Wednesday, April 30, 2025

Monday Report – May 5, 2025

 

Monday Report – May 5, 2025

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si ___________________.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________, at kami po ay mula sa Municipal Health Office.

 

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

 

***

 

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

1. Unang Batch ng Events Management Scholars, Nagtapos

 

Noong April 28, tinanggap ng mga iskolar ang kanilang Certificate of Completion matapos nilang matagumpay na makumpleto ang 14-day course sa Events Manangement na hatid ng Gintong Aral at ng HERO Group. Ang nasabing kurso ay naglalayong bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga Bayambangueño sa larangan ng maayos at propesyonal na pamamahala ng anumang uri event.

 

 

2. Provincial at Municipal Veterinarians, Naghandog ng mga Libreng Serbisyo

 

Noong April 29, ang Provincial Veterinary Office ay naghandog ng iba't ibang libreng veterinary services sa Zone VII Covered Court kasama ang veterinary team ng Agriculture Office. Kabilang dito ang libreng konsultasyon, bakuna sa rabies, deworming, vitamins, gamot, at information campaign. May 178 na residente o pet owners ang nag-avail ng mga libreng serbisyo, kabilang ang 305 anti-rabies vaccinations, 321 deworming cases, 90 na treatment, 192 na consultations, at pamamahagi ng 176 vitamin packs.

 

 

3. Dalawang Benepisyaryo, Binigyan ng Kubo

 

Dalawa na namang benepisyaryo ang nabiyayaan ng munting bahay kubo, salamat sa lahat ng bumili ng mga pre-loved items sa mga nakaraang Ukay for a Cause at sa lahat ng sumali sa nakaraang fun run. Sila ay ang PNP CHeckpoint sa Brgy. Wawa at ang pamilya ni Jackielyn Dumlao Castillo ng Brgy. Caturay, na inirekomenda ng MSWDO at DSWD. Nagpapasalamat ang PNP at ang pamilya Castillo sa lahat ng tumulong at nakiisa sa mga naturang fund-raising activities. Natulung-tulong sa turnover ceremony ang Administrator's Office, MSWDO, DSWD, at Engineering Office.

 

 

4. MDRRMC, Pinaigting ang Oplan SumVac

 

Ang MDRRM Council ng Bayambang ay naging alerto para sa Operation SumVac o Summer Vacation 2025. Sa tulong ng MDRRMO, PNP, BFP, mga RHU, BPSO, at mga Barangay DRRM Council, nagsagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga mamamayan at mga bisita sa panahon ng tag-init. Kabilang dito ang pagsubaybay sa mga aktibidad sa Ilog Agno, mga resort at iba pang mga pasyalan; pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko; pagtugon sa pangangailangan ng mga pasahero sa mga terminal; pagpapaigting ng sistema sa pag-uulat ng mga Barangay DRRM Council; at pagpapataas ng police visibility.

 

 

5. Dry Run para sa Temporary Bus Station sa Central School, Isinagawa

 

Noong April 29, isang briefing ang isinagawa para sa mga driver ng bus, UV Express, at jeepney kaugnay ng dry run ng operasyon sa pansamantalang bus station na matatagpuan sa lumang Central School malapit sa Bonifacio Street. Pinangunahan ito ni BPSO Chief Leonardo Solomon upang ipaliwanag ang mga patakaran ng terminal, loading at unloading ng pasahero, at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan, upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa sentro ng bayan.

 

 

6. LGU-Bayambang, Handang-handa na para sa Ligtas at Mapayapang Halalan

 

Bilang bahagi ng pagtiyak sa isang maayos, ligtas, at mapayapang halalan, naging puspusan ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Kasama sa mga hakbangin ng LGU ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga polling precincts, pag-deploy ng karagdagang mga pulis at tanod, at pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa tamang asal sa panahon ng pagboto. Nakahanda rin ang mga emergency response team upang agad na tumugon sa anumang insidente.

 

 

7. 4Ps Sustainability Plan 2024 at 2025, Tinutukan sa MAC Meeting

 

Sa isinagawang pulong ng Municipal Advisory Council (MAC) noong April 29, naging sentro ng usapin ng DSWD Municipal Operations Office ang isinagawang Sustainability Plan para sa 868 benepisyaryong grumaduate o nag-exit mula sa 4Ps noong nakaraang taon. Bukod dito, inilahad din ang panukalang Sustainability Plan 2025 para sa tinatayang 2,803 na graduating at exiting 4Ps household beneficiaries sa darating na Setyembre 2025.

 

 

8. ARTA Requirements ng mga Barangay, Tinalakay sa Pulong

 

Noong April 30, pinulong ng LGU at DILG ang mga departamento upang ipaalam sa lahat ang ukol sa implementasyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) Advisory No. 2025-009. Ayon sa advisory, ang lahat ng mga Barangay LGU ay kinakailangang magsumite ng sumusunod na mga dokumento hanggang May 31, 2025 sa pamamagitan ng Local Committee on Anti-Red Tape o ARTA Unit ng Barangay: Barangay Citizens’ Charter at Certificate of Compliance, Barangay Client Satisfaction Measurement Report, at Barangay Initial Reengineering Plan.

 

 

***

 

It's Trivia Time!

 

Alam ba ninyo na ang ating tatlong Rural Health Units ay pawang accredited na bilang PhilHealth KONSULTA provider?

 

Kabilang sa mga benepisyo ng pagiging PhilHealth KONSULTA provider ay ang sumusunod:

 

- libreng konsultasyon 

- libreng laboratory/diagnostic tests

- libreng gamot

- at libreng vitamins pa!

 

Kaya't magpaenroll na sa PhilHealth! Isama pa ang lahat ng mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan sa ating mga RHU.

 

Walang bayad dito! Mag-fill out lamang ng PhilHealth Member Registration Form at magdala ng government-issued ID, at ayos na!

 

***

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, _________________.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _________, mula sa Municipal Health Office.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 

 

Tuesday, April 29, 2025

Bayambang History: Old Website Version

 

About Bayambang

The town of Bayambang is in the central part of Southern Pangasinan. The town got its name from a plant called “Balambang” which grew in abundance in the place during the olden days. The hilly portions on the southern part were almost covered by these plants, which was noted for making salad. As years passed by, theses plants became extinct in the vicinity but not before the town was named after it by changing its letter L to letter Y, hence the name of BAYAMBANG.

