Monday, October 25, 2021

Our Safety, Our Shared Responsibility

(Best Practices in Capacitating Urban Communities for Peace and Development)

Real heroes are those who protect the safety not just of themselves and their family, but also that of the community. Thus, shared responsibility must be instilled among the townspeople in order for peace and safety to prevail in the municipality.

Capacitating Urban Communities for Peace and Development (CUCPD) means more than just preventing criminality and the rise of communist groups, it requires a more holistic approach such that the roots of the problem are solved so that we can break the dangerous cycle of breeding and pushing individuals into joining organizations that disrupt peace and order in the country. Thus, the Local Government Unit of Bayambang is aiming to improve the general well-being and uplift the quality of lives of the people by implementing the programs, projects, and activities which are all part of the ultimate goal of eradicating the root cause of criminality and even terrorism: poverty.

Equipping the people with ample knowledge and resources is a top priority in this goal. For this, the Office of the Municipal Assessor heads the delineation of military reservations wherein residents whose properties are affected in the inventory of informal settlers in five (5) barangays are informed of their situation and the ways in which the LGU can help them claim the land legally. Farmers from urban barangays who have claims on the more than 2,000-hectare land in the Mangabul reservation shall also be the beneficiaries in the distribution of land titles once the municipality succeeds in the conversion of the land to from forest reservation to alienable and disposable land. LGU-Bayambang is pushing for this development as this will be a well-deserved years-in-the-making win for the community.

Dialogues, information and education campaigns, and the establishment of people’s organizations are also being conducted. This way, the people are equipped and empowered, and the relationship between the public and the private sectors is further strengthened. People’s organizations and Civil Society Organizations have been instrumental in empowering the people with housing projects, classroom constructions, outreach programs, gift-giving activities, and other such initiatives that boost the morale and encourage unity amongst the community. The creation of a Technical Working Committee that will focus on the rights of families who have long settled in untitled lands is also underway with the finalization of an Executive Order following the series of meetings done with its members.

To top off the efforts of the LGU, the Urban Poor Summit and Workshop will be held on December 2021 with the theme “Karapatan ng May-Ari ng Lupa, Karapatan ng Nakatira sa Lupa, Tungkulin ng Gobyerno.” This will focus on taking care of the rights of the residents in order for them to be more productive and empowered members of the society. Farmers’ associations, religious communities, women, informal settlers, and other members of urban communities will be invited, along with the different offices of the LGU, especially the members of the TWG, for better relationship and discussions regarding the needs of the public and private sectors.

All these efforts are just a part of the grand scheme of the LGU to eradicate poverty and ultimately create a harmonious community in Bayambang, an environment that will not attract criminality, especially unwanted elements with dangerous extremist thoughts that could lure the most vulnerable, especially the idealistic youth.


Sunday, October 24, 2021

More Pangasinan words that are hard to define

Recently heard here and there:

 

nanlatop - wore additional clothes (not necessarily a sweater) on top of one's clothes because it is cold

Example: Nanlatop ak ta ambetel natan. 


manpayegpeg - moving in a flapping way

Manpayegpeg ta'y salim ah. Aburido ka amo?


mauley - having one's hands on things that are not one's own or that one has no right to touch or delve into

Example: Mauley yan masiken. Angano agto anak pibabalian to'y bilay.

 

siluluor - an expression of regret that is similar to "alas"

Example: Siluluor ya linma ak ed SSS. Angapo lamlamang so nalak

 

manpapakulang - compensating for all the food or meals one has not taken but should have

Example: Masiba-siba la ta'y aso natan ta manpapakulang ed sama'y agto impangan na pigaran agew.

 

masipal - bulky or occupying too much space that there's not much leeway for other things

Example: Masipa-sipal met ta'y asaliw mon kabinet.

