Saturday, July 4, 2020

Summary of LGU Accomplishments - June 2020

GOOD GOVERNANCE

Public Hearing on Tricycle Management Code

Noong June 26, nagsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) Committee on Rules, Laws and Ordinances at Committee on Transportation and Public Order and Safety ng isang public hearing ukol sa proposed draft ng "Ordinance Enacting the Tricycle Management Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan" sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay dinaluhan ng publiko, partikular na ng mga opisyal at myembro ng Tricycle Operators and Drives Association (TODA) ng Bayambang, upang malaman ang kanilang saloobin at suhestiyon para makatulong sa pagbuo ng nasabing panukalang batas para sa isang maayos na public transportation sa bayan.

LIVELIHOOD



FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION

Assessor's Office Land Verification at Survey

Noong June 15, nagsagawa sa Brgy. Del Pilar at Brgy. Bical Sur ang Municipal Assessor's Office ng initial ground observation at verification ng isang lote roon para sa future land disposition sa mga informal settlers.  Noong June 16, nagsagawa rin sila ng geodetic survey sa isang subdivision sa Brgy. Magsaysay upang magawan ng subdivision plan ang naturang lupain at nang ito ay mapatituluhan at mabili ng mga matagal nang nakatira sa lugar.


HEALTH 


EDUCATION


OTHER SOCIAL SERVICES

Ayuda para sa Barangay Frontliners

Bilang tanda ng pagmamalasakit ng Team Quiambao-Sabangan at ng buong pamunuan ng LGU-Bayambang, namahagi ang MDRRMC noong June 23 ng isang kabang bigas, isang kahon ng kape, at tomato salsa sa mga barangay frontliners para makatulong sa araw-araw nilang pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng mga  mamamayan na kanilang nasasakupan.

PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY

Public Hearing on Tricycle Management Code

Noong June 26, nagsagawa ang Committee on Rules, Laws and Ordinances at Committee on Transportation and Public Order and Safety ng Sangguniang Bayan ng isang public hearing ukol sa proposed draft ng "Ordinance Enacting the Tricycle Management Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan" sa Balon Bayambang Events Center. Dito ay inimbitahan ang publiko upang malaman ang kanilang opinion at suhestiyon para makatulong sa pagbuo ng nasabing panukalang batas para sa kabutihan ng lahat.

Quarterly Meeting ng POPS Cluster, Ginanap 

Nagpulong ang mga miyembro ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Cluster noong June 11 sa Sangguniang Bayan Session Hall, sa pag-oorganisa ni Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario. Sa pulong ay nagpresenta ang mga miyembro ng council ng kanilang accomplishment report at programs, projects, at activities para sa 2nd at 3rd quarter. Pagkatapos nito ay binalangkas at iprinisenta ang 3-year POPS Plan para sa Bayambang sa taong 2020-2022.

Bayad ng Danyos para sa Wawa-San Gabriel 1st-Pugo Roadline Project

Noong June 13, nagpamahagi ng compensation ang LGU sa dalawampu’t apat (24) katao na naapektuhan ang mga lupaing sakahan para sa biglaang konstruksyon ng daan sa Brgy. Wawa patungong San Gabriel 1st at Pugo Evacuation Center. Naroroon sa pamamahagi ng pagbayad ng danyos sa Wawa Barangay Hall sina ex-Councilor Gerry de Vera, Municipal Assessor Annie de Leon, at Engineering Office. Nagpamigay naman ang MSWDO ng 30 kaban ng bigas sa mga apektadong farmers bilang dagdag-kabayaran. Isinagawa ang biglaang konstruksyon nito bilang parte ng mga programa ng munisipyo upang mas mabilis na makapag-responde sa mga apektado ng COVID-19 ang mga health workers at frontliners.

TOURISM, CULTURE, & ARTS

122nd Philippine Independence Day

Noong June 12, nanguna si Mayor Cezar Quiambao sa pagdiriwang ng 122nd Philippine Independence Day sa harap ng bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo, kasama ang piling mga opisyal ng bayan ng Bayambang. Sa okasyong ito na inorganisa ng Municipal Tourism, Culture and Arts Office, binigyang-diin ni Mayor Quiambao ang kahalagahan ng disiplina at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ng lahat ang ating laban sa Covid-19 gamit ang makabagong teknolohiya.

