EVENTS COVERED
1. Task Force Disiplina, Umarangkada!
2. DOLE, Nagbigay ng Technical Assistance
3. Grupong FAB, Muling Naghandog ng Tulong
4. NIA, Nagsagawa ng Consultation Meeting
5. Bayambangueño, Muling Nagdonate ng mga
Aklat
6. Osave, Namigay ng Food Packs sa Solo
Parents
7. Zone VI BNS, Contender sa Pangasinan's
Most Outstanding BNS
8. MDRRMO, Tumulong sa Alaminos Clearing
Operation
9. Weighing Scale Calibration Activity,
Isinagawa
10. Technical Budget Hearing, Isinagawa
11. DMW Regional Director, Bumisita
12. 1,100 BPC Students, Tumanggap ng Food
Assistance
13. Kampanya sa Pagtitipid sa Kuryente, Tampok sa
Seminar
14. Supplemental Budget ng LGU, Aprubado ng SP!
15. Karagdagang Parking Space, Inihahanda
16. PESO at PSU, Nag-ugnayan para sa Job Fair
17. Info Drive kontra TB at HIV, Inilunsad
18. Wire Clearing Operation, Nagpatuloy
19. Mga Sagabal na Poste, Dinemolish
20. LGU, Panelist sa Nutrition Conference
21. MVAT Team, Muling Naglibot
22. LGBTQI-Bayambang, May Bagong Opisyales
23. TODA Members, Binigyan ng Unipormeng
Pang-isang Linggo!
24. Napulot na Wallet, Isinauli ng Enforcer
25. Mga Evacuation Center, Nilinis at Isinaayos
26. LGU-Bayambang, Nag-update ng CDP
27. LGU-Bayambang, Wagi Muli Bilang Provincial
Model LGU Implementing 4Ps!
28. Municipal Accountant, Isa sa Most
Outstanding sa Pangasinan
29. Bagong ECCD Bldg. at MSWDO Bldg.,
Pinasinayaan
30. Fountain sa Royal Mall, Ipinatibag
31. Internal Assessment ng CDCs at CDWs,
Isinasagawa
32. Updates sa 4Ps, Tinakalay sa MAC Meeting
33. Iba't Ibang Grupo, Nagbigay ng Relief Goods
34. Search and Retrieval Operation, Isinagawa
35. 'Gender-Fair Language Training,' Idinaos
36. Miguel Family, Nagdonate ng Bigas sa mga
Nasalanta ng Bagyo
37. BEACONS Program, Dinala Rito ng UPLB
38. ONGOING: Data-Gathering ng Assessor's Office
para sa RPVARA
39. Holistic Health, Tinutukan sa SK Symposium
40. Training on Barangay Budgeting and AIP,
Isinagawa
41. Mga Barangay Kagawad, Nag-Team-Building
Activity
42. 3 PMMA Grads, Nagcourtesy Call
43. Dairy Farm Training, Inilunsad
44. Wellness Day, Inilaan para sa PWD Presidents
at Council
45. 8th RLK Anniversary at Linggo ng Kabataan,
Sabay na Ipinagdiwang!
46. LGU, Regional Winner sa Kaunlarang Pantao
Award
47. Bayambang, Host ng Induction ng
PARE-Pangasinan
48. OCD Regional Director, Muling Bumisita
49. MCDO, Nagbigay ng 2-Day Seminar
50. Orientation on Cooperatives, Isinagawa
51. SK Officials, Sumabak sa Budget Training
52. Mayor Niña, May Birthday Treat Muli!
53. MSWDO at ECCD Office, Lumipat na sa mga
Bagong Gusali
54. Edukasyon, Muling Tinutukan sa LSB Meeting
55. HRMO, Nagbigay ng Training on Effective
Communication
56. KSB Year 8, Nagpatuloy sa Manambong
57. LGU, Nagbenchmarking sa Urbiztondo Water
Services
58. SVF Prayer Park, Parte ng Familiarization
Tour ng TPB
59. 2,804 4Ps Members, Nag-exit sa Programa
60. Bagong Central Terminal at Bagsakan Market,
Pinasinayaan!
61. Libreng Chest X-ray, Inihandog sa mga
Pasyente
62. Rerouting sa Paligid ng Central Terminal,
Ipatutupad
63. 2 Centenarians, Tumanggap ng Cash Gift
64. LGU, Pinarangalan ng Red Cross-Pangasinan
65. RHU at PDA-Pangasinan, May MOA Signing para
sa Project BUNTIS Year 2
SUMMARY OF LGU
ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR
ALL
- (LSB,
Library, DepEd)
Bayambangueño,
Muling Nagdonate ng mga Aklat
Muling
nagdonate ng mga aklat at iba't ibang kagamitan sa mga paaralan at ibang grupo
at indibidwal ang US-based na Bayambangueño na si Mr. Joey Ferrer sa
pamamagitan ng kanilang foundation. Ang mga ito ay tinanggap ng iba't ibang
paaralan kabilang ang Bayambang Poytechnic College, PSU, BNHS, at St. Vincent
Catholic School.