 

iriir - cannot move properly due to space constraint

Example: Agak la makairiir ed saya'y nairungan ko.


masiba vs alsab bakag, abigot


mangiras vs butaig, ilar


Tuesday, October 12, 2021

LGU Accomplishments for September 2021

GOOD GOVERNANCE

121st Civil Service Anniversary | Umindak para Lumiksi

Sa pagbibigay ng serbisyo publiko, kailangang ang mga kawani ay laging maliksi, kaya kahit man lang sa isang limitadong Zumba session, ito ay maipaalalang muli ng Human Resources Management Office. Kaya't sa pag-oorganisa ni HRMO head Nora Zafra noong September 13 sa Events Center, game na sumali sa hatawan ang mga representate ng kada departamento ng LGU-Bayambang. Siyempre, sinigurong mayroong sapat na social distancing. Nanguna sa indakan ang ilang miyembro ng ZumBayambang. Sa bawat galaw at indayog ay kanilang hinihikayat ang mga kawani na manatiling maliksi upang maging epektibo sa paghatid ng serbisyo publiko.
Ang aktibidad na ito ay isang pakikiisa sa pagdiriwang ng 121st Philippine Civil Service Anniversary, na may temang "Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant Heroes."

Barangay Officials, Nag-Workshop sa Devolution Transition Plan

Dumalo ang mga 77 Punong Barangay, Barangay Kagawad, at ang kanilang Barangay Treasurer, para sa Preparation of the Capacity Development Agenda and Devolution Transition Plan (DTP) Workshop na ginanap noong ika-16 ng Setyembre sa Balon Bayambang Events Center. Sa naturang workshop na inorganisa ng Municipal Local Government Operations Office sa ilalim ni Gng. Royolita Rosario, nag-prepara ang mga barangay officials ng kani-kanilang LGU-DTP bilang parte ng pagsunod sa bagong Mandanas Ruling ng pambansang pamahalaan na naglalayong palawigin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan upang mas mapalawak ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Barangay Annual Budget Forum

Dinaluhan ng mga barangay council’s upang paghandaan ang budget para sa mga proyekto sa kani-kanilang barangay para sa taong 2022.  

Mga empleyado ng munisipyo, tumanggap ng libreng pampering services, prutas, at bitamina
    
Bilang parte ng ika-121 Philippine Civil Service Anniversary. May temang "Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant Heroes,’’ ang selebrasyong ito ay nagbibigay pugay sa mga manggagawa na walang sawang nagbibigay ng serbisyong publiko.

Maraming salamat, Quiambao family!

Quiambao family, muling nag-donate ng gym equipment
Maraming salamat sa pamilya ni Mayor Cezar T. Quiambao sa mga donasyon na bagong kagamitan para sa ating LGU Fitness Center!
   
LEGISLATIVE WORK

SB, Dininig ang Concern ng Piggery Farm at Water Refilling Assoc.
    
Ang Sangguniang Bayan (SB) Committee on Rules at Committee on Land Use and Zoning, sa pangunguna ni Majority Floor Leader, Coun. Amory Junio, ay nagpatawag ng Joint Committee Hearing noong ika-8 ng Setyembre sa SB Session Hall ukol sa Application for Locational Clearance ng isang piggery farm sa Brgy. Caturay at ukol sa concern ng Balon Bayambang Water Refilling Station Association Inc. Naroon sa pagdinig bilang mga consultant ang ilang concerned officials ng LGU. Sa naturang mga pagdinig, nabibigyan ng SB ng gabay ang mga mamamayan ukol sa tamang proseso sa pagnenegosyo, at ang mga problema at hinaing nila ay nagagawan ng agarang solusyon.


2022 LGU Annual Budget, Aprubado na ng SB

Ang deliberasyon ukol sa LGU Annual Budget para sa Fiscal Year 2022 ay dininig ng komite sa ilalim ni Majority Floor Leader, Councilor Amory Junio, noong September 14 sa Sangguniang Bayan Session Hall, at ang naturang annual budget na nagkakahalaga ng P700,645,077 ay inaprubahan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan.  Ang total annual budget ay binubuo ng General Fund na P650,645,077 at Special Economic Enterprise Fund na 50,000,000. Ito ay matapos na maayos na maipaliwanag at maidepensa ng bawat department head ang budget ng kani-kanilang departamento partikular na para sa kanilang mga empleyado, maintenance o overhead costs, at iba pang gastusin ng kanilang kagawaran.
 