Bayambang in the early days had a big territorial coverage. The municipality of Bautista, Alcala, Sto. Tomas, Rosales, Paniqui, Gerona and Camiling of the province of Tarlac were once part of the old Bayambang. Today, however, its size has been considerably reduced after the aforementioned municipalities attained municipal status. Bayambang is at present bound4ed by the following municipalities on the north by Basista and Malasiqui; on the east by Bautista; on the south by Camiling, Tarlac, and on the west by Urbiztondo.

According to the records obtained from the “Awarans” of our old folks, the late Benaldo Gutierrez and the late Honorato Carungay, and also from the testimonies of some of their contemporaries, Bayambang was founded in the early sixteenth century by an Aeta known as Agalet. In its early founding, the Aita founder led in forming the town by organizing his own tribe. He formed barangays composed of small villages.  The town was first located in what is now barrio Inirangan and Hermosa and later on moved to the barrio of Telbang and part of southern Poblacion just at the old Spanish Catholic Cemetery which is better known as the Old Bayambang. The old Municipal building was found near the public market until finally moved to its present location.
Bayambang is a historic town. It stands with enduring pride as the first town in Pangasinan to experience disastrous and terrifying events that occurred in the province.

It was in Bayambang where the first Juez de Cuchillo sowed horror in 1897. Many of the prominent men of the town were executed and many of the houses were razed to the ground. It was through the intervention of a Spanish-Filipino General which ended the inhuman torture during those days.
The lyrics of the Philippine Anthem were written by Jose Palma in Bautista once part of the old Bayambang.

By early November 1899, President Emilio Aguinaldo made Bayambang his temporary capital in Pangasinan. Bayambang became the last seat of our short-lived Philippine Republic when the American forces of Gen. Arthur MacArthur captured Tarlac on October 12, 1899, that’s when Gen. Emilio Aguinaldo moved the capital to Bayambang until November 13, 1899, when he marched on to Isabela. At the now defunct railroad station of Bayambang located at the north end of Rizal Avenue, the town’s main artery way before barrio Tambac (this area is currently called the “Estacion”), Gen. Emilio Aguinaldo encountered the Spanish Forces during the revolution.

Our national hero, Jose P. Rizal had for a number of times visited Camiling because of his love for Leonor Rivera. Camiling was then a part of Bayambang. Gen. Antonio Luna and his brave men once established camp in Bayambang while fleeing from the “ “Krag “ welding American cavalry.

At the railroad station of Bayambang, Gen. Emilio Aguinaldo encountered the Spanish Forces during the revolution.

Bayambang during the Japanese Regime was made the capital of Pangasinan when Dr. Diaz was appointed Governor by the Japanese Imperial Government, Dr. Diaz held his Provincial Administration Office in Bayambang at the still existing residence of the late Eulogio Dauz, at the junction of Quezon Blvd. And M.H. Del Pilar streets.

During the war, three bombs were dropped by the Japanese at Roman Catholic Church of Bayambang. The bombs did not explode something miraculous to reckon with.

Bayambang became the first Pilot Town in the Far East when it was chosen to be the seat of the famed UNESCO NATIONAL COMMUNITY TRAINING CENTER. This made Bayambang the Educational show window of the Philippines in the Far East as waves of Educational dignitaries from all over the country as well as from other countries come to town to attend educational workshops and seminars.

The first Executive of the town under the Spanish Regime was Vicente Cayabyab who held the office of Gobernadorcillo. In 1892, Mauricio de Guzman became the first Cabeza de Barangay (Captain of the Municipality). He was succeeded by Honorato Carungay, Lorenzo Rodriguez and Julian Mananzan. During the revolutionary period, Saturnino Junio was appointed as the Chief Executive. And when the American Military Government was inaugurated, Evaristo Dimalanta was appointed President.

When the CIVIL Government was inaugurated, Lauriano Roldan was appointed as the first President of the town under such government. He was succeeded by Alvino Garcia, Mateo Mananzan, Gavino de Guzman, Marciano Fajardo, Agustin Carungay, Emeterio Camacho, and Enrique M. Roldan. After them followed Mayors Gerundio Emengan, Leopoldo Aquino, Sr., Ambrosio Gloria (appointed by the PCAU of the Army), Bernardo Lagoy, appointed 1946, Leopoldo Aquino, Sr. (reelected), Eligio C. Sagun (1952-1955), Don Numeriano Castro (appointed), Salvador F. Quinto (1956-1959), Miguel C. Matabang (1960-1963), Jaime P. Junio (1964-1986), Feliciano Casingal, Jr. (OIC), Don Daniel Bato (OIC), Domingo Tagulao, Calixto B. Camacho, Leocadio C. De Vera Jr.

The town is now headed by Honorable Engr. Ricardo M. Camacho who has been elected as Municipal Mayor.

Monday, April 28, 2025

Trivia: RHUs

 It's Trivia Time!


Alam ba ninyo na ang ating tatlong Rural Health Units ay pawang accredited na bilang Philhealth KONSULTA provider? 


Kabilang sa mga benepisyo ng pagiging Philhealth KONSULTA provider ay ang sumusunod:


- libreng konsultasyon  

- libreng laboratory/diagnostic tests 

- libreng gamot 

- at libreng vitamins pa!


Kaya't magpaenroll na sa PhilHealth! Isama pa ang lahat ng mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan sa ating mga RHU. 


Walang bayad dito! Mag-fill out lamang ng PhilHealth Member Registration Form at magdala ng government-issued ID, at ayos na!


Sunday, April 27, 2025

Pangasinan Terms for Facial Expression

Pangasinan Terms for Facial Expression




Mankubibit - on the verge of tears


Akakuliseng - nakasimangot o maasim ang mukha; frowning?


Akakulanget - nakasimangot; frowning?


Akasibangot - nakasimangot; frowning


Akabusangot - nakasimangot; frowning?


Angospil - nakasimangot; frowning?


Akusbil - nakasimangot; frowning?


