Monday, June 29, 2020

SOMA 2020

SOMA 2020

Isulong ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa Gitna ng "New Normal"

 

INTRODUCTION

 

Nandito akong muli sa inyong harapan dahil responsibilidad ko bilang inyong punong bayan ang ipaalam sa inyo ang kasalukuyang estado ng munisipyo at karapatan ninyo bilang mga mamamayan na malaman kung anu-ano na ang mga naging programa at proyekto ng ating Lokal na Pamahalaan para sa ating bayan. 


Nanumpa ako bilang inyong Mayor sa pangalawang pagkakataon noong nakaraang taon, at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan ang ipinangako ko sa inyo noon na the best is yet to come for Bayambang. Bagamat may kinakaharap tayo ngayon na matinding pagsubok dahil sa pandemic na COVID-19, at bagamat personal po tayong naapektuhan nito, ay hindi tayo magpapatalo at lalong hindi po tayo susuko. Nandito pa rin ang Team Quiambao-Sabangan para tuparin ang hangarin nating lahat na maiahon sa kahirapan at maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bayambangueño. 


Ngayong 2020, nasa ikatlong taon na tayo sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan, at sa bawat hakbang ng LGU Bayambang ay naisasakatuparan na natin ang mga plano na nakapaloob sa limang sektor sa ating Bayambang Poverty Reduction Plan. 


GOOD GOVERNANCE

 

• ELA 2020-2022

 

Noong Setyembre 24-26, 2019, nagtungo ang mga opisyal sa Bataan upang buuin ang Executive-Legislative Agenda ng munisipyo para sa taong 2020 hanggang 2022. Dito ay inilatag ang mga magiging programa at proyekto ng LGU sa susunod na tatlong taon.

 

• Ongoing ISO Preparation

 

Ongoing pa rin ang preparasyon ng iba’t-ibang departamento para sa ating application para sa ISO 9001:2015 certification upang maging efficient at competitive ang LGU-Bayambang sa larangan ng quality management system.

 

Fiscal Management & Taxation

 

• 2020 Budget Passed

 

Pormal nang napirmahan noong September 16 ang ating finalized 2020 Municipal Budget amounting to more than P512M, Special Economic Enterprise annual budget amounting to P45M, at Annual Investment Plan amounting to P2.018B. Ito ay kasalukuyang under review ng Sangguniang Panlalawigan.

 

    Local Revenue

 

Ang ating LGU-wide computerization project ay nagresulta sa pagtaas ng ating local revenue mula P396.4M noong July 2018-June 2019 hanggang P439.4M mula July 2019-June 2020.

 

    Number of Registered Businesses

 

Ang bilang ng registered businesses ay tumaas mula sa 774 noong 2014 hanggang 1,231 noong July 2019 at 1,308 noong June 15, 2020.

 

• Tax IEC, Nagpatuloy sa mga Barangay

 

Patuloy ang ating kampanya upang mabago ang kaisipan ng ating mga kababayan tungkol sa pagbayad ng tamang buwis gaya ng amilyar. Sa pangunguna ng Assessor’s Office ay nagkaroon ng massive Tax Education Campaign, Appraisal of Land and Buildings, at Massive Acceptance of Free-Patent/Administrative Title. Imbes na tignan ang buwis bilang pahirap ay pinipilit natin baguhin ang pananaw ng mga kababayan, upang tignan ang buwis bilang aktibong kontribusyon ng lahat bilang Pilipino para sa ikauunlad ng ating bayan, dahil kitang-kita naman kung saan pumupunta ang mga ibinabayad na buwis.

 

• RPT and Business Tax Collection

 

Naglilibot ang Treasury Office sa iba’t ibang barangay para mag-issue ng Real Property Tax Bill at magpakalat ng impormasyon ukol sa business tax para sa mga business contractor at mga establisyemento. Ang nakukuhang revenue mula sa pagtaas ng tax collection ay ginagamit natin sa pagpapatupad at implementasyon ng mga proyekto sa buong bayan.

 

• List of Biggest Taxpayers

 

Kabilang sa top five taxpayers* ang:

For 2019                


Land Registration Systems Inc.  - P34,755,854.27
STRADCOM Corp. - P60,380,871.77
IL & FS Technologies Philippines Inc. - P6,944,186.78
Jollibee Bayambang - P1,403,031.89
CSI Superstore Bayambang - P1,320,481.56

 (*Note from Public Information Office: The first three companies are owned by the Quiambao family. And Mayor CTQ himself raised the tax rate for these companies, so the LGU can have even bigger local revenue. )



Human Resource Management

 

Lalong umigting ang ating HR Management activities, salamat sa naapakaaktibong Human Resource Management Office (HRMO). Ating tunghayan ang kanilang mga nagawa sa loob ng isang taon.

 

   HRMO Orientation para sa JOs

 

Nag-organisa ng isang orientation program ang HRMO para sa mga empleyado ng munisipyo, partikular na sa mga bagong Job Order employees noong February 24, 2020 sa Events Center. Ito ay upang masiguro na ang bawat kawani ng gobyerno ay magkaroon ng malinaw na pang-unawa sa sakop ng kani-kanilang mga tungkulin at kung paano ito gagawin ng may responsibilidad, integridad, at pamumuhay na nagbibigay prayoridad sa pampublikong interes kaysa sa personal na interes. Layunin din nito na maipaliwanag sa lahat ang vision and mission at goals and objectives pati na rin ang rules and regulations ng LGU Bayambang.


• Employee Day 2019

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng 119th founding anniversary ng Philippine Civil Service Commission, nagdaos ng Employee Day ang Human Resource Management Office (HRMO) noong ika-23 ng Setyembre. Nagkaroon ng libreng pampering services tulad ng haircut, facial, massage, manicure at pedicure, ear candling, at biolaser therapy, at isang Personality Development Seminar.

 

 

 

 

• Seminars/Trainings/Workshops

 

Patuloy rin ang pagdalo ng ating mga opisyal at empleyado sa mga seminar-workshop para madagdagan ang kanilang kaalaman at mas maging epektibo ang kanilang serbisyong pampubliko. Kabilang na rito ang Training-Workshop on Streamlining Applications for Building Permit and Certificate of Occupancy upang mas mapabilis ang pagkuha ng ating mga kababayan ng mga dokumentong nabanggit.

 

• Orientation on Public-Private Partnership Projects

 

Noong October 29 at 30 ay nag-organisa ang Bids and Awards Committee ng Orientation on Public-Private Partnership Projects (PPP) sa tulong ng mga opisyal ng Public-Private Partnership Center mula sa Maynila. Tinalakay dito ang mga PPP concepts at mga proseso ng pagtatag ng isang PPP project.

 

• SK Officers, Nag-Training sa Planning at Budgeting

 

Nag-organisa ang Municipal Budget Office ng isang komprehensibong training para sa Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa 77 barangays kasama ang mga Punong Barangay at Barangay Treasurer noong ika-14 ng Enero. Layunin ng training na hubugin ang mga SK officials sa tamang pagpaplano ng magagandang proyekto sa kanilang lugar gamit ang barangay budget na nakalaan para sa kabataan.

 

• Training on Barangay Budgeting and Annual Investment Programming

 

Nagbigay ng libreng training para sa mga bagong budget officer, treasurer, at Committee on Appropriations member (kabilang ang mga kapitan) ng mga barangay tungkol sa “Barangay Budgeting and Annual Investment Programming” noong Oktubre 8 at 11.

 

• Graduate Studies Scholarship for LGU Employees

 

Nagbigay si Mayor Quiambao ng 50% scholarship para sa mga empleyado ng munisipyo na gustong kumuha ng Masters in Business Administration at Masters in Public Administration. Ito ay dahil sa ating pakikipagtulungan sa Pangasinan State University- Bayambang Campus Satellite Advanced Studies Center.

 

    LGU Wellness Program with KKSBFI Zumba Instructors

 

Tuluy-tuloy ang Wellness Program para sa mga LGU employees, at sa pagkakataong ito ay kasama ang mga certified Zumba instructors mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI). Layunin ng programa na tulungan ang mga kawani na maging malusog at masigla sa pangangatawan at mas epektibo sa paglilingkod sa bayan.

 

    LGU, Lumagda sa MOA para sa GSIS Loan Refinancing Program for LGU Employees

 

Noong January 22, 2020 ay lumagda si Mayor Cezar T. Quiambao sa isang Memorandum of Agreement kasama ang Government Service Insurance System para sa implementasyon ng GSIS Financial Assistance Program o GFAL II Program nito sa LGU. Layunin ng GFAL na magbigay ng affordable loan package sa mga empleyado ng munisipyo na GSIS members sa pamamagitan ng pag-refinance ng kanilang outstanding loans sa ibang ahensya o pribadong kumpanya.

 

   "Juan Time’’

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng National Time Consciousness Week, naganap sa harap ng Municipal Plaza ang ceremonial switching ng Philippine Standard Time (PST) clock sa inisyatibo ng Department of Science and Technology (DOST) noong ika-8 ng Enero.

 

New Municipal Infrastructure and Acquisitions

 

   Municipal Annex Building

 

Itinayo ang Municipal Annex Bldg. upang ma-decongest ang ating lumang Municipal Building.

 

    Municipal Warehouse

 

Ang ating Municipal Warehouse ay under construction sa Brgy. Telbang upang ito ay maging imbakan ng mga mahahalagang dokumento ng bayan.

 

   Upgrade of Balon Bayambang Events Center’s Stage and Sound System

 

Sa inisyatibo ni Mayor Quiambao ay inupgrade ang stage at sound system ng Balon Bayambang Events Center sa humigit-kumulang na P29M upang ito ay maayos na makapagpalabas ng mga musical plays.

 

   Official Vehicles

 

Bumili tayo ng mga bagong sasakyan upang mas mapabilis ang pagdala ng serbisyo publiko sa mga barangay.

 \List of Latest Municipal Vehicles Acquired

Rescue Boat (MDRRMO)

County Bus (MDRRMO)

Flexi-Truck (MDRRMO)

Mini-Dumptruck (MDRRMO)

Wing Van (MDRRMO)

L300 (MSWDO)

Avanza (Accounting)

Avanza (SB)

Avanza (SB)

 

Participatory Governance

 

    Special Bodies Reactivation

 

Muli nating binuhay ang maraming special bodies upang maging aktibong partner ang pribadong sektor sa pamamahala ng bayan.

 

- Bayambang Children's Association

 

Ang pag-organisa ng Bayambang Children's Association ay isang paraan upang sa kanilang murang edad ay maranasan ng mga kabataan ang mamuno sa kapwa kabataan at ikampanya ang kanilang karapatan bilang bata.

 

- Municipal Association of Non-Governmental Organizations, Binuo

 

Isang grupo ng mga NGOs – ang Municipal Association of Non-Governmental Organizations in Bayambang o MANGO – ang binuo kamakailan bilang paraan upang magsama-sama ang mga              asosasyon sa bayan sa kanilang magagandang adhikain.

 

Service to Outlying Barangays

 

    Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, Year 3

 

Sa pangatlong taon ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, ang mga Bayambangueño mula sa malalayong barangay ay muling direktang nakatanggap ng iba’t-ibang serbisyo mula sa mga departamento ng lokal na pamahalaan at maging sa mga locally based national agencies.

 

Jun. 26, 2019

Jul. 12, 2019

Jul. 26, 2019

Aug. 16, 2019  

Aug. 23, 2019

Sep. 13, 2019  

Sep. 27, 2019

Oct. 11, 2019  

Nov. 8, 2019

Nov. 29 2019  

District 2

District 7

District 8

District 3

District 8

District 7

District 5

District 3

District 6

District 9

        Bongato East

Ligue

Ataynan

Amancosiling Sur

Buenlag 1st 

Alinggan

Inirangan

Sancagulis

Macayocayo

Magsaysay (BCS)

626

488

677

885
755

896

833

841

602

1,536

TOTAL:         8,139

 

KSB List of Services

Medical: • circumcision • excision • ultrasound • X-ray • immunization • prenatal and postnatal checkup • advice on responsible parenthood • laboratory test • health education for seniors and teens • tooth extraction • provision of dentures • dental hygiene lecture with toothbrushing drill • tooth fluoridization

Social: • senior citizen ID application • solo parent registration • person with disability registration • mother’s class • livelihood training • anti-rabies injection for cats and dogs • cattle vaccination • cattle castration • cattle branding • vegetable seed and seedling distribution

Others: • application for Late Registration of Birth • application for Community Service Card • tax declaration • real property tax assessment • application for business permit and licensing • legal consultation

 

 

Planning

 

    Workshop to Harmonize LGU Plans for Effective Monitoring and Evaluation

 

Ang Municipal Planning and Development Office at ang Information and Communications Technology Office ay nagsagawa ng three-day workshop upang mapag-isa at mapalakas ang mga iba't-ibang plano sa pagpapaunlad ng LGU, at matiyak na ang mga ito ay magkaroon ng magandang resulta sa pamamagitan ng regular na monitoring. Ito ay nagresulta sa pagbuo ng isang Information Systems Strategic Plan.

 

 Legal Advice

 

Ang Legal Office ay nakapagbigay ng 95 na libreng legal advice, at iba pang serbisyong panglegal.