Ang ipinasang LGU annual budget ay nakatakdang isumite sa Sangguniang Panlalawigan, at ito naman ay dedepensahan ni Mayor Cezar Quiambao. Makikita sa aktibidad na ito na ang magandang ugnayan sa pagitan sa ehekutibo at lehislatibo ay nagreresulta sa progreso ng bayan.

HEALTH

Occupational First Aid, Itinuro ng Red Cross sa Kabataan
    
Sampung youth leaders ng Bayambang ang natuto ng mga bagong kaalaman sa occupational first aid, sa ginanap na tatlong araw na Occupational First Aid Training sa Royal Mall sa tulong ng Philippine Red Cross, San Carlos Chapter, mula Agosto 25 hanggang 27. Ang training ay inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Bayambang sa ilalim ni SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez. Kasali sa nasabing pagsasanay ang anim na Supreme Student Government officers ng Bayambang National High School at apat na miyembro ng SK Federation. Ito ay parte pa rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan alinsunod sa RA 10742 o SK Reform Law.

Tooth Fluoridization para mga Bata, Pinagpatuloy ng RHU

Sa likod ng lumulobong kaso ng COVID-19 sa ating bayan, kinakailangan pa ring maghatid ng serbisyo para sa mga pangangailangang pangkalusugan, lalo na ng ating mga kabataan. Kaya't kahit malakas pa rin ang banta ng pandemya ay sinisikap ng ating Rural Health Unit na ipagpatuloy ang regular na massive tooth fluoridization program nito. Nitong ika-9 ng Setyembre, ang dental services team ng RHU ay nagtungo sa Brgy. Langiran, Alinggan, at Malimpec upang maghatid ng naturang serbisyo.

KSB Y4, Tuloy sa Amanperez sa Likod ng GCQ
    
Sa kabila ng pagbalik ng bayan sa ilalim ng quarantine status nito na General Community Quarantine with Restrictions ay patuloy pa rin ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga barangay na malalayo sa bayan dahil hindi maaaring ipagpaliban ang pagpapadama sa ating mga kababayan ng uri ng pag-aaruga ng administrasyong Quiambao-Sabangan. Hindi nagpapaawat ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan upang maipaabot ang mga nararapat na serbisyo para sa mga Bayambangueño sa pamamagitan ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (Year 4) sa Bagong Normal -- ngunit siyempre ay mas dinoble pa ang pag-iingat ng lahat. Noong September 10 ay nagtungo ang KSB team sa Brgy. Amanperez Covered Court kung saan ginanap ang naturang programa at hinatiran ang mga residente rito ng iba’t ibang serbisyo, kabilang ang mga taga-Brgy. Tococ East at Tococ West.

Animal Bite Treatment Center Updates

Nitong nakaraaang linggo ay nagtala ang Animal Bite Treatment Center ng RHU 1 ng 21 na bagong kaso ng animal bites, at apat dito ay itinuturing na Category III cases. May 50 na pasyente ang kasalukuyang naggagamot.  At ang Center naman ay nagconduct ng 17 information-education campaign sessions ukol sa rabies at pati na rin sa covid vaccines.
"Please, be responsible pet owners," muling paalala ng ating Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo.

“Dugong Alay, Tulong na Bukal ng mga Bayani sa Bagong Normal”: Mobile Blood Donation Drive

Noong September 20, 2021, naka-kolekta ng 124 bags ng dugo para sa mga nangangailangan.
   
