Monday Report - September 14, 2026
[SMILE, VOLUME, ENERGY! and don't forget to smile.]
INTRO:
1: Magandang araw, mga Kabaleyan! Ako po si _____________ mula sa ______.
2: At ako naman po si _____________ mula rin sa ___________.
1: Hatid namin ang mga balita ukol sa mga makabuluhang programa, proyekto, at aktibidad ng lokal na pamahalaan at ang pakikiisa ng ating komunidad.
2: Sama-sama nating tunghayan ang mga kaganapang patunay ng malasakit, disiplina, at pagkakaisa sa bayan ng Bayambang.
1&2: Ito ang... BayambangueNews
1. Mobile Blood Drive, Nakakolekta ng 29 Blood Bags
Isang mobile blood donation drive ang isinagawa ng RHU I sa Brgy. Alinggan Covered Court noong September 14, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross – San Carlos City Chapter at Alinggan Barangay Council. Nakapagkolekta ang RHU ng kabuuang 29 bags ng dugo mula sa naturang bloodletting drive, kung saan 39 katao ang nagparehistro.
2. Pagsasanay sa Sustainable Lowland Vegetable Production, Isinagawa
Isang Training on Sustainable Lowland Vegetable Production noong September 9–11 ang isinagawa ng Agriculture Office para sa Managos Farmers Agricultural Cooperative sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center I. Ito ay nilahukan ng mga miyembro ng nasabing kooperatiba sa Brgy. Managos, na napalawak ang kaalaman at kasanayan sa crop establishment, nutrient management, at iba pang teknolohiya para sa mas mataas at mas ligtas na produksyon ng gulay.
3. LGU, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Civil Service Month
Sari-saring aktibidad ang isinagawa ng HRMO bilang pakikiisa ng LGU-Bayambang sa pagdiriwang ng 126th Civil Service Anniversary.
A. Noong September 14, ilang empleyado ang aktibong nakilahok sa Lingkod Bayani Run 2026 sa Capitol grounds at Baywalk, Lingayen.
B. Noong September 15, binigyang-pugay ng LGU ang walong kawani nito na nagtapos na sa kanilang serbisyo matapos ang mahigit ilang dekada ng tapat, masipag, at makabuluhang paglilingkod-bayan.
C. At noong September 16, ang HRMO ay sumunod namang naghandog ng libreng pampering services sa mga kawani gaya ng gupit, back massage, manicure, at pedicure.
4. Kabataan ng Bayambang, Tampok sa LNK Provincial Culmination Program
Tampok ang piling mga opisyal ng Sangguniang Kabataan Federation ng Bayambang sa Linggo ng Kabataan Provincial Culminating Celebration na isinagawa noong September 15 sa Sison Auditorium, Lingayen.
Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang pagkilala kay Rusielyn Mae B. Villanueva, na nagkamit ng Top 7 sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers.
5. Tatlong Sanggol, Tinulungang Mapaopera ang Cleft Palate
Tatlong sanggol mula sa Brgy. Apalen at San Gabriel 1st ang sumailalim noong September 16 sa operasyon para sa cleft lip and palate, matapos ang ilang buwang check-up, assessment at medical evaluation sa Dr. Jesus Datu Medical Center sa Bacolor, Pampanga. Isinagawa ang tulong sa pamamagitan ng PDAO at BPSO, katuwang ang Kapampangan Development Foundation Cleft Center, upang mabigyan ang mga sanggol ng pagkakataong magkaroon ng mas maayos na ngiti at bagong pag-asa.
6. Espesyal na Pulong ukol sa Records Management, Isinagawa
Tinalakay sa isang special meeting ng LGU, sa pangunguna ng ICT Office, ang pagpapahusay sa records management system sa pamamagitan ng digitization, maayos na pangangalaga, at tamang pamamahala ng mga dokumento, bilang estratehiya upang magkaroon ng ligtas na backup copies at upang mas lalo pang mapabilis ang transksyon ng publiko sa Munisipyo. Kabilang din ang paghahanda para sa compliance sa Republic Act No. 9470 o National Archives of the Philippines Act of 2007, gayundin ang mga panukalang polisiya para sa records governance at digitization.
7. 3 Sanggol, Tinulungang Mapaopera ang Bingot
Tatlong sanggol mula sa Brgy. Apalen at San Gabriel 1st ang sumailalim sa operasyon para sa cleft lip and palate noong September 16, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PDAO, BPSO, at Kapampangan Development Foundation Cleft Center. Bago ang operasyon, sumailalim sila sa ilang buwang check-up at medical evaluation sa Dr. Jesus Datu Medical Center sa Bacolor, Pampanga upang matiyak ang kanilang kahandaan.
