, Bureau of Fire Protection, Rural Health Unit, MDRRMO, at Kasama Kita sa Barangay Foundation. 

SVFPP Reopening

Matapos ang pitong buwan, muling binuksan ang Saint Vincent Ferrer Prayer Park noong October 8 para sa mga deboto at turista, ngunit ito ay limitado muna sa mga kababayan natin sa probinsya ng Pangasinan. Ang lahat ng bibista ay pinapakiusapan na istriktong obserbahan ang lahat ng public health protocols upang mapanatiling ligtas ang Prayer Park sa nakakahawang sakit.

Search for the Bayambang's Oldest Document  

Noong October 30, nagsagawa ang Museum Office sa pamumuno ni Museum Consultant Gloria de Vera-Valenzuela ng “Search for the Oldest Document in Bayambang” bilang parte ng  pagdiriwang sa buwan ng Oktubre ng Museums and Galleries Month sa temang, “Engaging Exhibitions for Emerging Generations.” Sa pakulong ito ay nanalo ang isang entry na mga resibo ng amilyar mula pa sa taong 1909. 

SPORTS

AGRICULTURAL MODERNIZATION

DA Palay Donation

Muling nakatanggap ang MAO ng inbred rice seeds mula sa Department of Agriculture para sa Rice Competitiveness Enhancement Program nito. May 481,200 kilo ng high-quality hybrid palay ang nakatakdang ipamahagi sa mga kasaping rice farmers para sa kanilang dry-season farming.

Meeting on Langiran Lake

Nakipagpulong si MAO OIC Zyra Orpiano sa mga opisyales ng Brgy. Langiran ukol sa estado ng mga floating fish cages sa Langiran Lake. Kasama sa pulong si Ecological Solid Waste Management head Eduardo Angeles Jr. para pag-aralan ang posibilidad ng pagproseso sa mga tumubong water lily sa lawa upang gawing organic material.

Field Monitoring Day

Noong September 29, ang mga assigned area technicians ng Agriculture Office sa District 6 ay nag-conduct ng field monitoring ng fish cages sa Langiran Lake at mga sakahan sa Tococ East at Macayocayo. Ang team ay kumalap rin ng datos ukol sa cropping pattern ng mga farmers sa mga naturang barangay.

RiceBIS Update, 9.30.2020

Noong September 29-30, ang mga assigned area technicians ng Agriculture Office sa District 1 ay nag-assist kasama ang PhilRice staff na nakabase sa Bayambang upang iprepara ang sakahan sa Brgy. San Vicente para sa Participatory Technology Demo (PTD) sa pamamagitan ng farmer-cooperator na si Leonardo Velasco para sa rice production sa ilalim ng RiceBIS program ng PhilRice.

Massive Anti-Rabies Vaccination at Brgy. Bani

Sa pinakahuling massive anti-rabies vaccination sa Brgy. Bani ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, nakapagtala ang Agriculture Office ng 122 na aso at 4 na pusa na alaga ng 73 na indibidwal ang nabakunahan.

RiceBIS, Nasa Farmers Field School Stage Na

Nasa Farmers Field School (FFS) stage na ang RiceBIS program ng DA-PhilRice sa Bayambang. Layon ng FFS na magbigay ng makabagong kaalaman sa mga lokal na magsasaka na sumama sa naturang programa. Ginanap noong October 7 sa Brgy. Wawa Covered Court ang Day 1, at ang ikalawang klase sa sumunod na araw ay ginanap sa Brgy. Warding Covered Court.

Cash-for-Work ng BFAR

Noong October 9, sumali sa isang clean-up drive at tree planting activity sa gilid ng Agno River sa Brgy. Warding ang 11 na mangingisda na nag-apply para sa cash-for-work assistance program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture. Sila ay inasistehan ng Municipal Agriculture Office staff, na siyang nag-supply ng mga puno ng guyabano para sa tree-planting activity. Ang mga partisipante ay mga fisherfolk na dati nang kasali sa "Balik Sigla sa Ilog at Lawa" project ng BFAR.