100 Buntis, tumanggap ng food packs

Noong September 21 ay namahagi ang Municipal Nutrition Action Office ng food packs para sa mga buntis na Bayambangueña sa ilalim ng 90 Days Dietary Supplementation Program para masiguro ang pag-iwas sa malnutrisyon ng mga sanggol. Ang 100 na benepisyaryo ay napili base sa nakaayong batayan: nutritionally at-risk o maaaring nagkukulang sa nutrisyon, o at-risk dahil sa edad ng pagbubuntis. Nilalayon ng programa na mapababa ang bilang ng malnourished na buntis at maiwasan ang pagkabansot ng kanilang mga anak.
    
KSB Year 4, Nagtungo sa Brgy. Dusoc

Tulong ng LGU Bayambang sa mga barangay, kahit sa panahon ng pandemya ay 'di nauubos at walang humpay.
    
Mga residente ng Brgy. Dusoc, Brgy. Telbang, at Brgy. Buayaen ang tumanggap ng serbisyo ng munisipyo sa pagpapatuloy ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Bagong Normal. Ang Komprehensibong Serbisyo ang programa ng administrasyong Quiambao-Sabangan na naglalayong ilapit ang munisipyo sa mga barangay upang bawat Bayambangueño ay makatanggap ng serbisyong nararapat.

Serbisyo ng munisipyo, dinala sa Bongato

Pagmamahal ng administrasyong Quiambao-Sabangan, damang-dama sa Komprehensibong Serbisyo sa Bayan

EDUCATION

Tulong ng Sangguniang Kabataan para sa mga estudyante at paaralan

Mga kabataang dapat tularan: Ang SK Council ng iba’t ibang barangay ay nanguna sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga guro at estudyante sa pagbubukas ng bagong akademikong taon ngayong buwan ng Setyembre. Ang inisyatibong ito ay patunay na ang mga kabataang Bayambangueño ay kasama sa pagbabago at kaakibat ng Lokal na Pamahalaan sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

LIVELIHOOD& EMPLOYMENT

MESO Nag-asiste sa Pay-out ng 60 SPES Beneficiaries
    
Noong September 02, Inasitehan ng Municipal Employment Services Office (MESO) ang pay-out ng 60 kabataang benepisyaryo ng programang SPES o Special Program for Employment of Students ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Events Center.  Layunin ng SPES na magbigay ng kaunting oportunidad sa mga estudyante at out-of-school youth lalo na ngayong panahon ng pandemya at magbigay ng daan upang mahasa rin ang kanilang abilidad sa pagtatrabaho.

Veterinary Team, Nag-Info Drive Kontra Illegal Meat Vendors
    
Ang Municipal Veterinarian at head ng Municipal Slaughterhouse, sampu ng kanyang team, ay nagsagawa ng information dissemination para sa mga Punong Barangay noong ika-7 ng Setyembre ukol sa Executive Order No. 29 na siyang nagreregula sa operasyon ng mga satellite market (talipapa) vendors at frozen meat vendors. Ang E.O. No. 29 ay nagbabawal sa pagtitinda ng karne sa tabi ng kalye o daanan. Ito rin ay nagpapatigil ng pagkatay sa bahay, at nagtatalaga sa Municipal Slaughterhouse bilang nag-iisang opisyal na katayang bayan. Ang E.O. ay nag-ootorisa sa Municipal Veterinarian na si Dr. Joselito Rosario na mag-inspeksiyon ng mga refrigerated delivery van at mag-issue ng meat inspection certificate. Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Office of the Special Economic Enterprise, Treasury at Business Processing and Licensing Section, at Agriculture Office.

Dalawang alagaing Biik, ipinamahagi ng Rotary Club of Bayambang

Bilang tulong ng organisasyon sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng Lokal na Pamahalaan.

Goat Dairy Farm sa Brgy. Mangayao, pinaghahandaan na

Municipal Assessor’s Office, nanguna sa paglalagay ng boundary marker sa lupa na gagamitin para sa proyektong ito na magbibigay kabuhayan sa ilang Bayambangueño

OTHER SOCIAL SERVICES

MSWDO, Nanguna sa GAD, Juvenile Justice, at LCAT-VAWC Meetings
    
Noong nakaraang linggo, naging abala ang Social Welfare and Development Office sa tatlong pagpupulong.