Abaliw so lupa to - having a dismayed look


Akumpil so lupa to - nakasimangot; frowning


Anakseng so lupa so - nakasimangot; frowning

 

Amuti'y busaleg to - pale-faced, in shock


Akaimis - smiling

Akangiriyet - grinning

Akangiristi - grinning widely

Mabli'y imis to - barely smiles

Mataltalker so beklew to - di namamansin; ignores someone on purpose

Mankulirep 

Man-abetay kirep to

Singa ngiriyet na aso/leon

Singa makakaloko


Shape:


Maimos so lupa to


Wednesday, April 23, 2025

Trivia: MTICAO 2

 It's Trivia Time!

 Alam ba ninyo na noong April 5, iprinoklama ang mahigit apat-na-raang taong simbahan ng San Vicente Ferrer sa Bayambang bilang isang Archdiocesan Shrine ng Lingayen-Dagupan? Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, na siyang nagproklama, ito ay dahil sa kalumaan at kagandahan ng simbahan, at malalim na debosyon ng mga mananampalataya sa parokyang ito. Ang simbahan, na ngayon ay tinatawag na Santuario de San Vicente Ferrer, ang siyang pinakalumang simbahan sa buong Pilipinas kung saan patron ang naturang santo.

 Dati na itong itinuturing noon na national shrine, ngunit dahil walang makitang dokumentasyon, kinailangan itong dumaan sa mahabang proseso ng aplikasyon upang makamit ang opisyal na deklarasyon.

 Sa pagiging archdiocesan shrine ng St. Vincent Ferrer parish church, inaasahan ang lalong pagdami ng deboto na bumibisita rito, pati na rin sa St. Vincent Ferrer Prayer Park, kaya't malaking bagay ito sa industriya ng turismo ng ating bayan.


Monday Report April 14, 2025

 Monday Report - April 14, 2025

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si ___________________.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________, at kami po ay mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office.

 

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

 

***

 

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

 

1. BPRAT, Nag-update ukol sa Economic and Infrastructure Development Projects

 

Isang quarterly meeting ukol sa mga kasalukuyan at nakahanay na proyekto at aktibidad sa economic at infrastructure sector ang isinagawa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team noong April 21. Nagbigay ng update ang BPRAT  ukol sa progreso ng mga target objectives ng sektor at tinalakay ang mga nararapat na aksyon upang lubos na maisakatuparan ang pagyabong ng ekonomiya at imprastraktura sa bayan ng Bayambang.

 

 

2. 1,699 Pre-K Learners, Nagsipagtapos

 

May 1,699 na pre-kindergarten learners mula sa 78 na Child Development Centers ng Bayambang ang nagsipagtapos sa magkakahiwalay na Moving-Up Ceremony mula April 22 hanggang April 25 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ang programa ay inorganisa ng MSWDO, Child Development Focal Person, at Bayambang CDW Federation. Kabilang sa mga naging panauhing pandangal at tagapagsalita si SK Federation President Marianne Cheska Dulay.

 

 

3. Information Security Policy ng LGU, Tinalakay sa TWG Meeting

 

Noong April 24, pinulong ng ICT Office ang lahat ng miyembro ng IT Technical Working Group upang talakayin ang 'Information Security Policy' ng LGU. Layunin ng pulong na paigtingin ang kakayahan ng mga opisina sa pagharap sa mga hamon ng makabagong teknolohiya, lalo na pagdating sa seguridad ng datos na nakakalap ng LGU o mga impormasyong nagmumula rito.

 

 

4. IQA Team Post-Audit Meeting, Ginanap

 

Noong April 22, nagsagawa ang Internal Quality Audit Team ng LGU ng isang post-audit meeting upang pagtuunan ng pansin kung paano lalong mapapaigting ang mga proseso sa trabaho, hindi lamang upang masunod ang pamantayan, kundi upang patuloy na maitaas ang antas ng serbisyo publiko sa Bayambang. Kasama rin sa mga deliberasyon ang mga estratehiya para sa mga susunod na internal quality audit at ang mga kinakailangang training upang lalo pang hasain ang kakayahan ng IQA Team.

 

 

5. PESO, May Special Recruitment Activity Muli

 

Noong Abril 22 at 23, nagsagawa ng dalawang special recruitment activity ang PESO-Bayambang katuwang ang Aquavir International at Sutherland para sa paghahanap ng mga aplikante sa trabaho. Ang aktibidad ay may 69 registered applicants at 22 interviewees.

 

 

6. Pagbilad ng mga Ani at Pagpark sa mga Daan at Sidewalk, Mariing Ipagbabawal!

 

Ang Bayambang Public Safety Office at PNP-Bayambang ay nag-inspeksyon sa mga daan sa iba't-ibang barangay sa tulong ng mga barangay official matapos magrequest ang Department of Public Works and Highways sa LGU na mariing ipagbawal ang pagpapaaraw ng kanilang mga ani at pagpark ng mga sasakyan sa mga daan at sidewalk dahil labag ito sa batas at upang maiwasan ang aksidente sa mga motorista. Inaabisuhan ang lahat na mahigpit na sundin ang naturang batas.

 

 

7. DOH, Bumisita upang Imonitor ang Nutrition Program ni PBBM

 

Noong April 24, dumalaw ang Department of Health - Center for Health Development - Region I sa tanggapan ni Mayor Niña upang imonitor ang implementasyon ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Program (PMNP) ng Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa Bayambang na may pondong P772,000 noong nakaraang taon. Ipinakita ng Municipal Health Office kasama ang Municipal Nutrition Action Office sa DOH ang mga pinaglaanan ng nasabing pondo kabilang ang Lactation Management Education Training para sa mga health at nutrition worker at training para sa lahat ng miyembro ng Nutrition Support Group.

 

 

8. Komprehensibong Serbisyo sa Bayan - Year 8, Sinimulan sa Idong

 

Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay nasa ikawalong taon na, at ang unang bugso ng mga serbisyo ng Munisipyo ay dinala sa Idong-Inanlorenza Elementary School sa Brgy. Idong. Ang KSB ay muling pinamunuan ni RHU III head, Dr. Roland Agbuya, sa taong ito. Daan-daang residente ng Brgy. Idong, Inanlorenza, at Sanlibo ang nag-avail ng iba't ibang serbisyong medikal at non-medical, at sila tinatayang nakatipid ng libu-libong piso.

 

***

 

It's Trivia Time!