 

Citizen’s Charter

 

    Inupdate natin ang ating Citizen’s Charter bilang pagsunod sa Ease of Doing Business Law. Sa pamamagitan ng Citizen’s Charter, malayang nalalaman ng mga mamamayan ang mga hakbang sa pag-avail ng iba’t-ibang serbisyo publiko.

 

Benchmarking Visits

 

• Benchmarking Visits

 

Iba’t-ibang mga munisipalidad at probinsya, pati na rin mga taga-ibang bansa, ang nagtungo rito sa ating bayan upang bumisita at mag-benchmarking. Patunay lamang na nakikilala na ang bayan ng Bayambang sa iba’t-ibang lugar sa buong bansa at nakikita ang kapasidad ng ating lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang tunay na nakakatulong sa bayan. Kabilang sa mga nagpunta na rito ang munisipalidad ng Gloria, Occidental Mindoro; Maddela, Quirino; Pateros, Metro Manila; Bolinao, Pangasinan; San Nicolas, Ilocos Sur; pati na rin ang mga taga-Papua New Guinea at mga estudyante ng Southeast Asia.

 

SOCIO-CULTURAL DEVELOPMENT AND SOCIAL PROTECTION

 

Health

 

Malaki ang ating pangangailangan sa larangan ng kalusugan. Marami sa mga ito ay di natutugunan, gaya ng kakulangan sa mga espesyalista, gamot, equipment, at pasilidad. Kaya’t top priority po natin ang kalusugan. Isang magandang balita ay ang opisyal na pagbubukas ng RHU III sa Carungay para madecongest ang ating RHU I and RHU II.

 

Puspusan naman ang kampanya ng ating mga RHU upang tulungang maiwasan at sugpuin ang iba’t-ibang mga sakit dito sa ating bayan.

 

• Anti-Dengue Drive (Oplan Taob/4 O'Clock Habit)

 

Sinisiguro ng ating Rural Health Unit (RHU) ang kaligtasan ng mga tao laban sa dengue sa pamamagitan ng intensive Anti-Dengue Drive sa iba’t ibang paaralan at mga barangay sa buong bayan. Ilang beses na nagsawa ng fogging, misting, at surveillance operation sa mga lugar na may dengue cases at stagnant na tubig.

 

• Sanitary Inspections

 

Regular na nag-iinspeksyon ng mga poultry farm at iba pang business establishments ang RHU I at II para masigurong malinis at ligtas ang mga pagkain at produkto na binibili ng mga Bayambangueño.

 

    Seminar on Community-Based HIV Screening

 

Inilunsad ng RHU I noong Setyembre 25 at 26 ang Seminar Training para sa Community-Based HIV Screening kung saan tinuruan ang mga partisipante na mag-screen sa mga boluntaryong gusto magpa-HIV test  upang masigurong ligtas sa nakakahawang sakit. Tinuruan din silang mag-counseling at maging advocate ng HIV/AIDS awareness at testing upang ang lahat ay malaman ang kanilang status at magkaroon ng zero stigma tungkol sa HIV infection.

 

    HIV/AIDS Awareness Forum, Inilunsad

 

Nagsagawa ng kauna-unahang Health Forum at Candle Lighting Ceremony para sa mga estudyante at miyembro ng LGBTQ ang RHU 1 at RHU 2 noong Disyembre 2 upang magbigay ng kaalaman tungkol sa HIV at AIDS. Nabuksan ang kaisipan ng lahat ukol sa HIV/AIDS -- kung paano ito makakahawa at di makakahawa, at paano ang tamang gamutan nito, at ang mga maling paniniwala ng publiko sa naturang karamdaman.

 

   Buntis Party

 

Ang RHU II ay nagsagawa ng “Buntis Party” noong January 10 sa RHU III sa Brgy. Carungay, March 6 sa Wawa Barangay Hall, at noong March 10 sa Telbang Barangay Hall. Ang mga ito ay dinaluhan ng mga buntis na nagmula sa catchment area ng RHU II at III. Ang programa ay nagbigay-impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pagbubuntis, tamang paraan ng pagpapasuso ng ina (breastfeeding), at pagpaplano ng pamilya. Nagsagawa din sila ng libreng laboratory tests gaya ng CBC, urinalysis at syphilis screening.

 

• Anti-Rabies Drive

 

Tuluy-tuloy ang ating pagbabakuna sa mga aso at pusa upang masugpo ang kaso ng rabies sa Bayambang.

 

-    RHU I, Accredited Animal Bite Treatment Center Na

 

Naging certified Animal Bite Treatment Center na ng Department of Health ang Rural Health Unit 1. Maaari nang magpabakuna ng libre kada Martes at Biyernes ang mga taga-Bayambang dito kapag nakagat ng aso at pusa.

 

• IEC on Communicable and Non-Communicable Diseases

 

Ang RHU din ay nanguna sa ilang information and education campaign tungkol sa leptospirosis, TB, Japanese encephalitis, meningococcemia, polio, leptospirosis, at pati na rin ang importansya ng pagbabakuna. Ito ay upang bigyang kaalaman ang karamihan para masiguro ang kanilang kalusugan.

 

    Memphis Outreach Medical Mission

 

Isang limang araw na medical mission sa pangunguna ng Memphis Outreach Program ang ginanap mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4 sa Balon Bayambang Events Center. May 3,437 na pasyente ang natulungan:

 

2,375 medical check-up/consultation

714 dental services

219 minor surgery

41 major surgery

88 warts removal

 

    PMAC Medical Mission

 

Mula January 28 hanggang January 31, naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente sa Bayambang ang Philippine Medical Association in Chicago (PMAC) at iba pang grupo. Ang medical mission na ito ang may pinakamalawak na hatid na mga serbisyo, kabilang ang mga minor at major surgical procedures, dental at ophthalmic surgery, general medical check-up, at pamimigay ng gamot. Lahat ng ito ay libre, at sa unang pagkakataon sa termino ng Quiambao-Sabangan administration ay nagkaroon ng libreng operasyon sa mata gaya ng squint operation at odontectomy o surgical removal of impacted wisdom tooth.

 

May 5,749 na pasyente ang nakatanggap ng iba't-ibang serbisyo:

 

885 dental services (cleaning, extraction, restoration)

662 optical services (eye check-up)

1,925 reading glasses/sunglasses

1,910 general consultation with free medicine (572 pedia, 471 senior citizen, 867 adult)

10 odontectomy

241 minor surgeries

116 major surgeries

24 pterygium operation

9 squint operation

18 cataract operation

50 general surgery

 

Kung susumahin, tinatayang ang natipid ng mga Bayambangueño mula sa lahat ng major at minor surgeries ay nagkakahalaga ng mula P15M hanggang mahigit sa P18M.

 

    Free CME Seminar para sa Local Healthcare Practitioners

 

Bilang parte ng Medical/Dental/Surgical at Optical Mission na pinangunahan ng PMAC, naghatid ng isang libreng Continuing Medical Education Seminar ang PMAC members sa tulong ng LGU-Bayambang noong January 29 at 30. Ito ay nilahukan ng mga lokal na duktor, nurse, at iba pang medical at healthcare practitioners.

 

   Basic Life Support Training

 

Noong December 12-14, sumailalim sa isang pagsasanay ang staff ng RHU 1 nang sila ay mag-enroll sa Basic Life Suport Training sa Angeles City, Pampanga, sa tulong ng Philippine National Red Cross. Malaking bagay ito para sa kahandaan ng staff para mas lalong mapaigting ang kanilang serbisyo sa mga kababayan sa oras ng pangangailangan.

 

• Search for A1 Child

 

Nagkaroon tayo ng Search for A1 Child 2019 para maipakita sa ating mga kabataan ang importansya ng mabuting kalusugan sa murang edad.

 

• "Healthy Young Ones"

 

Muling binuhay ng RHU I ang ‘Healthy Young Ones’ project nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga health lecture sa iba’t-ibang eskwelahan ng Bayambang sa loob ng isang linggo para sa mga Grade 9 at 10 students. Nakasentro ang mga usapin tungkol sa mental health, drug abuse, HIV-AIDS, STI, COVID-19, SOGIE bill, nutrition, at oral health.

 

• Proper Parenting Seminar

 

Ang Proper Parenting Seminar naman ay inilunsad upang magpamahagi ng mga kaalaman para sa mga magulang kung paano magagabayan ang kanilang mga anak upang sila ay lumaking malusog at masigla.

 

• Blood Donation Drives

 

Patuloy ang pakikipag-tulungan natin sa Philippine National Red Cross at Region I Medical Center, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., Sangguniang Kabataan, Rotary Club of Bayambang, at Local Council of Women sa pagsasagawa ng mga Blood Donation Drive para masiguro natin na mayroong sapat na dugo kung may mangailangan nito.

 

June 24, 2019

 Balon Bayambang Events Center

 109 donors

December 16, 2019

 Balon Bayambang  Events Center

 113 donors

February 21, 2020

 Brgy. Batangcaoa

 28 bags

April 17, 2020

 Saint Vincent Ferrer Parish Church

75 bags

 

               • Pep Talk para sa Boluntaryong Pagbibigay ng Dugo

 

               Ang RHU III ay naglunsad ng isang "Pep Talk" noong ika-10 at 11 ng Marso 2020 sa                Moises Rebamontan National High School at Hermoza National High School. Ito ay dinaluhan ng                 241 estudyante mula Grade 11 at 12. Ang programang ito ay naglalayon na mabigyan ng impormasyon ang mga estudyante tungkol sa kahalagahan at benepisyo ng pagdo-donate ng              dugo.

 

• RHU III in Carungay

 

Pormal nang binuksan ang RHU 3 sa Brgy. Carungay Setyembre 2019. Dahil dito ay mas mapapadali ang ating mga kababayan sa catchment area nito sa pagkuha ng medikal at dental na serbisyo mula sa munisipyo.

 

• Opening Soon: RHU IV sa Brgy. Macayocayo

 

Malapit nang magbukas ang ating RHU IV sa Barangay Macayocayo upang pagsilbihan ang pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan sa 6th District.

 

• RHU V Pantol

 

Ipinapatayo na ang isa pang RHU, ang RHU V sa Brgy. Pantol.

 

• Tertiary Hospital Project

 

Ang ating naipangakong tertiary hospital project ay nasa design stage na, at ito ay imamanage ng Medical City, Clark.

 

 

Livelihood

 

Lahat ng paraan ay ginawa natin para magkaroon ng livelihood projects ang mga nangangailangan. Tayo ay lumapit sa iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno bukod sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

• Bookkeeping Seminar

 

Nag-organisa ng mga seminar katulad ng Bookkeeping Seminar para maturuan ang mga namamahala ng mga organisasyon at kooperatiba ng maayos na financial management.

 

• Support to DSWD SLP

 

Patuloy ang ating suporta sa mga sustainable livelihood program ng DSWD para mabigyan ng dagdag kabuhayan ang mga Bayambangueño, lalo na ang mga walang trabaho.

 

• Mushroom Processing

 

Nagkaroon ng Training on Mushroom Production and By-Product Processing para sa mga myembro ng KALIPI.

 

• Garage Sale

 

Pinangunahan ng BPRAT ang pag-organisa ng Garage Sale kung saan nagbenta ng mga gamit na naipon mula sa mga empleyado ng munisipyo. Ang nalikom na kita ay ginamit sa pagpapagawa ng bahay ng isang myembro ng 4Ps.

 

• Basic Occupational Safety and Health Training

 

Nagbigay tayo ng libreng training sa Basic Occupational Safety and Health sa iba’t-ibang business establishments sa ating bayan. Layunin nito na bigyang kaalaman ang mga lokal na negosyante sa tamang pagseserbisyo at masiguro ang kaligtasan ng kanilang mamimili.

 

• Seed Capital para sa Idol Ko si Nanay Association Members

 

Namahagi ng seed capital ang Nutrition Office sa 25 members ng Idol Ko si Nanay Association of Bayambang na siyang naging benepisyaryo ng Livelihood Project sa ilalim ng First 1000 Days Program ng National Nutrition Council.  Sa pagbigay ng naturang puhunan, natulungang kumita ang mga pangkaraniwang nanay para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Ang seed capital na ito ay mga fresh ingredients para sa daing na bangus business project ng mga miyembro ng asosasyon.

 

• Chicken Livelihood Project

 

Mayroon ding free range chicken project ang Nutrition Office sa Barangay Telbang upang may mapagkunan ng protina ang mga mahihirap na pamilya.

 

• S&T Caravan Livelihood Trainings

 

Sa tulong DOST, nag-sponsor tayo ng iba’t-ibang livelihood trainings:

 

Training on T-Shirt Printing

Training on Rag-Making

Bangus in Tomato Sauce Making

Gourmet Tuyo Making

Baking 101 Training

No Bake Products Training

Calibration Training

 

• MOA Signing para sa DSWD Sustainable Livelihood Program

 

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang LGU para sa implementasyon ng mga Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Sa MOA signing na ito noong March 4, nasiguro ang P3.8M budget para sa mga livelihood project na mismong mga benepisyaryo ang pipili. Nakatakdang makuha ang pondo sa buwan ng Hunyo at maiimplementa ang mga proyekto sa sampung barangay mula Agosto hanggang Septyembre 2020.