A. GAD Monitoring & Evaluation Meeting

Noong ika-27 ng Agosto, idinaos ang pagtitipon ng Gender and Development (GAD) Monitoring and Evaluation Team sa Municipal Conference Hall sa pangunguna ng GAD Council at MSWDO, kung saan tinalakay ng mga departamento ang estado ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng GAD Plan and Budget 2021. Pinag-usapan din ang GAD Plan and Budget ng bawat opisina sa taong 2022.

B. Juvenile Justice Dialogue 3Q Meeting

Nagtipon sa ikatlong pagkakataon ang mga miyembro ng Juvenile Justice Dialogue noong ika-27 ng Agosto sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ng MSWDO, upang paigtingin ang limang haligi ng juvenile justice system na naglalayong magkaroon ng epektibong juvenile delinquency control at mahusay na pamamahala ng mga kaso kaugnay ng mga Children in Conflict with the Law (CICL), magplano ng mga estratehiya upang masolusyonan ang mga problema ukol sa juvenile delinquency, at itaguyod ang batas sa lahat ng antas pamahalaan upang makamit ang pantay na hustisya para sa lahat, partikular na sa mga kabataan. Dito ay klinaro ni Assistant Provincial Prosecutor, Atty. Emmanuel Laforteza, ang iba't-ibang juvenile justice isyu kasama ang PNP, LYDO, SK, at DOJ.

C. LCAT-VAWC 3Q Meeting

Isinagawa ang ikatlong pagtitipon ng Local Committee on Anti-Trafficking at Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) noong ika-31 ng Agosto sa Municipal Conference Hall, sa pangunguna ng MSWDO. Pinangunahan ni Konsehal Benjie de Vera ang diskusyon ukol sa mga ordinansa na ipinapanukala tulad ng Anti-Bastos Law at Establishment of a VAWC Desk in Every Barangay. Kasama sa nasabing pagpupulong ang mga representante ng RHU, PNP, KALIPI, SB, MESO, at Children’s Welfare.

SK Ambayat 1st, Nag-organisa ng Tree Planting, Clean-up Drive, at Feeding Activity

Sa kabila ng masamang panahon, nagawa pa ring mag-organisa ng tatlong aktibidad ng Sangguniang Kabataan ng Ambayat 1st noong September 12 sa Brgy. Ambayat 1st: ang mag-tree planting, clean-up drive, at feeding activity. Ito ay isang inisyatibo ni Ambayat 1st SK Chairman Renz P. Lucero, at sinuportahan naman ng PNP Bayambang, Xtreme Riders Club Pangasinan Inc., at Bayambang Municipal Association of NGOs.

Iba't Ibang Isyu ng LGBT+ Sector, Tinalakay sa 3Q Meeting

Sa idinaos na ikatlong pagtitipon ng mga miyembro ng LGBT+ sa Events Center noong September 9, tinalakay ang iba’t ibang isyu, katulad ng mga posibleng proyekto na maaaring isagawa ng nasabing grupo. Sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), naging paksa ang profiling of members, SEC at BIR registration, mga posibleng livelihood projects, tulad ng itlugan at bigasan, at iba pang mga concerns.
    
STAC Parents, Tinipon sa Pulong

Isinagawa ang pangalawang pagtitipon ng mga magulang na miyembro ng Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC) noong September 9 sa Aguinaldo Hall, Events Center, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Dito ay napagdesisyonan na hindi muna itutuloy ang hydrotherapy activity dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19. Napag-usapan din ang enrolment ng mga Children with Disabilities (CWDs) sa SPED centers na matatagpuan sa Buayaen at Bayambang Central School, at ang pamamahagi ng mga modules ng mga CWDs na naka-enroll para sa school year na ito. Kasabay ng nasabing pagtitipon ang pamamahagi ng school supplies para sa mga STAC enrollees na inaasahang makatutulong sa kanilang pagsasagot ng mga modules.