Cattle Monitoring and Treatment

Patuloy ang pagmonitor ni Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, sa mga alagang baka na inaward ng Department of Agriculture sa mga naapektuhan ng ASF. Lumibot sa Brgy. Inirangan, Tatarac at Apalen ang team ni Dr. Rosario upang icheck ang kalusugan ng mga baka, mag-inject ng vitamins, at gamutin ang mga natagpuang may karamdaman.

Palay Distribution under DA-RCEF

Isa na namang distribusyon ng palay ang isinagawa ng Agriculture Office noong October 13, at ang unang bugso ng pamamahagi ay ginanap sa mga barangay ng Alinggan, Dusoc, Pantol, at Tanolong. Ang mga sako ng palay ay alokasyon ng Department of Agriculture para sa Bayambang sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund nito.

Briefing on Corn Seeds Assistance Program

Noong October 13, nagsagawa ang Municipal Agriculture Office ng Orientation/Briefing on the Guidelines on Corn Seeds Assistance Program ng DA-Region 1 at nagdaos ng eleksyon ng Corn Cluster Officers para sa District 7, kung saan karamihan ay corn farmers. Ang corn assistance project na ito ng DA ay isang “Plant Now, Pay Later” scheme, kung saan nakatakdang ibalik ng mga corn farmers ang pondo upang umikot ito sa mga kapwa corn farmers.

Corn Seeds mula DA-RFO-1, Dumating Na

Noong October 26, tinanggap ng Municipal Agriculture Office ang 254 bags ng Asian Hybrid Yellow Corn mula sa Department of Agriculture-Regional Field Office 1 kaugnay ng Corn Seeds Assistance Program ng DA sa District 7. Ang corn seeds – na sapat para sa 127 ektaryang sakahan – ay para sa mga corn farmers na nagnais maka-avail sa programa base sa pre-masterlisting ng DA. Ang mga ito ay ipinamahagi sa mga magsasaka noong October 27 sa Amanperez Barangay Hall.

Agricultural Suppliers Meeting

Noong October 28, pinulong nina Mayor Cezar Quiambao, Agriculture Office, at BPRAT ang lahat ng may-ari ng agriculture supply stores sa Bayambang upang maging ka-partner ng mga magsasaka pagdating sa maayos na pag-supply ng mga farm inputs sa tamang presyo. Ito ay bilang pagsuporta na rin sa kanila ng LGU bilang mga local entrepreneurs.

Landowners Meeting

Noong October 29, pinulong naman ang mga may-ari ng lupa na balak patayuan ng mga warehouses sa walong farming districts. Dito ay tinalakay ang mga iba't-ibang opsyon kung paano makikinabang ang mga landowners sa proyekto.

ECONOMIC DEVELOPMENT

Economic Cluster Meeting

Noong October 22, pinulong ni Mayor Cezar Quiambao sa Balon Bayambang Events Center ang Economic Cluster ng LGU, kasama ang Sangguniang Bayan  Trade and Industry Committee heads. Tinalakay dito ng mga council chairpersons ang kanilang accomplishment report para sa July to September 2020 pati na ang mga programs, projects, at activities sa 4th quarter ng 2020. Tinalakay din dito ang Local Investments and Incentives Code at ang “Guidelines on the Formulation of Municipal Agricultural and Fishery Mechanization Plans.”

Bayambang Commercial Strip, Nagbukas Na

Noong October 1, nagbukas na ang Bayambang Commercial Strip matapos magbalik sa operasyon ang mga stall owners na dating umuukopa sa L-Building ng Public Market. Ayon sa Special Economic Enterprise, natapos na ang kontrata ng mga stall owners sa L-Building at bilang konsiderasyon sa kanila, sila ay binigyan ng reservation sa Commercial Strip  nang mayroong right to first refusal. Samantala, kasalukuyang ginigiba ang L-Building upang magbigay-daan sa isang parking lot at makatulong i-decongest ang sentro ng bayan lalo na sa paligid ng Munisipyo at Balon Bayambang Events Center.

