Thursday, September 5, 2019

August 2019 Editorial - S&T: Susi sa Pag-Unlad


 Editorial: August 2019
S&T: Susi sa Pag-Unlad

Hindi maikakaila na malaki ang papel ng science and technology (S&T) sa pag-angat ng ating buhay. Kapag may progreso, siguradong nandiyan ang S&T sa likod nito, kaya naman tinaguriang “engine of progress” ang siyensya at teknolohiya.

Noong nagbukas ang ating One-Stop Shop at Negosyo Center noong October 2017, naroon ang Department of Science and Technology (DOST) na naka-agapay sa LGU. Sa mga livelihood training projects ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, naroon lagi ang DOST sa pagbigay ng tulong na teknikal. Direkta itong tumutulong na ibaba sa mga mahihirap ang produkto ng pananaliksik ng kanilang mga siyentipiko.

Sa ating kasalukuyang Rebolusyon Laban sa Kahirapan, mahalaga ang papel ng S&T at DOST upang mapuksa ang kahirapan sa ating bayan. Hindi uusad ang ating Farm Mechanization Program kung walang S&T. Maging ang ating pangarap na maging isang smart town – kailangang nariyan ang S&T. Sa pagpapaigting ng seguridad sa tulong ng mga CCTV camera ay kinakailangan ng S&T. Ang ating mga Sustainable Livelihood Programs ay hindi lang nakadepende sa DSWD – kailangang nariyan din ang S&T.

Kahit wala tayong branch o office ng DOST sa Bayambang, meron naman tayong DOST FIC o Food and Innovation Center sa Pangasinan State University, at ito ang nagpahiram ng kanilang vacuum-fried technology upang maging chichiria (vegetable chips) ang mga aanihing okra, kalabasa, at sibuyas mula sa ating massive backyard vegetable farming project. Maraming trabaho ang maaaring idulot ng pagtatayo ng isang pabrika ng vegetable chips sa tulong ng One Food Corp. kapag ito ay naisakatuparan.

Kaya sa pamamagitan ng kauna-unahang S&T Caravan ng DOST sa bayan ng Bayambang, sa isang malaking bagsak ay ibinaba ng DOST ang pagbibigay-kaalaman sa S&T sa ating mga mamamayan, hindi lamang sa Bayambang kundi maging sa buong probinsiya ng Pangasinan at Rehiyon I.

Sana ay maraming natutunan ang higit 10,000 katao sa loob ng apat na araw ng S&T Caravan at magamit ang mga ideya mula rito upang makaisip ng mga bagong kabuhayan para sa kapakinabangan ng lahat.

No comments:

Post a Comment