1,100 BPC
Students, Tumanggap ng Food Assistance
Noong August 7,
nakatanggap ng food assistance na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ang may
1,100 na estudyante ng Bayambang Polytechnic College sa isang programang handog
ng Pinoy Workers Partylist sa pamamagitan ni Board Member Vici Ventanilla. Ang
nasabing food assistance ay bahagi ng adbokasiya ng Pinoy Workers Partylist sa
pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante.
Bayambang, Host
ng Induction ng PARE-Pangasinan
Sa ngalan ni
Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod na winelcome ng LGU-Bayambang ang mga
retiradong guro mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, sa ginanap na mass
induction ng mga opisyales ng Philippine Alliance of Retired Educators
(PARE)-Pangasinan Chapter noong August 22. Si Mayor Niña ay naging panauhing
pandangal, at nirepresenta ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan.
Edukasyon,
Muling Tinutukan sa LSB Meeting
Sa pulong ng
Local School Board noong August 27, muling tinutukan ang iba't ibang isyu sa
sektor ng edukasyon. Kabilang sa mga tinalakay ang paggamit ng Special
Education Fund, preparasyon para sa World Teachers' Day, eleksyon ng PTA
Officers, at iba pa.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
Info Drive
kontra TB at HIV, Inilunsad
Mula July 29
hanggang August 28, nagsagawa ang RHU I ng information drive laban sa TB at HIV
sa anim na barangay, at sila ay may 187 participants. Ipinaliwanag ng RHU na
ang TB is isang posibleng sintomas ng HIV, kung kaya't isinabay ang dalawang
paksa sa isang sesyon.
KSB Year 8,
Nagpatuloy sa Manambong
Nagpatuloy ang
team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 8 sa Manambong Sur Evacuation
Center, upang pagsilbihan ang ating mga kababayan sa mga barangay ng Manambong
Norte, Manambong Sur, at Manambong Parte. May ___ na [Or: Daan-daang] residente
ang nakapag-avail ng mga libreng serbisyo ng munisipyo nang di na kailangang
mamasahe pa sa sentro, kaya't laking pasasalamat ng mga ito.
Libreng Chest
X-ray, Inihandog sa mga Pasyente
Ang RHU II at
RHU III ay naghandog ng libreng chest X-ray para sa 102 clients na nakitaan ng
sintomas, close contact ng mga nakitaan ng sintomas, at mga gustong
magpa-check. Ang free X-ray ay inisponsor ng Philippine Business for Social
Progress noong August 28 sa Brgy. Telbang Covered Court.
RHU at
PDA-Pangasinan, May MOA Signing para sa Project BUNTIS Year 2
Para mas
mapalakas pa ang programang pangkalusugan para sa mga first-time moms, ang LGU
of Bayambang, sa pamamagitan ng Rural Health Unit I, ay muling nakipag-ugnayan
sa Philippine Dental Association (PDA) Pangasinan Chapter sa pamamagitan ng
isang MOA signing para sa pagpapatuloy ng Project BUNTIS o First 1000 Days Oral
Health Program for First-Time Moms Year 2. Ito ay may adhikaing tutukan ang
oral health ng mga ina at sanggol upang matiyak ang mas malusog na ngiti at mas
maliwanag na kinabukasan.
- Nutrition
(MNAO)
Zone VI BNS,
Contender sa Pangasinan's Most Outstanding BNS
Sumailalim si
Christien Garcia ng Brgy. Zone VI sa monitoring at evaluation nitong August 6
bilang bahagi ng kanyang nominasyon para sa 2024 Most Outstanding Barangay
Nutrition Scholar (BNS) in the Province. Ang onsite evaluation ay isinagawa ng
Provincial Nutrition Evaluation Team, sa tulong ng Nutrition Office. Kamakailan
lamang, itinanghal si Garcia bilang Most Outstanding BNS sa municipal level.
Weighing Scale
Calibration Activity, Isinagawa
Noong August 6
at 7, ang mga DOST-trained calibrator ng LGU ay nagcalibrate ng mga timbangan
ng mga barangay, upang masiguro ang accuracy ng mga ginagamit na timbangan sa
mga barangay. Ang mga trained calibrator ay nagmula sa Nutrition Office at
Special Economic Enterprise.
LGU, Panelist
sa Nutrition Conference
Noong August 12
to 13, naimbitahan bilang panelist si Mayor Niña sa isang kumperensiya ng
National Nutrition Council ukol sa "Strengthening LGU Nutrition Programs
through the Creation of a Nutrition Office," na ginanap sa Parañaque City.