Pre-Registration Seminar para sa 3 Proposed Co-ops

Patuloy ang pagpupunyagi ng Municipal Cooperative Development Office (MCDO) sa pagpapalaganap sa kooperatiba bilang instrumento sa pagsugpo sa kahirapan.

Ang MCDO ay nagconduct ng Pre-Registration Seminar sa Zone VII noong Oktubre 25 para sa proposed Radiant Dragon Gran Society Consumers Cooperative, sa Brgy. San Vicente noong Oktubre 29 para sa proposed San Vicente Business Trading and Owners Consumers Cooperative, at sa Brgy. Asin sa Oktubre 30 para sa mungkahing Bgry. Asin Women's Agriculture Cooperative. 

Kasama sa paglilibot ni Albert Lapurga at MCDO staff si Sheryl Lou M. Fabia, CDSII, ng Cooperative Development Authority-Dagupan.

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

Tuluy-tuloy ang ang mgainfrastructure projects ni Mayor Quiambao sa ahat ng barangay upang kahit saang dako ng Bayambang ay walang naiiwan sa pag-unlad.

Drainage System Rehabilitation in Quezon Blvd., Zone 1

Drainage System in Wawa

Drainage System in Zone IV

Barangay Hall in Buenlag 2nd

Barangay Hall in Bani

Access Road in Zone VII

Barangay Hall in Beleng

Barangay Hall in Tanolong

Barangay Hall in Maigpa

Barangay Hall in Ligue

Barangay Hall in Zone III

Barangay Hall in Ataynan

Barangay Hall Extension in Amanperez

Barangay Hall in Warding

Covered Court in Bongato East

Completed – Ataynan Dike Access Road

Completed – Mangayao Access Road under 2019 DILG Performance Challenge Fund

Completed - Access Road in Zone VII

Ribbon-Cutting Ceremony  sa Barangay Hall ng Amancosiling Norte

Noong October 16, pinangunahan ni Vice Mayor Raul Sabangan at Councilor Amory Junio ang isang ribbon-cutting ceremony para sa Barangay Hall ng Amancosiling Norte. Naroon si Punong Barangay Almario Ventura at mga barangay officials sa pagpapasinaya ng kanilang bagong Barangay Hall.

ENVIRONMENTAL PROTECTION

MRF, "Very Good" at “Compliant”

Noong October 14, bumisita sa ating Materials Recovery Facility sa Brgy. Dusoc ang Environmental Management Officer na si Philip Matthew Licop ng DENR-Environmental Management Bureau-Region 1 upang magmonitor at magvalidate sa pasilidad kung ito ay compliant at functional. Nakatanggap ng "Very Good" at “Compliant” rating ang Bayambang MRF matapos makitang kumpleto ang lahat ng records nito at maayos ang lahat ng sulok ng pasilidad.

P200K DENR Grant para sa Toxic Waste Containment

Noong October 20, tinanggap ng Ecological Solid Waste Management Office ang P200,000 MRF Fund Assistance mula sa DENR Region 1 sa San Fernando City, La Union. Gagamitin ang pondo sa pagpapagawa ng temporary containment area para sa toxic o hazardous waste. Ang apat na lungsod at dalawang munisipyo lamang sa Pangasinan ang naging benepisyaryo sa buong probinsya matapos makapag-comply ang mga ito sa requirements ng DENR. 

DISASTER RESILIENCY

- ANTI-COVID RESPONSE

Libreng Face Masks at Face Shields

As of September 2020, sa tulong ng Team Quiambao-Sabangan, libu-libong face mask at face shield na ang naipamahagi ng MDRRMO. Nauna nilang binigyan -- kasama ng alcohol at disinfectant solution -- ang lahat ng frontliners: LGU employees, pati na rin ang mga kawani ng PNP, BFP, DILG at iba pang national offices. Binigyan din ang lahat ng barangay officials, kabilang na ang mga tanod, BHWs, day care workers, at nutrition scholars ng 77 barangays.Binigyan din ng MDRRMO ang lahat ng market vendors, mga taga-ANCOP Ville at mahigit 6,000 na kasapi sa 4Ps, at pati na rin ang lahat ng nahuli na walang face shield at face mask. Bukod pa rito ay namigay din ang MDRRMO ng kumpletong standard PPE para sa lahat ng frontliners na naka-assign sa mga COVID-19-positive na pasyente.