 

Alam ba ninyo na noong April 5, iprinoklama ang mahigit apat-na-raang taong simbahan ng San Vicente Ferrer sa Bayambang bilang isang Archdiocesan Shrine ng Lingayen-Dagupan? Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, na siyang nagproklama, ito ay dahil sa kalumaan at kagandahan ng simbahan, at malalim na debosyon ng mga mananampalataya sa parokyang ito. Ang simbahan, na ngayon ay tinatawag na Santuario de San Vicente Ferrer, ang siyang pinakalumang simbahan sa buong Pilipinas kung saan patron ang naturang santo.

 

Dati na itong itinuturing noon na national shrine, ngunit dahil walang makitang dokumentasyon, kinailangan itong dumaan sa mahabang proseso ng aplikasyon upang makamit ang opisyal na deklarasyon.

 

Sa pagiging archdiocesan shrine ng St. Vincent Ferrer parish church, inaasahan ang lalong pagdami ng deboto na bumibisita rito, pati na rin sa St. Vincent Ferrer Prayer Park, kaya't malaking bagay ito sa industriya ng turismo ng ating bayan.

 

 

***

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, _________________.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _________, mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 

 

 

 

 

 

Monday, April 21, 2025

Trivia: MPDC

In terms of land area, which barangay is the biggest in Bayambang? Answer: San Gabriel 2nd - 1,963.74 ha

Wednesday, April 16, 2025

Trivia: MSWDO 2

It's Trivia Time!

Alam ba ninyo kung ano ang SLP?

Ang SLP ay ang Sustainable Livelihood Program, isang inisyatiba ng gobyerno ng Pilipinas na idinisenyo upang bigyang kapangyarihan ang mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang sosyo-ekonomikong kondisyon.

Nakatuon ito sa pagbuo ng mga kakayahan sa kabuhayan sa pamamagitan ng iba't ibang interbensyon tulad ng pagsasanay upang magkaroon ng angkop na skills set, suporta sa micro-enterprise, at pagpapadali sa trabaho.

Ang programa ay naglalayon na tulungan ang mga benepisyaryo na bumuo ng mga micro-enterprise na nagbibigay ng kita o magkaroon ng access sa mga oportunidad sa trabaho.

At alam mo ba? Mula taong 2023 hanggang 2024, mayroong 50 SLP Associations na nabuo ang DSWD, at 490 indibidwal ang nabigyan ng karagdagan at panimulang puhunan para sa kanilang mga napiling negosyo.

[DELETE MUNA DUE TO DELAYED INFO: na may kabuuaang halaga na ____________________.]

Sila ay sumailalim sa social preparation process upang ma-assess ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo at patuloy na minomonitor sa loob ng limang taon. 

Monday Report – April 21, 2025

 

 

Monday Report – April 21, 2025

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Sheina Mae Ursua Gravidez mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office.

 

Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 

Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 

Ito ang…. BayambangueNews!

 

***

 

Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

1. 2nd Quarter Execom Meeting, Pinangunahan ni Mayor Niña

 

Noong April 10, pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang isang Executive Committee Meeting para sa second quarter ng taon sa Mayor's Conference Room. Kasama ang mga concerned department head, kanyang kinumusta ang lahat ng naglalakihang proyekto sa bayan kabilang ang apat na gusali ng LGU sa Magsaysay, National Irrigation Authority pumping station, Nalsian Cold Storage, Swine Project, Central Terminal, Septage and Sewerage Project, at marami pang iba.

 

 

2. Gov. Guico, Nagdonate ng 100 Micromatic Umbrellas; BM Baniqued, Nagdonate ng 100 Monobloc Chairs

 

Si Governor Ramon Guico III ay nagdonate ng isang daang micromatic umbrella sa mga public market vendors, at si 3rd District Board Member, Dra. Shiela Baniqued, ay nagdonate naman ng isang daang monobloc chair para sa mga magsasaka. Ang mga donasyon ay tinanggap ng Municipal Administrator at Municipal Agriculture Office. Ang mga public market vendor at magsasaka ng Bayambang ay nagpapasalamat kina Gov. Monmon at BM Baniqued.

 

 

3. Municipal Team, Muling Nagvalidate para sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas

 

Noong April 14 hanggang 16, nagsagawa ng validation at assessment activity ang Municipal Validation and Assessment Task Team sa iba't ibang barangay para sa unang quarter ng taon. Ito ay upang suriin at tiyakin kung maayos na naipatutupad ng mga barangay ang Road Clearing Operations, HAPAG o Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays, sa ilalim ng "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.

 

 

4. Mayor Niña, Pinulong ang MDRRM Council

 

Noong April 10, pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang second quarter meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bayambang sa tulong ng MDRRMO. Kabilang sa mga tinalakay ang rebisyon ng Local DRRM Fund para sa taong 2025, gayundin ang pag-apruba ng resolusyon sa paggamit ng Trust Fund na inaasahang magpapabilis sa implementasyon ng mga proyekto para sa disaster preparedness.

 

 

5. Liga ng mga Barangay, Nagpulong

 

Noong April 15, ang mga Punong Barangay at Barangay Kagawad ay pinulong sa SB Session Hall. Sila ay pinaalalahanan ng bagong COMELEC Officer na si Reina Corazon Ferrer ng mga dapat tandaan sa panahon ng kampanya at eleksyon. Nagpaalala naman si MLGOO Editha Soriano ukol sa mga requirements gaya ng implementasyon ng Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, ARTA, Citizen's Charter, at Tax Ordinance.

 

 

6. Agriculture Office, Nagbigay ng Libreng Soil Fertility Management Training

 

Noong April 15, ang Municipal Agriculture Office ay nagbigay ng libreng Soil Fertility Management Training sa ilalim ng Organic Banner nito sa Brgy. Banaban para sa mga miyembro ng Gabay sa Bagong Pag-asa Cluster. Ang mga resource speaker ay nagmula sa DA Field Office 1, at kanilang tinalakay ang mga paksa ukol sa organikong pag-aalaga ng lupa. Ayon sa MAO, ang malusog na lupa ay numero unong dahilan para umani at kumita ng mas malaki.