 

• Awarding of Refrigerated Trike

 

Isang mobile meat dealer ang binigyan ng humigit-kumulang P200,000 na refrigerated trike, bilang pagkilala sa kanyang sipag at tiyaga.

 

• Tie-up with 1Food Corp. and PSU-DOST1 FIC

 

Tinulungan nating makipag-tie-up ang One Food Corp. sa Pangasinan State University-Department of Science and Technology 1-Food Innovation Center sa paggawa ng vacuum-fried vegetable chips at iba pang produkto para sa high-end market.

 

• CFC-ANCOP Village Beneficiaries, Nag-Training sa Food Processing

 

Nagtraining sa food processing ang mga CFC-ANCOP Village beneficiaries sa tulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) noong Hunyo 25, 2019 sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 

• ANCOP Ville Meat Processing Facility, Pinasinayaan

 

Noong February 17, pinasinayaan ang bagong pasilidad para sa Meat Processing sa ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis. Sa bagong-tayong meat processing facility, magkakaroon ng adisyunal na hanapbuhay ang mga taga-ANCOP Ville.

 

• Organic Moringa Production Workshop

 

Nagsagawa ang Moringaling Philippines Foundation, Inc. ng 2-day Moringa Workshop para sa mga farmers' association presidents noong Nov. 18-19 kung saan 60 farmers ang natuto ng mga bagong kaalaman sa pagtatanim at organic processing ng malunggay.

 

• Seminar-Workshop on Bamboo Charcoal Briquetting

 

Nagbigay ang CSFirst Green Inc. ng dalawang araw na Seminar-Workshop sa Bamboo Charcoal Briquetting noong Nobyembre 20-21, 2019. Sa pamamagitan ng bamboo charcoal briquetting, nais ng kumpanya na ipagpatuloy ang adhikain ni ex-Councilor Levin Uy na hikayatin ang mga 77 barangay na mag-uling gamit ang makabagong teknolohiya ng DOST.

 

• Child Laborers, Tumanggap ng Sari-Sari Store Starter Kit

 

Nag-award ang Department of Labor and Employment ng sari-sari store starter kits para sa 36 na batang Bayambangueño upang makatulong sa kanilang magulang na makapag-umpisa ng maliit na negosyo at di na kailangang pagtrabahuhin pa ang kanilang mga anak sa murang edad.

 

Employment

 

• OFW Convention

 

Nag-organisa ang Public Service Employment Office (PESO) ng OFW Convention kung saan tinuruan ang mga myembro ng Bayambang OFW & Family Associations ukol sa mga livelihood projects at iba pang benepisyong maaari nilang matamo mula sa pamahalaan.

 

• TUPAD Program ng DOLE

 

Tinanggap ng mga benepisyaryo ng TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE), o ng mga trabahador na biglaang nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga di inaasahang pangyayari tulad ng kalamidad, ang kanilang bayad para sa sampung araw na pagta-trabaho sa ilalim ng programang ito.

 

• SPES Program ng DOLE

 

Nagtapos ang 30 kabataang benepisyaryo ng programang SPES o Special Program for Employment of Students ng DOLE na kung saan ay nakatanggap ang bawat isa ng P8,598. Sixty percent (60%) ang sinagot ng LGU sa pondong ginasta para sa programang ito.

 

• Bayambang, Nakipag-MOA para sa BaLinkBayan Online Portal

 

Noong January 13 ay lumagda sa Memorandum of Agreement ang LGU at Commission on Filipinos Overseas (CFO) para sa planong pagtatalaga ng BaLinkBayan online portal ng naturang ahensya sa bayan ng Bayambang. Layunin ng online portal na ito na maging gabay sa lahat ng Bayambangueño abroad, mapa-emigrante man o OFW, ukol sa mga impormasyong katulad ng retirement sa Pilipinas, pag-invest sa business, pagbigay ng donasyon o tulong sa mga nasalanta, at ibang OFW concerns.

 

Housing

 

• ANCOP-CFC Village

 

Naumpisahan na ang pamimigay ng susi sa naunang 34 units ng libreng tahanan sa ANCOP-CFC Village para sa mga kapus-palad.

 

• Magsaysay Property

 

Ang Magsaysay property ng LGU ay unti-unting dinidispose sa mga matagal nang naka-okupa rito, sa pamamagitan ng pag-offer sa kanila ng isang affordable payment scheme na aprubado ng Commission on Audit.

 

• Magsaysay Homeowners Association, Inorganisa

 

Pinulong ng Assessor's Office ang mga residente ng Magsaysay property ng Munisipyo sa Magsaysay Barangay Hall upang pag-usapan ang pag-oorganisa sa kanila bilang isang homeowners association at paghalal ng kanilang mga opisyal.

 

 

Education

 

Tuluy-tuloy din ang ating suporta sa Department of Education sa napakahalagang tungkulin nito na maghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan.

 

• Bayambang Central School

 

Patuloy nating nilalabanan sa hukuman ang ating pagbawi sa orihinal na campus ng Bayambang Central School, dahil tayo ay naniniwala na ito ay naagaw sa ilegal na paraan.

 

• Honesty Stores

 

Pinagpatuloy ng BPRAT ang pagmonitor sa Honesty Store project nito sa mga paaralan upang sa murang edad ay tulungang maisapuso ng mga kabataan ang kahalagahan ng pagiging tapat. Isa itong istratehiya upang mapalaganap ang anti-corruption drive ng administrasyong Quiambao-Sabangan.

 

• Community-Based Literacy Program

 

Inilunsad ang Community-Based Literacy Program para sa mga grade-school non-readers sa tulong ng Pangasinan State University-School of Advanced Studies Satellite at Bayambang Poverty Reduction Action Team. Ito ay upang matulungang humabol ang mga naturang mag-aaral sa larangan ng pagbasa.

 

• Anti-Bullying Campaign

 

Nagpatuloy din ang BPRAT kasama ang MSWDO, RHU at Philippine National Police (PNP) sa kanilang kampanya laban sa bullying, na siyang nagiging isang malaking dahilan kung bakit hindi pumapasok o kaya’y nagdadrop-out ang ilang kabataan sa eskwelahan.

 

• Anti-Teenage Pregnancy Campaign

 

Nagsagawa ng isa na namang edisyon ng Youth-4-You (U4U) Facilitator’s Training at Teen Trail Seminar ng Population Commission sa iba't-ibang high school campus upang ipalaganap doon ang responsableng pananaw sa seksuwalidad at upang maiwasan ang teenage pregnancy at sexually transmitted diseases sa kabataan. Ito ay inisyatibo ng Local Youth Development Office at Population Commission at sinuportahan ng lokal na Sangguniang Kabataan Federation, RHU, at Department of Education

 

• Training Workshop on Interactive Storytelling

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng 29th anniversary ng Library and Information Services Month, nagkaroon ng Training Workshop on Interactive Storytelling ang Municipal Library para sa mga Child Development Workers ng Bayambang noong November 8 sa tulong ng mga facilitators mula sa National Library.

 

• Short Film-Making at Spoken Word Poetry Competition

 

Walong paaralan ang nagtagisan ng galing sa Short Film-Making at Spoken Word Poetry Competition na inorganisa ng BPRAT noong ika-20 ng Agosto 2019.

Ito ay ginanap bilang parte ng ikatlong anibersaryo ng deklarasyon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, sa temang "Kabataan, Pag-Asa ng Bayan Laban sa Kahirapan."

 

• Pagpapayabong ng Wikang Pambansa, Suportado ng LGU

 

Sinuportahan ng LGU ang pagkakaroon ng tatlong araw na reoryentasyon sa pagtuturo ng wikang Filipino para sa mga guro sa sekondarya at elementarya sa iba’t-ibang paaralan sa Bayambang sa "Seminar-Workshop: Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Filipino” noong Agosto 22-24, 2019 sa CSFirst Green, Brgy. Amanperez.

 

• Assistance to Brigada Eskwela

 

Muli nating sinuportahan ang Brigada Eskwela 2019 sa pamamagitan ng Special Education Fund at donasyon ng sahod ni Mayor Quiambao. Bawat isa sa mga paaralan ay nakatanggap ng P35,000 para sa maayos na Brigada Eskwela 2019.

 

    School Comfort Room Upgrade by Inner Wheel Club

 

Sa inisyatibo ni Mayor Quiambao, nagdonate ang Inner Wheel Club of the Philippines para sa pagpapagawa ng isang modernong comfort room sa A.P. Guevarra Integrated School sa Brgy. Manambong Norte.

 

    S&T Caravan

 

Nagdaos ng apat na araw na Science and Technology Caravan mula ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto 2019 sa tulong ng Department of Science and Technology. Nagkaroon ng mga interactive science and technology exhibit at mga libreng livelihood training at technology presentation ukol sa disaster risk reduction and mitigation at waste management. Mayroon ding inihandang mobile planetarium at robotics workshop na nagbigay kaalaman at kasiyahan sa mga kabataan. Pagkatapos ng workshop ay nagkaroon ng isang robotics competition ang mga piling high school students.

 

    Municipal Library, Subscriber sa World Book Online

 

Sa suporta ni Mayor Quiambao, ang Bayambang Municipal Library ay naging unang municipal library sa bansa na magsubscribe sa World Book Online. Ang mga lokal na guro at mag-aaral, pati na mga kawani ng LGU, ay mayroon nang free access sa libu-libong reference books.

 

Local Civil Registry

 

    103 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation

 

Nagkaroon ng Pre-Marriage Orientation para sa 103 couples sa Events Center noong February 5 sa pangunguna ng Municipal Civil Registrar at Population Development Officer. Ito ay isang requirement sa pagkuha ng marriage license at paraan upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapakasal at ang tungkulin ng bawat isa bilang mag-asawa.

 

    Kasalang Bayan, Muling Pina-Level Up

 

Sa pag-oorganisa ng Local Civil Registrar, 103 na pares ng magkasintahan ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng isa na namang engrandeng pag-iisang dibdib sa ginanap na 2020 Kasalang Bayan sa Events Center sa mismong Araw ng mga Puso.

 

    LCR, Ginunita ang 30th Civil Registration Month

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng Civil Registration Month, naglibot sa iba’t-ibang barangay ang Local Civil Registry Office upang ipaalam ang kahalagahan ng civil registration sa mga kababayan. Matapos noon ay nag-data capturing ang grupo kasama ang DSWD Pantawid Pamilya Municipal Link para magkaroon ng Community Service Card ang mga indigent na residente ng mga naturang barangay. Sa kanilang information campaign ukol sa kahalagahan ng civil registry documents, maraming Bayambangueño ang natulungan upang mag-apply para sa late registration of birth, marriage certificate, at iba pang importanteng dokumento.

 

    Tech4Ed Services, Tuluy-Tuloy sa Municipal Library

 

Tuluy-tuloy ang serbisyo ng Municipal Library para sa free online application for birth certificate, marriage certificate, death certificate, CENOMAR application, at appointment for NBI clearance application.

 

Tourism, Culture, and Arts

 

• Tourism Week Celebration 2019

 

Sa ikatlong taon ng pagdiriwang ng Tourism Week sa Bayambang ay muling nagtipon ang LGU Bayambang, mga organisasyon, at ang iba’t-ibang mga paaralan upang kilalanin ang kahalagahan ng turismo sa paglikha ng mga trabaho para sa ikauunlad ng bayan.  Sa Palyagan ay nagtagisan ng galing ang mga estudyante at mga eskwelahan sa pagkamalikhain sa tatlong kategorya: Balitok (Thematic Museum - Booth-Making Contest), Anlong (Poetry-Writing Contest), at Awaran (Bayambang Tourism, Culture, & History Quiz Bee). Nagkaroon din ng isang Tourism Job Fair.

• Paskong Disneyland sa Bayambang

 

Dumagsa ang turista sa Bayambang dahil sa patuloy na suporta ni Mayor Quiambao sa pagpapatayo ng pinakamalaking animated Christmas display sa bansa, at sa taong 2019 ay kinagiliwan ng lahat ang temang Disneyland. Kabilang sa mga atraksyon ang nakakaaliw na parada ng mga kilalang Disney characters, mga makinang na Christmas lights, at Christmas bazaar at food stalls sa plaza.

 

• Bong-Bong-Making Contest

 

Nagpaligsahan ang mga kalahok sa patimpalak sa paggawa ng bong-bong, ang tradisyunal na 'kanyon' na yari sa kawayan na ginagamitan ng tubig at kalburo upang pumutok.

 

• Mga Parol Gawa sa Recyclables, Binigyang Liwanag ang SVFPP

 

Nagliwanag ang Saint Vincent Ferrer Prayer Park dahil sa naglalakihang mga parol na gawa ng mga Bayambangueño mula sa iba’t ibang barangay para sa Parol-Making Contest.

Labing-apat na kalahok ang nagtagisan ng galing sa paggawa ng parol mula sa mga recycled materials sa patimpalak na ito

 

• Christmas Caroling Contest

 

Ang tradisyon ng pangangaroling ay binuhay sa bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng Christmas Carol Contest na ginanap noong ika-6 ng Disyembre sa Municipal Plaza.