AGRICULTURAL MODERNIZATION


DOST, Nag-Donate ng Portasol Dryers

Noong June 4 ay tinanggap ng LGU-Bayambang ang 4 units ng Portasol o portable solar dryer mula sa Pangasinan Science & Technology Center (PSTC) ng Department of Science and Technology sa Lingayen. Ang naturang Portasol units ay nirequest ng LGU sa pamamagitan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) at Municipal Agriculture Office. Ang isang unit ng Portasol ay may 180-kg capacity para sa pagpapatuyo ng palay, mais, at mga gulay na gagamitin sa food processing.

Livestock Insurance Processing 

Tumulong magproseso ang staff ng Municipal Agriculture Office ng mga papeles ng livestock insurance para sa mga alagang baka ng mga benepisyaryo ng cattle distribution ng Department of Agriculture Region I. Ito ay konektado pa rin sa pananalasa ng African swine fever noong nakaraang taon sa ilang barangay sa Bayambang.

Validation Interview for Farm Mechanization Program

Nagconduct ng validation interview ang Municipal Agriculture Office sa mga farmers association members na nag-qualify sa farm mechanization sa ilalim ng Corn Banner Program ng Department of Agriculture. Nitong linggo, nag-interview ang Agriculture staff ng mga myembro mula sa Brgy. Paragos, Buenlag 1st, Buenlag 2nd, at Duera.


Crop Insurance Processing, Tuluy-Tuloy

Tuluy-tuloy ang Municipal Agriculture Office sa pagproseso ng mga dokumento para sa crop insurance ng mga lokal na magsasaka. Ito ay upang maiprepara ang mga papeles para sa lingguhang pagkolekta ng mga ahente ng Philippine Crop Insurance Corporation. 


Backyard Garden Monitoring 

Nag-umpisa nang magmonitor ang Municipal Agriculture Office ng mga backyard gardening project sa iba't-ibang barangay upang makita ang lagay ng mga naturang proyekto kung saan nakatanggap ng mga libreng buto ng gulay ang mga kasaping kabahayan. 

Distribusyon ng Palay Mula DA

Tuluy-tuloy rin ang staff ng Agriculture Office sa distribusyon ng palay galing sa Department of Agriculture para sa mga lokal na magsasaka. Sa mga magsasakang hindi pa nakatanim ng palay: Maaari pong magtungo sa Municipal Agriculture Office upang makahingi ng binhi. Maaari ring makipag-ugnayan sa Farmers' Association president ng inyong barangay.


Distribusyon ng Fertilizer mula DA 

Nag-umpisa na rin ang Municipal Agriculture Office na mamahagi ng fertilizers galing sa Department of Agriculture para sa mga lokal na magsasaka. Ang unang distribusyon ay ginanap sa Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Amanperez noong June 18.

Bayambang Agriculture 2020

Nagpulong ang Municipal Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team noong ika-25 ng Hunyo 2020 ukol sa Bayambang Agriculture 2020 (BA 2020). Nakabalangkas sa BA 2020 ang mga plano at programa para sa mga magsasaka at mga stratehiya upang lalong mapayabong ang sektor ng Agrikultura sa Bayambang.

NIA, Nag-Site Inspection para sa Irrigation Project

Noong June 28, bumisita sa Bayambang ang mga opisyal at consultants ng National Irrigation Authority para mag-site inspection sa gagawing irrigation system para sa 22 na barangay bilang parte ng agricultural modernization program ni Mayor Cezar T. Quiambao.


ECONOMIC DEVELOPMENT

Bangon MSME Program

Nagpulong ang Bayambang Poverty Reduction Action Team, Business Permits and Licensing Office, at Department of Trade and Industry noong June 19 ukol sa pagpapatupad ng Bangon MSME Program bilang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa “new normal” sa bayan. Layunin ng programang ito na tulungang buhayin ang mga negosyo dito sa Bayambang, lalo na ang mga lubos na naapektuhan ng COVID-19.


INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT


Narito naman ang mga proyekto ng ating Engineering Office:

Multi-Purpose Covered Court - Apalen

Multi-Purpose Covered Court in Brgy. Apalen

Multi-Purpose Covered Court - Mangayao

Multi-Purpose Covered Court in Brgy. Mangayao

Road Widening in Zamora St., Magsaysay

Clearing Operation/Road Widening in Zamora St., Brgy. Magsaysay

Annex Building, Binuksan para may Physical Distancing sa LGU Offices

Upang masiguro na may physical distancing sa mga tanggapan ng LGU at maiwasan ang posibleng hawaan sa mga frontliners, binuksan ang Municipal Annex Building noong June 5 sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul Sabangan at mga department heads. 
Dito ililipat ang ilang tanggapan sa Munisipyo na masisikip at magkakalapit ang mga staff.