Siya ay nirepresenta ni Municipal Nutritionist Venus Bueno, na siyang naglahad
ng tinahak na landas ng LGU-Bayambang mula sa pagiging kabilang sa hanay ng mga
most malnourished towns sa probinsya hanggang sa pagkakaroon ng one of the top
10 Municipal Nutrition Offices nationwide.
- Sports and
Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
–
Slaughterhouse
PROTECTION OF
WOMEN AND CHILDREN
- Social
Services (MSWDO, MAC)
Grupong FAB,
Muling Naghandog ng Tulong
Matapos
makipag-ugnayan sa MSWDO at RHU, ang grupong Feeding Angels of Bayambang ay
nagsagawa ng unang bugso ng relief operation sa Brgy. Pantol, Manambong Sur, at
Manambong Parte para sa mga nasalanta ng baha. Sila ay may natulungang 60 na
pamilya o 170 na indibidwal. Ang FAB ay namahagi ng mga hot meal at food pack
mula sa kanilang mga anonymous donor at sponsor.
Osave, Namigay
ng Food Packs sa Solo Parents
Isang daan at
limampung solo parents sa Bayambang ang nakatanggap ng mga food pack mula sa
Osave noong August 4. Bawat food pack ay naglalaman ng bigas, kape, de lata,
noodles, at iba pang pagkain bilang tulong sa sektor lalo na sa mga naapektuhan
ng nagdaang kalamidad.
DMW Regional
Director, Bumisita
Noong August 6,
bumisita ang Regional Director ng Department of Migrant Workers na si Director
Christian Rey O. Sison upang talakayin ang pagkakaroon ng isang Department of
Migrant Workers Help Desk sa bayan ng Bayambang para maipalapit ang serbisyo at
tulong ng gobyerno sa ating mga OFW at kanilang pamilya.
LGBTQI-Bayambang,
May Bagong Opisyales
Inihalal si
Joyce de Guerto ng Barangay Mangayao bilang ikalimang pangulo ng Balon
Bayambang LGBTQI Association matapos isagawa ang eleksyon noong August 10 ng
mga miyembro ng local LGBTQI community. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan,
pangungunahan ni De Guerto ang adhikaing itaguyod ang karapatan at pagkilala sa
LGBTQI community sa Bayambang.
Bagong ECCD
Bldg. at MSWDO Bldg., Pinasinayaan
Noong August
18, pormal na binuksan at binasbasan ang bagong magkahiwalay na gusali ng Early
Childhood Care and Development (ECCD) at Municipal Social Welfare and
Development Office (MSWDO) sa Brgy. Magsaysay. Ang proyekto ay inilunsad upang
mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga bata, kababaihan, senior
citizens, at iba pang sektor.
Internal
Assessment ng CDCs at CDWs, Isinasagawa
Noong nakaraang
linggo, nag-umpisang magsagawa ang MSWDO ng monitoring at validation activity
sa 34 na Child Development Centers at Child Development Workers ng Bayambang.
Dito ay tiniyak ang kumpletong dokumentasyon ng bawat pasilidad, bilang
paghahanda sa nakatakdang external evaluation ng ECCD Council at assessors mula
sa Pangasinan SWDO.
Updates sa 4Ps,
Tinakalay sa MAC Meeting
Sa pinakahuling
pulong ng Municipal Advisory Council, tinalakay ng DSWD ang status update ng
4Ps members, kabilang ang pagsusuri ng compliance turnout, ang Social Welfare
and Development Indicators administration, at mga isyu gaya ng teenage
pregnancy. Ibinalita rin dito ang nakatakdang pag-exit ng 2,804 na benepisyaryo
mula sa programa.
Iba't Ibang
Grupo, Nagbigay ng Relief Goods
Iba't ibang
grupo ang patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.
Noong August 18, naghatid ng food packs at hot meals sa 180 residente ng Sitio
Lagare, Nalseban, Brgy. San Gabriel 2nd, ang pinagsamang relief mission ng
Gabriel Medical Clinic, Gabs Pharmacy Cooperative Store, at Bayambang Matikas
Eagles Club, salamat kina Dr. Roberto Gabriel at BMEC President Bogs Bugarin.
Miguel Family,
Nagdonate ng Bigas sa mga Nasalanta ng Bagyo
Noong August
19, nagdonate ang Miguel family ng 150 bags ng tig-limang kilong bigas sa mga
nasalanta ng bagyong 'Emong.' Ito ay tinanggap ng Municipal Social Welfare
Management Office (MSWMO) at ipinamahagi naman ng Municipal Agriculture Office
(MAO) sa mga magsasaka. Malugod na nagpapasalamat kina Dr. Nicolas at Dr. Myrna
Miguel ang LGU-Bayambang at ang mga magsasakang kanilang biniyayaan.
Holistic
Health, Tinutukan sa SK Symposium
Bilang
pagsuporta sa pagsulong ng holistic health sa mga kabataan, nagsagawa ang
Sangguniang Kabataan ng Bayambang ng isang symposium noong August 20.
Ipinaliwanag dito ang kahalagahan ng pangangalaga, hindi lamang sa pisikal na
kalusugan, kundi pati sa mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal na aspeto ng
buhay – upang maging ganap na masigla at balance ang pamumuhay ng kabataang
Bayambangueño.