[Read 3 as "tatlong."]
8. Mayor Niña, Agarang Nagbigay ng Wheelchair sa Stroke Patient
Agad na ipinagkaloob ni Mayor Niña noong September 16 ang wheelchair na hiniling ni G. Rolando Lavarias Rosario, 61 taong gulang, ng Brgy. Tambac, matapos siya ay ma-stroke. Sa agarang tulong na ito, natulungan siya sa kanyang paggalaw at pang-araw-araw na pangangailangan.
[Read 61 at "animnaput-isang."]
9. Executive Briefing, Isinagawa ng DILG sa LGU
Isang executive briefing ang isinagawa ng DILG para sa LGU-Bayambang noong September 17 bilang bahagi ng Supervised Field Work ng kanilang Apprenticeship Program for Local Government Operations Officers II & III. Tinalakay rito ang mga obserbasyon, natuklasan, konklusyon, at rekomendasyon mula sa field work upang mapahusay ang mga programa, proseso, at serbisyo ng lokal na pamahalaan. Nakibahagi sa talakayan ang mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng LGU upang magbahagi ng mga pananaw at mungkahi para sa higit na episyente at epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.
10. Grand Buntis Caravan 2026, Naging Matagumpay
Noong September 17, muling isinagawa ang Buntis Congress ng Municipal Health Office, tampok ang paglulunsad ng ikatlong batch ng Project Buntis. Kabilang sa mga aktibidad sa Grand Buntis Caravan 2026 ang mga talakayan tungkol sa oral health, maternal health, at pangangalaga sa mga bata, at iba pang kaugnay na aktibidad upang isulong ang kalusugan ng mga buntis at ng mga sanggol sa kanilang sinapupunan.
11. Buklat Aklat Year 3, Nagpatuloy sa Hermoza
Ang Buklat Aklat Project Year 3 ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Brgy. Hermoza, upang maghatid ng mga aklat at reading exercises para sa mga mag-aaral doon. Sa pamamagitan ng programa, nahihikayat ang mga mag-aaral na paigtingin ang kanilang interes sa pagbabasa at palawakin ang kanilang kaalaman. Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral sa kanilang mga natutunan sa tulong ng LYDO at iba pang literacy volunteers.
12. KSB Year 9, Nagtungo sa Tococ West
Noong September 17, sumunod namang nagtungo ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 upang maghatid ng lahat ng serbisyo ng Munisipyo sa mga residente ng Brgy. Tococ East, Tococ West, at Amanperez. Ang mga residente ay nag-avail ng iba't ibang libreng medical at dental services, late registration of birth, librong bakuna sa hayop, libreng buto at punla, employment services, libreng gupit, at legal advice, at marami pang iba.
13. Mga Paaralan, Nakilahok sa Guided Museum Tour
Noong September 17, nagsagawa ng isang guided tour ang Municipal Museum para sa iba't ibang paaralan bilang parte ng pagdiriwang ng National Tourism Month. Ang mga mag-aaral ay inilibot ni Museum Custodian Moises Palisoc sa limang gallery ng museo upang kanilang maappreciate ang sariling pagkakakilanlan bilang Bayambangueño na may makulay na kasaysayan, mayamang kultura, at hitik sa pamana ng mga kababayang nagtamo ng pagkilala at karangalan sa iba't ibang larangan.
14. Bayambang, Isa sa Top 5 Most Business-Friendly Municipalities Level 1 Nationwide!
Ang bayan ng Bayambang ay itinanghal na isa sa top 5 sa Most Business-Friendly Municipalities Level 1 sa buong bansa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, sa ginanap na 52nd Phiippine Business Commerce and Expo. Ito ay nangangahulugan ng tunay na kahandaan ng Bayambang sa pagtanggap ng mga mamumuhan sa iba't ibang enterprise na siguradong magdadagdag ng oportunidad sa ating mga kababayan at magpapayabong ng ekonomiya.
Congratulations, Bayambang!
OUTRO:
1: At iyan po ang mga balitang nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating bayan. Muli, ako po si _____________ ng _____________
2: At ako naman po si ____________ ng _______________.
1: Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan,
2: ...Mas nagiging maliwanag ang kinabukasan ng Bayambang.
1: Hanggang sa muli...
1&2: Ito ang... BayambangueNews!
[Insert Christmas countdown]
__ araw na lang, Pasko na!
No comments:
Post a Comment