 

• Christmas Costume Contest

 

Ipinamalas ng mga Bayambangueño ang kanilang pagiging malikhain sa Christmas Costume Contest noong ika-13 ng Disyembre. Nagparada ang naggagandahang mga costume na base sa tema ng Paskuhan na Paskong Disneyland sa Bayambang.

 

• St. Vincent Ferrer Prayer Park, Pormal nang Binuksan; Papal Nuncio, Nanguna sa Selebrasyon

 

Libu-libong deboto ang nakiisa sa prusisyon mula sa Saint Vincent Ferrer Parish Church patungo sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Brgy. Bani kung saan ginanap ang Lingayen-Dagupan Archdiocesan Celebration ng Christ the King noong ika-23 ng Nobyembre 2019. Kasabay nito ay ang pormal na pagbubukas ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park kung saan matatagpuan ang pinakamataas na bamboo sculpture sa buong mundo. Sa dobleng selebrasyong ito, nanguna sa banal na misa ang Apostolic Nuncio to the Philippines na si Archbishop Gabriele Giordano Caccia, na dumating sa Bayambang bilang kinatawan ni Pope Francis.

 

• Other Holiday Celebrations

 

Matagumpay na naidaos ang iba pang mahahalagang selebrasyon, sa pag-oorganisa ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office.

 

-        2019 National Heroes' Day

-        2019 Rizal Day

-        2019 SingKapital

-        2020 Araw ng Kalayaan

 

    Mga Delegado ng Papal Nuncio, Bumisita sa Prayer Park

 

Noong February 15, bumisita ang mga delegado ni Papal Nuncio Gabrielle Giordano Caccia sa Bayambang upang masilayan ang 50.23-meter high na istatwa ng patron saint of builders sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. Ang mga panauhin ay sinamahan ni Archbishop Socrates B. Villegas at ilan pang mga representante mula sa Lingayen-Dagupan Archdiocese.

 

    Museum-Making Competition

 

Ipinagdiwang natin ang National Museums and Galleries Month noong ika-30 ng Oktubre sa pamamagitan ng isang educational talk at museum-making competition kalahok ang iba’t-ibang paaralan.

 

Physical Fitness and Sports Development

 

Muling naging aktibo ang ating Municipal Physical Fitness and Sports Development Council sa mga programang pangpalakasan.

 

• 3rd Inter-LGU Unity Games

 

Naniniwala tayo sa kabuuang pag-unlad ng ating mga empleyado, kaya suportado natin sila sa larangan ng sports. Ipinagmamalaki natin na naging kampeon ang Bayambang Lady Warriors sa volleyball at 1st runner-up naman ang Bayambang Warriors sa basketball sa 3rd Inter-LGU Unity Games. Marami ring inuwing awards ang ating mga badminton at table tennis players sa palarong ito.

 

• Inter-Color Sportsfest

 

Idinaos din natin ang Inter-Color Sportsfest para bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makapag-bonding at makapag-ehersisyo.

 

• Wellness Program

 

Bukod dito ay mayroon na ring Wellness Program para sa kalusugan ng bawat empleyado ng LGU.

 

   Padyak Laban sa Kahirapan, Year 3

 

Ang pangatlong Padyak Laban sa Kahirapan bicycle fun ride ay ginanap noong August 28 bilang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

• ‘Bayambang-athlon’ para sa Tripleng Selebrasyon

 

Sa kauna-unahang pagkakataon sa bayan ng Bayambang ay ginanap ang ‘Bayambang-athlon,’ isang paligsahan noong Hulyo 5 upang sabay-sabay na ipagdiwang ang National Nutrition Month, National Disaster Resilience Month, at National Disability Prevention and Rehabilitation Week. Halos 600 na Bayambangueño ang nakisali sa karerang ito na nilalayong ipakita ang kahalagahan ng pakakaroon ng mabuting kalusugan at kahandaan sa anumang dumating na sakuna. Hindi naman nagpahuli ang mga PWD dahil handang-handa rin silang nakisali sa paligsahan.

 

   Mobile Legends Tournament

 

Nagtagisan ng galing sa online gaming ang mga Bayambangueño sa kauna-unahang Mobile Legends Tournament noong ika-27 ng Oktubre sa pangunguna nina Councilor Levinson Uy, Councilor Benjamin Francisco de Vera at ng Information and Communications Technology Office, at sa tulong ng Smart Communications, Smart Play, at Sangguniang Kabataan Federation. Ito ay patunay na hindi nagpapahuli ang Bayambang sa larangan ng e-sports.

 

Peace and Order and Public Safety

 

    CCTV Cameras

 

Ang pagkakabit ng 146 CCTV camera sa mga istratehikong lugar ay patuloy na nagreresulta sa pagbaba ng insidente ng krimen at pagbilis ng emergency response sa mga aksidente sa daan.

 

January-May 2019 vs January-May 2020 Crime and Road Accident Statistics

 

                                                                                                               Number of Incidents

Murder

4

1

Physical Injury

6

4

Rape

5

3

Robbery

4

2

Theft

10

6

Carnapping

0

1

Road Accidents

128

60

                                             Source: PNP

 

    Traffic Management System

 

Malaking tulong din sa kaayusan sa mga daan ang instalasyon ng mga bagong streetlights at street signages.

 

• Road Clearing Operations

 

Nilinis natin ang mga ilegal na gusali at mga balakid sa mga kalye at sidewalk para sa kaligtasan ng lahat. Ito ay naging puspusan dahil sa pagtutulungan ng ating PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), MDRRMO, POSO, Engineering Office, at DPWH.

 

    Tricycle Task Force, Binuo

 

Noong March 11, nagpulong ang isang bagong-buong Task Force upang pag-aralan ang implementasyon ng 'No Tricycle' policy ng gobyerno sa tatlong national roads sa Bayambang upang mabawasan ang insidente ng mga sakuna dulot ng slow-moving vehicles sa mga highway. Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang mas pinaigting na clearing ng mga natitirang road obstructions upang magbigay daan sa pansamantalang tricycle lane sa magkabilaang outer lanes ng mga naturang daan habang wala pang nahahanap o nagagawang bagong daan para sa mga ito.

 

• Public Hearing on Tricycle Management Code

 

Noong June 26, nagsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) Committee on Rules, Laws and Ordinances at Committee on Transportation and Public Order and Safety ng isang public hearing ukol sa proposed draft ng "Ordinance Enacting the Tricycle Management Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan" sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay dinaluhan ng publiko, partikular na ng mga opisyal at myembro ng Tricycle Operators and Drives Association (TODA) ng Bayambang, upang malaman ang kanilang saloobin at suhestiyon para makatulong sa pagbuo ng nasabing panukalang batas para sa isang maayos na public transportation sa bayan.

• Donation of Military Uniform

 

Nag-donate tayo ng mga uniporme na nagkakahalaga ng P255,000 sa 85 sundalong kabilang sa Alpha Company ng 104th Ready Reserve Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Bayambang. Ito ay ating tulong sa ating mga matatapang na sundalo na nag-aalay ng kanilang buhay para sa kasiguruhan ng ating bayan.

 

• Construction of PNP-Bayambang Station's Conference Room and Upgrade of Furniture

 

Kabilang sa mga bagong proyekto ay ang konstruksyon ng Conference Room para sa ating Municipal Police Station, at ang pag-upgrade ng mga furniture nito.

 

• MADAC Symposium

 

Nag-organisa ang Bayambang Municipal Police Station ng isa na namang Municipal Anti-Drug Abuse Council Symposium para sa mga drug reformist noong March 4. Adhikain ng symposium na maipagpatuloy ang drug-free status ng Bayambang at tuluy-tuloy na suportahan ang War on Drugs ng pamahalaan. Parte ng symposium ang isang mandatory drug test sa tulong ng Pangasinan Crime Laboratory at ng RHU 1.

 

 

Other Social Services

 

• National Disability Prevention and Rehabilitation Week

 

Hindi natin kinakalimutan ang ating mga PWD kaya pinagdiwang natin ang National Disability Prevention and Rehabilitation Week noong July. Namigay tayo ng mga wheelchair at iba pang pangangailangan para matulungan sila sa araw-araw nilang pamumuhay.

 

• ERPAT Year 2

 

Ikalawang taon na ng ating pagsuporta sa programa ng DSWD na Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training (ERPAT) na nagpapaigting ng kakayanan ng mga tatay na magsilbing matatag na haligi ng tahanan at modelo ng pamayanan.

 

    Planning Workshop para sa Gender-Responsive Town

 

Muling nagsagawa ng tatlong araw na Gender and Development (GAD) Planning Workshop noong February 26 hanggang 28. Layunin nito na i-orient at sanayin ang mga kawani ng LGU sa magkaroon ng epektibo at matagumpay na pagpaplano ukol sa paggasta ng GAD budget sa taong 2021 upang maging mas sensitibo sa usapin ng gender and development ang bayan ng Bayambang.

 

   Tsinelas Ipinamahagi sa Macayocayo ES

 

Noong March 2 ay namahagi ang BPRAT ng libreng tsinelas sa Macayocayo Elementary School. Ang mga tsinelas na ito ay nalikom ng BPRAT mula sa ginanap na Padyak Laban sa Kahirapan bicycle fun ride noong August 28, 2019 bilang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

    Distribusyon ng Social Pension ng Indigent Seniors

 

Noong May 28, namahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng DSWD social pension para sa mga indigent senior citizen. Nakatanggap ng P3,000 cash ang bawat senior citizen. Ang halagang ito ay katumbas ng anim na buwan na monthly social pension (P500/month).

 

    Children's Festival 2019

 

Idinaos ang 2019 Children's Festival na laan para sa mga kabataang edad 3 hanggang 4 na pawang pumapasok sa iba't-ibang Child Development Centers ng Bayambang noong ika-12 ng Disyembre, at inumpisahan ito ng isang parada ng mga naggagandahang float lulan ang mga Mr. and Ms. Pre-K canditates at nagtapos sa Balon Bayambang Events Center. Nagniningning na talento ang ipinamalas ng mga munting kabataan sa inorganisang Christmas Dance Competition. Kinahapunan ay isinunod ang Coronation Ceremony ng mga nagwaging kalahok sa search for Mr. & Ms. Pre-K 2019.

 

  Mayor’s Action Center Services

 

 

 

 

 Medical

Assistance

  Burial

Assistance

 Emergency

Shelter

Total Number

of Claimants

Total Number

of Patients Assisted by            L300

JANUARY 2020

P258,000

P60,000

 

258

45

FEBRUARY 2020

289,500

48,000

P15,000

272

19

MARCH 2020

205,000

40,000

3,000

195

27

APRIL 2020

96,000

4,000

 

80

 

MAY 2020

140,000

15,000

92,000

145

 

TOTAL

988,500

167,000

110,000

950

91

Total Financial Assistance - P1,265,500

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION

 

Isa ang Agricultural Modernization sa mga tinututukan ng Lokal na Pamahalaan dahil karamihan sa mga taga-Bayambang ang nabubuhay sa pagsasaka. Napakalawak ng lupaing pang-agrikultura sa Bayambang, kaya lalong pinapalakas ang sektor na ito dahil malaki rin ang maitutulong nito sa ekonomiya ng bayan.

 

    Mangabul

 

Patuloy tayong nakikipag-ugnayan kay Congresswoman Rose Marie 'Baby' Arenas sa kanyang panukala sa Kongreso na mareclassify ang Mangabul bilang alienable at disposable real property, at nang maipamahagi na sa mga magsasaka roon ang mga lupaing matagal na nilang sinasaka. Tayo ay dumalo sa mga Congressional meetings para sa pakay na ito.

 

   Farm Mechanization Project

 

Ang ating farm mechanization project ay ongoing na, at inaasahang mas mapapadali nito ang pagsaka at mas mapapataas nito ang ani ng ating mga magsasaka. Ang mga magsasakang kasapi sa proyekto ay kasalukuyang nagsasaka sa 1,600 ektaryang lupa. Inaasahang aabot sa 6,000 na ektarya ng lupain ang mapapasailalim sa farm mechanization project.

 

   Bayambang Irrigation Project

 

Noong June 28, bumisita sa Bayambang ang mga opisyal at consultants ng National Irrigation Authority para mag-site inspection sa gagawing irrigation system para sa 22 na barangay bilang parte ng agricultural modernization program ni Mayor Quiambao.

 

• Balon Bayambang Fisherfolk Association

 

Inorgansa ang Balon Bayambang Fisherfolk Association para masiguro na natutugunan ang mga pangangailangan ng mga mangingisda at mapaunlad ang fisheries industry ng Bayambang.

 

• 'Palayamanan' Project

 

Ang Palayamanan Project ay isang "community-based intensified rice-based production system" na kinonceptualize ng PhilRice at ating inilunsad sa Brgy. Pantol. Ito ay naglalayong mas lalo pang gawing produktibo ang mga sakahan ng palay sa pamamagitan ng iba't-ibang istratehiya tulad ng crop diversification at concurrent animal and vegetable production.

 

- 7-Day Livelihood Training-Workshop for Farmers

 

Ang mga kasapi sa Palayamanan project ay sumailalim sa pitong araw na livelihood training-               workshop sa Pantol noong Nov. 12-17. Kabilang sa mga naging paksa ay improved layer poultry    farming, chicken production, goat-raising, organic foliar and bio-pesticide making, mushroom        production, at farm business planning and workshop.