Wellness Day,
Inilaan para sa PWD Presidents at Council
Isang Wellness
Day ang inilaan ng Persons with Disability Affairs Office noong August 21 para
sa mga PWD President at Council members ng iba't ibang barangay. Ito ang
nagsilbing culminating activity ng Disability Rights Week, kung saan nabigyan
ng natatanging araw ang mga PWD sa pamamagitan ng pag-alok ng mga libreng
serbisyo kabilang ang haircut, massage, at manicure at pedicure.
8th RLK
Anniversary at Linggo ng Kabataan, Sabay na Ipinagdiwang!
Nanguna ang
Sangguniang Kabataan Federation ng Bayambang, katuwang ang Local Youth
Development Office, sa gabay ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, sa mga
aktibidad bilang parte ng selebrasyon ng ikawalong aniberaryo ng ating
Rebolusyon Laban sa Kahirapan at ang taunang Linggo ng Kabataan.
A. Una, kanilang inilunsad kasama ng
ESWMO ang Bali-Balin Bayambang 3.0 upang mas mapaigting ang kalinisan at
kaayusan sa ating bayan.
B. Ikalawa, iginawad sa napiling
benepisyaryo mula sa Brgy. Bical Norte ang nalikom na pondo mula sa
pinakahuling Ukay for a Cause activity.
C. Ikatlo, nagsagawa ng isang outreach
program ang mga SK Chairperson sa Don Teofilo Mataban Memorial School sa Brgy.
Ligue, kung saan nagkaroon ng storytelling session at pamamahagi ng reading
materials.
D. Noong August 19 naman, nagsagawa ng
literary and arts contest ang SK Federation kung saan nagtagisan ang mga
kabataan sa poster-making, essay writing, at poetry slam.
E. Nang sumunod na araw, nagsagawa ng
isang usapang pangkalusugan para sa mga kabataan upang talakayin ang holistic
approach sa kalusugan.
F. Noong August 21, nagkaroon ng Youth
Leadership Development Symposium kung saan naging kalahok hindi lamang ang mga
SK Chairperson kundi pati na rin ang mga student leader.
G. Sa araw na iyon, nagdaos din ng isang
Laro ng Lahi competition upang pagyamanin ang kaalaman ng mga kabataan sa
pamana ng lahing Pilipino at kulturang Pinoy pagdating sa larangan ng sports o
palakasan.
H. Kinagabihan ng August 22, nagpasiklaban
ang mga kabataan sa HimigSikan Battle of the Bands. At may kasabay pa itong
Your Face Sounds Familiar contest.
I. Ito ay nagtapos sa isang Awarding at
SK Fellowship Night, kung saan pinarangalan ang lahat ng nagwagi sa mga
patimpalak at masayang nagbonding magdamag ang lahat ng mga kabataan.
SK Officials,
Sumabak sa Budget Training
Noong araw ding
iyon, sumabak ang mga Sangguniang Kabataan officials sa isang Budget Management
Training na ibinigay ng Municipal Budget Office. Sa aktibidad, itinuro sa mga
SK official ang tamang proseso ng pagba-budget, at mga paraan upang masiguro
ang pagiging transparent at responsable sa paggamit nito.
Mayor Niña, May
Birthday Treat Muli!
A. Sa
pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong August 26, muling ipinakita ni Mayor Niña
ang pagiging bukas-palad sa mga Bayambangueño sa pamamagitan ng mga handog na
packed lunch para sa lahat ng kawani ng LGU....
B. ...gayundin
ang mga katuwang mula sa iba’t ibang sektor.
C. Nagpaabot
din si Mayor Niña ng libreng sorbetes para sa lahat ng 77 barangays bilang
pagpapasalamat at pagbahagi ng biyaya sa buong komunidad.
MSWDO at ECCD
Office, Lumipat na sa mga Bagong Gusali
Simula August
26, opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang Municipal Social
Welfare and Development Office at Early Childhood Care and Development Office.
Ang MSWDO ay matatagpuan na ngayon sa MSWDO Multi-Purpose Building, habang ang
ECCD naman ay nasa ECCD Building na parehong nasa Brgy. Magsaysay. Ang
paglipat ay isang malaking hakbang tungo sa maayos na pagbibigay ng social
welfare services.
2,804 4Ps
Members, Nag-exit sa Programa
May 2,804 na
bilang ng 4Ps beneficiaries ang grumadweyt sa programa, matapos ang mga ito ay
magboluntaryong mag-exit, mag-improve ang kanilang level of well-being, at wala
nang puwedeng ma-monitor na 0-18 years old o buntis na miyembro ng pamilya. Ang
graduation ceremony ay ginanap noong August 28, at siyang naging highlight ng
pagdiriwang ng ika-walong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
2 Centenarians,
Tumanggap ng Cash Gift
Dalawang
centenarian mula sa bayan ng Bayambang ang pinagkalooban ng cash gift na
P100,000 each sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024 noong August 28.
Sila ay sina Eduardo Caerlang ng Brgy. Pangdel at Paula Ramos ng Brgy.
Tanolong. Inaward door-to-door ang cash gift ng National Commission of Senior
Citizens sa tulong ng MSWDO at OSCA.