23 Day Care Centers at Workers, Sumailalim sa Accreditation

Sumailalim sa accreditation ng DSWD Field Office I ang 23 na Child Daycare Centers (CDCs) at Child Development Workers (CDWs) sa munisipalidad ng Bayambang mula September 13 hanggang 16, sa pakikipagcoordinate sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Sa aktibidad ay sinuri ang mga naipatayong daycare centers, kasama ang mga daycare teachers, upang siguraduhin ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga batang naka-enroll sa mga center.
Bago ang accreditation ay nagsagawa muna ng pre-assessment ang MSWDO sa 23 na target barangays. Natapos ang aktibidad sa isang Exit Conference na ginanap sa Royal Mall noong September 16.


PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

POSO at GSO, May Bagong Service Vehicle
    
Noong ika-6 ng Setyembre, binasbasan ang mga bagong sasakyan na binili ng LGU para sa Public Order and Safety Office at General Services Office. Ang mga sasakyang ito ang pinakahuling paaran ng lokal na pamahalaan upang agarang matulungan ang mga nangangailangan lalo na sa panahon ng sakuna at mabilisang makapagbigay ng iba pang serbisyo publiko.

2Q Accomplishments ng Peace & Order Cluster, Iprinisenta sa 3Q Meeting
    
Sa pag-oorganisa ng Municipal Local Government Operations Office sa ilalim ni Royolita Rosario, pinamunuan ni Vice-Mayor Raul Sabangan ang 3nd quarter meeting ng Peace and Order Cluster ng LGU na ginanap sa Events Center noong ika-8 ng Setyembre bilang kinatawan ng Municipal Peace and Order Council Chairman na si Mayor Quiambao. Dito ay nag-ulat ang mga miyembro ng naturang cluster ng kani-kanilang accomplishment sa 2nd quarter, kabilang ang PNP na tumalakay sa estado ng krimen at pagsawata sa ilegal na droga, Bureau of Fire Protection ukol sa kanilang fire safety operations at iba pang serbisyo bilang force multiplier, at mga kinatawan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ukol naman sa kahandaan at pagresponde sa sakuna. Isinama rin ang latest update ng COVID-19 Task Force at ang update mula sa Road Clearing Task Force.
 

TOURISM, CULTURE & ARTS

MTICAO, inilatag ang 10-year Tourism Development Plan sa 9 Distrito

“Administrasyong Quiambao-Sabangan, todo suporta sa turismo ng bayan”
Malalaking proyekto para sa siyam na distrito ang aabangan upang magbigay ng trabaho at oportunidad sa mga Bayambangueño. Kabilang na rito ang pagpapatayo ng isang 5,000-seating capacity stadium na sisimulan na sa Disyembre ngayong taon.

AGRICULTURAL MODERNIZATION

Soil and Biological Laboratory, inaabangan

Isang long-term na solusyon sa impestasyon ang aabangan ng mga lokal na magsasaka dahil sa pagpapatayo ng Soil and Biological Laboratory malapit sa Manambong Parte Evacuation Center kung saan mamo-monitor ang kondisyon ng lupa para matulungan ang bawat isa na makapag-tanim at ani ng high value crops para sa mas mataas na kita.

Binhi ng mais, ipinamahagi sa mga magsasaka

Mga magsasaka ng district 7, tumanggap ng binhi ng mais mula sa Cord Seeds Assistance Program ng DA-Regional Office 1.

Inland fisheries, sasailalim sa rehabilitasyon

Inland fisheries, sasailalim sa rehabilitasyon upang muling mapakinabangan ng mga mangingisda ng bayan. 

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

Ongoing: Multi-Purpose Hall Extension in Brgy. M.H. Del Pilar

Completed: Multi-Purpose Hall in Brgy. Tanolong

Completed Rehabilitation of Existing Culvert sa Brgy. M.H. Del Pilar

ENVIRONMENTAL PROTECTION

Malinis at ligtas na komunidad, isinusulong ng ESWMO

Malinis at ligtas na komunidad, isinusulong ng ESWMO
Clean-up Drive at information and education campaign, isasagawa ng opisina sa iba’t ibang barangay tuwing Sabado.