Public School Decontamination

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa October 5, nagsagawa ng decontamination ang MDRRMC kasama ng BFP sa mga pampublikong eskwelahan ng Bayambang. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga guro papasok at mga magulang ng mga mag-aaral na siyang kukuha ng learning modules.

Decontamination of Isolation Facilities

Atin ding dinecontaminate ng ilang beses ang mga isolation facilities sa pagtutulungan ng MDRRMC at BFP. Buong araw ang ginawang paglilinis kabilang na ang pagbomba sa mga palikuran at kanal ng mga evacuation center.

Decontamination of Public Market

Nagpatuloy naman ang Office of Special Economic Enterprise sa kanilang regular na disinfection at clean-up drive sa ating Public Market upang siguraduhin naman ang kaligtasan ng ating mga mamimili.

Poultry Supply Owner, Namigay ng mga Manok sa Brgy. Hermoza

Nasa 642 na buhay na manok ang ipinamahagi ng poultry supply owner na si Jun-Jun Camorongan Lomboy sa kanyang mga kababayan sa Brgy. Hermoza. Ito ay paraan niya upang makatulong sa kanyang mga ka-barangay, lalo na sa mga lubos na naapektuhan ang kabuhayan ngayong may kinakaharap na pandemya.

PCL-Pangasinan Donates Face Shields and Bond Paper

Noong October 9, nagdonate ang Philippine Councilors League-Pangasinan Chapter sa pamumuno ni PCL-Pangasinan Federation President, Councilor Sheila Marie S. Perez, ng 100 piraso ng face shield at 25 reams ng coupon bond sa Office of the Mayor. Ito ay bilang parte ng kanilang Brigada Eskwela 2020 drive. Malugod na tinanggap ang donasyon nina Councilor Philip Dumalanta at Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr.

Agno River Rehab Project Monitoring

Noong Setyembre ay nag-umpisa ang MDRRMO sa pagmonitor ng sinimulang Agno River Rehabilitation Project sa kooperasyon ng CSFirst Green AID Inc. Sa kanilang pagbisita sa Brgy. Wawa at Amancosiling Norte kamakailan, kanilang kinumusta ang kalagayan ng mga itinamin na punong kawayan kasama ang mga naka-assign na caretakers ng proyekto sa lugar.

MDRRMO, Isinaayos ang SG1 Isolation Facility

Noong nakaraang linggo ay naging abala ang MDRRMO sa malawakang renovation work sa San Gabriel 1st Community Isolation Facility. Sila ay naglinis, nagdisinfect, nagpintura, nag-ayos ng electrical wiring, at nagkumpuni ng nasirang bakod ng pasilidad. Sila rin ay nanguha ng mga seedlings ng sa Municipal Nursery upang itanim ang mga ito roon.

Distribution of Free Food in Isolation Facilities

Samantala, patuloy ang kanilang pamamahagi ng libreng pagkain at tubig tatlong beses kada araw sa mga nakaquarantine sa mga community isolation facilities ng LGU.

Vehicular Extrication Training

Noong September 16 at 17, nagsagawa ng libreng Vehicular Training para sa Bayambang DRRM rescuers ang EPP Fire Safety and Rescue Equipment sa MDRRMO Conference Room. Sa training ay tinuruan ang mga rescuers ng tamang paggamit ng biniling rescue equipment at kung paano ang tamang pagresponde kapag may vehicular accidents.

Paghahanda para sa Bagyong Rolly

Ang Bayambang MDRRMC ay puspusan ang paghahanda sa pamamagitan ng pagpupulong, tuluy-tuloy na pagmonitor sa lebel ng Agno River, pagpeprepara ng mga rescue equipment, at paglilinis sa mga evacuation centers. 

No comments:

Post a Comment