- Civil
Registry Services (LCR)
- Environmental
Protection (MENRO, ESWMO)
- Peace and
Order (BPSO, PNP, DILG)
Task Force
Disiplina, Umarangkada!
Sa unang araw
ng Agosto, inilunsad ng LGU ang pagpapatupad ng Disiplina Zones sa bayan ng
Bayambang. Sa ilalim ng bagong programang ito, ibayong paiigtingin ng Task
Force ang pagpapatupad ng lahat ng mga batas na dapat ay matagal nang sinusunod
ng lahat. Dumalo sa formal launching ang lahat ng empleyado ng LGU na
na-deputize upang maghuli ng sinumang lumalabag nang walang kinikilingan, bukod
pa sa PNP, mga sundalo, at ang Bayambang Public Safety Office. Inaasahan ang
pakikiisa ng lahat, dahil sa disiplinadong mamamayan, uunlad ang bayan ng
Bayambang!
MVAT Team,
Muling Naglibot
Muling naglibot
ang Municipal Validation and Assessment Team ng DILG at LGU noong August 12
para mag-evaluate ng mga barangay ukol sa kanilang compliance sa
"Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng pangulo. Masusing
tiningnan sa aktibidad kung maayos na naipatutupad sa mga barangay ang mga
programa kabilang ang Barangay Road Clearing Operations, Halina't Magtanim ng
Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays.
TODA Members,
Binigyan ng Unipormeng Pang-isang Linggo!
Ang mga
miyembro ng TODA ay binigyan ng LGU ng unipormeng pang-isang linggo, gamit ang
donasyon nina Mayor Niña, Dr. Cezar Quiambao, BM Raul Sabangan, at Konsehal
Zerex Terrado. Layunin nito na makaiwas sa mga colorum na traysikel ang mga
komyuter at gawing disente ang bihis ng lahat ng mga lehitimong tricycle driver
sa Bayambang. Tinanggap ng may mahigit 2,000 trike drivers ang unang 4,500 set
ng uniporme sa presensiya ni Task Force Disiplina Deputy Officer Amory Junio.
Napulot na
Wallet, Isinauli ng Enforcer
Isa na namang
traffic enforcer ng BPSO ang nagpakita ng katapatan sa paglilingkod sa
pamamagitan ng pagsasauli ng napulot na wallet sa nakawala nito. Noong August
13, isinauli ni BPSO traffic enforcer John Hernan Roberto de Vera ang isang
wallet na naglalaman ng ID at mga cash sa may-ari nito na isang estudyante ng
SVCS. Agad naisauli ang wallet matapos kontakin ng BPSO ang may-ari gamit ang
nakitang ID sa loob nito.
Fountain sa
Royal Mall, Ipinatibag
Ipinatibag ng
Task Force Disiplina ang fountain sa tapat ng Royal Mall na itinuturing na
obstruction sa road shoulder at panganib para sa mga motorista. Pinanindigan ng
task force ang kanilang layunin na linisin ang mga lansangan laban sa anumang
sagabal para sa kaligtasan ng publiko.
Rerouting sa
Paligid ng Central Terminal, Ipatutupad
Ayon sa Task
Force Disiplina, simula September 1, Lunes, ang mga lugar sa paligid ng
Bayambang Central Terminal at bagong Bagsakan Market ay magkakaroon ng one-way
na ruta. Ang mga apektadong daan ay ang Burgos St. sa Zone III na magiging one
way papasok; Bonifacio St. sa Zone II na
one way palabas; at Public Cemetery sa Zone VI na two-way para lamang sa mga
light vehicles.
AGRICULTURAL
MODERNIZATION - (MAO)
NIA, Nagsagawa
ng Consultation Meeting
Noong August 1,
nagsagawa ng consultation meeting ang National Irrigation Administration kasama
ang LGU at Agri Tech Real Estate Development Corporation upang talakayin ang
usapin ng land reclassification kaugnay ng isang panukalang broiler breeder
farm sa Brgy. Dusoc. Tinalakay dito ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon
hinggil sa reclassification ng lupa na maaaring madaraanan o maapektuhan ng
nasabing proyekto.
BEACONS
Program, Dinala Rito ng UPLB
Noong August 19
to 21, isinagawa ng UP Los Banos Biotech ang isang serye ng aktibidad sa ilalim
ng Biotechnology Empowerment and Assistance of Communities and the Nation for
Sustainability o BEACONS, upang lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga
magsasaka at kooperatiba sa makabagong teknolohiya, partikular na sa paggamit
ng biofertilizers. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang na 100 magsasaka at
farmer-cooperators, kung saan sila ay nakinig sa mga lecture at nanood ng mga
field demo mula sa mga eksperto ng UPLB Biotech.
Dairy Farm
Training, Inilunsad
Noong August
20, opisyal nang sinimulan ng Dairy Farm Training Center ng Kasama Kita sa
Barangay Foundation Inc. ang isang Dairy Farm Training sa Brgy. Mangayao para
sa unang batch ng trainees upang magbigay ng wastong kaalaman sa dairy farm
operations. Ang KKBSF Dairy Farm ay isang Learning Site for Agriculture, sa
paggabay ng Agricultural Training Institue ng Department of Agriculture Region
I at ng National Dairy Authority.
