Newscasters:
Dominador Pascua Jr.
Albert de Vera
BAYAMBANGUENEWS – MONDAY VIDEO SCRIPT for December 1, 2025
[SMILE, AURA, VOLUME, ENERGY]
Newscaster 1: “Maabig ya oras, Bayambangueños! Ako po si ____ .
Newscaster 2: At ako naman po si _____, at kami po ay mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Newscaster 1: Narito na ang ating LGU-Bayambang news update!
Newscaster 2: “...Kung saan hatid namin ang mga kaganapang tunay na nagbibigay kulay at pag-unlad sa ating bayan ng Bayambang!”
Newscaster 1 & 2: Ito ang… BayambangueNews!
[SALITAN NA KAYO RITO.]
1. State of the Children’s Address, Matagumpay na Inilahad
“Nitong November 24, inilahad ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kanyang State of the Children’s Address para sa taong 2025. Tampok dito ang mga nagawang programa para sa kalusugan, edukasyon, at proteksyon ng kabataan, kasama ang panibagong mga inisyatibang magtitiyak na tuluy-tuloy ang pag-angat ng bawat batang Bayambangueño.”
2. Earthquake PPEs, Ipinamahagi sa mga Mag-aaral
Kasabay nito, ipinamahagi ni Mayor Niña ang may 25,000 na hard hats, na may kasamang whistle at flashlight, sa mga mag-aaral bilang pananggalang sa panahon ng di inaasahang pagyanig at iba pang emerhensiya. Ito ay bilang tugon para sa kahandaan, matapos ang sunud-sunod na pagyanig na nangyari sa iba’t ibang panig ng bansa kamakailan.
3. DMW Desk, Binuksan para sa OFWs
“Sa parehong araw, opisyal na binuksan ang Department of Migrant Workers Desk sa PESO-Bayambang pagkatapos ng isang paglagda sa isang Memorandum of Agreement. Ang DMW Desk ay magsisilbing tulay para mas mabilis at mas episyenteng matugunan ang pangangailangan ng ating mga OFW at kanilang pamilya.”
4. Potential Investors, Dumalo sa Tuupan Business Forum
Kinahapunan, idinaos din ang Tuupan Business Forum—isang espesyal na araw kasama ang mga potential investors. Dito ipinakita ang pagyabong ng ekonomiya ng Bayambang at iba’t ibang oportunidad na naghihintay para sa mga gustong mamuhunan sa ating bayan. Ito ay dinaluhan ng kinataan ng iba’t ibang kumpanya mula sa iba’t ibang industriya.
5. SingKapital 2025, Ipinagdiwang
A. Pagkatapos nito ay ipinagdiwang ang SingKapital 2025. Sa isang pormal na seremonyang inorganisa ng Tourism Office, ginunita ang makasaysayang pagbisita ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Bayambang at pagdeklara rito bilang ikalimang kabisera ng bansa noong 1899.
(The photos here^ should be about the ceremony per se.)
B. Naging highlight ng SingKapital ang paghahandog ni Mayor Nina ng Singsing ng Serbisyo sa limang konsehal na nakatapos ng kanilang siyam na taong termino, na sina former Councilor Mylvin Junio, Philip Dumalanta, Benjie de Vera, Amory Junio, at Martin Terrado II.
(The photos here^ should be the faces of the 5 ex-councilors in equal amount of exposure.)
6. Obra ng Local Designer, Tampok sa Magana Fashion Show
Muling umangat ang lokal na sining sa Magana Fashion Show! Tampok dito ang mga obra ng fashion designer na tubong Bayambang na si Glenn Gonzales. Isa-isang inirampa ng mga naggagandahang dilag ng Binibining Bayambang 2025 ang kanyang mga gawa, nagpatunay ng pagkamalikhain at angking galing ng Bayambangueño.
7. Local Singers, Nagtunggali sa HimigSikan
Muling idinaos ng Tourism Office ang singing contest na HimigSikan bilang pagtatapos ng Tourism Month, kung saan nagpaligsahan sa galing sa pag-awit ang mga local singers. Itinanghal na kampeon si Gracia Reigne Rojas, na nag-uwi ng ₱5,000. Nasungkit naman ni Liz Natalie Cabanilla ang 1st runner-up na may premyong ₱3,000, habang si Jaylord Zed Gangano ang nagkamit ng 2nd runner-up na may ₱1,000 na gantimpala.