Farmers' Livelihood Training Site  sa Pantol

Noong December 4, itinatag sa Brgy. Pantol ang isang Farmers' Livelihood Training Site. Sa           pasilidad na ito ay sasanayin ang mga graduate ng Palayamanan Plus project sa chicken layering, mushroom production, at vegetable gardening bilang dagdag hanapbuhay sa kanilang               pagtatanim ng palay.

 

 

• Water Pumps Mula sa NIA

 

Nakatanggap ng  265 water pumps mula sa National Irrigation Authority ang ating mga magsasaka dahil sa pagtutulungan ng ating Agriculture Office at BPRAT, at ni Congresswoman Rose Marie Arenas.

 

• Floating Fish Cage Projects sa Manambong Sur at Parte

 

Sa ikatlong pagkakataon ay nagkaroon ng isang floating fish cage project ang Manambong Sur Tilapia Growers Association at ERPAT-Manambong Sur noong Setyembre 26. Sa unang pagkakataon ay naglunsad din ng isa ring floating fish cage project sa Manambong Parte. Ang mga ito ay naisagawa sa tulong DSWD at iba pang ahensya at LGU departments, at Kasama Kita sa Barangay Foundation.

 

• Backyard Vegetable Gardens and Barangay Nurseries

 

Hinikayat natin ang mga kabahayan sa mga barangay na may nakatiwangwang na lupa upang magkaroon ng sariling vegetable garden at ang mga komunidad na magtanim ng sariling gulayan at magkaroon ng sariling barangay nursery bilang sustainable source ng binhi para sa mga naturang gardening project.

 

  Rice Mill

 

Gamit ang sariling pondo, bumili ng isang rice mill si Mayor Quiambao sa bayan ng Aguilar upang matulungan ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang ani sa P20 kada kilo, na mas mataas sa prevailing price na P12 sa merkado sa panahong isinabatas ang Rice Tariffication Law.

 

   Modern Post-Harvest Facility

 

Nakatakda ang pagtatayo ng isang modern post-harvest facility sa Brgy. Amancosiling Sur.

 

   Other Agricultural Infrastructure Projects

 

Narito ang iba pang agricultural infrastructure projects sa taong ito:

 

- Municipal Greenhouse - Amancosiling Norte

- Grain Storage with Cold Storage - Manambong Parte (Department of Agriculture [DA] grant)

- Mini-Dam - Telbang (DA grant)

- Solar Irrigation Facility - Amancosiling Norte (P6M DA grant)

 

    Sen. Pimentel, Popondohan ang Isang Water Depot Project sa Dusoc

 

Nakatakdang pondohan ng opisina ni Sen. Aquilino Pimentel III ang isang water impounding depot project sa Brgy. Dusoc. Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng P15M ay malaking tulong para sa pangangailangang pang-irigasyon ng mga magsasaka sa lugar.

 

    RSBSA Listing ng Farmers at Fisherfolk, Tuluy-Tuloy

 

Inirehistro ng Agriculture Office ang mga lokal na magsasaka at mangingisda sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng DA upang masiguro na lahat sila ay maisasama sa opisyal na imbentaryo ng mga benepisyaryo ng departamento sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

 

   Mga Magsasaka, Tumanggap ng Cash Cards mula sa DA

 

Noong April 28 ay nagsimulang mamahagi ang Agriculture Office ng cash cards para sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers' Financial Assistance Program ng DA. Mayroong 1,556 na benepisyaryo mula sa mga lokal na farmers' association ang tumanggap ng cash card.

 

   DOST, Nag-Donate ng Portasol Dryers

Noong June 4 ay tinanggap ng LGU-Bayambang ang 4 units ng Portasol o portable solar dryer na hiniling ng BPRAT at Municipal Agriculture Office (MAO) sa Pangasinan Science & Technology Center ng Department of Science and Technology sa Lingayen. Ang isang Portasol unit ay may 180-kg capacity para sa pagpapatuyo ng palay, mais, at mga gulay na gagamitin sa food processing.

   Crop Insurance Processing

Tuluy-tuloy ang MAO sa pagproseso ng mga dokumento para sa crop insurance ng mga lokal na magsasaka sa tulong ng Philippine Crop Insurance Corp.

  Livestock Insurance Processing

Tumulong magproseso ang staff ng MAO ng mga papeles ng livestock insurance para sa mga alagang baka ng mga benepisyaryo ng cattle distribution ng DA-Region I. Ito ay konektado pa rin sa pananalasa ng African swine fever noong nakaraang taon sa ilang barangay sa Bayambang.

  Charoen Pokphand Phils., Nagpa-Seminar sa mga Corn Farmers

Noong January 21, nagbigay ng libreng seminar ang Charoen Pokphand Foods Philippines Corp. sa mga lokal na magsasaka ng mais na nag-avail sa farm mechanization program ni Mayor Quiambao.

ECONOMIC AND INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

 

Cooperatives

 

• New Cooperatives Formed

 

May 12 na bagong kooperatiba ang itinatag ng Municipal Cooperative Development Office sa tulong ng Cooperative  Development Authority-Dagupan, dahil naniniwala tayo na malaki ang maitutulong ng mga ito sa pag-angat ng ekonomiya at antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

 

1. Ambayat 1st Agriculture Cooperative

2. Bayambang LGU Employees Consumers Cooperative

3. Tampog Farmers Agriculture Cooperative

4. San Vicente Progressive Farmers Cooperative

5. Masagana SLP Producers Cooperative

6. Pantol Modern Agriculture Cooperative

7. Brgy. Paragos Agriculture Cooperative

8. BAMACADA Transport Cooperative 

9. BayMacDa Transport Cooperative

10. Bayambang-Basista-San Carlos Transport Cooperative

11. Markaz Nihmah Consumers Cooperative

12. Bayambang Unity Business Consumers Cooperative

 

Sa ngayon ay may 21 accredited na kooperatiba sa Bayambang.

 

 

Economic Development

 

   Public Market Renovation

 

Tuluy-tuloy ang naging renobasyon sa ating Public Market upang maging mas maginhawa ito sa mga mamimili.

 

• Relocation of Muslim Vendors

 

Inillipat ang mga Muslim vendors sa 2nd floor ng bagong gawang Public Market para maging mas maayos tignan ang Pamilihang Bayan at matulungan ang mga naturang vendors sa kanilang kabuhayan.

 

    Depektibong Timbangan, Kumpiskado

 

Dalawampung depektibong timbangan ang kinumpiska ng market enforcers noong January 23 sa may Bagsakan area. Ito ay parte ng pagsisikap ng Office of the Special Economic Enterprise para masiguro na tama ang timbang ng mga bilihin.

 

    Calibration ng mga Timbangan sa Palengke, Lalong Pinaigting

 

Ang Special Economic Enterprise ay nagsagawa ng free calibration ng 560 na timbangan sa Public Market noong February 20 hanggang 21. Layunin nitong tuluyang mapuksa ang mga insidente ng madadayang timbangan sa Pamilihang Bayan para sa kapakanan ng mga mamimili na nagbabayad ng sapat na halaga.

 

    Pagbuo ng Korporasyon ng LGU, Isinulong

 

Nagtungo sa opisina ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GOCC) sa Makati City ang Sangguniang Bayan noong Oktubre 15 upang ipresenta ang binabalak ng lokal na pamahalaan na pagkakaroon ng sarili nitong government-owned corporation.

 

    Bani

 

Ang limang-dekadang problema sa lupa sa Bani ay inaasahang matatapos na sa pagbaba ng desisyon ng korte ukol dito, at nang maumpisahan na ang ating planong 67-hectare new town center at commercial center doon.

 

 

 

Infrastructure Development

 

Tuluy-tuloy ang implementasyon ng Engineering Office ng mga proyekto na pinondohan ng mandatory 20% Development Funds para sa mga barangay. Ang mga iba’t-ibang infrastructure projects ay tumugon sa mga pangangailangan ng mga pangkaraniwang mamamayan, lalo na sa mga nakatira sa malalayong barangay. Bukod dito ay may mga naging infrastructure projects tayo gamit ang iba pang pondo.

 

Kabilang sa mga latest ongoing at completed infrastructure projects natin ay ang mga sumusunod.

 

   Bayambang Circumferential Road

 

Ang pangarap nating Bayambang Circumferential Road ay malapit nang maging katotohanan dahil sa diri-diretsong konstruksyon ng mga bagong core local access roads sa lahat ng distrito.

 

-        26 Concrete Roads: Ambayat 1st, Apalen, Asin, Ataynan, Banaban, Batangcaoa, Bical Sur, Bongato East, Buayaen, Darawey, Duera, Inirangan, Iton, Langiran, Malimpec, Manambong Parte, Mangayao, Nalsian Norte, Nalsian Sur, Pangdel, Reynado, Tampog, Tanolong, Tatarac, Tococ West, Magsaysay - P12.7M

 

   Other Projects under 20% Development Fund

 

-        18 Multi-Purpose Hall/Building/Day Care Centers/Barangay Health Centers - Amancosiling Norte, Bacnono, Bani, Buenlag 1st, Buenlag 2nd, Hermoza, Ligue, Malioer, Managos, Manambong Sur, Pugo, San Gabriel 1st, Sancagulis, Sapang, Warding, Zone III, M.H. del Pilar, Poblacion Sur - P9.5M

 

-        9 Road Asphalting Projects: Amanperez, Ambayat 2nd, Balaybuaya, Beleng, Telbang, Tococ East, Zone II, Zone IV, Zone VII - P4.95M

 

-        19 Covered Courts: Alinggan, Amancosiling Sur, Bical Norte, Bongato West, Buenlag 1st, Carungay, Caturay, Dusoc, Idong, Inanlorenza, Macayocayo, Maigpa, Pantol, Paragos, San Gabriel 2nd, San Vicente, Sanlibo, Wawa, Zone VI, Cadre Site - P8.85M

 

-        3 Drainage Systems: Tamaro, Tambac, Zone I - P1.25M

 

-        Slope Protection of Langiran Agri-Aqua Park - P3M

 

-        Clearing Operation/Road Widening in Zamora St., Magsaysay

 

-        Installation of Streetlights in Brgy. Buayaen along National Road

 

-        Multi-Purpose Drying Pavements: Zone V, Manambong Norte

 

-        Improvement of Barangay Plaza in Buenlag 1st

 

-        3 Senior Citizen’s Offices - San Vicente, M.H. Del Pilar,  Cadre Site

 

-        3 Talipapa Improvements – Macayocayo, Warding, Batangcaoa

 

-        ONGOING: Construction of 3 Multi-Purpose Covered Courts – Apalen, Mangayao, Zone VI

 

Sa record ng Engineering Office, may humigit-kumulang na P125M na 20% Development Fund ang nagastos mula 2016 hanggang 2018. P50,065,264.40 naman ang nagastos noong 2019, at sa taong 2020 ay may nakalaang budget na P56.2M.

 

Other Infrastructure Projects Outside 20% Development Fund

 

   Concrete Roads: Ligue-Tococ West-Tanolong Roadline (DILG funding), Tococ West-Ligue Roadline (Local Government Support Fund of the DBM), Reynado-Inanlorenza Roadline (DBM fund)

 

    CFC-ANCOP Village Road Concreting

 

Kinonkreto rin ang Access Road sa CFC-ANCOP Village sa Brgy. Sancagulis sa pakikipagtulungan ng Engineering Office sa Kasama Kita sa Barangay Foundation.

 

   Drainage System Works: Declogging of Drainage in Poblacion Areas, Rehabilitation of Drainage System in Zone III (fronting PSU), Construction of Cross Drainage in Poblacion Sur

 

   Sewage Treatment Plant in Municipal Slaughterhouse in Telbang

 

   Municipal Annex Bldg. – P13.6M

 

   Municipal Warehouse in Telbang

 

   Expansion of Fish Section of Public Market - P3M

 

   RHU III in Carungay at RHU IV in Macayocayo – P2.3M

   Perimeter Fence and Expansion of RHU IV

 

   400 Water-Sealed Toilets in various barangays - P2.4M

 

   Boundary Marker in Brgy. Nalsian Norte-Malasiqui Boundary

 

   Administration Office Bldg. in BNHS Senior High School

   Ataynan Elementary School Access Road

 

   Bonery with Chapel

 

Matapos ang ilang dekada, ang problema ng congestion sa Public Cemetery ay sinolusyunan sa pamamagitan ng konstruksiyon ng Bonery (Ossuary) na may kasamang Chapel.

 

  New Acquisition: Airman Hydraulic  Jackhammer

 

• SB Hearing on Forest Lake

 

Nagkaroon ng public hearing noong Hulyo 25 ang Sangguniang Bayan ukol sa request ng may-ari ng Forest Lake sa Nalsian Sur na ireclassify ang kanilang ari-arian. Ang Forest Lake sa Nalsian Sur ay isang 9.4 hectare property na memorial park na posibleng maging bagong sementeryo ng bayan.

 

   Bayambang Commercial Strip

 

Dinevelop ang commercial area sa harap ng St. Vincent Catholic School at tinagurian itong Bayambang Commercial Strip, na may 37 units ng commercial stalls.