JOBS AND
LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood
and Employment (PESO, BPRAT)
DOLE, Nagbigay
ng Technical Assistance
Noong July 3,
bumisita ang DOLE Region I para sa isang Technical and Advisory Visit sa tulong
ng PESO na dinaluhan ng mga lokal na business owner. Ipinaalam sa mga business
owner ang tungkol sa mga labor law, occupational safety and health, at iba pang
mga patakaran kaugnay ng labor and employment.
PESO at PSU,
Nag-ugnayan para sa Job Fair
Isang job fair
ang matagumpay na isinagawa ng PESO at PSU-Bayambang Campus noong August 6. Ito
ay may 289 na aplikante, at 72 sa kanila ay hired on the spot. Sampung ahensya
ang lumahok, kabilang ang isang overseas recruiter, at sila ay nag-alok ng
2,930 job vacancies.
PESO-Yokohama
Rubber LRA, Nagbunga ng 27 HOTS
Noong August
19–20, isang local recruitment activity ang isinagawa sa pagtutulungan ng
Public Employment Service Office at Yokohama Rubber Company sa SB Session Hall.
May 72 na aplikante ang nakapagparehistro, at 27 sa mga applicants ang hired on
the spot.
- Economic
Development (SEE)
- Cooperative
Development (MCDO)
MCDO, Nagbigay
ng 2-Day Seminar
Patuloy ang
Municipal Cooperative Development Office (MCDO) sa pagpapalakas ng mga
kooperatiba sa Bayambang. noong August 19 at 20, ang tanggapan ay nagsagawa ng
dalawang araw na seminar sa may Brgy. Macayocayo sa tulong ng Cooperative
Development Agency.
Orientation on
Cooperatives, Isinagawa
Noong August 26
naman, nag-organisa ang Agriculture Office ng isang orientation activity para
sa mga local corn farmers tungkol sa tamang proseso ng pagpapalakas, pagtatayo,
at pagpaparehistro ng isang kooperatiba. Ito ay ginanap sa Brgy. Sapang Covered
Court sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Cooperative Development Office (MCDO)
at Cooperative Development Authority.
- Tourism,
Culture, and Arts (MTICAO)
SVF Prayer
Park, Parte ng Familiarization Tour ng TPB
Ang Tourism
Promotions Board - Philippines ng Department of Tourism ay nag-tour sa St.
Vincent Ferrer Prayer Park bilang panghuling destinasyon ng kanilang Domestic
Tourism Invitational Program, isang familiarization tour na nagdadala ng iba't
ibang tour operators at travel agents upang maranasan ang isang kakaibang
cultural tour sa Ilocos Region at ibenta ang naturang tour sa mga turista. Ang
mga bisita ay winelcome at sinamahan ng Tourism Office staff.
-
Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities,
etc.)
Kampanya sa
Pagtitipid sa Kuryente, Tampok sa Seminar
Isang Energy
Efficiency and Conservation (EEC) Seminar ang isinagawa nitong August 7, upang
lalong mapalakas ang kampanya ng lokal na pamahalaan para sa mas matipid na
pagkonsumo ng kuryente. Naging guest speaker ang mga taga-Department of Energy.
Nagbahagi naman ang Energy Efficiency and Conservation Officer ng LGU ng mga
best practices ng munisipyo ukol dito.
Karagdagang
Parking Space, Inihahanda
Nakatakdang
gibain ang "Yellow Building" sa pamilihang bayan sa darating na
September 21, upang bigyang-daan ang bagong pampublikong parking area sa bayan
ng Bayambang. Ang gusali ay itinayo sa lupaing pagmamay-ari ng LGU nang walang
pahintulot, at inaasahang mapakikinabangan na ng mas nakararami. Inalok naman
ng alternatibong puwesto sa White Building ang 15 na apektadong tenants.
Wire Clearing
Operation, Nagpatuloy
Patuloy ang
Bayambang Wire Clearing Group sa pagtanggal ng mga dangling wire sa mga
pangunahing kalsada ng bayan. Nitong August 8, nag-operate ang grupo sa highway
mula Poblacion hanggang Telbang. Kasama sa operasyon ang BPSO, MDRRMO,
Engineering Office, Globe, at Converge.
Mga Sagabal na
Poste, Dinemolish
Dalawang poste
naman ng Digitel ang giniba ng team noong August 12 sa harapan ng public market
at Mercury Drug store, bilang bahagi naman ng mas pinaigting na road clearing
operations ng gobyerno, kabilang na ang Task Force Disipina ng LGU-Bayambang,
upang maiwasan ang aksidente sa mga pedestrian at motorista.
Bagong Central
Terminal at Bagsakan Market, Pinasinayaan!