 

 

7. COA Exit Conference, Ginanap

 

Noong April 16, ang Commission on Audit ay nagsagawa ng isang exit conference bilang parte ng preparasyon sa Annual Audit Report ng ahensya para sa lahat ng transaksyon ng LGU sa Calendar Year 2024, kabilang ang Philippine Rural Development Project. Tinalakay sa exit conference ang kanilang audit observations at recommendations at ang implementasyon ng audit recommendations sa nakaraang taon.

 

 

8. Oplan Semana Santa, Matagumpay na Naimplementa

 

Sa direktiba ni Mayor Niña, naging alerto ang buong Municipal Peace and Order Council upang masiguro na tahimik at payapa ang paggunita ng Semana Santa sa apat na simbahang Katolika sa Bayambang. Nagtulung-tulong ang PNP, BFP, BPSO, MDRRMO, RHU, force multipliers mula sa pribadong sektor, at mga barangay official upang mapanatiling maayos ang takbo ng mga tradisyunal na aktibidad sa Mahal na Araw, at maigabay ng maayos ang mga turista at umuwing bakasyunista.

 

 

9. Pabatid sa Publiko: Mag-Ingat sa mga Pekeng Account ni Mayor Niña!

 

Samantala, mahigpit na pinapayuhan ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga Facebook account na nagpapanggap na pagmamay-ari ni Mayor Niña Jose Quiambao. Nag-iisa lamang po ang kanyang opisyal na Facebook page, kaya't tiyakin muna na mayroong blue badge ang page at magsagawa ng background check upang mapatunayan ang pagiging lehitimo ng isang account o page. Ang ilang pekeng account ay ginagamit sa panloloko at maaaring malagay sa panganib ang inyong personal na impormasyon.

 

Maraming salamat po.

 

***

 

It's Trivia Time!

 

Alam ba ninyo kung ano ang SLP?

 

Ang SLP ay ang Sustainable Livelihood Program, isang inisyatiba ng gobyerno ng Pilipinas na idinisenyo upang bigyang kapangyarihan ang mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang sosyo-ekonomikong kondisyon.

 

Nakatuon ito sa pagbuo ng mga kakayahan sa kabuhayan sa pamamagitan ng iba't ibang interbensyon tulad ng pagsasanay upang magkaroon ng angkop na skills set, suporta sa micro-enterprise, at pagpapadali sa trabaho.

 

Ang programa ay naglalayon na tulungan ang mga benepisyaryo na bumuo ng mga micro-enterprise na nagbibigay ng kita o magkaroon ng access sa mga oportunidad sa trabaho.

 

At alam mo ba? Mula taong 2023 hanggang 2024, mayroong 50 SLP Associations na nabuo ang DSWD, at 490 indibidwal ang nabigyan ng karagdagan at panimulang puhunan para sa kanilang mga napiling negosyo.

 

[DELETE MUNA DUE TO DELAYED INFO: na may kabuuaang halaga na ____________________.]

 

Sila ay sumailalim sa social preparation process upang ma-assess ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo at patuloy na minomonitor sa loob ng limang taon.

 

***

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Sheina Mae Ursua Gravidez mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 

 

Pangasinan Synonyms for "Eat" are Too Plenty to Ignore

Pangasinan Synonyms for "Eat" are Too Plenty to Ignore

(New linguistic evidence shows Pangasinan is indeed a gustatory powerhouse.)

In the Pangasinan folk song, "No Siak so Mangaro," the closing stanza goes this way:

No kumon agi ta
Limon kan kakanen
Iyan ta kad nguroy dilak
Ya pantulin-tulinen
Ag ta ka gatgaten
Ag ta ka akmunen
Iyan ta kad nguroy dilak
Ya amamayuen

Translated, it means: "If only, dear, you were a lemon, I would put you at the tip of my tongue and roll you there again and again. I wouldn't chew you, I wouldn't swallow you, I would just place you at the tip of my tongue, there to be leisurely savored."

From this song alone lies a good proof that Pangasinenses have a peculiar way with their mouth and their tongue, and particularly with their mouthfeel.

In fact, the number of synonyms for the word "eat" bears this out, as they are particularly numerous.

Pangasinan Synonyms for Eat

akan - kainin (Tagalog); eat

mangan - to eat

kanen - eat

kulitam - eat on the side or at odd hours outside mealtimes?

tawayan - tikman; taste or sample

akmon, atmon - lunok, lulon; swallow, wolf down

aglon - ?

bikler - swallow forcefully (with a glottal force)

tuklab - singa buwayá no ungkëtkët

tangal - to carry something whole with one's mouth

bangál - singa itangal na aso

lablab - ?

gatgat - nguya; chew

kutib - bite a tiny amount; a tiny bite

ngalngal - to chew forcefully

kabkab - kagatin ng malaki; to bite in big chunks

kutlab - to make a big bite

kusab - same as kutlab?

ketket - kagat; bite

ketleb - kagatin ng maliliit; to bite in little pieces

sibasib - to sip and swallow forcefully?

nutnot - to suck at something for its fluid, as in a baby sucking at its mother's breast or its thumb

itamukal, isamukal - isubo nang nakabukas ang bunganga ng todo; to stuff in one's mouth while the mouth is open wide

ikamumos - similar to itamukal

inalimugos- grab and eat it all at once

dildil/dildilan - dila-dilaan; to lick or loll repeatedly; cf. Ilocano dilpatan - to slide one's tongue on something very quickly

tangek - tungga (ng tubig); drink forcefully

inom - drink

ikamot, isubó - isúbô; to bring or convey into one's mouth

dilamot, silamot - to lick continuously with relish

ilop - higop; slurp

langgop - higop; slurp

ngatingat - to munch on something or to eat constantly

supsop - sipsip; to suck at something forcefully as in a snail

buag, buwág - eat (vulgar usage?)

mulmol - to keep inside one's mouth, as in a candy, leisurely sucking at it ever so slightly

ngatngat - gnaw

ngitangit - eat snack?

uus, us-os - refers to how to consume sugarcane sticks: take a big bite, chew, sip the juice, and spit out the pulp

ngasab - to bite a large piece

timtim, timtiman - to taste-test a tiny portion of food

anan - papak, papakin; to eat a dish or viand without the usual accompaniment of rice

baknot - to suck vigorously. Example: "Baknot mo tay ubak odino baog."

ngasngas - to eat with much crushing and cracking sound, as when eating tulapo or sitsaron (chitterling)

ngutngot - to suck at fibrous food with some parts that are hard or inedible, as in to suck a mango seed or beef bone clean

manbuwabo'y sungot (or sangi) ton lanang - literally, "one's mouth is constantly seesawing"; idiom for matakaw or kain ng kain (voracious or always eating)

kutim-kutimën - to nibble

amamayoen - idiomatically, to play with one's mouth or tongue as with a piece of candy

kusimat - to search for food

kalitong, kalintong - to go to the kitchen in search of food at odd or unholy hours

kasiwa - same as kalitong?

