MNJQ'S ACCOMPLISHMENTS
Socio-Cultural Development and Social Protection
-Nalalapit na ang pagbubukas ng BYB Metro na kikilanin bilang BGC of the North at inaasahang makapagbibigay ng daan-daang trabaho para sa mga Bayambangueño.
-Itinatag ang Bayambang Polytechnic College (BPC) at mayroon ito ngayong 905 na scholars mula sa pinakamahihirap na pamilya ng Bayambang na nag-aaral ng libre. Ginanap na din ang groundbreaking para sa BPC Campus na ipapatayo sa Bical Norte.
-Walong milyon ang budget ng Special Education Fund (SEF) taun-taon at ito ay mula mismo sa sahod ni Mayor Niña Jose Quiambao.
-Patuloy na tumataas ang employment rate ng bayan; mayroong higit 900 na empleyado sa munisipyo, at may daan-daang benepisyaryo ng SLP, job fairs, at mga infrastructure projects.
-Higit 20,000 na Bayambangueños ang benepisyaryo ng libreng medical at social services taun-taon dahil sa Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.
-Dahil sa epektibong pamumuno ni Mayor Niña, may anim na RHU na ang bayan, tatlong ambulansya, at binuksan din ang JKQ Medical and Wellness Center.
Environmental Protection and Disaster Resiliency
-Ipinatupad ni Mayor Niña ang Bali-Bali’n Bayambang upang mahikayat na makiisa ang bawat residente, magkakaroon ng malawakang clean-up drive kada linggo, at mapanatili ang isang maaliwalas at magandang Bayambang.
-Isa sa mga pakaaabangang proyekto sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan ay ang 400 megawatt Solar Farm na layunin ay makatulong sa mga magsasaka na bawasan ang mga gastos, dagdagan ang efficiency, at itaguyod ang sustainability ng ating mga likas na yaman.
-Dahil sa inisyatiba ni Mayor Niña, mayroon nang dalawang firetruck ang Bayambang na ginagamit para sa epektibo at agarang pagresponde sa panahon ng sakuna.
-Inilunsad ang Comprehensive Development Plan-Mainstreaming DRR-CCA (2024-2029) upang mailatag ang mga kongkretong hakbang ng administrasyon sa pagtugon sa climate change at pagprotekta sa ating kalikasan.
Agricultural Modernization
-Mayroong scholarship para sa mga mag-aaral ng Bayambang Polytechnic College upang turuan silang maging farmer-entrepreneurs, isang malaking hakbang sa paghubog ng maunlad na pamayanan.
-Kasalukuyan nang ginagawa ang 20,000-bag capacity na cold storage facility sa Nalsian Norte, gayundin ang 120,000 bag-capacity na cold storage sa Brgy. Amancosiling Sur.
-Magkakaroon ng Bayambang Pump Irrigation Project, Hatchery, at Broiler Farm upang matulungan ang mga magsasaka at mas palakasin ang farming industry ng munisipalidad.
Economic and Infrastructure Development
-Malapit nang matapos at maipatayo sa Bayambang ang Farm to Market Road na magdudugtong sa Pantol at San Gabriel 2nd. May kasama pa itong dalawang tulay upang mapabilis ang biyahe ng mga mamamayan.
-Sinimulan na ang pagpapatayo ng 442-meter Wawa bridge na pinondohon ng humigit-kumulang 300M pesos. Dahil sa pagsusumikap ni Mayor Niña at ng buong Team Quiambao-Sabangan, walang ginastos ang munisipyo sa pagpapatayo ng naturang tulay.
Good Governance
-Dahil sa integridad at transparency ng mga lingkod bayan na pinangungunahan ni Mayor Niña Jose Quiambao, nakamit ng LGU Bayambang ang unmodified opinion mula sa Commission on Audit.
-Taun-taong ang pagkilala ng DILG sa Bayambang bilang passer ng Good Financial Housekeeping na patunay na walang korapsyon sa ating munispyo.
-Nitong 2024, nakamit ng Bayambang ang pinakamataas na parangal para sa mga top-performing LGUs, ang the Seal of Good Local Governance, na sumasalamim sa adbokasiya ng administrasyon tungo sa isang malinis at matapat, at progresibong pamahalaan.
No comments:
Post a Comment