Local Access Road in Ataynan Elementary School

Covered Court in Zone 6

Covered Court in Amancosiling Norte

Clearing and Cleaning Operation of Sidewalk Across the Street In Front of BNHS and PSU for the Proposed Parking Area

Installation of Trusses and Roofing of Municipal Warehouse in Brgy. Telbang


ENVIRONMENTAL PROTECTION

Libreng Eco-Bags, Ipinamahagi sa Mamimili

Simula June 21 ay nagpamahagi ng daan-daang libreng eco-bags ang Ecological Solid Waste Management Office sa mga namamalengke sa Bayambang Public Market. Ang mga reusable bags ay dinonate ng Magic Supermarket at Puregold. Ito ay parte ng pagsulong ng ESWMO sa kanilang "Bring Your Own Bag" policy upang maiwasan ng mga mamimili ang paggamit ng single-use plastics na siyang malimit na dahilan ng pagbara sa ating mga drainage system.

ESWMO, Kaisa sa Pagdiriwang ng National Environment Month

Bilang pagdiriwang sa Environment Month 2020 sa buwan ng Hunyo, nakiisa ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa pagsasagawa ng sabayang clean-up activity sa buong bansa.

Noong June 26, sa temang "Environment During Pandemic: #WeCleanAsOne", nagsama-sama ang mga pinuno at kawani ng ESWMO sa tulong ng mga kawani ng Office of Special Economic Enterprise at ng Zone I Barangay Council upang linisin ang Pamilihang Bayan.

DISASTER RESILIENCY

 
Front Desk para sa mga LSI

Sa pagtutulungan ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, Rural Health Unit, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Local Government Operations Office, at PNP-Bayambang ay naging sentralisado ang proseso sa pagkuha ng Medical Certificate at Travel Authority para sa locally stranded individuals (LSIs) na uuwi sa kani-kanilang mga bayan o probinsya mula sa Bayambang. Isa itong paraan para maiwasan ang pagdami ng mga tao sa munisipyo at mahigpit na maipatupad ang physical distancing. Parte pa rin ito ng mga ipinapatupad ng LGU-Bayambang para sa kaligtasan ng mga Bayambangueño mula sa COVID-19.


LCR, Naatasan sa Contact Tracing

Naatasan ang Local Civil Registry sa ilalim ni Ismael Malicdem Jr. na mangalap ng impormasyon sa lahat ng papasok sa Municipal Compound upang maging sistematiko at mas mapadali ang contact tracing kung sakaling may magpositibo sa mga kliyente at bisita ng LGU.

Alagang Baka mula DA para sa mga Naapektuhan ng ASF

Noong June 3, nakatanggap muli ng tulong ang mga mamamayan ng Bayambang na naapektuhan ng African swine fever o ASF. Bukod sa cash assistance na nauna na nilang natanggap mula sa Deparment of Agriculture Regional Office I, ang mga nasalanta ay nakatanggap muli ng alagang baka mula sa ahensya. Sa inisyal na distribusyon, inunang bigyan ang mga benepisyaryo na taga-Brgy. Apalen, at may kabuuang pitumpu’t-apat (74) na baka ang naipamahagi. Nakatanggap din ng baka ang mga mula Brgy. Inirangan, Carungay, at Tatarac.

BAMACADA, Papasada na Simula June 8

Simula Lunes, June 8, 2020, ay magkakaroon na ng regular na byahe ng bus ang Bayambang-Malasiqui-Calasiao-Dagupan o BAMACADA Transport Cooperative mula 5:30AM hanggang 6PM araw-araw. Para sa kaligtasan ng lahat, kailangang obserbahan ng mga pasahero ang minimum public health standards sa lahat ng oras. Samantala, noong June 4, pinulong ni Municipal Planning and Development Officer Ma-lene Torio, kasama si Supervising Tourism Officer Rafael L. Saygo at Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo, ang mga opisyal at myembro ng BAMACADA Transport Cooperative para sa maayos na koordinasyon ng grupo at ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang. Kasabay nito ay ininspeksyon ni Dr. Vallo ang mga bus kung sila ay sumusunod sa minimum health standards.

Isolation Units ng Bayambang, Aprubado ng DOH Center for Health Development I

Inaprubahan na ng Department of Health-Center for Health Development-Region I (San Fernando City, La Union) ang dalawang isolation facilities ng Bayambang sa San Gabriel 1st Evacuation Center at Pugo Evacuation Center para sa mga umuwing residente na kinukonsiderang "suspected and probable COVID-19 cases with mild symptoms." Ang sertipikasyon ay inilabas noong June 8 ni DOH-CHD-I Director, Dr. Valeriano Jesus Lopez.