Pormal na
pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ang bagong tayong Bayambang Central
Terminal at Bagsakan Market nitong August 25, sa isang seremonyang dinaluhan ng
mga opisyal at mga bagsakan vendors. Ang modernong pasilidad, na matatagpuan sa
Pangasinan State University-Bayambang Campus, ay itinuturing na makasaysayang
hakbang para sa pagsasaayos ng transportasyon at pagpapalago ng ekonomiya ng
bayan. Ang proyektong ito ay naging posible dahil sa magandang ugnayan sa
pagitan ng LGU sa pamumuno nina Dr. Quiambao at Mayor Niña at ng PSU sa
pamumuno ni University President, Dr. Elbert Galas.
DISASTER
RESILIENCE - (MDRRMO)
MDRRMO,
Tumulong sa Alaminos Clearing Operation
Noong July 28,
ang MDRRMO-Bayambang ay nagsagawa ng clearing operation sa Brgy. Pangapisan,
Alaminos City at naghatid ng kaunting tulong, matapos manawagan ang naturang
lungsod ng tulong mula sa iba't ibang LGU.
Mga Evacuation
Center, Nilinis at Isinaayos
Ang MDRRMO,
kasama ang BFP at mga Barangay DRRM Committee, ay nagsagawa ng cleaning and
clearing operation sa lahat ng 11 evacuation centers sa Bayambang. Ang team ay
nag-ayos sa mga naturang pasilidad upang mapanatili ang kahandaan at maayos na
kondisyon ng mga ito anumang oras kailanganin.
Search and
Retrieval Operation, Isinagawa
Noong August
18, ang MDRRMO, katulong ang BFP at BDRRMC ng Brgy. San Gabriel 2nd ay
nagsagawa ng search and retrieval operation matapos makatanggap ng tawag mula
sa naturang barangay ukol sa isang insidente ng pagkalunod. Matapos ang apat na
oras na operasyon, matagumpay na natagpuan at naiahon ang walang buhay na
biktima, na isang 21 taong gulang na binata na residente sa lugar.
OCD Regional
Director, Muling Bumisita
A. Noong August
22, muling bumisita si Office of Civil Defense Regional Director Lawrence E.
Mina upang makipagdayalogo sa MDRRMO hinggil sa mga naging epekto ng nagdaang
pagbaha sa bayan, ang ugnayan at epekto ng iba't-ibang kailugan sa ating mga
karatig-bayan, gayundin ang mga posibleng hakbang upang mapigilan o mabawasan
ang epekto ng ganitong sakuna sa hinaharap.
B. Binisita rin
ni Mina ang mga lugar na sentro ng paglikas upang personal na masuri ang
kahandaan ng mga ito ngayong panahon ng tag-ulan.
C. Binisita ni
Director Mina at kanyang mga kasamahan sa OCD ang pabrika ng bamboo materials
ng CSFirst Green AID sa Brgy. Amanperez. Inilibot sila sa loob ng pagawaan, at
nakita ng grupo ang iba't-ibang produkto ng kawayan at kung papaano ito
pinuproseso gamit ang iba't-ibang makina sa loob ng pabrika. Humanga ang
opisyal sa proyekto, lalo na sa malaking pagsuporta nito sa climate change
adaptation.
HONEST &
EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Mga Barangay
Kagawad, Nag-Team-Building Activity
Sa unang
pagkakataon, lumahok ang lahat ng miyembro ng mga Sangguniang Barangay at ilang
Punong Barangay ng Bayambang sa isang team-building activity at capability
development training na ginanap sa isang beach resort sa Bolinao, Pangasinan
noong Agosto 19-20. Masayang nagbonding ang lahat sa mga aktibidad na
inorganisa ng kanilang samahan.
- Planning and
Development (MPDO)
LGU-Bayambang,
Nag-update ng CDP
Ang
LGU-Bayambang ay nagsagawa ng pormulasyon ng isang updated at risk-based
Comprehensive Development Plan sa Baguio City mula August 11 hanggang 15. Sa
risk-informed CDP, isinama sa diskusyon ang disaster risk reduction at climate
change adaptation sa kabuuang proseso ng development planning. Sa ganitong
paraan, natitiyak na isinasa-alang-alang ang mga posibleng panganib at kahinaan
sa pagbuo ng mga estratehiya, programa, at proyekto para sa kaunlaran, na
nagreresulta sa mas resilient at sustainable na komunidad.
- Legal
Services (MLO)
- ICT Services
(ICTO)
- Human
Resource Management (HRMO)
HRMO, Nagbigay
ng Training on Effective Communication
Noong August
27, nagsagawa ang HRMO ng isang training para sa mas mabisang komunikasyon ng
mga piling kawani ng LGU. Naging tagapagsalita si Dr. Sharon F. Sanchez ng
Bayambang National High School, na nagbahagi tungkol sa kahalagahan ng public
speaking, storytelling, at epektibong komunikasyon sa serbisyo publiko.
-
Transparency/Public Information (PIO)
Technical
Budget Hearing, Isinagawa
Mula August 6
hanggang 8, nagsagawa ng isang Technical Budget Hearing ang Municipal Budget
Office upang masiguro ang maayos na paglalaan ng pondo para sa mga programang
pangkaunlaran at serbisyong panlipunan ng lokal na pamahalaan. Ang technical
hearing ay dinaluhan ng mga department head dala-dala ang kanilang panukalang
badyet, kasama ang mga prayoridad na proyekto at inisyatibong nakapaloob sa
Annual Investment Program ng munisipyo.