Terms for makikain sa handaan (partake in a feast) are midadoy, mibangaw, mibagkong, miponsya, miangot, mikan, miakan, mipangan, mibuag... Mibansal (makikikasalan), mibinyag (makikibinyag), mirasal (makikipadasal) are often euphemisms for the same.

A curious expression is panangan badong (eating Badong-style), which means "kakainin kung ano ang inihain" or "di mapili sa pagkain" or "to eat contentedly what is available or what is served on the table, to not complain about it."

Mantikap is a term to describe a mouth that makes unwanted sound when eating (like that of a pig).

Other words and expressions for (or related to) masiba (matakaw, voracious, greedy, gluttonous) include alsab, maesek, ponsyano/ponsyana, abutiktik, abutit, walay betsin na sangi to, impatiyaryar ya panangan ya singa anggapo lay nabwas, wala'y mantika (odino taba) ed sangi to, maong ya impampangal, buwakag, atamukal so sangi ton naynay, aga naluksoy pusa so nansabitan to, imbuti'y ebet ya panangan, agaylay siba to -- inlaem to la anggad nabwas, anggapo'y atilak ed kaldero pati galor naupot -- asiket angga'd say sabaw, singa impan-eges na baboy, inalibok toy panangan ya singa nalalagaan, abutaw so kaldero, apigar so kaldero, aputer so aklo (idiomatic expression for "naubos and nilutong kanin"), sinalikop to ira'y panangan ya singa no nauputan, ngalngali mapetatan ed pesel to, anggad beklew so pesel to, alusbo so panangan ed plato to ya singa palandey, diad totoon masisiba, onkaida so kaldero angga'd say talyasi, anak na kutsara, lupa'y _____ (e.g. baaw), eras (patay-gutom in Tagalog), abigot, bakag, singa manpapakulang, maong ya mangan (a euphemism), singa ag napepesel.

The foregoing is consistent with the particularly numerous terms for taste, aroma or smell, and texture in the Pangasinan language.

Based on these pieces of verbal evidence alone, Pangasinan could be the true gustatory center of Philippine cuisine. Or at the least, they indicate that Pangasinenses truly love to eat.

Glossary contributors: Resty S. Odon, Melchor Orpilla, Efren Abulencia, Virginia Jasmin Pasalo, Arabela Ventenilla Arcinue, Joseph Anthony Quinto, Jona Marie Camagay-Calima, Isidora Francisco Axell, Jojie Yden Torrado

Wednesday, April 9, 2025

New old words heard

akatuyaab - nakabukas lang?

intamukal - isinubo ng malakihan

amalawitwit - hanging severally?

agto amantaan - di niya namamalayan?

lasin baleg - bully? 

mannelnab - bumasa

manumey - tumutulo

pakemkem - pakimkim; a little cash gift that a godparent inserts surreptitiously into the palm of his or her godchild

panimangmang - refers to a rest period right after waking up

makapasulag vs makapapasnok

"Aga Makalarak," "Aga Makatanem," and Other Local Beliefs in Some Cosmic Disabilities


"Aga Makalarak," "Aga Makatanem," and Other Local Beliefs in Some Cosmic Disabilities

In Bayambang and most probably the rest of the Pangasinan-speaking world, a popular expression goes, "Ay agi, agka makalarak!" Translated, it means, "Oh no, you can't produce oil (from coconut)!"

It is just one among many similar beliefs or superstitions which assert that someone is unable to perform a task with the desired outcome no matter what he or she does. For some mysterious reason, that person consistently fails at it, even with repeated attempts, thus the conclusion about his or her 'disability.' 

For this purpose, someone is dubbed "aga makakatli," "aga makaburo," "aga makabinuburan," "aga makapelag," "aga makalarak," "aga makatanem," etc. and is thus routinely prevented from doing such a task lest he or she fails again and again.

For example, someone who is "aga makalarak" or cannot render oil from coconuts for reasons not of his or her own doing is told never to render coconut oil again and even prevented from getting near such an otherwise innocuous activity in the kitchen, for fear that no coconut oil would be produced, or only a little of it would be rendered.

"Aga makatanem" (can't keep a plant alive even if his life depended on it) is the reverse of that foreign belief that someone is just born with a green thumb. i.e., someone is born to kill every creature he or she attempts to plant. 

"Aga makakatli" means unable to cut (hair) properly no matter the knowledge and training.

"Aga makaburo" means unable to make buro like fermented fish properly.

"Aga makabinuburan" means unable to produce binuburan (fermented rice) right.

"Aga makapelag" means someone unable to cook ampalaya (bitter gourd) without ruining the dish due to excessive bitterness. 

"Aga makaaklo" refers to someone who, when ladling rice or any dish from the kettle to the serving plate, ends up with diners going hungry, unsatisfied, or wanting for more. 

In some households, there are members who are tagged as being "aga makaluto'y luko" or unable to cook gabi (taro) leaves or tubers because the end product will end up too itchy to be edible.

And so on.

This practice may come off too amusing to outsiders, but locals firmly believe in such seemingly natural negative traits of certain individuals even in the absence of a plausible scientific explanation.

Sources: Vernaliza M. Ferrer, Khim Ambrie L. Ballesteros, Resty S. Odon

Monday Report – April 14, 2025

 

Monday Report – April 14, 2025

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Zarah Jane Z. Redrino.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Jay-r S. Abalos, at kami po ay mula sa Municipal Planning and Development Office.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

1. SK, Nagdaos ng Fire Safety at Prevention Seminar

Noong March 21, nagdaos ang Sangguniang Kabataan ng Bayambang ng isang Fire Safety and Prevention Training-Seminar sa tulong ng mga fire marshal ng Bayambang Fire Station. Ito ay upang pataasin ang kaalaman at pag-ibayuhin ang kasanayan ng mga SK Chairperson sa pagtugon sa mga sunog at pagbibigay ng tulong sa kanilang mga ka-barangay.