 

    St. Vincent Ferrer Prayer Park

 

Patuloy ang development sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

 

ENVIRONMENTAL PROTECTION

 

    Solid Waste Management

 

Sa tulong ng Ecological Solid Waste Management Office, panaigting ng lokal na pamahalaan ang ating kumpanya laban sa basura at polusyon at ang pangangalaga sa ating kalikasan sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan:

 

    Enforcement of M.O. #19, s. 2017

 

Pinaigting natin ang implementasyon ng Municipal Ordinance #19, s. 2017 ("An Ordinance Regulating the Use of Plastic Cellophane and Sando Bags as Packaging Materials, and the Utilization of Polysterene Commonly known as Styrofoam for Food and Beverages Containers in the Municipality of Bayambang and Prescribing Penalties Thereof") na siyang nareregula sa paggamit ng single-use plastics na siyang bumabara sa ating mga kanal na nagiging sanhi ng pagbaha at polusyon sa kailugan hanggang sa dagat.

 

Ipinagbabawal din natin ang paggamit at pagsunog ng plastic straw at styrofoam na nagdudulot ng polusyon sa hangin at kapaligiran.

 

Bumuo tayo ng isang Ecological Solid Waste Management Team upang tumulong sa implementasyon ng nasabing ordinansa at ang RA 9003 (The Ecological Solid Waste Management Act 2000). Ang mga enforcers ang nanghuhuli at nag-iisyu ng citation tickets sa mga lumalabag sa batas.

 

    RA 9003 Compliance

 

Upang mabawasan ang dami ng basura ng bayan, may mga polisiyang ipinatupad ang ESWMO. Isa ay ang “Segragation at Source” o ang paghihiwahiwalay ng mga uri ng basura sa mismong mga kabahayan, ahensya, opisina, palengke at establisyemento at ang “No Segregation, No Collection” policy.

 

Ang ating Central Materials Recovery Facility (MRF) ay tumatanggap ng basura mula sa labing-isang barangay sa Poblacion Area samantalang ang animnapu’t anim na rural barangays ay may kanya-kanyang sariling MRF upang mapanatili ang kalinisan ng kanilang barangay.

 

    Department of Environment and Natural Resources (DENR) Compliance

 

Bilang pagsunod sa utos ng DENR na pagbabawal sa open dumpsite, ang Munisipiyo ng Bayambang ay nabigyan ng sertipikasyon na ang ating MRF, na dating controlled dumpsite, ay closed at non-operational na simula pa noong March 2018.

 

Nabigyan din tayo ng sertipikasyon na ang ating mga alternative technologies o makina sa MRF ay kinikilala at accredited ng DENR. Mahalaga ang mga makinarya nating ito sa pagbabawas at pagresiklo ng mga basura.

 

Pumirma sa isang Memorandum of Agreement ang Bayambang sa Urdaneta Engineered Sanitary Landfill bilang final disposal facility ng ating mga basura.

 

    Organic Composting

 

Sa pamamagitan ng ating mga composting machines sa MRF, ang ESWMO ay nakakagawa ng 100-150 na sako ng organic soil enhancers kada buwan depende sa dami ng market wastes na nakokolekta. Isa itong paraan para maipalaganap natin ang organic farming sa mga magsasaka ng Bayambang.

 

    Recycling

 

Bilang isang paraan ng pagpapaigting sa pagbawal sa paggamit ng mga single-use plastics, ang mga staff ng ESWMO ay gumagawa ng mga bag at bayong gamit ang plastic straws bilang alternatibo sa sando bag na ginagamit sa pamamalengke

 

Noong June 21 ang ESWMO ay inisyal na nagpamahagi ng 200 libreng piraso ng eco-bags sa pamilihang bayan ng Bayambang. Ang mga reusable bags ay donasyon ng Magic Supermarket, Royal Supermarket, at Puregold bilang suporta sa adbokasiya ng opisina.

 

Mahigpit din na isinusulong ng ESWMO ang “Bring Your Own Bag” policy sa mga namamalengke.

 

    2019 International Coastal Clean-Up Day Participation

 

Bilang pakiisa sa selebrasyon ng International Clean-Up Day, ginanap ang isang Municipal-Wide Clean-Up Drive noong September 28, 2019. Nilahukan ito ng lahat ng barangay sa Bayambang, sa pangunguna ng Ecological Solid Waste Management Office ng ating bayan.

 

    Seminars/Lectures/IECs

 

Nagkaroon tayo ng malawakang information, education and communication campaign tungkol sa M.O.#19 bago ito ipinatupad noong October 20, 2019.

 

Nagkaroon din ng orientation activity para sa mga business establishment owners, market vendors, stall owners, market sector presidents at iba pang concerned citizens noong June at July, 2019.

 Nagdaos naman ng isang Orientation/Lecture on RA 9003 at M.O.#19 noong September 19, 2019 na dinaluhan ng ilang mga kawani ng LGU, mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan, Barangay Secretary, at Barangay Council Member ng Barangay Solid Waste Management Committee. Naging Resource Speaker sa seminar ang OIC-Chief ng DENR Region 1 EMB Division, Ma. Gail Antonette Naanep.

 

Patuloy na ginagawa ng ESWMO ang kanilang katungkulan upang maisulong ang ating adbokasiya na magkaroon ng isang malinis, malusog, at makakalikasang kapaligiran.

 

DISASTER RESILIENCY

 

• Agno River Rehabilitation Project

 

Sinimulan na rin ang Agno River Rehabilitation Project sa pangunguna ng MDRRMO at sa pakikipagtulungan ng CSFirst Green Agro-Industrial Development Inc. at mga Punong Barangay. Tayo ay nagtanim ng mga punong kawayan sa gilid ng Agno River para mapigilan ang pagbaha at masiguro ang kaligtasan ng ating bayan sa panahon ng bagyo at baha.

 

• Trainings

 

Maraming pagsasanay ang dinaluhan ng MDRRMO upang madagdagan ang kaalaman at kagalingan ng mga staff nito para sa napapanahong pagresponde sa oras ng sakuna.

 

               • Standard First-Aid Training

 

               • WASAR Training

 

               Nagkaroon ng Water Search and Rescue (WASAR) Training ang MDRRMO sa La Union.

 

                   CBDRRM Training of Trainers

 

               Noong February 17 hanggang 21, dumalo sa 5-day Community-Based Disaster Risk Reduction            and Management Training of Trainers ang MDRRMC staff kasama ng CDRRMO ng Alaminos City,              Pangasinan sa Dagupan Village Hotel, Dagupan City. Layunin nito na matulungan sa pag-         oorganisa at pagpa-plano ang 77 barangay communities sa Bayambang upang maging handa       pagdating sa sakuna.

 

                   ICS-2 Training

 

               Nagtungo ang Bayambang MDRRM Council, kabilang ang LGU department heads at sina                Bayambang PNP Chief Marceliano Desamito Jr. at BFP Chief Raymond Palisoc, sa Lungsod ng         Baguio mula February 3 hanggang February 7 upang kumuha ng Integrated Planning Course on          Incident Command System (ICS-2) sa tulong ng Office of Civil Defense at NDRRMC. Ito ay isa na    namang paraan upang mas lalong mapaigting ang kahandaan ng gobyernong lokal sa        pagresponde sa panahon ng sakuna.

 

    NSED 2019

 

Muling sinanay ang mga estudyante na maging disaster-ready sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2019.

 

    Bagong Fire Truck

 

Tinanggap ni Mayor Quiambao kasama si Bureau of Fire Protection Chief, SFO4 Raymond Palisoc, ang isang bagong Isuzu Fire Truck mula sa opisina ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong February 11 sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Ito ay malaking tulong sa pagresponde ng ating lokal na BFP sa mga oras ng hindi inaasahang sunog.

 

   Bayambangueños Help Batangueños

 

Sa inisyatibo ni Bayambang First Lady Niña Jose-Quiambao at Local Council of Women, nagtungo sa Batangas ang mga volunteers mula LGU Bayambang at pribadong sektor sa pangunguna ng MDRRMO upang magsagawa ng relief operations para sa mga survivors ng Taal Volcano eruption.

 

    ASF Emergency Response

 

- Checkpoint for ASF

 

Nanguna sa pagmamando ang staff ng Agriculture Office sa Tampog checkpoint para hindi      makapasok sa ating bayan ang African Swine Fever (ASF) at masiguro na ligtas ang kabuhayan ng     mga Bayambangueño.

 

- ASF Task Force

 

Nang maiulat ang kaso ng ASF sa Bayambang, nagdeklara tayo ng state of emergency noong Oktubre 23, 2019 sa mga apektadong barangay at nagtatag ng isang Task Force kontra ASF upang matutukan ang problema at maimplementa ang “1-7-10” forced culling strategy ng DA bilang solusyon.

 

- Cash Assistance Mula DA-Region I, Pinamahagi sa mga ASF-Affected Barangays

 

Nabigyan ng ayuda ang mga apektadong mamamayan sa apat na barangay ng Bayambang na higit na naapektuhan ng African swine fever (ASF), kabilang na ang Brgy. Apalen, Tatarac, Inirangan, at Carungay noong March 12. Umabot sa 255 na mamamayan ang nakatanggap ng tseke mula sa DA-Region I. Sila ay nabigyan ng P5,000 para sa bawat piraso ng alagang baboy na naapektuhan ng culling operations, ngunit 20 piraso lamang ng na-cull na baboy ang maximum na makakatanggap ng karampatang ayuda sa bawat may-ari ng baboy. P100,000 ang pinakamalaking halaga na natanggap ng ilan sa mga apektadong mamamayan.

 

-    Alagang Baka mula DA para sa mga Naapektuhan ng ASF


Noong June 3, nakatanggap muli ng tulong ang mga nagbababuyan na naapektuhan ng ASF. Bukod sa cash assistance na nauna na nilang natanggap mula sa DA-Region I, ang mga nasalanta ay nakatanggap ng alagang baka mula sa ahensya.

 

    MDRRMO, Rumisponde sa Insidente ng Buhawi

 

Rumisponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa isang insidente ng buhawi sa Brgy. Manambong Parte na nanalasa sa kabahayan at kabukiran doon noong gabi ng April 27. Ang 17 na kabahayan na apektado ng buhawi ay binigyan ng relief packs ng MDRRMO sa tulong ng MSWDO. Bumisita naman ang Agriculture Office doon upang gumawa ng damage assessment sa mga pananim.

 

   COVID-19 Emergency Response

 

-  Early Information Drive

 

Nagbigay si Municipal Health Officer Dra. Paz Vallo kasama ang buong puwersa ng RHU 1, 2 and 3 at ng Department of Health ng tamang kaalaman sa COVID-19 at iba pang sakit upang maging handa ang bawat barangay sa pagresponde ayon sa protocol ng DOH. Inabisuhan ang lahat na panatilihing laging malinis ang paligid at pangangatawan, hugasang mabuti ang mga kamay, kumain ng wasto, at iwasan munang makihalubilo sa matataong lugar, at kaagad na magpacheck-up kung may nararamdamang mga sintomas.

 

-  Special Orientation for Punong Barangays

 

Para sa kahandaan ng bayan ng Bayambang, nagkaroon ng oryentasyon ang lahat ng kapitan ukol sa 2019 Corona Virus Disease o COVID-19 sa Sangguniang Bayan Session Hall noong February 13. Inabisuhan ni Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo, Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista, at MDRRM Officer Genevieve Benebe ang mga kapitan ukol sa mga mga maaaring gawin para maiwasan ang pagdating ng COVID-19 sa bayan. Idinetalye ni Atty. Bautista ang pagbalangkas ng Executive Order No. 9, s. 2020, upang bumuo ng Task Force for Severe Contagious Human Diseases (COVID-19 Task Force) bilang paghahanda upang makontrol at maiwasan ang paglaganap ng nakahahawang sakit sa bayan ng Bayambang. Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng bawat barangay ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT na binubuo ng mga Brgy. Tanod at BHW.

 

- Early Cancellation of Events

 

Kinansela natin ang mga malalaking event katulad ng Love Concert at Fiesta 2020. Ang mga event naman katulad ng Mass Wedding na hindi na maaaring i-kansela ay istrikto nating sinunod ang protocols at preventative measures para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

 

- Distribution of Disinfectants, Thermal Scanners, and PPEs for Frontliners

 

Simula nang i-implementa ni Pangulong Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ay tuluy-tuloy ang mga ahensya ng munisipyo sa pangunguna ng RHU at MDRRMO, at sa tulong ng BFP at Motorpool, sa pag-disinfect sa buong bayan. Nagpamigay rin ng disinfectant solutions at alcohol samunisipyo at sa mga barangay, at mga personal protective equipment at thermal scanners para sa mga frontliners.

 

- Budget Realignment

 

Nirealign natin ang iba't-ibang budget ng LGU upang mapunta sa COVID-19 emergency response.