8. Nutrition Office, May Bagong Tanggapan
Noong November 25, binuksan ang bagong Nutrition Office sa ground floor ng MSWDO Building sa Magsaysay Street. Ito ay magsisilbing mas maayos at accessible na tanggapan para sa nutrition programs ng ating bayan. Ang kanilang lumang opisina ay magsisilbing extension office ng Bids and Awards Committee.
9. Task Force Disiplina, Nagpulong
Noong November 20, muling nagpulong ang Task Force Disiplina upang talakayin ang mga pangunahing isyu sa kaayusan, kabilang ang pagsasaayos ng parking area sa dating Yellow Building at pagpapatupad ng merit system para sa mga vendors. Tinalakay din ang pagpapalawig ng operasyon ng Task Force sa mga barangay, lalo na sa mga rural areas, at ang paglilinaw sa violation fees upang maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad ng mga multa.
10. Mga Kapitan, Pinulong ukol sa Waste Management
Noong November 19, pinulong ng ESWMO ang mga opisyal ng 11 urban barangays upang talakayin ang kanilang compliance sa Solid Waste Management Program, kasama ang mahahalagang alituntunin sa ilalim ng RA 9003. Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng maayos na koleksyon ng basura, pagpapatakbo ng MRFs, waste diversion initiatives, at aktibong koordinasyon ng mga barangay para sa mas episyenteng pagpapatupad ng programa.
11. Mga Fisherfolk, Nagtraining sa Hito Production
Sampung fisherfolk ang dumalo sa isang Demonstration and Training on Hito Production sa Brgy. Langiran upang bigyan ang mga nakilahok ng dagdag-kaalaman sa pag-aalaga at pagpaparami ng hito bilang alternatibong kabuhayan. Ito ay isinagawa noong Nobyembre 25 ng Municipal Agriculture Office sa Covered Court ng Barangay Langiran, kung saan matatagpuan ang Langiran Lake.
12. Iba pang BPRAT Clusters, Tinalakay ang 4Q Accomplishments
Idinaos ng BPRAT ang isa na namang serye ng cluster meetings upang repasuhin ang 4th quarter accomplishments ng mga sektor at tiyaking nasa tamang direksyon ang mga programa ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan bago matapos ang taon. Pinangunahan ito ng mga sectoral head ng Agriculture, Environment, at Sociocultural sectors kasama ang iba’t ibang departamento.
13. LCR, Nagbigay ng Seminar sa mga Medical Personnel
Noong November 25, ang Local Civil Registrar ay nagbigay ng seminar para sa mga personnel na in-charge sa mga ospital, lying-in clinic, at mga Rural Health Unit ukol sa tama at maayos na civil registration at ukol sa mga latest PSA memorandum circular. Ito ay upang maiwasan ang anumang pagkakamali sa papeles para sa registration of birth at makaiwas sa anumang aberya sa hinaharap.
14. Illegal Wiring sa Public Market, Binaklas!
Ang S.E.E. ay nag-umpisang magbaklas ng mga ilegal na wiring sa Pamilihang Bayan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa paligid ng palengke. Kasama sa operasyon ang pagtanggal ng hindi awtorisadong koneksyon, pag-ayos ng mga nakalantad na kable, at pagkumpiska ng mga natagpuang illegal na wires na maaaring magdulot ng panganib kagaya ng electrocution, overloading, at sunog.
15. Local Youth Development Council, Nagpulong
Noong November 25, sa 4th quarter na pulong ng Local Youth Development Council, tinalakay ang mahahalagang isyu at programa para sa kapakanan ng kabataan, at iprinisenta ang Local Youth Development Plan para sa 2026. Nagbigay din ng ulat at mga rekomendasyon ang mga SSG at SSC officers mula sa iba’t ibang public high schools upang maisama sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng LYD Plan.
16. School Focal Persons sa Kalusugan at Nutrisyon, Nag-training
Sumailalim sa isang reinforcement training ang 50 School Focal Persons sa Kalusugan at Nutrisyon mula sa mga pampublikong elementarya sa Bayambang sa programang pinangunahan ng Nutrition Office noong November 27 sa MSWDO Building. Tinalakay sa pagsasanay ang mga paksang pangkalusugan, annual school monitoring, water hygience guidelines, at hydroponics/school gulayan standards. Dahil dito, higit na napalakas ang implementasyon ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa mga paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
17. Blue Sky, Pinasinayaan ng Pamilya Quiambao-Jose
Noong November 29, nag-soft opening ang Blue Sky Theme Park and Events Center sa BYB Metro, Brgy. Bani, sa pangunguna ng Pamilya Quiambao-Jose at A.I.L.C. at LGU officials at iba pang invited guests. Ang Blue Sky ay isang pribadong enterprise at ang kauna-unahang amusement park of its kind sa buong probinsya ng Pangasinan at buong Region I.