BNHS Batch '68, Nagdonate ng P42,500 Cash

Noong June 10, isa na namang batch ng alumni mula sa Bayambang National High School ang nagdonate sa LGU-Bayambang upang makatulong sa muling pagbangon ng mga kababayan sa COVID-19 pandemic at bilang tugon sa panawagan ng lokal na pamahalaan. Ang BNHS Batch '68, na nirepresenta ni batch president Vida Junio at officer Ofelia Fernandez, ay nagbigay ng P42,500 na cash, at ito ay tinanggap ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan sa Mayor's Office. Maraming salamat, BNHS Class of 1968!

Consultative Meeting Kasama ang LSB at DepEd

Isang consultative meeting kasama ang Department of Education (DepEd) ang idinaos ng LGU noong June 15 sa Municipal Conference Room ukol sa proposal na online class o online enrollment at DepEd Guidelines para sa school year 2020-2021 para sa mga lokal na elementary at national high school. Ang consultation meeting ay pinangunahan nina Municipal Councilor Benjie de Vera at Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez, at ito ay dinaluhan ng mga DepEd officials, Dr. Rolando Gloria ng Local School Board, at iba pang LGU officials.  Layunin ng LGU-Bayambang na tumulong sa kung anuman ang plano ng DepEd sa panahon ng 'new normal' para sa educational system.


49 Frontliners, Negatibo sa Rapid Testing

Sumailalim sa Rapid Diagnostic Test (RDT) para sa COVID-19 ang mga frontliner na myembro ng PNP - Bayambang at ilang mga opisina ng Lokal na Pamahalaan. Gamit ang mga rapid test kits na donasyon ni Mayor Quiambao, at sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo at ng Rural Health Unit ay lumabas na negatibo sa COVID-19 ang 49 na mga frontliners. Ito ay para sa kaligtasan nila at kaligtasan ng mga Bayambangueño dahil sa araw-araw na pagkaka-expose nila sa publiko. 


Orientasyon para sa Accommodation Establishments

Noong June 17, pinulong ni Municipal Supervising Tourism Operations Officer Rafael Saygo ang mga accommodation establishment owners at managers ng bayan upang ipaliwanag ang mga guidelines na kailangang sundin ngayong nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine o MGCQ ang Bayambang. Ipinaalam sa kanila ang mga paraan upang makakuha ng accreditation mula sa Department of Tourism, at ang public health standards na dapat iimplementa sa kanilang muling pagbubukas.

Iba’t-ibang Establishments, Ininspeksyon

Naglibot sa iba’t ibang establishments sina Sanitary Inspector Danilo Rebamontan, kasama si Public Order and Safety Officer Col. Vivencio Ramos, noong June 17 para mag-inspeksyon kung sila ay nag-iimplementa ng public health standards at para masiguro ang kalinisan at pagsunod ng mga food establishments sa direktiba na 50% occupancy. Ang mga ito ay alinsunod sa guidelines ngayong nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bayan. Parte ito ng mga aksyon ng Lokal na Pamahalaan para mapanatiling ligtas ang mga Bayambangueño mula sa COVID-19.

Byahe ng Bayambang-Dagupan UV Express

Nagsimula ng bumyahe ang apat na UV Express ng Bayambang-Dagupan City via Malasiqui noong June 19. Ito ay matapos nilang matanggap ang special permit mula sa LTFRB at masiguro ang kanilang pag-comply sa minimum public health standards. Patuloy namang nakikipagtulungan ang LGU, sa pangunguna ni Municipal Planning and Development Officer Malene Torio, sa mga transport cooperative sa Bayambang para madagdagan ang mga pampublikong sasakyan na bumabyahe papuntang ibang bayan.

Alagang Baka Mula DA 

Nagpatuloy ang pamamahagi ng alagang baka sa Brgy. Apalen sa mga nalalabi pang pamilyang naapektuhan ng ASF. Noong June 23, may 48 na dumalagang baka (o heifer) ang ipinamahagi sa mga apektado ng ASF mula sa Brgy. Apalen, Tatarac, Inirangan, at Carungay. Katumbas ng isang bakang ipinamigay ay ang walong baboy na boluntaryong isinumite ng pamilya sa culling operations ng pamahalaan.