DISASTER RESILIENCY

BFP, Tumulong sa Decon Activities
    
Noong September 9, tumulong ang Bureau of Fire Protection sa ilalim ni OIC Fire Marshall SFO3 Randy Fabro sa pagsasagawa ng decontamination at disinfection sa Bagsakan ng Pamilihang Bayan at Tricycle Terminal. Ito ay parte pa rin ng precautionary measures ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bayan.

3Q ONSED 2021

Bawal pa rin ang kumpulan ngayon, kaya't muling nagsagawa ang MRRMO ng Virtual Tabletop Exercise bilang partipasyon sa regular quarterly nationwide exercise na ito, kung saan nakiisa ang iba’t-ibang paaralan at barangay sa Bayambang  para sa 3rd Quarter NSED o  2021 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Mahalaga ang naturang pagsasanay para sa kahandaan ng lahat sakaling magkaroon ng malakas na pagyanig.
    
    
Surpresang hatid para sa tatlumpong partisipante ng 3Q NSED 2021

MDRRMO, namahagi ng COVID-19 disinfectant and prevention kits sa mga eskwelahan na nakiisa sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill 2021.

BFP at MDRRMO, sanib pwersa sa pag-disinfect ng mga pribado at pampublikong lugar sa Bayambang

Bilang parte ng mga hakbang ng Lokal na Pamahalaan sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19 ay tuluy-tuloy ang MDRRMO at BFP-Bayambang sa regular na disinfection operations sa iba’t ibang lugar sa bayan.


AWARDS & RECOGNITION

Bayambang, 2020 Special ADAC Awardee
    
Noong September 6, pormal na tinanggap ng Municipal Anti-Drug Abuse Council sa pamumuno si Mayor Cezar Quiambao ang 2020 Anti-Drug Abuse Council Special Award mula sa DILG, Dangerous Drugs Board, at Philippine Drug Enforcement Agency.  Ito ay bilang pagkilala sa mga aktibidad ng LGU upang tulungang masawata ang paggamit ng ilegal na droga sa bayan ng Bayambang at manatiling drug-cleared ang lahat ng barangay simula 2017 hanggang 2019.

Bayambang, 2019 Good Financial Housekeeping Passer

Dahil sa pagpupursige ng lahat ng departamento sa financial cluster ng LGU sa ilalim ng mabuting pamamahala ni Mayor Cezar Quiambao, nanatiling pasado ang Bayambang sa mga mahihigpit na panuntunan ng DILG pagdating sa Good Financial Housekeeping para sa taong 2019, gaya ng mga nakaraang taon. Congratulations sa lahat ng Financial Cluster heads at staff, at maraming salamat sa inyong ipinamalas na sipag at tiyaga sa araw-araw na pangangasiwa ng pananalapi ng ating bayan. Ito ay isa na namang patunay na walang korapsyon sa pamahalaang bayan ng Bayambang, at bawat sentimo ng buwis ng bawat Bayambangueño ay napupunta sa tama at nararapat na mga proyekto para sa patuloy na pag-unlad ng bayan.
    
Mayor CTQ: One of 75 Most Outstanding Alumni ng UE

The Local Government Unit of Bayambang extends its warmest congratulations to our Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, for the latest accolade bestowed upon him, this time from his own alma mater, the University of the East: as one of UE’s 75 Most Outstanding Alumni in the Manila institution's diamond jubilee.  Dr. Quiambao graduated from the UE in 1969 with a Bachelor of Science degree in Accountancy.  For being a "a man of many firsts" and "the local boy who made good," Dr. Quiambao has made notable contributions to the Philippines' economic progress especially in the fields of ICT, PPP infrastructure projects, and now public service.  For all these, he is considered as an embodiment of a "true Red Warrior" of UE.
Once again, congratulations, our beloved Mayor, Dr. Cezar Quiambao! Your LGU family is proud of you!