18. SATOM CTQ, Top 1 Stakeholder Awardee ng DepEd Pangasinan I
“Pormal na kinilala si former mayor at SATOM, Dr. Cezar Quiambao bilang Top 1 Stakeholder Awardee ng DepEd Pangasinan I—isang malaking patunay ng kanyang patuloy na suporta sa edukasyon at pangarap ng bawat kabataang Bayambangueño. Kabilang sa parangal ang buong LGU-Bayambang, Local School Board, DepEd Bayambang District I, at ang Don Teofilo S. Mataban Memorial School.
19. DSWD Municipal Operations Office, Umani ng Sari-saring Award
Hindi rin nagpahuli ang DSWD Municipal Operations Office na tumanggap ng iba’t ibang parangal mula sa DSWD Region I dahil sa kanilang pagbibigay ng taos-pusong serbisyo sa mga 4Ps beneficiaries. Kabilang sa mga pagkilala ang Most Institutionalized Municipal Advisory Council Meeting, Most Participative Municipal Operations Office, Beneficiary Data Management Champion, Model LGU Implementing 4Ps, Highest Percentage of Self-Sufficient Household Beneficiaries, Case Management Champion, at iba pa.
20. Bayambang, Z.O.D.-Certified Municipality
Ang Bayambang ay kinilala ng Department of Health bilang tanging Zero Open Defecation (ZOD) Certified Municipality ngayong taon, sa awarding ceremony na ginanap noong November 21, sa Candon City, Ilocos Sur. Sa mg nakalipas na taon, tayo ang ika-33 na munisipalidad sa Pangasinan na umabot sa ganitong antas ng kalinisan at sanitasyon, bunga ng mahigpit na pagpapatupad ng mga programa kontra open defecation.
21. LGU-Bayambang, Pinarangalan ng PhilRice
Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng DA-PhilRice noong November 25, dahil sa matatag nitong suporta sa rice research for development. Tinanggap nina Councilor Jocelyn Espejo at Agricultural Technologist Alfonso de Vera ang parangal sa ngalan ni Mayor Niña sa aktibidad na parte ng 40th anniversary ng PhilRice. Kabilang ang Bayambang sa mga kinilala sa aktibong pakikipag-ugnayan sa mga proyektong pang-agrikultura na nagtataguyod ng modernong inobasyon at mas matatag na produksyon ng bigas sa bansa.
22. LGU-Bayambang, 3rd Best Performing LGU in Region I in Fiscal Management
Umangat ang LGU-Bayambang bilang Top 3 Best Performing LGU in Fiscal Management sa Region 1 matapos makakuha ng dalawang parangal mula sa BLGF: 3rd Place sa Highest Locally Sourced Revenues for 1st Class Municipalities for Fiscal Year 2024 at Unqualified COA Opinion. Kinilala ang bayan dahil sa matatag at mahusay na pagpapatupad ng fiscal processes na nagpakita ng disiplina, tapat na pamamahala, at responsableng paggamit ng pondo sa ilalim ng liderato ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
23. House Bill 127, Aprobado na sa Committee Hearing
Inaprubahan ng Committee on Natural Resources ng House of Representatives ang House Bill 127, na naglalayong ireklasipika ang Mangabul Reservation sa Bayambang bilang alienable and disposable land upang maipamahagi sa mga lehitimong matagal nang naninirahan at nagsasaka. Dumalo ang mga kinatawan ni Mayor Niña sa pagdinig noong November 26, at nagsumite ng position paper upang suportahan ang masusing deliberasyon ng komite. Pinangunahan ni Committee Chairperson Alfredo D. Marañon III ang pagtalakay sa panukalang inihain ni Congresswoman Maria Rachel J. Arenas, na naglalayong magbigay ng mas patas at makataong proseso sa mga benepisyaryo ng lupa.