 

- Enforcement of IATF Guidelines

 

Katuwang ang PNP-Bayambang ay nagpapatupad tayo ng mga batas upang mapigilan ang pagkalat ng virus katulad ng mga sumusunod:

 

          - curfew

          - checkpoint sa lahat ng borders

          - pagsasara ng ilang establishments

          - pagkakaroon ng skeletal workforce

          - pagsuspinde sa mass transport

 

- Lockdown and Contact Tracing

 

Noong March 20 ay pumanaw ang unang Bayambangueño na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating bayan. Nang nalaman natin ang kanyang resulta ay agad tayong nagpatupad ng lockdown sa buong Bayambang at sa 43 na barangay. Nagsagawa na rin ang RHU ng contact tracing simula noong March 13 pa lamang nang napag-alaman na ang ating “doktor ng bayan” ay dinala sa ospital matapos makitaan ng mga sintomas nito.

 

- Sanitization Drive

 

Tuluy-tuloy ang pag-decontaminate natin sa buong Bayambang, lalo sa mga apektadong barangay at sa mga mataong lugar, para masiguro na malinis ang ating bayan.

 

- Market Schedule at Mobile Market

 

Nag-iimplementa rin tayo ng Market Schedule at nagpapalibot ng Mobile Market para mapigilan ang pagkumpulan ng maraming tao sa ating Pamilihang Bayan.

 

- Relief Packs for All Households

 

Sa pangunguna ng ating MSWDO at sa pagtutulungan ng lahat ng LGU departments at volunteer LGU employees, nakapagbigay na tayo ng relief packs sa lahat ng 35,000 na households sa buong Bayambang. Nakatanggap rin tayo ng tulong mula sa Provincial Government at sa DSWD Region 1.

 

- Ayuda Mula sa SAP ng DSWD, Pinamahagi

 

Noong April 22 namahagi ang MSWDO ng cash assistance mula sa Emergency Subsidy Program na nakapaloob sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD. May 16,000 na mga kwalipikadong residente ang inilaan ng DSWD para sa Bayambang, at ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng cash na nagkakahalaga ng 5,500 pesos.

 

- Relief Packs, Pinamigay sa PWDs

 

Noong April 22 ay namahagi ng mga relief packs ang MSWDO sa mga persons with disability (PWDs) sa iba't-ibang barangay ng Bayambang. Ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng naturang sektor na isa sa mga pinakalubhang naapektuhan ng community quarantine. May 1,870 PWDs ang naabutan ng mga relief pack.

 

- 2nd Wave ng Relief Operations

 

Noong May 5, nag-umpisang mamahagi ang MSWDO at MDRRMO ng ikalawang bugso ng relief goods para sa mahigit na 11,000 na pamilyang hindi nakasama sa SAP ng DSWD. Kada relief pack ay may lamang walong kilong bigas, isang kilong munggo, isang buong manok, at mga gulay. Ang munggo, manok at gulay ay donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation.

 

- Supplementary Feeding Program for Malnourished Children

 

Naglunsad naman ng Supplementary Feeding Program sa pangunguna ng Nutrition Office para matutukan ang isang libong malnourished children. 4,000 food packs ang ipinamahagi sa kanila para mabigyan sila ng nutrisyon habang mayroong community quarantine.

 

- Ani ng mga Lokal na Magsasaka, Nagsilbing Relief Goods para sa mga Binabantayang Paslit

 

Namahagi ng relief food packs sa 77 barangays para sa mga itinuturing na "vulnerable children" ng Nutrition Office. Tanging masusustansyang pagkain lamang ang ipinamigay na relief goods, at ang mga ito ay mula sa aning gulay at prutas ng mga lokal na magsasaka, sa tulong ng MAO gamit ang pondo ng MDRRM Council. Binili ng lokal na pamahalaan ang mga naturang produkto upang magbigay ng dagdag na kita sa mga magsasaka sa panahon ng lockdown at quarantine dulot ng pandemya. Bawat food pack na nakalaan para sa isang bata ay naglalaman ng bagong aning kalabasa, talong, kamatis, bunga ng malunggay, at melon o honeydew. Ito ay sinamahan din ng sandosenang itlog.

 

- Libreng Supply ng Pagkain sa Frontliners

 

Tumulong ang Kusina ng Balon Bayambang parasa araw-araw na pagluluto ng pagkain para sa mga health workers at frontliners na isinusugal ang kanilang mga buhay upang mapaglingkuran ang ating mga kababayan. Maraming salamat din sa lahat ng mga Bayambangueño na maganda ang loob na nagbibigay rin ng pagkain sa ating mga frontliners.

 

- Libreng Vitamins at Gamot

 

Para sa proteksyon ng lahat ay namahagi tayo ng mga vitamins at gamot na nagkakahalagang P400,000. Ang mga ito ay ipinamahagi sa mga punong barangay at sa mga kababayan nating nasa frontlines.

 

- Ang ating mga Punong Barangay, sa tulong ng ating MSWDO, MAO, at PESO, ay siyang nagdetermina ng mga makakatanggap ng cash assistance mula sa SAP ng DSWD. Ang bayan ng Bayambang ay may 16,000 beneficiaries na approved ng DSWD. Ito ay hinati-hati natin sa 77 barangays ng bayan, at base sa ibinabang guidelines ng national government, tayo ay tinutulungan ng mga punong barangay na mailista ang mga kwalipikadong mga pamilya na maaring makatanggap ng P5,500. Ito ay para masiguro na may pambili ng mga pangangailangan ang lahat habang pinapatupad pa ang community quarantine sa buong Luzon.

 

- Information Campaign

 

Pinaigting ng Public Information Office at Information and Communications Technology Office ang komunikasyon gamit ang cellphone at social media:

 - Naglunsad ng Bayambang COVID Hotline kung saan pwedeng tumawag ang mga may katanungan ukol sa coronavirus

- Malimit ang pag-update sa ating Facebook page ukol sa mga latest updates tungkol sa COVID.

- Teleconsultation

Naglunsad ng teleconsultation ang ating RHU I at II at inihatid sa mga pasyente ang gamut na kailangan.

- Ligtas COVID-19 Centers

 Inayos din natin ang San Gabriel 1st Evacuation Center at Pugo Evacuation Center para maging temporary shelter ng mga Bayambangueño na nanggaling sa ibang lugar dahil sila ay considered as Persons Under Monitoring (PUM). Ang mga namalagi doon sa loob ng 14 na araw ay araw-araw na minomonitor ng ating RHU at lahat ng pangangailangan nila katulad ng tubig, pagkain, at seguridad ay ibinigay ng libre ng LGU, BFP, at PNP.

 

- Temporary Shelter for OFWs

 

Nakipagtulungan din tayo sa mga private establishments para gawing temporary shelter ng mga umuwing OFW ang kanilang lugar para sa kanilang 14-day quarantine. Ito ay upang masiguro na wala silang maiuuwing sakit sa kanilang mga pamilya. Nanawagan tayo sa mga Bayambangueño na kasalukuyang nakatira sa ibang lugar na manatili muna kung saan inabutan ng lockdown.

 

- BPRAT Recovery Plan

 

Pinaghandaan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team ang mga programa para sa ating muling pagbangon mula sa COVID-19 para pagkatapos ng lahat ng ito ay muli tayong makabangon at patuloy tayong lalaban para sa mas komportableng buhay para sa lahat.

 

- Bayanihan Grant

 

Ang Finance Committee kasama ang iba pang mga miyembro ng LGU ay naghanda at pinag-aralang maigi kung papaano maaayos at epektibong magastos ang Bayanihan Grant to Cities and Municipalities (BGMC) na nagkakahalaga ng 23M.

 

- MCTQ, Patuloy na Nagsisilbi sa Bayan Gamit ang Videoconferencing

 

Patuloy si Mayor Cezar T. Quiambao sa pangunguna sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang at sa pagsiguro na natutulungan ang mga Bayambangueño sa ating laban kontra COVID-19 sa tulong ng video conferencing at online group chat. Gamit ang ICT, minonitor niya ang mga kaganapan, dumalo siya sa mga pagpupulong, at regular siya na na-update ukol sa lahat ng hakbangin ng LGU. Ito ay matapos niyang i-anunsyo sa publiko na siya ay nagpositibo sa COVID-19, ngunit sa kabila ng kanyang karamdaman ay nananaig ang pagtupad niya sa katungkulan at pagmamahal sa bayan.

 

- Bagong Daan Diretso sa Evacuation Centers

 

Gumawa ng daan ang Engineering Office mula Brgy. Wawa hanggang sa San Gabriel 1st Evacuation Center at Pugo Evacuation Center upang masiguro na wala nang bahay ang madadaanan sa pagdala sa mga Bayambangueño na PUM o PUI at mas mapadali sa mga frontliner ang pagpunta sa mga pasilidad. Sa mga nasabing Evacuation Center dinadala ang mga Bayambangueñong nagmula sa ibang probinsya o bayan upang doon nila makumpleto ang 14-day quarantine para sa kaligtasan ng lahat.

 

- Markers Inilagay Para sa Physical Distancing

 

Noong May 1 ay naglagay ang Special Economic Enterprise ng mga markers o tanda sa pamilihang bayan upang masiguro na sinusunod ng mga mamimili ang inirekomendang physical distancing. Isa ito sa mga mapapansing pagbabago bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan alinsunod sa tinatawag na “new normal.”

 

- Mga Naquaratine, Nagsipagtapos

 

Ilang Bayambangueño na nagpumilit makauwi sa kabila ng lockdown ang naquarantine sa San Gabriel 1st Evacaution Center at Pugo Evacuation Center sa loob ng 14 na araw. Ang mga ito ay nakatanggap ng iba’t-ibang payo ukol sa sitwasyon at sa kanilang kalusugan. Pagkatapos ng mandatory quarantine ay nagkaroon ng isang simpleng 'graduation ceremony' sa lugar kung saan tinanggap ng mga 'graduates' ang kanilang completion certificate.

 

- RHU Personnel, Walang Tigil na Nag-Thermal Scanning at Disinfection

 

Magsimula noong nagkaroon ng enhanced community quarantine ay walang tumigil ang mga kawani ng RHU I at II sa pagbabantay sa entrance patungo sa pamilihang bayan upang masigurong lahat ng mamalengke doon ay ligtas sa nakahahawang sakit. Katuwang ng RHU I at II staff dito ang mga kawani ng PNP, Public Order and Safety Office (POSO), at Special Economic Enterprise.

 

- Mga Establisimyento, Ininspeksyon Ukol sa Health Protocols

 

Noong May 19, nag-spot checking inspection ang RHU, kasama ang kapulisan, sa mga grocery store at iba pang establisimyento kung ang mga ito ay sumusunod pa rin sa mga patakaran gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask, at paglalagay ng alcohol o sanitizer rub at foot o shoe bath sa entrance. Kinailangang sundin ang mga minimum health standards na ito upang ang mga naging sakripisyo ng buong bayan sa quarantine period ay hindi masayang.

 

-  Motorsiklo para sa PNP

 

Ang Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. ay namigay ng apat na motorsiklo sa PNP Bayambang  bilang pagsuporta sa kanilang natatanging pagganap sa tungkulin upang tulungang masugpo ang COVID 19.

 

- Price Freeze, Pinaalala sa Market Vendors

 

Nag-anunsiyo ang tanggapan ng Special Economic Enterprise (SEE) ukol sa umiral na price freeze sa mga basic commodities sa panahon ng pandemya. Upang maiwasan ang overpricing, kanilang inobliga ang mga tindero at tindera na maglagay ng price tag sa kanilang mga paninda. Kasama naman ang DTI, naglibot din ang SEE sa lahat ng mga parmasya sa bayan upang mamonitor din ang presyo ng kanilang mga gamot at iba pang produkto.

 

- BNHS, Itinalaga Bilang Quarantine Facility Para sa mga LSIs

 

Noong May 15, itinalaga ng lokal na pamahalaan ang Bayambang National High School bilang adisyunal na pansamantalang quarantine facility para sa mga locally stranded individuals o LSIs na umuwi ng walang kaukulang dokumento. Ito ay mga paraan upang masigurong nananatiling ligtas sa nakahahawang sakit ang mga Bayambangueño sa panahon ng general community quarantine.

 

- Rapid Testing ng mga LSIs

 

Nagconduct ang RHU ng rapid testing sa mga locally stranded individuals gamit ang test kits na donasyon ni Mayor Cezar T. Quiambao. Ang testing ay ginaganap sa Bayambang National High School Gymnasium.

 

- Front Desk para sa mga LSI

Sa pagtutulungan ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, RHU, MDRRMO, Municipal Local Government Operations Office, at PNP-Bayambang ay naging sentralisado ang proseso sa pagkuha ng Medical Certificate at Travel Authority para sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na uuwi sa kani-kanilang mga bayan o probinsya mula sa Bayambang. Isa itong paraan para maiwasan ang pagdami ng mga tao sa munisipyo at mahigpit na maipatupad ang physical distancing. Parte pa rin ito ng mga ipinapatupad ng LGU-Bayambang para sa kaligtasan ng mga Bayambangueño mula sa COVID-19.


- LCR, Naatasan sa Contact Tracing

Naatasan ang Local Civil Registry sa ilalim ni Ismael Malicdem Jr. na mangalap ng impormasyon sa lahat ng papasok sa Municipal Compound upang maging sistematiko at mas mapadali ang contact tracing kung sakaling may magpositibo sa mga kliyente at bisita ng LGU.

- Donation Drive

 

Tumanggap tayo ng mga donasyon mula sa iba’t-ibang indibidwal at grupo, kabilang ang mga sumusunod.