2. Bb. Bayambang Candidates, Nakiisa sa Blood Drive

Ang mga Bb. Bayambang 2025 candidate ay nakiisa sa blood donation drive sa Barangay Beleng Covered Court noong March 24. May 107 na rehistradong donor, at 74 sa kanila ang matagumpay na nakapagdonate ng dugo. Ito ay naging posible sa pagtutulungan ng LGU, Municipal Health Office, Philippine Red Cross, Beleng Barangay Council, at Bb. Bayambang Foundation.

3. LCR, Muling Nagbigay ng Libreng Birth Certificates

Nagpatuloy ang Local Civil Registrar sa pagbibigay ng libreng Delayed Registration of Birth sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority bilang bahagi ng "Birth Registration Assistance Project" ng ahensya. Noong March 12-13, nagtungo sila sa Barangay Telbang, Buayaen, at Pantol sa at nagbigay ng libreng birth certificate in security paper sa 16 na residente.

‎4. ‘Feeding Angels,’ Muling Namahagi ng Food Packs

Ang Feeding Angels of Bayambang, sa tulong ng Nutrition Office, ay nagdaos ng kanilang ika-apat na feeding activity noong March 22. Sila ay naglibot sa walong barangay upang magpamahagi ng mga food pack, merienda, at laruan sa may 100 indigent at 99 undernourished na kabataan.

 5. IQA Team ng LGU, Nagsagawa ng Internal Quality Audit

Sa utos ni Mayor Niña Jose-Quiambao, isinagawa ng Internal Quality Audit (IQA) team ang kanilang 2nd semester audit upang tiyakin ang pagsunod ng lahat ng departamento ng LGU sa ISO 9001:2015 Quality Management System. Kabilang sa nag-audit ang mga bagong miyembro ng team na dumaan sa training at pagsusulit. Natapos ang audit sa isang closing meeting noong March 25 kung saan isa-isang inilatag ang findings at tinanggap ang feedback mula sa mga opisina.

6. Ukay for a Cause, Muling Nakalikom ng Pondo para sa Pabahay

Isa na namang live selling ang isinagawa noong March 25 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women's Month. Ang inisyatibong ito ni Mayor Niña Jose-Quiambao ay nagtampok ng mga branded na damit, bags, at luxury items mula sa generous donors, kabilang ang mga sikat na personalidad. Ang nalikom na pondo ay nakatulong sa pagbibigay ng mas ligtas at maayos na tirahan para sa mga nangangailangan.

7. Solid Waste Management Board, Nagpulong

Sa unang quarterly meeting ng Municipal Solid Waste Management Board noong March 27, tinalakay ang mga programa at aktibidad kabilang ang final disposal ng residual wastes, hazardous waste management, recyclable wastes, at soil ameliorant production. Ipinakilala rin ang SWEEP o Solid Waste Education and Enforcement Program ng DENR upang mapahusay ang tamang pamamahala ng basura.

8. Mayor Niña, Naghandog ng Women’s Essentials

Bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng National Women’s Month, naghandog si Mayor Niña Jose-Quiambao ng women’s essentials noong March 26. Sa tulong ng MSWDO, ipinamahagi ang mga hygiene at self-care item sa mga kababaihan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, sa public market, at sa mga paaralan. Sa inisyatibang ito, naiparamdam ang pagpapahalaga sa mga kababaihan, lalo na sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa personal care.

9. Pre-bidding Conference, Isinagawa para sa 2 Mega-Projects

Noong March 26, nagsagawa ng isang pre-bidding conference ang Special Bids and Awards Committee (SBAC) para sa dalawang naglalakihang infrastructure projects sa Bayambang sa ilalim ng Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project Scale-up: ang Road Opening at Concreting ng San Gabriel II-Pantol Farm-to-Market Road at ang konstruksyon ng Bayambang Onion Cold Storage sa Nalsian Norte. Dito ay ipinaliwanag ang mga teknikal na alituntunin, kinakailangang dokumento, at mga pamantayan ng bidding, upang tiyakin na ang proseso ng bidding ay alinsunod sa Procurement Act at upang mapanatili ang patas at transparent na pagpili ng contractor.

10. Social Pension ng Seniors, Ipinamahagi

Ang MSWDO ay nagpamahagi ng social pension sa mga senior citizen para sa first quarter ng taon sa loob ng tatlong araw noong March 26 hanggang March 28 sa magkakahiwalay na venue. Dahil sa simultaneous distribution sa iba’t ibang distrito, mas napadali ang distribusyon ng nasabing social pension.

11. Free Events Management Classes, Nag-umpisa Na

Noong March 27, nagsimula ang unang klase ng unang batch ng mga scholar sa libreng Events Management Course NC-III. Ito ay hatid ng Gintong Aral Skills Development Academy at HERO Strategies Consulting sa Zone VII Covered Court.

12. Senior Citizens at PWDs, Natuto sa Fire Prevention

Noong March 27, ang Municipal Fire Station ay nagsagawa ng information drive para sa mga senior citizen at persons with disability, upang itaas ang kanilang kamalayan sa fire safety. Sa culminating activity na ito para sa Fire Prevention Month, tiniyak ng BFP na walang maiiwang sektor pagdating sa kamalayan sa kaligtasan sa sunog. Namigay rin ang BFP ng fire safety brochures sa mga kalahok.

13. RHU I, Pasok sa Most PhilHealth-Compliant sa Pangasinan

Noong March 20, ang Rural Health Unit I ng Bayambang ay kinilala ng PhilHealth bilang isa sa 12 na pinaka-compliant RHUs sa Central Pangasinan pagdating sa pagsunod sa Electronic Member Registration and Records Amendment Process (EMRRA) Policies and Guidelines ng PhilHealth. Sa pangunguna ni Jan Michael J. Garcia, matagumpay nila itong nakamit upang mas maraming Bayambangueño na wala pang PhilHealth account ang maaaring ma-enroll nang libre, alinsunod sa Universal Health Care policy ng gobyerno.