3 PMMA Grads,
Nagcourtesy Call
Tatlong bagong
ensign ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ang nagcourtesy call kay
Mayor Niña. Dumalaw ang mga bagong graduate na mga tubong Bayambang upang
ipagpasalamat ang suporta ng kanilang bayan. Sila anila ay pawang mga anak ng
mga magsasakang nagsumikap upang maitawid ang kanilang edukasyon, at patunay na
hindi hadlang ang kahirapan sa kanilang pangarap na makapagtapos.
ONGOING:
Data-Gathering ng Assessor's Office para sa RPVARA
Ang Municipal
Assessor's Office ay kasalukuyang nangangalap ng mga datos mula sa mga real
property owner sa iba't ibang barangay. Ito ay bahagi ng paghahanda para sa
pagbabalangkas ng Schedule of Market Value at pagsasagawa ng General Revision
of Property Assessment and Classification, alinsunod sa Real Property Valuation
and Assessment Reform Act.
Training on
Barangay Budgeting and AIP, Isinagawa
Noong August
20, nag-organisa ang Budget Office, sa pakikipag-ugnayan sa MPDO, ng isang
libreng pagsasanay para sa mga punong barangay, barangay secretary, barangay
treasurer, at barangay kagawad na pinuno ng Committee on Appropriations tungkol
sa Barangay Budgeting and Annual Investment Programming. Dito ay mas pinalawak
ang kaalaman ng mga naturang opisyal sa tamang proseso ng pagpaplano at
pagbubuo ng badyet, gayundin sa maayos na paglalaan ng pondo para sa mga
proyekto.
LGU,
Nagbenchmarking sa Urbiztondo Water Services
Ang mga opisyal
ng LGU-Bayambang ay bumisita sa bayan ng Urbiztondo upang magbenchmarking
activity sa Urbiztondo Water Services. Kanilang inalam ang best practices ng
naturang ahensya upang maaral kung alin ang maaaring iapply sa bayan ng
Bayambang. Ang mga opisyal ay mainit na sinalubong nina Urbiztondo Mayor
Modesto Operania at Vice-Mayor Alexis dela Vega.
- Property
Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND
RECOGNITIONS
LGU-Bayambang,
Wagi Muli Bilang Provincial Model LGU Implementing 4Ps!
Muling
nasungkit ng LGU-Bayambang ang titulong "Model LGU Implementing 4Ps"
sa buong probinsiya ng Pangasinan! Ito ay isang pagkilala sa ipinakitang
pagpupursige ng LGU-Bayambang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga benepisyaryo
ng programang 4Ps ng DSWD sa bayan ng Bayambang. ...Salamat sa personal na
pagtutok ni Mayor Niña sa lahat ng usapang 4Ps at sa mga naisip at naisagawang
inobasyon ng lahat ng sektor upang mas paigtingin pa ang tagumpay ng programa.
Municipal
Accountant, Isa sa Most Outstanding sa Pangasinan
Kinilala si G.
Flexner de Vera, bilang isa sa mga Most Outstanding Municipal Accountant ng
probinsya ng Pangasinan, sa ginanap na seremonya ng Pangasinan Association of
Local Government Accountants o PALGA noong August 12 sa Dagupan City. Ito ay
isang pagkilala sa kanyang husay at dedikasyon, na siyang nagbigay-daan sa
LGU-Bayambang upang makatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on
Audit para sa 2024 financial statements nito.
LGU, Regional Winner sa Kaunlarang Pantao
Award
Ang
LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Commission on Population and Development
bilang Regional Winner sa Municipal Category ng 2025 Rafael M. Salas Kaunlarang
Pantao Award. Ito ay bilang pagkilala sa mga inisyatibo ng LGU sa pag-localize
ng population and development agenda sa pamamagitan ng mga innovative,
inclusive, at sustainable na programa.
LGU,
Pinarangalan ng Red Cross-Pangasinan
Ang
LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Pinabli Award mula sa Philippine Red
Cross-Pangasinan Chapter, matapos ito ay magkapagbigay ng 485 blood bags noong
nakaraang taon. May dalawang staff naman mula sa RHU II at RHU III ang naging
Blood Galloner awardees, mga donor na nakapag-donate ng higit sa 10 bags ng
dugo: sina Ignacia Asuncion at Christian Dave Aquino.
LEGISLATIVE
ENACTMENTS - (SB)
Supplemental
Budget ng LGU, Aprubado ng SP!
Matagumpay na
naipagtanggol ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang mungkahing resolusyon na
“Pag-apruba sa Supplemental Annual Investment Program No. 1” na pormal na
inendorso ng Municipal Development Council na may kabuuang halagang
PhP454,610,285.32 noong Aposto 5, 2025 sa Sangguniang Panlalawigan ng
Pangasinan.
No comments:
Post a Comment