24. Rotary Club of Bayambang at RC Quezon City, Tinalakay ang Planong Partnership sa LGU
Nagpulong ang mga pinuno ng Rotary Club of Bayambang at Rotary Club of Quezon City at ang Municipal Administrator, upang talakayin ang planong sisterhood sa pagitan ng Rotary Club of Bayambang at Rotary Club of Quezon City at kanilang partnership sa LGU-Bayambang. Layunin ng ugnayang ito na magbukas ng mas maraming kolaborasyon para sa mga proyekto at programang pangkomunidad. Bilang panimulang aktibidad, napagkasunduan ang pagsasagawa ng “Ukay for a Cause” sa Araw ng Fiesta.
Newscaster: Kennedy Antonio
[Kennedy: AWRA: VOLUME, SMILE, ENERGY]
BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!
SAAN MAAARING MAG-PARK SA BAYAMBANG?
(Gabay sa Pagpaparada ng Sasakyan)
Upang maiwasan ang kalituhan at mas mapagaan ang daloy ng trapiko, inilatag ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang ang mga itinalagang parking spaces para sa iba’t ibang uri ng sasakyan.
Ito ay bilang pagsunod na rin sa pinakahuling road-clearing guidelines ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon sa Memorandum Circular No. 2024-053.
Narito ang kumpletong gabay:
I. FREE PARKING AREAS
Ito ang mga lugar na maaaring pagparadahan nang walang bayad:
1. Old Central School Ground
—Para sa lahat ng private vehicles. Ito ay nagsisilbing temporary free parking area habang nagpapatuloy ang mga proyekto sa bayan.
2. Tabi ng Highway Public Assistance Desk o HI-PAD (Harap ng Dating Yellow Building)
—Para sa motorcycles, e-bikes, at private vehicles. Malapit ito sa HI-PAD station kaya madaling ma-access ng mga motoristang dadaan o pansamantalang hihinto.
II. LGU PARKING AREA
Para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan:
1. Old Central School Ground (Near Municipal Engineering Office)—Para sa LGU employees lamang. May nakalaan nang espasyo para sa kanilang mga sasakyan upang hindi na dumagdag pa sa mga public parking zones.
III. PAY PARKING AREAS
Ito naman ang mga lugar na may corresponding parking fee, partikular na para sa mas mataong bahagi ng bayan:
1. Harap ng Caragan Mini-Mart (Harapan at paligid ng Balon Bayambang Events Center) at Harap ng Rural Bank of Central Pangasinan hanggang Royal Mall (Harapan at paligid ng Municipal Plaza)
—Four Wheels (Private Cars and Similar Vehicles). Ang mga lugar na ito ang itinalaga bilang pay parking dahil mataas ang foot traffic at dami ng sasakyang pumaparada.
2. Truck Parking (Harapan ng Royal Supermarket)
—Katabi ng HI-PAD, bago pumasok sa Bayambang Tricycle Terminal. Ito ay eksklusibo para sa mga delivery trucks at malalaking sasakyan. Ito ang itinalagang pay parking area upang hindi nakaharang sa pangunahing kalsada ang malalaking sasakyan.
PAALALA SA PUBLIKO!
—Sundin ang nakatalagang signage at huwag basta-basta pumarada sa “No Parking Zones.”
—Ang maling pagparada ay maaaring magdulot ng abala, trapiko, o posibleng violation.
—Ang tamang paggamit ng parking areas ay nakatutulong hindi lamang sa motorista kundi sa mas maayos na daloy ng trapiko sa buong bayan.
Samantala, narito ang mga health benefits na makukuha sa PAGLALAKAD:
1. Pampalakas ng puso
2. Pampababa ng blood pressure
3. Pampababa ng blood sugar
4. Pampabawas ng timbang
5. Pampatibay ng buto at kasu-kasuan
6. Pampaganda ng sirkulasyon ng dugo
7. Pampabawas ng stress at anxiety
8. Pampaganda ng mood (naglalabas ng endorphins)
9. Pampalakas ng baga
10. Pampahaba ng buhay
***
CLOSING
Newscaster 1: “Punô na naman ng tagumpay at kaganapan ang ating bayan!
Newscaster 2: Kaya’t abangan pa ang mas marami pang balita at proyekto dito lang sa Balon Bayambang Monday Update.
Newscaster 1: Muli ako po si ____ .
Newscaster 2: At ako naman po si , at kami po ay mula sa MDRRMO-Bayambang.
Newscaster 1: Paspas ya serbisyo, tuluy-tuloy ya progreso!”
Newscaster 1 & 2: Ito ang… BayambangueNews!