14. LGU Offices, Nagpresenta ng Management Report

Noong April 8, isang review meeting ang ginanap para sa management report ng bawat opisina ng LGU kaugnay ng compliance sa ISO standards. Ito ay dinaluhan ni Mayor Niña upang ma-address ang ibat ibang isyu. Sinuri naman ng Internal Quality Audit team ang mga nagawang inisyatibo, at tinukoy kung paano pa mas lalong mapapabuti ang serbisyo ng bawat departamento.

15. Mga Inirereklamong Daan, Inayos Na

Ilan sa mga nakitang bitak-bitak at baku-bakung daan ay inayos na, matapos makipagcoordinate ang LGU sa Pangasinan Engineering Office. Noong April 8 hanggang April 10, ang naturang tanggapan ay nagsagawa ng asphalt overlaying sa Quezon Blvd., Burgos St., Bonifacio St., at Juan Luna St.    


***

It’s Trivia Time!

 

Alam niyo ba na may mga mandated plans na dapat i-comply ang LGU, at ang Opisina ng MPDC ang lead office na gumagawa ng karamihan sa mga ito?

 

[NOTE TO MIKE: FLASH ONSCREEN: Section 106 ng Republic Act No. 7160]

 

Ang Section 106 ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991 ay naglalayon sa lahat ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng multi-sektor na plano sa pag unlad.

 

Ang Comprehensive Land Use Plan - (CLUP) ay siyam na taong plano na nagtatakda ng mga alituntunin para sa paggamit at pamamahala ng lupa. Layunin nito na masiguro ang wastong paggamit ng mga lupain alinsunod sa mga pangangailangan at layunin ng komunidad, kasama na ang pag-unlad ng mga lugar at mga patakarang pangkapaligiran.

 

Ito ay iba pa sa CDP o ang Comprehensive Development Plan – (CDP). Ang CDP ay anim na taong plano na naglalaman ng mga estratehiya, layunin, at patakaran para sa pangkalahatang pag-unlad ng isang lungsod o munisipalidad. Nakatuon ito sa mga aspeto tulad ng ekonomiya, imprastruktura, at serbisyong panlipunan sa loob ng isang tiyak na panahon.

 

Ang Executive-Legislative Agenda (ELA) naman ay tatlong taong plano na nag-uugnay sa mga layunin ng ehekutibo at lehislatibo sa isang lokal na gobyerno. Binubuo ito ng mga lokal na halal na opisyal at naglalayong isulong ang mga proyekto at programa na sumusuporta sa mga layunin ng pamahalaan. Pinapadali nito ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang sangay ng LGU.

 

Ang Local Development Investment Plan (LDIP) ay ang pangunahing dokumento para sa pagpapatupad ng CDP at ELA. Isinasalin nito ang mga layunin ng CDP at ELA sa mga konkretong proyekto at aktibidad na may kasamang badyet. Nakatuon ito sa mga prayoridad na proyekto na dapat pondohan ng LGU.

 

Ang Annual Investment Program (AIP) ay isang bahagi ng plano na naglalarawan ng mga taunang kinakailangan sa yaman para sa lahat ng proyekto at programa ng lokal na pamahalaan. Naglalaman ito ng mga alokasyon para sa mga gastusin at pagpapatupad ng mga proyekto sa loob ng isang taon.

 

Nalito na ba kayo? Ganito na lang:

 

Ang CDP ay mas malawak at nakatuon sa pangkalahatang pag-unlad, habang ang CLUP ay nakatutok sa paggamit ng lupa.

 

Ang ELA ay nakatuon sa pagkakaisa ng mga layunin ng ehekutibo at lehislatibo, samantalang

ang LDIP ay tumututok sa mga kongkretong proyekto para sa pagpapatupad ng CDP at ELA.

 

Ang AIP ay isang taunang plano na naglalaman ng mga pondo para sa mga proyekto na nakapaloob sa LDIP.

Sa bayan ng Bayambang, ang mga planong ito ay dapat ding naka-angkla sa 10-year Bayambang Poverty Reduction Action Plan na binalangkas ng LGU noong bilang bibliya ng ating ongoing na Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

Tulad din ng nakasaad sa parehong batas, ang mga nabanggit na plano at mga programang pamumuhunan ay dapat na nakahanay sa mga plano at mga programang pamumuhunan ng mas mataas na antas ng LGUs, probinsiya, rehiyon, pati na rin ng pambansang gobyerno at ng Sustainable Development Goals ng United Nations, upang mapabuti ang paggamit ng mga yaman at maiwasan ang pag-uulit sa paggamit ng mga piskal at pisikal na yaman.

Bilang karagdagan dito, narito ang listahan ng iba pang mga plano sa pag-unlad at ang mga responsableng opisina sa paggawa ng mga ito.

[NOTE TO MIKE: SCROLL DOWN NA LANG instead of reading it.]

OTHER MANDATED PLANS AND SECTORAL/THEMATIC PLANS

LEAD OFFICE/S

1. Action Plan for the Protection of Children

MSWDO

2. Agri-Fishery Mechanization Plan

MAO

3. Annual Culture and the Arts Plan

MTICAO

4. Anti-Poverty Reduction Plan

BPRAT

5. Local Disaster Risk Reduction and Management Plan

MDRRMO

6. Gender and Development Plan

MSWDO

7. Local Tourism Development Plan

MTICAO

8. Solid Waste Management Plan

ESWMO

9. Plan for PWDs

MSWDO

10.Local Climate Change Action Plan

MDRRMO

11. Peace and Order Public Safety Plan

DILG

12. Devolution Transition Plan

MPDO

13. Local Roads Network Development Plan

MEO

14.Public Service Continuity Plan

MDRRMO/ICT

15. Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan

MPDO

16. Nutrition Action Plan

MNAO

17. ICT Plan

ICT

18. Local Shelter Plan

MPDO

19. Plan for the Elderly

MSWDO

20. Plan for Health and Family Planning

RHU

21. Capacity Development Agenda/HRMD Plan

HRMO

22. Local Public Transportation Route Plan

MPDO

23. Tricycle Route Plan

MPDO

24. Workforce Development Plan

PESO

 


[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Zarah Jane Z. Redrino.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Jay-r S. Abalos, mula sa Municipal Planning and Development Office.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!