 

Donasyon Mula sa Bayambang Association of Southern California. Maraming salamat sa Bayambang Association of Southern California sa kanilang donasyon na iba’t-ibang klase ng gulay na nagkakahalaga ng $2,500. Ang mga gulay ay ipapamahagi sa 77 barangays bilang parte ng 2nd wave ng relief distribution para sa mga Bayambangueño.

 

Donasyon Mula sa BNHS Batch '80. Noong May 22, tinanggap ni Vice-Mayor Raul Sabangan sa pangalan ng LGU-Bayambang ang donasyon ng Bayambang National High School Class of 1980 na parte ng kanilang fund drive bilang suporta sa COVID-19 Balik Probinsya Program ng pamahalaan. Kabilang sa kanilang donasyon ay saku-sakong bigas, itlog, at mga de lata. Ang LGU-Bayambang ay nagpapasalamat sa BNHS Batch '80 na pinamumunuan ni Class President Aurora Glenda Ramos.

 

Donasyon sa SK Federation Mula kina Vice Mayor at Councilors. Nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan Federation kay Vice Mayor Raul Sabangan sa donasyon nitong isang trak ng manok at kina Councilor Benjie de Vera at Levinson Uy sa donasyon nilang saku-sakong bigas para sa bayanihan drive ng Sangguniang Kabataan ng iba’t-ibang barangay.

 

AWARDS RECEIVED

 

Para sa ating serbisyo publiko, tayo ay nakatanggap ng iba’t-ibang pagkilala mula sa mga award-giving bodies. Ang LGU Bayambang ay nag-first place sa Government Efficiency sa buong Region 1 para sa Cities and Municipalities Competitiveness Index.  Nakatanggap din tayo ng mga pagkilala sa turismo, finance, at iba pang aspeto ng pamamahala sa gobyernong lokal. Isa sa pinakamahalaga ay ang pagkapanalo natin ng ating panglimang Seal of Good Local Governance, na siyang palatandaan ng pagkakaisa ng lahat ng departamento ng LGU.

 

2019 Awards

 

             DSWD PANATA-GAPAS Award for the LGU’s convergence efforts in support of DSWD’s projects under the Sustainable Livelihood Program (SLP)-Microenterprise Development Model, Feb. 15, 2019, Landbank Plaza, Malate, Manila

             DSWD Region 1 PANATA-GAPAS Award for the LGU’s convergence efforts in support of DSWD’s projects under the Sustainable Livelihood Program (SLP)-Microenterprise Development Model, Mar. 1, 2019, Hotel Ariana, Bauang, La Union

             Municipal Agriculture Office, Top 1 Philippine Crop Insurance Corp. Solicitor in 3rd District of Pangasinan for 2019

             Top 5 nationwide in Local Revenue Efficiency for 2017 according to Bureau of Local Government Finance, July 5, 2019, Manila

             Overseas Workers Welfare Administration-Regional Welfare Office 1 awards for Migrant Desk Officer and Action Desk Officer on Employment Concerns Gerenerio Q. Rosales, Dennis Flores, and LGU-Bayambang

             Grand Winner in Community-Based Responsible Tourism category of 14th Association of Tourism Officers of the Philippines-Department of Tourism (ATOP-DOT) Pearl Awards for LGU-Bayambang National High School Bayambang Culture Mapping Project, October 4, 2019, Laoag City, Ilocos Norte

             1st runner-up in Best Tourism Week/Month Celebration category of 14th ATOP-DOT Pearl Awards for Tourism Week 2018, October 4, 2019, Laoag City, Ilocos Norte

             Finalist in 2019 Most Business-Friendly LGU Award given out by the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Oct. 4, 2019; one of only 16 1st municipality finalists in the country

             Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) commendation in recognition of the Mayor's "exceptional support to the effort and success" of the National Anti-Illegal Drug Campaign, October 8, 2019, Urdaneta City, Pangasinan

             Best LGU in Implementation of Gender and Development (GAD) Initiative in Region I during the DSWD-RO1 Pantawid Pamilyang Pilipino Program Partnership Summit, Dagupan City, October 11, 2019

             Winning of Robert and Ann Marie Castañeda family of Manambong Sur as Region I 2019 Huwarang Pamilya by DSWD Regional Office I

             Recognition of Robert and Ann Marie Castañeda family of Manambong Sur as Region I 2019 Huwarang Pamilya by DSWD National Office

             Finalist, 2019 Most Business-Friendly LGU Award by Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), October 4, 2019, McKinley Hill, Taguig City

             Bayambang Municipal Library, Top 7 in 10 Most Diligent Public Libraries in the Philippines in 2019, National Library of the Philippines, October 22, 2019

             Hall of Famer as 5-time Awardee at the 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG), November 5, 2019, Manila Hotel, Manila

             Finalist, Best in eGov Data Driven Category, Digital Governance Awards, Local Government Units’ Best Practices in Information and Communications Technology, November 26, 2019, Manila

             2019 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awardee, Department of Trade and Industry-Region 1, December 11, 2019, Bangko Sentral ng Pilipinas, City of San Fernando, La Union

             Perfect scorer in 2019 National ADAC Awards, Dec. 16, 2019, Manila

             3rd Most Outstanding City/Municipal Nutrition Committee for Quality Nutrition Program and 4th Top Performing LGU in Public Health Program Implementation, 9th Provincial Health Summit & 2018 LGU Scorecard Awarding Ceremony, Lingayen, Pangasinan, December 10, 2019

             Seal of Child-Friendly Municipality, DILG-R1, Lingayen, Pangasinan, December 12, 2019

 

2020 Awards

 

    2019 DILG Seal of Good Financial Housekeeping, January 31, 2020

 

    PESO Bayambang, Top Performer in 3 Categories: Regional Winner and Winner for 1st to 2nd Class Municipalities "for having the Highest Number of Participants Covered" in Career and Employment Coaching in 2019, and Winner "for having the Highest Number of Institutions Covered" in Career and Employment Coaching in 2019, Regional PESO Congress 2020, Clark City, Pampanga

 

CONCLUSION

Nakita naman natin kung gaano kadami ang mga kaya nating gawin kung walang korapsyon sa munisipyo at kung tayo ay nagtutulungan. Kaya naman nagpapasalamat ako sa lahat ng department heads at empleyado ng LGU, sa ating Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Raul R. Sabangan at ng ating Municipal Councilors, sa mga Punong Barangay at mga barangay councils, sa Kasama Kita sa Barangay Foundation na ka-partner ng LGU Bayambang sa mga programa nito, sa mga non-government agencies and organizations na aktibo sa pagbibigay-serbisyo, at sa lahat ng mga Bayambangueño na tumutulong sa atin para matupad ang ating adhikain na maiahon mula sa kahirapan ang bayan ng Bayambang. Thank you for sharing this dream with me and for being there to help me achieve it. Lahat ng nabanggit na programa at proyekto ay naisakatuparan ng munisipyo dahil sa tulong ninyo. Mayroon lamang po akong isa pang hihilingin sa lahat –  


Mga minamahal kong kababayan, ngayong isang matinding pagsubok ang ating kinakaharap ay nananawagan ako – sana sa mga panahong ito ay umiral ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating bayan at sa ating mga kapwa. Hindi ito ang panahon para tayo ay maging makasarili dahil lahat tayo ay nahihirapan sa nangyayari. Matindi at hindi nakikita ang ating kalaban, kaya sana sumunod tayo sa mga direktiba dahil maaaring ito ang makapagligtas sa ating lahat, at kapag may disiplina tayo ay sinisiguro ko sa inyo na mas mapapabilis din ang pagbangon natin mula sa COVID-19. Alam ko po na may mga pamilya na lubos na apektado nito. Kaya nandito ako at ang buong LGU para tugunan ang inyong mga pangangailangan sa abot ng aming makakaya. 


Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito para muling makapagpasalamat sa ating mga health workers at front liners na ibinubuwis ang kanilang buhay sa pagsisilbi sa bayan. Nagpapasalamat ako sa Municipal Social Welfare and Development Office, MDRRMO, at sa lahat ng mga opisina, mga grupo, at mga indibidwal na tumutulong sa ating relief operations. Maraming salamat rin sa Bayambang Association of Southern California, BNHS Batch '80 at ‘69, at sa iba pang mga nag-donate para maipandagdag sa mga relief na ipinamigay sa mga Bayambangueño. 


Nais ko ring pasalamatan ang ating mga Punong Barangay at mga Barangay Council sa kanilang walang sawang pagbibigay ng serbisyong publiko. Alam kong pagod na pagod na kayo, pero konting tiis na lang. Lalaban at babangon tayo. These are difficult times, and we all want this to be over soon. Masyado nang marami ang napinsala at masyado nang marami ang nahihirapan. Kaya sana ay magtulungan lamang tayo upang hindi na muling madagdagan ng mga kaso dito sa ating bayan. 


Napakahirap ng sitwasyon natin. May mga nanay at tatay na hindi mayakap ang kanilang anak, may mga manggagawa na hindi makauwi sa kani-kanilang bahay, may mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay, at ang pinakamasakit ay may mga namatayan ng magulang, anak, o asawa ng hindi man lang nakita o naihatid ang kanilang mahal na buhay sa huling hantungan. Alam ko ang sakit na ito dahil ako rin ay nawalan ng dalawa sa pinakamalapit kong kaibigan na dalawa rin sa ating pinagkakatiwalaang consultant ng bayan. Ako rin mismo at ang aking maybahay ay nakaramdam kung gaano kahirap labanan ang virus na ito. Kaya malaki ang pasasalamat natin sa Panginoon dahil dinugtungan pa Niya tayo ng buhay para mas tumagal pa ang pagsisilbi natin sa bayan. Sabi siguro Niya ay mayroon pa akong kailangang tapusin dito, at naniniwala ako na ito ay ang pagtupad sa aking pangako na matulungan ang minamahal kong bayan na muling bumangon at magsumikap para sa mas maayos na pamumuhay para sa lahat. 


Kaya ngayon pa lamang ay naghahanda na tayo ng mga paraan kung paano tayo babangon mula sa pandemic na ito. Tututukan natin ang dalawang sektor: agrikultura at kalusugan. 


Natuto na tayo sa pandemic na ito. Kaya lalo nating pagtitibayin ang ating mga programang pangkalusugan sa pangunguna ng ating Rural Health Unit dahil ayaw na nating maulit ang ganitong sitwasyon. Ipagpapatuloy natin ang mga social services katulad ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan at paiigtingin natin ang healthcare dito sa Bayambang. Gagawin natin ang lahat para masiguro na bawat Bayambangueño ay nakakakuha ng sapat na sustansya at nutrisyon para sa mas epektibong paglaban sa anumang sakit. Dahil sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan ay mga malusog at masiglang mamamayan ang kailangan. 


Katulad ng nabanggit sa ating presentation ay malaki ang role ng agrikultura sa pagpapalakas ng ating ekonomiya. Una, dahil napakalawak ng lupang sakahan dito sa Bayambang. At pangalawa, ay dahil napakaraming Bayambangueño ang umaasa sa agrikultura para mabuhay. 


Sa pamamagitan ng ating Farm Mechanization project ay mapapadali ang trabaho at mabibigyan ng mas malaking kita ang mga magsasaka. Palalakasin natin ang kapasidad ng ating Municipal Agriculture Office sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas matinding suporta sa kanilang opisina sa tulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team at ng mga farmers’ cooperative. Pagtitibayin natin lalo ang relasyon ng mga magsasaka at ng munisipyo para mas mabilis na mabigyan ng aksyon ang kanilang mga pangangailangan. Hihimukin din natin ang mga kabataan na maging parte ng sektor na ito. We encourage the youth to take interest in agriculture because it is a very fruitful industry. Pwede natin itong simulan sa bahay. Subukan natin ang backyard gardening sa mga bakanteng lupa o tumulong na magtayo ng nursery sa ating barangay. Malaki ang maitutulong nito kahit ngayong naka-community quarantine pa rin tayo. 


These are only some of the ways wherein the LGU is preparing for the “new normal.” Malaking pagbabago ang dala ng COVID-19 sa buong mundo, kaya dito sa Bayambang ay naghahanda na tayo sa mga posibilidad para matulungan ang mga Bayambangueño. Muli, hinihiling ko lang na tulungan din ninyo ang mga sarili ninyo. Sumunod tayo sa mga direktiba ng pamahalaan at huwag nating kalimutan na tumulong sa iba kung kaya natin. 


Hindi dahil may physical distancing ay kanya-kanya na tayo. Mapapadali ang mahirap na sitwasyon kung tutulungan natin ang isa’t isa. We may keep our distance, but we must always remain united in spirit. Maswerte pa rin tayo dahil mayroong teknolohiya para makausap natin ang ating mga kamag-anak at mga kaibigan. Malaki rin ang epekto nito sa mental health nating lahat kaya kamustahin ninyo ang isa’t isa at suportahan ang mga nangangailangan. At pagkatapos ng lahat ng ito ay magkakasama-sama tayong muli. 


Mga kababayan, tuloy ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan. At katulad ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan na natin noon, babangon tayo at patuloy na lalaban para sa mas mabuting kinabukasan para sa Balon Bayambang.